PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Essay Entry - Participant: Alyas MASIGASIG

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Dec 26, 2005 4:57 am    Post subject: Essay Entry - Participant: Alyas MASIGASIG Reply with quote

Participant: Gladys S. Padallan (Alyas Masigasig)

KUNG PAANONG MAKAKATULONG
ANG KABATAAN SA PAG-UNLAD NG BAYAN

Hindi lingid sa ating kaalaman ang nangyayaring
krisis pampulitika sa kasalukuyan na nagpapabagsak sa
ating ekonomiya. Tila ba wala nang pag-asang
makabangon muli ang ating bansa sa kabi-kabilang
problema nito at ang tanging inaasahan na lamang para
makabawi ang Pilipinas ay ang mga kabataan na
kinabibilangan ko.

Ngunit napakalaki na ang ipinagbago ng mga kabataan
sa ngayon. Kahit mga bata pa sila ay mayroon na
silang masasamang bisyo tulad ng paninigarilyo,
pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na
gamot. Marami ding mga kabataan ang gumagawa ng
masasama at magnanakaw dahil sa kahirapan ng buhay na
nagiging dahilan ng aknilang pagkakakulong. Wala rin
silang interes sa pag-aral dahil sa pag-aakala na
hindi sila matalino. Ngunit ang totoo, lahat tayo ay
matalino. Kailangan lang ay pagyamanin ito. Madals,
ang mga mayayaman ay walang tiyaga sa pag-aaral at
inuubos ang kanilang pera sa bisyo. Samantalang ang
mga mahihirap ang siya namang interesadong mag-aral
gayong wala naming panggastos. Paano sila magiging
pag-asa ng bayan kung hindi sila nakapag-aral? Ano ang
maiaambag nila sa bayan kung walang kaalaman?
Napakahalaga ng edukasyon sapagkat ito lang ang
tanging kayamanang maipamamana ng ating mga magulang
na sadyang di mananakaw. Sana makapag-aral ang mga
kabataang ito dahil sa kanila nakasalalay ang mga
susunod na siyentipiko, abogado,doctor, dentista, guro
inhinyero at higit sa lahat, ang susunod pang pangulo.

Huwag nating ulitin ang mga pagkakamaling makikita
natin sa mga nakatatanda sa atin upang hindi na maulit
ang problema ng bansa. Ang tularan na lang natin ay
yung mga tamang gawain na pakikinabangan ng karamihan.
Iwasan natin ang pan-sariling interes. Habang tayo’y
bata pa, pagsikapan nating makagawa ng mabubuting
bagay upang may maiwan tayong magagandang alaala sa
mga susunod na henerasyon. Ngayon pa lamang ay dapat
maging tapat na tayo sa lahat ng ating ginagawa.
Huwag nating pag-intresan ang mga bagay na hindi sa
atin. Huwag din tayong mangongopya kung may
pagsusulit dahil baka kalakihan na natin ang pandaraya
at pagnanakaw na siyang ugat ng problema nga ating
lipunan. Dapat din tayong maging masunurin sa ating
mga guro at magulang dahil wala silang hangad kundi
ang kabutihan natin. Iwasan din nating mainggit sa
iba dahil may iba’t iba tayong kakayahan. Kung
magagwa natin ito, mawawala na ang awayan at agawan sa
pwesto sa pamahalaan at uunlad na ang Pilipinas.

Sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa, kailangang
sa ating mga kabataan magsimula ang pagbabago upang
mapatunayang tayo nga ang pag-asa ng bayan at susi sa
mas magandang kinabukasan.


Alyas Masigasig
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group