PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

DIBORSYO SA PINAS.....PANIG KA BA O KONTRA
Goto page Previous  1, 2, 3
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
eme -ene
Guest





PostPosted: Tue Oct 25, 2011 7:34 pm    Post subject: pamamaalam Reply with quote

Pasensya na kayo, mga kaayon ko,
Ako yata ay tanda nang napipipilan,
Mga katuwiran ng mga Pro-divorsio
Nanggigiit, nanunumbat dine sa budhi ko.

Marahil sa dahilan may edad na ako,
At aral na inihasik ng mga magulang ko,
mahirap baguhin, ano pa mang giit n'yo,
Sa salita ay salat, kulang sa ensayo.

Salamat-salamat Elias, Taguellera, B-gugo at Ka Ikong,
Gayon din Ka Ruben, Winston, Rey, Ermita at Kulapo,
Ang aking pananaw ay pinalawak ninyo,
Magiging patakaran ko para sa mga apo ko.

SA kamay mo Dk, Lakay at tagapayo,
Iniaalay, ipinauubaya ang lahat sa iyo
Sana'y maging matalino't walang paborito
Paalam paalam hanggang sa muli tayo.
Back to top
Guest






PostPosted: Wed Oct 26, 2011 1:15 am    Post subject: Reply with quote

Akoy nagpapasalamat din,sa makatang kababayan ko.
Magkakaiba man ang prinsipyo,banat naman ay may respeto.
Kina ka Ming,MN,Taquilera,ka ikong,na mga kasangga ko.
Pati syempre kina ka Ruben,ka Rey,Winston,tga-Ermita at Kulapo.

Pasensya ka na ka Rey,kung ako'y kinainipan mo.
Umiwas na muna ako,tanda nang aking respeto.
At sa iyo ka Ming,na isa sa idolo ko.
Hindi ka nagpatinag,kahit bumanat isang grupo.

Ako'y humahanga,sa talas ng pag-iisip nyo.
Talagang mga Paeteno,sobrang dami ng talento.
Kaya pati balagtasan,ay mukhang kinareer ninyo.(ako din pala)
At ngayon ang tulaan-forum,ay higit naging aktibo.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Oct 26, 2011 5:10 am    Post subject: Reply with quote

Mawalang galang na po mga kabayan ko
Tula nyong kinatha ay lahat kukunin ko
Sa Facebook Group naman ay ilalagay ko
Halina Kumatha at Bumasa ng Tula ang naging titulo...

Salamat po Smile Smile Smile Smile
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
RUBEN G. CAGAYAT
Guest





PostPosted: Thu Oct 27, 2011 12:05 am    Post subject: TULAAN Reply with quote

Maraming salamat mga kababayan
At naging masaya ang ating tulaan
Magkabilang panig ay puro may laman
Ang mga talata na may katuwiran

Pansamantala tayong pluma ay itago
Magpahinga muna baka may mabuo
Ating hintaying muli itong si Bulangggo
Sa bagong paksa tayo ay magbuno


Ruben G. Cagayat
Singapore, 27 Oct. 2011
Back to top
BULANGGUGO.........
Guest





PostPosted: Thu Oct 27, 2011 6:15 am    Post subject: ATING PAG-ISIPAN Reply with quote

Salamat Ka Ruben sa tinawag na "recess"
Na noon talaga'y paborito ko sa "PES"
Pagtunog nitong "buzzer" mabilis na umalis
Tuluyang umuwi at di na bumalik......si Ina'y nagalit.....hehehehe

Hiling ko sa mga naging katunggali
Maging sa kasama na aking kakampi
Magbigay ng paksa kung saan pipili
Ang mga makatang pahinga sandali.

Sa mga susunod na balitaktakan
Ang ating respeto huwag kalimutan
Ito'y katuwaang pagkakapulutan
Ng mga katwirang pakikinabangan.

Maraming kabataan mandi'y nagmamasid
At pumupulot ng maganda't matuwid
Ang ating liwanag, makathaing isip
Ilaw na tatanglaw sa dilim na pusikit.

Salamat mga Katoto....
Back to top
guest/rey bagalso
Guest





PostPosted: Thu Oct 27, 2011 11:00 am    Post subject: Reply with quote

Salamat, salamat mga katoto.
Sa mga katwiran ng ating issue.
Lalo na sa mga kapural nito.
Isip kong nananahimik ngayon ay gulo.

Kaya ngayon tayo ay "recess"
Pluma'y isasampay sa bakod ng pag ibig.
Mag iisip ng paksang ipapalit.
Aborsyon? baka sobrang init.

Sa sandaling paalam,isip ay naglalaro.
Lakandiwa'y nawala na parang bulang naglaho..
"Karugtong" ay hinihintay at inaasam
Anong sopresa? sa atin ay ibibigay.

