PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Kaibigan ni Santo Nino De Palaboy ng Paete

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Inspirational and Spiritual
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Sep 29, 2010 4:29 am    Post subject: Kaibigan ni Santo Nino De Palaboy ng Paete Reply with quote

Hello po mga kababayans, Paetenians all over the globe,

Nais ko lang pong ibahagi sa inyo ang isang storya ng pag kakalink ng ating Santo Nino De Palaboy kay Alwin Vasques ang batang nagkaroon ng Healing Power of Prayer… Siya po ay taga San Nikolas Bacoor Cavite... Siya po ay nagsimulang mangamot noong decada 80 sa idad na 2 at kalahating taon gulang hangang sa idad na 13 taong gulang…..natuklasan ang kanyang Healing power ng kanyang tiyuhin na ayaw gumaling ang lagnat.

Kung bakit po ako ay naging intresado sa storyang ito ay dahil po sa ating Santo Nino De Palaboy ng Quinale…. Dahil po sa twing mag uusap kami ni Ely Kid ay palagi po nyang nababangit ang batang ito na syang kaibigan ni Alwin na si Santo Nino De Palaboy….Kung paano sila nagkita ay ganito po ang simula…

Ako po ay Personal na naghanap kung saan ang bahay ni Alwin Vasques ang Healing Power of Prayer…at natagpuan ko nga po ang bahay nila na may isang kapilya sa harap ng bahay nila…. Sila po ay mga mayayamang angkan sa Cavite at kahit po di nila ako kilala ay ako ay tinangap nila at pina unlakan sa aking nais na malaman tungkol sa batang mangagamot.

Kulang po ang 2 oras na pagsasalaysay sa dami ng himala na nagawa ng batang ito na may kaibigan na mga spirito ng mga Santo Nino na may iba ibang kategoriya Santo Nino sa Bicol Penya Pransya.. Santo Nino De Cebu, Santo Nino Jeprox ng Munting Lupa at isa na nga po ang ating Santo Nino De Palaboy ng Paete sa Quinale… ayon po sa kanyang Lola at sa kanyang tiyahin na siyang nagkukwento sa mga naganap na himala at napagaling sa pamamagitan ng dasal at mga herbal medicine ay napakaraming taga ibat ibang bayan ang dumayo sa kanilang kubo para mangamot sa araw araw at ayon pos a kanila may particular na araw na mabisa ang kanyang pangagamot at yan ay Martes at Biyernes…. May mga celebrities din po syang nagamot si Freddi Webb at pinsan ni Imelda Marcos, may asawa ng Hapon na may taning na ang buhay subalit sa pamamagitan ng paniniwala na gagaling ay nagging himala at laking pasasalamat nila…. Kung ano anong klase ng sakit ang kanyang napagaling Cancer, Skin Deseases,… at minsan na ring nagamit ng mga pulitiko at mga studyante na nais na makapasa sa sa board exam sa pamamagitan ng kanilang paniniwala sa batang Healing Power of Prayer ayon sa kayang lola at tiyahin ay nagging matagumpay sila.

At kung paano po nagkita si Santo Nino De Palaboy at ang batang si Alwin ay sa pamamagitan ni Dra. Felicidad Katigbak isa rin sa napagaling ng Healing Power of Prayer na may hipag na taga Paete na ang pangalan ay Raquel malapit sa palenke ang bahay at noon an dating pari sa Romano ay si Fr.Tagilaso na taga Lusiana Laguna isa sa napagtanungan kung saan matatagpuan ang kanyang kaibigan… dahil nga po ayon sa kanyang lola at tiyahin ay nagpahatid ang batang si Alwin para hanapin nga daw po ang kanyang maitim na kaibigan at gulagulanit ang soot na damit at walang sariling tahanan at yan nga po ang ating Santo Nino De Palaboy ng Paete sa Quinale at ng makita nga po ng batang si Alwin na noon ay 4 taong gulang pa lamang ay personal po nya itong itinuro sa kanyang mga alalay at sabi nga po yan ang aking kaibigan si Santo Nino De Palaboy at nakarating nga po sa tahanan nila Ely Kid Baldemor …si Alwin po ay bulol magsalita dahil bata at ayon po sa kanyang tiyahin at lola ay ayaw na ayaw nya po na mainvolve ang media at reporter noong sya ay nangagamot pa at ang kanyang kasangkapan sa pangagamot ay isa na ang munting espada, herbal, sampaguita, langis ng niog, dasal at pananampalataya. Subalit sa twing sya ay matatapos sa panggagamot ay sya po ay sinusumpong na hika.

Si Alwin ay nawalan na ng Healing Power of Prayer sa idad na 13, at sa kasalukuyan ay nasa London na at nagtatrabaho bilang isang Therapist sya po ay 33 years old na at may pamilya na rin.

Minsan po talaga ang buhay ay may hiwagang nagagaganap sa maniwal po tayo o sa hindi… Ang atin pong Santo Nino De Palaboy ng Paete ay nakakarating sa Cavite taon taon para ipagdiwang ng mga deboto at ipinagpagawa din po ng isang maliit na kapilya.


Nadito po ang ilang larawan habang iniinterview ko ang kanyang Lola at Tiyahin.




Siya po si Lola ni Alwin habang nagbibigay ng ng detalye



Siya po naman si Mrs. Marciana Rivera Gawaran habang akin pomng hinihingan ng istorya tungkol sa Healing Power of Prayer Child na isa rin pong napagaling ang kanyang sakit sa matres.



Si Lola Tata at Mrs Marciana habang nagbibigay ng detalye tungkol sa mga nakaraan



At ako naman yung busy sa kakasulat ng mga detalye habang nagsasalaysay sa akin si Mrs Marciana.





At ito naman po yung lumang larawan ng kubo kung saan ay doon ginagamot ang mga may sakit, sa larawan ang kanyang mga alalay na bata.



Si Alwin na sa lumang larawan at may soot na Santo Nino







Buhat ng kanyang ina kasama ni lola






Kasama ng kanyang mga alalay



At si Alwin ng nagdadalaga na

At nais ko na rin pong idedicate ang storyang ito sa Rivera Family sa Cavite sana ay kanila po itong Makita at lalo na si Alwin Vasques na nasa London.

Mga Magulang
Mr Epipano Rivera
Mrs.Felicidad Rivera
Mga Anak
Leonora Rivera
Marciana Rivera Gawaran
Candy Rivera Tranch
Valerie Rivera
Irene Rivera, Ernesto Vasques magulang ni Alwin Vasques
Pat Rivera
Bert Rivera
Susan Rivera


Alwin sigurado ko na makikita mo ang Post kong ito Viva Santo Nino!!!

Salamat Po
God Bless Us
Always
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Inspirational and Spiritual All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group