PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Kalamay na Malagkit (Biko)

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Wok with Somy (cook, work, walk)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Sat Aug 25, 2007 7:41 am    Post subject: Kalamay na Malagkit (Biko) Reply with quote


Biko- ang tawag sa atin ay Kalamay na malagkit na karaniwang iniuulam sa
lugaw o spageti sa ating almusal o meryenda sa Talipapa, sa Ibaba pero ito'y kalimitan
kong kinakain sa paborito kong kainan sa Maytoong -Kina Inang Leoning
Acyatan....25 years ago I hope meron pa rin sa atin noon.
Hayaan ninyong gagagayin ko ang paraan ng pagluluto ng BIKO....


Ingredients po ay malagkit na bigas, dark brown sugar, frozen coconut milk,
frozen na mura
-------------------------------------------------------------------------

Sabay ko pong isinalang yong saing at coconut milk
-------------------------------------------------------------------------

Nang maluto po yong sinaing ay ginamit ko po yong non-stick na kawali
para hindi dumikit ang niluluto...(kaya nga non stick ay) inilagay ko po yong
naging lagis sa niyog galing doon sa pagluluto ng latik...
Haluin at isama na rin ang dark brown sugar....kailangan ang braso ng
Mister ninyo at talagang malagkit...sigi halo ng halo hanggang sa matunaw yong
sugar...
-----------------------------------------------------------

Ito po yong magiging latik...magiging kulay kayumanggi gaya ng maganda
nating kutis...gandang kayumanggi....

Hayan na luto na po, kita po ninyo yong mura
--------------------------------------------------------------------------

Hayan na po ang latik after a couple of hour ay nagpakita rin si brown
na dati ay puting puti...naging Pinoy na si Kano...talagang dapat
ay matiyaga at babantayan para hindi masunog..
------------------------------------------------------------------------------

Nakita ninyo yong artistik skill ko...
-----------------------------------------------------


At ang pangwakas ng storya ng biko ay inilagay ko ang latik sa ibabaw..
---------------------------------------------------------------
Nagluto po uli ako ng ginisang upo...madali ay at masarap pa..


Bai ay talagang ganado po akong magluto..nagluto po uli ako ng ginisang
upo,,,ang isa ko pa ring paborito...gawa ng talagang masarap, healthy food
at madaling gawin BYE.

O sigi...mga kababayan...birthday noong isa kong anak ay doon gagawin
sa father -in law kong 90 years old...I hope you'll like my biko that
I barrowed ingredient from one of usap Paete member...thank you!
--------------------------------------------------
At sa umaga pa lang ay magpasalamat sa ating creator...
GOD is good....very good....and in return just Love HIM. Smile
una niya tayong minahal...Jesus Christ died for us to save us sinners
because the wage of sin is death sa impieyerno..

_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
bertingd



Joined: 18 Jul 2005
Posts: 39
Location: Edilberto "Berting" Dalagan

PostPosted: Sun Aug 26, 2007 9:04 pm    Post subject: Salamat Sammy sa mga postings mo na nakakgutom Reply with quote

Sammy,
tnk you, puedi ka nang photo journalist sa ganda ng mga postings mong pictures and topics. maganda rin ang mga kakanin na postings mo ay nakakagutom. masarap talaga ang kalamay na may latik. malimit kaming makakain dito sa jakarta noong biko na niluto mo. may isang pinay doon sa bandung, indonesia na malimit maghanda nito tuwing mapupunta kami doon sa bandung.
maganda rin yon mga pics mo na ng mga itik, sarap na lutuin yon na kinulob o kaya pinakuluan sa pineapple juice tapos fried mo. malimit na pulutan namin sa los baņos.
keep up your good "wok". rgds sa sister mong si aida na klasmayt ko.


berting dalagan
jakarta, indonesia
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Thu Aug 30, 2007 12:03 am    Post subject: Reply with quote

Hi Chef Somy,

Medyo natagalan bago uli ako nakapasyal dito....CONGRATULATIONS sa iyong "programa", very entertaining.

Mukhang talagang napakasarap ng kalamay mo, pero bumilib ako ng husto sa artistic skill mo.....magaling ka palang maghiwa, pantay na pantay! <lol>

Ay sya hala, mag aabang pa kami sa mga next features mo.

