PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PAETE: MAY HUSTISYA PO BAGA TAYO?
Goto page Previous  1, 2
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Fri Jun 13, 2008 1:59 am    Post subject: Re: PAETE: MAY HUSTISYA PO BAGA TAYO? Reply with quote

Aba mga katoto, maski pala sa amerika'y gustong maghari
Mga bibig daw nati'y itikom na, at baka may mangyari
Ala ey, nananakot, talagang mahilig magsangkot
Hoy Ginoong Pinagpala, ikaw ay nakakalungkot!

May kundisyon pa siya, sa mga inaping kababayan
Kanila raw baligtarin ang kaso, bago sila dadamayan
Mga tao raw sa isang departamento, siya'y pinagtutulungan
Gustong ipasara, negosyo niyang kayamanan!

Samantalang itong mga tao ng departamentong nabanggit
Payo sa kanya'y makipagareglo, sa mga tauhan na iginiit
Para matapos na't, hustisya'y hindi mag ngitngit
Aba ay "hindi at ayaw", lalo pa itong nanga init!

Ikaw kaya ay humantad, makipag-usap at maglahad
Mahaba mong salaysayin, sa katotohanan ay hubad
May pinanghahawakan ka ba, mga papel na dapat ilahad
At amin ding ilalabas sa Malacanang, ang baho ng iyong palad!

Ang isa'y nagawa mo ng ipadampot, sa "warrant" na "GINAMOT"
Ng mga pulitiko mong "kaibigan", na umabuso sa kapangyarihan
At kami'y sasabihan mo pa, "wag" lumapit sa may kakayahan
Gayong ikaw ang nauna, dapat tayo'y walang lamangan!
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Fri Jun 13, 2008 7:34 am    Post subject: Re: PAETE: MAY HUSTISYA PO BAGA TAYO? Reply with quote

Namumulitiko daw Ama nitong Bayan
Ito ang kanyang bintang ng "anak" ay pinayuhan
Huwag ninyo siyang isangkot 'di siya nakialam
Hawak namin ay katotohanang sa iyo'y ilalaban!!


Sa mga batohan namin ikaw ba'y tinatamaan?
Bakit ang pag-aray ay iyong pinipigilan
Hala nga lumantad ka't magpakilalang tuluyan
Kung ikaw ay nasa tama wala kang pangingilagan!!



[quote=

Ang isa'y nagawa mo ng ipadampot, sa "warrant" na "GINAMOT"
Ng mga pulitiko mong "kaibigan", na umabuso sa kapangyarihan
At kami'y sasabihan mo pa, "wag" lumapit sa may kakayahan
Gayong ikaw ang nauna, dapat tayo'y walang lamangan![/quote]
Back to top
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Fri Jun 13, 2008 9:20 am    Post subject: Reply with quote



TeLudee, di kaya nabibingi na sya sa katotohanan?
Nalilito at ang mga ipinasasabi'y pawang mga kabaluktutan?
Bakit hindi sya makaharap ng parehas sa mga tauhan?
O talagang "BULLY" laang at dukha ang pinahihirapan?

Alam mo baga ang "BAIL" noong taong ipinadampot nya?
BAIIIIIIIIIII! P180,000.00, saan kuko ng agila sila kukuha nito?
Paano na ito makakalaya kung ang pagkain sa araw-araw ay wala?
Mabubulok na laang sya sa kulungan, MAKATARUNGAN PO BA ITO?

Hey! TeNems, nakalimutan mong mag-log in
Aba'y baka ang sabihin nila'y ika'y natatago rin
Kailanga'y pantay at malinis tayo sa paghahain
Nang hindi tayo mapulaan at mariin!

TeLudee wag kang magagalit ano,
noong araw baga'y activist ka sa UP?
he-he-he BWUAAAAAAAAAAAAAAAAH!
PATAWAD PO !

