PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Winning Entry - 2nd Place - Alyas MARIKIT

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Mon Dec 26, 2005 5:03 am    Post subject: Winning Entry - 2nd Place - Alyas MARIKIT Reply with quote

2nd Place - Cayleen C. Capco (alyas Marikit)

KUNG PAANONG MAKAKATULONG ANG
KABATAAN SA PAG-UNLAD NG BAYAN

“Aray!” Nagulat ako nang may biglang may kumuhit nang
mariin sa aking braso. Papasok ako noon sa J & E
Supermarket upang bumili ng isang baretang sabon na
utos sa akin ni ina. May isang batang marungis ang
kumuhit sa akin, namimilit at humihingi sa akin ng
barya. Siyempre pa, tumanggi ako. Bukod sa
wala naman akong ekstrang pera, bigla kong naalaala
ang aking ama na nagpapakahirap magtrabaho sa ibang
bansa upang mabigyan lamang kami ng aming mga
pa-ngangailangan.

Habang ako ay papauwi sa aming bahay, iniisip ko pa
rin ang aking ama. Bakit kailangang mangyari ito?
Bakit kailangang maghiwalay ang aming pamilya? Bakit
kailangang si ina lamang ang mag-aalaga sa aming
dalawang magkapatid? Bakit sa ibang bansa pa
magtrabaho si ama? Damang dama ko ang pangungulila ko
kay ama ng mga oras na iyon.

Iisa ang isinagot ng isip ko. Ang kahirapan dito sa
ating bansa ang pa-ngunahing dahilan. Sabi ng guro
ko, may krisis sa ekonomiya ng ating bansa. Alam ko,
isa na nga ang aming pamilya na biktima ng kahirapan
kung hindi aalis si ama at maghahanapbuhay sa ibang
lupain. Ayaw kong maulit ang maulit kahirapan ng
magdesisyon si ama na rito sa Paete magtrabaho.
Sama-sama nga kaming mag-anak, subalit damang dama
namin ang kakapusan sa maraming bagay. Naisip ko, may
magagawa kaya ako upang makatulong at malunasan ang
problemang ito? Sa ngayon bilang isang bata, wala pa
akong lakas upang baguhin ang kasalukuyang nangyayari
subalit sa munting kakayahan ko may magagawa pa ring
tulong ang mga kabataan tulad ko sa pag-unlad ng
ating bansa.

Susundin ko ang palaging pangaral sa akin ni ama na
mag-aral akong mabuti. Magtatapos ng pangarap kong
kurso, at sabi ni ama, sulit na raw ang hirap at
magiging napakasaya na niya pagdating ng panahong
iyon. Balang araw, sa mga kaalamang aking matatamo,
ako at ang maraming kabataan tulad ko ay magiging
instrumento para sa kaunlaran. Totoong kailangan ang
matinding determinasyon at pagsisikap upang maabot ang
kaunalaran. Ako? inspirasyon ko ang pangarap ni ama
para sa akin at sa aking kapatid. Dagdag pa rito ang
paghamon upang mabago ang mga nasasaksihan kong
kahirapan ng ating kapwa Pilipino sa kasalukuyan.
Napakaraming programa ang mga NGO. May kakayahan
tayong makisali at makatulong sa programang “Clean and
Green Project”, “Tapat ko, Linis ko” at sa iba pang
kaugnay ng proyekto ng kalinisan. Kung hindi man
natin makakayang maglinis ng kanal, ilog at buong
kapaligiran, huwag naman sana tayong magdagdag ng
kalat sa pamamagitan ng wastong paggamit ng basurahan.
Hindi man tayo makapagtanim ng mga puno at halaman,
ingatan at pangalagaan naman natin ang mga tanim ng
nakatatanda sa atin.

Tayong mga kabataan ang tagapagmana at pag-asa sa
kinabukasan. Kailangan ng ating bansa ang ating mga
lakas at talino. Huwag na nating pamarisan ang
kasalukuyang namumuno sa ating bansa na nagtatalo-talo
habang napapabayaan ang maraming bagay na patungo sa
mas maunlad na bansa. Kailangan natin ang pagkilos at
pakikibalikat sa mga taong naghahangad na mapaunlad
ang ating bansa. Lalo nating mahalin ang ating
bayan, ang Paete at ang ating bansang Pilipinas. Ang
pagmamahal na ito ang mag-uudyok sa atin upang ang
ating adhikain ay magtagumpay.

Alyas Marikit
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Essay Contest All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group