Author Message
mutuk
PostPosted: Fri Apr 17, 2009 9:23 pm    Post subject:

Hello Elizabeth,

Halos kinokopya ko lang yung mga nakatala sa records. Hamo at i-double check ko. Walang opisina ngayon, nasa office ko yung mga records

I-trace ko din yung mga tanong mo about your Asido side.

Walang anuman,
vice mutuk
Batang Ermita58
PostPosted: Fri Apr 17, 2009 9:04 pm    Post subject: Juana Cadaves or Juana Cadavis, which is correct po?

Hello po Vice! Ask ko lang po kung alin ang tama Juana Cadaves or Juana Cadavis? Ito po ang asawa ng Nazario Cadapan na aking great grandfather.

IV - Ikaapat na naguing asawa si Basilia Cadapan na anak nina Nazario
Cadapan at Juana Cadaves

Sa isang entry po ay ito ang nakasulat,

VI Sixto Cadapan, naging asawa si Raymunda Navarro na kapatid nina Andres at Juan Navarro.
Naging mga anak ( 8 )
1. Nazario N. Cadapan (Sario), naging asawa si Juana Cadavis (Juana Tate).

Thanks po
mutuk
PostPosted: Sun Mar 04, 2007 11:15 am    Post subject:

Bukas po March 5, 2007 ay openning po ng isang linggong pagdiriwang ng ANILAG 2007 sa Sta. Cruz, Laguna. Malamang na nadoon po ako kaya paumanhin po kung hindi ko muna ma-entertain ang inyong mga requests

Maraming salamat po sa pang unawa!!!
Cecilia Adao Gonzales
PostPosted: Fri Mar 02, 2007 11:44 pm    Post subject: kung puwede po

Dear Vice Mayor

May favor po sana akong hihilingin sa kanya. Kung meron po sa libro, ay puwede po bang paki-post ang family tree po ng Adao, Cawil and Adefuin.

Ang paternal grandparents ko po ay si Jose (Uti) Adao at Alfonsa Acyatin Adao. Sa akin pong pagkakaalam, si Dada Uti po ay taga Bagumbayan (hope I spelled it right) at ang Dada Ponsa ko po ay taga Ibaba. Nun pong nakatira pa po kami diyan sa Philippines, ay sa Ibaba po kami pumupunta pag umuuwi po kami ng Paete upang dalawin po ang family po ng daddy ko.

Ang akin naman pong maternal grandparents ay si Remigio O. Milan Sr at Corazon Cawil Milan ng Brgy. Quinale. Sa akin pong pagkaka-alam ang Dada Azon po ay taga Ibaba rin po dati at dun po lumaki. Nalipat lang po sa Quinale dahil dun po nakabili ng bahay ang aking mga dada.

Marami pong salamat sa pagpopost po ninyo ng family ng Acyatin. Nun pong nabubuhay pa po ang aking daddy, palagi po niyang nasasabi na papa-ubos na po ang mga Acyatin. Sa ngayon po yata ay parang kakaunti na rin po ang Cawil. Ang pamilya Adao po naman ay marami pa, sa pamilya lang po ng daddy ko ay ang dami na po at alam ko pong meron pa po akong mga pinsan, mga pamangkin na hindi ko pa po nakikilala in person. Ako naman po ay hindi familiar sa Adefuin sa ngayon, at interesado po akong may malaman pa po tungkol sa Adefuin.

Marami pong salamat in advance. Nakakatuwa pong basahin itong iba't ibang family tree na kahit halos wala po akong kilala ay nag eenjoy ko pa rin pong basahin at ishare po sa mommy at tita ko.

Take Care

Cecilia A. Gonzales
Mount Prospect IL


Parents: Wilfredo Acyatin Adao(+) and Ludovica Cawil Milan Adao
Brother: Guillermo William Milan Adao
Husband: Alvin S. Gonzales
Daughters: Paulene Marie (5 yrs old) and Acelle Marie (just turned 5 months old 3 days ago)
mabn
PostPosted: Fri Mar 02, 2007 3:46 am    Post subject: Ugat Ac-ac

mutuk wrote:
Ang boong apat na familia ng Juan Adao Ac-ac ( Ikatlong anak ng
Capitan Juan Ac-ac)

Juan A. Ac-ac (Aton Mantica)

I - Unang naguing asawa si Ana Edlagan
Naguing mga anak

1,) Juan Ac-ac - namatay na bata pa
2,) Daniel Ac-ac - namatay na bata pa
3.) Catalina Ac-ac - naguing unang asawa ni Pedro Cadayona
Naguing anak sina
a.) Pastor Cadayona Paring Romano
b.) Luisa Cadayona
- naguing ikalawang asawa si Domingo Acu
Naguing anak
c.) Maria Elisa Acu - namatay na bata pa
d.) Abraham Acu - kambal ni Rosita pero namatay
e.) Rosita Acu - kambal ni Abraham pero nabuhay
f.) Juan Acu
g.) Ana Acu
4.) Felisa Ac-ac - namatay na bata pa
5.) Damiana Ac-ac (Ami) naguing asawa ni Juan Macawili na taga Longos
Kalayaan
Naguing anak
a.) Purificasion Macawili
b.) Nestor Macawili
c.) Tomas Macawili
d.) Eleodoro Macawili
e.) Floro Macawili
f.) Casiano Macawili
g.) Vicente Macawili


