PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

SI KAKA AT AKO...NOON.

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Thu Jul 14, 2005 7:55 pm    Post subject: SI KAKA AT AKO...NOON. Reply with quote

Inutusan ako ni Inang bumili ng suka
Sa daan, sa nagkakara-krus ako'y napatunganga
Hawak kong singko'y naglaho, nawala
Talilis akong umuwi't sa palo ay humanda.

Belat, nahilat ang wika ni Kaka
Habang namamalisbis sa pisngi ko ang luha
Sabay ang puniteng sa kanya ko ini-amba
Kulay ube kanyang mata, 'yan sa akin kanyang napura.

Palo ay naulit, katandis ay nadagdagan
Nagpanting pa itong tenga ng si Kaka ako ay dilaan
Hawak ko ay patpat kami ay naghabulan
Nais kong siya ay aking mabawian.

Aming nabulabog mga batang nagpipiko
Napagsipa-sipa namin kanilang mga pato
Ng kami'y pagbabatuhin, 'di kami nakakibo
Wika ni Kaka, "takbo na hinlog tayo ay magtago."

Kaya kaming muli ngayon ay magkatoto
Sino naman kaya bukas ang mapapalo
Basta ako ay 'di na lamang kikibo
Luha man at uhog niya ay tumulo Laughing [/i][/b]
Back to top
View user's profile Send private message
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Thu Jul 14, 2005 9:16 pm    Post subject: arayyy ko po!!!! Reply with quote

baii ate Nems may naalala po ako sa tula nyo talaga pong akoy nag tago sa loob ng sanderan ni mama Dolly sa gawaan nila para lamang wag mapalo ni ama.baii ay matinik si ama ayon pot akoy hinila ako pauwi at lagitik ang pwet ko pati baraso.talsik po ang uhog ko at nginig sa palo ni ama.dating po ng kapatid kong bunso at kami poy pinag sabihan ay mataray po itong aking hinlog sumagot po kay ina kaharap si ama.ay baii sa inis po ni ina kay hinlog (kasalukuyang nag lalaba)ay binato po ang isang pirasong sabong panlaba na bagong putol.baii ay maagap po si bunso umilag ay ako po ang natamaan arayyy napakamalas ko talaga ayon po may pasa na at magapa ang pig i ko ay may bukol pa ako sa noo.hahaha... hanggang ngayon ay nangingiti pa ako pag naaalala ko.si hinlog poy tawa pa.baii talaga namn malas ko ahh.thanks sa napagandang tula....
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Fri Jul 15, 2005 1:27 am    Post subject: Si Kaka ... Reply with quote

hello nems Razz Smile Laughing

buti andito ka na.

talaga atang ganoon ang magkaka
galit, bati, galit, bati... ay nakakatuwa
pag inapi ang isa ikaw ay humanda
talagang lagot ka lalo na kay kaka.

regards sa inyong lahat sa summit ha.
tiyak ang sasaya ninyo, tiyak na pala sina
beny at saida.. ay ang sheba pa, naku
sisaw na ay galas pa kayong lahat nina daluds.

luvs,
ka amor Wink
_________________
Amor Salceda Kagahastian
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Jul 15, 2005 3:30 am    Post subject: Re: SI KAKA AT AKO...NOON. Reply with quote

bantayin ako nung kami'y mga paslit
pagkat ako daw ay sobrang makulit
mahilig maglaro kung saang bingit
si ate't kuya ang siyang nahahagupit

Kablag!

maging sa ngayon may kakulitan parin ako
sa akin daw nagmana mga pamangkin ko
kung may magustuhan kailangan ibigay ito
kungdi maghapon ang pagmamaktol ko<lolz>

Daplag!




_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Fri Jul 15, 2005 6:16 pm    Post subject: Re: arayyy ko po!!!! Reply with quote

Hahahahahaha....sanay ka rin pala sa palo...kumusta na...thanks sa pag-basa mo ng tula ko!
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Fri Jul 15, 2005 6:19 pm    Post subject: Re: Si Kaka ... Reply with quote

Hi Ka Amor Wink

Kumusta na? Sana nga nandito ka rin at kasama sa sisaw ano?! Di bale pag uwi ko next year gagawa tayo ng gimick Very Happy Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Fri Jul 15, 2005 6:21 pm    Post subject: Re: SI KAKA AT AKO...NOON. Reply with quote

Hi Sheba Wink

Pagdating mo dito saka na lang kita papaluin...hahahahaha Laughing Razz
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sat Jul 16, 2005 2:57 am    Post subject: Re: SI KAKA AT AKO...NOON. Reply with quote

Tisay wrote:
Hi Sheba/ Pagdating mo dito saka na lang kita papaluin...hahahahaha

Hoy....ako ang "nanay" ngayon.....lahat kayo ay may schedule, hahahahahahakablag!!! Laughing Confused
Back to top
View user's profile Send private message
ofeliad



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 271
Location: Ofelia Ac-ac Demyttanaere

PostPosted: Sat Jul 16, 2005 3:25 pm    Post subject: nice story, nice poem Reply with quote

Hi Tisay,

I like this type of poetry, clear story, vivid images, action, and at the same time inviting nostalgic memories.

Thanks and regards,
opel
_________________
anak nina Maring Madrigal at Benigno Ac-ac parehong tubong Paete,
kapatid nina Nito, Pining, Joke, Thel, Ed, Vigie, Andy at Ben.
kabiyak ni Jeff Demyttenaere, taga Belgium; ina nina Johan, Gerard at Lieske
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 4:16 am    Post subject: Kaka Reply with quote

Mabuti ka pa mayroong kaka
ako ay wala ako daw si bukaka Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group