PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Mr. Nel Africano's lot donation and the "Ilang ilang pr
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest
Guest





PostPosted: Mon Jul 25, 2011 9:25 pm    Post subject: Landfills Reply with quote

I thought Kalayaan has a Sanitary Landfill, does it not, or is it still being built?
Siniloan has a community-based solid waste management system,
and other towns have MRF's, just ask around.
Back to top
Palamig
Guest





PostPosted: Tue Jul 26, 2011 9:09 am    Post subject: what about you Reply with quote

".....so you are saying that having the landfill where there are already road access(like Sta. Ana) is ok in order to preserve the upland. what about preserving Sta. Ana and its sorrounding from the destruction you are talking about."

..I think he did not mean any destruction to anything anywhere..WHAT ABOUT YOU? DO YOU HAVE ANY SUGGESTION OR BETTER OPINION REGARDING THIS VERY IMPORTANT ISSUE??
WE NEED YOU! GO PAETE! GO!
Back to top
Gest
Guest





PostPosted: Tue Jul 26, 2011 3:41 pm    Post subject: PARA KAY WINSTON Reply with quote

Winston,
Ang wetland ay isang catchment basin, parang isang palanggana na uuwian ng mga tubig mula sa bayan, maging malinis or marumi ay dadaan sa wetland. Maging mga basura at dumi ng tao ay papasok doon. Ang layunin ng wetland or marshland at maging isang natural na lawa-lawaan bago pauwiin sa Laguna de Bay. Ang mga halamang tutubo sa wetland at mga malilit na hayop at isdang magtitira doon, ay magsisilbing tagalinis sa natural na paraan. Magiging sample ang ating bayan para sa buong nakapaligid na bayan sa lawa. Samakatuwid, walang kinalaman ang ating iniinum sa bayan at ang wetland, maliban sa uuwi din ang tubig doon. Pero, walang kinalaman ang pagbabayad ng nakunsomong tubig na binabayaran sangayon sa konsomo mo buwan buwan na narerehestro sa metro ng tubig na iniinom natin. May ibang paraan ang munisipyo para mabayaran ang loan. Hayaan mong sina mayor ang magproblema doon, sila ang nagisip, sila ang bahalang gumawa ng paraan. Tayo ay tagabayad lang ng buwis. Kalkulado ni Mayor kung paano mababayaran ang loan. May mga ibang panggagalingan bukod sa ating mga buwis ay may pondong nakukuha ang ating pamahalaang bayan. Hindi si mayor papasok diyan kung hindi niya alam ang pag labas.
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Jul 27, 2011 3:44 pm    Post subject: Reply with quote

Winston,

Good question. In general, if a project is for the good of the people, it should
be the people's responsibility - either taxes go up or people pay per usage.
My garbage disposal fee went up when our city built a new recycling facility.

As pointed out, payment for the loan is within the budget. Check the sources of
income according to the budget first. It most likely will not include enough detail to
satisfy your question, so you deserve to have an answer from Ka Noel and VM/SB in time.

Some projects generate income and could be self-paying. If not, those who benefit
from it should shoulder the responsibility. Paying is part of taking responsibility for the
health of the people in this case, which by the way has been due for the longest time.

Sorry, I have not read the budget to help any further.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Jul 27, 2011 4:58 pm    Post subject: Reply with quote

Gest
Ayon sa aking obserbasyon ay hindi ganun ka poluted ang ating dagat dahil nga ang tubig naman ay panapanahon ay nalilinis ng kalikasan sa pamamagitan ng direksyon ng hangin at pagpapalit ng klema taon taon at nalilinis ng tubig ulan...at wala pa naman nagaganap na fish kill sa mga isdang malayang nakakapag migrate liban na lang doon sa isdang mga nakakulong.... at wala namang mga pabrika sa ating bayan na nagpapakawala sa kanal ng toxic, gas, ang pinaka chemical na pinakakawalan ay puro detergent at sabon, at dumi ng tao ewan ko na lang sa ibang mga nakabay bay sa lawa ng laguna de bay.

