View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
cvafuang Guest
|
Posted: Wed May 10, 2006 1:08 pm Post subject: Re: Sitio Papatahan |
|
|
mutuk wrote: |
Nasa kabayanan na po ng Sitio Papatahan ang pagsasagawa ng mga kalsada. Meron pong drainage system na makikita sa larawan.
Ito po ay kuha ko bago pumasok ng kabayanan ng Papatahan. Yun pong pagbaba diyan ang mismong Papatahan. Ang mga kalsada po ay tatambakan pa ng mga bato, graba at buhangin para sa kaukulang pagpapatibay ng daan.
May kaukulang drainage system po na makikita sa iba't ibang parte ng ginagawang kalsada.
Hanggang katapusan pa po ng buwan ng Mayo ang pagsasagawa ng 51st Engineering Brigade ng Phil. Army ng mga kalsada papuntang Sitio Papatahan |
What a beautiful sight! Kahit hidi pa tapos...
Thanks! Vice Mutuk, More power to you. |
|
Back to top |
|
 |
saida

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 840 Location: Saida Cagandahan Dulay
|
Posted: Wed May 10, 2006 10:42 pm Post subject: Nice pics! |
|
|
VMutuk,
salamat sa napakagagandang litrato, ngayon lang ako napasyal dito kaya ngayon ko lang nakita ang developments sa papatahan. everytime na uuwi ako sa paete ay palagi akong niyayayang umahon sa papatahan pero aayaw kong sumama dahil masyadong mainit...now i know what i'm missng! sa susunod kong uwi sa paete ay sisiguraduhin kong makaahon na. btw, mero akong alam na ibinebentang lupa dyan [a lot cheaper than the quoted 50/sq. meter] ang problema ay may tenants. ang balita ko ay matatapang nga ang mga tenants dyan at hindi mo basta-basta mapapaalis dahil ang pakiramdam nila ay kanila na yung lupa. that's the reason kung bakit halos give-away price na yung lupang ibinebenta.
may tanong lang ako, though i'm not sure if this has been answered in the long thread. hanggang saan yung construction ng drainage? papaano ang sistema ng sewerage system o "poso negro"? saan ang tuloy nung mga yon? salamat ult!
saida _________________ Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org |
|
Back to top |
|
 |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Thu May 25, 2006 11:29 pm Post subject: |
|
|
Hi Saida,
Sorry ha? Nandiyan ka pala, ngayon ko lang napansin. Mahigit 2 weeks na pala yung tanong mo.
Tamang tama, galing ako dun last wednesday at binisita namin yung project kasama si Gen Rolan Detamali, Col. Vicente Yordan ng Phil. Army at yung grupo nila. Ang proyekto ay upang maayos ang 3.5 kilometers road to Sitio Papatahan at magkaroon ng all weather road, meaning kalsada na kahit hindi sementado ay matibay ito sa klase ng panahon sa atin. Hanggang tambak lang daw ng graba at buhangin then padaanan sa pison para madikpi at tumigas ng husto. Ang drainage ay merong mga design at abang para sa kauukulang pagsasaayos pa. (Hindi kasama sa proyekto) Pero okey naman sa panahon ng tag ulan. Yung sa sewerage ay malamang isama na sa pag aaral na gagawin ng mga taga UPLB na sanay sa ganitong disiplina.
Hanggang katapusan po ng Mayo ang Grupo ng 51st Engineering Brigade ng Phil. Army doon sa lugar para sa nasabing proyekto.
Heto nga pala yung ilang pictures taken during my visit last Wednesday , May 24,2006:
Nakita ko po dun si Dr. Bayani Mendoza, an octogerian, asawa po ni Dr, Aurora Balquiedra Dans na kapatid nung Tito Dans, para bisitahin ang kanyang lupain sa Sitio Papatahan. _________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo |
|
Back to top |
|
 |
Guest Guest
|
Posted: Thu Jun 08, 2006 12:55 am Post subject: Para sa Mayor at nakasasakop na Barangay |
|
|
Kilangan po ng immediate formulate policies para sa mga magsisipagtayo ng bahay along newly Papatahan road, kasi po simula ng isaayos ang Papatahan road, medyo nagkakaroon agad ng mga setlers along the road, pangit pong tingnan kung plano itong gawing tourist attraction. Ang bilis pong gumawa ng mga bahay. Concern lang po. Sana hindi makatulad sa karanasan sa H-way na dikit-dikit ang squaters. Hindi magandang tingnan. GANDA PA NAMAN, SAYANG!
Thanks
Guest |
|
Back to top |
|
 |
vermad

