PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Essay Entry - Participant: BUBBLES

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Dec 26, 2005 4:46 am    Post subject: Essay Entry - Participant: BUBBLES Reply with quote

Participant: Imelda Berara (Bubbles)

Paano Makakatulong ang Kabataan sa Pag-Unlad ng Bansa?

Dapat ang mga Pilipino ay maging masipag. Lalong-lalo
na ang mga kabataan. Dahil balang araw ang mga
kabataan na ang magiging haligi o sila na ang hahawak
ng bansa. Kung hindi sila kikilos walang mangyayari
babagal ang pag-unlad ng bansa. Pero kung ang
pagkontrol nila ay mabilis. Maganda at may
pagtutulungan ang ating bansa ay bibilis ang pag-unlad
kaya nga may kasabihan ang mga matatanda ito ay “Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan” kaya dapat ang mga
kabataan ay magsikap.

Ang mga kabataan ang tutulong sa kani-kanilang mga
magulang dahil ang ating mga magulang habang tumatagal
ay nanghihina na at dahilan ito ng kanilang pagtanda.
Kaya nga dapat sila maging mahusay at pag naging
mahusay ang pagkontrol nila sa ating bansa tayo ay
uunlad ng mabilis at pag naging mahusay ang pagkontrol
ng mga kabataan sa ating bansa at ang pamumuhay tayo
ay magkakaroon ng matiwasay na pamumuhay.

Mayroong anim kaugaliang dapat tandaan ang mga
kabataan para mapabilis ang pag-unlad ng bansa.

Una, ang pagiging masipag dahil kapag walang sipag
ang mga kabataan wala ring mangyayari sa ating bansa
kaya dapat maging masipag ang mga kabataan. Iyan ang
kauna- unahang katangian upang makatulong ang kabataan
sa pag-unlad ng bansa.

Ikalawa, ang pagiging matatag dahil ang pagiging
matatag ang susi ng tagumpay kaya ito tinawag na susi
ng tagumpay dahil sa bawat gawain ng mga tao ay may
nakaabang na pagsubok. Kaya dapat ang mga kabataan ay
maging matatag.

Ikatlo ang pagiging matalino. Kaya natin kailangan
ang pagiging matalino dahil kalimitan ito ang
ginagamit natin para mapabilis ang pag-unlad ng bansa.


Ikaapat ang pagiging matulungin. Likas na sa ating
mga Pilipino ang pagiging matulungin. Dahil isa ito sa
mga magagandang ugali na naitatak sa atin ng ating mga
ninuno.

Ikalima ang pagiging magalang. Ang kaugaliang ito
tayo kilalang-kilala ng mga banyaga. Dahil bawat
magagalang na salitang binibigkas nating mga Pilipino
ay walang katumbas sa English. Katulad ng po at opo.
Kaya dapat nating ipagmalaki ang pagiging magalang.

Ikaanim ang pagiging maunawain o ang mahaba ang
pasensya. Isa rin ito sa dapat taglayin ng mga tao at
kabataan. Dahil sa mundo natin, maraming bagay-bagay
na mapang- asar sa ating paningin. Kaya dapat tayo ay
mapasensya.

Kung ang lahat ng katangiang ito ay nasa kabataan
magkakaroon tayo ng maunlad pamumuhay. Ngunit dapat
din tulungan ang mga kabataan ng mga nakatatanda.

- Bubbles
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group