View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
nangangamba Guest
|
Posted: Mon Dec 01, 2008 5:38 am Post subject: Ninakawan na pinatay pa |
|
|
sa kung sino man ang nakakaalam kung anung nangyari dun sa napatay na bata sa Brgy.1 , pakibalitaan naman kami dito sa USAP, nangangamba lang po kami dito sa mga nangyayari jan saatin sa paete, maraming salamat po, update lang po... |
|
Back to top |
|
 |
pa Guest
|
Posted: Mon Dec 01, 2008 11:44 am Post subject: update |
|
|
update po sa nangyari please...thank you po! |
|
Back to top |
|
 |
violy Guest
|
Posted: Mon Dec 01, 2008 3:00 pm Post subject: ninakawan,pinatay pa |
|
|
lubos po kaming nalulngkot ni kang delia mondelo ng mkrting po balita d2 sa russia,ung balitang ninakawan at pinatay pa ung bata na ndi man lng nakilala ung walang awang pumatay.nakikiramay po km sa pamilya ni kagawad sales.
sana ay mahuli at managot ang may kagagawan nito |
|
Back to top |
|
 |
violy Guest
|
Posted: Mon Dec 01, 2008 3:03 pm Post subject: ninakawan,pinatay pa |
|
|
kami po na lht ng tg paete na nd2 sa moscow,russia ay nakikiramay sa pamilya ni kagawad sales
violy dela rosa dalisay
delia dela rosa mondelo
jo anne dela rosa mondelo |
|
Back to top |
|
 |
ecb Guest
|
Posted: Mon Dec 01, 2008 9:58 pm Post subject: nakikiramay |
|
|
ano na po update? nahuli na po ba un suspect?
my heart goes with the family... our condolences. |
|
Back to top |
|
 |
guest#8 Guest
|
Posted: Tue Dec 02, 2008 1:41 am Post subject: |
|
|
Sa mga kinauukulan po,lalong lalo na sa ating kapulisan sana po ay bigyan nyo ng pansin ang hiling ng ating mga nangangambang kababayan na nasa ibang bansa.Ano na po ba ang status ng kasong ito?
Dati rati po ang kitatatakutan lamang natin ay ang talamak na nakawan dito sa ating bayan,ngayon po ay me kasama ng pagpatay.Sana po ay malutas ang kasong ito para sa ikapapanatag ng ating mga kababayang nangangamba,huwag po sanang mamatay na lamang ang isyung ito tulad ng ibang mga isyu dito sa usap na hindi nalulutas. |
|
Back to top |
|
 |
concerne citizen* Guest
|
Posted: Tue Dec 02, 2008 4:11 am Post subject: upd8 |
|
|
Ika-30 ng Nob. 2008, ganap na ika-7:45 ng gabi, si NiņA Liza po, 10 yrs old, grade 5 student sa Ibaba Elem Sch. ay nagtamo ng labing apat na saksak sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa ngayon po ay kasalukuyan pang nangangapa ang ating kapulisan.
May isa pong testigo na itinuro ang isang tao na kasalukuyang nasa kustodya ng pulisya para sa interogasyon / ilang katanungan, pero wala pa rin pong malinaw na ebidensiya na makakapag-ugnay sa kanya maliban sa ito raw ay namukhaan ng testigo na nanggaling sa lugar ng krimen.
May mga nagpupunta na rin po sa ating himpilan ng pulis, upang kilalanin ang naiwang damit (tshirt) na pinaniniwalaang hinubad ng nasabing kriminal. Naiwan din po ang ginamit na stainless knife, 29cm long.)
Sa ngayon po ay kailangang-kailangan ang tulong ng mga taong may maiaambag sa ikalulutas ng nasabing kaso. |
|
Back to top |
|
 |
Guest Guest
|
Posted: Tue Dec 02, 2008 4:05 pm Post subject: abs-cbn |
|
|
Isa po sa headline news ng TV Patrol last Dec 1, 2008. Check the website of abs-cbn news - Click TV Patrol - then click for Dec 1,2008 news. Our condolences to Afuang Family. May she rest in peace. |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Tue Dec 02, 2008 7:32 pm Post subject: |
|
|
adik lang pwedeng gumawa nyan
walang maibili ng droga
wala naman motibo para paslangin ang walang malay na bata. |
|
Back to top |
|
 |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Tue Dec 02, 2008 11:55 pm Post subject: |
|
|
Heto po yung damit na natagpuan malapit sa pinangyarihan ng krimen ilang oras matapos ang pangyayari. Damit na may bahid ng dugo. As-is po nung makita, nakabaligtad yung t-shirt.