II -. Ikalawang naguing asawa si Juliana Cahatol, anak ni Catalina
Bagonggahasa sa una niyang asawa na si Tacu Cahatol


- isa lang ang naguing anak, ito ay si Juliana Ac-ac (Juling) na napangasawa
- naman ni Juan Reyes na isang Destista na taga Batangas na dito na sa Paete nanirahan at nagkaroon din ng isang anak , ito ay si Jose Reyes

III - Ikatlong naguing asawa ay si Vicenta Navarro na capatid nina Luis at
Melecia Navarro.

Naguing mga anak

1.) Juan Ac-ac (Nitong Colot ang buhok) naguing asawa si Julita Baisas na anak nina Isaac Baisas at Felisa Mesoza.
Naguing Anak
a.) Teodora Ac-ac (Doray)
b.) Juan Ac-ac Jr.
- namatay sa tuyo
c.) Feliciana Ac-ac (Felicing)
2,) Ana Ac-ac - naguing ikatlong asawa ni Teofilo Adao
Naguing Anak
a.) Virgenia Adao
b.) Aurea Adao
c.) Patricio Adao

d.) Juan Adao

IV - Ikaapat na naguing asawa si Basilia Cadapan na anak nina Nazario
Cadapan at Juana Cadaves

Naguing mga anak

1.) Mercedes Ac-ac (Ceding ) - naguing asawa ni Daniel Jemena na anak nina
Sabino Jemena at Lorenza San Rafael.
Naguing Anak
a.) Juanito Jemena - namatay na bata pa
b.) Rufino Jemena - namatay na bata pa
c.) Bernaldo Jemena
d.) Elva Jemena
e.) Teodoro Jemena - namatay na bata pa
f.) Guillermo Jemena namatay na bata pa
g.) Juanita Jemena
h.) Jose Jemena
i.) Manuel Jemena
j.) Milagros Jemena
k.) Lucena Jemena

2.) Benigno Ac-ac (Bining)
naguing asawa si Maria Madrigal na anak nina
Sofia Dalay at Pedro Madrigal.
Naguing Anak
a.) Juanito Ac-ac
b.) Pedro Ac-ac -
namatay na bata pa
c.) Josefina Ac-ac
d.) Pedro Ac-ac
e.) Thelma Ac-ac
f.) Edna Ac-ac
g.) Ofelia Ac-ac

h.)Virgenia Ac-ac
- namatay na bata pa...este buhay pa daw po pala. Sorry po! Ayy! at namatay uli . . . heheheh
i.) Vegie Ac-ac
j.) andy Ac-ac

k.) Benmar Ac-ac
3.) Maria Ac-ac (Meyang) - naguing asawa ni Fidel Bernades na taga Nueva
Ecija
Naguing Anak
a.) Ofelia Bernades
b.) Leopoldo Bernades
c.) Gloria Bernades
d.) Teodorico Bernades
e.) Eleonor bernades
f.) Fidel Bernades Jr.
g.) Evangeline Bernades
h.) Emmanuel Bernades.



[/b]


Ginoong Mutuk,

Magiging isa sa mga dahilan po ito para mawili at mahiligan ng aking Ina ( Josefina Ac-ac Bernardez) ang paggamit ng computer! Very Happy Salamat po sa inyo Bise! Siguradong mamamangha po sya, katulad ko, habang sinusundan ang aming pinagmulan, mula sa henerasyon ng unang San Pascual na nagpalit Ac-ac hanggang sa henerasyon ni Ina...At di po nagtatapos ang talaan doon, sasali rin kaming mga anak niya at aming mga supling at ilan pang henerasyon na darating Wink Maraming salamat po at mabuhay po kayo!

Mavi Ac-ac Bernardez-Nelson

PS. Si Dada Maria "Meyang" Ac-ac po ay nakapag-asawa ng isang Bernardez, na akin din pong Lolo sa Father side, kung kaya't nakasisiguro po akong BERNARDEZ po ang tamang baybay..
bahj.basa
PostPosted: Wed Jan 31, 2007 5:19 am    Post subject: oi d p kumpleto

Kulang pa yan Alex.

Last names at middle names pa lang ng magulang natin yang Acyatin, Bagongahasa, Agbay at Acuram.

Middle names ng mga lolo at lola natin ay Cagayat, Agbada, Madridejos at Edlagan.

