PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

PAGPAPATIBAY NG KODIGO NG PAETE

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Apr 19, 2012 3:13 am    Post subject: PAGPAPATIBAY NG KODIGO NG PAETE Reply with quote

Sa mga kinauukulan:

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman na noon pong ika-07 ng Marso, 2012 ay nakatanggap ang Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna ng sulat buhat kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona na nagliliwat ng Kodigo ng Paete para sa agarang pagpapatibay ng nasabing kodigo.

Narito po ang sipi ng nasabing sulat:



Ang nasabi pong sulat ay binasa sa Karaniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan noong ika-12 ng Marso, 2012 at itinukoy ni Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan kay Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal na Tagapangulo ng Lupon sa Ordinansa at mga Usaping Legal.

Kaugnay po nito ay nagsagawa ng pagpupulong ang bumubuo ng Sangguniang Bayan (Committee of the Whole) noong ika-22 ng Marso, 2012 upang talakayin ang nasabing Kodigo ng Paete.

Narito po ang sipi ng Ulat ng Lupon para sa nasabing pagpupulong:

ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Marso 22, 2012, Huwebes, sa ganap na ika-9:08 ng umaga, nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Sangguniang Bayan (Committee of the Whole). Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Lourdes F. Sunga. Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Lourdes F. Sunga, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at LBP-Konsehal Hermie B. Bagongahasa.

Tinalakay ang ukol sa Kodigo ng pagiging isang responsableng magulang at mamamayan (Kodigo ng Paete).

Mga tinalakay at mungkahi:
- Napansin ng inyong lingkod dito sa Kodigo ng Paete ay may nadagdag na bagong ordinansa ukol sa paghuhubad at patakaran sa paggamit ng Plastic Spoon, Plastic Fork at Styrofoam gayundin sa multa at kaparusahan ay malaki ang pagbabago.

- Pahayag ni Konsehal Lourdes F. Sunga may gusto siyang linawin dahil ayon sa ating Kgg. Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona ay ila-launched itong Kodigo ng Paete sa April 3, 2012, para sa pagdiriwang ng Balik Paete, sa kanyang opinyon kapag ito ay nailunsad na ay ito na yun o go na, pero dapat ito ay magkaroon muna ng public hearing, kung maaari ay baguhin ang salitang launched, kung pwede ay gawing paglalahad o introduction

- Sang-ayon sa inyong lingkod at kina Konsehal Emerito B. Gajitos at Konsehal Eriberto D. Pascual, ito ay hindi kayang tapusin sa Balik Paete. Maaaring ito lamang ay ilalahad bilang draft, mayroong LCD Projector na doon ay nakalagay lamang ang titulo ng ordinansa. Nasa pag-aaral pa at pagpapatibay ito ng Sangguniang Bayan.

- Napagkasunduan na ang maging titulo ay panukalang resolusyong pagtibayin ang Kautusang Bayan Blg. ____ t. 2012 – kodigo ng isang mabuti at matuwid na pamamahala, maganda, mapayapa, malinis at maunlad na pamayanan, marangal, responsable at maka-diyos na mamamayan, may disiplina at mabuting kabataan at maayos na ugnayan ng pamahalaan at lahat ng sektor ng lipunan at iba pang may kaugnayan dito

- Ipinahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso kung payag sa pagpapatawag ng pampublikong pagdinig ay unahin na ang nadagdag na bagong ordinansa ukol sa paghuhubad at patakaran sa paggamit ng Plastic Spoon, Plastic Fork at Styrofoam. At kung maaari ay gumawa ng ruling na hindi tayo ang magpalitan ng opinyon sa public hearing, bagkus ay itatala lamang ng Kalihim ang lahat na opinyon at mungkahi mula sa ating mga kasangguni at ito ay pagtalakayan o rebate sa close door meeting ng Comm. of the Whole.

- Hiniling ni Konsehal Ronaldo Z. Valdellon sa Tagapangulo ng lupon na magkaroon ng kopya ang bumubuo ng Sangguniang Bayan ng napagpulungan.

- May kasalukuyang mga ordinansang ipinatutupad ngayon, sakaling ito ay matapos na sa pag-aaral, deliberasyon at pagpapatawag ng public hearing, kapag ang Kodigo ng Paete ay mapagtibay na ng Sangguniang Bayan ay ito na ang ipapatupad na ordinansa.

- Napagkasunduan sa pagpapatawag ng public hearing kung sino ang may-akda ng ordinansa ay siyang lalagda sa sulat kasama ang inyong lingkod at obligadong dumalo ang lahat na bumubuo ng Sangguniang Bayan.

- Napagkasunduan na itukoy na sa may-akda at tagapangulo ng lupon ang bawat seksyon at gumawa ng draft time table para sa public hearing.

- April 10, 2012, Martes, pagkatapos ng karaniwang pulong ng Sangguniang Bayan ang susunod na pulong
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ITINUKOY SA MAY AKDA ANG BAWAT SEKSYON:

IKA-DALAWANG TITULO – PAGPAPATALA NG LAHAT NG BATA NA ISINILANG SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA

SEKSYON 4. Pagpapatala ng Isinilang na Bata

SEKSYON 5. Mga Nahuling Pagpapatala

SEKSYON 6. Katungkulan ng mga Punong Barangay

SEKSYON 7. Katungkulan ng Local Civil Registrar

(Seksyon 4-7 - Konsehal Lourdes F. Sunga)

IKA-TATLONG TITULO – PAGPAPAARAL NG BATA

SEKSYON 8. Katungkulan ng mga Magulang, Tagapangalaga o Sinumang May Kustodiya ng Bata na nasa Edad ng Pag-aaral
(Konsehal Eriberto D. Pascual)

SEKSYON 9. Katungkulan ng Tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development
(Konsehal Aurelio P. Paraiso)

SEKSYON 10. Katungkulan ng Local School Board
(Konsehal Eriberto D. Pascual)

IKA-APAT NA TITULO – PAGPAPATAAS NG ANTAS NG MORALIDAD SA PAMAYANAN

SEKSYON 11. Layunin

SEKSYON 12. Pagtatalaga at Pagtatatag ng Moral Development Council

SEKSYON 13. Katungkulan at Gawain ng Moral Development Council

SEKSYON 14. Pamunuan at Kasapi ng Moral Development Council

SEKSYON 15. Paglalaan ng Pondo

(Seksyon 11-15 - Konsehal Brigido R. Bagayana, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Ronaldo Z. Valdellon)

IKA-LIMANG TITULO – MGA KAUTUSANG BAYAN NA BINIBIGYANG-DIING MAIPATUPAD NG LAHAT NG BINIGYAN NG KAPANGYARIHANG MAGPATUPAD NG BATAS

KABANATA I. – Kautusang Bayan Ukol sa Disiplina Sa Pamilya at Lipunan

SEKSYON 16. Curfew (Konsehal Aurelio P. Paraiso)

SEKSYON 17. Iligal na sugal (Konsehal Brigido R. Bagayana at Konsehal Aurelio P. Paraiso)

SEKSYON 18. Ordinansa sa Pagbebenta ng Alak at Sigarilyo (Konsehal Lourdes F. Sunga)

SEKSYON 19. Pagbabawal sa paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na Lugar

SEKSYON 20. Vandalism (Konsehal Aurelio P. Paraiso)

SEKSYON 21. Stray Dogs o mga galang aso (Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan)

SEKSYON 22. Internet Café (Konsehal Aurelio P. Paraiso)

SEKSYON 23. Padaluyang Tubig
(Konsehal Ronaldo Z. Valdellon)

SEKSYON 24. Sump Tank (Konsehal Brigido R. Bagayana)

KABANATA II. – Kautusang Bayan Ukol sa Kaayusan at Katahimikan

SEKSYON 25. Parking (Konsehal Aurelio P. Paraiso)

SEKSYON 26. Pagtitinda ng Pagkain
(Konsehal Aurelio P. Paraiso)

SEKSYON 27. Patakaran sa paggamit ng tricycles, motor-cycle, scooters, bisikleta, pedicabs at iba pang kauring sasakyan
(Konsehal Lourdes F. Sunga)

SEKSYON 28. Patakaran sa mga Junk Shop Owners at pangangalakal ng mga menor de edad
(Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Brigido R. Bagayana)

SEKSYON 29. Alituntunin sa paggamit ng Aerator (Konsehal Aurelio P. Paraiso)

SEKSYON 30. Alituntunin sa mga Beerhouse/Videoke Bar at Iba Pang Bahay Inuman
(Konsehal Lourdes F. Sunga)

KABANATA III. – Kautusang Bayan Ukol sa Kapaligiran at Kalinisan

SEKSYON 31. Pagbabawal sa pagputol ng anumang uri ng kahoy, kawayan at puno ng niyog at pagtatakda ng alituntunin ukol dito (Konsehal Aurelio P. Paraiso)

SEKSYON 32. Basura (LBP-Konsehal Hermie B. Bagongahasa)

SEKSYON 33. Patakaran sa Paggamit ng Plastic, Plastic Spoon, Plastic Fork at Styrofoam
(Konsehal Emerito B. Gajitos at Konsehal Ronaldo Z. Valdellon)

SEKSYON 34. Danger Zone
(Konsehal Emerito B. Gajitos at Konsehal Ronaldo Z. Valdellon)

SEKSYON 35. Fish Sanctuary at Illegal Fishing
(Konsehal Ronaldo Z. Valdellon)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
GUMAWA NG DRAFT NA TIME TABLE:

KODIGO NG PAETE (CODE OF RESPONSIBLE PARENTHOOD – PAETE)

TALATAKDAAN NG PAMPUBLIKONG PAGDINIG

ORDINANSA/
ALITUNTUNIN MAY-AKDA PETSA NG PAM. PAGDINIG

MGA TAONG IIMBITAHIN TAGAPANGULO KOMENTO/PUNA

Nang wala ng dapat talakayin pa ay iminungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso at pinangalawahan ni Konsehal Lourdes F. Sunga na itindig na ang pagpupulong ng Committee of the Whole ganap na ika-10:05 ng umaga sa pamamagitan ng panalangin ni LBP-Konsehal Hermie B. Bagongahasa.


Inihanda ni:

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


Noong ika-18 ng Abril, 2012 ay muling nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan (Committee of the Whole).

Narito po ang sipi ng Ulat ng Lupon para sa nasabing pagpupulong:


ULAT NG LUPON
Ni Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Abril 18, 2012, Miyerkules, sa ganap na ika-9:05 ng umaga, nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Sangguniang Bayan (Committee of the Whole). Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Urbano R. Cadapan. Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Lourdes F. Sunga, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Emerito B. Gajitos at Konsehal Ronaldo Z. Valdellon.

Tinalakay ang ukol sa:

Panukalang resolusyong pagtibayin ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayananan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na mamamayan; may Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at Lahat ng Sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito.


Mga tinalakay at mungkahi:
- Napansin ng inyong lingkod dito sa Kodigo ng Paete ay may nadagdag na bagong ordinansa ukol sa paghuhubad at patakaran sa paggamit ng Plastic Spoon, Plastic Fork at Styrofoam gayundin sa multa at kaparusahan ay malaki ang pagbabago.

- Pahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso sa nakaraang pulong ay iminungkahi ko na gumawa ng draft time table para sa public hearing at kung maaari ay gumawa ng ruling. Lahat ng input ay itatala at kukunin. Kung may katanungan ay sasagutin ng Tagapangulo at karagdagang kasagutan na lang ng sponsor. Dapat ay hindi tayo ang magpalitan ng opinyon sa public hearing, bagkus ay itatala lamang ng Kalihim ang lahat na opinyon at mungkahi mula sa ating mga kasangguni at ito ay pagtalakayan o rebate sa close door meeting ng Comm. of the Whole.

- May kasalukuyang mga ordinansang ipinatutupad ngayon, sakaling ito ay matapos na sa pag-aaral, deliberasyon at pagpapatawag ng public hearing, kapag ang Kodigo ng Paete ay mapagtibay na ng Sangguniang Bayan ay ito na ang ipapatupad na ordinansa.

- Pahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos okey na ang pinag-uusapan natin. Tingnan natin sa unang public hearing kung ano ang magiging talakayan at ia-adjust na lang natin sa susunod. Trial & error muna tayo. Kung maaari ay huwag sagutin ng Tagapangulo at sponsor ng ordinansa hangga’t hindi kinikilala.

- Pahayag ni Konsehal Lourdes F. Sunga susog sa mga mungkahi at pahayag, kung maaari ay maglagay ng suggested guidelines.

- Pahayag ni Konsehal Ronaldo Z. Valdellon 80% - 90% hindi nakakadalo ang bumubuo ng Sangguniang Barangay 1-9. Sa mga ginaganap na public hearing kalimitan yung iba ay nagtatanong lamang kapag nandito sa hall at ang iba ay tahimik lamang. Hindi nila ipinapaalam sa kanilang nasasakupang barangay. Hiniling na magsagawa ng bandilyo.

- Pahayag ni Konsehal Eriberto D. Pascual lahat ng ipinahayag ay tama, nasa Tagapangulo ang kapangyarihan sa public hearing.

- Pahayag ni Konsehal Urbano R. Cadapan okey po ang lahat na narinig natin. Pinauubaya ko po sa ating Tagapangulo ang ukol dito at ako po ay nakaantabay lamang.

- Napagkasunduan na gamitin sa public hearing ang projector para sa presentation ng Kodigo ng Paete.

Nang wala ng dapat talakayin pa ay itindig ang pagpupulong ng Committee of the Whole sa ganap na ika-9:40 ng umaga sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Lourdes F. Sunga.


Inihanda ni:

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal

Noong ika-10 ng Abril, 2012, Karaniwang Pagpupulong ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna ay nakatala sa Unang Pagbasa ang:

PR2012-036 Panukalang Resolusyong pagtibayin ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayananan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na mamamayan; may Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at Lahat ng Sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito.
Ni: Konsehal Brigido R. Bagayana


Ang nasabing Panukala ay iniliwat sa Ikalawang Pagbasa ni Kgg. Brigido R. Bagayana, ama ng mungkahi ng nasabing panukala noong ika-10 ng Abril, 2012.


