 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
kinale Guest
|
Posted: Thu Oct 20, 2011 7:28 pm Post subject: |
|
|
Talaga ngang lahat tayo'y may pinag-daanan
masayang, malungkot ang ating kabataan
kahiy ganon ang buhay may mga kasayahan
hindi ipag-papalit ang mga nakaraan.....
Mabuti ngang tayong lahat galing sa kahirapan
salamat sa kayod kapatid at magulang
nag-tiis sila para sa kinabukasan
mga anak natin hindi na mahirapan.....
Kahit anong hirap nuon, 'di ko ipag-papalit
mga dinaanan nuong ako'y batang paslit
kung mai-babalik lang ang mga naka-raan
palagay ko naman meron pa ring kasiyahan.....
Buhay sa America masarap at mahirap
'dyan sa ating bayan mahirap pero masarap
pag-kami'y nag-retire gusto ko pa ring malasap
sa Paete pa rin ako, 'yan ang aking pangarap..... |
|
Back to top |
|
 |
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007 Posts: 858 Location: beijing, china
|
Posted: Sat Oct 29, 2011 3:15 pm Post subject: |
|
|
guest/rey bagalso wrote: | Dahil si eme ene nagpakilala na.
Akoy may hinala kung sino si Ermita.
Palagay koy siya yung nagtuloy ng tula ko.
Sapagkat katulad ng kanyang estilo.
Ako naman ay hindi din masyadong kilala.
Maraming nalilito kung sino baga?
Tunay na pangalan ginagamit talaga.
Rene ang palayaw sa nakakikilala.
Kahit si Ka Ruben hindi din ako matatandaan.
Pero siya ay tandang tanda ko pa.
Isang baskebolista, at Jubilee pa.
Kasama si Pakito,Kang Hector.
Gintong ngipin ay naaalaala.
Kung hindi ako nagkakamali kay Ermita.
Ikaw ba yan Sheba? |
mukhang kayo po`y nagkamali sa tinuran
ang inyong lingkod bibihira na sa tulaan
marami pong kasing pinag kakaabalahan
at sa ngayon po may ibang kinahihiligan
danga`t nabanggit nyo ang aking pangalan
ngiti ay muling namutawi sa aking kaibuturan
isinamtabi muna larong pinagkakalibangan
upang sagutin ang inyong nalilitong isipan
ganyan kahiwaga`t ganda sa larong taguan
ang palawakin ang kanya kanyang isipan
hindi man ito sa inyo madaling mahulaan
ngunit nag iiwan ito ng malaking kaalaman
Sheba Aseoche _________________ what is life without something
whernas2001@yahoo.com |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|