PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Bulaklak na Ligaw

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Sat May 27, 2006 2:41 pm    Post subject: Bulaklak na Ligaw Reply with quote





Panahon ng tag-sibol, klima'y di maintindihan
Minsa'y masikat ang araw, hangi'y may kalamigan
Minsa'y di maaraw, napakaginaw naman
O kaya'y umuulan, magtigil na lang sa tahanan.

Minsan isang Sabado, aming natiempuhan
Mataas ang araw, lamig ay katamtaman
Sinamantalang maglakad sa kapaligiran
Nang aming tinitirhan sa kasalukuyan.

Dala ang kamera at magkokodakan
Gamit ay kamerang canon ang pangalan
Kami'y naglakad, bawasan ang katabaan
Gisingin ang mantikang nakasiksik sa katawan.

Malinis na kapaligiran, kulay luntian
Hangin ay malinis, hahatsing ka nga laang
Dahil sa pollen kung hindi ka hiyang
Maguubo ka, uhog, luha tuluan.

Hirap sa allergy ay maliit lang naman
Kung dadamahin ang luntiang kapaligiran
Kung walang mga kotse, gusaling naggagandahan
Parang akala mo'y, ika'y nasa kabukiran.

Habang naglalakad kami'y napahinto
Dahil sa mabagong amoy na nasamyo
Parang amoy rosal, alin kaya dito
Ah! sa maliliit na bulaklak pala galing ito.

Mga mumunting bulaklak na puti ang kulay
Nagpapabango sa paligid kahit ito'y ligaw
Parang nagsasabing munti man sa tanaw
Kaligayahan sa lahat ang kanyang ibinitaw.

_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
vernavarro



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 356
Location: Virgilio A. Navarro

PostPosted: Sat May 27, 2006 8:58 pm    Post subject: Re: Bulaklak na Ligaw Reply with quote

Quote:
Mga mumunting bulaklak na puti ang kulay
Nagpapabango sa paligid kahit ito'y ligaw
Parang nagsasabing munti man sa tanaw
Kaligayahan sa lahat ang kanyang ibinitaw.[/
b]

Larawan mong kuha nakakaligaya
tingnan mong isa-isa nakahahalina.
Isapin mo parang mga tao rin sila
nagsasayaw sa ligaya kapag nakatingin ka.

Mahiwaga kulay ay kataka-taka at iba-iba
tulad ng buhay nila na puno ng pagsinta.
Tayo pa kayang uliran at tapat sa isa't isa
nakatagpo ng bulaklak mo na tapat sa pag-suyo.

Congratulation! Cool Tony and Benny Smile Smile
_________________
Walk a mile or two,its good for your health & your heart,eat proper diet a day our life live longer and be happy always.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun May 28, 2006 1:03 am    Post subject: Re: Bulaklak na Ligaw Reply with quote

Bulaklak na ligaw, lagi kong hinahanap
May lilac at dilaw, tuwina'y nalalanghap
Ngiti'y namutawi, sa larawang nakaharap
Aba si katoto, mukhang napapasarap!!! kablag!

Pakisabi kay Tony, shovel sa poste'y salamat
Di ko na sasagutin, baka ako'y di na maawat
Puso ko'y tahimik na, ayaw ko rin ng tagyawat (tama baga? pimples)
Mamamasyal sa tuwina, basta't walang hanging habagat!!!



Wow...galing mo ng mag post ng picture ah...
Back to top
View user's profile Send private message
alimpuyo
Guest





PostPosted: Sun May 28, 2006 10:02 am    Post subject: Bulaklak na Ligaw Reply with quote



Bulaklak man ligaw, kung ikaw`y turan
Ang ganda mo`t kulay, ito`y hinahangaan,
Kapansin-pansin halimuyak sa maparaan
Parang nag-sasaad, huag kang kalimutan!


Hindi lang isa, dalawa, tatlo
Ang mga tulad mo dito sa mondo,
Na-usbong na bigla sa lahat ng dako
Ibig bagang sabihin, Tulad rin ninyo ako!


May hininga at buhay, di nga lang tao
May karapatang payak dito sa mondo,
Magbigay kagandahan sa kapaligiran nito
Di mabilang na taon ang itinatagal mo!