Humahanga ako sa ating mga makata.
Pagpupugay dapat lang ipabuya.
Salamat Bgugo,Ka Ruben,Ka ikong at Elias
Whernas,kulapo,Ermita,MN, at kinale.

Marami pa tin sa bayan ay nakikimi.
Maibulalas ang sa loob ay tinitimpi.
Kaya ang hamon ko sa inyo ay ito.

Aba Sheba, Alimpuyo,Ludy, Ver Navarro.
Nasaan kayo? Bakit hindi makihalabilo?
Boses nyo ay kailangan.
Para mabuo ang gulo.
.
Back to top
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Thu Oct 27, 2011 9:53 pm    Post subject: Mga Makata Ako'y inyong pinahanga... Reply with quote

Sa bawat kat'wiran ay may kabuluhan
Ang mga pasabog ay kinakailangan
Hindi ko matimbang sino ang kakampihan?
Ako ay tahasang ang tumututol ang papanigan!
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."
Back to top
View user's profile Send private message
Bulanggugo....
Guest





PostPosted: Fri Oct 28, 2011 2:47 pm    Post subject: Salamat.......Tisay Reply with quote

salamat at ikaw ayy nagkumento Tisay
Ikaw na aming inasam hinintay
At sa susunod na paksang italakay
Ang anyaya namin ika'y makisawsaw........

Insan Ming
[/quote]
Back to top
RUBEN G. CAGAYAT
Guest





PostPosted: Sun Oct 30, 2011 12:42 am    Post subject: TISAY Reply with quote

Ang kalahi kong matalino at makatang tunay
Salamat at sumilip ka kahit huling pakay
Sa susunod na enkwentro ikaw ay sumabay
Kontra o sang ayon labanang walang humpay

Kang Ruben
Singapore, 30 Oct 2011
Back to top
Bulanggugo....
Guest





PostPosted: Sun Oct 30, 2011 6:19 am    Post subject: Mga Paksang maaaring pamilian.. Reply with quote

Alam kong napagod ang ating mga isip
Sa mga palitan na napakainit
At habang nasa gitna ng inyong pag-idlip
Itong mga paksa ay inyong isingit.

1. Tama ba na magsabatas ng pagpaplano sa pamilya na may kinalaman sa pag-gamit ng contraceptives, atbp?

2. Dapat bang umalis ang kabiyak bilang OFW upang mapag-aral ang anak, guminhawa ang buhay, atbp. kahit magkahiwalay nang matagal, atbp?

3. Dapat bang payagan ang pagkakasal sa dalawang lalake o dalawang babae?

4. Maria Clara noon o Marie Claire ngayon, maka-lumang Filipina o modernang Pnay...sino ang mas pipiliin?

Dagadagan ang pagpipilian.....

Bulanggugo
[/img]
Back to top
Eme-Ene
Guest





PostPosted: Sun Oct 30, 2011 12:12 pm    Post subject: sagot kay b-gugo Reply with quote

Sa inyong paanyaya na ako ay sumali,
Ako'y nagagalak sa inyong pagkilala,
Hamak kong kakayahan sa larangan ng pagkatha,
May halaga rin pala, at maybumabasa.

Ako nga ay may duda sa aking kakayahan
Dahil napapansin kong,bukaborario'ynababawasan,
Ingish man o Tagalog,'mental block' di maiwasan,
Pagtandang kinatatakutan,unti-unting lumilitaw.

Kung ano man ang paksa,pagpipilitan ko
Gagawin ko ring ensayo,sa naiidlip ko pluma,
Pasensya na kung ang tugong ibabadya,
Laging minatanda't,relihiong,iginigiit nitong diwa.

Ang aking katuwiran,lahat ay gagamiin ko,
Mga experinsya'tpakikibaka sa naging buhay na ito
Di ko mararating ang kasalukuyang ginhawa,
Kung hindi tinahak mga lumang pangaral nila.

Hanggang sa muli mga kababayan ko.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Oct 30, 2011 4:57 pm    Post subject: Reply with quote

Isa pong pagbati ng magandang umaga
Sa mga katungali at kasamang makata
Tanong po sa paksang nakahain na
Ang pipiliin ko po ay OFW kababayang sinisinta

Maligayang Todos Po
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
RUBEN G. CAGAYAT
Guest





PostPosted: Sun Oct 30, 2011 8:14 pm    Post subject: BALAGTASAN Reply with quote

Katotong Bulanggugo OFW uli ang aking napili
Marami kasing apektado sa ating tagaPayti
Mapa barko at sa kati hindi tayo namimili
Magkawalay ay masakit pero merong ngiti
Ng pamilyang giginhawa at walang pasubali

Ako ay pabor uli !!

Ka Ruben
31 Okt 2011
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3
Page 3 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group