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 1181 Location: Jersey City, NJ, USA
|
Posted: Thu Jun 08, 2006 4:12 am Post subject: Re: Para sa Mayor at nakasasakop na Barangay |
|
|
Guest wrote: | Concern lang po. Sana hindi makatulad sa karanasan sa H-way na dikit-dikit ang squaters. Hindi magandang tingnan. GANDA PA NAMAN, SAYANG! |
Kung walang Zoning Laws at enforcement ng mga ito, it will be
Squatters sa Ibaba
Squatters sa Itaas! _________________ Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae |
|
Back to top |
|
 |
Guest Guest
|
Posted: Thu Jun 22, 2006 5:22 am Post subject: Dinadaanan na po ng hila ng Carabao Logging across sa daan |
|
|
Sa lahat ng interesadong tumulong sa pag-unlad ng Sierra madre
Maliban sa Squaters sa lugar, dinadaanan na po ng carabao logging ang ilang bahagi ng ginawang kalsada, agapan na po sana ng munisipyo. Karamihan po mga taga SAn Antonio ang mga sumisira sa lupa ng papatahan at tubog gawa ng carabao logging, Sila pa ang matatapang. Malimit po sa gabi ang byeha ng uling at kahoy sa Sitio Papatahan. My nagkakargang Elf.
Thanks
Guest |
|
Back to top |
|
 |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Sun Jul 02, 2006 12:06 am Post subject: |
|
|
Makalipas po ang tatlong (3) buwan. Kaninang umaga, araw ng Linggo dito sa aking opisina sa SB ay biglang dumating si Alex, ang pangulo ng samahang SAMAKA sa sitio Papatahan upang bigyan ako ng patikim sa unang ani ng kanilang tanim na talong sa Sitio Papatahan (larawang nasa itaas).
Ako sa bandang kaliwa habang tinatanggap ang mga patikim na inaning mga talong mula kay Alex, ang Pangulo ng SAMAKA sa sitio Papatahan kasama si Jerome (dulong kanan) na isang social worker mula sa Tulong Kapatiran Project (TKP) na siyang umaalalay sa samahan.
Malapitang larawan ng mga inaning mga talong
Dalawang (2) libong puno daw po ng talong ang kasalukuyang namumunga ng maganda. _________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo |
|
Back to top |
|
 |
kanoel

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 401 Location: Mayor Emmanuel Cadayona
|
Posted: Sun Jul 02, 2006 4:37 am Post subject: |
|
|
Isa po sa component ng proyektong "Eco-tourism" sa ating kabundukan ay ang livelihood na pagpaparami ng mga kambing. Noon pong June 30, ay iniahon na ni G. Tony dela Rosa, Pambayang Agrikulturista ang 22 kambing upang alagaan ng samahang itinatag para sa proyektong ito. Ang pabakod, bahay at damong partikular na pagkain ng mga kambing na ito ay naisagawa ng lahat.
 |
|
Back to top |
|
 |
adedios SuperPoster

Joined: 06 Jul 2005 Posts: 5060 Location: Angel C. de Dios
|
Posted: Thu Jul 13, 2006 8:47 pm Post subject: Meeting with the Governor of Laguna |
|
|
Presenting the Paete Agroforestry Village Proposal
to the Governor of Laguna, Ningning Lazaro
Governor Lazaro's Conference Room, Sta. Cruz, Laguna
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mayor Cadayona and Governor Lazaro
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
With Dean Razal and Dr. Carandang of UPLB
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dr. Carandang works on his presentation as everyone listens and watches
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
The current proposal:
http://141.161.23.43/PAETE_AGR.....ILLAGE.doc
|
|
Back to top |
|
 |
adedios SuperPoster

