PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

E-CREW DANCERS GINAWARAN NG PAGKILALA NOONG 08-02-10

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Mon Aug 02, 2010 6:15 am    Post subject: E-CREW DANCERS GINAWARAN NG PAGKILALA NOONG 08-02-10 Reply with quote

Sa mga kinauukulan:

Matapos ang isinagawang Flag Ceremony ng mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Bayan na ginanap noong ika-02 ng Agosto, 2010 ay ginawaran ng plake ng pagkilala ang E-Crew Dancers batay sa Res. Blg. 062 t. 2010 ng Kgg. Sangguniang Bayan na may petsa Hulyo 28, 2010 - Resolusyong pagtibayin ang pagkilala, pasasalamat at pagpaparangal sa E-Crew Dancers ng Paete, Laguna sa kanilang ipinamalas na husay sa larangan ng sining at pagsayaw at napabilang sila sa mga kalahok sa Grand Finals sa programang Showtime ng ABS-CBN na muling nagbigay ng daan upang makilala ang bayan ng Paete, Laguna. Konsehal Emerito B. Gajitos - May-akda.

Ang bumubuo ng E-Crew Dancers ay ang mga sumusunod:
Lester S. Perez - Leader/Choreographer
Argel Cris Aquino
Rommel Madrinan
Josua Tamparia
Arghill Faustino
Jonathaniel Conde
Mhelren Recio
Jhay-Ar Villafria
Jestoni Morgia
Francis Baisas
John Paul Rabutazo
Mhitcee Jay Angeles
Ezekiel Dalagan
Mairro Cagahastian
Raymond Martinez
Raymond Fortadez
Crispin Bagacina
Melvin Grospe
Nelson Abcede
Marc Vinadas
Jeff Maloles
Joseph Cadapan
Jayson Banez
Aileen Kenneth Dela Cruz
Rustico Liwanag, Jr.
Anna Pamela R. dela Rosa
Fermin Madridejos III
Bernardo Cadang

Narito po ang ilan sa mga kinunang larawan sa nasabing paggagawad ng parangal sa E-Crew Dancers:

























Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Aug 02, 2010 7:10 am    Post subject: Reply with quote

Nais ko lang pong ipaabot ang aking pagbati sa Sanguniang Bayan sa pagbibigay ng pagkilala at pabigay Award sa E-CREW Dancers. Laughing Laughing Laughing Congratulations Po sa E-CREW Dancers.


Salamat po

Always
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Aug 10, 2010 6:38 am    Post subject: MGA DELEGADO NG PAETE SA 1st PHIL. CULINARY CUP NAGWAGI! Reply with quote

Noong Agosto 07, 2010 ay isinagawa ang 1st Phil. Culinary Cup na ginanap sa SMX Bldg., Mall of Asia, Pasay City kung saan nagpadala ang Pamahalaang Bayan ng sampung (10) delegado para sa Ice Carving Competition.

Ang mga delegado ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ay ang mga sumusunod:

Mark Asis Galaboc
Ericson Paygane
Arnold Fadul
Alberto Magana
Gian Carlo Rana
Rustico Liwanag, Jr.
Ronnie Libranda
Melvin Samonte
Anthony Iligan
Jaime Pasawa

Sila ay mga kasali sa nakalipas na Paete Chef Culinary Festival na ginanap noong ika-24 ng Hulyo, 2010 at mga nagwagi sa nasabing paligsahan.

Ang atin pong bayan ay nagtamo ng dalawang (2) ginto na nakamit nina Alberto Magana at Rustico Liwanag, Jr. (miyembro rin ng E-Crew Dancers) at dalawang (2) silver na nakamit nina Gian Carlo Rana (anak ng hepe ng Pamatay Sunog na si SFO1 Arnel Rana) at Arnold Fadul (nagwagi ng 1st prize noong nakaraang Ice Carving Competion).

Matapos ang isinasagawang Flag Ceremony ng mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna noong Agosto 09, 2010 ay ginawaran sila ng kaukulang pagkilala at pagpaparangal sa muling pagbibigay ng karangalan sa ating bayan.

Narito po ang ilan sa mga kinunang larawan sa nasabing paggagawad ng parangal:


Ang Sangguniang Barangay Bangkusay ang nanguna sa isinagawang Flag Ceremony.


Ang mga kababayan nating lumahok sa nasabing paligsahan.


Ang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan.


Ang mga Punong-Barangay.


Ang kwerpo ng pulisya at Pamatay Sunog.








Si Konsehal Kid Paraiso kasama ang mga delegado ng ating bayan sa nasabing paligsahan.

Muli po, ipinaaabot ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ang pagbati at pasasalamat sa ating mga delegado sa nasabing paligsahan.

Maraming salamat din po kay Chef Mel Avino sa pagpapaabot ng impormasyon para sa nasabing paligsahan at paggabay sa ating mga delegado.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group