PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Winning Entry - 3rd Place - Alyas HELEN NELIA

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Dec 26, 2005 5:00 am    Post subject: Winning Entry - 3rd Place - Alyas HELEN NELIA Reply with quote

3rd Place - Elisa Cadayona (Helen Nelia)

Paano Makatutulong ang Kabataan sa Pag-unlad ng Bansa?

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” tila gasgas na
linya na mula kay Dr. Jose Rizal mahigit isang daang
taon na ang nakalipas. Siguro kung buhay siya ngayon,
lawit na ang dila niya at paos na paos o kaya ay
pudpod na ang kamay niya sa kasusulat para lamang
maituwid kaming kabataan Sa ngayon, sa mga matatanda
o kaya nama’y sa ating mga guro natin ito madalas
marinig. Minsan, sa mga pulitiko rin. Pero gasgas na
nga at paulit- ulit, tila naman di- pinapansin ng
pinatutungkulan. Kung ganito ang sitwasyon, paano
makatutulong ang kabataan sa pag- unlad ng bansa?

Ang kabataan dapat ay may disiplina. Kung ang mga
magulang ay may tamang pagdidisiplina sa mga ito,
hanggang sa paglaki ay dala-dala pa rin nila ang
kagandahang-asal na ipinamalas at itinuro ng kanilang
mga magulang. Ang problema, ang ibang magulang ay
hindi nagagabayan nang husto kanilang mga anak dahil
sa paghahanapbuhay. Kaya ang mga anak ay lumalaki nang
walang disiplina sa sarili o kaya nama’y walang
kagandahang- asal.

Ang kabataan dapat ay mag- aral mabuti. Para maging
matalino at para magkaroon ng magandang trabaho
paglaki. Ngayon, mayroong mga bata na hindi nag-aaral
at walang mga magulang. Pwede namang makilahok sa “Non
Formal Education” na nilalahukan ng mga kapus- palad
at kabataang tumigil na sa pag- aaral. Pinag-aaralan
dito ang mga gawaing pang-kamay tulad ng pag-uukit sa
sabon, pagdidisenyo ng mga prutas, pananahi,
pagluluto, marami pang iba na pwedeng pagkakitaan.
Nang sa gayon, ay magkaroon din na kabuhayan o maliit
na negosyo kahit hindi nakatapos ng pag-aaral.

Ang kabataan ay dapat makilahok sa iba’t- ibang
programa at proyekto ng bayan. Lalo na kung nauukol sa
ikabubuti ng kalikasan at ikagaganda ng paligid tulad
ng pagtatanim ng mga puno, pag-aakal ng ilog,
paglilinis ng mga kalsada, at marami pang iba. Kung
hindi naman makikilahok maaari namang sumuporta na
lamang upang lumaki ang posibilidad na ito’y
magtagumpay. Dahil komportable manirahan sa isang
bayan na malinis, maganda at sariwa ang hangin at
malinis ang tubig.

Ang mga kabataan ay dapat maging malusog. Kapag
malusog ang isang tao ay marami itong magagawa. Dapat
ay pumili ng wastong pagkain kagaya ng gulay, prutas,
at iba pa. Matulog nang husto at huwag magpuyat sa
panonood ng TV o video games. Makatutulong din ang
pagsali sa mga palarong pang- isports kagaya ng
basketball at volleyball para lumakas ang katawan.
Mayroon namang mga palaro na pwedeng salihan sa
paaralan at sa bayan din.

Ang kabataan ay dapat maging responsible sa kanyang
mga gawain. Sa pag- aaral ay ginagawa ang mga
assignments at projects. Para tumaas ang grades at
matuwa ang magulang. Sa bahay naman ay gumagawa ng
gawaing- bahay at sumusunod sa utos ng magulang.
Hindi nagdadabog kapag inuutusan. Dapat nga ay kusa
nang ginagawa ang mga tungkulin sa bahay.

Ang kabataan ay dapat may pagmamahal sa Diyos at sa
kapwa. Ang sabi ng Diyos dapat ay mahalin natin ang
kapwa kagaya ng pagmamahal natin sa Kanya. Pero
minsan sinasabi natin na mahal natin ang Diyos pero
wala naman tayong malasakit sa kapwa. Kahit may
nakikita tayong namamalimos, hindi natin binibigyan.
Kapag may batang nadapa minsan ay pinagtatawanan pa.
At ‘yung ibang pulitiko, nangungurakot at nagnanakaw
ng pera ng bayan. Hindi dapat dahil hindi naman
kanila ang pera. Sa halip na marami ang makinabang ay
sila lang ang yumayaman. Kaya lalong naghihirap ang
mga tao at hindi umuunlad ang bansa.

Ang mga kabataan ay dapat umiwas sa mga bisyo. Hindi
ito maganda dahil sa halip na mag- aral ay droga pa
ang iniintindi. Mga high school pa lang ay
naninigarilyo at nag- iinom na. Nakakasira ng katawan
at isip ito. Mayroong nga na nababaliw o
nagpapakamatay kapag nalulong sa droga. Kadalasan din
ay ito ang dahilan ng pagpatay, pagnanakaw, rape at
iba pang krimen.

Siguro, kung magagawa ng lahat ng kabataan ang lahat
ng DAPAT na nabanggit ko hanggang sa pagtanda,
mapapatunayan na rin na TAMA si Dr. Jose Rizal. At
kung buhay siya ngayon, may pagmamalaki niyang
masasabi na totoong ANG KABATAAN ANG PAG- ASA NG
BAYAN.




Helen Nelia
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group