Joined: 06 Jul 2005 Posts: 5060 Location: Angel C. de Dios
|
Posted: Fri Jul 28, 2006 6:46 am Post subject: Defensor endorses Paete agroforestry, proposed upland villag |
|
|
Ka Noel has just sent me a copy of a formal endorsement of the above project by Presidential Chief of Staff Michael Defensor. Defensor says, "....The project will benefit the occupants in the Paete uplands, the municipality's enterpreneurs, the municipality itself, and most important, the environment...." The project has been referred to DENR secretary Angelo Reyes for appropriate action. The Sangguniang Bayan of Paete is now preparing a resolution addressed to Secretary Reyes to ask formally for financial support for the project.
Many thanks to Ka Noel and the Sangguniang Bayan (especially to Konsehal Cosico and Vice Mutuk, who have been very supportive of this project).
I also would like to acknowledge the Chicago chapter of Paetenians International for doing their share to help the upland farmers of Paete.
Last edited by adedios on Fri Jul 28, 2006 1:59 pm; edited 1 time in total |
|
Back to top |
|
 |
adedios SuperPoster

Joined: 06 Jul 2005 Posts: 5060 Location: Angel C. de Dios
|
|
Back to top |
|
 |
nap madridejos Guest
|
Posted: Fri Jul 28, 2006 10:14 am Post subject: Paete Agritech Multi-Purpose Coop's Abaca Farming |
|
|
Prof Angel,
Magandang gabi po.
Ako po si Nap Madridejos, chairman po ng newly registered Paete Agritech na nagkaroon po ng training/seminar on abaca farming last july 21 sa atin pong munisipyo sa pangunguna ng Fiber Industry Development Authority (FIDA) na under po ng Dept of Agriculture, Cooperative Dev Authority (CDA), Manila Cordage (One of the country's biggest buyers of abaca), at ng Pamahalaang Bayan ng Paete.
Ngayon lang po ako nakapasyal dito sa posting niya on ecotourism at naengganyo po akong sumagot. Nabalitaan ko din na nandito po siya sa Phils kamakailan at sobra po ang panghihinayang ko na hindi tayo nagkita o nagkakilala. Alam ko po kasi na malaki ang maitutulong niya sa aming mga proyekto. Sa ngayon po ay nasa proseso pa lamang kami ng pagtatanim ng abaca na pinili ng FIDA na may magandang variety. Sa abot kaya po ng aming makakayanan at bayanihan system ay nakapagsimula na po kami.
Sa mga nabasa ko po dito sa postings ninyo dito sa ecotourism ay alam ko po na kailangan ng aming coop ang isang tulad niya. Kung saka sakali po ba at makakalapit kami sa kanya para sa ilang mga payo at katanungan tungkol sa aming projects ay ok lang po ba sa kanya?
Ako nga po pala ay magpapakilala muna sa kanya- eldest son po ako ni hector at minyang madridejos ng ibaba (9).
Dito na po lamang.
Maraming salamat po.
GOD BLESS!
Nap Madridejos |
|
Back to top |
|
 |
adedios SuperPoster

Joined: 06 Jul 2005 Posts: 5060 Location: Angel C. de Dios
|
Posted: Fri Jul 28, 2006 10:56 am Post subject: |
|
|
Dear Nap:
Maraming salamat sa iyong balita dito sa Usap Paete. Congress is very interested in abaca, their main concern, however, is quality control. This, I gathered, from the round table discussion I attended in which some members including the chair of the S&T committee of Congress attended. I am not an expert on abaca, (all I know is that it is a member of the family of banana trees). Since your project also involves the municipal government of Paete, there may be a way to put your project and the proposed agroforestry project in synergy with each other. I encourage you to touch base with the UPLB scientists, through Ka Noel or Konsehal Bokwet Cosico, and check if abaca farming can be incorporated in the proposed sustainable agroforestry site. Again, thank you for your note and good luck to your efforts.
Sincerely,
Angel |
|
Back to top |
|
 |
Map Madridejos Guest
|
Posted: Sat Jul 29, 2006 2:03 am Post subject: Paete Agritech |
|
|
Prof Angel,
Maraming salamat po.
Sana nga po kahit bagong tatag pa lamang ang Paete Agritech ay mabigyang pansin din po at mapasama sa isa sa mga priority projects ng ating munisipyo kahit na po hindi ito talagang kasama sa proyekto ng ating pamahalaan.
Muli po ay salamat.
Nap |
|
Back to top |
|
 |
kanoel

