Author Message
BATANG ETEAP
PostPosted: Mon May 11, 2009 11:36 pm    Post subject: 21st Century na ...

Minsan nagtanong ako d2 sa usap Paete kung marunong o nakakahawak ng Computer ang ating KAPULISAN di naman nai-post wala naman akong iniisip na masama nais ko lang malaman na sa pamamagitan ng Makabagong Teknolohiya , Malaki ang mitutulong nito basta gagawin lang ng tama...mataas na PNP narin ang nagsabi na makakabuti ang mga CCTV camera...sa Computer kc maraming Infomation ang makukuha at pwede gamitin kung marunong lang at pag-aaralan" MABILIS" kc,,,tulad ng iba na gumagamit sa isang pindot mo lang alam mo na kung ang "Plaka ng dumaan na sasakyan ay nasa Alert"(ginagamit na ito ng ibang Baranggay Patrol)...alam ko na ang sasabihin na naman..."WALANG PONDO" hay naku kung walang diskarteng legal tsaka nalang magsabi ng walang pondo...ano ka sinilang kahapon?
mai-post man ito o hindi ok lang..."Godbless na lang s'tin" Mabuhay ang mga taga Paete Laguna!!!
guest
PostPosted: Mon May 11, 2009 11:19 pm    Post subject:

apparently gest has no experienced in military, they have protocols and orders to be followed,there is a chain of command and they have to make their daily routine checks,it may look like nothing to you but it needs to be done. They can"t keep an eye on everybody>they need help from you and me and if the witness refuse to cooperate there"s not much they can do, even here in USA they have a hardtime catching criminals. They need the support of the people and you guys are not giving it. So, back off and let them do their job, or help them to get the job done. You also have to remember that only the officials who have the need to know will be brief and in due time everybody will know,daily routine must cont, so be patient.
Gest
PostPosted: Mon May 11, 2009 10:47 pm    Post subject:

Sabi ni guest: huwag ninyong sisihin ang mga pulis, marami silang trabaho. Naniniwala ba kayo doon? Nakita ba ninyong magronda ang mga yan? Baka pag tapos na ang laban saka lamang lalabas sa lungga pero pag oras na kailangan, nasaan sila? Maraming trabaho? Ano ano yon?
guest
PostPosted: Mon May 11, 2009 12:09 pm    Post subject:

huwag ninyong sisihin ang mga pulis,marami silang trabaho,pero mas marami sa atin na pag may krimen nagiging bulag,pipi at bingi hind makatulong sa paglutas ng krimen dahil takot sumabit. Marami naman ang may cellphone hindi makatawag at may arthritis yong daliri. Kung magtutulongtulong tayo baka may masolve na krimen otherwise live with it.
Gest
PostPosted: Sun May 10, 2009 4:20 pm    Post subject: Para kay nangangamba

Huwag na po nating tanungin ang mga namumuno o ang kapulisan, alam ng lahat na walang ginagawa ang mga iyan at alam nating walang nalulutas na krimin sa ating bayan.
kung may nalutas , may narinig ka ba? kaya please, magtahimik na lang tayo, nakasasama lang ng loob. just keep quiet.
nangangamba
PostPosted: Sun May 10, 2009 3:50 pm    Post subject: nangungumusta lang po

mahigit anim na bwan narin naman nung nagtanong ako dito tungkol sa nangyari sa batang napatay, ano napo ba ang nangyayari dito, ano narin po bang nang yari sa iba pang kaso ng pag patay saating bayan na hanggang ngayun ay wala paring linaw...
may bago na tayong hepe ng kapulisan ano po ba ang ginagawa nila upang malutas o mabigyan man lang ng katarungan ang mga napabayaan ng kaso sa ating bayan tulad ng kaso ni Mylene Caguin na ilang taon ng natutulog sa kangkungan ang kaso, ganun din po ang kaso ni dela cruz, ano napo ba talaga ang nangyayari, nagtatanong lang...
Guest
PostPosted: Fri Feb 06, 2009 6:04 am    Post subject:

MAYOR ,

salamat po hayaan nyo po at pag handa na ako ay pupunta po ako di pa lang po kayang asikasuhin ngayon. kung di man po ako makapunta ay magpaparamdam po ako sa inyo kung sino ako.

hepe,

hoops nakaklimot sa kaso palalala lang kasi ang talamak na nakawan locked na. di ko sinasabing wala kayong ginagawa nag papaalala lang.