_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Jun 13, 2008 4:25 pm    Post subject: bakit? Reply with quote

Brunenette wrote:


Alam mo baga ang "BAIL" noong taong ipinadampot nya?
BAIIIIIIIIIII! P180,000.00, saan kuko ng agila sila kukuha nito?
Paano na ito makakalaya kung ang pagkain sa araw-araw ay wala?Mabubulok na laang sya sa kulungan, MAKATARUNGAN PO BA ITO?







bai ngayon ko lang ito nabasa
ano't sobrang laki ng pyensa
diyos na mahabagin sang bulsa
iaamot, ito ba'y tamang parusa?

tnemz, nakakalungkot naman
ganito na ba talaga sa ating bayan
ang mahirap walang kalaban laban
kulungan bakal ang binabaksakan

kung may kasalanan maiintindihan
kinakailangan talagang parusahan
kung binabaligtad ang katotohanan
hello po! iba na yata itong usapan








_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sat Jun 14, 2008 3:56 am    Post subject: Siguro nga'y panahon na Reply with quote

Kawawang nilalang, nawalan ng trabaho't nagutom
Hayun, sa kulungan nagdurusa't nagkukuyom
Siguro nga'y panahon na, darating itong "tunay" na Hukom
Kasamaan sa mundo'y, isa-isang malilikom.

Hahaha, brunenette...aktibista nga ako nuong araw
Wala ding nangyari, kasamaan sa pinas ay apaw
Minabuti ko pang umalis, at ako ay sumalipawpaw
Dito ako napadpad, at palaging nag-iihaw!!! ...lol

Saan nag uumpisa? pagbabago ng isang nilalang?
Di ba, pag nalugmok? pagbabago'y saka lang
Pagsisisi't paghingi ng tawad, kasunod ay dapat lang
Bagong buhay na walang hangga'y duon lang makakamtan.

Siguro nga'y mas mabuti, "expose" ang kailangan
Mga tao sa departamentong pinagbibintangan
Kung tutuo man ito, sila'y maiimbistigahan
Lalabas ang katotohanan, mabubulok ang may kasalanan.

DT, ngayon ko lang naisip, mga kawawang hayop na nalapa
Kung makakapagsalita lang, mga "kamag-anak" nila
Hihingi din ng katarungan, dahil "endangered species" sila
Dito sa Amerika'y protektado sila, patayin mo't makukulong ka!

Ano kayang sindikato itong pinagsasabi nya
Gusto pang gamitin, mga dukha't mga kawawa
Bakit hindi yun ang ipinaaresto't hindi itong isang dukha
Walang laban, walang pera, gagamitin pa nya!

Kung ikaw ay nagbabasa, huwag ka sanang mapikon
Ipaliwanag mo ng maayos, kaso mong nakakahon
Pare pareho lang tayo, at iisa ang Panginoon
Pasasaan ba't, lalabas din, puno't dulo't tunay na hangarin.



Brunenette wrote:



Alam mo baga ang "BAIL" noong taong ipinadampot nya?
BAIIIIIIIIIII! P180,000.00, saan kuko ng agila sila kukuha nito?
Paano na ito makakalaya kung ang pagkain sa araw-araw ay wala?
Mabubulok na laang sya sa kulungan, MAKATARUNGAN PO BA ITO?


TeLudee wag kang magagalit ano,
noong araw baga'y activist ka sa UP?
he-he-he BWUAAAAAAAAAAAAAAAAH!
PATAWAD PO !

_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Sat Jun 14, 2008 8:14 am    Post subject: Re: Siguro nga'y panahon na Reply with quote

BRUNETTE!

Bakit ako magtatago'y ako nga itong naghuhumiyaw
Salaysay na inihahayag malinaw pa sa sikat ng araw
Bali-baliktarin man ito'y katotohanan ang paiibabaw
Ang mga inaapi sa wakas ay may katarungan!!!