Dangan nga lang, ikaw`y walang pangalan
Sa mangakakita, sila`y may paghahambingan,
Hugis mo`t laki, na may ka-larawan
Bulaklak di naman, siguradong kagigiliwan!!!!.........alimpuyo



benyton, basta hindi bulaklak na ligaw sa gabi hehehehe Laughing
Back to top
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Mon May 29, 2006 9:10 am    Post subject: kay ver, alimpuyo at daluds Reply with quote

dito sa tulaan na mga bagong katoto
si ver navarro at si alimpuyo
kay daluds din na si ate vi ang akala ko
sa bagong larawang nakapost mo dito.

salamat at naibigan itong mga larawan
ng mga ligaw na bulaklak na nakita sa daan
di ko talaga mapigil ang aking kasiyahan
dahil sa halimuyak nito na aking naibigan.

palibhasa ako ay sanay sa ahunan
sa alagang kainging aking nakagisnan
kaya ako, mahal ang kalikasan
panibagong lakas, aking kapakinabangan.
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Mon May 29, 2006 12:28 pm    Post subject: Re: Bulaklak na Ligaw Reply with quote

Iba't ibang kulay nga na kaygandang pagmasdan
Ating mamamalas sa malawak na kapaligiran
Kaya nga pagdating ng ganitong kapanahunan
Sa bahay di mo ako natatagpuan, lagi'y sa layasan! Wink Laughing

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Tue May 30, 2006 1:23 pm    Post subject: Re: Bulaklak na Ligaw Reply with quote

Tisay wrote:
Iba't ibang kulay nga na kaygandang pagmasdan
Ating mamamalas sa malawak na kapaligiran
Kaya nga pagdating ng ganitong kapanahunan
Sa bahay di mo ako natatagpuan, lagi'y sa layasan! Wink Laughing


iyong naibalita ang lugar na pinasyalan
botanical garden kamo ang pangalan
nakikinikita ko ang ganda ng kapaligiran
iba-ibang bulaklak tumambad sa harapan.

baka mga orchids ang ilan sa halaman
iba pang bulaklak na di ko alam ang pangalan
kung ligaw na bulaklak kaaya-aya ng pagmasdan
lalong lalo na siguro ang mga inaalagaan.

nems, share the picture naman, i can't wait to see Wink
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Jun 05, 2006 1:37 am    Post subject: ih kadadami nay-an... Reply with quote

ala sais ng umaga rumarampa na kami
nagsisinuot sa mga sinsay na kay dami
nararating ang pakil at sa sulok ng kinale
binabay-bay ang bawat hibla na may kalye

napakalaki ng ipinagbago ng ating bayan
nahayon ko rin ang sulok ng bagongbayan
di ko lang mawari kung iyon ay mga ligaw
ngunit sa aking paningin ay nangingibabaw

kapansin pansin mga hardin ng baranggay
tila uso sa kanila magtanim ng mga gulay
nakakatuwa ang nagyayabungan malunggay
alukbati silbing bakod, sitaw nakalugaygay

aba ang hindi ko nga baga malimut limutan
San Juan Resort may bunga na naglalawitan
bai ng aking tinutukan baga't pilit pinagmasdan
sangkaterbang bunga ng kasoy nagdidilawan

sa RS Resort kapulahan naman ang naglawitan
bunga ng dambo ang nagniningning sa kapaligiran
sa bandang wawa sa mgakabila ng naman ng ilog
ah mga luntiang gulay at halaman mata'y tinuhog

vavalik!!!


_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Wed Jun 07, 2006 2:59 pm    Post subject: Tinik na namulaklak Reply with quote

bunsoy,

ibig mo bang sabihin, mapakalayo ang narating
nang kabuuan ng sagayla ng sila'y palakarin
saan kaya nabibilang kung ating wawariin
tinik na naging bulaklak, karirikit din.

salamat at maluwalhati kang nakarating
ngayon si itong si heinz ay di na naninimdim
kasama muli ang irog na nawala sa paningin
nang humigit kumulang dalawang buwan din?
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Wed Jun 07, 2006 11:08 pm    Post subject: Re: Tinik na namulaklak Reply with quote

benyd wrote:
bunsoy,
salamat at maluwalhati kang nakarating
ngayon si itong si heinz ay di na naninimdim
kasama muli ang irog na nawala sa paningin
nang humigit kumulang dalawang buwan din?

anonek na!!!

ah mahigit lang isang buwan nag kawalay
sa La Union sya ang aking dakilang alalay
maging sa beach sya ang aming tagabantay
wellness sa benguet laging syang nakagabay

di naman ako nawala sa kanyang paningin
may paraan naman kahit oras ay katiting
araw araw lagi nasa webcam nakatingin
skype naman ang aming mga panggising

baina kay dalas wala ngang koryente
pero hindi naman nag emote ang byute
kaya sa cell phone nagtitiis si kakampi
makita lang ang malapad niyang kabuti

hahahahakablag!

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group