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 401 Location: Mayor Emmanuel Cadayona
|
Posted: Wed Aug 02, 2006 3:09 am Post subject: |
|
|
Dear Angel,
I just had a meeting with Dr. Willie Carandang yesterday regarding the additional details for our “Paete Agro Forestry Village” (Eco-tourism project) at Sito Papatahan. The additional details will be concentrated on the agro-forestry and livelihood content such as the inclusion of the following herbal (medicinal) plants inter-crafted with the batikuling, ilang-ilang and other trees.
1. Andrographis Paniculata (locally known as Serpintina)-Para sa Diabetes to bronchitis.
2. Mentha x cordifolia opiz ex fresen (locally known as Yerba Buena}- Para sa pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan.
3. Blumea balsamifera (locally known as Sambong)- Para sa manas at pantunaw ng bato.
4. Psidium guajava L. (locally know as bayabas)-Para sa panlinis ng sugat at impeksyon sa bibig.
5. Ehretia microphylla Lam. (locally known as Tsaang Gubat) – Para sa sakit ng tiyan.
6. Casia alata L. (locally known as Akapulko) – Para sa an-an, buni, galis aso at alipunga.
7. Peperomia pellucida (locally known Sulasimang Bato) – Para sa pampababa ng uric acid sa dugo.
8. Momordica charanitia (locally known as Ampalaya) – Para sa diabetes mellitus (mild non insulin dependent)
As requested by Mr. Nap Madridejos, in his posting here, their ABACA project will also be included as part of the livelihood program.
Dr. Carandang promised to finish the proposal (details will just be inserted to the original) by Friday, August 4. I will email it to you for your review so that any further comments could be incorporated in your presentation (report) to PAASE)
Regards,
Ka Noel |
|
Back to top |
|
 |
adedios SuperPoster

Joined: 06 Jul 2005 Posts: 5060 Location: Angel C. de Dios
|
Posted: Wed Aug 02, 2006 7:29 am Post subject: |
|
|
Thanks, Ka Noel, for the update and for giving attention to Nap Madridejos' suggestion on abaca. I look forward to reading the revised proposal. Thanks.
-Angel |
|
Back to top |
|
 |
cvafuang Guest
|
Posted: Wed Aug 02, 2006 2:02 pm Post subject: Re: Chicago share |
|
|
adedios wrote: | I also would like to acknowledge the Chicago chapter of Paetenians International for doing their share to help the upland farmers of Paete. |
Prof. Angel,
Maraming Salamat sa acknowledgement.
I say....Tulong-tulong para Sumulong!
Mabuhay ang Paete! |
|
Back to top |
|
 |
adedios SuperPoster

Joined: 06 Jul 2005 Posts: 5060 Location: Angel C. de Dios
|
|
Back to top |
|
 |
UP Los Baños Guest
|
|
Back to top |
|
 |
adedios SuperPoster

Joined: 06 Jul 2005 Posts: 5060 Location: Angel C. de Dios
|
|
Back to top |
|
 |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
|
Back to top |
|
 |
adedios SuperPoster

