PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Taglamig na naman

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Wok with Somy (cook, work, walk)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Tue Dec 04, 2007 6:35 pm    Post subject: Taglamig na naman Reply with quote



Magandang Araw po sa inyong lahat mga mahal kong mga ka Paete. Ako po'y labis ang pasasalamat at kayo ay aking nakapiling
na muli dito sa Usap Somy tayo'y magluto...

Gaya ng nabanggit ko noong Dec 4, 2007 Martes ay meron po akong malugod na ilalahad sa inyo..ngayon po ay masarap, malinamnam (na naman) at higit sa lahat ay mabuti sa ating
katawan....ang ASPARAGUS na buong pusong ipinaulak sa akin
na lutuin ko po ito.

Si Alex Villarin po ay kababata ko at natuto po kaming lumangoy sa
Blackhawk ng langoy at sisid mapasa ilog o sa swimming pool
Si Alex din ay minsan at lagi ko rin nakakalaro sa bilyaran ni Amang
Maning...marunong din kaming lumaro ng peraperahan...bulitin at
yong pitsas (sa may 3 balls)....Maraming maraming salamat Alex hani? Heto na po ang asparragus na masarap, malinamnan at
higit sa lahat ay.....(alam ninyo na?)








Asparagus with Oyster Sauce

2lbs. asparagus
3tbsp. olive oil
4 cloves of garlic (minced of choped)
2 tbsp. oyster sauce deluted with same amount of water

Igisa ang bawang sa olive oil at pag luto na ay unahing igisa yong
matigas na parte ng asparagus. 4 or 5 minutes later e add yong rest
until it is done. add the sauce and stir. serve hot or cold.

Di ko alam kung paano mag attach ng picture dito kaya I will upload
the pictures na lamang doon sa photo section.

Von appetite! or kung sabihin sa Batanggas ay "aba ay kay sarap eh!"

Enjoy
Alex V.
Wednesday, 1201pm, 66 deg. and gloomy skies here in So. Cal.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Ang perfect cone tree as I promised to get the pictures way back noong last summer 2007
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang Toyota SUV sa harapan ko ay madumi at naglalati...pangkaraniwan na makikita
sa panahon ng winter dito.
-----------------------------------------------------------------------------

After the storm....magandang tingnan at pangarapin...pero
malamig...sobra kalamig aba...pero gaya ng dati tiis.






souvlaki







saludo


--------------------------------------------------------------------

My many faces...very very happy.....
Ang blood pressure ko ay sa wakas ay getting to normal...mataas
pa rin pero ang gamot ay malaki ang naitulong sa akin, advise ay
diet sa karne, sa maalat at exercise...meron improvement, ang weight ko ay getting down a little bit ang good news ay naitatali ko
na yong sapatos ko na nakaupo, dati dati at halos hindi ako makahinga. I walk every day sa hallway..mahaba ay at saka sa stairs akyat at baba...hingal aba I am working on my consistency
while I am done with walking...basa ng ilang verses habang nagpapahinga...mabuti ring pampabait aba....so I am BUSY AGAIN.
Kaya ako ay HAPPY hani? Siguro ang makikita at makakapiling ko pa
ang mga apo ko..GOD willing.

-----------------------------------------------------------------------------
First Storm sa Toronto 2007







----------------------------------------------------------------------------------



------------------------------------------------------------------------------

I remember my mother, we're so much attached to our mother
we're connected to her with the ambilical cord....kaya tayo
ay laging their baby or boy...that become conflict to our way of life
and through our marriage..marami ako kuwento sa inyo tungkol
dito na napakinggan ko sa aming Men's Conference.

Sigi hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo itong tula ko para sa aking mahal na ina.

I love you Ina
(Isidra ‘Doray’ Navarro Bague Dans Galaboc Asido)

Halos limang taon ng ikaw ay lumisan
Lungkot at iyak kong bangkay ka ng datnan
Ang mutya mong anak ay di na nahintay
Sa maramot na pag-ibig sa iyo ay ialay

Hayaan mong gunitain ko ang iyong alaala
Nang kami’y maliit at nasa iyong kalinga pa
Ang pag-aasikaso mo’y aming nadama
Walo kaming pinakain, inalagan sa tuwina

Sa paggising sa umaga, kalan na ang hinarap
Sinimulang umapoy sa ulong na inihanay
Sa kumukulong tubig ay inumpisahan
At sa pagdating ni Ama galing sa baklad

Bigas ay hinugasan at iyong isinalang
Sa kalan na ang apoy ay naghihintay
Sinimulang linisin ang ayungin na buhay
At sa kumukulong tubig dito inilagay

Sinimulang ng maghain sa hapag kainan
Barakong kapi para sa amang mahal
Kaming maliliit ay kayang tinawag
Ama’y nasa kabisera, katabi ng liyag

Tuwina’y tumatayo habang nag-aalmusal
Sinigurong busog kami, may laman ang tiyan
Di na alintana ang sarili’y kumain ba?
Huling pang aalis sa hapag kainan

Bata pa ang araw ang pagod ay di alintana
Pampaligo sa amin ay inihanda na
Damit ay inayos may piston at plantsa
Maaayos na mga gamit at baon ay inihanda

Di ko pa sasabihin sa araw na yon na lumipas
Araw araw na ginawa at inspirasyon sa tuwina
Ilang araw, ilang taon na masayang nakaraan
Di rin alintana, buhok pala’y puti na

Di lahat ay saya ang Ina’y naranasan
Pagkain ay salat paminsan minsan
Sa abilidad ng Ina upang pagkain ay humaba pa
Dadamihan ang gulay at pati ang sabaw

Salamat ng marami sa iyo aking Ina
Sa alaala mo’y inspirasyon’y lagi ka
Sa problemang hinaharap base mo’y molde na
Ganoon mo nilutas ang yong problema

Mahal kong Ina, Salamat po…Salamat po

Somy ‘Gusti’ Asido
April 14, 2007
9:10am
Toronto


Mga Ina, Nanay or Mama (ang tula para sa ating mga Ina)
http://www.paete.org/forums/viewtopic.php?t=4623
_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Wok with Somy (cook, work, walk) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group