Noong ika-19 ng Abril, 2012 ay nagsagawa ng "Public Hearing" upang talakayin ang nasabing Panukala.

Narito po ang sipi ng imbitasyon para sa nasabing "Public Hearing":



Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Laguna
Bayan ng Paete

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN

Abril 16, 2012

PARA SA: Bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan, mga Kgg. na Kapitan ng Barangay (B1-9), mga Kgg. na Kagawad ng Sangguniang Barangay (B1-9), mga Pamunuan (Officers) ng lahat na samahan ng mga magti-trisikulo at Bumubuo ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board (MTFRB).

PAKSA: 1. Panukalang resolusyong pagtibayin ang Susog sa Alituntunin Blg. I, Pangkat I ng Res. Blg. 131 T. 99, Kautusang Bayan Blg. 128 T. 99, -“Kautusang Bayan na nagtatadhana ng bilang ng pampasaherong trisikulo na maaaring mamasada sa bayan ng Paete, Laguna at bilang ng mga pasahero at mga alituntunin sa mga mamamasada at drayber o operator at Susog sa Pangkat 12 ng Kautusang Bayan Blg. 33 T. 94 at mga karagdagang pangkatin na nagtatakda ng mga alituntunin sa paggawad ng linya ng Prangkesa.

2. Panukalang resolusyong pagtibayin ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayananan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na mamamayan; may Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at Lahat ng Sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito

Mga Kgg., Ginoo at Gng.,

Magandang araw po !

Magalang po kayong inaanyayahan sa isasagawang pampublikong pagdinig (Public Hearing) na nauukol sa paksaing nasasaad sa itaas nito, na gaganapin sa ika-19 ng Abril, 2012, araw ng Huwebes, sa ganap na ika-9:00 ng umaga sa Victor Pagalanan Memorial Hall, Batasang Bayan, Gusaling ADECI, Paete, Laguna, upang talakayin ang nasabing paksain.

Ang inyong pagdalo ay lubos na inaasahan at pinasasalamatan.

Lubos na gumagalang,

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad

May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Tagapangulo
Lupon sa Pangangalaga sa Kapaligiran

May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Tagapangulo
Lupon sa Mabuting Pamamahala

May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Tagapangulo
Lupon sa Katahimikan, Kaayusan at Pangmadlang Kaligtasan


Binigyang Pansin:

May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan

Binigyan ng Sipi:
- Tanggapan ng Punong-Bayan

Narito po ang ilan sa mga larawang kinunan sa nasabing Public Hearing:



















Para po sa inyong kabatiran.
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Mon Jun 04, 2012 11:00 pm    Post subject: ULAT NG LUPON-MGA PUBLIC HEARING NA ISINAGAWA Reply with quote

ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Abril 19, 2012, Huwebes, sa ganap na ika-9:33 ng umaga ay nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Sangguniang Bayan at mga inanyayahang panauhin. Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Lourdes F. Sunga, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, G. Arcangel C. Tolentino-MPDC/Chairman MTFRB, Kgg. Juliet P. Bayra-Kgd. Brgy. 4, G. Dionisio Abigan-PTODA, Kgg. Flor A. Bucayu-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Cesario P. Bagalso-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Pedro Juarez-Kgd. Brgy. 9, Kgg. Myrna L. Garcia- Kgd. Brgy. 9, Kgg. Francisca M. Afuang-Kgd. Brgy. 9, Kgg. Junjun M. Eduvije-Kgd. Brgy. 9, G. Teodoro Caday-PTODA, G. Luis delos Santos-Neutral, G. Rolando N. Caiyod-DFPTA, G. Lito Dimasaka-PBTODA, Kgg. Milagros B. Baisas-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Cristina R. Avila-Kgd. Brgy. 8, Kgg. Vivian C. Belmonte-Kgd. Brgy. 8, Kgg. Thelma Cadawas-Kgd. Brgy. 8, G. Federico Caceres, Kgg. Fedrico Pascasio-Kapt. B2, Kgg. Victoria B. Valdellon-Kgd. Brgy. 9, Kgg. Joseph Aquino-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Marylou L. Madridejos-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Ana B. Adao-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Benidicto T. Reyes-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Fernando Dalhag-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Ungkoy B. Sadsad-Kgd. Brgy. 2, G. Vigie Cagayan, Kgg. Mario E. Aseoche-Kapt. Brgy. 8, Kgg. Rogelio C. Caguin-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Lakambini P. Pagalanan-Kgd. Brgy. 3, Kgg. Edilberto Pagalanan, Jr.-Kapt. Brgy. 3, Kgg. Marissa B. Fadul-Kgd. Brgy. 3, Kgg. Aniceta A. Maderal-Kgd. Brgy. 8, Kgg. Jocelyn Ang-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Reynaldo R. Cainto-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Dolores B. Baldemor-Kgd. Brgy. 2, Kgg. Gloria F. Dequito-Kgd. Brgy. 2, Kgg. Rodelia Dagsindal-Kgd. Brgy. 4, Kgg. Romeo Dacsil Sr.-Kgd. Brgy. 6, Kgg. Juanita P. Acu-Kgd. Brgy. 8, Kgg. Gloria R. Madriguerra-Kgd. Brgy. 7, Kgg. Raquel P. Balandra-Kgd. Brgy. 8 at G. Mario Española-Brgy. 4.

Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Lourdes F. Sunga.

Tinalakay ang ukol sa sumusunod:

2. Panukalang resolusyong pagtibayin ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayananan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na mamamayan; may Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at Lahat ng Sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito.

2. Panukalang resolusyong pagtibayin ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayananan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na mamamayan; may Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at Lahat ng Sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – hindi lingid sa mga bumubuo ng Sangguniang Barangay at lalot higit sa mga Kapitan ito ay paulit-ulit ng binabanggit ng ating Punong-Bayan sa mga pagpupulong. Ngayon ay nakabuo na ang Tanggapan ng Punong-Bayan at isinumite na sa Sangguniang Bayan. Ewan ko lang kung nabigyan na ang mga Kapitan ng sipi na gaya nito. Hindi namin kayo mabiyan dahil nag-request din lang kami sa Tanggapan ng Punong-Bayan kapag bibigyan namin ang lahat ng dadalo ay hindi namin kakayanin dahil ito ay 20 ordinansa na isinama dito sa isang Kodigo ng responsableng mamamayan. Ito ay iniliwat ng Kgg. Punong-Bayan sa Sangguniang Bayan para makapagdaos ng public hearing. Inuna na ang Sangguniang Barangay dahil sila ang una sa hanay na nagpapatupad sa bayan. Nilahat na ang Sangguniang Barangay dahil minsan sa dami na ng ginagawa ng Kapitan ay hindi na sila nakakadalo. Kaya nilahat na ay para wala na silang masabi na hindi nila alam at tulung-tulong na maipaabot sa ating mga mamamayan. Ipinapaalaala kung kayo ay may nais magsalita ay kayo ay kikilalanin pero bago yun ay nais ko lang basahin ang mga titulo ng ordinansa na nakapaloob dito sa responsableng mamamayan. Itong kodigong ito mula sa pagsilang ng bata dito sa ating bayan ay nakalagay dito na kailangan ang pagpapatala. Hindi ko na lang babasahin isa-isa ito dahil talagang napakahaba nito 79 pages. Sa pagpapaaral ng mga anak katungkulan ng mga magulang nakalagay dito na talagang kailangang pag-aralin ang kanilang mga anak. Iisa-isahin ko lang ang title nito para kung mayroong kayong paglilinaw mamaya ay binibigyan natin ng pagkakataon.

Hangga’t hindi napagtitibay ang kodigong ito ay yun pa ring dating ordinansa ay yun ang mananatili muna at hindi naman ibig sabihin na ito ay mapagtibay ay ito ang paiiralin sa bayan ng Paete, yung mga hindi nakalagay dito na ordinansa yun ay iiral pa rin at kinakailangang ipatupad

KABANATA I. Kautusang Bayan Ukol sa Disiplina Sa Pamilya at Lipunan
Una ay SEKSYON 16. Curfew – alam naman natin ito ay lumang ordinansa at ito ay natutukoy sa mga kabataan na menor de edad, kung kayo ay may katanungan at paglilinaw mamaya.
Ikalawa ay SEKSYON 17. Iligal na sugal – ito ay luma na ring ordinansa, na bawal ang lahat ng uri ng sugal dito sa ating bayan. Gagamba, pagkakara. Pati ang basketball na may pustahan ito ay bawal na sugal rin.

SEKSYON 18. Ordinansa sa Pagbebenta ng Alak at Sigarilyo – ito ay luma na ring ordinansa, dito nakasaad ang regulasyon sa pagbebenta ng alak at sigarilyo lalo’t higit sa mga menor de edad.

SEKSYON 19. Pagbabawal sa paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na Lugar – ito ang nadagdag. Mayroong 2 ordinansa dito na idinagdag at ito ay masusing pinag-aralan ng Punong-Bayan at ng lupon ng Responsible Parenthood. Sa batas na ito ay nakasaad na hindi na pwedeng lumabas ng kalsada at sa mga hayag na lugar na nakahubad ito ay mayroon na rin sa Marikina, kaya ito ay inilagay dahil ang ating bayan ay Carving Capital of the Philippines kaya dapat ay disiplinado. Walang edad ito kahit bata ay bawal din, pero ang bibigyan ng parusa ay magulang. Hindi pa man ito napagtitibay ay ipaabot na ninyo sa inyong kabarangay.

SEKSYON 20. Vandalism – alam naman natin na matagal na itong batas. Ang pagsusulat sa mga establisimyento at pagdudumi.

SEKSYON 21. Stray Dogs o mga galang aso – ito ay matagal na ring ordinansa, ito ay napakahigpit, kung ang aso ay nakakagat ang may-ari ang bahalang magpa-gamot at sa mga iba pang gastusin lahat-lahat, maliban kung sa inyong tahanan ay may naka-paskel na mag-ingat sa aso at may nakagat ay ligtas ang may-ari. Kaya nga ang sabi ng Punong-Bayan ay hindi na magbibigay ng tulong sa mga lumalapit sa nakagat ng aso ang may katungkulan ay may-ari ng aso.

SEKSYON 22. Internet Café – ito ay matagal na sa mga computer na nagpapaupa lalo’t higit sa may pasok sa Elementary at High School at kailangang magpaskel ng curfew hours hanggang 10:00 ng gabi.

SEKSYON 23. Padaluyang Tubig – ito ay matagal na ring ordinansa simula noong magkaroon ng metro.

SEKSYON 24. Sump Tank - nakalagay dito ang patakaran sa pagpapakabit ng tubig pati na rin sump tank at motor pump.

KABANATA II. – Kautusang Bayan Ukol sa Kaayusan at Katahimikan

SEKSYON 25. Parking – o batas trapiko nakasaad ang lahat ng uri ng sasakyan, tricycle, jeep, mga private na vehicle at kung saan pwedeng magparada at hanggang anong oras lang at color coding.

SEKSYON 26. Pagtitinda ng Pagkain – paglalako, mga alintuntunin kung paano makapagtitinda, narito rin sa ordinansa.

SEKSYON 27. Patakaran sa paggamit ng tricycles, motorcycle, scooters, bisikleta, pedicabs at iba pang kauring sasakyan – ito ay matagal na ring batas at paalala baka may bisikleta kayo at pedicab ay kailangang ikuha ninyo ng pahintulot.

SEKSYON 28. Patakaran sa mga Junk Shop Owners at pangangalakal ng mga menor de edad – ito ay batas na rin sa mga Junk Shop ay kinakailangan ang ibinebenta ng bata ay kailangang may kasulatan ng nakatatanda o may-ari na pinahihintulutang magbenta. Sa mga menor de edad na bawal mangalakal.

SEKSYON 29. Alituntunin sa paggamit ng Aerator – ito ay sa mga nagtitinda ng isda sa palengke para mabawasan ang paggamit ng tubig at hind maging malakas ang paggamit ng tubig.

SEKSYON 30. Alituntunin sa mga Beerhouse/Videoke Bar at Iba Pang Bahay Inuman – matagal na rin itong ordinansa na hanggang 11:00 lang ang pinaka-matagal na pag-operate ng videoke sa mga beerhouse. Pero kinakailangang may Security Guard, may mga patanto na bawal ang menor de edad o bawal magdala ng punyal.

KABANATA III. – Kautusang Bayan Ukol sa Kapaligiran at Kalinisan

SEKSYON 31. Pagbabawal sa pagputol ng anumang uri ng kahoy, kawayan at puno ng niyog at pagtatakda ng alituntunin ukol dito – ito ay matagal na ring ordinansa, hindi basta-basta pwedeng magputol ng punong kahoy, kawayan at puno ng niyog na walang pahintulot ang Pamahalaang Bayan.

SEKSYON 32. Basura – patakaran sa mga barangay sa pag-pick-up ng mga basura, pagbubukod-bukod at paghiwa-hiwalay.

SEKSYON 33. Patakaran sa Paggamit ng Plastic, Plastic Spoon, Plastic Fork at Styrofoam – alam natin na may batas na sa plastic, pero idinagdag sa kodigong ito na ipagbabawal na rin ang paggamit ng Plastic Spoon, Plastic Fork at Styrofoam.

SEKSYON 34. Danger Zone – batas pambansa na rin at mga slope area sa kabundukan, sa tabi ng highway at sa lupang kanduli kaya ibinaba ng Punong Bayan sa mga Punong-Barangay at ibababa naman ng mga Punong-Barangay sa mga Kagawad na pumapasok sa kanilang mga Komitiba.

