PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

ALAY KAY AMA SA ARAW NG MGA AMA

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
EME-ENE
Guest





PostPosted: Wed Jun 13, 2012 12:42 am    Post subject: ALAY KAY AMA SA ARAW NG MGA AMA Reply with quote

SI AMA....RITO A. NAVARRO

TUNAY NA MAPALAD ANG BAYAN NG PAETE,
DITO ISINILANG,ITONG BAYANING TANGINGTANGI,
ANG BUAWAN NG MAYO ANG SIYANG NAPILI
LALAKING SANGGOL NI DADA ANGGI,DITO'Y NAMALAGI


BAYANI ANG TAWAG NAMING MGA ANAK,
PAGKAT ITONG SI AMA AY MAGINOO'T PAYAK
MASIPAG MAGSAKA ,MAPAGMAHAL SA ASAWA,
WALONG BUNSO'INARUGA,INALAGAA'T MINAHAL NIYA.

HINDI KO MALILIMOT SA TANANG BUHAY KO
SI AMA AY TAPAT,LANTAY,MAGMAHAL SA TAO
MAPAGPAKUMBABA,MATULUNGIN ITO,
SA MAGULANG,KAPATID,KAPITBAHAY SAAN MANG DAKO.

NANG AKO'Y BATA PA,SA UMAGA'Y NAGIGISING
ISANG BUNTONG UNAN,SA LIKOD KO'SAPINSAPIN,
SA HARANG NA TAYNGA KO.BULONG NA TAIMTIM,
"MAGIN-IN BUNSO KO .INIT AY SAGUNAHIN.

.BAGAMAN AT BAWAL SA AMIN ANG ALAK
MINSAN SI KANG INDO,BARKADA'Y NAGPILIT
UMUWI SIYANG LASING,SI INA AY NAGALIT,
SI AMA ANG NAGPUNAS,PATAWAD ANG KAPALIT.

SA TUWING DADATING ITONG TAKIPSILIM.
AMING HINIHINTAY ANG KANYANG PAGDATING,
MAMAMAHINGA MUNA,MATAPOS KUMAIN
STORYA NI JESUS,INANG BERHIN KAMI AY BUBUSUGIN.


SI AMA AY MATIPID LALO NA SA PAGKAIN
DAHON NG ABUKADO,PARANG KAPENG GAGAMITIN,
BAWA'T BUNSO'Y ALAALA, SA DUYAN AY KAPILING,
PAGSALUHAN KAHIT HAWOT,KAMOTE O KALUNGKALING.

BAGAMA'T DI PANAGINIP,NAKAARATING SA CANADA,
NEW YORK,OREGON AT ST PAUL MINNESOTA,
SA GOODELLS,MICHIGAN,PUMILING A NAGSAKA
SA MGA APO AT MANUGANG,KASIPAGAN ANG IPINAMANA.

SA KANYA KO NATUTUHAN NA ANG PAGMAMAHAL
SA LAHAT NG MGA ANAK,PALAGING PANTAY-PANTAY
KI DOCTOR,KITEACHER,KI PILAY O BUNGAL.
SA PUSO NI AMA WALO KAMING PANTAY-PANTAY.

GINTUNG PAMANA NIYANG DI KO LILIMUTIN
MAGING MAKADIOS,MAGDASAL SA BERHEN
PARA KO PANG NARIRINIG,KAHIT PA NASA DILIM,
LITANIYA'TROSARYO,INUUSAL NA TAIMTIM.

HAPPY FATHER'S DAY TO ALL , FRM US IN VANCOUVER B.C.
Back to top
Bulanggugo...
Guest





PostPosted: Fri Jun 15, 2012 7:17 am    Post subject: Tunay ang mga tinuran Reply with quote

Eme-Ene,

Alaala ni Ama sa aki'y sumariwa
At sa mga mata namuo ang luha
Mga Ama natin tunay na dakila
Sa mga buhay natin tunay na nagpala.

Nandiyan kami sa Vancouver-June 1-9
Dinalaw sana kita kung aking nalaman
Sa Vacouver Islands doon ang tinigilan
Ngunit tatlong araw sa Vancouver downtown.

Hindi ko akalain maginaw pa pala riyan
Pagbili ng "hoodie" ako'y napilitan
Doon sa BC Ferry mayroong kaguluhan
"Bomb threat" daw ayon sa kinauukulan.

Happy Fathers Day to all!
Back to top
ELIAS
Guest





PostPosted: Sat Jun 16, 2012 11:11 am    Post subject: Reply with quote

Sa lahat ng okasyon,ito ang halos 'di pansin.
Dahil kilala siya,matigas ang damdamin.
Kahinaan'y ayaw ipakita,upang pamilya'y tumatag pa.
Kilalang tagapagtanggol,kapag tahanan ay naapi na.

Ito ay mga Tatay,tagapagtanggol ng Pamilya.
Isang libo,siyam na raan at sampu,una silang kinilala.
Tagadisiplina ng mga anak,pero sa loob 'wag ka?
Gusto tayong "spoil-in",takot lang,baka lumaking sutil.

Sila ang tumatawa sa sandaling umiiyak na tayo.
Bakit kanyo nasabi ko,ang mga katagang ito.
Hindi bat't nang isilang ako,pamalahaw ang iyak ko.
Tumawa siya at sinabing,salamat po oh DIYOS ko.

Tama ka, ka Eme-Ene,bayani siya sa pamilya ko.
Bago tumilaok ang manok,heto na siya't nagtratrabaho.
Gabi'y ginagawang araw,magbakasyon ay isasantabi.
Matyak muna ang kinabukasan,ng mga anak na nagsisilaki.

Tulad ng isang Nanay,pahalagahan din natin sila.
Dahil sa pagtanda niya,lakas nya'y nauupos na.
Huwag na sanang hintayin,na sa bintana'y sisilipin siya.
At makita'ng kulubot sa noo,subalit nakapikit na.

= ELIAS
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group