Salamat naman kung ganyan kapositido ang sapantaha mo tungkol sa proyektong ito.. sana nga kung ito ay matutuloy at nagawa na ay hindi maging isa sa obligasyon ng mamamayan sa pagbabayad dito...at yan lang naman at sana nga po hani...

Meron ng magaganap ng pagpupulong ba, pagbobotohan ba, o pag-iimporma ukol dito sila ang mga eksperto at sa kanila nakasalalay kung matutuloy o hindi ang proyektong ito....resulta abangannnn....


Salamat po

Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest
Guest





PostPosted: Wed Jul 27, 2011 7:33 pm    Post subject: Tama Reply with quote

Tama ka Winston.

Sang-ayon ako sa iniisip mo na pwedeng daanin sa dagdag buwis ang uutangin para sa proyektong ito.

May meeting daw sa August 5,2011 with SB, World Bank at LISCOP para pag-usapan ang engineering design,atbp.

Hindi pa kasali ang taong bayan sa meeting kaya...

VICE-MAYOR:

BAKA PWEDE MONG PAKITANONG KUNG PAANO BABAYARAN NG ATING BAYAN ANG UTANG...

At sana ay pakisama sa detalye ng magiging usapan na... WHEREAS, HINDI PWEDENG MAGPATAW NG ANUMANG BUWIS PARA LANG MABAYARAN ANG UUTANGIN..

Para naman makasiguro kami na hindi mangyayari na TAONG BAYAN ANG PAPASAN NG PROYEKTONG WALANG KASIGURAHAN!

-----

Kaya dapat na magpatawag kayo ng Pagpupulong Bayan tungkol sa Problema sa Basura at SIGURADO AKO NA MARAMING SUGGESTIONS ANG ATING MGA KABABAYANG MAIBIBIGAY...

MARAMI PA RING NARITO LANG SA ATING BAYAN NA PWEDENG MAKATULONG PARA MALUTAS ANG PROBLEMANG YAN, PAMPINANSYAL MAN O KAALAMAN
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Mon Aug 01, 2011 4:03 am    Post subject: Reply with quote

Dear Vice-Mayor,

Base sa mga naging palitan ng sagot, HUWAG KANG MAKONSENSIYA NA IKAW ANG GUMAGAWA NG MALI PARA SA ATING BAYAN. ITULOY MO LANG ANG MGA PLANO MO NA SA PALAGAY MO AY MAKAKATULONG SA PANGKALAHATAN.

Para sa akin, tama na BINULABOG mo ang bayan dahil sa palagay ko na KUNG HINDI MO GINAWA YON AY MALAMANG NA MATUTULOY ITONG PROYEKTONG ITO NA WALANG KASIGURUHAN.

Marami pang IBANG SOLUSYON na pwedeng gawin bukod sa proyekto ng LISCOP, MAGTANONG LANG SA MAMAMAYAN.

At huwag nating pwersahing tanggapin ang proyekto sa August 05. Hindi kagaya yan ng problema ng US sa utang na may deadline.

At yaan ay magiging isa sa mga 'LEGACIES' na maibibigay mo sa ating bayan!

Salamat!
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Mon Aug 01, 2011 2:04 pm    Post subject: Tagalog na Tagalog Reply with quote

Ayan, merong tagalog na tagalog na "story." Eto naman ang story ko...

