Author |
Message |
whernas2001 |
Posted: Fri Nov 12, 2010 7:32 am Post subject: |
|
Kariyoka ...isang uri ng maliit na biwas na nakakabit sa taling tamsi na may habang 2 metro o higit pa at sa kabilang dulo naman ay putol ng waterlili o kaya ay goma silbing palutang…habagat din ito iniuumang sa dulong palayan… kailangan humulma ka muna ng hugis bilog sa gusto mong laki at doon ito iniuumang may pain na bulateng puti o pula…puti mas gusto ng dalag o bakuli…
Very exciting ang isang ito dahil papapakin ka talaga ng lamok at mangingitim ang butas ng ilong mo dahil sa dalang sulu na de gas…at kalimitan sa aking pagsama sama sa ganitong pamalakaya sa sobrang pagod ay nakakatulog na nakatayo maaalimpungatan na lang kapag lilipat na sa iba pang umang…sobrang pagod dahil kalimitan ay naglalakad lang na maraming bitbit minsan arganas at balde ng isda…
Naala ala ko pa noon nung mag champion sa amature si amang Mining Navarro yung kantang Inday Ng Buhay Ko rinig na rinig sa tapat ng Kasili sa dulung palayan habang ito ay kanyang kinakanta. lakas ng echoooo dami naming huli noong gabing yun bisperas ng piyesta sa Paete (payti)
Bigan Mag share ka naman jan alam ko na punong puno ka ng kaalaman sa mga ganitong Usap.
Salamat Po
Always
Winston |
|
 |
guess |
Posted: Fri Nov 12, 2010 6:25 am Post subject: |
|
Limas |
|
 |
guess |
Posted: Fri Nov 12, 2010 6:22 am Post subject: |
|
Kalahig ng susu (kuhol). |
|
 |
guess |
Posted: Fri Nov 12, 2010 6:14 am Post subject: |
|
Baliwasnan / biwas |
|
 |
nacklit |
Posted: Fri Nov 12, 2010 3:07 am Post subject: Panti |
|
Ito ang tawag sa Lambat, katutubong Payti ang Panti
Air Gun naman ang De Bomba, dahil binubomba ang hangin sa barel ng air gun. |
|
 |
guess |
Posted: Thu Nov 11, 2010 6:53 pm Post subject: |
|
Panti |
|
 |
guess |
Posted: Thu Nov 11, 2010 6:49 pm Post subject: |
|
De bomba |
|
 |
guess |
Posted: Thu Nov 11, 2010 11:30 am Post subject: |
|
dawag (sa bungbong) |
|
 |
guess |
Posted: Thu Nov 11, 2010 11:30 am Post subject: |
|
Balonglong |
|
 |
guess |
Posted: Thu Nov 11, 2010 11:29 am Post subject: |
|
basnig |
|
 |
guess |
Posted: Thu Nov 11, 2010 11:29 am Post subject: |
|
salambaw |
|
 |
guess |
Posted: Thu Nov 11, 2010 11:28 am Post subject: |
|
Balantok |
|
 |
whernas2001 |
Posted: Thu Nov 11, 2010 5:29 am Post subject: |
|
guess wrote: | Bumbon, saltik, sibat, pana, patalpak, pukot, patda, patibong, bitag, pulad | Paano ito mga ginagawa at ginagamit?
May nakakwentohan ang isang maestra sa elementarya at nagpapasalamat sya sa mga nakukuhang magandang aral dito sa Usap sa lahat ng mga naisusulat at naibabahagi natin balita man o larawan...
Hindi lang bilang isang libangan kundi nakapagbibigay pa tayo ng kaalaman lalo na sa mga bata na hindi na kinagisnan at isa na nga ang mga ganitong uri ng katutubong pamalakaya...
Salamat Po
Always
Winston |
|
 |
whernas2001 |
Posted: Thu Nov 11, 2010 4:54 am Post subject: |
|
Pugad… Ito ay matrabahong pamalakaya…kailangan ay maglala o magsala ka ng kawayan na isang metro kudrado dalawang masinsin at isang madalang patutuyuin sa araw…damong malit at damong gapang galing sa laot…ang malit ay nakapalaman sa 2 masisin na nilalang kawayan at ang damo naman ay sa paligid silbing bahayan na may pinto at bubong …. Ito ay iniuumang sa laot nakatali sa tulos ng kawayan kapag habagat at kailangan maghintay muna ng dalawang lingo para sa unang pamamandaw na ginagamitan ng saklob na may lambat…nahuhuli ang dalag o hito kapag ito ay nagulat at tumalon…isang panahon din lang ito sa isang taon ginagamit na pamalakaya…
Kapag may huli na ay nakaugalian na ang magsaing at magsigang ng dalag sa dagat sa ibabaw ng waterlilihan kapag tapos na ang pamamandaw sa gabi.
Matagal din akong kasakasama sa pagawa hangang sa pamamandaw nito noong araw sobrang hirap ang ganitong uri ng pamamalakaya.
Salamat Po
Always
Winston |
|
 |
guess |
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:51 pm Post subject: |
|
Bumbon |
|
 |
guess |
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:32 pm Post subject: |
|
Patalpak |
|
 |
guess |
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:31 pm Post subject: |
|
Pulad |
|
 |
guess |
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:31 pm Post subject: |
|
Pana |
|
 |
guess |
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:30 pm Post subject: |
|
Sibat |
|
 |
guess |
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:30 pm Post subject: |
|
Pukot |
|
 |
guess |
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:29 pm Post subject: |
|
Patibong |
|
 |
guess |
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:28 pm Post subject: |
|
Patda |
|
 |
guess |
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:08 pm Post subject: |
|
Saltik |
|
 |
guess |
Posted: Wed Nov 10, 2010 1:46 pm Post subject: |
|
Para kay G.W.Hernas,
Ang skylab ay yari sa chicken wire, rectangular shape na may butas na parang pinto sa ibabaw kung saan papasok ang isda. Ito ay para sa mababaw na palayan na may tubig. Para ding pasadsaran ang pinaglalagyan. May pain din, kaya pagpasok ng gurami o tinikan, mahuhuli ang isda sa loob ng skylab. Maraming ganyan sa mabababaw na pangisdaan sa mg palayan. |
|
 |
whernas2001 |
Posted: Wed Nov 10, 2010 8:02 am Post subject: |
|
Anonymous wrote: | BARADAG... TSAKA PURUPOT... Skylab |
ano ang nahuhuli naman nito?
Meron pa rin bagang Dulong sa Paete? ano ang panghuli nito?
Salamat po
Always
Winston |
|
 |