Middle names naman ng mga lolo at lola natin sa tuhod ay Baldemor, Cadayona, Aseoche etc (kulang pa ng 5 Smile Rolling Eyes ) ano kaya yun.

Antay ko post ng Agbay, Agbada at Edlagan para malaman Wink . Mukhang walang info sa magulang ng lola sa tuhod nating si Catalina Cagayat at nanay ng lolo sa tuhod nating si Bernardino Acyatin sa talaan.
alex.basa
PostPosted: Sun Jan 28, 2007 2:14 am    Post subject: thanks

salamat po bise mutuk sa pagpost nyo ng pamilya acyatin at acuram. agbay na lang kulang kumpleto na pamilya namin Smile
Siete Nada
PostPosted: Sat Jan 27, 2007 4:23 am    Post subject: Kaya Pala

mutuk wrote:
Sa Dalagan muna tayo.

Ang Partido o Pulangan ng mga Dalagan..
2. Andrea Dalagan, naging asawa ni Tomas Dagawin isa ang naging anak - Dionesio Dagawin - ngunit namatay ng binatilyo pa.

4. Rosendo Dalagan, naging asawa si Salome Fabriga na anak nina Jainta Navarro at Ramon Fabriga.

V - Pelagia Dalagan, naging ikalawang asawa ni Gabriel Afunggol na balo ni Isidora Edlagan
Isa ang naging anak
1. Bonifaio Afunggol,naging asawa si Sofia Afuang na anak nina Segunda Bagabaldo at Ignacio Afuang.
Naging mga anak (9)
A. Silvestre Afunggol
B. Bonifaio Afunggol Jr.
C. Anita Afunggol
D. Elvira Afunggol
E. Gonzalo Afunggol, namatay ng bata pa
F. Manuel Afunggol
G. Elino Afunggol[
H. Magdalena Afunggol, namatay ng bata pa
I. Juana Afunggol, namatay ng bata pa


Kaya pla sa libingan nina ama (unang kanto pakanan ng pantiyong) ay may Dionisio Dagawin ito pala ay pamangkin ni ama na pnsang buo namin at ang mga afunggol (Elino) ay sinsasbing kamag anak namin. Kundi dahil sa iyo Bise malalaman ko baga ito....lol...salamat ng marami.....malapit na kitang imbitahan..bigla na lang akong susulpot....at may ilan akong gamit na di na madadala ang sa SB ko iiwan...kung hindi maharang ng panganay ko...Salamat muli sa kasiyahang naidudulot mo sa marami nating kababayan.....
nelia
PostPosted: Fri Jan 26, 2007 5:04 pm    Post subject: baka tama pa ang nanay ko

dahil nuong maliliit kami pag may tinananong kami sabi agad ng nanay ko ay mapipinsan pa namin 'yon kaya nga ang bukang bibig namin ay lahat ata ng taga-paete ay pinsan namin but the way it was looking parang ganon na nga ang nangyayari. di bah!
amork
PostPosted: Wed Jan 24, 2007 4:36 pm    Post subject: okay ito ah

dear vice,

okay ito ah. hindi na magkakahalu-halo ang thread. ay siya total napakalaking tulong nito sa ating lahat, pakisilipin mo na nga ang family tree
ng cagahastian family baka tuloy makita natin kung sinu-sino ang gumamit ng kagahastian. sab i ni ina lahat daw ng cagahastian ay magkakamag-anak at napakalat lamang kung saan-saan.

oh salamat uli hane.

mam amor Laughing Laughing Laughing
alex.basa
PostPosted: Wed Jan 24, 2007 12:00 pm    Post subject: acuram at acyatin

baka po merong record dyan ang pamilya acuram at acyatin. ang acyatin yata eh ubos na samantalang ang acuram eh paubos pa lang.
Hermy P. Cagayat
PostPosted: Sat Jan 20, 2007 8:45 pm    Post subject: Biseng-Busy

Dahil sa alphabetical yata ang mga na-post na ugat o pinagmulan ng iba't-ibang angkan ay makiki-usap naman ako na sa letrang C ay paki-halungkatin mo Ginoong Bise-Alcalde ang puno't-dulo ng apelyidong Cagayat. Lahat-lahat na ang iyong isama. Ke lahing Biyuko, la Torre at iba pa. Maraming salamat. Marami-rami ding botante itong lahi namin. Baka isang baryo na sa kapal.
emmac
PostPosted: Fri Jan 19, 2007 6:24 pm    Post subject:

Vice,
Salamat ng marami...tinawagan ko sina Ina at itinatanong ko ang pangalan ng Dada niya at mga ninuno ay hindi na raw matandaan kaya itong mga inulat mo ay nakatulong ng malaki.
Regards na lamang kina Nelda at pamilya mo.
Emma
Alicia Afunggol Bagalso
PostPosted: Fri Jan 19, 2007 9:38 am    Post subject:

