PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Bayan Isang Ngiti Mo lang

 
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Feb 22, 2012 3:03 am    Post subject: Bayan Isang Ngiti Mo lang Reply with quote

Tea Break Muna....

Kay gandang layunin nitong mga kababayan
Maghandog ng saya doon sa mutya nating bayan
Ang pagbibigay ng alay ninyong tangan-tangan
Daldalhin at sama-sama upang maisakatuparan

Ikumpara sa kabundukan ang pag ahon sa tuktuk
May hingal at hirap bago mo marating ang rurok
Ganyan sa larangan nitong mga nais na mailuklok
Doon sa kasayahan ang karangalan na siyang ina-alok

Kay hirap angkinin ibat-ibang isipang uhaw
Sa mga paliwanag kung ito naman ay hilaw
Kaugaliang baku-baku sa daanan ng mga kalaw
Hiling ng bayan bumalik sana at huwag ang umayaw

Siguro nga ay ganyan itong abang buhay
Saan man naroon hindi nawawala isipang nawawalay
Bigyan man ng pilak, rosas, at gintoang pusong alay
Di pa rin nawawala ang isipin na alinlangang taglay

Huwag sanang panghinaan ng abang kalooban
Ituloy ang pagsagwan hangang makarating sa may pang-pang
Doon ay makikita ang liwanag at pantay nating daraanan
At pasipol sipol sa lalakaran kasama ng maligayang karamihan

Aking panalangin ano mang bagyo ang nag-aalumpihit
Gamitin ang panangalang sa sama ng panahong nagngangalit
Patibayin ang dibdib ang tagumpay ay makakamit
Ngiti nitong bayan ang sa puso ang syang asam na kapalit

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
eme=ene
Guest





PostPosted: Thu Feb 23, 2012 5:15 am    Post subject: kudos sa iyong katha Reply with quote

matapos mabasa ang iyong nilikha,
lumakas ang luob ko"t,muling pinasaya
kinuha ahg panitik upang ipadama,
sa mga t ula mo, ang dala ay ligaya
Back to top
kaikong
Guest





PostPosted: Thu Feb 23, 2012 2:30 pm    Post subject: nakiliti Reply with quote

punong anong ganda at hitik sa bunga
itong si makulit pilit inaabot, sinasaltik pa nga
tulad rin nang tao pag may hitsura at may kaya
itong si swangit kaiingitan ka na ay pupulaan pa

kaya kapuwa ko makisig at ikaw rin maganda
mga kasing bait at kapuwa ko mayabang
huwag padadala sa pain nang mga kalaban
pakatandaan hiram na buhay sa mundo ay sandali lamang

magsaya tayo, magsamasama at magtulungan
magagandang adhikain ito ay ipaglaban
sa ikauunlad at ikagaganda nitong bayang sinilangan
bai!, baga?, hani, baleng-bale ka Payti kang talaga....luv u all!!
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Feb 23, 2012 10:49 pm    Post subject: Reply with quote

Kaparehong layunin ang iyong mithiin
Ang tumulong sa bayan na iniwan natin
Budhi’y di matahimik sa mga pasanin
Kung malapit nga lang sana ika'y makapiling

Sa iyong pagbabalik nais mo siyang madama
At malanghap ang natural na simoy nyang ganda
Mga naghihintay kaibigan at mga kabarkada
Kahit man lang sandali ay makapiling at makasama sila

Hangad mo ay tumulong sa abot ng makakaya
Sa mga maralitang kakilala salat sa ligaya
Bayan na kay ganda subalit oportunidad ay kulang na
Ang mabuhay ng sapat sa pangangailangan tuwina

Tumulong sa bayan natin wala man itong katapat
Kakayahang hindi sapat upang maisakatuparan ang pangarap
Kung kaya’t sa maliit mong sentimo ay talagang nakakagulat
Pagkat pag pinagsama-sama ay mahalaga at sumasapat

Adhikain ng bayan ay huwag tayong magwatak watak
Pagkat alam nya ang puso mo ay mahabagin at busilak
Sa iisang layunin lingunin ang sintang iniwanang tapat
Maligaya ang bayan sa ginagawa sana lahat ay matangap

Kanya-kanyang kaisipan at sana ay mag kaunawaan
Sugat na iniwan pagdakay maghihilom din naman yan
Huwag palaging lingunin ang anino nitong kadiliman
Harapin ang pagsikat ng araw doon sa ating bayang sinilangan
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat Feb 25, 2012 5:36 pm    Post subject: Reply with quote

isang nakakabinging katahimikan Shocked Shocked Shocked


Ulan doon sa lilim, patak mo ay nakakaaliw
Hambing ay musika sa ating bayang magiliw
Ang dampi sa pisngi may lambing na kasaliw
Kay sarap damhin ng puso kung takip silim

Minsan ang ulan ay parang katanyagan
Nagiging unos doon sa maling pagtangan
Pag hindi mapigilan baka tayo ay matabunan
Tatangayin ng baha pagkat sila ay iyong tinalikdan

Sana ay masdan mga nakapaligid na anino
Sa gitna ng unos na nag aalimpuyo
Ikaw ba ay ligtas at mga minamahal mo
Sa bangin na kay dulas na tatawirin nyo

Akala natin minsan maganda ang ulan
Akala natin ay mayaman sa mga kaibigan
Pait na kaytamis ang ngiting naiingit lang
Tayo ay tatawanan sa kabiguang makakamtan

Galangan ay hawakan galing sa ating ina
Ito ay ingatan saan man tayo mapunta
Kinang ng salapi huwag tayong magpadala
Pakikisamang sobra ang lason na hindi alintana

Ating abang buhay unos man ay dinanas
Babangon itong kusa upang muling magpalakas
Kung kayat pakaisipin katanyagan man ay lumipas
Bayan ay naghihintay sa isang ngiti mong kay timyas

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Mon Feb 27, 2012 2:30 am    Post subject: Reply with quote

2nd week of Lambingan wheeeeeeeeeee.....