Laughing Late na kasi ako kahapon, sorry, forgot to log in Rolling Eyes


DALUDS:

Departamentong pinagbibintangan (?) Surprised
binigyan s'ya ng pagkakataon
Sa dating mga tauhan makipag-ayos
matapos na lang kanilang layon
Ngunit anong winika niya,
magugulat ka sa tugon
Kaso daw ay kaya niyang palawakin
mahabang pisi niya ay malayo
daw ang hayon!
Twisted Evil Evil or Very Mad


PANGKIN:

Pinsan-pangalawa, kita ay pamangkin
Ikinalulungkot kong 'di pagbigyan itong iyong hiling
Ang katotohanan hindi dapat na pigilin
Siya itong nauna, ipinagtatanggol ko lang itong akin!!


DT:

Naglingkod pa naman sa bayan, batas dapat ay alam
Mga "endangered species" 'yan ay pinangangalagaan
Pinupuksa nila ito, ginagawang puhunan ng yaman
'di kaya sa pinag-gagawa nito'y maiga ang kanyang kaban? Twisted Evil


BUNSOY:

Ikaw ba ngayo'y kalmado na matapos ng pagkatalo?
Sa next season na lang bumawi ang mga SWISSO Wink
Tunay ka sa sinabi mo, nakakaawa iyong tao
Sa pamilya'y 'di matiis malayo, ano ngayon magagawa ko Sad


Wink Have a good weekend everyone!

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Jun 15, 2008 3:16 am    Post subject: Reply with quote



ALAY KO SA ATING BAYAN!



SA MGA NAGTUTULOGTULUGAN




bawat tao ay may malayang makapagpahayag
huwag naman ninyo ipagkait tunay na nilalayag
mahaba't matibay man ang pising pangbulag
pasasaan ang katotohanan ay mabubunyag

tao nga lang tayo, huwag alsan ng karapatan
bawat prinsipyo natin ang dapat ini ingatan
ano ba ang yaman kung nakalublob sa banlatan
magpasasa kaman darating ang oras na babalatan


_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Jun 15, 2008 3:33 am    Post subject: Re: Siguro nga'y panahon na Reply with quote

Tisay wrote:

BUNSOY:
Ikaw ba ngayo'y kalmado na matapos ng pagkatalo?
Sa next season na lang bumawi ang mga SWISSO Wink
Tunay ka sa sinabi mo, nakakaawa iyong tao
Sa pamilya'y 'di matiis malayo, ano ngayon magagawa ko Sad
Wink Have a good weekend everyone!




baina ay tunay na taluti
di ko alam mamayang gabi
kung ano ang mangyayari
tiyak portugal ang maghahari

usap usapan tip ng nakakarami
ang portugal sa finale makakasali
ngunit sigaw ng holland ay kami
sya abangan tunay nga nakakawili

hahahahakablag!

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Sun Jun 15, 2008 9:14 am    Post subject: Reply with quote



Halina nga't pag-usapan natin kung ano talaga ang nangyari
At ang usaping ito'y umabot ng ganito't lumaki ng lumaki
Ito palang si G. Pinagpala ay minamatyagan na ng departamentong sinasabi
Sa kadahilanan na may mga tauhan syang walang papeles, ngani!

Di kaya nya naisip na nakakalibre sya sa buwis, kung ang trabahador nya'y ilegal?
Kaawa-awa rin naman tauhan nya kung di rin maiilista pinagtrabahuhan nila
Kaya noong dalawin sila ng mga tauhan ng gobyerno,pinayagan ni G. Pinagpala
Ilan sa mga tauhan nya na matanong at sila'y ininterbyo.

Isa lamang ito sa mga kadahilanan kung bakit nasisanti mga biktima
O!, ay bakit benindisyunan nya tapos palalayasin pala
Dahil matagal namang nagtrabaho sa kanya hiling lamang naman
Ay ibigay ng wasto "separation pay" na tama't walang lamangan.

Pinaliwanag pa ng departamento na makipagusap at areglohin
Para nga magkaayos na at ng di na magkakaso at maihain
Pero nagmatigas si G. Pinagpala, kaso daw ay kaya niyang palawakin
Mahaba ang pisi nya ka-yang mailayo ang mararating!

Walang perang ibinigay kaya ang ginawa
Yun lumang sasakyan ni G. Pinagpala
Ang kinuha (may basbas nya) na para pambayad nya
Kaya di po totoo ang pinalabas nila,NAKARNAP DAW!