Vice Mutuk,
I will not miss this thread for anything else pag ako ay nagbabasa ng Usap Paete. This is one of my favorites. Nakagawa ka ng pag gising ng maaga at pag tulog ng late dito para lang magbasa(biro lang).
Ngayon ay lalo ng maliwanag ang pagkakamag anak namin lalong lalo na kina Maming Dalagan, Kang Ver Madrinian, sa mga Cainto at Salceda.Marami pa akong itatanong sa iyo , pasensiya na, hane! Aming mga magulang na sina Jose at Diding (Aseoche ) Afunggol ay hindi nagkulang na ipakilala ang mga kamag-anak namin lalo na noon maliliit pa kami,lagi kaming namamasko. Isa dito ay yong Dada Modesta Quesada sa ibaba na may ari ng Mahal na Birhen ay pinsan buo ni Dada Teyong Aseoche.Gusto ko malaman kung saan sanga ito nanggaling.Please paki trace naman......sa susunod.Pahinga ka naman ,this can wait.
Si Konsehala Lilia Agbada Monfero ay 2nd cousin ko sa Cainto ,sa Dada Luisa ko na asawa ni Dada Teyong Aseoche. Ang middle name ng Ama ko at Ina ko ay parehong Cainto. Bae na ,magkamag anak pa yata . Okay lang ,normal naman kaming mag kakapatid(LOL). Sina Mrs Bagcus at Ina nina Kang Peter Bagalso ay pinsan buo naman ni Ama sa Cainto . Ay naduduling na ako sa kaka trace,okay lang basta happy ako.

Regards sa lahat diyan lalo na kay Nelda.

Your are greatly appreciated sa pagtulong mo sa amin at sa bayan.

Makakarating kay kang Ely at kay Simeon ang iyong pangungumusta.

Alicia of SD
mutuk
PostPosted: Thu Jan 18, 2007 11:36 pm    Post subject:

emmac wrote:
Vice,
Meron ka bagang detalya ng mga anak nina Segunda Balandra at Engracio Navarro...kaya ko naitanong ay gawa ng natatandaan ko na si Dada Lope Navarro ay may kapatid na Paula Navarro, hindi ko alam kung siya ay buong kapatid o kapatid sa ama?
Maraming salamat uli sa mga abala!
Emma


Emma,

Pakisilip uli yung previous posting ko para sa Segunda Balandra. Naidagdag ko na Smile


Alicia,

Kasunod na yung sa Afunggol mo, pls. click http://paete.org/forums/viewto.....7294#17294 Wink
Paki kumusta mo na lang ako kay Elino na kapatid mo at kay Simeon na rin pala <lol>
mutuk
PostPosted: Thu Jan 18, 2007 11:33 pm    Post subject:

Sa Dalagan muna tayo.

Ang Partido o Pulangan ng mga Dalagan.

Ang pinakanuno ng mga Dalagan na naitala o nasusog ay kay Antonio Dalagan.



Antonio Dalagan, naging asawa si Maria Dalangin na kapatid nina Benita, Atanacia, Petra, Julian at Felipe Dalangin.

Naging mga anak (6)
I - Isidora Dalagan
II - Paulino Dalagan
III - Pedro dalagan
IV - Higino Dalagan
V - Pelagia Dalagan
VI - Sinforoso Dalagan


Naging mga pamilya

I - Isidora Dalagan (Cedo), naging asawa ni Mamerto Madreguerra
Isa ang naging anak
1. Manuel Madreguerra, naging ikalawang asawa ni Josefa Fadul
Naging mga anak (2)
A. Felix Madreguerra, naging asawa si Hilaria Tadena
B. Remedios Madreguerra, naging asawa ni Benito Bagamano na anak nina Maria Blanco at Juan Bagamano
Naging mga anak (2)
i. Marita Bagamano
ii. Josefina Bagamano

II - Paulino Dalagan, naging asawa si Macaria Baet (Ayang) na anak nina Jose Baet at Brigida Balandra
Naging mga anak (7)
1. Quirina (Quintina) Dalagan, naging asawa ni Dalmacio Umali
2. Sinforosa Dalagan (Osang),, naging asawa ni Hilario Navarro na anak nina Juana Acantilado at Simpleio Navarro.
3. Hermenegildo Dalagan, naging unang asawa si Norberta (Teofila) Alberto.
Ikalawang asawa si Marciana Rancap
4. Buenaventura Dalagan (Tura), naging asawa si Maria Afunggol na anak nina atalina Bague at Pablo Afunggol.
5. Amalia Dalagan, naging asawa ni Felix Rivera na anak nina Paula Cajumban at Alejandro Rivera.
6. Dominador Dalagan, naging asawa si Juanita Afurong na anak nina Enriqueta Balan at Valentin Afurong.
7. Basilio Dalagan (Celing), naging asawa si Maria Dumanas na taga Baguio.