JTDLC
kanoel
PostPosted: Mon Jan 26, 2009 7:00 pm    Post subject:

JTDLC,
Hindi nga po natin pwedeng isiwalat dito sa public forum yong mga pangalan ng suspect, o kahit hint kung sino (for obvious reasons) Hintayin po kita sa aking office para samahan ka mismo kay hepe.
Salamat po,
Ka Noel
Guest
PostPosted: Mon Jan 26, 2009 5:31 pm    Post subject:

eh sa mga kriminal na pumatay po mayor may mga suspect na po ba? kahit mga hint lang po para lang may konting liwanag na may nangyayri. muli po salamat sa atensyon na binibigay nyo isa lamang po akong hamak na mamamayan ng paete pero nabibigyan ng pansin ng isang mayor. hayaan nyo minsan di puro reklamo makikita nyo sakin makakatulong din ako minsan.

JTDLC
zaider
PostPosted: Sat Jan 24, 2009 11:14 am    Post subject: concern

......sa plagay ko nman d tumitigil ang kinauukulan para malutas ang mga kaso na nkabinbin!kulang lng sa inpormasyon ba,kaya nanawagan kmi sa mga taong pwedeng tumestigo o may knalaman sa kaso,lumabas na kau.....tandaan nyo lahat ng ksamaan ay may katapusan din!GOD knows evrything............
Guest
PostPosted: Fri Jan 23, 2009 8:54 am    Post subject:

di ba tama ako mawawala na lang at makakalimot ang sambayanan ay di parin malulutas ang kaso.

sabi nga ang pinoy ay "ningas kugon" totoo ba yun? sakin hindi kaya sa kinauukulan puede po ba malaman ang update?

JTDLC
zaider
PostPosted: Sat Jan 17, 2009 6:06 am    Post subject: concern

lahat kau ay my punto jan,ang problema lng.....mejo nawawala kau sa topic!ang kailangan sa atin ay magkaisa upang makatulong tau sa kinauukulan....... Sad wag matakot,makibaka!sugpuin ang kriminalidad sa ating bayang sinilangan...........sugpuin ang droga!!!!!
fm
PostPosted: Mon Jan 05, 2009 6:13 am    Post subject: la sisi

wala namang sinisisi ah,binubulabog lang ang dapat mabulabog at ng
magising.hindi naman pwedeng mag ala juan tamad na maghintay ng
testigo na lumapit sa munisipyo,kumdi maghanap ng lead para kung maramdaman ng tetestigong may kakayanan ang pulisya eh di saka sya walang kabang lalantad.
peaceful new year po sa lahat!!!
puro porma
PostPosted: Mon Jan 05, 2009 5:12 am    Post subject: at sinung pikon?????

paki check nyo nalang ung mga accomplishments na nakapost dito din sa trend nato, dahil sa di lang sa peace and order ang programa ng mga kasapi ng PACTAF, kaya i review mo ang accomplishments ng PACTAF sa taong 2007, and wag kang mag alala dadating na ang for 2008.

tama ka na meron pa ring mga kababayan na kesa manisi, mangutya at manlait sa mga kasapi ng PACTAF eh nagbibigay pa rin sila ng di matatawarang suporta at tiwala, kaya pinasasamalamatan namin sila ng tauspuso, pero ang realidad eh di nagiging sapat yun kaya sa kanya kanyang pa ring bulsa at pondo ng mga miyembro at bawat samahan ang aming ginagastos para makaraos ang isang gabing ronda at iba pang mga programa.

now ang punto ko laang ayy eto, bakit di kayo mag laan ng oras kahit na isang gabi lang para makita nyo at kung papaano sila kumikilos at ng makita nyo kung pumoporma nga lang ang aming tropa, at eto ang isang hint tungkol sa kasong to, meron na pong mga lead and kaakibat pa rin ang PACTAF sa operation ng pagusad ng kasong to, pero di pwedeng ilahad and detalye....for obvious reasons.....peace man.....!!!!
Guest
PostPosted: Sun Jan 04, 2009 2:05 pm    Post subject: Re: Sisihan Na Naman

eboytons wrote:
Kay Juan TamadelaCruz, Guest etc.