Kung tutuusin nga kulang pa perang pinagbilhan
Ni hindi pa nangalahati sa tamang bilang ang pinagpartihan
Kaya meron pa syang utang na dapat punuan
Pero di na kumibo mga biktima at sila'y nanahimik na lamang.

Dumating nga ang araw na ito, 'to pala ang pananakot nya
Nagsampa ng kasong karnaping, diniin sa mga dating tauhan
At ang halaga ng isang ulo ay yun nga P180,000.00
Para sila makalabas sa kulungan o ang bond naman ay P20,000.00

Halagang ikabubulok na laang sa kulungan
Balita pa ang gustong mangyari ni G.Pinagpala
Ititigil nya kaso pero ang mga biktima
Babaligtarin ang departamentong tumulong sa kanila!

Ni ang ama ng bayan ng Paete di nakikialam dito
Walang politiko na humahawak sa mga biktima po
At ang huli pang pasabi ay baka mapaNBI na sila
Dahil sa dalawa sa tatlong biktima'y di pa nakukuha.

Madali pong humingi ng tulong sa media
At nacional pa ang exposure na mangyayari
Pero ano ang sinabi ng isa sa mga biktima
Bai! ay may mga anak din si G. Pinagpala.

Ano G. Pinagpala nahayun baga ng isipan mo ganitong katwiran?
Samantalang itong dukhang iyong binibiktima malawak ang isipan
Paningin ay nakatuon doon sa kung ano ang kahihinatnan
Nang iyong pamilya kahit sya'y iyong pinahihirapan!

_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun Jun 15, 2008 4:08 pm    Post subject: Napakaliwanag! Reply with quote

Brunenette...

Maliwanag pa sa sikat ng araw, itong iyong salaysay
Ang maidadagdag ko laang, magpaikot ng ulo, siya ay mahusay
Pati kaibigan nyang matalik, istorya nya'y himay-himay
Ih ih ih, maano ngang i- expose na, para lumabas ang tunay!

Mga tao sa departamento, pwede ring maimbistigahan
Kung ito ngang paratang sa kanila, ay may katibayan
Baka naman "ilusyon" lang nitong Ginoong Pinagpala yan
Sa laki nga siguro ng multa, kaya sya nagkakaganyan!

Tauhang nagsilbi ng higit sa sampung taon
Akala'y may social security pension, yun pala'y nakabaon
Ngayo'y nagtatago, pamilya'y di maka ahon ahon
Buhay nila'y nanganganib, pag naglalakad, sa likod nakalingon!

Expose, expose...yan lang ang solusyon
Para lahat ng bintang, lumabas na ngayon
Dun sa pinakamataas, atin ng ipahayon
Mahal na Panginoon, sa IYO kami sasang-ayon!
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Mon Jun 16, 2008 8:57 am    Post subject: Re: Napakaliwanag! Reply with quote

'Di ko nais na ito'y palawigin
Sa inaasal tila'y 'yun ang hiling
Taas ng "ego" n'ya ay dapat na supilin
Kung "expose" ay kailangan hala sige na rin!

Hinlog ko'y ang sagot G. Pinagpala'y may mga anak rin
Ayaw daw niyang mangyaring sila'y maapektuhan rin
Sagot ko nga sa kanya, "pamilya mo'y paano rin
Mga anak mo'y nangungulila 'di alam saan ka hahanapin?"

Isang hakbang na lang itong hinihintay
Pag walang nangyari'y lalabas ng tunay
'Di lang sa ating bayan kundi buong kapuluan
Ito'y sa Iyong pahintulot Amang Makapangyarihan.



dadaludy wrote:
Brunenette...

Expose, expose...yan lang ang solusyon
Para lahat ng bintang, lumabas na ngayon
Dun sa pinakamataas, atin ng ipahayon
Mahal na Panginoon, sa IYO kami sasang-ayon!