III - Pedro dalagan, naging asawa si Benita Adefuin na kapatid nina Francisco, Catalino, Tomas at Maria Adefuin.
Naging mga anak (9)
1. Andrea Dalagan matandang dalaga
2. (Lalaki) Dalagan, namatay ng bata pa
3. (Babae) Dalagan, namatay ng bata pa
4. Juan Dalagan, naging asawa si Rosario Acala na anak nina Maria Adea at onrado Acala.
5. Lucia Dalagan, dalaga
6. Natividad Dalagan, naging asawa ni Restituto Cajumban na anak nina Esperanza Fadul at Gregorio Cajumban.
7. Inocenia Dalagan, naging ikalawang asawa ni Pedro Edlagan na anak nina Maria Africano at Isidro Edlagan
8. Eladia Dalagan, naging unang asawa ni Rafael Cadang. Walang naging anak.
9. Rosendo Dalagan, naging asawa si Felisa Braga na anak nina Adela Valdellon at Mateo Braga.

IV - Higino Dalagan, naging asawa si Gregoria Madrigal na kapatid ni Sabas Madrigal.
Naging mga anak (6)
1. Juliana Dalagan, naging unang asawa ni Aniceto Grajera na taga Angono Rizal. Walang naging anak.
2. Andrea Dalagan, naging asawa ni Tomas Dagawin isa ang naging anak - Dionesio Dagawin - ngunit namatay ng binatilyo pa.
3. Eusebio Dalagan, naging asawa si Feliidad Hernandez na taga Alaminos Laguna
4. Rosendo Dalagan, naging asawa si Salome Fabriga na anak nina Jainta Navarro at Ramon Fabriga.
5. Felipe Dalagan, naging asawa si Catalina Braga na anak nina Adela Valdellon at Mateo Braga.
6. Fermina Dalagan, naging asawa ni Francisco Navarro na anak nina Maria Madrinan at Juan Navarro(Matanda).

V - Pelagia Dalagan, naging ikalawang asawa ni Gabriel Afunggol na balo ni Isidora Edlagan
Isa ang naging anak
1. Bonifaio Afunggol,naging asawa si Sofia Afuang na anak nina Segunda Bagabaldo at Ignacio Afuang.
Naging mga anak (9)
A. Silvestre Afunggol
B. Bonifaio Afunggol Jr.
C. Anita Afunggol
D. Elvira Afunggol
E. Gonzalo Afunggol, namatay ng bata pa
F. Manuel Afunggol
G. Elino Afunggol
H. Magdalena Afunggol, namatay ng bata pa
I. Juana Afunggol, namatay ng bata pa

VI - Sinforoso Dalagan, naging asawa si Vienta Ac-ac. Walang naging anak ang mag asawa.
emmac
PostPosted: Thu Jan 18, 2007 4:11 pm    Post subject:

Vice,
Meron ka bagang detalya ng mga anak nina Segunda Balandra at Engracio Navarro...kaya ko naitanong ay gawa ng natatandaan ko na si Dada Lope Navarro ay may kapatid na Paula Navarro, hindi ko alam kung siya ay buong kapatid o kapatid sa ama?
Maraming salamat uli sa mga abala!
Emma
tonenoc
PostPosted: Thu Jan 18, 2007 6:17 am    Post subject: Re: Antonio Dalagan

Vice Mutuk, Smile

Bai, salamat Bise sa abala namin sa iyo...pero isa pa!

Puedeng paki- search yun Antonio Dalagan na ama ni

Isadora Dalagan, gawa ng alam ko lang na kapangalan ko

ay si Antonio Dalagan na anak ni Kang Juan Dalagan na

teacher sa PES, then meron pang isa na di ko rin kilala.

Secondly si tukayong Tony Dalagan ay may anak na nasa

Switzerland, ang ngalan ay Dondon Dalagan kasama ng

mga taga-Paete doon..sina Sheba Aseoche. Very Happy

Salamat ulit and best regards,

Tony Dalagan Smile
Fairfax, VA
amork
PostPosted: Thu Jan 18, 2007 6:08 am    Post subject: tnx ulit

dear vice,

salamat ulit. hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na balang-araw
ay matatagpuan ko rin ang mga hinahanap ko. kapag nauna kang makatagpo nito, paki-post mo kaagad ha.

rgrds,
mam amor
mutuk
PostPosted: Thu Jan 18, 2007 5:49 am    Post subject: Re: karagdagan

amork wrote:
dear vice,

paki-verify mo ito: ang ama ni dada juana balandra (asawa ng antonio salceda) ay evangelino balandra at ang ina ay hilaria cagahastian.

salamat uli.
mam amor


Mam Amor,

I regret! Wala din po. Sad

Will take note po yung added info ninyo sa lists.
mutuk
PostPosted: Thu Jan 18, 2007 5:44 am    Post subject:

Alicia A. Bagalso wrote:
Vice,

Doon sa partido nina Dada Teyong Aseoche na anak ni Manuel (TUI-Adobo) Aseoche at Maria Salceda ay may Jose Aseoche at Feliciana Madriguerra na sila ang mga magulang ni Tandang Manuel "Tui Adobo."Hanggan doon lang ang aming naabot sa research naming magpipinsan.