Balatakayo minsan ang buhay sa mundo
Nag aanyong santo doon sa kanilang paraiso
Subalit mata ay tingnan at isiping kung totoo
Bulaklak na walang bango sa puso ay hindi bukal ito

Hindi masama ang tumulong sa kapwa
Kung sobra naman ang inipong kanin sa kawa
Subalit kung ito ay galing sa ibang kinawawa
Mabuti pa ang wala kung budhi ay mapapariwara

OO nga ang bayan sa ang salapi ay kay ilap
Nakakaraos parin kahit salat sa mga pangarap
Subalit kung babahiran ito ng mga mapag-pangap
Nanaisin pa ang maghirap kung dangal ay nilalap-lap

Huwag sanang maging anay ang mga gintong alay
Nais lang maitala sa kasaysayan ang ating buhay
Sa iisang iglap mga pangarap ito ba ay maluluray
Hiling sa masang tunay sana kahit huli na ay ialay

Nawa ay paglinawan ang nanlalabong isipan
Patingin sa dalubhasa ng isip ay hindi kailangan
Inaasam lang ay buksan ang pusong mong sinaraduhan
Gagamutin sya ng haplos nitong ating inang bayan

Pinagkatiwalang halimuyak sa batis ng kabihasnan
Nang mga mababait makabayan nating kababayan
Sana ay suklian naman ng boong katapatan
Bayan anong ligaya kung siya ay iyong babalikan

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
adora



Joined: 04 Mar 2007
Posts: 341
Location: adora alfonso

PostPosted: Wed Feb 29, 2012 8:38 am    Post subject: SA IYO WINSTON.. Reply with quote

Ang iyong patama ay sapul sa akin
Maging maingat lamang sa mga sasabihin

Ang aking pag atras ay may dahilan
Kaya wag na sanang ikay makialam

Kung nais mo ng katahimikan
Ikay pumikit at matulog na lamang

At kung ikay di tatahimik
Ikay di uurungan
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Wed Feb 29, 2012 3:27 pm    Post subject: Reply with quote

Nakakalungkot ang thread na ito.
Dalawang taga Kinale nag bigkasan ng husto
Bawat salita nila ay may nilalaman na hindi gusto
Ng makakabasa dito.

Ang tapang ni Adora hinamon si Winston
Bakit baga naman pati tulaan ay pinasukan ninyo.
Hindi ito maganda sa mata ng tao,
Ang salita na binibitawan ninyo.


Baling bali kayo!
Back to top
duwag#2
Guest





PostPosted: Thu Mar 01, 2012 3:12 pm    Post subject: palamig Reply with quote

Winston bayan natin di na makangiti
Sa mga pasaringan nanggagalaiti
Kailangan na kya natin isara o baguhin ang tema
Nitong tulaan natin pansamantala
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Fri Mar 02, 2012 12:59 pm    Post subject: ATTN: Moderators Reply with quote

Anonymous wrote:
.....makilala pa ako at baka di ka na makauwi ng Paete. !


ATTN: Moderators

Yung ganitong may kasamang threat, hindi nyo dapat papayagan. Sa IP address, alam nyo kung sino ito. Sa panahon ngayon, walang nakakatawa or nakakatuwa pag may pananakot na.

Salamat
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Fri Mar 02, 2012 4:32 pm    Post subject: Reply with quote

Sa mga nag hayag ng kanilang saloobin
Huwag sanang padala sa silakdo ng damdamin
Ako ay humihingi po sa inyo ng paumahin
Hindi ko ninais mga talata ay maging pasanin

Sa manunulat ay akin pong pakiusap
Maging mahinahon po sagutang lumalaganap
Dito sa tulaan ay kay daming nagaganap
Bago pa dumating sa tuluyang pagkawatak watak

Tulad po ng sabi ng ginang kababaryo
Hindi po nya ako binubuli o hinaharas dito
Maaring mga kataga lang ay kulang pa sa tono
Kayat mambabasa damdamin at isip ay parang binagyo

Sa kanyang adhikain para sa bayan natin
Huwag po nating hadlangan sa mga balakin
Pare pareho po tayong nagnanais tumulong sa atin
Sa mga ninanais nating ibat ibang layon na gaganapin

Hindi ninanais ng bayan itoy maging sangkap
Siya ay natutuwa sa maraming nais na magsikap
Magbahagi ng biyayang kanilang natatangap
Hayaan po nating lahat payapa sa bayan ito ay maganap

Isang ngiti mo lang ang nais nitong bayan
Atin ng iwasan at pahabain pa ang hidwaan
Mga kathang isinulat na ating hindi mapigilan
Ipagpatawad po minamahal nating inang bayan

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   This topic is locked: you cannot edit posts or make replies.   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group