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Tue Jun 17, 2008 8:56 am    Post subject: Reply with quote

mwalng galang npo sawsaw lng po
kung naibenta't mayrung basbas
ay di dapat abswelto clang lhat
ang bentahan po bagay may pirma ng meari
kung wala naman po
paanu po nabenta nabili? Confused
Back to top
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Tue Jun 17, 2008 6:22 pm    Post subject: Reply with quote

kababayang "guest" salamat sa tanong mo
hindi ang mga salarin ang nagbenta nito
nahila ang sasakyan ng nasabing departamento
pera ay hinati-hati sa mga sinisanteng empleyado

kung ibig mong malaman buong salaysay nito
kompleto ang papeles na maaring basahin mo
"public documents" ito sabi ng aming abogado
kaya hindi namin ipagdadamot na malaman mo.


ipagtanong mo na lang d'yan sa atin kung hindi mo alam
bahay ko. Salamat muli.



Anonymous wrote:
mwalng galang npo sawsaw lng po
kung naibenta't mayrung basbas
ay di dapat abswelto clang lhat
ang bentahan po bagay may pirma ng meari
kung wala naman po
paanu po nabenta nabili? Confused

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Tue Jun 17, 2008 9:25 pm    Post subject: Reply with quote

hinila ng departamento
me perang ibnayad ito?
anong departamento
ang gumagawa nito?
bai, ay itinula nyo na
ay di linawin baga
gawang pag aking bnasa
biktima ang may sala Rolling Eyes
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Wed Jun 18, 2008 3:04 am    Post subject: Moreover... Reply with quote

Kababayang Guest...

Habang hinihila ng departamento, kinunan ng video
Ni Ginoong Pinagpala, habang nangyayari ito
Eto ang ginamit nya, para magsampa ng kaso
"Dinoctor" ang video, at carnapping daw ito.

Pinakilos nya mga kaibigan na Hukom, Fiscal at abugado
Biglang may lumabas "warrant of arrest" para sa mga tao
O inang bayan, palala na talaga ang pulitiko
Pag pera ang kumilos, kaluluwa ng tao mabibili mo.
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Wed Jun 18, 2008 4:23 am    Post subject: Hello Mr. Guest, Reply with quote

di na lamang ako tutula..he he he! Laughing

Masmaganda pagusapan kung kilala natin ang isat-isa sa temang ito, pero para sa iyo, ginoo o ginang o whoever GUEST, kung nan-diyan ka sa paete, Bai! wag ka na nga pakilala, at sabi nga ni Ginoong Pinagpala ay mahaba ang kanyang pisi o galamay, pero kaming nasa abroad, palagay ko naman ay di niya kayang abutin...he he he! pero maghahanda na lamang ako pag-uwi ko, anyway, di ko pa naman, na-meet si Ginoong Pinagpala kahit ako'y diyan lumaki sa atin.
MInsan ko ng tunumbok si Ginoong Pinagpala dito sa Usap, na di ko naman binanggit ang pangalan, pero ewan ko at nadelete, tila di fair dahil noong si Mayor Ka Noel ang binibira ay walang deletion, pero eto ewan ko lanng naman. Sad

Ginoong Guest,
Para sa iyngo kaalaman mo, yun warrant of arrest ay sa Judge ng Sta. Cruz, Laguna kinuha, ewan ko naman kung bakit samantalang ang kaso ay nasa Paete, so wala sa area of jusridiction ng kaso ang warrant, puede baga yun, kundi lamang talaga magaling magpakilos ng pera si G. Pinagpala.Sa pagbabasa ko ng mga kaso, alam ko ay kung saan ang kaso, doon puedeng kunin ang warrant of arrest, pero kung paano at ganon ang nangyari...magaling din yun judge ng sta. Cruz..he he he alam mo na, PERRRAAAAA YAN AY!
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
Guest






PostPosted: Fri Jun 20, 2008 9:15 am    Post subject: Reply with quote

ilan beses ako nag post sa palagay ko ang sagot sa tanong na may hustisya pa kaya ?????????? AY WALA dahil dumedepende ito sa mga tao na nakapuesto or sa taong may yaman. salamat kung ilalabas nyo ito.
Back to top
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Thu Jun 26, 2008 9:12 am    Post subject: Reply with quote