Alicia of SD


Alicia,

Hanggang sa Jose Aseoche din lang ang nandito pero yung sa Feliciana ay merong tala ng ngalan ng mga magulang.

Ang isa sa dalawang pulangan nang Madreguerra dito sa Paete ay sinimulan sa pagtuturungko sa katauhan ng Felix Madreguerra at asawa nito na si Jacinta Villanueva na kapatid ni Victoriano Villanueva.


Felix Madreguerra, naging asawa si Jacinta Villanueva na kapatid ni Victoriano Villanueva.
Naging mga anak
I - Inocencio Madreguerra
II - Silvino Madreguerra
III - Felipe Madreguerra
IV - Alejandra Madreguerra
V - Feliciana Madreguerra
VI - Mamerto Madreguerra

Mga naging pamilya

I - Inocencio Madreguerra, naging unang asawa si Lucia Asido (Osi)
Naging mga anak
1. Damian Madreguerra, naging asawa si Maria Fineza na anak nina Victoria Bagabaldo at Miguel Fineza.
2. Rufo Madreguerra, naging asawa si Bernardina Afuang.
Isang naging anak
A. Pacencia Madreguerra, nanay ni Pureza Evangelista

3. Anacleta Madreguerra, naging asawa ni Basilio Valdellon.
4. Ramon Madreguerra, naging asawa si Maria Cagahastian na kapatid nina Raymundo, Rita at Laureana.

-naging ikalawang asawa ni Inocencio si Isidora Baisas
Isang naging anak
5. Flaviana Madreguerra, naging asawa ni Pablo Aseoche (Pablong Bestre)
Naging mga anak
A. Victor Aseoche
B. Apolinario Aseoche
C. Feling Aseoche
D. Zoilo Aseoche
E. Adolfo Aseoche
F. Corazon Aseoche
G. Teresita Aseoche
H. Nilda Aseoche.

II - Silvino Madreguerra, naging asawa si Silvestra Balandra na kapatid nina Severina, Santiago, Sinforosa, Marciano, brigida at Emeterio Balandra.
Naging mga anak
1. Maria Madreguerra, naging asawa ni Braulio Navarro na kapatid nina Domingo, Antonio, Gregorio at Engracio Navarro.
2. Juana Madreguerra, naging asawa ni Esteban Cajipe na anak ng Cirili Cajipe.
3. Tecla Madreguerra, naging ikalawang asawa ni Aton Valdellon na kapatid nina Juan (Colot), Francisco, Manay at Juana Valdellon.

III - Felipe Madreguerra, naging asawa si Juana Bagayana na kapatid nina Aida, Bernardino, Ruperta at Maria Bagayana.
Naging mga anak
1. Dami Madreguerra, naging unang asawa si Prudencio Agbaglud.
Ikalawang asawa naman si Sotero Bayocot.
2. Juanita Madreguerra, naging asawa ni Juan Absin.
Naging mga anak
A. Segunda Absin , naging asawa ni Rufino Reyes
B. Adriano Absin, naging asawa si Virgenia Dave.
C. Lorenza Absin, naging ikalawang asawa ni Bernabe Adao.
D. Clementa Absin, naging asawa ni Juan Daksindal

3. Mauricia Madreguerra, naging asawa ni Juan Balan.

IV - Alejandra Madreguerra, naging asawa ni Basilio Agbay (Nagkapitan) na kapatid nina Jacoba at Josefa Agbay.
Naging mga anak
1. Ciriaco Agbay, namatay na bata pa.
2. Teodoro Agbay, naging asawa si Sinforosa Balandra
3. Maria Agbay, naging asawa ni Florencio Baldemor na anak nina Severina Balandra at Esteban Baldemor.
4. Edeng Agbay, naging asawa ni Mariano Valdellon.
5. Sebastian Agbay, naging asawa si Feliciana Dana na kapatid nina Melitona, Matea at Hugo Dana.
6. Leoncia Agbay, naging asawa ni Juan Madridejos na kapatid nina Melecia at Ricardo Madridejos.
7. Sixto Agbay, naging asawa si Florentina Adefuin na kapatid nina Norberta at Pedro Adefuin.
8. Maria Agbay, tumandang dalaga
9. Mercedes Agbay, naging ikatlong asawa ni Andres Caguin.
10. Manang Agbay, tumandang dalaga.

V - Feliciana Madreguerra, naging asawa ni Jose Aseoche (Uting Adobo)
Naging mga anak
1. Manuel Aseoche, naging asawa si Maria Salceda na kapatid nina Crestela, Gertrudes, Apolinario at Anto Salceda.
2. Juliana Aseoche, naging asawa ni Serapio Acantilado.
3. Simeona Aseoche, naging asawa ni Marciano Rafonel.

