Author Message
vincentvaldivia
PostPosted: Thu Jun 23, 2011 4:08 pm    Post subject:

Hi Fred,

Nabasa ko na siya ay bading, pero meron akong mga kilala na bading at tomboy na dahil sa papel ay nagpapakasal sila.

Hindi natin alam ang kanyang dahilan kung bakit hindi niya ginawa yon.
fredmc
PostPosted: Thu Jun 23, 2011 2:17 pm    Post subject: Solusyon?

Hi Vic,

Marahil hindi mo napansin sa kanyang kumpisal, pero ayaw niyang mag-asawa dahil siya pala ay isang "bading" LOL. Kunti pa lang states ang merong legalized same sex marriage.

FredMC
vincentvaldivia
PostPosted: Thu Jun 23, 2011 12:35 pm    Post subject: Pinoy

Hi Fred,

Bakit kaya hindi nya sinunod yong payo ng lolo nya na mag asawa ng US citizen?

Hindi rin niya siguro dapat sisihin ang kanyang ina sa pagpapadala sa kanya dito sa US. Ang nais ng magulang niya ay gumanda ang buhay nya dito at siguradong walang alam ang magulang nya sa situation nya dito.

Nakapag aral pa naman siya dito at nakatanggap ng mga parangal sa pagsusulat at sa ibang bagay. sinayang niya ang kanyang talino.

Marami dito na mga kababayan natin na mas mahirap ang naging karanasan kesa sa kanya na ngayon ay legal na sa America.

Nakapanghihinayang ang isang katulad nya na matalino na babalik sa atin na walang kamuang muang sa patakbo ng buhay at gobyierno sa atin.

Sana ay may magawa pang paraan na siya ay maging legal dito sa US.

Ito ay kuro kuro ko lamang.
fredmc
PostPosted: Thu Jun 23, 2011 10:51 am    Post subject: Undocumented Pinoy

Hi Vic,

Kahapon lang na-publish sa NY Times ito kaya wala pang balita. For sure, he is guilty kaya baka ma-deport, unless some influential people can help him out.

FredMC
vincentvaldivia
PostPosted: Thu Jun 23, 2011 10:15 am    Post subject: Undocumented Pinoy Immigrant

Fredmc, Very Interesting, What happened to our kababayan? Do you have any idea?
fredmc
PostPosted: Thu Jun 23, 2011 9:58 am    Post subject: American dream of an undocumented Pinoy immigrant

This article from New York times is a full confession of an undocumented Pinoy immigrant. While it is not exactly considered inspirational nor spiritual, there are lessons we can learn from his experience and his American dream.

http://www.nytimes.com/2011/06....._LO_MST_FB

Fredmc

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group