 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Fri Jun 02, 2006 10:06 pm Post subject: Ang Butiki |
|
|
(this is for light reading . . . nahalungkat ko sa aking file)
Ang Butiki
Itong si Butiki
Akala ko'y pipi
Subali't humuni
Ako'y napatili
Gumapang pababa
Humalik sa lupa
Mulagat ang mata
Malagkit ang paa.
Sunggab ang kulisap
Na di nakaalpas
Salamat wala nang
Sa aki'y kakagat.
Sinundan ng tingin
Doon sa kisame
Kahabulan mandin
Butiking mithiin.
Nang magpang-abot na
Sa batok dinamba
Tampuha'y nawala
Siniklot ng saya.
Pag-ibig . . . hiwaga
Sa bawa't nilikha
Hatid ay ligaya
Anuman ang nasa.
Paghalik sa lupa
Isa ring hiwaga
Panalangin nga ba
Sa Dakilang Ama
DIYOS NA DAKILA? |
|
Back to top |
|
 |
benyd

Joined: 10 Jul 2005 Posts: 344 Location: Alexandria, VA
|
Posted: Sat Jun 03, 2006 10:33 am Post subject: ang butiki |
|
|
Kang Amor,
minsan isang gabi na hindi makatulog
sa kisame nakatingin diwa'y tinutuhog
nang sa bintana'y biglang may kumalabog
naghahabulang butiki, pinag-aagawan ay irog.
nang ang mabikas ay nanalo sa laban
unsyaming talunan, nagbigay na lamang
doon na nagsimula bagong habulan
nang magpang-abot...ganon pala ang masasaksihan.
di ko yun sinasadya! ngunit ako ay natuwa
dahil nalalaman mga bagay na kakaiba
sa pagkalalang pala, di sila naiiba
meron ding kulay ang mga buhay nila. _________________ To God be the glory! |
|
Back to top |
|
 |
eve19612000

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 1026 Location: Sheba Allenbach-Aseoche
|
Posted: Sun Jun 04, 2006 11:29 pm Post subject: Re: Ang Butiki |
|
|
amork wrote: | (this is for light reading . . . nahalungkat ko sa aking file)
DIYOS NA DAKILA?[/center] |
kahit saan man ibaling ang aking paningin
mga butiking nakakapit sa aming dingding
tila nangungusap at may ibig pang sabihin
mga huni nila'y para bagang naglalambing
Mam, naka usap nga po pala namin si Edison, sayang nga po't gabi na ng makontak namin...si Dra. Mac na lang po ang tatawag sa inyo tungkol sa 30th anni sa 2008 di po kasi nakarating si Bibith kaya hapyugan na lang po ang nangyari sa meeting...kundi lang po ako paalis kinabukasan baka po inabot na kami ng paumaga... _________________ NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba- |
|
Back to top |
|
 |
Bulanggugo Guest
|
Posted: Mon Jun 05, 2006 6:54 am Post subject: Butiki at tao |
|
|
Amor,
Kung hamak na butiki ay iyong napansin
Paghalik sa lupa paglatag ng dilim
Maging ang pagbasa sa kanyang mithiin
LIgaya ang dinulot sa iyong damdamin.
Paano pa kaya tayong mga anak
Nilalang ng Diyos, Ama nating lahat
Pag-ibig N'ya sa atin kaya bang masukat
Sukdulang ialay ang bugtong na anak?
Salamat sa iyong tula, Amor. Napakasimpleng pagtingin
sa isa sa mga nilalang ng ating Diyos. |
|
Back to top |
|
 |
alimpuyo Guest
|
Posted: Thu Jun 08, 2006 3:13 pm Post subject: butiki |
|
|
Ka Amor
Ang ipinagtataka, sa kinapadparan ko
magpalinga-linga man, butiki wala dito,
nakaka-miss din naman mga ik-ik nito
kay dami kung mangitlog ,na maliliit na totoo!!
Makakita man, sila`y takot na takot
Na sa wari baga`y, tingin lang nanghihilakbot,
Karipas ng takbo at tiling walang lagot
Hanggang si butiki, sa takot din ay hagut!!