VI - Mamerto Madreguerra, naging asawa si Isidora Dalagan anak ni Antonio Dalagan.
Naging mga anak
1. Manuel Madreguerra, naging asawa si Josefa Fadul na kapatid nina Ines, Dominga at Eulogia Fadul.
Naging mga anak
A. Felix Madreguerra
B. Remedios Madreguerra
emmac
PostPosted: Wed Jan 17, 2007 5:13 pm    Post subject:

Maraming Salamat Vice sa mga inpormasyon, ngayon ay lalo akong nagkaka interest na susugin ang mga kamag anakan at itala para naman mag ka kilakilala.
Nalaman ko na ngayon ang connection namin kina Cristina Ramos...at sa mga Cagahastian.

O Alicia dumadami na ang kabit kabit sa heriteyds natin!!!

Vice, syanga pala yong naging asawa ni ama(Marciano) ay Teofila at hindi Rafaela...Inang Ilang kung tawagin siya.

Si "Uncle Doy" kung tawagin namin ang kilalang kilala ko sa partido nina Nelda ang maganda mong kabiyak...lagi sya sa amin noong kabataan pa namin dahil may palayan sila sa malapit sa Elementary school. Kumusta na kamo sa kanya!!

O sige di maraming maraming salamat uli...
amork
PostPosted: Wed Jan 17, 2007 9:37 am    Post subject: karagdagan

dear vice,

paki-verify mo ito: ang ama ni dada juana balandra (asawa ng antonio salceda) ay evangelino balandra at ang ina ay hilaria cagahastian.

salamat uli.
mam amor
Alicia A. Bagalso
PostPosted: Wed Jan 17, 2007 9:36 am    Post subject:

Vice,
Hayan lumalago na ang ating thread . Lumilitaw na rin na may Afunggol na rin na nakabit. Nabanggit rin ni Ama (Jose Afunggol) na kamag- anak namin ang Pilar Afunggol.Meron din kapatid na Pedro si Ama na naging asawa ni Inang Benita Acyatan.
Paki halungkat na rin,please if you have time ang pamilyang Afunggol namin. Si Nana Ignacia Afunggol Santos ang panganay nina Ama,then Jose.Vicente, Pedro at Virginia Afunggol Cadapan.Ang mga magulang nila ay sina Antonio Afunggol at Maria Cainto.

Doon sa partido nina Dada Teyong Aseoche na anak ni Manuel (TUI-Adobo) Aseoche at Maria Salceda ay may Jose Aseoche at Feliciana Madriguerra na sila ang mga magulang ni Tandang Manuel "Tui Adobo."Hanggan doon lang ang aming naabot sa research naming magpipinsan.

Bai ,maraming ,maraming salamat sa mga nag bibigay ng information tungkol dito, lalong lalo na sa iyo Bise. Marami kang napasayang tao dahil dito. Magandang pang patalas ng isipan ito lalo na't medyo malilimutin na.
Si Inang Isyang Santos at Nana Inyang Cadapan ay marahil maraming alam. Pag -uwi ko ay tiyak magtatanong ako.
Salamat muli,
Alicia of SD
mutuk
PostPosted: Wed Jan 17, 2007 12:52 am    Post subject:

emmac wrote:
Vice,

Napansin ko don sa iniulat mong listahan ng mga Balandra ay wala yong partido ng Cagahastian-Balandra, partido nina Ama (Marciano Cagahastian-Balandra) at ng mga Inang Epang(Cadayona). Siguro yong sinasabi ni Mam Amor ay kasama doon. Ang alam kong mag kakapatid ay ang Dada Mini(Dada ko), Dada Doni at Dada Berta(Dada ng mga Kang Ver Madrinan).

Kung sususugin pala, base sa mga nakalista na dito ay pinsan ko rin pala sina Merle David at Roger Salceda dahil yong Bartola(Salceda) at Segunda(Navarro) na Ina ni Dada Lope ay magkapatid. Tama baga?

Talaga nga palang halos lahat ng taga Paete ay magkakamag anak!!!


Emma,

Heto naman yung hanay ninyo sa Balandra

Ang Familia ni Fulgencio Balandra (walang tala sa ngalan ng mga magulang) na pinanggalingan ng mga "Panodsa, Saga at Siyuma".

