PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Paete Saglit Man Yong Ngiti

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Apr 18, 2012 6:39 am    Post subject: Paete Saglit Man Yong Ngiti Reply with quote

Balik na muli sa lupain ng mga tsinito
Muling kumakayod pambuhay ng pamilya ko
Aking naalaala mga lumipas na kasayahang natamo
Sa bayan ng Paete na ibat ibang tao ang nakahalubilo

Unang araw ko pa lang sa huling araw na buwan ng Marso
Ako ay naimbitahang mag salita sa harap ng maraming tao
Sa aking mga isinulat ay katakot takot ang naging ensayo ko
Subalit bakit ganun nanginig ang boses at dinaga ako ng husto

Aking ipinaabot ang pasasalamat na isang karangalan
Sa tulad kong mahirap ang bumalik doon sa paralan
Mag bigay ng halimbawa sa buhay pakikipagsapalaran
Sa mga nagsipagtapos sa Kinale na mababang Paaralan

Sadyang organisado at kay saya ang bayan ng Paete
Nagkataon na akoy napasama sa mga kuya at mga ate
Sa kanilang pagkasaya saya sa paghirang ng mga elegante
Sila ay nakapiling simula sa araw na sadyang aking ibinakante

Aking sinamantala ang pagkakataon na sila ay makilala
Ito ang tamang sandali na makangitian at silay makahunta
Minsan lang dumating ang iglap na pinagtagpo ng balana
Sa kabilang daigdig man pala sila ay pwede pa ring magpangita

Ang okasyong lumipas ay hindi na muling maibabalik
Kung kayat isang magandang bahagi sa buhay ko ang itinitik
Ang masasayang araw ay makikita sa mga larawang inilakip
Sa aking mga nalitratuhang kuha ay para lang isang panaginip

Nais kong ring ibahagi ang Sabado de Gloria ng gabi
Aba ay kay ganda at kay dami ng mga nilalang na nakibahagi
Kahit na anong antas at ang idad ay hindi ikinukubli
Kay gandang isang gabi maraming kay gandang binibini

Ang isang kaugalian doon sa ating mutyang bayan
Abay hindi matatawaran ang bawat pagkikita kita ng magkakaibigan
Kay dami ng kasayahan kapamilya at ibat ibang mga angkan
Itoy di ko nakikita doon sa ibang karatig na mga lalawigan

Marami akong nakilala na mga bagong kaibigan
Bagaman at mababaw lang araw naming pinagsaluhan
Ito ay gintong araw sa tulad kong nasa malayong silangan
Nakaukit na sa puso ko ang ngiting’ng bigay ng mga kababayan

_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Guest






PostPosted: Thu Apr 19, 2012 12:02 pm    Post subject: Reply with quote

Hindi kaila ang mga ngiting mong nakamit noong Balik Paete.
Talaga naman napakaganda ng nangyaring samahan ,
Nitong mga balikbayan na pinilit na makarating diyan
Kahit anong higpit ng schedule nila sa buhay.

Hindi lang kasayahan ang nangyari diyan,
Pagtulong sa bayan na mahal ay hindi kinalimutan
Walang bahid ng kalungkutan ang mga ngiting binitawan
Basta lang maka halu-bilo mga kaibigan na di nakita ng matagal.

Mga picnic ,reunion,mission at sayawan,
Ang naging tulay para mag kamayan
Bonding at kasayahan ang pakay ng lahat,
Nang mga mamayan ng Paete anuman class ng kanilang buhay.

Winston, congratulations sa iyo bilang isang taong Pangdangal,
Sa okasyong ng Pagtatapos sa mababang Paaralan ng Kinale,
Marahil kaya ang iyong boses ay nanginig at dinaga
Ay di akalain na makamit ang ganitong parangal .

Nakita ko ang litrato mo habang nagsasalita sa podium
Para kang congressman ang iyong dating
Lalo ako humanga sa iyong narating
Dahil hindi mo nakalimutan na tulungan ang bayan mong minahal.

Yon na lang project mo na iyong pina munuan
Kasama ng mga kaklase mo noong araw
Na pasaya ang mga batang nasa bundok noong Mahal na Araw,
Walang kapalit na kaligayahan ang inyong ibinigay.

Sana ay hindi maputol ang pagtulong sa bayan
Dahil kailangan ito kahit anong liit ang ibinigay
Maging humble ka lang at hindi greedy sa iyong kinamtan
Lalo ka ibe-bless ng Poong Maykapal.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group