Sa kasalbahihan nating mga bata noon
Hanap si itlog, kahit saan naroon
Pag nakakita`y walang awang pirat at pukol
Kawawang nilikha, gapang na pauntol-untol!!!...........alimpuyo
|
|
Back to top |
|
 |
Guest(M:A:G) Guest
|
Posted: Fri Jun 09, 2006 3:32 am Post subject: Reply (Butiki) |
|
|
Ang mga Butiki raw ,ay simbulo...
Ng ating pagiging ,reliyoso...
Ang paghalik,sa lupa...
Ay isang tanda...
Ng kanilang, paggalang..
Sa Diyos ,Amang sa atin ay lumulang...
Kaya mga kababayan , ito ay kanilang kahilingan...
Ating nakagisnan, huwag nating kalimutan..
Katulad ng sa mga Butiki, na kinasanayan,...
Na sa kanila atin ring , napagmamasdan...
Pag dating ng ala sais , ng gabi,sila ay nagpupuri...
Sa Diyos Ama, at Kristong Hari..... |
|
Back to top |
|
 |
Tso'-NY Guest
|
Posted: Fri Jun 09, 2006 2:58 pm Post subject: Butikiii!!! |
|
|
Butiki!, Butiki!!,Butiki!!!
Pagpumatak sa batok nakakikiliti
Mga paang malalagkit sa kisami nakadikit
Pagmasdan mo at malasin sadyang kayririkit
Ginagawang laruan nang batang makulit
At minsan panakot na kahindikhindik
Di pa nila alam ang layon nang butiki
Na kainin ang lamok na dulot ay sakit
Sa umpukan naming magkakatoto
Paksa nang usapan "American gecko"
Takot daw ang butiki magstay sa Amerika
Dahil lamok dito "Nile virus" dulot nila!! Yaiikkss!!
Note: "gecko"-hindi ko po alam kung butiki ito o timbalalak!! he! he! |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sat Jun 10, 2006 6:23 am Post subject: hello, benny |
|
|
tunay ang iyong tinuran
buhay nila'y mayrong kulay
katulad ng taong nilalang
sila'y mahal din ng Maykapal.
salamat, benny
ka amor |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sat Jun 10, 2006 6:28 am Post subject: hello sheba |
|
|
sheba,
iba't ibang paraan ng paglalambing
gayundin sa tao'y ihambing
alagang pusa, aso maging kambing
kung maglambing din ay taimtim.
mabuti naman pala at nakarating si edison. medyo malayo pa naman ang 2008, marami pang preparations kayong magagawa para maging very memorable at successful ito.
rgrds,
mam amor |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sat Jun 10, 2006 6:32 am Post subject: hello bulanggugo |
|
|
ming,
kung nais natin ng kaligayahan
unahin natin ang kapayakan
dito'y maraming aral na malalaman
laging kaugnay sa Maykapal.
salamat katoto iyong naibigan
simpleng tulang aking nakayanan.
kumusta sa iyo't mga minamahal
ligaya sana'y laging dumatal.
rgrds,
katotong amor |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sat Jun 10, 2006 6:39 am Post subject: hello alimpuyo |
|
|
alimpuyo,
aba ay kakaiba nga riyan
kung walang butiki kang masilayan
siguro kung mayroon stateside din
iba ang habitat at style rin.
totoo ang iyong tinuran
ugali natin ng kabataan
butiki'y pilit aabangan
buntot puputulin lang naman.
at ang itlog na ipinukol
pag nabasag saka itatapon
katuwaa'y gayon na lamang
ngayon ay pinagsisisihan.
rgrds,
ka amor |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sat Jun 10, 2006 6:46 am Post subject: hello guest (M.A.G.) |
|
|
guest,
halimbawa ng butiki tila walang saysay
sa henerasyon ngayon na iba ang galaw
bihira na ang sa orasyon sama-samang nagdarasal
upang sa Maykapal ay magbigay=pugay.
gayon pa man umaasam
balang araw may matanaw
panibagong kaugaliang
maganda ang patunguhan.
halimbawa ng butiki patuloy na ipangaral
pag-ibig sa Panginoon sama-samang isabuhay.
salamat sa iyo, guest. puede ba kitang makilala?