SEKSYON 35. Fish Sanctuary at Illegal Fishing – ito ay matagal na ring batas at bawal ang Illegal Fishing pati ang panghuhuli sa ilog na nilalagyan ng isda.
Ito ay 21, at nakasaad din dito na katungkulan ng magulang na ipatala ang mga bata at pag-aralin.
Pahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso – gumawa ang ating Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona ng isang Executive Order na kung saan ay gumawa ng komite na bumalangkas ng isang kodigo ng pagiging isang responsableng magulang at mamamayan na tatawaging Kodigo ng Paete. Ito ay binalangkas ng ating Kgg. Punong-Bayan, Judge Morga at ng ilang kasapi ng bumubuo ng Sangguniang Bayan. Ito ay pinagtibay ng konseho ng Council for Responsible Parenthood noong Feb. 16 taong kasalukuyan. Matapos na mapagtibay ng konseho ng Responsible Parenthood na binubuo din ng mga Kapitan at ng ilang piling mga Moral Recovery at sa Sangguniang Bayan ito ay pinagtibay noong Feb. 16 at ito ay isinumite at inilipat sa Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral namin at pagpapatibay. Binanggit ko kanina bago ito pagtibayin ay masusi naming pag-aaralan dahil bukod sa umiiral na batas na ang nandito ay nadagdagan ito pati sa multa at kaparusahan. Bago ito mapagtibay ay kailangan ang masusing pag-aaral at kaya nga kayo ay naririto ay upang talakayin at pag-usapan. Ngayon kung wala kayong kopya dahil 79 pages ito ay hindi talaga kaya ng 1 araw. Ang suggestion ko nga ay ipapakita sa projector ang mga nilalaman at ang nadagdag. Kung mayroon kayong suggestion, komento, reaksyon, opinion, puna at paglilinaw na may kaugnayan dito sa ating pinagtatalakayan ay pakisulat at pakisumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa masusing pag-aaral at sasagutin ng Tagapangulo at ng isa sa amin na may kinalaman sa katanungan at ng bumubuo ng Committee of the Whole. Hindi tayo matatapos ng 1 araw lamang, marami pa kaming ipapatawag na ilang sektor dito sa ating bayan. Katulad sa 2 simbahan, mga paaralan, mga NGO’s at ng bumubuo ng Sangguniang Bayan at ng mga magta-tricycle.
Pahayag ng inyong lingkod - wala pong nakadalo sa Barangay 1 at Barangay 5 pero may received copy sila sa Barangay 1 ay Treasurer, sa Barangay 5 ay by Arsenia Salceda. Ang insentibo ay nasa pagpapatupad nito. Hihilingin natin sa ABC President na mag-request sa Tanggapan ng Punong-Bayan na mabigyan ang bawat barangay nito para mapagtalakayan sa pagpupulong. Dahil nakalagay sa pagpapalaganap nito ay sa mga hayag na lugar sa mga barangay. Sa mga nadagdag sa Patakaran sa Paggamit ng Plastic, Plastic Spoon, Plastic Fork at Styrofoam at sa paghuhubad.
Pahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso – itong kodigo bagamat napagtibay na ng konseho ng Responsible Parenthood kung mayroon kayong komento at reaksyon ay pakisumite sa amin dahil pwede pang baguhin ang kodigo bago pagtibayin. Yun ang napag-usapan ng kapulungan ng bumubuo ng miyembro ng Sangguniang Bayan. Kung mayroon kayong komento o suggestion pa batay doon sa binalangkas na kodigo ng Responsible Parenthood ito ay subject pa rin sa pagbabago batay sa mga public hearing. Hindi yung nandiyan yun, nakasulat ay hindi mababago at pagtitibayin, pwede pa nating baguhin yan batay sa mga mapagkakasunduan sa mga pagpupulong na isasagawa sa public hearing.
Pahayag ng inyong lingkod – salamat ating tingnan kung ano ang nilalaman nito.
Pahayag ni Kagawad Emmanuel B. Sadsad – mahirap po pagganyan, dapat po ay may kopya kami para mapag-aralan namin.
Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – hindi lang namin napa-xerox dahil marami ang nakapaloob dito at hindi kayang tapusin ng maghapon. Kaya hihilingin natin sa Tanggapan ng Punong-Bayan na mabigyan ng kopya nito.
Matagal na rin itong binabanggit ng ating Punong-Bayan lalo’t-higit sa mga Kapitan, ang inaasahan ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan at ng Punong-Bayan ay mairelata ng mga Kapitan sa Sangguniang Barangay pero mukhang hindi naire-relay ng mga Kapitan. Yun ang ating hihilingin sa ating Punong-Bayan na mabigyan ng kopya ang Sangguniang Barangay para sa masusing pag-aaral. Kaya kayo ay pinatawag ay para makita ang mga suhestyon at reaksyon.
Hindi pa ito napagtitibay pero ang nakapaloob na ordinansa dito ay umiiral pa rin ang dati. Ang nakita ko na 1 na inilagay dito ay yung mga multa. Ang pinakamababa ay 500.00 at 1,500.00 sa unang paglabag depende sa ordinansa.
Itinanong ni Kapitan Edilberto Pagalanan, Jr.- pwede bang ilathala kung sino ang miyembro ng lupon? Baka hindi alam ng mga narito kung sino-sino ang miyembro ng lupon para alam ng bawat nandito kung sino ang miyembro?
Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana– ito ay sang-ayon sa Kautusang Tagapagpaganap ng Punong-Bayan Blg. 67 t. 2010 na ang kasapi ay ang mga sumusunod:
a. Tagapangulo – Punong-Bayan
b. Kalihim – Pinuno ng Tanggapan ng MSWD
c. Mga Kasapi – Municipal Civil Registrar Officer
Municipal Health Officer
Representative from the DOH
Sanggunian Chairman on Good Governance
Chief of Police
Association of Barangay Council President
District Supervisor of DEPED
Four (4) Guidance Councilors of Public School
Two (2) Representatives from Private School,
Three (3) Representatives from NGO’s
Representative form Iglesia Filipina Independiente Church (Aglipayan)
Representative from Roman Catholic Church
Representative from Association of Evangelical Churches of Paete
Chairman Senior Citizen’s Affair
Sangguniang Kabataan President
PTA Federation President

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – laging sinasabi ng ating Punong-Bayan na ang bawat barangay at paaralan ay magtatag ng Moral Recovery Council. Hindi lang ang Pamahalaang Bayan nandoon si Kapitan Federico Pascasio ng banggitin. Alam naman natin na ang lahat ng ordinansa ay ibinababa ng ating Punong-Bayan sa Sangguniang Barangay. Ang isang mabigat dito ang lahat ng magpapatupad ang magre-reklamo ay ang bumubuo ng Responsible Parenthood. Halimbawa ang Punong-Barangay ay hindi tumupad. Ang mga Kapitan halimbawa ay ibinaba sa Kagawad at kung hindi tumupad ay ibababa sa Bantay Bayan at kung hindi nila magampanan ay pwede silang ireklamo ng Responsible Parenthood Committee.

Pahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos - karagdagan lang ang bumalangkas ay hindi ang lupon. Ang lupon ang nagpatibay. Ang bumalangkas niyan ay ang ating Punong-Bayan, ilang mga Konsehal at si Judge Morga. Ngayon saan galing ang mga binalangkas? May mga batas na umiiral pa sa ating bayan 100 mahigit yun. Kinompres lamang para madaling maintindihan. May mga bagong batas diyan na hindi pa pinaiiral dito sa ating bayan at ito ang dapat munang pagtuunan ng pansin. Sa praktikal ay dapat na mabigyan ng kopya lamang ng bagong ordinansa na nakalagay dito.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – mahirap ang 2 nadagdag na batas dito. Yung SEKSYON 33. Patakaran sa Paggamit ng Plastic, Plastic Spoon, Plastic Fork at Styrofoam – dito ay itinatakda ang mga regulasyon sa paggamit ng mga plastic bags, plastic cellophane, plastic cups, plastic spoon, plastic fork at lahat ng uri ng Styrofoam.

ALITUNTUNIN I – MGA SAKLAW
PANGKAT 1. Ang lahat ng tao na nagtitinda at nagmamay-ari ng mga establisimento tulad ng supermarkets, bakeries, palengke, groceries, tindahan, mga naglalako (ambulant vendors), tahian, handicraft stores, pansiteriya, kainan, catering services, at iba pang kauri ng mga ito, at lahat ng mamimili ay sakop ng kautusang ito. Ang mga tao o establisimento na gumagamit ng Styrofoam para sa handicraft ay hindi sakop nito.

ALITUNTUNIN II – PATAKARANG NAUUKOL SA PAGGAMIT NG PLASTIC AT STYROFOAM
PANGKAT 2. Ang lahat ng tao o establisimento na nakasaad sa Pangkat 1 at ang lahat ng mamimili ay pinagbabawalan na gumamit ng plastic bags, plastic cellophane, plastic cups, plastic spoon, plastic fork at lahat ng uri ng Styrofoam bilang lalagyan ng kanilang mga produktong ipinagbili o binili. Hindi sakop ng kautusang ito ang mga plastic na gamit sa paggawa ng yelo, ice candy, original packaging material ng bakery products, noodles, at iba pang mga produkto na nakalagay sa original plastic packaging material na mula sa manufacturer, at Styrofoam na ginagamit sa handicraft.
PANGKAT 3. Ang lahat ng establisimento na nakasaad sa Pangkat 1 ay kinakailangang maglagay ng patantong nakasulat sa mga lugar na kanilang nasasakupan na madaling mabasa ng mga mamimili na nakasaad na pinagbabawal ang paggamit ng lahat ng uri ng mga plastic na nabanggit sa itaas nito.

ALITUNTUNIN III – MULTA AT KAPARUSAHAN

PANGKAT 4. Ang sinumang tao na lumabag ay papatawan ng mga kaparusahang tulad ng sumusunod:

UNANG PAGLABAG – Multang halagang Limang Daang Piso (Php500.00)

PANGALAWANG PAGLABAG – Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00)

PANGATLONG PAGLABAG – Multang halagang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php2,500.00) at/o pitong (7) araw na pagkakakulong. At maaari ding bawiin ng Punong Bayan ang pahintulot sa pagnenegosyo (Mayor’s Permit) o ipasara ang nasabing establisimento na lumabag sa kautusang nabanggit sa itaas.

SEKSYON 19. Pagbabawal sa paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na Lugar – mahigpit na ipinagbabawal sa mga mamamayan ang paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na lugar.

ALITUNTUNIN I – MGA KAHULUGAN
PANGKAT 1. Ang paghuhubad na isinasaad sa kautusang ito ay ang hindi pagsusuot ng damit pang-itaas at/o pang-ibaba.
PANGKAT 2. Ang hayag na lugar ay ang mga sumusunod:
a. Liwasang Bayan
b. Lansangan
c. Simbahan
d. Pook Paaralan
e. Pamilihang Bayan
f. Mga Establisyementong Pampubliko at Pribado maliban sa mga Resort
g. Mga Parke

ALITUNTUNIN II – MGA KAPARUSAHAN
PANGKAT 3. Ang sinumang lumabag sa Kautusang ito ay paparusahan ng multang Limang Daang Piso (Php 500.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php1,500.00) o/at pagkabilanggo ng mula sampung (10) araw hanggang isang (1) buwan o parehong kaparusahan ayon sa itatakda ng hukuman.
Pahayag ni Kapitan Edilberto Pagalanan, Jr.- sa makatuwid ay yung 2 ordinansa ang bago?

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – yun ang binibigyan ng masusing diin. Pero sa iba pang mga binanggit na nakasaad dito ay pwede rin kayong maglinaw, mayroong kaunting binago at sa penalty ay nilakihan na.

Hiniling ni Kagawad Raquel P. Balandra – dapat kami po ay magkaroon ng kopya ng 2 nakapaloob na bagong ordinansa.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana– tulad ng sinabi ko kanina hindi kayang i-produce ito ng Sangguniang Bayan. Kami nga rin ay humiling sa Punong-Bayan na mabigyan ng sipi nito. Kaya ating hihilingin sa ABC President na makahiling ang mga Sangguniang Barangay sa Tanggapan ng Punong-Bayan. Tulad ng sinabi ko yung mga naritong batas ay hindi pa ito ang ipapatupad pero ang mga titulo na narito na naunang batas ay mananatiling may bisa pa rin hangga’t hindi napagtitibay ang kodigong ito. Ang lahat na pinagtibay na ordinansa ng Sangguniang Bayan ay binibigyan ang Sangguniang Barangay ng kopya sana ay naka-file sa ating barangay at kung hindi po naka-file ay humingi ng mga lumang ordinansa sa Sangguniang Bayan.

Pahayag ni Kagawad Raquel P. Balandra – kaya kailangang namin ng bagong ordinansa ay para mapag-aralan din namin at sa amin din iaatang yan.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana– yun nga po ito ay ibinababa ng Punong-Bayan sa mga barangay. Pero ang ordinansang dati na ay sinisigurado ko na nabigyan kayo ng kopya ng lahat ng barangay. Sana ay makita ninyo ang inyong file. Ito ay unang public hearing. Ang kinababahala ko nga ay ipapatawag ang lahat ng mga kinauukulan. Ipapaabot natin sa Punong-Bayan ang kahilingan na mabigyan ng kopya. Sa totoo lang lahat naman ng ordinansa ay binibigyan ang barangay ng kopya, ang iba ay hindi naka-file at humihingi pa sa Sangguniang Bayan.

Ang Sangguniang Barangay ang magpapaskel sa mga barangay at sa iba pang establisimyento ng lahat ng ordinansa.

Pahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos – ang Sangguniang Bayan ay obligado na magbigay ng sipi ng lahat na pinagtibay na ordinansa sa Sangguniang Barangay, kaya ang lahat ay itabi at i-file ninyo kung maaari para hindi laging humihingi ng kopya.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – sa aming pakikipag-ugnayan sa mga barangay ay mismong ang ordinansa ng Sangguniang Barangay ay hindi naka-file sa kanilang barangay. Ang ordinansa na ibinibigay sa mga barangay ay i-file dahil mahalaga ang mga kopya para sa mga susunod na pamunuan ay mayroong silang makita.

Pahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso – yung ordinansa sa computer shop ang alam ko dito ay lahat ng establisimyento na nakatayo na ay may kopyang ibinigay ang Sangguniang Bayan para maipaskel. Yung mga bagong tayo at bagong bukas na computer shop ay yun ang hindi namin alam kung may kopya kaya makikisuyo na lang sa mga barangay na mabisita upang mabigyan ng kopya, pati ang ordinansa sa gagamba.

Pahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana – sinisiguro ng Sangguniang Bayan na mabigyan ng kopya ang lahat ng barangay ng ordinansa at ibang sektor ng pamayanan ay binibigyan ng kopya at kung makakadalo ang mga adviser sa bawat barangay sa pulong ay bigyan ng pahapyaw ukol sa kodigong ito.

Nang wala ng dapat talakayin pa ay itinindig ang pampublikong pagdinig ganap na ika-10:45 ng umaga.

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa katitikang ito.

SHERYLL R. BALDEMOR
Nanuparang Kalihim

Inihanda ni:

BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO LOURDES F. SUNGA
Konsehal Konsehal


May Lagda ang Orihinal May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL URBANO R. CADAPAN
Konsehal Konsehal


May Lagda ang Orihinal May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal Konsehal


ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Abril 27, 2012, Biyernes, sa ganap na ika-9:00 ng umaga, nagkaroon ng pagpupulong ng lupon. Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at ABC Hermie B. Bagongahasa. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Emerito B. Gajitos.

2. Panukalang resolusyong pagtibayin ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayananan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na mamamayan; may Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at Lahat ng Sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito.

Napagkasunduan ng lupon na magpatawag ng pampublikong pagdinig sa lahat ng tindahan, grocery, establisyemento at iba pang kauri nito sa susunod na linggo. Gagamit muli ng projector upang isa-isahin ang nilalaman sa Kodigo ng Paete, lalo’t higit ang 2 nadagdag na bagong ordinansa ukol sa pagbabawal sa paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na lugar at patakaran sa paggamit ng plastic, plastic spoon, plastic fork at Styrofoam, gayundin sa mga multa at kaparusahan. Hiniling na magpabando rin.

Nang wala ng dapat talakayin pa ay itinindig ang pagpupulong ng lupon ganap na ika-9:43 ng umaga sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Ronaldo Z. Valdellon.


Inihanda ni:

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal Konsehal

May Lagda ang Orihinal May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN EMERITO B. GAJITOS
Konsehal Konsehal

May Lagda ang Orihinal May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON HERMIE B. BAGONGAHASA
Konsehal ABC-Konsehal
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Jun 05, 2012 1:35 am    Post subject: MGA PUBLIC HEARING NA ISINAGAWA-KODIGO NG PAETE Reply with quote

ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Lupon sa Ordinansa at Usaping Ligal

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Mayo 3, 2012, ganap na ika-1:40 ng hapon ay nagkaroon ng pampublikong pagdinig (Public Hearing) na dinaluhan ng 35 katao mula sa mga barangay at mga kasapi ng Sangguniang Bayan. Sinimulan ang pagpupulong sa pamamagitan ng panalangin na pinamunuan ni Konsehal Ronaldo Z. Valdellon.

Tinalakay ang nauukol sa:

1. PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSA NG “KODIGO NG ISANG MABUTI AT MATUWID NA PAMAMAHALA, MAGANDA, MAPAYAPA, MALINIS AT MAUNLAD NA PAMAYANANAN; MARANGAL, RESPONSIBLE AT MAKA-DIYOS NA MAMAMAYAN; MAY DISIPLINA AT MABUTING KABATAAN; AT MAAYOS NA UGNAYAN NG PAMAHALAAN AT LAHAT NG SEKTOR NG LIPUNAN; AT IBA PANG MAY KAUGNAYAN DITO.

SEKSYON 19. PAGBABAWAL NG PAGHUHUBAD, PAG-IHI AT PAGDUMI SA MGA HAYAG NA LUGAR.

Ipinahayag ni Kgd. Victoria Valdellon na kung maaari ay magkaroon ng “exemption” ang paghuhubad dahilan sa ang mga kargador sa palengke ay mga nakahubad na.

Sang-ayon kay Konsehal Emerito B. Gajitos na itong binabalangkas na Kodigo na pinagtibay ng Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan ay binuo ng Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap blg. 67 t. 2010. Kaya isinama ang pagdumi dahil baka sabihin ay umiihi lamang at pag umihi sabihin dumumi lamang, yun po namang paghuhubad sa loob ng bahay na lamang kayo maghubad.

Ipinabatid naman ni Konsehal Brigido R. Bagayana na ang paghuhubad ay bagong ordinansa.

SEKSYON 23. PADALUYANG TUBIG

Ipinahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana bilang katugunan sa katanungan ni Kgd. Victoria Valdellon na kung ang sira ay sa labas ng bahay mula sa service pipeline hanggang sa metro ng tubig o mula sa metro ng tubig papasok sa bahay, ang may pananagutan ay ang Pamahalaang Bayan ngunit kung ito ay sa loob ng bahay, ang may pananagutan ay ang may-ari ng bahay. Ito ay alinsunod sa umiiral na ordinansa kaugnay nito.

SEKSYON 26. PAGTITINDA NG PAGKAIN

Ipinahayag ni Kgd. Victoria Valdellon na maraming mga naglalako sa ating bayan na maraming tindang isda na walang kaukulang permit at naaapektuhan yung mga magtitinda na mayroong permit dito sa ating bayan.

Ipinahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana na kinakailangang kumuha ng permit sa munisipyo kahit ang mga naglalako ng anumang produkto at maaari itong sitahin at sabihang kumuha ng permit.

Ipinahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos na ang may karapatang manghuli sa mga naglalako ay ang mga opisyal ng bayan. Kung sakali at hindi nila nagagampanan ang kanilang mga tungkulin ay maaari silang sampahan ng kaukulang kaso sa hindi nila pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Ipinahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana na ang nagpapatupad ng batas ay ang Punong-Bayan at mga Punong-Barangay.

Ipinahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso na mayroong umiiral na ordinansa para sa Ambulant vendors na bawal silang magtinda sa palengke at mayroong distansiya buhat dito na maaari silang magtinda ng mga produkto na hindi matatagpuan sa Pamilihang Bayan.

SEKSYON 31. PAGBABAWAL SA PAGPUTOL NG ANUMANG URI NG PUNONGKAHOY, KAWAYAN, PUNO NG NIYOG AT PAGTATAKDA NG ALITUNTUNIN UKOL DITO.

Nagtanong si G. Edgar Driodoco kung kanino lalapit kung kukuha ng permit kung magpuputol ng puno.

Ipinayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana na sa ating munisipyo o sa Tanggapan ng Punong-Bayan maaaring kumuha ng permit.

SEKSYON 32. BASURA

Ipinahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana na mayroong umiiral na RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act kung saan kinakailangang maghiwa-hiwalay ng basura.

Ipinahayag naman ni Bb. Analyn Edquitao na isinasagawa na nila ang paghiwa-hiwalay ng basura subali’t ito ay pinagsasama-sama din ng mga magbabasura. Iminungkahi niya na magkaroon ng schedule ng pagkuha ng mga basura.

Ipinahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos na ang Pamahalaang Bayan ay magbibigay ng mga itim na plastik bag upang gawing basurahan at magkakaroon na ng schedule para sa pagkuha ng mga basura.

Ipinahayag ni Konsehal Urbano R. Cadapan na ang mga plastik bag ay ipagkakaloob sa mga kabahayan sa pamamagitan ng mga Punong-Barangay.

Ipinahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana na isang beses lang ang pagkakaloob ng mga plastik bag na basurahan sa mga kabahayan.

SEKSYON 33. PATAKARAN SA PAGGAMIT NG PLASTIC, PLASTIC CUPS, PLASTIC SPOON, PLASTIC FORK AT STYROFOAM.

Ipinahayag ni Konsehal Ronaldo Z. Valdellon na ang layunin ng ordinansang ito ay upang maging malinis ang ating bayan dahil sa tuwing magkakaroon ng mga programa sa ating bayan ay napakaraming mga kalat ang naiiwan sa ating plasa pagkatapos ng programa. Sa Palawan ay mayroong disiplina ang mga mamamayan na kapag makakakita ng upos ng sigarilyo ay dinadampot at napapanatili nila ang kalinisan sa kanilang lugar kahit na hindi bawal ang plastik.

Mayroon ding nagpahayag kung bawal ang plastik ng yelo na tinugon na kung gagamitin sa paggawa ng yelo ay hindi ito bawal ganun din ang mga tinging produktong nakalagay na sa plastic katulad ng suka, patis, mantika at hindi na muli pang ilalagay /re-pack sa plastic.

Ang biodegradable plastic ay plastic pa din kung kaya’t batay sa susog na ordinansa kaugnay nito ay ipinagbabawal na rin ang paggamit nito.

Hiniling ng mga dumalo na bago ipatupad ang pagbabawal sa
Styrofoam, plastic spoon, plastic fork at Styrofoam ay ipagbigay alam/bigyan sila ng palugit upang maubos nila ang kanilang mga stocks.

Mayroon ding nagmungkahi na huwag ng ipagbawal ang paggamit ng Styrofoam, plastic cups, plastic spoon at plastic fork sapagkat malaking kawalan sa kanilang hanap-buhay ang pagbabawal na ito at sa halip ay tutukang mabuti ang pagpapatupad ng batas tungkol sa basura at muling payagan ang paggamit ng plastik.

Mayroon ding humiling na payagan na ang paggamit ng plastic para sa mga ulam.

Hiniling ni Konsehal Emerito B. Gajitos na magkaroon ng kaukulang paskel na kinakailangang magdala ng lagayan sa pagbili ng ulam upang maiwasan na ang paggamit ng plastic.

Ipinahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso na ang Sangguniang Bayan ay hindi gumagawa ng mga batas na mapaniil sa halip ito ay para sa ikabubuti ng mga nakakaraming mamamayan. Mayroon ng umiiral na batas ang Antipolo City na nagbabawal ng paggamit ng Styrofoam at mayroon na ring nakapending na batas ang Kongreso kaugnay nito.

Ipinahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana na ang nasabing Kodigo ay binalangkas ng bumubuo ng Lupon ng Responsible Parenthood at ang kanyang lupon ang naatasan upang talakayin at pag-aralan ang nasabing Kodigo kung kaya nagsasagawa ng Public Hearing ang Sangguniang Bayan upang masusing pag-aralan ang nasabing Panukalang Ordinasa.

Sapagkat magbubukas na ng tindahan ang mga nasa palengke ay itinindig ang pagpupulong sa ganap na ika-3:55 ng hapon sa nasabi ring araw at petsa.

Inihanda ni:


May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:


May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May Lagda ang Orihihal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal

KATITIKAN NG PAMPUBLIKONG PAGDINIG UKOL SA KODIGO NG PAETE, NA GINANAP NOONG MAYO 16, 2012, HUWEBES, SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA.

MGA DUMALO:
Kgg. Brigido R. Bagayana, Tagapangulo/Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Gng. Elizabeth G. Calma, Jesca’s Fastfood,
Gng. Loida Fulo, Benga’s Restaurant,
G. Rafael Puyod, Brgy. 7,
G. Victor Salceda, JJ Halo-Halo B-9,
Bb. Judith B. Real,
G. Mar A. Aguinaldo, Pres.Magsasaka,
Bb. Geraldine Bacani, Kinatawan ng Albino’s

Nagsimula ang pampublikong pagdinig ganap na ika-1:30 ng hapon.

Konsehal Brigido R. Bagayana - bilang pagbabalita sa inyo ito ay ika-3 pampublikong pagdinig na. Ang unang pinatawag ay ang bumubuo ng Sangguniang Barangay 1-9, mga Kapitan, mga bumubuo ng MTFRB, Pangulo ng mga magti-trisikulo. Sa ika-2 public hearing ay ang opisyales ng Paete Public Market, mga manininda sa talipapa, mga tindahan, grocery at souvenir store, establisimyento at mga nagtitinda ng kakanin at merienda. Ngayon ay ika-3 public hearing na ang mga inanyayahan ay ang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan, mga may-ari ng Bakeries (Panaderia), Pansiteria, Tindahan/Nagtitinda ng mga kakanin, ulam at merienda, Catering Services, Handicraft & Souvenir Stores, Pamunuan ng PUNO (Paete United NGO’s) Pamunuan ng Mangingisda at Pamunuan ng Magsasaka.

Bilang pagbabalita ay matagal na itong programa ng ating Punong-Bayan ito ay noon pang nakaraang taon at nagpatawag pa sa August Inn para ito ay pag-usapan ng bumubuo ng Responsableng Mamamayan. Mayroong inilabas na Kautusang Tagapagpaganap ang Punong-Bayan Blg. 67 t. 2010 na ang kasapi ay ang mga sumusunod:
a. Tagapangulo – Punong-Bayan
b. Kalihim – Pinuno ng Tanggapan ng MSWD
c. Mga Kasapi – Municipal Civil Registrar Officer
Municipal Health Officer
Representative from the DOH
Sanggunian Chairman on Good Governance
Chief of Police
Association of Barangay Council President
District Supervisor of DEPED
Four (4) Guidance Councilors of Public School
Two (2) Representatives from Private School,
Three (3) Representatives from NGO’s
Representative form Iglesia Filipina
Independiente Church (Aglipayan)
Representative from Roman Catholic Church
Representative from Association of Evangelical
Churches of Paete
Chairman Senior Citizen’s Affair
Sangguniang Kabataan President
PTA Federation President

Ngayong taong ito ay nabuo ito ang mga dati ng ordinansa at may nadagdag na dalawang ordinansa. Ito ay pinag-aralan at si Judge Morga ang nag-aral nito pinagawa ng ating Punong-Bayan at pagkatapos nito ay ipinadala sa Sangguniang Bayan para ito ay matalakay at magpatawag ng public hearing at ipaabot sa kanila ang nilalaman nito at ngayon ay hinihingi ang inyong opinyon at mahalaga nga na marinig ang inyong tinig.

