PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Essay Entry - Participant: WACHAP BARABAP

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Dec 26, 2005 4:44 am    Post subject: Essay Entry - Participant: WACHAP BARABAP Reply with quote

Participant: Hiyas Bagabaldo (Wachap Barabap)

Kabataan Tungo sa Kaunlaran ng Bayan

Droga, rape, fraternity, barkada, disco, sex, video
games, at marami pang iba. Nakalulungkot isipin na sa
panahon ngayon ay maraming kabataan ang nalululong sa
ipinagbabawal na gamot at iba pang mga bagay. Sa halip
na mag-aral ay nalilibang sa di magandang gawain. Ang
mga tuksong ito sa mga kabataan ay hahadlang sa
kanilang kinabukasan. Kabataan, bayan, pag- unlad?

“Bata ka pa, marami ka pang hindi alam, maano’y huwag
kang makisali sa usapan ng matatanda,” ang kadalasang
sinasabi ng matatanda sa batang mausisa. Bakit nga ba
madalas tinatakal ang kakayahan ng kabataan? Gayong
ang mga murang isipan na ito ang bubuo ng bayan sa
kinabukasan. Tulad ng sinabi ng pambansang bayani na
si Gat. Jose Rizal na “Nasa kabataan ang pag- asa ng
bayan.”

Bilang kabataan , ito ay dapat patunayan.
Napakabigat ng responsibilidad na iniaatang sa balikat
ng mga kabataan. Paano ba magiging pag-asa ang
kabataan sa kaunlaran ng bayan?

Una, ang edukasyon. Ito ang magiging sandata at lakas
ng kabataan. Sa di-pormal na pag-aaral sa tahanan
dapat magsimula ang pagpunla ng mga kaalaman at
pagsibol ng wastong pag-uugali at values. Mabubuo ito
sa pamamagitan ng pagpapakita ng magagandang halimbawa
ng mga magulang at iba pang kasambahay. Napakalaki ng
bahagi ng magulang sa pagbuo ng pagkatao ng bawat
bata.

Lahat ng natutuhan sa tahanan ay dapat pagyamanin at
palaguin naman sa paaralan. Ang mga karunungan at
kaalaman ay matatamo sa pamamagitan ng mga pagsasanay
at mayamang karanasang ibinibigay ng mga paaralan. Sa
gabay ng mga guro ay dapat tulungang maging mabunga at
kapakipakinabang ang mga kaalamang natutuhan.

Hindi lamang isipan ang dapat pagyamanin kundi pati
ang kalusugan ng katawan. Ang pag-abuso sa kalusugan
ay masama. Sa halip ay lumahok sa kampanya laban sa
ipinagbabawal na gamot at iba pang masasamang bisyo ay
makiisa sa mga makabuluhang Gawain tulad ng isports.
Kumain nang wasto at matulog nang sapat upang maging
malusog ang isipan at katawan.

Time is Gold. Dapat din itong ikintal sa isipan ng
bawat kabataan. Huwag nating aksayahin ang oras at
panahon dahil may magagawa tayong maganda sa bawat
minutong lumilipas. Sa halip ng nakatunganga at
gumagawa ng masama ay magsaliksik ng mga makabagong
kaalaman at pagyamanin ang mga natutuhan.

Dapat maging matatag sa mga pagsubok na darating at
sa mga tuksong maaaring humadlang sa ating mga
pangarap. Makiisa sa mga programa ng pamahalaan at NGO
para sa kabataan.

Pangalawa, ang paniniwala Diyos. Ang kabataang may
matatag na pananalig sa Diyos ay magkakaroon ng mga
mataas na moral values. Hindi naghahangad ng mga bagay
para lamang sa sariling kapakanan. Sa halip ay ang
kapakanan ng kapwa ang nasasaisip. Kapag ang mga
kabataan ay may malaking takot sa Diyos, sila ay
magiging matapat at mapagmahal rin sa kapwa at bansa.
Ang bansang pinamumunuan lamang ng mga taong may takot
sa Diyos at matatag na moral values ang may
posibilidad na umunlad.

Karamihan sa mga kabataan ngayon ay walang takot sa
Diyos. Natututuhan nilang magnakaw, mangupit, pumatay
at marami pang ibang masasamang gawain na lumalabag sa
batas ng Diyos at sa batas ng tao. Sa halip na
makatulong ay gumagawa pa ng gulo at namemerwisyo. Ang
mga taong ito ang tinatawag na salot sa lipunan kaya
dapat itong sugpuin!

Ang pangangalaga ng kalikasan ay pagpapakita rin ng
pagmamahal at pasasalamat sa Diyos. Maaalala pa natin
ang sinapit ng ating mga kabababayan dahil sa ganti ng
kalikasan - ang mawalan ng mga minamahal sa buhay,
tirahan at kabuhayan. Ito ay bunga ng walang tigil na
pagputol ng mga punungkahoy na naging dahilan ng
pagbaha. Ang kalikasan ay ipinagkaloob sa atin ng
Diyos kaya dapat itong pangalagaan nang sa gayon
ito’y ating mapakinabangan. Nakukuha dito ang iba
nating pangangailangan. Ang unang dapat gawin ay
magtanim ng mga halaman. At kung ito’y puputulin ay
dapat munang humingi ng permiso at palitan din ito ng
panibagong halaman. Lumahok sa mga proramang bayan.
Kabilang dito ang paglilinis ng ilog, pagtatanim,
pagtatali sa mga aso, at marami pang iba. Kailangang
laging malinis ang kapaligiran. Ang pagkakalat ay
huwag kawilihan. Kung hindi man laging makapaglinis
ay huwag nang magkalat, para makatulong pa rin.

Dalawa lamang ang kailangan ng bawat kabataan,
pagiging matalino at makaDiyos. Kung magkakaroon
lamang ang mga kabataan ng mayamang karunungan at
mataas na pagpapahalagang moral ay tunay na uunlad ang
ating bayan.

Matibay ang aking pananalig na may malaking papel na
gagampanan ang kabataan sa pag-unlad ng bansa. Kung
matatamo dalawang ito ay may matatanaw pa tayong
maaliwalas na bukas para sa bansa. Kung may
katalinuhan ay walang pagsubok at suliranin na di-
malulutas. At sa pagiging maka- Diyos ay uusbong na
rin ang lahat ng values na kailangan upang
makapagdesisyong mabuti na ginagamit ang puso at
konsensiya. Kung kaya, sa pamamagitan ng
pagtutulung-tulong at pagkakaisa ay mabubuo at
darating pa ang magandang Pilipinas na pinapangarap ng
bawat Pilipino - kaunlaran, sa tulong ng kabataan!


- Wachap Barabap
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group