rgrds,
mam amor |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sat Jun 10, 2006 6:54 am Post subject: hello tso-NY |
|
|
malagkit na paa pag sumayad sa batok
sadyang nakagugulat mawawala ang antok.
timbabalak na tinuran bihira nang matagpuan
maski rito sa pilipinas tila uri ay iilan.
maski nga ang butiki di na kasindami noon
tutubi at paruparong hinuhuli ko sa patio
wala nang masilayan kundi sa farms o sa zoo.
puede ka bang makila, tso-NY?
rgrds,
mam amor _________________ Amor Salceda Kagahastian
|
|
Back to top |
|
 |
Tso'-NY Guest
|
Posted: Tue Jun 13, 2006 10:36 am Post subject: Puwede po,he! he! |
|
|
Ako po ay si Teody(Tso') na taga-Kinale
Panganay sa walong supling ni Toyang(+) at Luding(+)
Apelyido ay Cadapan,pamangkin ni Emin,Tiyang at Turing(+)
Na sa palagay ko ay medyo kilala ninyo rin
Nagtapos po ako nang elementarya(PES),
makaraan apat na dekada
Palagay ko po ay sapat na upang edad ko
ko ay matanto niya
Hindi po ako pangit, at hindi rin guwapo
Tamang tama lang po pagkakatimpaldo! he! he!
Pinalad po ako na magka-asawa
Nang isa ring taga-Paete na napakaganda
Angkin niyang katangian at tunay na kabutihan
Talaga po namang nanggaling sa kalangitan
Pangalan po niya ay Gilda, "Gilds/Gie" kung turingan
Andeng at Oyong Fadul magulang at gabay
Maam Ferrer(Cherry)kanyang pinsan,Mrs Isaac,tiyahing tunay
Tulad ninyo ay dakilang guro nang ating bayan
Kilala po ako nang bayaw ninyong si Amamng Claro
Kaibigan ni ama at ina nang buong pamilya
Mula sa pusong tulong,masarap na sorbetes handog niya
Sa aming pamilya ay nagbibigay aliw sa tuwi-tuwina
Salamat sa Diyos Ama, na Siyang lumikha
Sa mga pagpapala na ginawa,ginagawa,at gagawin pa
Para sa ating buhay dulot tunay na pagmamahalan
At sa ating bayan,katiwasayan at kasaganaan!!
mam Amor --- We love you!! GOD BLESS US ALL!!!
Teogil86 |
|
Back to top |
|
 |
nievesb

Joined: 12 Jul 2005 Posts: 671 Location: Nieves Agbada Bagalso
|
Posted: Wed Jun 14, 2006 8:29 pm Post subject: Hi po Mam Amor |
|
|
Mam Amor musta pong muli sa inyo.Minsan ko na po itong nabasa at kasama sa mga magagandang tula na nagawa.Ang butiki na likha ng ating Mahal na Panginoon kung iisipin nya ay maamo rin namn dangan nga lang po at pag nadikit sa ating balat ay napakalamig at nakakagitla.Nakauwi na po ba uli kayo sa atin?Minsan na po kaming nag kausap ni Mhel at nabanggit nga po kayo ni Mhel sa akin.Baka nga po di na nya ako makilala sa laki ko ngayon hahhaha.. Kumusta na lang po uli at sanay mauwi sya sa atin sa Paete sa dadating na Fiesta.Naalala ko po nong high school kami nina Mhel pupunta po kami sa bahay nila para kumain ng ice cream na gawa ni amang Claro.Masarap at napakaraming keso.Baii ay ititnda po baga ng Amang Claro kabukasan ay nauubos po namin.hahaha.. Ingat po kayo palagi.Nadon pa rin po ba ang mahal na poon na Nazareno?Isa po yon sa naaalala ko dahil nasa silong po ng bahay nina Mhel at mailaw lang po ng kaunti nong kabataan po namin ay ayaw ko pong tumingin don at ako poy pag napatingin ay kinikilabutan para po kasing nangungusap ang Poon na yun pag kanyang pag mamasdan.Salamat po uli sa pag babahagi nya ng tula.May namiss po ako pag nagpunta sa section na ito alam kong masaya na sya kasama ng Mahal na Ama.
