PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Isa pang sulyap sa Florante at Laura-Laki sa Layaw

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo....
Guest





PostPosted: Fri Apr 06, 2012 7:16 am    Post subject: Isa pang sulyap sa Florante at Laura-Laki sa Layaw Reply with quote

Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala
dî dapat palac-hín ang bata sa sayá
at sa catoua-a,i, capag-namihasa
cong lumaquí,i, ualáng hihintíng guinhaua.

Pag-ibig anaki’y aking nakilala
Di dapat palakhin ang bata sa saya
At sa katuwaan kapag namihasa
Kung lumaki’y walang kakam’ting ginhawa.

Sa pagca,t, ang mundo,i, bayan n~g hinagpis
namamaya,i, súcat tibayan ang dibdib,
lumaquí sa toua,i, ualáng pagtiti-is
¿anóng ilalaban sa dahás n~g sáquit?

Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis
Mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib
Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis
Anong ilalaban sa dahas ng sakit.

Ang táuong mágaui sa ligaya,t, aliu
mahinà ang púso,t, lubháng maramdamin,
inaacala pa lamang ang hilahil,
na daratná,i, dinâ matutuhang bat-hín.

Ang taong mawili sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t lubhang maramdamin
Inaakala pa lamang ang hilahil
Na daratna’y di na makayang bathin.

Para n~g halamang lumaguí sa tubig,
daho,i, malalantá munting dî madilig,
iquinalolo-óy ang sandaling init,
gayón din ang púsong sa toua,i, mani-ig.

Para nang halamang lumaki sa tubig
Daho’y malalanta munting di madilig
Ikinalulooy ang sandaling init
Gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.

Munting cahirapa,i, mamalac-híng dalá,
dibdib palibhasa,i, di gauing magbatá,
ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá
ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa.

Munting kahirapa’y mamalak’hing dala
Dibdib palibhasa’y di gawing magbata
Dahil nga sa mundo’y walang kisap-mata
Ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.

Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád
sa bait at muni,t, sa hatol ay salát,
masacláp na bún~ga ng malíng paglin~gap,
habág n~g magulang sa irog na anác.

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni’t sa hatol ay salat
Masaklap na bunga ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog na anak.

Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál
ang isinasama n~g báta,i, nunucál
ang iba,i, marahil sa capabayaan
nang dapat magturong tamád na magulang.

Sa taguring bunso’t likong pagmamahal
Ang isinasama ng bata’y nunukal
Ang iba’y marahil sa kapabayaan
Ng dapat na magturong tamad na magulang.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group