PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

BAYABAS

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 4:38 am    Post subject: BAYABAS Reply with quote

BAYABAS
Batang Patio
July 17, 2005


Panahon ng mga pagtuklas, karagsaan ng kalikutan
Ang lahat ng namamalas pakiwari ba’y pinagtatakhan,
Palaging nakakutawtaw, kung saan-saan nakadawdaw
Kay Dada’y nakakurawraw, itong si kulangot nakasungaw


Unang Tabas

Sariwang-sariwa pa sa ala-ala, unang pukpok at tabas
Nginatang dahon ng bayabas, pinakuluang pangglanggas
Dun sa ilog nagbabad upang lumambot daw ang balat
Sa palayan mga nakapila, namumutla ang mga lekat

Araw ng pagtutuli, may mga natakot at nagkuli
Ang labaha’y napakatalas para daw ‘di manag-uli
Nginatang dahon ng bayabas, pagkapukpok-ibinuga
At dagliang tinalian ng tinabas na kamiseta

Paika-ika sa paglakad, ang salawal nakaka-alawas
Tuksong-ngiti ang nakabungad sa mga nakakamalas
Araw-araw ay naglalaga ng mga dahong panglanggas
Nililinis at pinapalitan ng puting kamisetang tinabas


Palaisdaan

Panahong nasa elementarya ang buhay na kaysaya
Oras ng paboritong recess ng si Catalina’y magyaya
Kami daw ay mamitas ng malulutong na bayabas
Kaya sumama kami nina Ludy, takbuhan, kumaripas

Naliligid ng malalagong bayabas itong palaisdaan
Lahat nagkakatuwaan sa isang puno’y nag-akyatan
Iisang puno ng bayabas ang pinag-kalipungpungan
Pagkat ‘yun ang pinakahitik, ang bunga’y naglalakihan

Yung pinakamataba ang siya pang nasa duluhan
Punong hitik ay bumigay, humilig sa palaisdaan
Natumba ang puno at ang lahat nagbagsakan
Kaya mga batang malilikot, nalublob sa tubigan

Ano pa nga ba eh di mga nayabat, belat!
Laughing


Last edited by batang_patio on Sun Jul 17, 2005 7:46 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 7:05 am    Post subject: ala..belat.... Reply with quote

hahaha...makulit din pala kayo nina tluds dati ayan nayabattt kakahabllaggg..naalala ko po tuloy anak kung panganay naka dalawang balik kami kay Dr.Karunungan at talaga pong namumutla ay kalakihan po yon don sa nakahanay...pati po ang aming bayabas sa harapan ay napakatamis at kalalaki ng bunga pag may dumadaang parada Wink Very Happy noon ay laging tinatalon ng mga bata.kaso nga lang ay napag lihihan ayon namatay.aga nyo kong pinasaya tito Aurel may lahi rin pala kayong bagalso?kita ko fathers name nyo.byee tara mamiesta na tayo sa atin lapangan naaa....(chariinnggg)ay may nakalimutan pa po akong itanong kaano ano nya si Bheng?k fine....
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 7:10 am    Post subject: Re: BAYABAS Reply with quote

Batang Patio wrote:
Unang Tabas

ang naalala ko dyan ay si Amang Guyo Baet, daming nakapila dun pagbakasyon na sa eskwela...hahahahakablag!

Quote:
Ano pa nga ba eh di mga nayabat, belat!Laughing


belat! buti nga sa inyo kay lilikot
pasalama't yun lang inyong inabot
kung ang ama ko, bai eh di yantok
ang sa inyong balat papaltok('Laughing')
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 7:50 am    Post subject: Hi Nenett! Reply with quote

Laughing hahaha! Uunga may lahi kaming Bagalso, di baga nasabi ko na sa iyong ang Dada ko sa Bagumbayan ay Nieves Bagalso (SLN) ang maiden name? Si Beng Estrabo baga ang sinasabi mo? Baina! Pamangkin ko yun, panganay na anak ng kapatid kong si Fe.

Kumusta na lang sa inyong lahat.

Take care!
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 7:52 am    Post subject: Hi Sheba! Reply with quote

O ano na Sheba! Di ka na mahagilap, iba na talaga ang mga paalis hahaha! Laughing

Nakakatawa pagka-naalala ko yang mga tulian sa palayan Laughing

thanks and regards
Back to top
View user's profile Send private message
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 8:11 am    Post subject: Panahon ng Tulian! (nginatang dahon ng bayabas) Reply with quote

Panahon na tulian, noon daming nakapila,
Doon sa ilalim ng School, doo'y makikita,
Kay raming mga bata na nagkukuli pa,
Talas ng paet o labaha, hihiwain balat nila.


Sa Ilalim ng school doon kami;y napapad,
Libre ang tuli at sadyang walang bayad,
Kasamang isa ko kabata kami'y nakipila rin,
Sabay nguya at ngata, dahon ng bayabas mandin
.

Pagkatapos hiwain, sabay ibubuga,
Nginatang dahong ng bayabas na medyo mapait pa,
Tapos babalutin damit damitang inihanda,
Saka uuwi na lakad ay paika, ika....


Baii Aurel, pinaala-ala mo panahon ng tulian aba!
Nakakatuwang kanasan...kabblllaaaggg! Laughing

_________________
Antonio Fabriga Dalagan
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 8:20 am    Post subject: Panahon ng tulian Reply with quote

[quote="Batang Patio")

Nakakatawa pagka-naalala ko yang mga tulian sa palayan Laughing

Sa may palayan ka pala huh! kami nama'y sa ilalim ng PES central
school, ang nagtuli sa amin ay si Nato Absin, kay galing magpupok ng
paet aba! ih ih ih kabbblaggg! aray! nay kupuuuu! yun una nga sa akin,
pagpukpok ng paet, umurong at nawala yun ano...titok..ha ha ha!

Salapat katoto sa paala-ala ng nakakatuwan karanasan..
Regards,

Y noT
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 8:24 am    Post subject: Sa balag Reply with quote

hahaha! Laughing Doon yun sa malaking balag sa Ibaba noon, nalimutan ko na iyong matandang nagpu-pukpok, natuyo nga yung nginuya kong dahon ng bayabas sa nerbyos Laughing

Salamat katotong Tonyo! Surprised
Back to top
View user's profile Send private message
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Sun Jul 17, 2005 11:27 pm    Post subject: Re: BAYABAS NA BERDE Reply with quote

[Kung bayabas ay bubut pa, huwag mo munang pipitasin
Mapakla't matigas, 'di mo ito makakain
Nandoon din ang asim isawsaw man sa asin
Mahihirapan ka lang at sasakit pa ang ngipin
Back to top
View user's profile Send private message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Jul 18, 2005 2:35 am    Post subject: Re: BAYABAS NA BERDE Reply with quote

Laughing Marunong akong pumili ng bayabas. Noon ay halos araw-araw akong nakalambitin sa puno ng bayabas sa likod ng bahay namin, pilit kong inaabot kahit na halos nasa dulo, may pag-akyat pa sa bubong Laughing
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group