Neneth |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sun Jun 18, 2006 8:37 pm Post subject: hello tso-NY |
|
|
tso-NY,
kilala ko nga ang mga amang emin, inang turing at inang tiyang. pamilyar din sa akin ang pangalang oyong fadul. at siyempre sina cherry at mrs. isaac, ay talagang mga kasamahan.
noong kabataan ko ay malimit akong dumayo ng paglalaro sa quinale gawa ng hipag kong si kang lina cagayat. barkada ko rin si erlinda adarro at classmates kong cadapan ay sina lorenzo, benito at isabelo. tropa ko naman sa college si meding milan.
salamat at may kababayan ulit akong natagpuan dito sa usap.
kumusta sa inyong mag-asawa.
pagbati,
mam amor |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sun Jun 18, 2006 8:46 pm Post subject: hello neneth |
|
|
neneth,
salamat at nagtagpo ulit tayo rito.
nagkita kami ni mhel kahapon sa cabuyao, laguna. siguro kilala mo si alan (abdul) na pamangkin niya, anak ni +Gigi. namatay kasi sa bangungot at kahapon inilibing. kaya kaming angkan ay malungkot na nagtagpu-tagpo.
imagine 21 years old lamang. bai, ay sayang talaga. pero sabi ko nga masaya na siya roon sa piling ni Lord.
si kang claro ay medyo mahina pero si kang luming ay maliksi pa kumilos.
si nana mary ay kasama rin kahapon sa cabuyao, malakas pa naman.
yong poong nazareno ay nagro-rotate ang nag-aasikaso. Isa-isa noon ang mga anak ni kang luming, tapos anak ni kang nestor, ngayon naman ay mga anak ni kang linda. nagpapadala ako ng tulong taun-taon bilang panata.
o sige, salamat. pareho tayo ng feeling dito sa forum na ito. kaya kahit paano ay nagpo-post ako para hindi siya magalit o magtampo.
kumusta sa inyo riyan, at god bless.
mam amor |
|
Back to top |
|
 |
Guest(M:A:G) Guest
|
Posted: Thu Jun 22, 2006 8:06 pm Post subject: ipagpaumanhin po nyo |
|
|
Sa inyo po Ka Amor
Una po lahat ay ipagpaumanhin nyo po ang aking pagiging Interesado (pakialamera) sa Website na ito, lalo na po sa sisteng Paete at higit dito sa tulaan, nasabi ko po na ako ay pakialamera kasi po ,sa Ako ay hindi isang Paetenian at hindi rin po ako doon nanirahan, ni hindi ko pa nga po napupuntahan ang Paete eh. Ako po ay isang Batanguenia at kaibigan po ako nina Sheba at Norie aka Alimpuyo,sa kanila ko po natutuhan ang Website na ito. lalong lalo na po ang Tulaan,Noong nabubuhay pa po si Batang Patio ay wiling wili po akong magbasa ng kanyang mga tula,ang gaganda at nagtataglay rin din po ito ng magagandang pagsasalarawan ng ating buhay.kaya po noong mabasa ko na sumakabilang buhay nasiya ay bigla po akong nalungkot dahil sa akala ko na wala na akong mababasa pang magagandang tula, na siyang nakaka aliw ng kalungkutan dito sa ibang Bayan(Bansa), kaya po noong maulit ni Alimpuyo na gumagawa siya ng tula, ay natuwa po akong muli at may mababasa na naman akong magagandang tula. kaya ipagpaumanhin po muli ang aking masasabi kong ako ay nakisali dito sa tulaan nyo.sana po hindi ako naging isang pakialamerang estanghera dito. dala lang po iyon ng aking kalungkutan dito,at kasabikan sa sariling bansa ,na dito ko po natagpuan ang kaligayahan.Ako po ay natuwa noong sabihin ninyo na gust nyo akong makilala. salamat pong muli.