Fulgencio Balandra - naging unang asawa si Sebastiana Afurong
Naging mga anak
I - Francisco Balandra (Isco Panodsa)
II - Juana Balandra

- naging ikalawang asawa si (no info)
Naging anak
III - Juan Balandra (Juan Ermita)

- naging ikatlong asawa si Juliana Afuang
Naging mga anak
IV - Florentina Balandra (Tinang)
V - Mauricia Balandra (Ori)
VI - Maria Balandra (Angue)
VII - Ines Balandra

Mga naging pamilya

I - Francisco Balandra (Isco Panodsa), naging ikalawang asawa ni Maria Navarro na balo ni _________.
Naging mga anak
1. Norberta Balandra, naging asawa ni Leon Madrinan na kapatid nina Paulino, Laureana, Rufino, Juan, Vitoria, Josefa Madrinan.
Naging mga anak
A. Angel Madrinan, namatay na bata pa
B. Marcelina Madrinan
C. Ananias Madrinan
D. Felimon Madrinan

2. Hermogenes Balandra, naging asawa si Fortunata Cagahastian.
Naging mga anak
A. Maria Balandra (Monte), namatay na dalagita na.
B. Asuncion Balandra (Ason), naging asawa ni Mariano Cainto na anak nina Aniceta Asido at Cornelio Cainto.
C. Narciso Balandra (Ceso), naging asawa si Natalia Limlengco na anak nina Maria Balan at Bernardo Limlengco.
D. Marciano Balandra (Ciano), naging asawa si Teofila Navarro na anak nina Florentina Mesosa at Lope Navarro.
E. Felipa Balandra (Ipang), naging asawa ni Ramon Cadayona na anak nina Raymunda Navarro at Marcelino Cadayona.
F. Teresita Balandra, naging asawa ni Damaso Ac-ac na anak nina Laureana Galaboc at Luiano Ac-ac.
G. Fermina Balandra (Nene), naging asawa ni Teodoro (Dodong) Africano na anak nina Pascuala Baes at Buenaventura Africano.
H. Honorata Balandra, namatay na bata pa
I. Julia Balandra, namatay din na bata pa

3. Perfecto Balandra, namatay nung bata pa
4. Cirilo Balandra, namatay nung bata pa.

5. Dionesio Balandra, naging asawa si Mamerta Agbay (Mentang) na anak ni Sebastian Agbay.
Naging mga anak
A. Bartolome Balandra
B. Cresenciano Balandra


II - Juana Balandra, naging asawa ni Francisco Madrigal (Iscong Saga)
Naging mga anak
1. Rufino Madrigal, naging asawa si Maria Afurong.
2. Sancho Madrigal, nagkaasawa ng taga Cavinti, Laguna at doon na nanirahan.
3. Pedro Madrigal, nagkaasawa din ng taga Cavinti, Laguna at doon na din nanirahan.

- naging ikalawang asawa ni Fulgencio Balandra si (no info)Naging anak
III - Juan Balandra (Juang Ermita), naging ikalawang asawa ni Dionesia Valencia
Isa ang naging anak
1. Engracia Balandra, naging asawa ni Carlos (Magno) Baldemor na anak nina Cristina Palero at Esteban Baldemor.

- naging ikatlong asawa ni Fulgencio Balandra si Juliana Afuang
Naging mga anak
IV - Florentina Balandra (Tinang), naging unang asawa si Luciano Baisas na balo ni Juana Agbada.
Naging mga anak
1. Buenaventura Baisas, naging asawa si Necitas Salceda na anak nina Felipa Afuang at Esteban Salceda.
2. Juana Baisas, naging asawa ni Juan Afurong (Juan Supot) na kapatid nina Lorenza, Vidal, Valentin, Juana at Dionesia Afurong.
3. Francisco Baisas, namatay na binatilyo na.
- naging ikalawang asawa ni Florentina Balandra si Alejandro Amican Mendez.
Naging mga anak
4. Octavio Amican Mendez (Tabio), naging unang asawa si Felisa Bague.
naging ikalawang asawa si Natividad Pacla na anak nina Juana Bagongahasa Madrigal at Emilio Pacla.
5. Antonina Mendez, naging asawa ni Mariano Navarro na anak nina Evaresta Accuram at Juan Navarro.

V - Mauricia Balandra (Ori), naging asawa ni Ananias Acupan na anak nina Juana Adefuin at Juan Acupan.
Naging mga anak
1. Anacleta Acupan, naging asawa ni Simon Madrinan na anak nina Isidora Almario at Santiago Madrinan.
2. Angel Acupan, naging asawa si Florentina Cadang.
3. Soledad Acupan, naging asawa ni Leoncio Fadul na anak nina Alejandra Clemente at Francisco Fadul.
4. Cresencia Acupan, naging asawa ni Alfonso Ramos na anak ni Marcelo Ramos.
5. Gregorio Acupan (Oyong), naging asawa si Nene Dailo.
6. Juan Acupan, namatay na binatilyo.

VI - Maria Balandra (Angue Siyuma), naging asawa ni Miguel Cagahastian na kapatid ni Atanacio Cagahastian.
Naging mga anak
1. Rosario Cagahastian (Chayong)
2. Belen Cagahastian
3. Eugenio Cagahastian
4. Felimon Cagahastian
5. Ruben Cagahastian
6. Domingo Cagahastian

VII - Ines Balandra, naging asawa ni Rufino Afunggol.
Naging mga anak
1. Pilar Afunggol
2. Pedro Afunggol

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group