Paki-usap lang, huwag na kayong manisi at di agad malutas
ang kaso, di naman ganon kadali ang maglutas ang kaso, lalo pa
at walang pang tumetistigo at limited din naman ang resources nila at kahit na sino tulad nila ay may limitasyon din ang kakayahan nila.
Kaya ang mabuti ay magtulungan na lang, walang sisihan,
walang husgahan, walang pulaan at kung ano ano pang negatibong opinyon na sa halip tulungan o matuwa ang ating kina-uukulan para sa ikalulutas agad ng kaso, ay lalo pang nagiging masalimuot at magulo
ang sitwasyon, doon tayo sa positibong solusyon, hindi puro paninisi at kung ano anong panghuhusga at negatibong komento.
KAYA PUEDE BAGA, TIGILAN NA NATIN, ETO KILALA NINYO AKO,
DI AKO NAGTATAGO SA AKUNG ANO ANONG ALYAS, SABIHIN NINYO KUNG MALI AKO SA POSTING KONG ITO.
SALAMAT SA LAHAT NG NAGMAMALASAKIT SA KASONG ITO SA POSITIBONG PARAAN
KA TONY DALAGAN O TONENOK, TONYO, BATANG LAYAS NG PLAZA ETC.
[/b]
< sang ayon po ako sa sanya hindi makakatulong ang paninisi ,tulungan natin sila ,ang ipagdasal din sila na malutas ang kasong ito..hindi lang para sa katarungan para din sa ating bayan.. Wink
Guest
PostPosted: Sat Jan 03, 2009 6:33 am    Post subject:

puro porma,

huag kang pikon kung member k ng pactaf ay di mag post ka ng nagagawa nyong accomplishment ng wala silang masabi. malay mo naman di sila nakapormang tumutulong di umano pero sila pala ang tumutulong natotoo. di ba may mga donation din kayo na natatanggap? ang mga tumutulong ba sa inyo ay nakaporma di ba minsan anonymous pa nga ang ilan? tama ka maligo at ng luminis ang ating katawan mag toothbrush na din ng mabango din ang bibig.

ano na nga po ba ang latest sa kaso? killer po ang hanapin at huag basta ibaling sa ibang krimen na gaya ng addiction ang panghuhuli?

JTDLC
Puro Porma
PostPosted: Sat Jan 03, 2009 3:51 am    Post subject: Delingkuwente

Buti pa nga ung mga Pactaf kahit pano nakakapormang mag silbi at tumulong para sa katahimikan ng ating bayan, at meron silang pormang isinasakrepisyo..

eh kayo anu na ang nagawa ninyong contribution sa ating bayan??? meron na ba?????

o baka naman kaya nagpuputok ang mga butsi nyo sa mga PACTAF eh kayo tong madalas na manggulo at ma curfew ng PACTAF, dahil mga tumatanda kayong mga paurong at mga walang uwido, o baka naman pinagaaral kayo ng mga magulang nyo para lang maging salot sa ating bayan.....

kaya maliguuuuuu.....!!!!! hani.....!!!!....kayo talaga...!!!
guest
PostPosted: Thu Jan 01, 2009 7:48 pm    Post subject:

TAMA KA DYAN!!!! PURO PORMA LANG ANG ALAM NG MGA YAN....
Guest
PostPosted: Thu Jan 01, 2009 7:23 am    Post subject: Re: tnx

pa wrote:
salamat po sa mga nagpost ng mga update. it's just so sad to hear na me bago na naman na masamang balita from our town. addict nga po ito walang nasa matinong pag-iisip ang makakyang gumawa ng ganito; usapan nga namin dito sa 400 pesos napatay ang isang bata..halaga po ng isang meal sa fastfood dito sa UAE..nakaklungkot po sobra.

may she rest in peace..
sa dami ng guardians at pactaf wala pa ring nanagyayari, pormahan na lang ba yan o magaling lang sila sa kayakayanan nila. HOY GISING!!!!
Guest
PostPosted: Thu Dec 18, 2008 3:49 pm    Post subject:

nooran shah,

xencya na mahirap na tao lang. work in comp lang kaya nakakapag post. pero kung meron man ako maibibigay di mo na kelangan sabihin yan. hayaan mo pag iisipan natin kung paano magkakpera sa legal n paraan.

ano na nga po pala latest sa mga kaso. may proven guilty na po baga? o pera na naman ang kelangan. hayyyyyyyyy!!!!!!!!!

