PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Thailand vacation
Goto page Previous  1, 2
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Photo Albums and Videos
View previous topic :: View next topic  
Author Message
agaent
Guest





PostPosted: Sat Jan 24, 2009 5:10 am    Post subject: PICTURES OF THAILAND Reply with quote

Vice Mutuk,

Ang flash drive ng computer na sinasabi ko sa iyo ay dala na bukas ng isang kababayan natin diyan sa Mabitac, medyo bakasyon siya pero hindi siya diyan pirmi baka daw mga isa o dalawang araw lang siya sa Mabitac, expect na hindi rin siya ang magdeliver, nasa puting sobre na may return address ko. Ang taga Mabitac na sinasabi ko ay si Architect Pete Reyes at medyo marami rin kakilala sa Paete.

Bahala ka ng magload, medyo itabi mo lang para pag na-uwi ako ay kunin ko sa iyo, sana mabuksan mo at maload na para sa mga kababayan natin.

E-mail mo nga ako kung may problema at gusto mong itanong sa akin dahil ang original chips ng kuha ay nasa camera ko pa.

Maraming salamat Mayor.

Taga Paete,

Pastor B. Gagaring
Back to top
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Sat Jan 24, 2009 8:59 pm    Post subject: Reply with quote

Amang Pastor,

Noted po!

Vice Mutuk

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sat Jan 24, 2009 9:07 pm    Post subject: Reply with quote

mutuk wrote:
Amang Pastor,

Noted po!

Vice Mutuk


Vice Mutuk, Wink
Nakita ko naka-online ka, inaabangan ko kung lalabas na yun
mga pictures..he he he salamat sa mga photo mo, nakakalibang
at nakakapanibago na ang Paete sa mga posting na nakikita namin sa USAP. Very Happy
Salamat and more power sa yo!
Ka Tony
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Mon Feb 09, 2009 9:20 am    Post subject: Reply with quote

Amang Pastor,

For your info. Wala pa po sa akin yung flash drive na sinasabi nyo.

Regards,
vice mutuk


p.s.

Nakita ko po d2 sa Paete yung utol nyo na si Emil.

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
vincentvaldivia



Joined: 10 Dec 2008
Posts: 71

PostPosted: Mon Feb 09, 2009 3:13 pm    Post subject: Reply with quote

Pareng Pastor,
Masarap basahin ang mga kwento mo tungkol sa pag unlad ni Dante diyan sa Thailand. Natatandaan ko si Dante dahil nga sa kilala siyang magaling maglaro ng basketball sa Paete at noong nag aaral siya sa ELI ay madalas siyang dumadaan sa harap ng bahay namin. mga six year ago ay naandiyan din ako sa Thailand pero nasa Bangkok lang ako. meron kasi akong nasamahan na pelikula na isinali sa Asian Festival at ipinadala ako ng producer na kasama si Aya Medel at Direktor Jun Posadas. Ipinagtanong ko din si Dante pero wala ring nakapagsabi sa akin kung nasaan siya at hindi rin kilala noong mga napagtanungan ko. Meron din akong pamangkin na nakapag asawa diyan sa Thailand at diyan na rin siya naninirahan anak siya ni Tirso Baldemor na kapatid ni Ramon.
Regards sa inyo ni Dante.
Pareng Vic/VI-VA
Back to top
View user's profile Send private message
dvalarts
Guest





PostPosted: Mon Feb 09, 2009 4:48 pm    Post subject: to vincent Reply with quote

Hi Vic ako si Dante kilala din kita malimit nga kaming magstambay sa tabi ninyo kina kang santos don malimit kaming maginom lagi rin kitang nakikita o ano kumusta pag napadaan ka ng bangkok tawagan mo ako kumusta ang kang Frieda pakisabi na lang kumusta,may pamangkin ka pala dito sa thailand ito ang address ko pwede siyang mamasyal dito sa chiangmai,, dante valdellon 268/5 tunghotel rd.soi-6 tambon watkhet,amphoe muang 50000 chiangmai,thailand, regards, dante
Back to top
agaent
Guest





PostPosted: Mon Feb 09, 2009 8:50 pm    Post subject: Reply with quote

Hello Vice Mutuk, Pareng Vic and Pareng Dante,

Kumusta na sa inyong 3 at sa lahat ng mga kababayan natin.

Umuwi nga ang utol ko noong Linggo pero galing siya sa Guam at nandito naman ako sa Saipan.

Vice Mutuk, siguro nandiyan pa rin ang kabayan nating taga Mabitac na si Architect Pete Reyes dahil ang balik pa niya dito ay February 15th, sana hindi niya nakalimutan, alam kung maraming mga kababayan natin ang naghihintay ng mga pictures na kuha ko sa Thailand, imagine more than 50 shots siyempre piliiin mo na lang ang priority sa iyo.

Pareng Vic - ginulat mo naman ako, nasaan ka ngayon nasa destino mo ba o bakasyon na naman sa Paete? Si Pareng Dante ay sa Chiang Mai ang 2 bahay at doon din siya pirmi ang anak lang niya ang maybahay at pamilya sa Bangkok, pagka gusto niyang mag-alaga ng apo pasyal lang siya, 5 hours drive lang pero mas gusto ng anak niya mag-eroplano na lang siya dahil ang anak niya ay Stewardess at ang asawa naman ay Piloto ng Thai International. Aba ay tipong artista ang anak niyang babae, kung makikita ninyo ay hindi pahuhuli sa mga artista diyan sa Pinas.