_________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo |
|
Back to top |
|
 |
pa Guest
|
Posted: Wed Dec 03, 2008 3:47 am Post subject: tnx |
|
|
salamat po sa mga nagpost ng mga update. it's just so sad to hear na me bago na naman na masamang balita from our town. addict nga po ito walang nasa matinong pag-iisip ang makakyang gumawa ng ganito; usapan nga namin dito sa 400 pesos napatay ang isang bata..halaga po ng isang meal sa fastfood dito sa UAE..nakaklungkot po sobra.
may she rest in peace.. |
|
Back to top |
|
 |
Ludy

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 2241 Location: Lourdes Valdecantos
|
Posted: Wed Dec 03, 2008 4:37 am Post subject: Eto ang link sa tv patrol news... |
|
|
eto po...click
http://www.abs-cbnnews.com/vid.....r-old-girl _________________ Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast." |
|
Back to top |
|
 |
emc Guest
|
Posted: Wed Dec 03, 2008 9:35 pm Post subject: |
|
|
my heart melts... upon watching the sad and tragic story... hindi ko po mapigilan mapaluha sa sinapit ng walang malay na bata.. sana po ay may makakilala kung kanino un tshirt o makapagturo man lamang sa pumaslang kay Nina para na rin sa ikapapanatag ng pamilya nya..
nakakalungkot lamang pong isipin ng dahil sa 400.00 pesos buhay ang naging kapalit.. sana makunsensiya kung sino man ang may kagagawan..
napakahirap at napakasakit pong tanggapin para sa mga magulang mawalan ng anak, di po ba't kapag maysakit, lagnat, sugat at kung maari lamang na akuin ng magulang ang sakit na nararamdaman ng anak ay mas nanaisin pa para maibsan ang hirap na dinaranas ng anak... much more po sa ganitong klaseng pagkawala...
hindi ko mapigilan yakapin ng mahigpit ang aking anak sa tuwing mababalitaan ko na me mga kasong katulad nito..
sana mabigyan ng katarungan ang pagkawala ng batang si Nina.
our condolences.... |
|
Back to top |
|
 |
joelcantilado
Joined: 13 Jun 2008 Posts: 15 Location: Paete, Laguna
|
Posted: Thu Dec 04, 2008 1:11 pm Post subject: grabe namn |
|
|
grabe nmn nalalapit nanamn ang pasko... tiyak baka mauso nnmn ang nakawan..... kakaawa nmn yung bata... sana mabigyan ng katarungan ang mangyari....... _________________
KHAIZER |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Thu Dec 04, 2008 3:52 pm Post subject: |
|
|
BAGO!? o LUMA!? abay pang ilan na yan sa mga krimen. palagay ko ay LUMA na ang usapin madami ng krimen naganap. LUMA na din ang sasabihin ng mga kinauukulan. BAGO? ang gusto kong maBAGO ay ang sistema ng paglutas ng problema. o kaya ay palitan ang mga taong di nakagaganap ng kanilang tungkulin. napakaliit po ng bayan natin pero tila yata hindi n safe ang tumira dito. ang bata ay BAGOng biktima. ang nakawan si inang ester at si harry ay LUMA na? kelan magkakroon ng pag baBAGO? o ang pagbaBAGOng nagagnap sa ating bayan ay palala. paurong at di pasulong. di natin kelangan magBAGO ng paurong kelanagn ay pasulong. kelan? ngayon,! di bukas kundi ngayon. simulan mo hepe ang tikas mo sa interview sa tv ah. ganun di ba sa personal?