Nakatanggap po ang Kgg. Sangguniang Bayan ng isang sulat mula sa Punong-Bayan na may petsa Mayo 14, 2012 at ito ang isinasaad:


Kgg. Sangguniang Bayan
Paete, Laguna

Mahal na Kgg. Sangguniang Bayan,

Magandang araw po !!!

Marami po sa ating mga kababayan ang nagtatanong kung kailan maipatutupad ang Kodigo ng Paete. Magalang ko pong hinihiling na maging urgent o dagliang pagpapatibay ng Kodigo ng pagiging isang responsableng magulang at mamamayan sa bayan ng Paete.

Maraming salamat po sa inyong positibo at agarang aksyon.

Sumasainyo,

INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan

Binigyan ng Sipi:
- Bumubuo ng responsableng magulang

Inihihingi po namin ng paumanhin na hindi kayo nabigyan ng ganitong kopya ng Kodigo ng Paete dahil noong unang public hearing ay humihingi ang Sangguniang Barangay 1-9 na mabigyan ng kopya ay nag-research tayo sa Tanggapan ng Punong-Bayan ang sabi ay kapos ang pondo. Kaya ngayon ay may projector para maisa-isa ang nilalaman nito. Hindi natin mababasa ng word by word dahil kulang ang isang araw.

Hinihingi namin ang inyong opinyon at kailangan namin ito para sa talakayan. Uumpisahan natin tulad ng binanggit ko ito ay binubuo ng 20 ordinansa, ang 18 dito ay dati ng umiiral na batas, ang may susog lamang dito ay penalty o mga kaparusahan.

PAUNANG SALITA

Ang kakulangan ng disiplina, malubay na pagpapatupad ng batas at kawalan ng responsibilidad ng mga magulang at ng mga mamamayan sa pangkalahatan, ang siyang pangunahing dahilan sa mabagal na pagunlad ng isang pamayanan. Layunin ng KODIGONG ito na mabigyang diin ang pagkakaroon ng disiplina sa pamamagitan ng maigting na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at ordinasa, at maiukilkil sa kaisipan ng lahat ang kahalagahan ng pagiging isang responsableng mamamayan.

Layunin ng Kodigong ito na ituro sa mga mamamayan sa pamamagitan ng radio, pahayagang pambayan at mga talakayan sa bawat Barangay ang katungkulan at pananagutan ng isang mabuting mamamayan. Bukod sa tamang disiplina at kahalagahan ng pagsunod sa mga umiiral na batas, ay bibigyang diin ang responsibilidad ng mga magulang sa pagpapaaral ng kanilang mga anak; ang pagpapataas ng antas ng moralidad na magmumula sa pamilya; at ang tamang pagpaplano ng pamilya.

Ang kodigong Ito ay hindi permanente, bagkus ay maaaring baguhin sangayon sa hinihingi ng panahon.

May Lagda ang Orihinal
EMMANUEL B. CADAYONA
Punong– Bayan
_____________________________________________________________________________________
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
Kautusang Bayan Blg.____T. 2012
KODIGO NG PAETE

UNANG TITULO.— PAMAGAT, LAYUNIN AT SAKLAW NG PAGPAPAIRAL

SEKSYON 1. Maikling Pamagat........................................................ 1
SEKSYON 2. Pangkalahatang Layunin.............................................. 1
SEKSYON 3. Saklaw ng Pagpapairal................................................ 2

IKA-DALAWANG TITULO.— PAGPAPATALA NG LAHAT NG BATA NA ISINILANG SA BAYAN NG
PAETE, LAGUNA

SEKSYON 4. Pagpapatala ng Isinilang na Bata................................. 2
SEKSYON 5. Mga Nahuling Pagpapatala.......................................... 2
SEKSYON 6. Katungkulan ng mga Punong Barangay...................... 3
SEKSYON 7. Katungkulan ng Local Civil Registrar……………..... 3

IKA-TATLONG TITULO.— PAGPAPAARAL NG BATA
SEKSYON 8. Katungkulan ng mga Magulang, Tagapangalaga o Sinumang May Kustodiya ng Bata na nasa Edad ng Pag-aaral .................................................................... 3
SEKSYON 9. Katungkulan ng Tanggapan ng Municipal Social Welfare
and Development …………………………........................ 4
SEKSYON 9.Katungkulan ng Tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development.................................................. 4
SEKSYON 10. Katungkulan ng Local School Board.................... 5

IKA-APAT NA TITULO.— PAGPAPATAAS NG ANTAS NG MORALIDAD SA PAMAYANAN
SEKSYON 11. Layunin........................................................................ 5
SEKSYON 12. Pagtatalaga at Pagtatatag ng Moral
Development Council .................... ................... 5
SEKSYON 13. Katungkulan at Gawain ng Moral
Development Council ........................................ 5
SEKSYON 14. Pamunuan at Kasapi ng Moral
Development Council......................................... 6
SEKSYON 15. Paglalaan ng Pondo..................................................... 7
IKA-LIMANG TITULO.— MGA KAUTUSANG BAYAN NA BINIBIGYANG-DIING MAIPATUPAD NG LAHAT NG
BINIGYAN NG KAPANGYARIHANG
MAGPATUPAD NG BATAS.
KABANATA I.—Kautusang Bayan Ukol sa Disiplina
Sa Pamilya at Lipunan

Una ay SEKSYON 16. Curfew – alam naman natin ito ay lumang ordinansa at ito ay natutukoy sa mga kabataan na menor de edad, kung kayo ay may katanungan at paglilinaw mamaya.
Konsehal Emerito B. Gajitos – pagbati, itong sinasabi ng Tagapangulo ay bali 100 higit na batas na ang iba ay pinaiiral na ng ating Punong-Bayan at may 2 batas lang na binago o dinagdagan kaya kung mamarapatin ninyo ay dadaanan na lang natin yan at yung 2 batas na lang ang ating tutukan na hindi pa umiiral sa atin.

Ikalawa ay SEKSYON 17. Iligal na sugal – ito ay luma na ring ordinansa, na bawal ang lahat ng uri ng sugal dito sa ating bayan. Gagamba, pagkakara. Pati ang basketball na may pustahan ito ay bawal na sugal rin.

SEKSYON 18. Ordinansa sa Pagbebenta ng Alak at Sigarilyo – ito ay luma na ring ordinansa, dito nakasaad ang regulasyon sa pagbebenta ng alak at sigarilyo lalo’t higit sa mga menor de edad.

Gng. Elizabeth G. Calma-Jesca’s Fastfood, may kahilingan ako sapagkat ang pinatawag ay para sa mga magtitinda ng kakanin at mga catering services. Ang hihilingin ko lang kung mamarapatin ay doon na lang tayo tumuon sa hindi pa natatalakay dahil kung iisa-isahin natin ay alam naman natin na ang ibang batas ay umiiral na at parang hindi kami ang tamang kinatawan para talakayin yan. Hinihiling ko na kung ano na lang ang topic ngayon ay yun ang talakayin.

Konsehal Brigido R. Bagayana – nagkaroon na ng pulong ang kabuuan at napagpasiyahan namin na basahin na ang lahat ng title bagamat ito ang lahat ng mamamayan ay sakop na ng batas na nandito. Babasahin na lang namin ang titulo para malaman ninyo ang nakapaloob dito at may mga sumunod pang public hearing na ipapatawag para sa iba pang antas ng mga mamamayan.

SEKSYON 19.Pagbabawal sa paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na Lugar.—Mahigpit na ipinagbabawal sa mga mamamayan ang paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na lugar.

ALITUNTUNIN I
MGA KAHULUGAN

PANGKAT 1.Ang paghuhubad na isinasaad sa kautusang ito ay ang hindi pagsusuot ng damit pang-itaas at/o pang-ibaba.

PANGKAT 2.Ang hayag na lugar ay ang mga sumusunod:

Liwasang Bayan
Lansangan
Simbahan
Pook Paaralan
Pamilihang Bayan
Mga Establisyementong Pampubliko at Pribado maliban sa mga Resort
Mga Parke
ALITUNTUNIN II
MGA KAPARUSAHAN

PANGKAT 3.Ang sinumang lumabag sa Kautusang ito ay paparusahan ng multang Limang Daang Piso (Php 500.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php1,500.00) o/at pagkabilanggo ng mula sampung (10) araw hanggang isang (1) buwan o parehong kaparusahan ayon sa itatakda ng hukuman.

SEKSYON 20.Vandalism.—Dito ay itinatandhana ang mga panuntunan sa pangangalaga at pagpapanatili ng kaayusan sa mga lugar, imprastraktura at mga gusali na pag-aari ng pamahalaang barangay, bayan, lalawigan at nasyonal, gayundin ang mga pribado at pampublikong pader, dingding, bakod, gusali at iba pang katulad nito.


SEKSYON 21. Stray Dogs o mga galang aso – ito ay matagal na ring ordinansa, ito ay napakahigpit, kung ang aso ay nakakagat ang may-ari ang bahalang magpa-gamot at sa mga iba pang gastusin lahat-lahat, maliban kung sa inyong tahanan ay may naka-paskel na mag-ingat sa aso at may nakagat ay ligtas ang may-ari. Kaya nga ang sabi ng Punong-Bayan ay hindi na magbibigay ng tulong sa mga lumalapit sa nakagat ng aso ang may katungkulan ay may-ari ng aso.

SEKSYON 22. Internet Café – ito ay matagal na sa mga computer na nagpapaupa lalo’t higit sa may pasok sa Elementary at High School at kailangang magpaskel ng curfew hours hanggang 10:00 ng gabi.

SEKSYON 23. Padaluyang Tubig – ito ay matagal na ring ordinansa simula noong magkaroon ng metro.

SEKSYON 24. Sump Tank - nakalagay dito ang patakaran sa pagpapakabit ng tubig pati na rin sump tank at motor pump.

KABANATA II. – Kautusang Bayan Ukol sa Kaayusan at Katahimikan

SEKSYON 25. Parking – o batas trapiko nakasaad ang lahat ng uri ng sasakyan, tricycle, jeep, mga private na vehicle at kung saan pwedeng magparada at hanggang anong oras lang at color coding.

SEKSYON 26. Pagtitinda ng Pagkain – paglalako, mga alintuntunin kung paano makapagtitinda, narito rin sa ordinansa.

SEKSYON 27. Patakaran sa paggamit ng tricycles, motor-cycle, scooters, bisikleta, pedicabs at iba pang kauring sasakyan – ito ay matagal na ring batas at paalala baka may bisikleta kayo at pedicab ay kailangang ikuha ninyo ng pahintulot.

SEKSYON 28. Patakaran sa mga Junk Shop Owners at pangangalakal ng mga menor de edad – ito ay batas na rin sa mga Junk Shop ay kinakailangan ang ibinebenta ng bata ay kailangang may kasulatan ng nakatatanda o may-ari na pinahihintulutang magbenta. Sa mga menor de edad na bawal mangalakal.

SEKSYON 29. Alituntunin sa paggamit ng Aerator – ito ay sa mga nagtitinda ng isda sa palengke para mabawas ang sobrang paggamit ng tubig at hind maging malakas ang paggamit ng tubig.

SEKSYON 30. Alituntunin sa mga Beerhouse/Videoke Bar at Iba Pang Bahay Inuman – matagal na rin itong ordinansa na hanggang 11:00 lang ang pinaka-matagal na pag-operate ng videoke sa mga beerhouse. Pero kinakailangang may Security Guard, may mga patanto na bawal ang menor de edad o bawal magdala ng punyal.

KABANATA III. – Kautusang Bayan Ukol sa Kapaligiran at Kalinisan
SEKSYON 31. Pagbabawal sa pagputol ng anumang uri ng kahoy, kawayan at puno ng niyog at pagtatakda ng alituntunin ukol dito – ito ay matagal na ring ordinansa, hindi basta-basta pwedeng magputol ng punong kahoy, kawayan at puno ng niyog na walang pahintulot ang Pamahalaang Bayan.

SEKSYON 32. Basura – patakaran sa mga barangay sa pag-pick-up ng mga basura, pagbubukod-bukod at paghiwa-hiwalay ng basura ay sisimulan na sa Hunyo 1, 2012.

SEKSYON 33.Patakaran sa Paggamit ngPlastic, Plastic Cups, Plastic Spoon, Plastic Fork, at Styrofoam—Dito ay itinatakda ang mga regulasyon sa paggamit ng mga plastic bags, plastic cellophane, plastic cups, plastic spoon, plastic fork, at lahat ng uri ng Styrofoam.

ALITUNTUNIN I
MGA SAKLAW

PANGKAT 1.Ang lahat ng tao na nagtitinda at nagmamay-ari ng mga establisimento tulad ng supermarkets, bakeries, palengke, groceries, tindahan, mga naglalako (ambulant vendors), tahian, handicraft stores, pansiteriya, kainan, catering services at iba pang kauri ng mga ito, at lahat ng mamimili ay sakop ng kautusang ito. Ang mga tao o establisimento na gumagamit ng styrofoam para sa handicraft ay hindi sakop nito.