Kaibigang guest,

Kung naiinip ka ay ganun din kami... masyadong mabagal sa atin ang proseso. Araw-arawin mo man ang follow-up ay 'di pa rin mapabilis. Kung may padulas sigurong malaki-laki ay baka umandar, pero 'di rin naman siguro... kaya hintay lang tayo. Kung gusto mong malaman ang lahat-lahat. Kontakin mo lang ako, dahil 'di ko pa p'wedeng ilabas ang mga tunay na pangalan dito
hanggang hindi pa "plantsadong" lahat. Hawak ko na ang mga papeles, at talaga namanng mapapabulalas ka ng katatanong ng "ha?" at "ano?" at "baket?" sa sarili mo habang binabasa ito. Salamat sa concern mo.




Anonymous wrote:
ilan beses ako nag post sa palagay ko ang sagot sa tanong na may hustisya pa kaya ?????????? AY WALA dahil dumedepende ito sa mga tao na nakapuesto or sa taong may yaman. salamat kung ilalabas nyo ito.

_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Fri Jun 27, 2008 2:11 am    Post subject: Dapat ay meron ang sagot Reply with quote

Mr/Ms Guest,

Dapat ay lagi tayong may pag-asa na "magkakaruon" ng hustisya lalo na ang mga dapat lang na magkaruon...sa tamang pamamaraan at tutuong mga papeles. Kadalasan, kailangan pang ma expose ang isang kamalian, bago magbago ang isang nagkamali at kasabay ng tunay na pagbabago ay ang paghingi ng tawad. Pag nasukol mo, nabuking ang maling gawain, either na ang iiral ay ang pride ng isang tao kasabay ang "maling" pag ganti...pero meron pa din naman na pag nasukol mo na, ay agad agad aamin, ginagawa ang nararapat lang, kaya presto, hindi na lumalaki ang kaso...pero pag ang umiral sa isip ng isang taong nagkamali ay ang "laki ng ego" at "dami ng kakilala" ay lumalaki ang kaso. KUNG may ilalaban ang kabilang parte, magkakaruon ng hustisya...pero pag walang panlaban, ay paano na? Ang panglaban na sinasabi ko ay kung may panggastos sa paglakad lakad. Siempre, pag punta mo sa mga departamento, kailangan may pamasahe ka, at pang kain man lang...may matatapatan ka rin naman na taong nagtratrabaho sa mga kinauukulan na merong moral values...at hindi humihingi ng lagay.

Tulad na sabi ni tisay...medyo mabagal ang takbo ng proseso dyan sa atin, siguro sa dami ng mga iba't ibang kaso...pero kung matiyaga ka sa follow up, ay di ayos lang. Ay paano na nga kung wala ka man lang panggastos sa pamasahe para mag follow up? ang kawawa ay lalong nagiging sawimpalad wika nga.





Anonymous wrote:
ilan beses ako nag post sa palagay ko ang sagot sa tanong na may hustisya pa kaya ?????????? AY WALA dahil dumedepende ito sa mga tao na nakapuesto or sa taong may yaman. salamat kung ilalabas nyo ito.

_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Fri Jun 27, 2008 7:14 am    Post subject: Reply with quote



Para sa iyo, GUEST sa USAP.
Dito ko na laang sasagutin
Mga tanong mong inihain,
Ng di tayo kumain ng ibang usapin!

Sana'y ang mga salitang
Mamumutawi sa bibig ko ngayon
Ay maging malumanay at sumasang-ayon
Para bukas di ko lamunin yon!

Ang sabi mo,"saka po kung kayo
man ay may kaso at may kilalang
abogado, sa iba nyo pb na di kilala
ilalapit."

Meron baga tayong "Public Defender"?
Na kababayan nating taga-Paete?
Yung mag-rerepresent sa mga tao
Na di kayang magbayad ng abogado?

Di ka baga magtataka
Kung paano ang isang kaso
Na kumpleto sa mga dokumento
Ay mabaligtad at gawing kakaiba!

