PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Bayang Minamahal

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Feb 12, 2012 6:13 am    Post subject: Bayang Minamahal Reply with quote

Bayang Minamahal sa Araw ng mga Puso


Mutyang ina ng kami ay isinilang sa masayahin nating Bayan
Inaruga iminulat na may dangal sa munti nating tahanan
Namulat sa saya at ganda nitong ating luntiang kapaligiran
Si amihan at si habagat kapiling sa tag araw at tag ulan

Kay gandang pagmasdan nitong ating mutyang bayan
Iginuhit sa kawalan nilikha ng kamay ni haring kalikasan
Itinitik ang mga paham henyo at mga malikhaing kababayan
Isinabog na biyaya sa ating bayan mula dakilang ama sa kaitaas-taasan

Hindi namin pinangarap sa malayong lugar ang maging palad
Upang lisanin ka at sa ibayong dagat ang mga yapak ay ipadpad
Pagkat bayan masakit man pangangailangan namin ay matutupad
Ang mahalin ka ay ligaya na mga ngiti mo ang siya naming hinahangad

Mutya'ng bayan sa sarili ay taos puso ang ipinangako
Gabi at araw ay ninanais makapiling ka kahit nasa ibang dako
Karamdaman at kalungkutan ang kalusugan at saya mo
Tulad ni ina sa pagkalinga ng tayo ay wala pang muang dito sa mundo

Bayan nating minamahal panalangin ng diwa ikaw ay pagyamanin pa
Upang mga dayuhan at mga nawalay na anak ay mahalin at balikan ka
Ang balikan ka at sulyapan ay kasiyahan ng mga pusong nangulila
Mga kababayang payak na ligaya di magmamaliw pag ibig sa iyo tuwina

Ang pamanang tradisyon handog ng mga dakilang ninuno
Lubhang sagrado at ingatan ang kalayaan nating tinatamo
Mamahalin at aalagaan ang dangal ng bayan kahit nasaan man dako
Bayang sinilangan ay mahalin natin sama-sama at tulong-tulong tayo


Happy Valentines Po Smile Smile Smile
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
eme=ene
Guest





PostPosted: Sun Feb 19, 2012 6:08 am    Post subject: congrats sa tula mo Reply with quote

pinasaya mo ang aking puso,sa piling ng aking minamahal na hanggang ngayon ay nasa hospital,ito ang handog mo sa aming valentine.maraming salamat muli at ipagpatuloy mong magdpaligaya sa mga nalalayong kababayan tandang maria
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sun Feb 19, 2012 8:40 am    Post subject: Re: congrats sa tula mo Reply with quote

eme=ene wrote:
pinasaya mo ang aking puso,sa piling ng aking minamahal na hanggang ngayon ay nasa hospital,ito ang handog mo sa aming valentine.maraming salamat muli at ipagpatuloy mong magdpaligaya sa mga nalalayong kababayan tandang maria


Kang Maria salamat po sa matamis na papuri galing sa puso nyo
Ako po ay natutuwa at kayo ay napa-ligaya ko
Sana po ay manumbalik na muli kalusugan mahal na kabiyak mo
Upang maghadog at magpahayag sa tulaan panghasa ng sintido

Isang mapagpalang gabi po
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group