ALITUNTUNIN II
PATAKARANG NAUUKOL SA PAGGAMIT NG PLASTIC AT STYROFOAM

PANGKAT 2.Ang lahat ng tao at establisimento na nakasaad sa Pangkat 1 at ang lahat ng mamimili ay pinagbabawalan na gumamit ng plastic bag o sando plastic bag, plastic cups, plastic spoon, plastic fork, at styrofoam bilang lalagyan ng kanilang mga produktong ipinagbili o binili. Hindi sakop ng kautusang ito ang mga plastic na gamit sa paggawa ng yelo, ice candy, original packaging material ng bakery products, noodles, at iba pang mga produkto na nakalagay sa original plastic packaging material na mula sa manufacturer, at styrofoam na ginagamit sa handicraft.

PANGKAT 3.Ang lahat ng establisimyento na nakasaad sa Pangkat 1 ay kinakailangang maglagay ng patantong nakasulat sa mga lugar na kanilang nasasakupan na madaling mabasa ng mga mamimili na nakasaad na pinagbabawal ang paggamit ng lahat ng uri ng mga plastic na nabanggit sa itaas nito.

ALITUNTUNIN III
MULTA AT KAPARUSAHAN

PANGKAT 4.Ang sinumang tao na lumabag ay papatawan ng mga kaparusahang tulad ng sumusunod:

UNANG PAGLABAG – Multang halagang Limang Daang Piso (Php500.00);

PANGALAWANG PAGLABAG – Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00);

PANGATLONG PAGLABAG – Multang halagang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php2,500.00) at/o pitong (7) araw na pagkakakulong. At maaari ding bawiin ng Punong Bayan ang pahintulot sa pagnenegosyo (mayor’s permit) o ipasara ang nasabing establisimento na lumabag sa kautusang nabanggit sa itaas.

Gng. Elizabeth G. Calma-Jesca’s Fastfood, ako lang ay nagtataka dahil ang styrofoam na ginagamit sa catering at handicraft ay pareho siyang styro. Yung plastic cups, plastic spoon, plastic fork ay pwedeng ipagbili at ilagay sa recycle o re-use materials. Halimbawa pinagbawal natin ang styro sa catering services at yung sa handicraft ay hindi natin pinagbawal ay parang may lihis sa pagpapatupad ng batas dahil ang ginagamit din sa handicraft na styro ay mas madami pa ang basura noon.

Konsehal Brigido R. Bagayana - yun nga ang hinahanap namin sa public hearing ang marinig ang inyong tinig para sa aming pagtatalakayan.

G. Mar A. Aguinaldo-Pres. Magsasaka, ito ay kasagutan noong mga gumagawa at nagtitinda ng styro at plastic kung ipagbabawal natin ang plastic at ang gagamitin ay papel ay lalo tayong magdudusa doon dahil ang ginagamit sa papel ay punong-kahoy. Kung mauubos ang punong-kahoy ay lalo tayong magdudusa. Kaya ang sabi ng gumagawa at nagtitinda ng styro at plastic ay ipunan at ng kanilang mai-recycle muli. Kung ito ay talagang batas pambansa ay wala na tayong problema dito kung wala ng mga pabrika na gagawa ng styro at plastic dahil wala na tayong magagamit. Ito ay pinag-aralan ng mga pabrika upang magamit at kung ipagbabawal ito ay pati pabrika ay magsasarado at marami ding mga tao ang mawawalan ng hanap-buhay.

Gng. Elizabeth G. Calma-Jesca’s Fastfood, hindi sakop ng kautusang ito ang mga plastic na gamit sa paggawa ng yelo, ice candy, original packaging material ng bakery products, noodles, at iba pang mga produkto na nakalagay sa original plastic packaging material na mula sa manufacturer.

Totoo nga na mahirap sa bakery dahil ginawa ko na yan dati ay ang ginagamit ko noon ay wax paper pero malimit akong masiraan ng tinapay. Kung hindi sakop ang mga plastic na gamit sa paggawa ng yelo, ice candy ay ang ginagawa ng ibang nagtitinda ng ulam ay yun ang pinaglalagyan nila dahil ang katuwiran nila ay hindi daw bawal yun.

Kung talagang ipagbabawal plastic cups, plastic spoon, plastic fork at styrofoam ay talagang ako ay nag-canvass na rin at gumamit na rin ako ng microwavable container ay mahal. Ang 1 styrofoam na 3 compartment ay Php 1.30. Pero kapag yung mga microwavable container na naire-recycle ay ang halaga ay Php 13.00 medyo may kataasan ang halaga. Hindi ko iniuutos na ako ay tutol diyan, dahil isa ako sa nagsusulong ng zero waste dito sa ating bayan. Sana ay mapag-aralan pa natin ng husto dahil may kontra sa ipinalalabas ninyong batas at maging makatotohanan dahil sa handicraft ay hindi bawal ang styro pero kung titingnan natin at susuriin ay mas hazardous ang ginagamit sa handicraft kaysa sa ginagamit sa catering. Sana ay mapag-aralan natin dahil may mga bumibili niyan.

Konsehal Brigido R. Bagayana – ito nga ang diwa ng ganitong public hearing, ini-encourage nga namin ang mga dumadalo sa public hearing na magpahayag para malaman namin

Konsehal Eriberto D. Pascual – pagbati, una ay yung styrofoam muna lagi nating ginagamit kapag may handaan tulad sa birthday, kasalan, binyagan at iba pang okasyon ay basura ng styrofoam ang unang-unang nakikita sa kanal, bambang at laging sumasala kahit saan. Isa pa nga ay hazardous ito lalo na kung mainit ang pagkain. Nabukod yung sa handicraft ibang styro yun makapal. Ginagamit yung pang chips kapag nagluluwas ng bagahe o paningit sa mga boxes.

Konsehal Urbano R. Cadapan – pagbati, itong karagdagan sa umiiral na ordinansa sa plastic ay dinahan-dahan lang para hindi mabigla ang ating sambayanan doon sa mga paggamit nito. Kapag ang titingnan natin ay pagpapahalaga sa kapaligiran itong mga nabanggit na ito ang siyang nagiging sagabal tulad ng mga yan. Tulad ng kondisyon ng ating lawa doon umuuwi ng lahat ng ito ay nagiging dahilan ito ng pagliit at pagpatay doon sa mga naroon sa lawa. Batid naman sa kalinisan lalo sa mga barangay ay tulad ng sinabi ni Konsehal Pascual ay may okasyon at wala ay nakikita naman natin ang mga plastic na ito lalo na ang mga ginagamit sa junk shop ay talagang sakit na ng ulo sa mga barangay ay ang kalinisan. Ito ay binase natin sa mahalagang aspeto na makatutulong na malaki para sa ating pamayanan at maraming salamat sa mga suhestyon ninyo sapagkat yun ay malaki at magagawa sa pagko-konsidera ng ating ginagawa at binabalangkas kung saan papasok ang magandang pasunuran na ginagawa natin.

Konsehal Emerito B. Gajitos – pagbati, kanina ay tinanong ng ating Tagapangulo kung bakit isinama ngayon ang styrofoam, plastic cups, plastic spoon at plastic fork. Kung inyong matatandaan noong una nating binabalangkas ang unang ordinansa sa paggamit ng plastic ay ito ay kasama sa original pero nakita nga natin na may mga tumutol kaya ito ay tinanggal natin. Kaya ang ipinagbawal lamang ay mga plastic bag pero binigyan lang natin ng patakaran at hindi natin ipinagbawal lahat. Kasi ang tiningnan natin ay yung mga sinasabi ng ating mga mamamayan. Bakit ngayon ay isinama na ang styrofoam, plastic cups, plastic spoon at plastic fork. Noong public hearing noong ginagawa natin ang ordinansa sa plastic ay mayroong nagtanong na mga taga-palengke bakit daw tayo ang uuna na magbawal samantalang napakarami dito sa ating bayan ang nagkakalat din ng plastic na umuuwi din sa ating Wawa. Ang sagot ko doon kung inyong natatandaan ay kailangang may umuna para magsunuran ang mga bayan. Nang mangyari yung ordinansa sa plastic ay nagsunuran ang mga ibang bayan kahit sa Nueva Ecija ay nakarating na yung ordinansa natin, ang Kalayaan ay gumaya na rin ang kanugnog bayan natin ay nasa kanila na rin pero hindi pa batas at pinag-aaralan pa. Ngayon ang masama nito tayo ang kauna-unahang gumawa ng ordinansa sa plastic, yung mga tumulad sa atin ay isinama na nila ang styrofoam, plastic cups, plastic spoon at plastic fork lalo na sa Kalayaan bawal na yan. Kaya siguro ay naisip ni Mayor at sinabi sa amin na kung pwede raw ay isama na. Ngayon ang sabi namin ay pwede ninyong isama hindi lang namin sigurado kung ito ay mapagtitibay ng Sangguniang Bayan dahil kinakailangan pa ang mga public hearing tulad nito. Kaya mahalaga ang mga sinasabi ninyo para ma-record natin. Paumanhin dating ABC Calma kung ang magiging dahilan natin ay kung bakit ang styrofoam na ginagamit sa handicraft ay hindi ipagbawal kasi hindi yun ang reason dapat. Siguro ang magiging reason natin ay wala na tayong magiging alternatibo kung ipagbabawal ang styrofoam. Mahirap nating ihambing sa isang bagay na pinayagan natin kung ito ay ipagbabawal.

Tama ang suhestyon ni G. Mar Aguinaldo ang lahat ng pabrika ng plastic dito sa Pilipinas ay itigil na at kung ang gagamitin natin ay papel ay mas maraming puno ang mapuputol kasi sa puno nanggagaling ang papel. Pero dito sa ating mga batas ay hindi natin ini-encourage ang ating mga mamamayan na gumamit ng papel. Ini-encourage natin sila ng mga nakasanayan na natin na nagdadala tayo ng mga lalagyan yun ang ating purpose, hindi ang paggamit ng papel. Anyway ang lahat ng inyong sinabi yun naman ay naka-record at sa paggagawa namin kung hindi man matutuloy ito at mare-retain ang dating ordinansa yung mga sinabi ninyo ang ia-attouch namin para sa report kung bakit hindi napagtibay ang ordinansang ito. Pero malaking bagay ang mga sinasabi ninyo.

Konsehal Aurelio P. Paraiso – pagbati, nagbigay pugay sa mga panauhin. Batay sa karagadagang paliwanag ng ating Tagapangulo itong ating tinatalakay na Kodigo ng Paete o Code for responsible parenthood ito ay binalangkas at pinagtibay ng konseho na kung saan ang miyembro nito ay ilang Konsehal at kasama ng ating Kgg. Punong-Bayan at ni Judge Morga ay ito ay dadaan pa sa Sangguniang Bayan para sa masusing pag-aaral at magkakaroon pa ng public hearing at yung mga kahilingan tulad ng sinabi ni Ex-Konsehal Mar Aguinaldo at dating ABC Calma ito ay naka-record at ito ay aming pag-aaralan dahil malaki pa itong pag-uusapan marami pa kaming ipapatawag katulad ng mga binanggit ko sa mga nakaraang pagpupulong noong nakaraang public hearing ay hindi nga isinama ang styrofoam at ngayon nga ay isinama na. Alam naman nating lahat tuwing Mahal na Araw ay gumamit ng styrofoam ang lahat ng may-ari ng Poon simula Miyerkules ay gumagamit ng styrofoam. Uma-average tayo ng 10,000 ng Miyerkules, Huwebes at Biyernes Santo. Ibig sabihin kapag gumamit ng 10,000 pcs. kasama na ang plastic cups, plastic spoon at plastic fork. Isipin natin na kapag ito ay ipinagbawal ay ano ang gagamitin ng isang may-ari ng Poon. Yung tinuran ni Ex-Konsehal Mar Aguinaldo at ABC Calma ay noted yun at ito ay pagtatalakayanan at masusing pag-aaralan namin. Bagamat ito ay binalangkas na ay subject pa rin sa pagbabago. Kung ano ang mapagkakasunduan ng higit na nakararaming opinyon na makapagbibigay para sa kapakanan ng higit na nakararaming mamamayan ay yun ang susundin natin. Hindi kami gagawa ng batas na ito ay sisiil sa isang mamamayan o higit na nakararaming mga mamamayan.

G. Mar A. Aguinaldo-Pres. Magsasaka, tulad ng sinabi ng Tagapangulo na ipatutupad na ang batas sa basura sa June 1, 2012.

Konsehal Brigido R. Bagayana – yun ang napag-usapan at kaya yun ay ipatutupad ay dahil sa Republic Act 9003 at nakasaad ay sa basura, ito ay Batas Pambansa.

G. Mar A. Aguinaldo-Pres. Magsasaka, siguro ay yun ang kasagutan dito sa ating pinag-uusapan sapagkat ang batas sa basura ay ating ipatutupad ng husto ay wala ng tayong makikitang basura at kung ito ay talagang ipapatupad ay solved na ang ating problema.

Gng. Elizabeth G. Calma-Jesca’s Fastfood, sa makatuwid ay lahat ng uri ng plastic cups, plastic spoon at plastic fork ay kasama sa ipinagbabawal? Kahit pala kami ay gumamit ng mga re-usable at microwavable plastic ay bawal pa rin? Kami naman ang hihiling sa inyo Kgg. na Konsehal kayo naman ang magbigay kung ano ang gagamitin naming alternatibong kasangkapan o gamit para kami ay makapagbenta. Ang sabi ninyo ay maibalik ang pagdadala na may dalang lalagyan. Kami ay marami ring suki na buhat sa iba’t-ibang bayan. Yung mga bumibili na dumadayo pa dito sa Paete dahil ang Paete kung inyong mapapansin ay sentro ito ng tindahan ng mga kakanin ay wala silang mga dala. Kaya minsan ay napipilitan ang ibang mga magtitinda na maglagay sa ibang lalagyan. Ang hinihiling namin kayo naman ngayon ang magbigay ng alternatibong magagamit para gamitin doon sa pagtitinda sa taga-ibang bayan. Kung ang titingnan lang natin ay taga-Paete at hindi namin pagbibilhan ang taga-ibang bayan ay baka kami ay hindi na kumain at marami na ring magsara ang tindahan lalong lalaki ang problema ng ating bayan. Yun lang ang kahilingan ko kayo na ang magbigay ng alternatibong solusyon gamit sa pagbebenta ng kakanin sa ating bayan.