JTDLC
Guest
PostPosted: Thu Dec 18, 2008 1:53 pm    Post subject:

Anonymous wrote:
Anonymous wrote:
sabi ko na nga ba pera na naman ang magiging problema eh. sana may mag donate.

JUANTMADDELACRUZ


alam mo JTDLC kesa magkomento ka ng magkomento, mabuti pa ikaw unang magdonate.... hek hek hek.............



pasensya na nakalimutan kong ilagay username ko... hek hek hek....

nooran shah
Guest
PostPosted: Thu Dec 18, 2008 12:59 pm    Post subject:

Anonymous wrote:
sabi ko na nga ba pera na naman ang magiging problema eh. sana may mag donate.

JUANTMADDELACRUZ


alam mo JTDLC kesa magkomento ka ng magkomento, mabuti pa ikaw unang magdonate.... hek hek hek.............
Guest
PostPosted: Thu Dec 18, 2008 12:38 pm    Post subject:

kanoel wrote:
Maganda yong suggestion na maglagay ng asset don sa Maytalang sa Lumban para magsurveilance, at sang-ayon ako sa mga obserbasyon na may mga taga Paete na don kumukuha ng droga. Kaya lang kung hindi rin lang mahuhuling bumibili sa akto o mahuhulihan na may dalang droga ay hindi rin maaaring kasuhan.
Ka Noel


meyor tama po ang suhestyon ng ating kababayan pero sa akin pong palagay kung magkakameron man halimbawa ng asset dun para sa surveilance, tiyak.... pag malalaman ng mga usher dahil sa mga posting na ganito, eh tiyakan pong dun na lang nila gagamitin yung biniling droga, di na para dalhin pa sa paete, di po baga na pag alang ebidensya alang kaso.....
Guest
PostPosted: Thu Dec 18, 2008 7:47 am    Post subject:

sabi ko na nga ba pera na naman ang magiging problema eh. sana may mag donate. paki basa na lng din po yung post ko mayor sa katungan kay harry. salamat po sa inoyng mga tugon.

JUANTMADDELACRUZ
kanoel
PostPosted: Thu Dec 18, 2008 7:31 am    Post subject:

Maganda yong suggestion na maglagay ng asset don sa Maytalang sa Lumban para magsurveilance, at sang-ayon ako sa mga obserbasyon na may mga taga Paete na don kumukuha ng droga. Kaya lang kung hindi rin lang mahuhuling bumibili sa akto o mahuhulihan na may dalang droga ay hindi rin maaaring kasuhan. Mga pulis lang ang maaaring magsaliksik sa sino mang pinaghihinalaan. Kung pulis naman ang mag susurveilance e labas na sa ating hurisdiksyon ang Lumban. Magkakaron tayo ng encroachment sa teritoryo. Marami ng mga pangalan ang nasa “watch list”, may kopya na rin ang mga Kapitan ng Barangay para sa masusing pagmamatyag, ang kailangan na lang ay mahulian sila ng actual possession o aktong paggamit. Sasabihin ko din kay Mayor Paraiso ng Lumban itong inyong mungkahi, kaya lang, tiyak na mapupunta ito sa mas mabigat na katanongan, bakit sa napakatagal ng panahon, na kilalang kilala itong Maytalang na pinamumugaran ng no. 1 drug dealer dito sa Laguna, pero hanggang ngayon ay hindi ito maipatigil?
Yon namang sniffing dog, Ok din yan, kaya lang may kamahalan ang mga ganitong aso at special handler and kailangan na kasamang nagtraining nong asong ihahandle niya. Hindi po kakayanin ng budget ng ating Municipio.

Maraming salamat po sa inyong magagandang mungkahi.

Ka Noel

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group