PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Posting from the 3 elem schools

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
kanoel



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 401
Location: Mayor Emmanuel Cadayona

PostPosted: Fri Jul 22, 2005 8:57 pm    Post subject: Posting from the 3 elem schools Reply with quote

Tuwang - tuwa ako ng makita kong mahigit 200 na ang postings galing sa 3 mababang paaralan ng Paete. Sa wakas ang pangarap ni Prof Angel na maihugpong ang ating mga kababayan sa pandaigdig na komunikasyon ay nagkakaroon na ng katotohanan. Ang kahalagahan ng internet sa ating kuminidad, lalo na sa sektor ng hanap-buhay at edukasyon, ay hindi matatawaran. Napakapalad ng ating bayan sa pagkakaroon ng isang anak sa katauhan ni Angel De Dios na hindi lamang tulong pinansyal ang ipinagkakaloob kundi pati na ang kanyang talino, oras at sarili ay buong puso niyang ibinibigay sa atin. Mabuhay ang batang Paete, Mabuhay si Prof. Angel del Dios!
Back to top
View user's profile Send private message
dedette villanueva
Guest





PostPosted: Sat Jul 23, 2005 9:36 am    Post subject: tunay na Angel nga po si Prof. Angel De Dios. Reply with quote

Second the motion po ako sa sinabi ninyo Mayor, talagang one of a kind po si Angel. Sabi ko nga po bibihira po ang katulad nya wala po yan inisip kundi paano makatulong at pag tumulong eh talagang all out pa din.
Salamat din kay Mary ang butihing asawa ni Prof. sa patuloy din nyang pagsuporta sa gawain ni Angel. Nawa'y marami pang Angel at Mary ang umusbong sa mundo.

Bravo! Bravo! si Tito Angel sigaw ni Mac Mac.(hehehe)
Back to top
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sat Jul 23, 2005 7:33 pm    Post subject: Reply with quote

Tamang-tama ang ang mga tinuran ni mayor ka noel! Saludo ako sa inyong lahat.

MABUHAY SI PROF. ANGEL AT SI MARY! MABUHAY ANG LAHAT NG TAGA- PAETE!

HAPPY FIESTA PO BUKAS.


mam amor
Back to top
View user's profile Send private message
Arbin M. Sarmiento
Guest





PostPosted: Tue Jul 26, 2005 8:04 pm    Post subject: pagsaludo Reply with quote

Tunay na napakalaking karangalan para sa bayan ng Paete ang pagkakaroon ng isang DR. ANGEL CAGANDAHAN DE DIOS! Hindi lamang siya isang henyo sa larangan ng edukasyon, kundi isang henyo sa puso at isipan. He is serving all his time and talents without expecting any in return. I salute you Sir, thanks for all the things you've done. Mabuhay po kayo!

Sir. Arbin
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Tue Jul 26, 2005 9:56 pm    Post subject: maraming salamat Reply with quote

maraming salamat po, ka noel, dedette, mam armor at arbin:

Dedette: Nagkakilala na kami ng iyong ina at mga kapatid. Narito sila noong piyesta - kinunan ko ng litrato at video.

August pala ang ating piyesta diyan sa DC - nabasa ko sa mailing list-posting ni Saida. salamat uli at nahintay ninyo ako. see you all soon!
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
leeq



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 304
Location: Lee Quesada

PostPosted: Wed Jul 27, 2005 3:27 am    Post subject: Re: Posting from the 3 elem schools Reply with quote

Amen to that, KaNoel! and to you, also magiting na Mayor, Maraming Salamat! with your valuable assistance and support you have made Angel's mission a lot easier, possible and sustenable! keep up the great work for our schools and our town. may God bless and keep you always.
warmest to you and to all!
tita lee
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
shiecabisidan
Guest





PostPosted: Wed Jul 27, 2005 3:46 am    Post subject: anghel na hulog ng langit sa mga taga Paete Reply with quote

Talaga namang npakadakila ng kalooban ni Prof. Angel de Dios at napakaswerte ng Paete na nagkaroon ng isang anak na tulad niya Smile Maraming salamat po at marami sanang mahawa sa busilak ninyong kalooban!
Back to top
Arlene Alegre QES
Guest





PostPosted: Wed Jul 27, 2005 8:37 pm    Post subject: Re: Posting from the 3 elem schools Reply with quote

Kilala po akong tahimik na tao at anuman ang nasa loob ko'y di ko mabigkas at masabi agad-agad. Sa pagkakataon pong ito, mula po sa puso, humahanga po ako kay Prof Angel sa kanyang masigasig at matiyagang pagtuturo ng mkabagong kaalaman sa lahat ng kanyang kayang abutin. Umasa po kayong anuman ang natutunan namin na di kayong nag-atubiling i-share sa akin at kay ma'm Anne, bilang guro sa computer mga batang Quinalians, umasa po kayong lalo naming pag-iibayuhin na maipasa ito sa kanila. Naiplano na po ang aming punongguro ang schedule ng computer class noon pang bago magpasukan. Ito po ay may 3 batch ang cream section ng grade V and VI sa loob ng isang taon. Tig tatatlong buwan daily bawat isang batch. Magkaklase po ito ng 11-12 ng umaga at isa ay tuwing 4-5 ng hapon bukod pa ang sa sabado na inilalaaan namin sa mga alumni ng QES Young Paetech at PTA Natutuwa po kami sapagkat maisasalin namin ang dagdag pang naituro ninyo prof. Angel sa kanila. Ang pag-aani ng lahat ng karunungan ay inaasahan namin na di lamang ngayon kundi sa darating pang mga araw. MABUHAY PO KAYO! TUNAY NA NAKATALA NA SA KASAYSAYAN NG PAETE LALO NA SA QUINALE ELEM. SCHOOL ANG PANGALAN NINYO BILANG UNANG GURO SA MAKABAGONG KAALAMAN SA COMPUTER GAYUNDIN ANG NAIIBANG KATANGIAN NA NAPATUNAYAN NAMIN SA INYO. GOD BLESS YOU MORE!
Back to top
reyc
Forum Owner