Konsehal Emerito B. Gajitos – hindi namin ipinagbabawal ang paggamit ng microwavable container dahil pwede yung hugasan at gamitin muli. Karagdagan ay nakausap ko ang Vice-Mayor ng Kalayaan, ang sabi sa akin ay “Konsehal sa inyo bawal ang plastic ay sa inyo ring nakakabili ng ulam ang iba naming kababayan ng nakalagay sa plastic”. Yun ay binibigyan natin ng konsiderasyon ang taga-ibang bayan. Kung sa ating magmumula ay baka naman tayo ay pinagtatawanan na “bakit sa Paete ay nakakabili ng naka-plastic ay doon na tayo bumili”, okey sa negosyo yun kaya lang ang ordinansa natin ay hindi naipatutupad isa lang puntos yun. Sa Benga kapag walang lalagyan ang bumibili ay pinababalik nila at pinakukuha ng lagayan.

Konsehal Urbano R. Cadapan – medyo napangiti na ako kanina ng banggitin ni Konsehal Emer ang Benga. Ako mismo ay nakita ko ang sistema at pamamaraan nila na talagang may mga bumibili na walang lalagyan ay talagang pinauuwi at pinakukuha ng lalagyan at kung sila ay nagbibigay ng lalagyan ay gawa sa papel at microwavable container, magandang ehemplo ito.

Bb. Geraldine Bacani-Kinatawan ng Albino’s – minsan po ay hindi kami nagbibigay nagdadala sila mismo ng plastic.

Konsehal Brigido R. Bagayana – sa sinusugang batas noong una kay Konsehal Emer ay mayroong susog muli na hindi lang nagtitinda ang paparusahan pati na rin ang bumibili na may dalang plastic.

Gng. Loida Fulo-Benga’s Restaurant, yun bang galing sa Shoe Mart ay pwedeng gamitin?

Konsehal Emerito B. Gajitos – ang babanggitin ko ay ang ating ordinansa na ipinatutupad ngayon kung tutuusin ay bawal yan. Kumporme na lang sa may hawak ng plastic kung ano ang magiging dahilan niya, kapag binanggit ay galing sa Benga ay huhulihin yun.

Gng. Loida Fulo-Benga’s Restaurant, ay ano yung sinasabing recycle o re-use ay nandoon na yan kaysa naman itapon ko.

Konsehal Emerito B. Gajitos – sa ordinansa natin na ipinatutupad kahit recyclable re-use ay bawal ang plastic. Ang pwede lang ay packaging tulad ng plastic sa tinapay, yelo, ice candy. Huwag lang yung plastic ng yelo ang ilalagay ay ulam dahil hindi naman yelo ang nakalagay yun ang nasa ordinansa natin dati. Ngayon mababago nga ito kung ito ay mapagtitibay.

Gng. Loida Fulo-Benga’s Restaurant, sa halip na magamit namin yung sa SM na plastic ay itatapon na lamang namin.

Konsehal Emerito B. Gajitos – tamang pagtatapon, hindi itatapon sa ilog at sa bambang.

Gng. Loida Fulo-Benga’s Restaurant, 100 years din bago matunaw ang plastic.

Konsehal Emerito B. Gajitos – tama yun mapapansin ninyo ang SM ay hindi na masyadong gamit ang plastic, mga paper bag na ang ginagamit ngayon. Ang Jollibee may ilang plastic pa rin pero sumusunod na rin sila hindi na naglalagay sa styro, unti-unti yang gagawin. Kung pag-uusapan natin ay yung ordinansang ginawa dito sa ating bayan ay bawal yun.

Gng. Loida Fulo-Benga’s Restaurant, pati yung biodegradable na plastic?

Konsehal Emerito B. Gajitos – opo, kasi kahit sabihin natin na ang plastic ay nabubulok ay 100 years pa rin ang pag-uusapan diyan, lalong-lalo na ngayong wala tayong Landfill.

Konsehal Brigido R. Bagayana – siguro ang ibig sabihin ng ating mga kababayan halimbawa bumili sila sa SM at naka-plastic, iniuwi nila sa bahay at muli nilang ginamit ay yun ang tinatanong siguro nila kung pwede kaya yun?

Pag-aaralan din namin yung mabuti kung paano yun.

G. Rafael Puyod-Brgy. 7 – pagbati, laging umo-order sa amin si Ely Cagandahan ng 50 pirasong pritong hipon ay saan namin ibabalot dahil plastic ang ginagamit namin dahil ipinupunta sa Japan, ano ang sistema para doon?

Halimbawa galing akong Maynila at mayroon akong dalang plastic siguro naman kapag ginamit dito ay paano ba ang gagawin doon?

Konsehal Emerito B. Gajitos – doon sa ating batas ay dalawa ang klase ng plastic, ang bawal ay bagging, ang pwede ay packaging. Ang ibig sabihin ng packaging kung ang produkto ninyo ay kailangang i-preserved sa 1 plastic ay pwede yun katulad ng tinapay, tuyo at tinapa. Pero kung naka-package sa plastic at ilalagay pa sa plastic bag ay yun ang bawal kasi magiging bagging materials na ang plastic yun ang nakalagay sa batas na umiiral sa ngayon.

G. Victor Salceda-JJ Halo-Halo B-9, pagbati, yun bang plastic na baso yun ba ay bawal?

Konsehal Brigido R. Bagayana – sa ngayon ay hindi pa bawal. Pero sa tinatalakay natin ay plastic cups, plastic spoon at plastic fork, kaya nga inilalahad sa ating mga mamamayan ay para marinig ang kanilang mga opinyon.

G. Victor Salceda-JJ Halo-Halo B-9, halimbawa at may sabaw ang aming niluto saan pwedeng ilagay.

Konsehal Emerito B. Gajitos – hindi pwedeng yun, dahil may sabawa yun at hindi naman talaga katanggap-tanggap. Hindi tulad ng tinapay at tuyo na kailangan talagang ilagay sa plastic, pero kung yung ulam na may sabaw ay nakalagay sa plastic ay hindi packaging yun. Dahil ginamat mo lang ang plastic para mahawakan ang kahit anong ulam na may sabaw.

Gng. Elizabeth G. Calma-Jesca’s Fastfood, ipatutupad ng June 1, 2012 yung ordinansa sa basura ay nagbahay-bahay ang mga barangay at nagbigay ng pulyeto, flayers at garbage plastic ay plastic din diba. Kasi ang ating issue ay plastic ay yung ibinibigay nilang plastic ay mas malaki kaysa sa ibang ginagamit na plastic. Ang ibig kong sabihin ay wala bang ibang pwedeng paglagyan ng basura. Kasi ang 3 plastic na ibinibigay nila sa bahay ay plastic din at nakalagay sa ordinansa na sa unang pagkakataon ang barangay ang magpo-provide ng lalagyan ng basura na nabubulok at di-nabubulok. Sa ika-2 paggamit ay bahay na ang magpo-provide kapag nasira ang plastic, bibili rin kami ng plastic, plastic din.

Konsehal Emerito B. Gajitos – pwedeng plastic container ang gawing basurahan.

Gng. Elizabeth G. Calma-Jesca’s Fastfood, kung talagang ipagbabawal ang plastic ay ipagbawal na lahat. Kasi may conflict na bagay na lihis doon sa ipinatutupad natin kagaya sa sinabi ni G. Puyod na kapag siya ay naglagay sa dahon ng pritong hipon ay lumalambot dahil nagpapapwis. Pero kung titingnan natin sa plastic ng okoy at plastic ng yelo ay mas malaki ang garabage plastic ng okoy.

Kapag naipon din ang plastic na ginagamit natin sa basura ay plastic din matagal din. Siguro kung talagang ipagbabawal natin sa ngayon ang plastic ay ipagbawal na nating lahat. Kung may mga tindang plastic ang mga may tindahan ay samsamin natin. Kasi kapag ipipilit natin ang sistema na tulad sa asukal, tulingan, kapag naipon ay plastic din. Dahil sa totoo lang ay hindi natin mape-perfect ang sa basura.

Konsehal Emerito B. Gajitos – totoong plastic yun at gawa yun sa halaman, binigyan din kami pero ang ginagamit namin ay plastic container. Kasi hindi namin kontrolado ang Pamahalaang Bayan kung ano ang kanilang ibibigay sa mamamayan para masimulan ang paghihiwa-hiwalay ng basura. Ngayon sa tanong ninyo na kung bakit hindi ipagbawal na lahat. Ito nga ang purpose noong una, noong ilahad natin sa public hearing ay marami ang nagreklamo. Paano yung sa amin tulad sa tinapa, tuyo kaya nagkaroon muna kami ng pag-iisip na pwede na muna yung sa packaging ang ipagbawal na muna ay yung sa bagging para hindi naman tayo makasakal sa ating mga mamamayan. Kapag sinabi nating na ipagbawal lahat at hindi naman sang-ayon ang lahat ay hindi rina maipapatupad yun kaya tayo ay may public hearing. Tama may puntos si dating ABC Calma na bawal ang plastic pero ang ibinigay na basurahan ay plastic din.

G. Rafael Puyod-Brgy. 7 – kung dito sa bayan ng Paete ang lahat ng tao ay nagkakaisa at huwag tapon ng tapon kung saan-saan palagay ko ay gaganda ang bayan ng Paete.

Gng. Elizabeth G. Calma-Jesca’s Fastfood, noong kami ay nag-pusige na gumawa ng karton na lagayan ng basura ay hindi plastic ang ipimahagi namin. Kaya ako ay nagtaka kahapon. Sa ating mga nakakaintindi ay hindi natin gagamitin ang garbage plastic sa katunayan nga ay ako ay may hiwa-hiwalay talaga na lagayan ng basura. Sa hindi marunong makaintindi pagkatapos na gamitin nila ang plastic ay tiyak na bibili muli sila ng plastic kaya maiipon pa rin ang plastic. Kapag naipon yun ng naipon ay mas malalaki ay mas problema din diba. Dapat ay alisin na rin ang plastic.

Konsehal Emerito B. Gajitos – ipagbabawal din natin dito ang paggamit ng plastic na basurahan.

Gng. Loida Fulo-Benga’s Restaurant, paano yung pinaglagyan ng plastic ng pansit o gulay ay ginamit kong basurahan?

Halimbawa sa aming ay 1 plastic ng pansit ay yung sa miclo ng plastic halimbawa ay 15 paano yun?

Konsehal Emerito B. Gajitos – basahin ninyo ang ordinansa may nakalagay doon kung alin ang pwedeng i-packaged. Isang packaging at isang bagging, basahin ninyo sa ordinansa kung alin ang pwedeng i-packaged.

Konsehal Brigido R. Bagayana – hangga’t hindi napagtitibay ang Kodigo ay yun pa ring lumang ordinansa ang umiiral at ngayon kung walang kopya ng ordinansa sa plastic ay pwede kayong humingi sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para malinawan.

Konsehal Aurelio P. Paraiso – yung mga tinuran ng ating mga panauhin ay naka-record naman yan at aming pag-aaralan. Dito sa Kodigo ay marami ng nadagdag diyan. Tulad dito sa:

SEKSYON 33.Patakaran sa Paggamit ngPlastic, Plastic Cups, Plastic Spoon, Plastic Fork, at Styrofoam—Dito ay itinatakda ang mga regulasyon sa paggamit ng mga plastic bags, plastic cellophane, plastic cups, plastic spoon, plastic fork, at lahat ng uri ng Styrofoam.

ALITUNTUNIN II
PATAKARANG NAUUKOL SA PAGGAMIT NG PLASTIC AT STYROFOAM

PANGKAT 2.Ang lahat ng tao at establisimento na nakasaad sa Pangkat 1 at ang lahat ng mamimili ay pinagbabawalan na gumamit ng plastic bag o sando plastic bag, plastic cups, plastic spoon, plastic fork, at styrofoam bilang lalagyan ng kanilang mga produktong ipinagbili o binili. Hindi sakop ng kautusang ito ang mga plastic na gamit sa paggawa ng yelo, ice candy, original packaging material ng bakery products, noodles, at iba pang mga produkto na nakalagay sa original plastic packaging material na mula sa manufacturer, at styrofoam na ginagamit sa handicraft.

Gng. Elizabeth G. Calma-Jesca’s Fastfood, huwag na yung patakaran dahil nalilito ang mga tao.

Konsehal Brigido R. Bagayana – katulong namin si Judge Morga dito minsan ay hindi pa rin maiiwasan ang mali.

Gng. Elizabeth G. Calma-Jesca’s Fastfood, naisip ko na pwedeng gamitin dahil mayroong patakaran kaya ako umatend dito.

Konsehal Brigido R. Bagayana – matapos ang public hearing na ito at kayo ay may naisip pagdating ninyo sa bahay na tanong at paglilinaw ay pwedeng sumulat sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para maisama sa pagtatalakayan.

SEKSYON 34. Danger Zone – batas pambansa na rin at mga slope area sa kabundukan, sa tabi ng highway at sa lupang kanduli kaya ibinaba ng Punong Bayan sa mga Punong-Barangay at ibababa naman ng mga Punong-Barangay sa mga Kagawad na pumapasok sa kanilang mga Komitiba.
SEKSYON 35. Fish Sanctuary at Illegal Fishing – ito ay matagal na ring batas at bawal ang Illegal Fishing pati ang panghuhuli sa ilog na nilalagyan ng isda.
SEKSYON 41.Mga Umiiral na Kautusang Bayan na hindi nakasaad sa Kodigong ito.—Lahat ng umiiral na Kautusang Bayan na hindi nakasaad sa Kodigong ito ay may bisa at patuloy na ipatutupad.