JUANTAMADDELACRUZ |
|
Back to top |
|
 |
tagapaete Guest
|
Posted: Thu Dec 04, 2008 9:47 pm Post subject: nakakalungkot |
|
|
ADIK nga sigurado ang gumawa nyan, NAKAKALUNGKOT nga lang isipin na di istrikto ang mga nakaupo sa pwesto dito sa Paete pagdating sa usapin sa droga, maituturo ng taga paete ang kung sino at sino ang mga taga paete na gumagamit at nagbebenta mga malalaki at kilalang mga tao pa pero di sila nahuhuli. Dapat kase walang kaibikaibigan pag dating sa ganyan dahil SERYOSONG USAPIN ANG DROGA sanhi talaga yan ng mga pwerhisyo at hanggang sa hayan na nga at krimen pati di baga po? |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Thu Dec 04, 2008 9:52 pm Post subject: |
|
|
Ay totoo ka dyan kabayan, di baga tayo nahihiya at mga taga paete pa ang nahuhuli sa ibang bayan dahil sa droga, ay bakit kaya di sila nahuhuli dito? Maaring istrikto ang mga kinauukulan sa kanila. Hindi naman taga kanila pero kilala nilang mga adik e bakit kaya dito ano nga? nakakahiya nga. |
|
Back to top |
|
 |
guest Guest
|
Posted: Thu Dec 04, 2008 10:38 pm Post subject: |
|
|
sa dami na ng mga hindi nalulutas na krimen sa maliit nating bayan
ay nakakalungkot isipin na bara bang hindi na ligtas mamuhay at manirahan.sana naman ay kumilos ang mga kinauukulan lalo na ang kapulisan sa paglutas ng mga kasong ganito.nakaka awa ang batang pinaslang pati na ang mga magulang niya.
sanay tumutuk naman ang makikisig nating mga pulis sa paglutas ng mga kaso.wag sana silang tutulog tulog.
maraming salamat po!!!!!!!!!! |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Fri Dec 05, 2008 12:06 am Post subject: |
|
|
sa mga kinauukulan dapt nating tutukan ang pagsugpo sa droga at hindi yung rehistro ng motor at helmet lang tayo naka sentro sayang lang ang papogi sa police car kung puro maliliit na mga naglalako at nagtitinda lang ang kayang habulin |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Fri Dec 05, 2008 1:11 am Post subject: ay naku naku |
|
|
ay naku.... naku.....naku...!!!!!
Puro na lang sa mga Pulis ang bagsak ng sisi aba anong gusto nyo gawin ng pulis eh iilan lang naman ang pulis, timbangin nga nyo ilan baga ang namamayan sa bayan natin? siguro mga 70,000 katao ilan baga ang pulis Pete ipagpalagay na 20, so ang isang pulis para sa libulibong katao? isipin nga nyo kung kaya tutukan ng bantay yun.
Me mga testigo minsan ayaw namang makipagtulungan sa pulis dahil sa takot na masangkot sa skandalo o sa gulo.
Pulis tao rin katulad nyo me buhay din na iniingatan at me pamilyang sinasandigan.
Pero hayaan nyo sa abot ng magagawa ng pulis gagawin ang nararapat at dapat makipagtulungan kung sino man ang me kinalaman sa mga krimen. tandaan nyo malimit sa mga kaso me kaugnayan 80% ay kakilala o kapamilya.
ay naku naku naku |
|
Back to top |
|
 |
guest Guest
|
Posted: Fri Dec 05, 2008 2:32 am Post subject: yes we know.. |
|
|
yes, we do know that we only have limited police here (PAETE). but do you have any report kung me nahuli na ba sila na mga kriminal? nandun na kame na konti sila... pero trabaho nila na protektahan ang mamamayan ng paete, naging pulis sila at alam nila ang responsibilidad nila,
sa mga tinutukoy mo na testigo nandun na natatakot sila kase kaya ba sila protektahan ng pulis just in case na mag-witness sila...?
sa sinabi mo na ang pulis ay mga tao din na may buhay at me pamilyang iniingatan... teka baket sila nagpulis? bago nila pinasok ang propesyon ng pagpupulis dapat alam nila na laging nasa panganib ang buhay nila..
sa sinasabi mo naman na 80% sa mga krimen ay kagagawan ng kapamilya at kakilala... paniwala ako dyan so baket hindi nila umpisahan dun..
i rest my case.. |
|
Back to top |
|
 |
eboytons

Joined: 13 Jul 2005 Posts: 285 Location: Antonio F. Dalagan
|
Posted: Fri Dec 05, 2008 5:30 am Post subject: Sisihan Na Naman |
|
|
Kay Juan TamadelaCruz, Guest etc.