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 259
Location: Rey Carolino

PostPosted: Thu Jul 28, 2005 6:38 am    Post subject: Re: Posting from the 3 elem schools Reply with quote

kanoel wrote:
Napakapalad ng ating bayan sa pagkakaroon ng isang anak sa katauhan ni Angel De Dios na hindi lamang tulong pinansyal ang ipinagkakaloob kundi pati na ang kanyang talino, oras at sarili ay buong puso niyang ibinibigay sa atin.

Sang-ayon ako sa sinabi mo Mayor. Madali lang ang magbigay ng tulong pinansyal- pero yong mag-bigay ng iyong oras ng buong puso, bibihira ang makagagawa.. Akmang akma talaga ang pangalang "Angel"- it fits him to the max.
MARAMING SALAMAT PROF at sa iyong butihing maybahay na si mary. I hope to finally meet you in person next summer.
Back to top
View user's profile Send private message
dedett villanueva
Guest





PostPosted: Fri Jul 29, 2005 8:23 am    Post subject: hintay ka namin dito! Reply with quote

Tito Angel! bilis bilisan mo tito Angel at baka mahuli sa Fiestahan, hala ka pag absent eh pag uusapan Laughing Pwede ba yong wala ka eh handang handa na nga kami makinig sa balitang Paete mo eh.


See you soon Cool

(baon mo kami ng buto ng santol ha!) Laughing

dedettski
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Fri Jul 29, 2005 6:22 pm    Post subject: Reply with quote

Gano'n ba? Saan ba ang fiesta? Kay na Moree Valdecantos ba?

Nakakadalaw ba kayo sa bahay?

Limang araw na lang.....
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Mon Aug 01, 2005 3:53 pm    Post subject: Re: Posting from the 3 elem schools Reply with quote

kanoel wrote:
Tuwang - tuwa ako ng makita kong mahigit 200 na ang postings galing sa 3 mababang paaralan ng Paete.


Ka Noel:

Ito na marahil ang magandang simula ng pag-uugnayan pati ng ating kabataan diyan sa atin at sa ibayong dagat. Sinabihan ko na ang aking anak na si Hillary na makipag-sulatan sa anak ni Nenett Bagalso, na marunong sa paggamit ng computer at member ng kabataang Paetech.

Nakikinikita ko na ang magiging magandang bunga ng kanilang pagpapalitan. Ang tinatawag na 'language gap' ay hindi dapat maging sagabal sa komunikasyon. 'Yan nga ang dapat nating lagyan ng tulay.

Sa aking palagay ay mabuti itong paraan upang kanilang malaman ang kanilang roots at laging maging gising sa ala-ala ang interes sa bayan ng Paete. Mabuhay ang ating Kabataan!
_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Tue Aug 09, 2005 4:38 am    Post subject: Reply with quote

475 posts in Batang Paete forum and today I even saw an almost instantaneous conversation with the IES family. Earlier, I was in contact with PES. QES is quiet, but I could see that they are still on the same routine of discovering internet resources at 11 am and 4 pm, the computers at QES are also quite busy.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
arlene alegre
Guest





PostPosted: Thu Aug 11, 2005 12:57 am    Post subject: re: qes batang paete posting Reply with quote

good day po!

prof. sorry for not posting for the past few days because we're busy doing school reports and etc. and even those pupils because they are reviewing for this coming first periodical test. The qes batang paete are still communicating and learning those internet resources in the same time/schedule. Gusto ko nga lagi makapagpost kaya lang minsan talaga pong kailangan may tapusin akong trabaho pero di ko po naman nalilimutan. Crying or Very sad

arlene
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Thu Aug 11, 2005 12:59 am    Post subject: Reply with quote

Arlene, that is okay. Even if you do not post, I could see some activity inside QES computer classroom. I understand that you all have a very heavy load. Please extend my best wishes to everyone and good luck to all the students.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Thu Aug 11, 2005 1:03 am    Post subject: Re: Posting from the 3 elem schools Reply with quote

Arlene Alegre QES wrote:
Kilala po akong tahimik na tao at anuman ang nasa loob ko'y di ko mabigkas at masabi agad-agad. Sa pagkakataon pong ito, mula po sa puso, humahanga po ako kay Prof Angel sa kanyang masigasig at matiyagang pagtuturo ng mkabagong kaalaman sa lahat ng kanyang kayang abutin. Umasa po kayong anuman ang natutunan namin na di kayong nag-atubiling i-share sa akin at kay ma'm Anne, bilang guro sa computer mga batang Quinalians, umasa po kayong lalo naming pag-iibayuhin na maipasa ito sa kanila. MABUHAY PO KAYO! TUNAY NA NAKATALA NA SA KASAYSAYAN NG PAETE LALO NA SA QUINALE ELEM. SCHOOL ANG PANGALAN NINYO BILANG UNANG GURO SA MAKABAGONG KAALAMAN SA COMPUTER GAYUNDIN ANG NAIIBANG KATANGIAN NA NAPATUNAYAN NAMIN SA INYO. GOD BLESS YOU MORE!


Arlene, maraming salamat nga pala sa iyong sinulat. Smile
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group