 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Tue Jul 12, 2005 3:54 am Post subject: ISANG DAPIT-HAPON SA CENTRAL |
|
|
ISANG DAPIT-HAPON SA CENTRAL
Batang Patio
July 12, 2005
May isang panahong sakbibi ng kalungkutan
Magulo ang isipan at walang mapuntahan
Wala pang kalaman-laman yaring lukbutan
Naupo na lang sa isang tabi ng paaralan
Pinagmasdan ang maberdeng kapaligiran
Naghahabulan ang mga bata at naggigirian
Nagkakalabugan ang sahig ng Roces building
Habang ang mga nakakakita ay pailing-iling
Mabilis na naglakbay-diwa’t pumailanglang
Doon sa panahon ng mga humpak ang tiyan
Ang anim na taong ginugol sa eskwelahan
Lumampas, nakaraos kahit maraming kulang
Buhay na walang-wala, daigdig ng mga dukha
Doble ang pagkahig, nakabukang mga tuka
Laging nakamaang sa mayroo’y nakatunganga
Madalas nag-aapuhap sa paligid lilinga-linga
Pagdurusang labis mga gunita ng pagkahapis
Buhay na nasa libis ang luha’y namalisbis
Bitak-bitak ang palad sa yaman ay salat
Mga binhing ipinunla’y sa hirap nagmulat
Basag na espehong sumasalamin sa balintataw
Magandang kinabukasan ang pilit na tinatanaw
Mga dusa’t pighati ang doo’y sumasaklaw
Ang pag-asang malabo’y pilit na inaaninaw
Pagsapit ng dapit-hapon kumakalat ang kulimlim
Nagkukubli ang haring araw pagsapit ng dilim
Humihinto ang pagdaloy habang dumidilim
Nagtatago sa ulap, humihimlay ang panimdim
Sa langit tumingala, sa kalawakan nakatingin
Doo’y sumasabog ang mga kislapan ng bituin
Animo’y mga alitaptap sa kanilang pagkutitap
Mga munting ilaw na nag-aagawan sa pagkislap
Nakangiting nagpakita ang mahiwagang buwan
Naghatid ng tanglaw sa kaparangan ng paaralan
Waring nagwikang may panibagong bukas pa naman
At iyo’y maghahatid ng mga pintong bukaskasan!
|
|
Back to top |
|
 |
ofeliad

Joined: 12 Jul 2005 Posts: 271 Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere
|
Posted: Tue Jul 12, 2005 3:03 pm Post subject: sa PES |
|
|
Hello Aurel na Batang Patio
sa bilis mong humabi akoy pinahanga mo
ito ngang ukol sa central, naala-ala ko
baon sa reses hati pa kami sa singko
kami ni Vigie tig dadalawampera
ibibili pa nga pasalubong ang sobra
sa bunso naming si Ben,ang isang pera
ganitong baon kami'y masaya na
maraming kumusta mahal na kabayan
sana'y palagi kang nasa mabuting kalagayan
salamat sa ..usap.. nagi kang kaibigan
dumami nawa ang iyong angkan
Opel  _________________ anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske |
|
Back to top |
|
 |
eve19612000

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 1026 Location: Sheba Allenbach-Aseoche
|
Posted: Wed Jul 13, 2005 1:22 am Post subject: Re: Sa Quinale Ako!!! |
|
|
Au, ibabahagi ko din ang aking pinagmulan...Null Ahnung ako sa Central...
isa lang ang dumapo sa aking isipan
pasalamatan aking pinagkaka-utangan
mga gurong nagtiyaga't nagsumikap
maabot namin ang aming mga pangarap
Quinale Elementary School ako nag-mula
hindi mabilang ang naiwang mga ala-ala
sa mga guro, kamag-aaral, at mga gusali
higit sa lahat ang anim na taong pananatili
hindi man kalakihan ang aming paaralan
punong-puno iyon ng sigla't kadakilaan
ang bumasa't sumulat doon ko natutunan
maging ang mangatwiran kung kinakailangan
Sa lahat ng naging guro ko sa Quinale Mabuhay po kayo, Maraming Salamat Po... _________________ NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba- |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Wed Jul 13, 2005 6:36 am Post subject: Opel & Sheba |
|
|
Maraming salamat sa inyo Opel at Sheba
Nakakatuwa dito kulay-kulay pa
May mga emoticons na nakikitawa
At pwedeng ma-edit kapag may mali ka!  |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Thu Jul 14, 2005 5:22 am Post subject: Re: sa PES |
|
|
ofeliad wrote: | Hello Aurel na Batang Patio |
Salamat Opel, marami lang akong free-time kaya ganoon. May sagot na ako dito kahapon pero magkasama kayo ni Sheba sa sagot, nagmamadali kc ako kahapon, ngayon naman half-day kami at bukas day-off kaya yehey na naman
regards
aurel |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|