Merong isang bayan, na ang pangalan ay "Upland." Ang pangalan ng mga mamamayan ay mga Pedros at Joses. Merong company na binabayaran ang UPLAND, hindi utang...para mangolekta ng basura. Ang basurahan ay mga kulay azul, itim at berde. Ang mga mamamayan ay may kanya kanyang binabayaran buwan buwan na tinatawag na sewer, garbage and water. Cash buwan buwan na "kanya kanya" ng bayad ang mga mamamayan ng UPLAND. Wala namang problema at wala ding bayarin na utang ang UPLAND or mga mamamayan ng UPLAND. Nasa mga mamamayan ang pagsunod. Pag halo halo ang basura, HINDI PINIPIK-UP!!! Kaya ang may ari ng bahay ang napipilitang sumunod sa patakaran. Tulad nung kontador ng tubig na project ng pamunuan ni Mang Vayey Madrigal, hanggang ngayon ay nakikita ang kabutihan. Hindi pa naman huli para maumpisahan yang waste segregation. Akala ko ay naumpisahan na yan nun pa.

Bakit mangungutang? Siguro naman, kung merong private company ang ibang malalaking town na nakapalibot sa Paete ay pwede naman sigurong gumawa ng "contract" ang ating pamahalaan para sila ang pumik-up ng basura. At yung hindi susunod, kahit nagbabayad pa ay "WAG KUNIN ANG BASURA." Maliit na halaga ang ibinabayad ng bawa't isang mamamayan, kung sama samang nagkakasundo. Kung uutang para magkaruon ng sariling basurahan ay paano ang pagbabayad? Sino na nga kaya ang mamumuno sa bayan pagdating ng bayaran? Kawawa naman ang mababagsakan ng utang, lalo na ang mga Joses at Pedros.

Meron naman sigurong private company ng basura ang ibang bayan na malalaki dyan. Isang company na lang ang magkaruon ng problem...wag na ang buong bayan pagdating ng bayaran. Yang malaking company naman na yan ay siguradong may contract kung saan nya itatapon ang basura. Ano ang gusto ng taong bayan? Magmana ng malaking utang, or ma disiplina sa pagbabayad ng sariling basura at magbayad buwan buwan? Very Happy Crying or Very sad Wink

Kung merong Jose (tulong/utang na may tubo/porsyento) at Pedro (kawawang mamamayan) ay meron ding Petra (walang tubo) na pwedeng mamuhunan para mangolekta ng basura at itapon sa isang existing sanitary landfill.




adedios wrote:
I am going to relate this story so that it is easier to understand:


Si Pedro ay may bahay ngunit wala siyang pinagtatapunan ng basura at ang kaniyang bahay ay wala ring kubeta. Si Jose ay nag-alok ng tulong - bibigyan niya si Pedro ng salapi na humigit kumulang kalahati ng kailangan upang mabigyan ng solusyon ang suliranin ni Pedro. Dagdag dito, pauutangin pa ni Jose si Pedro ng natitirang kalahati para mabuo ang kinakailangang panggastos.

Tama ba na hilingin ni Pedro na ibigay na lamang ni Jose lahat na kailangang panggastos?

Ang katotohanan ay napakarami pang Pedro na humihingi ng tulong mula kay Jose at lubhang maliligayahan kung tutulungan ni Jose.

The World Bank and the LLDA are receiving a lot of requests for funding. The World Bank can easily drop this to help others who are more willing to be helped.

_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Mon Aug 01, 2011 2:54 pm    Post subject: Nasa takot sa "multa" ang progress Reply with quote

Check this one...

Pagmultahin, Pagbayarin Para sa Kaunlaran


http://r-cube.ritsumei.ac.jp/b.....ugh%20.pdf
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Guest
Guest





PostPosted: Tue Aug 02, 2011 11:03 pm    Post subject: Re: Tagalog na Tagalog Reply with quote

Ludy wrote:
Ayan, merong tagalog na tagalog na "story." Eto naman ang story ko...