Joined: 06 Jul 2005 Posts: 5060 Location: Angel C. de Dios
|
Posted: Mon Jan 01, 2007 6:44 pm Post subject: |
|
|
The year 2006 has passed. This topic stays as timely as ever.
The municipal government should be encouraged to continue its
efforts in finding sustainable ways of using the uplands of Paete.
I hope 2007 brings us closer to this dream. |
|
Back to top |
|
 |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Fri Aug 31, 2007 2:08 am Post subject: |
|
|
Pumunta po ako kahapon Aug. 30, 2007 sa Sitio Papatahan kasama ang mga piling empleyado ng munisipyo at apat na pulis upang personal na makita ang kasalukuyang sitwasyon sa nasabing lugar. May mga inpormasyon na nakarating sa aking kaalaman na dahil sa paghihigpit ng bayan ng Pangil sa kampanya laban sa pag uuling at sa pagputol ng mga punong kahoy ay dito sa ating kabundukan sila mga lumipat upang dito ipagpatuloy ang kanilang mga illegal na gawain na makakasira sa ating kabundukan.
Base po sa aking nasaksihan ay positibo ang nasabing inpormasyon kaya't amin pong kinumpiska ang kanilang mga uling at pinagsabihan na ito ay silbing warning at sa susunod na mga pagkakataon na aming pagbisita ay kukumpiskahin na rin ang mga sasakyang may karga ng mga uling at sasampahan ng kaukulang reklamo ang mga taong mahulihan nito..
Heto na po ang kalagayan ng ating mga kalsada, dahil sa pagpupumilit ng ilang sasakyan na dumaan ngayong panahon ng tag ulan ay mapapansin na may ilang parte ng kalsada ang maputik at posibleng masira kung hindi maaagapan. Mapapansin din po na halos ang nasisirang lugar ay yuong mga malupa o kulang sa kailangang pampatigas tulad ng mga bato o graba.
Pansamantala pong ipagbabawal ang pagdaan ng mabibigat na sasakyan sa mga kalsadang nabanggit matapos ang malakas na ulan upang maiwasan ang tuluyang pagkasira nito..
Tinawagan na po namin ng pansin ang mga kinauukulang miyembro ng Phil. Army na may sakop sa lugar na bigyang pansin ang nasabing problema sa ating kabundukan.
Bukod dito ay magsasagawa ang ating kapulisan ng mga biglaang pagbisita sa kabundukan upang ipatupad ang mga Mun. Ordinances ukol dito.
Nagpatawag na rin po ako ng isang pagpupulong ng bumubuo ng MPOC- Municipal Peace ang Order Council na gaganapin sa darating na Lunes ng hapon Sept. 3 imbitado ang Commanding Officer ng Phil Army na si Lt. Nixon Palo na may sakop ng lugar upang pag usapan ang mga nararapat na hakbangin upang mapangalagaan ang ating kabundukan at mapigilan ang pagdagsa ng mga estranghero na basta na lang umuukupa ng mga napapabayaang mga lupain ng walang permiso mula sa may ari nito. _________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo |
|
Back to top |
|
 |
ccdimacali Guest
|
Posted: Fri Aug 31, 2007 3:06 pm Post subject: Well Done! |
|
|
Vice,
I really appreciate your hard work and I'm glad you have the PA supporting you. Please let us know if we can help.
Cheers, ccd |
|
Back to top |
|
 |
adedios SuperPoster

Joined: 06 Jul 2005 Posts: 5060 Location: Angel C. de Dios
|
Posted: Sat Sep 08, 2007 9:18 am Post subject: |
|
|
Vice Mutuk:
The following article may be of help:
Summary: To keep dirt roads in good condition, a speed limit of about 8 km/hr is necessary.
***********************************************
http://www.sciencenewsforkids....../Note3.asp
Sept. 5, 2007
If you've ever been in a car that's traveling down a dirt road, you know how bumpy the ride can be. Dirt roads often develop ridges—and until recently, no one knew why.
These bumps are usually several inches high, and they occur every foot or so. Workers can use bulldozers to flatten the dirt, but the ridges reappear soon after cars hit the road again.
Scientists have attempted to explain why ridges form, but their theories have been very complex. As a result, engineers haven't been able to put the theories to the test or to design bumpfree dirt roads.
Recently, researchers at the University of Toronto and their colleagues at the University of Cambridge in England attempted to come up with a simple explanation of why the ridges form.
They began by building a turntable—a round, flat surface that rotates, somewhat like the spinning surfaces sometimes found on large restaurant tables.
To make a model dirt road, the scientists covered the turntable with grains of dirt and sand. They placed a rubber wheel over the surface so that it rolled over the dirt as the turntable rotated.
In repeated tests, the scientists varied conditions in every way that they could think of. They used grains of different sizes and mixtures. Sometimes they packed down the dirt. Other times, they scattered the grains loosely on the surface.
The researchers also tested wheels of different sizes and weights. They even used a type of wheel that didn't spin. And they rotated the turntable at a variety of speeds.
Depending on conditions, the distance between ridges varied. But the ripplelike ridges almost always formed, regardless of what combination of factors the scientists used.
To better understand what was going on, the team created a computer simulation that showed how individual grains of sand move as a tire drives over them.
The computer program showed that dirt surfaces, even those that look flat, actually have tiny bumps. As a wheel rolls over these little bumps, it pushes the dirt forward a small amount. This nudge makes the bump get slightly bigger.
When the wheel then passes over the bump, it pushes dirt down into the next bump. After a hundred or so repetitions—not unusual for a well-used road—the bumps turn into a pattern of deep ridges.
What's the solution? The only way to avoid a bumpy ride, the researchers found, was to slow way down. If all cars travel at a poky 5 miles per hour or less, a dirt road will remain flat.—Emily Sohn |
|
Back to top |
|
 |
|