"huag nyo pong sabihin pera-pera
lng yon dahil pinaghirapan po nila
ang pwesto nila tapos ganun kababa
ang tingin nyo sa kanilang propesyon
gayong basta po me kaso at nakikita
nila ang mga pgkakamali, natural
po na ipaglalaban nila me pera o wala."

Hindi baga may batas tayong sinusunod?
Pinagaralan ng mga taong gusto'y katarungan
Hustisyang tama para sa lahat, ng di maanod
Sa maling paggamit ng kanilang pinagaralan.

Sabihin mo sa akin, me gubat bagang walang ahas?
Hindi ko naman nilalahat
Katotohanang hubad at salat
Nagaalangan ka tuloy sa ating batas.

Alam ko po na walang perpekto
Dito sa ating ginagalawang mundo
Subalit ang manahimik at maging pipi
Ay di na ata uso, maging martir at maging API!

_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Sat Jun 28, 2008 12:23 am    Post subject: Reply with quote

Brunenette wrote:


Para sa iyo, GUEST sa USAP.
Dito ko na laang sasagutin
Mga tanong mong inihain,
Ng di tayo kumain ng ibang usapin!




Is ur desire
To make me calm
What u hav planted
is always on my mind
il try to shrugged my shoulders
To evry mystery
and Hope to lie asleep
Will go to bed early!!! Tnx po.

Good cheers
U greet me
Each day
Singing melody,
Too……

But the LAW still,
Applies to all!!! Wink Wink Embarassed
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Jun 28, 2008 5:38 am    Post subject: Reply with quote

But the LAW still,
Applies to all!!! Wink Wink Embarassed[/quote]


anong LAW ba ang sinasabi mo para sa MAHIHIRAP o para sa MAIMPLUENSYA o para sa kalaban sa pulitika

ang buhay sa Pilipinas ay pinaghaharian ng pulitika kung kapartido ang nanalo me kasanga sa mga nakapwesto.

tsk tsk magmasid ka
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Jun 28, 2008 4:35 pm    Post subject: Reply with quote

IGNORANCE OF THE LAW EXCUSES NO ONE but EXPERTS OF THE LAW MAKES PEOPLE IGNORANCE.....

G- great
U- user
E- enthusiast
S- serious
T- thinking or thoughts

Juan de la Cruz
Back to top
dt
Guest





PostPosted: Fri Jul 11, 2008 12:43 pm    Post subject: magmahalan Reply with quote

balikat, pata, braso at hita
itik, baboy, manok at pusa
papapakin yan ng sawa
kaya mag-ingat sa kanya

at bakit nga pala nemesya
makapangyarihan baga ito
kamandag makararating sa
apat na sulok ng mundo

sa lumban nga pala
ubusan ng lahi sila
'di na lang magpatawad
kahit mataas na kagawad

sa iksi ng buhay sa mundo
lahat ay ituring kapatid 'toto
patawarin na lang kamo
at kalimutan na lang ito

sawa, ibon wag mo nang kainin
tayo ay magngitian, magkamayan
magsayawan, maghalikan
magyakapan at magmahalan
Back to top
ellie
Guest





PostPosted: Wed Jul 16, 2008 12:29 pm    Post subject: Reply with quote

aba'y ako'y hangang tunay sa inyong mga sagutan
puwede po bang ako'y sumali ng di malimutan
kahit ako'y kulelat at walang kaalaman
sa mga topic na ito tunay kailangang kalkalin

paumanhin po mga kaibigan kayo palay kailangan...hehehe...
mundo kong masyadong busy kayo'y hinahanap din
kulang ang ligaya kapag kayo'y wala sa piling
ako'y patatawarin naglaho kong pagtingin....hahahaha...

iisa ang sasagot siguradong ako'y itatakwil
alam mo na bunso kung sino iyon kahit si brunetzky alam din
ka ludy pakisabihan iyong matapang at ako'y patatawarin
tunay akong pahulihin dahil sa mundo kong nakaririndi rin....
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2
Page 2 of 2

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group