PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Controlled Dumpsite

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Sep 16, 2010 12:58 am    Post subject: Controlled Dumpsite Reply with quote

Para sa kabatiran ng lahat at nang malaman nila ang kasalukuyang kalalagayan ng ating sistema sa basura.

Halos patapos na ang 3rd week ng July 2010 ng abisuhan ako ng ating Mun. Engineer na hindi na tayo makapagtapon ng ating basura (Paete) sa isang lugar sa bayan ng Lumban na matagal nang panahon nating pinagtatapunan dahil binabantayan na ng mga taga munisipyo ng Lumban.

So dahil biglaan at hindi tayo preparado ay naimbak sa ating transfer point sa Bagumbayan ang isang linggong basura sa Paete.

Dahil lubhang nakakaalarma ang maaaring maging problema kung hindi agad magagawan ng paraan at mapuno ng tuluyan ng mga basura ang ating transfer point na siyang maging dahilan ng pagkabalam ng kolekta ng mga basura sa iba't ibang barangay at maging sanhi ng paglaganap ng ibat ibang sakit.

Agad kaming naghanap ng biglaan at pansamantalang solusyon para sa kagalingan ng mas nakararami nating kababayan.

Dahil wala tayong sapat at magandang lugar sa kabayanan para maging ipunan/tapunan ng mga basura. Tanging ang ating kabundukan lang ang uubra upang maisagawa ang solusyong nararapat.

Saang lugar sa kabundukan?

Ang lugar ng Sitio Macumbo na dati ng pinagtapunan ay malayo sa posibilidad, una sa dahilang marami ng kwento ang lugar na ito at meron kaming covenant na pinirmahan sa simbahan na kung mananalo noong 2007 election ay hindi hindi namin papayagan ang nasabing lugar na pagtapunan pa ng basura. (May isa naman po akong salita)

Ay di saan naman?

Dahil sa kakulangan ng magagamit na pondo para magastos sa pagmamantina ng isang biglaang basurahan ay naghanap kami ng hindi man malayo ay ligtas naman o pwede upang hindi maapektuhan ang town proper at ang mga mamamayan ng Paete.

Ay saan nga?

Dahil walang pag aaring lupa ang munisipyo na malapit lapit. Naisipan namin na bisitahin ang lupang donasyon ni G. Nel Africano sa Sitio Sta Ana na gagawing park ayon sa kondisyon ng donasyon.

Batay sa obserbasyon, pababa at medyo matarik ang kaayusan ng kalupaan ng nasabing lugar at kailangan matabunan ang malalim na lugar para ito maging kaaya aya na maging isang park.

O ay anu naman?

Dahil batay narin sa naging pagtatanong tanong sa may mga lupa malapit sa area partikular kay Kapitan Hermie ng Brgy. 5 na wala namang sapa o bukal ng tubig na maaapektuhan bukod sa ang tubig ulan pag tumama sa kalupaan ay diretso na sa malayo pang bagtasin papunta sa kabilang bundok (hindi sa Paete).

Dahilan na rin sa hinihingi ng pagkakataon at ito ay sinang ayunan naman ng bumubuo ng Mun. Solid Waste Management Board batay na rin sa ginawang biglaang pagpupulong noong unang Linggo ng Agosto 2010.

Napagkasunduan na gamiting pansamantala ang lupang donasyon ni G. Nel Africano na mapaglagakan ng mga basura upang maging landfilling materials sa proyektong pagpapaganda ng kaayusan ng lupa nito para maging kaigaigayang Eco Park sa kasunduan na ang pangangasiwa ng paglalagak ng mga basura ay maayos o controlled dumpsite. May usapan din na makalipas ang mahigit isang buwan ay bibisitahin ng bumubuo ng Mun. Solid Waste Management Board ang nasabing lugar para sa kaukulang puna at rekomendasyon.

Heto po yung larawan noong pumunta kami noong huling Linggo ng Hulyo 2010 para tingnan ang lugar na humigit kumulang na isang hektarya ng lupa na donasyon ni G. Nel Africano .


Last week of July 2010



























_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Thu Sep 16, 2010 1:27 am    Post subject: Reply with quote

Sept. 2, 2010



Heto naman po ang naging kalalagayan noong Sept 2, 2010 ng pumunta kami kasama ang kawani ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) upang mag inspect.




































Mano mano po itong ikinakamada ng lapit lapit at hindi na inaalis sa sako.








meropn na din po dung halaman ng gulay










Vice and Mun. Engineer Noel Viray kasama namin ang dalawang kawani ng PENRO para mag inspect.



Pumasyal din po kami sa MRF - Material Recovery Facilities ng karatig bayan ng Kalayaan Laguna na matatagpuan sa may bukana ng Barangay San Antonio, malapit lang sa ating controlled dumpsite.







_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Wed Sep 22, 2010 8:01 am    Post subject: Reply with quote

Sept. 17, 2010

Tulad po ng napagkasunduan, nagpatawag po ako sa bumubuo ng Mun. Solid Waste Management Board ng isang pagbisita sa ating pansamantalang controlled dumpsite para sa occular inspection.

Bagamat naabisuhan po ang lahat ng miyembro ay konti lang po ang nagpaunlak sa nasabing imbitasyon.

Sa ngayon po ay nabawasan na ang ating basura araw araw. Mula sa dating 3 hanggang 4 na mini dump truck araw araw ay naging 2 hanggang 3 mini dump truck na lang ngayon.

May mga kababayan na rin naman po tayong nag sesegregate ng kanilang mga basura sa bahay pa lamang, ang mga basurero naman na kumukuha ng mga basura sa bahay bahay ay namimili pa rin sa maaari pang pakinabangan at pagkadala sa transfer point ay may huling paghihimay pa bago dalhin sa controlled dumpsite. Yun namang for pick up na sa mga designated areas going directly to controlled dumpsite ay pinamimilian din pagkarating sa controlled dumpsite. Inabisuhan ko na po ang mga basurero na piliing mabuti at huwag hayaang may mapalagak na mga toxic wastes sa controlled dumpsite at kung may makita ay ipunin at ilusong sa bayan para sa pansamantalang paglilibing sa may piling lugar sa may sementeryo. So far ay wala pa daw po silang natityempuhan pa sa basura doon.




























































Sinamahan ko din po sila na mabisita at personal nilang makita ang sistema ng pagbabasura ng karatig bayan ng Kalayaan, Laguna kung saan mayroon na silang mainam na pasilidad at nag ooperate na ng isang taon at kalahati. Maraming beses na po akong nakabisita dito.
















Dito ang composting area.








Segregation ng mapapakinabangan pa







_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group