 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
Tisay

Joined: 13 Jul 2005 Posts: 492 Location: Nemie Baldemor-Diaz
|
Posted: Fri Mar 02, 2012 2:01 pm Post subject: Pakiusap po! |
|
|
Sa mga posters sa Forum na tulaan
Di kanais-nais na patutsadahan ay iwasan
Ito ay pagmumulan pa ng isang alitan
Baka 'di na mabawi at ating pagsisihan
Magagandang adhikain ng bawa't isang kabayan
Kung ito'y ating pagtutulong-tulungan
Bayan na wika ninyo ay inyong minamahal
Ating maiaahon sa dusa at kahirapan
Mga pasaring na di kaaya-aya
Dagdag na saksak sa taong may sugat na
Unawain sana sa kanyang pagsangga
Nadaramang kirot 'wag na sanang patindihin pa!
Sa puntong ito'y wala akong kinikilingan
Nais ko lamang Tulaan Forum ay inyong igalang
Nilikha po ito para sa pumanaw na kaibigan
Pakiusap pong muli 'wag gawin itong arena ng bangayan!
Maraming salamat po sa lahat, at more power sa inyo
na may magagandang adhikain para sa ating mahal na PAETE! _________________ "rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer." |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Fri Mar 02, 2012 9:01 pm Post subject: |
|
|
Maraming salamat po....di po baga kung may sugat ay dapat maggaling muna at mabilis gagaling ang sugat kung ikay tatahimik....kayo ang mga malalpit diyan sana naman po'y kayo na ang unang nagpayo na siya muna ang tumigil...di ako sangkot sa mga usapin pero bisita po ako na di nakakatiis na makabasa ng mga maanghang na patutsadahan...ngayon sila ang tinamaan kami pa ang titigil....sa tingin ko po ay di pagbabanta ang napasulat...talaga lamang may isa pang mahilig maggatong.....laging sinisisi moderator tapos ngayon kung makautos ay parang pag-aari tapos pati forum gustong isara pero sila pa rin ang tuloy tuloy ang posting....Tama na! |
|
Back to top |
|
 |
Rey Bagalso, guestrider Guest
|
Posted: Sun Mar 04, 2012 1:14 pm Post subject: Deja Vu, Sarsuela |
|
|
Akoy hindi na makatitis sa mga naririnig.
Bangayan ng dalwa o tatlong panig.
Para bagang ito ay deja vu o panaginip.
Ah alam ko na, Sarsuela.
Ito ang tawag, at talagang.
Ang istorya ay napakatamis.
Dahil sa huling tagpo.
Ang lahat ay forgive and forget.
Kaya mga katoto at dilag na kasapi.
Manonood ay huwag intindihin.
Silay magagalas na kritiko at saksi.
Pag igihin ang pagganap at layunin.
Huwag padala sa manonod, silay artista din.
Kung gusto ninyong magtagumpay.
Ang sarsuela sa atin.
Magkapit kamay, kung ayaw yayapusin.
Ipaanod na sa wawa ang mga masasamang hinaing.
magtulong tulong sa mga dula.
Para naman si Ibyok Pasawa ay tumawa din.
Hangang dito na lamang ang aking parating.
Pakingan sana nyo ang samo ng bayan natin.
Ipagdiwang ang pagkabuhay,
Tapusin ang bangayan.
Bayan ay paligayahin. |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|