Author Message
amorsk
PostPosted: Tue Apr 05, 2016 4:53 am    Post subject: family tree

Anonymous wrote:
Paano ko po ba macontact si Amor Salceda Cagahastian?


Now lang ulit nakapunta rito sa usap paete, eh wanted na pala ako. Nas, si kang ayang aseoche ay second cousin ko kaya si edgar na ama mo ay pamangkin ko at ikaw naman ay apo ko na. Si amang oyong ay pinsan naman ni ama. kaya malapit kayong kamag-anak. anyway, may mga nag-advise na sa iyo ng dapat gawin. sana nakita mo na ang mga links. Last year ay nagkita kami ng tiya sally mo sa paete.
Guest
PostPosted: Fri Nov 06, 2015 10:06 pm    Post subject:

Naku, wala po akong natatanggap. Salamat po. Pwede pong pasend ulit?
vennb
PostPosted: Sun Oct 04, 2015 4:47 pm    Post subject: Family Tree

Just wondering if you received the Cagahastian Family Tree I sent you on Facebook? Please let me know... regards

Just type Amor Kagahastian on Facebook.
Guest
PostPosted: Sat Oct 03, 2015 11:27 am    Post subject:

Paano ko po ba macontact si Amor Salceda Cagahastian?
Nas Cagahastian
PostPosted: Sat Oct 03, 2015 11:25 am    Post subject: Salamat

Salamat po sa mga replies ninyo. Ngayon ko lang nabasa pero ang saya ko! Si Gregorio Cagahastian nga po yung lolo ko. Salamat, hahanapin ko po yung mga nabanggit ninyong leads. Ipopost ko din po yung nagawa kong family tree. Salamat Smile
fredmc
PostPosted: Fri Sep 18, 2015 4:52 pm    Post subject: Your Family Tree

Thank you Nas Cagahastian sa pagtatanong mo. Naalaala ko tuloy na dapat kong i-update ng family tree namin sa Cagayat.

For your information, meron na tayong section sa Usap Paete Forum na "Family Trees" na galling sa mga ulat ni Teodoro "Dodo" Cajumban, Sr. Sa pagsusumikap nina Mayor Mutuk Bagabaldo at panimula ni Ofelia Ac-Ac Demyttanaere at ng ibang tumulong, ang Family Trees section ay sadyang marami ng informasyon. Congratulations and thank you to all those who put together the information on Paete's Genealogy.

Sa section ng Family Trees go to page 4 and you'll see the Cagahastian families - pareho ng binigay ni Jimbol. Contact Mayor Mutuk Bagabaldo if you want to update further your family trees. Nandoon nga yong Gregorio Cagahastian at Edgar Cagahastian.
jimbol
PostPosted: Sun Sep 13, 2015 9:17 pm    Post subject: Re: Family HISTORY - Cagahastians

Nas Cagahastian wrote:
Hi! Ako po si Nas Cagahastian na nakatira sa San Pedro, Laguna. Ang tatay ko po ay Taga Paete, si Edgar Cagahastian anak ni Ayang at Oyong puti Cagahastian. Kasalukuyan ko pong ginagawa ang aming family tree. Nais ko pong humingi ng tulong para ituloy ang aking nasimulan. Kasalukuyan po akong nasa fifth generation. Kung sino man ang may pwede maitulong, masaya akong tatanggapin ito. Salamat po!


Nas hindi ako sigurado kasi palayaw lang ang nilagay mo (Ayang at Oyong) pero kung hindi ako nagkakamali ay ito ba ang hinahanap mo?

1Ai. Gregorio C. Cagahastian, naging asawa si Macaria Aseoche na anak nina Osi Dailo at Pablo Aseoche.
Naging mga anak (9)
1.) Henry A. Cagahastian, namatay ng bata pa.
2.) Mariela A. Cagahastian, namatay ng bata pa.
3.) Oscar A. Cagahastian,
4.) Benito A. Cagahastian,
5.) Salome A. Cagahastian,
6.) Antonio A. Cagahastian,
7.) Arnel A. Cagahastian,
8.) Edgar A. Cagahastian,
9.) Mar A. Cagahastian,

Pero kung ito nga ay nakalagay na ito sa Cagahastian 2 ng family tree... update lang ang kailangan... kung gusto mo pwede ikaw ang mag update. I-post mo lang yung mga nagawa mong family tree ninyo para ma-update. ito ang link http://paete.org/forums/viewtopic.php?t=4508

Thank You Smile
Guest
PostPosted: Sun Sep 13, 2015 1:57 pm    Post subject: Cagahastian...

Nas Cagahastian,

-Suggestion ko na lang sa iyo, i 'google' mo pangalan ng lolo mo, Gregorio Cajipe Cagahastian tapos i click mo na lang ang gusto mo/ yung inaakala mong may connection sa 'research' mo...and Good luck.

-P.S. Natingnan mo na bang lahat ng mga 'entries' sa Cagahastian Family Tree sa Usap. Humingi ka rin ng tulong kay Amor Salceda Kagahastian.Tiyak kong very willing siyang tulungan ka iba na yung kilala natin ang hinihingan ng tulong. Hindi natin gasinong maaasahan ang mga guests na ayaw magpakilala. Barkada ko noong araw ang Tiyo Oscar mo kaya ako nagmamalasakit sa project mo. If you need my cell phone number to text me, just let me know thru Usap.
Guest
PostPosted: Sat Sep 12, 2015 10:24 pm    Post subject:

Mas mabuti siguro na ipost mo ang nagawa mo ng family tree at ang makakakita ay magbibigay ng additional fill-up.
Guest
PostPosted: Sat Sep 12, 2015 2:53 pm    Post subject: Tulong

May kasabihan dito sa Paete, ganito yun:

-"Walang maraming sabi, sa taong marunong umintindi"
Guest
PostPosted: Thu Sep 10, 2015 7:08 pm    Post subject: Family HISTORY

Paano ka matutulungan e hindi mo naman sinabi kung anong tulong ang kelangan mo?
Nas Cagahastian
PostPosted: Thu Sep 10, 2015 1:10 am    Post subject: Family HISTORY - Cagahastians

Hi! Ako po si Nas Cagahastian na nakatira sa San Pedro, Laguna. Ang tatay ko po ay Taga Paete, si Edgar Cagahastian anak ni Ayang at Oyong puti Cagahastian. Kasalukuyan ko pong ginagawa ang aming family tree. Nais ko pong humingi ng tulong para ituloy ang aking nasimulan. Kasalukuyan po akong nasa fifth generation. Kung sino man ang may pwede maitulong, masaya akong tatanggapin ito. Salamat po!

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group