Paki-usap lang, huwag na kayong manisi at di agad malutas
ang kaso, di naman ganon kadali ang maglutas ang kaso, lalo pa
at walang pang tumetistigo at limited din naman ang resources nila at kahit na sino tulad nila ay may limitasyon din ang kakayahan nila.
Kaya ang mabuti ay magtulungan na lang, walang sisihan,
walang husgahan, walang pulaan at kung ano ano pang negatibong opinyon na sa halip tulungan o matuwa ang ating kina-uukulan para sa ikalulutas agad ng kaso, ay lalo pang nagiging masalimuot at magulo
ang sitwasyon, doon tayo sa positibong solusyon, hindi puro paninisi at kung ano anong panghuhusga at negatibong komento.
KAYA PUEDE BAGA, TIGILAN NA NATIN, ETO KILALA NINYO AKO,
DI AKO NAGTATAGO SA AKUNG ANO ANONG ALYAS, SABIHIN NINYO KUNG MALI AKO SA POSTING KONG ITO.
SALAMAT SA LAHAT NG NAGMAMALASAKIT SA KASONG ITO SA POSITIBONG PARAAN
KA TONY DALAGAN O TONENOK, TONYO, BATANG LAYAS NG PLAZA ETC.[/b]
Last edited by eboytons on Fri Dec 05, 2008 5:36 am; edited 1 time in total |
|
Back to top |
|
 |
eboytons

Joined: 13 Jul 2005 Posts: 285 Location: Antonio F. Dalagan
|
Posted: Fri Dec 05, 2008 5:31 am Post subject: Sisihan Na Naman |
|
|
Kay Juan TamadelaCruz, Guest etc.
Paki-usap lang, huwag na kayong manisi at na di agad malutas
ang kaso, di naman ganon kadali ang maglutas ang kaso, lalo pa
at walang pang tumitistigo at limited din naman ang resources nila at kahit na sino tulad nila ay may limitasyon din ang kakayahan nila.
Kaya ang mabuti pa ay magtulungan na lang, walang sisihan,
walang husgahan, walang pulaan at kung ano ano pang negatibong opinyon na sa halip matuwa o makatulong sa ating kina-uukulan para sa ikalulutas agad ng kaso, ay lalo pang nagiging masalimuot at magulo
ang sitwasyon, doon tayo sa positibong solusyon, hindi puro paninisi at kung ano anong panghuhusga at negatibong komento.
KAYA PUEDE BAGA, TIGILAN NA NATIN, ETO KILALA NINYO AKO,
DI AKO NAGTATAGO SA AKUNG ANO ANONG ALYAS, SABIHIN NINYO KUNG MALI AKO SA POSTING KONG ITO.
SALAMAT SA LAHAT NG NAGMAMALASAKIT SA KASONG ITO SA POSITIBONG PARAAN
KA TONY DALAGAN O TONENOK, TONYO, BATANG LAYAS NG PLAZA ETC.[/b] |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Fri Dec 05, 2008 8:35 am Post subject: |
|
|
wag naman natin kasisihin ang mga pulis! kasi di naman alam ng pulis ang mang-yayari. ang pinakamaganda dyan ay mag tulungan! tulad nung t-s*** na nakuha bat hindi ilgay sa billboard at i-post sa plaza at sa gitnang bayan! at sabihin kung sino ang nakakakilala sa damit nato ay ipag bigay alam sa kinauukulan! dyan kayo kailangan ng pulis! kung hindi tayo makiki-pagtulungan ay wala rin mang-yayari!!!!!!!!!!!!!! kaya mag-kaisa tayo!!! |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Fri Dec 05, 2008 2:41 pm Post subject: |
|
|
kagalang- galang mayor,
mawalang galang na nga po. puede po ba malaman kung ano ang plano nyo o hakbang na gagawin sa mga laganap na krimen sa ating minamahal na bayan. alam ko po may mga pulis na dapat na lumutas nito nais ko lang po malaman kung gaano katalim ang ngipin na ipapatupad nyo sa mga grabeng krimen na nagaganap? kaya po kaya natin gawin ang mala mayor lim ng maynila o afuang ng pagsanjan? pasensya na po nagtatanong lang.
JUANTAMADDELACRUZ |
|
Back to top |
|
 |
|