Gumagalang,
Guest( M:A.G) |
|
Back to top |
|
 |
nievesb

Joined: 12 Jul 2005 Posts: 671 Location: Nieves Agbada Bagalso
|
Posted: Thu Jun 22, 2006 9:44 pm Post subject: MULI KUMUSTA MAM AMOR |
|
|
Ako poy nakikiramay sa pagpanaw ng pamangkin nya.Baii ay napakabata pa po pala(21)Nakakapanghinayang.Siguro poy may dahilan at alam kong makakapiling na nya ang kanyang mahal na ina sa langit.Di ko po mahagilap si Mhel kaya si Issaylang po ang aking nakausap upang makibalita sa nangyari.Napakasakit po talaga ang mawalan ng anak lalo na po don sa asawa ni +Gigi.Sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.Kumusta na po kayo?Paki kumusta na lang po uli kay dada Mery,Mang Claro sana palakas pa sya,Si Inang Luming na beauting beautypa rin.Sana poy lagi kayong nasa ayos.Salamat po uli sa pag sagot ng mga tanung ko.Ingat po palagi.\
neneth  |
|
Back to top |
|
 |
fredmc

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 671 Location: Fred Cagayat
|
Posted: Sun Jun 25, 2006 5:26 pm Post subject: Ang Butiki |
|
|
Dahil napag-uusapan dito ang Butiki, nais ko rin isali ang tula kong ginawa noong 1996 tungkol sa Butiki.
ANG BUTIKI
by: Fred M. Cagayat
Isang gabi noon, may ‘Markanong tulog,
Sa dampa ng mahal, at Pinay na irog,
Pagmulat ng mata, siya ay naudlot
Sa kesame’y merong mga mata’t buntot.
Tsk, tsk, tsk ang huni, ang Kano’y natakot,
Animal na ito, baliktad, nakembot!
Paa’y nakadikit, mata’y mabibilog
Nalapit sa ilaw, gamu-gamo’y higop.
Si John ay natakot, balikwas na’t hiyaw
“Jane, there’s a salamander!” ang English na sigaw,
Sa tindi ng takot, boses ay napagaw
First time na nakita, ang butiking ligaw.
At dagling lumapit, mahal na asawa
At natawa lang s’ya sa kanyang nakita,
Asawang six-footer, kinatakutan pa
Maliit at harmless, butiki lang pala.
Kung iisipin mo, butiki’y kaiba,
Parang spiderman, kesame natira,
Gamu-gamo’t lamok ang pagkain niya,
Kung saan may ilaw, doon nakalinya.
Ang aral sa atin, ang lahat ng bagay,
May hitsura’t wala ay magkakapantay,
Butiki sa “ceiling” may silbi at saysay,
Natulong sa atin, dapat ring mabuhay.
Tayong mga Pinoy dapat ay magbunyi,
At merong kakampi na mga butiki,
Peste sa kesame, may kalaban lagi,
Salamat sa ating –Tsk, tsk tsk BUTIKI.
----
(The poem was composed and recited on December 8, 1996
on the occasion of the 50th birthday of his brother-in-law,
Romeo Vergara. The idea was based on the real life
experience of cousins John and Jane of Staten Island,
New York, on their first trip together to the Philippines). |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sun Jul 09, 2006 3:36 am Post subject: |
|
|
dear fred,
nakatutuwa naman itong tula mo
true story ng couple na kano
starring role ay butiking kalbo
parang nakita ko ngiti ni babalu.
rgrds,
amor |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sun Jul 09, 2006 3:46 am Post subject: |
|
|
dear guest (M.A.G.)
salamat sa iyong pagsagot. pero hindi ka pa rin nagpakilala nang lubos.
ang pakikipagkaibigan ay hindi para sa mga magkababayan lang. kaya't kahit ikaw ay isang batanggenya, kaibigan na rin kita. sa totoo lang, marami akong mga kaibigan sa batangas. marami na rin akong narating na bayan sa batangas dahil sa mga seminars. sa katunayan nga, sa july-13-16 ay sa sto. tomas ako magse-seminar. narating ko na ang mga bayang ito: nasugbu, balayan, calatagan, lemery, taal, bauan, lipa at batangas city, tanauan, san nicolas, lian, sta. teresita, san pascual.
sige, lagi kang pumasyal dito sa usap. laging may posting dito sina sheba at norie. kapag may time ako ay nagpo-post din ako rito lalo na nga sa tulaan dahil ito ang legacy sa amin ni batang patio. kung nais mo ring makitula sa amin ay puedeng-puede.
kumusta sa iyo.
mam amor _________________ Amor Salceda Kagahastian
|
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|