PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Essay Entry - Participant: Alyas AI-AI-V

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Dec 26, 2005 4:52 am    Post subject: Essay Entry - Participant: Alyas AI-AI-V Reply with quote

Participant: Aira Valdellon (Alyas Ai-Ai-V)

KUNG PAANO MAKATUTULONG ANG KABATAAN SA PAG-UNLA NG
BAYAN

Bilang isang bata at mag-aaral, makakatulong ako sa
pagpapaunlad ng bayan, Paano? Mag-aaral ako ng mabuti
para malaman ko ang mga bagay na di pa alam ng mga
batang tulad ko. Mga tamang asal o ugali na dapat kong
taglayin sa aking paglaki.

Susunod ako sa mga ipinag-uutos ng aking mga magulang
upang di ako maligaw sa maling daan at di matuto ng
mga bisyo tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na
gamot, pag-iinom ng alak at pagsusugal, makaiwas lang
ako, nakatulong na ako, dahil di na ako kabilang sa
mga problema ng ating bayan.

Makatutulong din ako sa bayan sa pamamagitan ng
pagsunod ko sa mga batas na pinaiiral sa bayan. Tulad
ng pagbabawal ng pagtatapon ng basura. Natural na sa
mga bata ang tapon dito, tapon doon ng mga basura, mga
balat ng sitsirya, na nagiging sanhi ng pagdumi ng
kalsada, dahil alam ko na ito ay masama, itinatapon ko
ang aking basura sa tamang tapunan.

Sapagkat kung malinis ang ating bayan, marami ang
dadayong mga turista o mga taga ibang bayan, sapgkat
ang malinis na bayan ay maraming makagugustong
pumunta, marami ang bibili at tatangkilik sa ating mga
produktong gaya ng ukit at taka at ang epekto nito sa
bayan ay malaki dahil sa malaking kita ng mga tindahan
at ito ay malaki nang tulong sa pag-unlad ng ating
bayan.

Bilang kabataan ay nararapat na hikayatin ko ang mga
batang tulad ko na tumulong sa mga nanunungkulan sa
paglilinis ng kapaligiran, makatutulong na ako sa
pag-unlad, nakaiwas pa sa mga sakit dahil sa malinis
na kapaligiran.


By: AI-AI-V
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group