Maraming Salamat!
_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Mon Sep 03, 2007 10:36 am    Post subject: Re: Salamat Sammy sa mga postings mo na nakakgutom Reply with quote

bertingd wrote:
Sammy,
tnk you, puedi ka nang photo journalist sa ganda ng mga postings mong pictures and topics. maganda rin ang mga kakanin na postings mo ay nakakagutom. masarap talaga ang kalamay na may latik. malimit kaming makakain dito sa jakarta noong biko na niluto mo. may isang pinay doon sa bandung, indonesia na malimit maghanda nito tuwing mapupunta kami doon sa bandung.
maganda rin yon mga pics mo na ng mga itik, sarap na lutuin yon na kinulob o kaya pinakuluan sa pineapple juice tapos fried mo. malimit na pulutan namin sa los baņos.
keep up your good "wok". rgds sa sister mong si aida na klasmayt ko.


berting dalagan
jakarta, indonesia




Berting, kumusta ka na diyan sa Indonesia? Mga memories noong
tayo ay nagiinom pa ano?...
Thank you that you're enjoying sa mga sisti natin.
Aida ay nasa Long Beach California....she's planning na yata for her retirement sa Paete, ipinagagawa ni Kaka Aida yong bahay naminsa Paete...right now she's a busy big sister for all of us...as she is always used to be.

Saida...
Thank you for everything...you are wonderful friend.


Last edited by Somyga on Fri Nov 16, 2007 1:03 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Fri Nov 16, 2007 1:02 pm    Post subject: Re: Salamat Sammy sa mga postings mo na nakakgutom Reply with quote

bertingd wrote:
Sammy,
tnk you, puedi ka nang photo journalist sa ganda ng mga postings mong pictures and topics. maganda rin ang mga kakanin na postings mo ay nakakagutom. masarap talaga ang kalamay na may latik. malimit kaming makakain dito sa jakarta noong biko na niluto mo. may isang pinay doon sa bandung, indonesia na malimit maghanda nito tuwing mapupunta kami doon sa bandung.
maganda rin yon mga pics mo na ng mga itik, sarap na lutuin yon na kinulob o kaya pinakuluan sa pineapple juice tapos fried mo. malimit na pulutan namin sa los baņos.
keep up your good "wok". rgds sa sister mong si aida na klasmayt ko.


berting dalagan
jakarta, indonesia



Berting,
Susubukan ko yong pinakulod na itik mo,
kung meron ka pang advise para sumarap, sagutin mo itong
tanong ko, hani?
Toto Somy
Malamig na naman dito...gggrrreee
_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
rhen b. watanabe



Joined: 04 Aug 2006
Posts: 169
Location: Yokohama , Japan

PostPosted: Tue Jun 02, 2009 1:25 am    Post subject: Reply with quote

magandang araw po Smile

maraming salamat po sa pag share kung paano lutuin ang biko ..
sobrang na miss ko luto ni Dada Rosing... nakita ko po itong post
niya.. eto nag try akong mag luto Wink


maraming salamat po uli..
rhen Smile
Back to top
View user's profile Send private message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Tue Jun 02, 2009 6:48 pm    Post subject: Reply with quote


rhen b. watanabe wrote:
magandang araw po Smile

maraming salamat po sa pag share kung paano lutuin ang biko ..
sobrang na miss ko luto ni Dada Rosing... nakita ko po itong post
niya.. eto nag try akong mag luto Wink


maraming salamat po uli..
rhen Smile


salamat din sa share ng biko mo...masarap ano? lalo na sa kape.

meron akong dalawang klase ng biko ngayon.
1. bikong may langka.
2. biko-buko pandan.

--------------------------------------------------------------------
kung malagyan mo na black rice na malagkit ay lalong masarap
ang biko mo, gawa ng para bang maligat ang kagat...hmmmnnn
8:00pm na dito....makapag biko nga!!!! salamat Rhen....taga Bangkusay ka baga? meron
doong iskinita na short cut tatawid lamang ng ilog...nagagamit pa rin baga yon?
Somy Asido anak ni Miming & Doray
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Wok with Somy (cook, work, walk) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group