Merong isang bayan, na ang pangalan ay "Upland." Ang pangalan ng mga mamamayan ay mga Pedros at Joses. Merong company na binabayaran ang UPLAND, hindi utang...para mangolekta ng basura. Ang basurahan ay mga kulay azul, itim at berde. Ang mga mamamayan ay may kanya kanyang binabayaran buwan buwan na tinatawag na sewer, garbage and water. Cash buwan buwan na "kanya kanya" ng bayad ang mga mamamayan ng UPLAND. Wala namang problema at wala ding bayarin na utang ang UPLAND or mga mamamayan ng UPLAND. Nasa mga mamamayan ang pagsunod. Pag halo halo ang basura, HINDI PINIPIK-UP!!! Kaya ang may ari ng bahay ang napipilitang sumunod sa patakaran. Tulad nung kontador ng tubig na project ng pamunuan ni Mang Vayey Madrigal, hanggang ngayon ay nakikita ang kabutihan. Hindi pa naman huli para maumpisahan yang waste segregation. Akala ko ay naumpisahan na yan nun pa.

Bakit mangungutang? Siguro naman, kung merong private company ang ibang malalaking town na nakapalibot sa Paete ay pwede naman sigurong gumawa ng "contract" ang ating pamahalaan para sila ang pumik-up ng basura. At yung hindi susunod, kahit nagbabayad pa ay "WAG KUNIN ANG BASURA." Maliit na halaga ang ibinabayad ng bawa't isang mamamayan, kung sama samang nagkakasundo. Kung uutang para magkaruon ng sariling basurahan ay paano ang pagbabayad? Sino na nga kaya ang mamumuno sa bayan pagdating ng bayaran? Kawawa naman ang mababagsakan ng utang, lalo na ang mga Joses at Pedros.

Meron naman sigurong private company ng basura ang ibang bayan na malalaki dyan. Isang company na lang ang magkaruon ng problem...wag na ang buong bayan pagdating ng bayaran. Yang malaking company naman na yan ay siguradong may contract kung saan nya itatapon ang basura. Ano ang gusto ng taong bayan? Magmana ng malaking utang, or ma disiplina sa pagbabayad ng sariling basura at magbayad buwan buwan? Very Happy Crying or Very sad Wink

Kung merong Jose (tulong/utang na may tubo/porsyento) at Pedro (kawawang mamamayan) ay meron ding Petra (walang tubo) na pwedeng mamuhunan para mangolekta ng basura at itapon sa isang existing sanitary landfill.




adedios wrote:
I am going to relate this story so that it is easier to understand:


Si Pedro ay may bahay ngunit wala siyang pinagtatapunan ng basura at ang kaniyang bahay ay wala ring kubeta. Si Jose ay nag-alok ng tulong - bibigyan niya si Pedro ng salapi na humigit kumulang kalahati ng kailangan upang mabigyan ng solusyon ang suliranin ni Pedro. Dagdag dito, pauutangin pa ni Jose si Pedro ng natitirang kalahati para mabuo ang kinakailangang panggastos.

Tama ba na hilingin ni Pedro na ibigay na lamang ni Jose lahat na kailangang panggastos?

Ang katotohanan ay napakarami pang Pedro na humihingi ng tulong mula kay Jose at lubhang maliligayahan kung tutulungan ni Jose.

The World Bank and the LLDA are receiving a lot of requests for funding. The World Bank can easily drop this to help others who are more willing to be helped.


Mam Ludy,

Nakikiisa ako sa posting nyo!

Sigurado ako na susunod ang mga kababayan natin sa anumang tamang batas na ipatutupad...

MASUNURIN ANG MGA TAGA-PAETE!!!

Tulad ng sa Zero Plastic Law, noon ay pwedeng gumamit ang mga
tindahan ng ulam ng plastic pero noong sabihan sila na bawal na ang plastic... SUMUNOD PATI ANG MGA BUMIBILI NG ULAM AT NAGDADALA NA SILA NG LALAGYAN.

Kaya kung gagawa ng batas ayon sa nai-post ni Mam Ludy ay sigurado ako na MAGTATAGUMPAY ITO.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5
Page 5 of 5

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group