Pareng Dante - medyo natagalan na naman ang paglagay ng mga pictures natin at mga trabaho mong nagawa na sa Thailand. Kumusta yong mga kontrata na tumawag at tinagpo natin sa airport, natapos na ba? Alam mo pare, malapit na naman ang bakasyon ng school, parang gusto kong magbakasyon muli sa Thailand at medyo tutuloy tayo sa Vientiane, Laos na pinagtrabahuhan ko ng almost ten years. Gusto kong makita at mapagmasdan ang mga pagbabago doon mula ng ako ay umalis ng year 1975.

Sa susunod na pagsulat at information tayo magkita-kita muli, maraming salamat sa lahat.

Pastor B. Gagaring
Saipan, CNMI
June 2009 will be Federal or USA na
Back to top
dvalarts
Guest





PostPosted: Mon Feb 09, 2009 11:25 pm    Post subject: reply to pare pastor Reply with quote

O ano pare kumusta na diyan sigi hihintayin ko ang balik mo matagal na rin akong hindi napupunta sa laos sa vietnam dalawang beses na palaging burma na laang ang punta ko dahil ang mrs ay burmese pero ang hirap naman ng buhay doon dahil diktatorial ang gobyerno kaya ang daming mga burmese na illegal dito sa thailand dahil walang makitang trabaho doon.last year nagpunta ako sa paete namatay si kang naida so i attend the funeral,pero hindi ko nameet si bise mutuk dahil dalian ang uwi at balik pero sa abril uuwi ako for the balikbayan gathering umuwi ka rin ng magkita tayo,lagi ko ring nababasa ang posting ni vic dito sa usap kaya kinomusta ko rin nasa iraq siya,medyo delikado doon but i hope he is safe and sound ok pare hope you're doing fine as usal and regards to the family.... pare dante
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Feb 10, 2009 12:41 am    Post subject: Reply with quote

Dante,
Salamat naman at natatandaan mo pa ako those were the days Beer,gin coke pa yata ang iniinom ninyo doon sa mga inang Ely. Barkada yata ninyo ang paborito ni Amang Ido noong estudyante pa kayo sa ELI. Pag uwi ko next month sa Paete ay sasabihin ko kay Tirso ang address mo para magkakilala kayo noong anak niya. Babanggitin ko rin kay ate Freida na kinakamusta mo siya. Nasa Houston, Texas siya ngayon yong mga anak naman niya ay may kanya kanya ng pamilya pwera yong bunso nya. Yong bunso nya ay nasa US Marines at galing lang dito sa Iraq lumipat siya ng ibang destino nasa Omen yata siya naka assign sa US Embassy doon. Sana ay magkita tayo pag uwi sa atin.
Regards,
Vic
Back to top
vincentvaldivia



Joined: 10 Dec 2008
Posts: 71

PostPosted: Tue Feb 10, 2009 12:52 am    Post subject: Reply with quote

Dante,
nag post ako kanina yon pala ay hindi ako naka log in. Tingnan ko muna kung papasok as a guest pero kung hindi ay uulitin ko lang mamaya pagpasok sa trabaho. Panggabi ako kaya tutulog muna ako.
Regards,
Vic
Back to top
View user's profile Send private message
vincentvaldivia



Joined: 10 Dec 2008
Posts: 71

PostPosted: Tue Feb 10, 2009 12:58 am    Post subject: Reply with quote

Pareng Pastor,
Dito pa rin ako sa Bansa ni Sadam. next month ako uuwi sa atin. Baka gusto ni Dante na pag artistahin yong mga anak niya sa Pinas ay irekomenda natin. Pare tutulog muna ako at hinihila na ako ng kama ko. mamayang gabi na lang uli ako magbabasa ng Usap.
Regrds,
Pareng Vic
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Feb 11, 2009 8:20 pm    Post subject: Reply with quote

Naibigay na po sa akin yung flash drive kahapon lang. Dinala mismo ni Architect Pete Reyes sa opisina ko.


Pastor Gagaring














































Marami pa pong kasunod Very Happy
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Wed Feb 11, 2009 8:27 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Feb 11, 2009 8:25 pm    Post subject: Reply with quote

Meron pong naunang mga photos sa itaas nito Very Happy


Dante Valdellon


Pastor Gagaring with Dante



































































































Meron pa rin pong kasunod Very Happy
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Feb 12, 2009 11:17 am    Post subject: Reply with quote

Heto pa po yung iba




















































































































meron pa pong kasunod

_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo


Last edited by mutuk on Thu Feb 12, 2009 7:46 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
agaent
Guest





PostPosted: Thu Feb 12, 2009 4:32 pm    Post subject: THANKS A LOT Reply with quote

Vice Mutuk,

Maraming maraming salamat sa posting mo, sana ay matuwa ang mga kababayan natin na makakakita sa mga pic tures ng Thailand at siyempre kami ni Pareng Dante ang naging instrumento para mailagay ito dito sa USAP PAETE.

Medyo matagal nga lang bago makita ang mga pictures dahil na lang sa dami, hindi ko pa nga nakikitang lahat, pero tiwalang-tiwala ako na lahat ay nandito, kung kailangang banggitin ang mga lugar kami naman ni Pareng Dante ay open sa lahat.

Ang lahat ng carvings ay gawa ni Pareng Dantee, umabot yata ng 4 years na mayroon lang siyang 2 helpers na Thailander. What an achievement that we are sharing to our kababayan, mga lihim ni Pareng Dante sa Thailand after 40 years.

Marami pang kasunod na dapat malaman ninyo mga kababayan.

Pastor B. Gagaring
Saipan, CNMI
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Photo Albums and Videos All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2
Page 2 of 2

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group