PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Summer time sa Simeon Park, Ontario Canada

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Wok with Somy (cook, work, walk)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Tue Jul 21, 2009 8:06 pm    Post subject: Summer time sa Simeon Park, Ontario Canada Reply with quote


Sabado na naman –Summer time, time to go to park, to relax, play and give thanks for the blessings and comfort that we’re enjoying this summer.

Today July 18, 2009: Katatapos ko lamang magluto ng ginisang pansit (mataba). Bumili kami kagabi ng mga halok ..tiyan ng baboy, fishball, kikiam, karot, repolyo at cooked noodles na naka vacuum plastic bag. Mga isang oras din ang pagluluto kasama na ang preparation ie (gayat, tadtad, hiwa). Ngayon nga ay tapos na at nagpapahinga habang sumusulat ako sa inyo. Tinikman ko ay talagang masarap he he….yong noodles ay masarap ang pagkakagawa. Pupunta ako sa doctor ngayon umaga for check up kaya hindi ako puwedeng kumain. Siguro ay pagkagaling sa doctor ay puwede na…

-----------------------------------------------------------------------------
Kaming mag-asawa ay pupunta sa Simeon Park (north of Toronto..naks pangalan ko pa) merong mga Filipinong samahan sa aming simbahan. Makikipag fellowship kami, at siyempre kainan at mga palaro, at ang salita ng bibliya ay kasama din doon. Kaya si Amang Somy ay mamamayagpag at pipiliting makatakbo ng mabagal at baka matalapid ng wala naming lubid na nakaharang.


Tama nga ako...sobra ang bagal ko babae pa lang yan.

Summer na talaga dito, ang sikat ng araw ay talagang mainit na. Minsan minsan ring umuulan o ambon pero hindi na para ikumpara sa winter ng panahon. Hindi ko na iniisip
ang mga bagay na iyon muna. Ang mahalaga ay meron tayong pagkakataong makapamasyal ng walang makapal na saplot sa ating katawan.
-----------------------------------------------------------------------


------------------------------------------------------------------
Meron din kaming mga halaman sa balcony naming at bulaklak. Ang kamatis ay malago at maraming bulaklak at napansin ko rin na may umuusbong na mga kamatis. Nakakatuwa kung makikita mo ang mga bagay na nagbibigay kaligayahan nito sa iyo at ang lahat at comfort ay galling sa itaas. Ang mga bulaklak na silbing inspirasyon ng asawa ko na ito’y laging diligin upang lalong gumanda at maayos. Alagaan na siyang buhay na nagkakaroon ng kulay sa mga petal na sa sikat ng araw ay kumikinang na may akit na kasiyahan….parang sinasabi ng bulaklak na salamat at ako’y lagi mong dinidiligan, inaalagaan at pinagyayaman.

Sana’y gumanda na ang ekonomiya sa atin at dito sa Canada at sa lahat ng dako ng daigdig. Meron akong trabahong drafting para sa Gas company dito at assign ako na
gumuhit ng base plan para kung saan padadaanin ang mga pipes sa may tabi ng daan.
Sa awa ng Diyos at Siyang nagbigay ng trabaho sa akin, na muli akong naging abala sa aking mga oras. At siyempre ay laging may panahon na sumulyap dito sa Usap Paete, gumawa ng kung ano anung mga bagay na inaakala nating nakakatulong at magbibigay kasiyahan sa ating puso at mga mahal sa buhay o kung anomang na magpalipas ng oras. Ang importante ay maging magaan ang ating loob at panatag ang buhay kahit sa hirap ng buhay sa ngayon. Laging ilagay sa puso ang Pananalig, Pag Asa at Pag-Ibig.

------------------------------------------------------------------------------------------

Tear of Woman

Ang musmos na batang lalake ay tinanong ang kanyang Nanay:

Bakit kayo umiiyak?

Dahil sa ako’y babae, ang kanyang sagot

Hindi ko maintindihan, ang sabi ng anak

Ang kanyang Ina ay inakap ang anak at sinabing: at hindi mo kailanman maiitindihan.

Sa dako pa doon ang musmos na bata ay tinanong ang kanyang Tatay:

Bakit umiiyak lagi si Nanay?

Ang lahat ng mga Nanay ay iyakin sa wala namang dahilan, yan lamang ang naisagot ng kanyang Tatay.

Sound interesting, to be continued for my next posting…sorry for making you bitin
But Women will like and impress the story I am narrating to you…so stay tune

The beauty of a woman is not in the clothes she wears, nor is it in her face or in the way she does her hair.
The beauty of a woman resides in her eyes. It is the door to her heart, the door where LOVE resides.
And it is often through her tears that you see her heart go by….



_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Wok with Somy (cook, work, walk) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group