Kabanata III
Pagkakabisa

SEKSYON 42.Pagkakabisa.—Ang Kodigong ito ay magkakabisa matapos mapagtibay at pagkatapos ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkalathala sa Pahayagang Bayan o alinmang pahayagan na may sirkulasyon sa lalawigan ng Laguna.

G. Rafael Puyod-Brgy. 7 – yang ordinansa sa plastic ay matagal na yan tulad sa Quezon bawal ang plastic.

Konsehal Emerito B. Gajitos – ang kaibahan ng Kodigong ito ay tayo nga ang kauna-unahan sa mga karatig bayan ang parusa dito ay hindi lang sa mga mamamayan kung hindi sa nagpapatupad ng batas. Maaaring maparusahan ang Punong-Bayan at mga Sangguniang Barangay.

Konsehal Brigido R. Bagayana – dito sa:

IKA-ANIM NA TITULO
Pabuya at Insentibo

SEKSYON 36.Pagpapalaganap ng Kaalaman Ukol sa, at Pagpapatupad ng Kodigong Ito.—Ang Tanggapang ng Punong Bayan ay magsasagawa ng programa upang malawakang maipatupad ang Kodigong ito at ang lahat ng Kautusang Bayan na dito ay bahagi, at upang gisingin at buksan ang kaisipan ng lahat ng mamamayan sa kahalagahan nito, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regular na talakayan sa mga barangay, paaralan, sa radio o paglalathala sa Pahayagang Bayan. Kaugnay dito, ang Pamahalaang Bayan ay maglalaan ng halagang hindi bababa sa Limang Daang Libong Piso (Php 500,000.00) upang epektibong maipalaganap at maipatupad ang Kodigong ito.

SEKSYON 37.Pabuya at Insentibo.—Magsasagawa rin ng programa ang Punong Bayan at maglalaan ng pondo ang Pamahalaang Bayan upang mabigyan ng pabuya at insentibo ang mga mamamayan, barangay, paaralan, samahan o grupo na naging masigasig sa pagpapatupad ng Kodigong ito at mga Kautusang Bayan na bahagi nito.

IKA-PITONG TITULO
Kaparusahan, Pagpapawalang-Bisa, Paghihiwalay at Pagkakabisa

Kabanata I
Kaparusahan
SEKSYON 38.Kaparusahan. –Ang sinumang tao na lumabag sa alinmang probisyon ng Kodigong ito ay papatawan ng kaparusahang –nakatakda sa bawat kautusang nakasaad sa itaas nito.

Ang sinumang Opisyal at Kawani na may katungkulang magpatupad ng Kautusang Bayan na nakasaad sa itaas nito na hindi tumupad ng kanilang tungkulin ay sasampahan ng kasong administratibo sa rekomendasyon ng Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan, sa nararapat na tanggapan ng Pamahalaan.

Kaugnay dito ay kinikilala at pinagtitibay ang Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan na binuo ng Punong- Bayan sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 67 Taong 2010.

Gng. Elizabeth G. Calma-Jesca’s Fastfood, pwede bang ilagay diyan na ipatupad ng mahigpit at hindi gagamit ng impluwensiya sa sinumang mga Opisyales upang malakad ito.

Konsehal Brigido R. Bagayana – dito sa penalty ang pinakamababa ay Php 500.00 to Php 1,500.00.

Muli maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Nang wala ng dapat talakayin pa ay itinindig ang pampublikong pagdinig ganap na ika-3:22 ng hapon.

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa katitikang ito.
May Lagda ang Orihinal
SHERYLL R. BALDEMOR
Nanuparang Kalihim

Inihanda ni:

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:


May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Mayo 25, 2012, Biyernes, ganap na ika-9:05 ng umaga ay nagkaroon ng pulong ng Committee of the Whole sa pamamagitan ng panalangin na pinamunuan ni Konsehal Ronaldo Z. Valdellon. Dumalo sina Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at LBP-Konsehal Hermie B. Bagongahasa.

Tinalakay ang nauukol sa:

PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSA NG “KODIGO NG ISANG MABUTI AT MATUWID NA PAMAMAHALA, MAGANDA, MAPAYAPA, MALINIS AT MAUNLAD NA PAMAYANANAN; MARANGAL, RESPONSIBLE AT MAKA-DIYOS NA MAMAMAYAN; MAY DISIPLINA AT MABUTING KABATAAN; AT MAAYOS NA UGNAYAN NG PAMAHALAAN AT LAHAT NG SEKTOR NG LIPUNAN; AT IBA PANG MAY KAUGNAYAN DITO.

- Nagkaroon na ng tatlong Public Hearing at tatlong Committee of the Whole. Sa mga naganap na Public Hearing sa SEKSYON 19. PAGBABAWAL NG PAGHUHUBAD, PAG-IHI AT PAGDUMI SA MGA HAYAG NA LUGAR – wala namang problema sa mga dumalo ukol dito.

SEKSYON 33. PATAKARAN SA PAGGAMIT NG PLASTIC, PLASTIC CUPS, PLASTIC SPOON, PLASTIC FORK AT STYROFOAM – marami ang nag-react sa huling Public Hearing.

- Kung magiging disiplinado lamang sa pagtatapon ng basura ang mga mamamayan dito sa Paete ay wala ng magiging problema
- Nakausap ng inyong lingkod si Pastora Vicky Cadawas ang sabi niya ay hindi pa niya alam ang nilalaman ng Kodigo ng Paete

- Sang-ayon kay Konsehal Ronaldo Z. Valdellon noong araw ay nagdadala ng lagayan ang mga bumibili at kaartihan na lang ngayon ng mga mamamayan, ang kailangan ay sariling disiplina. Ang Styrofoam na ginagamit sa handicraft ang mga basura na ay itinatapon ng maayos. Hindi tulad ng Styrofoam na ginagamit sa catering na makikita sa kanal at bambang. Hiniling na magpa-bandilyo

- Napuna ni Konsehal Emerito B. Gajitos na bago rin ang ordinansa sa Seksyon 27 ukol sa motorcycle at scooters at hiniling na ito’y pag-aralan din
- Sang-ayon kay LBP-Konsehal Hermie B. Bagongahasa ang ordinansa sa paghihiwalay ng basura ay ipatutupad na sa Hunyo 1, 2012

- Sang-ayon kay Konsehal Eriberto D. Pascual kaya minamadali siguro ni Mayor ay dahil nakalagay sa Kodigo na ang magpapatupad ay parurusahan

- Sang-ayon kay Konsehal Urbano R. Cadapan noong siya ay Kalihim pa sa Tanggapan ng Punong-Bayan ay mayroong plakang lata para sa bike

- Sang-ayon kay Konsehal Aurelio P. Paraiso at sa pagsang-ayon ni Konsehal Emerito B. Gajitos ay sulatan ang Kgg. Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona na magsasagawa pa ng tatlong Public Hearing, kung ang higit na dumalo ay hindi sang-ayon at sa pag-aaral at pagtatalakayan ng lupon na hindi na muna ipatupad ang ordinansa sa styrofoam, plastic cups, plastic pork at plastic spoon ay kakatigan pa rin ang ibang nilalaman sa Kodigo ng Paete
- Halimbawang ito ay talakayin na sa karaniwang pulong ng Sangguniang Bayan ang mga hindi dumadalo sa pulong ng Committee of the Whole at sa Public Hearing ay hindi maaaring magpahayag sa talakayan

- Napagkasunduan na magpatawag muli ng Public Hearing sa susunod na linggo.

Nang wala ng dapat pag-usapan pa ay itinindig ang pulong ng Committee of the Whole sa ganap na ika-9:50 ng umaga sa nasabi ring araw at petsa.

Inihanda ni:

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Jun 21, 2012 3:20 am    Post subject: PUBLIC HEARING-June 01, 2012 Reply with quote

ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal BRIGIDO R. BAGAYANA
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal

Para kay: KGG. ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan

Noong Hunyo 1, 2012, Biyernes, ganap na ika-1:45 ng hapon ay nagsagawa ng Public Hearing sa Victor Pagalanan Memorial Hall, Batasang Bayan, Gusaling Adeci, Paete, Laguna.

MGA DUMALO:
Kgg. Brigido R. Bagayana, Tagapangulo/Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, SKFP-Konsehal,
Kgg. Remedios Caidic, Kagawad B-1,
Kgg. Federico P. Pascasio, Kapitan B-2,
Kgg. Elmer Acala, Kagawad B-2,
Kgg. Antonio G. Navarro, Kagawad B-3,
Kgg. Emma C. Bunye, Kagawad B-3,
Kgg. Jennie D. Santos, Kagawad B-3,
Kgg. Benedicto Reyes, Kagawad B-4,
Kgg. Arsenia Salceda, Kagawad B-5,
Kgg. Obeth S. Afunggol, Kagawad B-5,
Kgg. Minerva V. Bocalan, Kagawad B-6,
Kgg. Antonio Cristobal, Kagawad B-6,
Kgg. Floserpida Bucayu, Kagawad B-7,
Kgg. Joseph Aquino, Kagawad B-7,
Kgg. Marylou L. Madridejos, Kagawad B-7,
Kgg. Juanita Acu, Kagawad B-8,
Kgg. Myrna L. Garcia, Kagawad B-9,
Kgg. Victoria B. Valdellon, Kagawad B-9,
Gng. Maxima M. Alvero, Kinatawan, IFI,
G. Moises Brosas, Kinatawan INC,
G. Bethsidito A. Castillo, PUNO,
G. Rolando N. Caiyod, FPTA,PUNO, LCHCDI.

Nagsimula ang pampublikong pagdinig sa ganap na ika-1:45 ng hapon sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Urbano R. Cadapan.

Paksaing Tatalakayin:

PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSA NG “KODIGO NG ISANG MABUTI AT MATUWID NA PAMAMAHALA, MAGANDA, MAPAYAPA, MALINIS AT MAUNLAD NA PAMAYANANAN; MARANGAL, RESPONSIBLE AT MAKA-DIYOS NA MAMAMAYAN; MAY DISIPLINA AT MABUTING KABATAAN; AT MAAYOS NA UGNAYAN NG PAMAHALAAN AT LAHAT NG SEKTOR NG LIPUNAN; AT IBA PANG MAY KAUGNAYAN DITO.

Konsehal Brigido R. Bagayana-Ang Kodigong ito ay binalangkas at pinag-aralan at si Judge Morga ang nagbalangkas nito at ng ito ay talakayin ay kasama na ang Punong-Bayan at ilang Miyembro ng Sangguniang Bayan at batid naman natin siguro na matagal na itong minimithi ng ating Punong-Bayan kung saan ay nagpalabas pa siya ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 67 t. 2010 ng responsable at mabuting mamamayan na ang kasapi ay ang mga sumusunod:

a. Tagapangulo – Punong-Bayan
b. Kalihim – Pinuno ng Tanggapan ng MSWD
c. Mga Kasapi – Municipal Civil Registrar Officer
Municipal Health Officer
Representative from the DOH
Sanggunian Chairman on Good Governance
Chief of Police
Association of Barangay Council President
District Supervisor of DEPED
Four (4) Guidance Councilors of Public School
Two (2) Representatives from Private School,
Three (3) Representatives from NGO’s
Representative form Iglesia Filipina Independiente Church (Aglipayan)
Representative from Roman Catholic Church
Representative from Association of Evangelical Churches of Paete
Chairman Senior Citizen’s Affair
Sangguniang Kabataan President
PTA Federation President

Binasa ni Konsehal Brigido R. Bagayana ang nilalaman ng nasabing kodigo:

KODIGO NG PAGIGING ISANG
RESPONSABLENG MAGULANG AT MAMAMAYAN
(KODIGO NG PAETE)

PASINAYA

Kaming mga mamamayan ng Bayan ng Paete, na humihingi ng gabay at pagpapala ng Panginoong Diyos, upang magkaroon ng isang pamayanang maunlad, mapayapa, at may pagmamahal sa Diyos sa bayan at sa kapwa, at upang maisiguro sa aming mga sarili na ito'y mananatili hanggang sa mga susunod na saling lahi at makamit ang pagpapala na bunga nito; ngayon ay nagpapahayag at nagpapatibay ng isang "KODIGO NG PAGIGING ISANG RESPONSABLENG MAGULANG AT MAMAMAYAN"

KASIHAN NAWA KAMI NG PANGINOONG DIYOS.
PAUNANG SALITA

Ang kakulangan ng disiplina, malubay na pagpapatupad ng batas at kawalan ng responsibilidad ng mga magulang at ng mga mamamayan sa pangkalahatan, ang siyang pangunahing dahilan sa mabagal na pagunlad ng isang pamayanan. Layunin ng KODIGONG ito na mabigyang diin ang pagkakaroon ng disiplina sa pamamagitan ng maigting na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at ordinasa, at maiukilkil sa kaisipan ng lahat ang kahalagahan ng pagiging isang responsableng mamamayan.

Layunin ng Kodigong ito na ituro sa mga mamamayan sa pamamagitan ng radio, pahayagang pambayan at mga talakayan sa bawat Barangay ang katungkulan at pananagutan ng isang mabuting mamamayan. Bukod sa tamang disiplina at kahalagahan ng pagsunod sa mga umiiral na batas, ay bibigyang diin ang responsibilidad ng mga magulang sa pagpapaaral ng kanilang mga anak; ang pagpapataas ng antas ng moralidad na magmumula sa pamilya; at ang tamang pagpaplano ng pamilya.

Ang kodigong Ito ay hindi permanente, bagkus ay maaaring baguhin sangayon sa hinihingi ng panahon.
May Lagda ang Orihinal
EMMANUEL B. CADAYONA
Punong– Bayan
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Kautusang Bayan Blg.____T. 2012
KODIGO NG PAETE
UNANG TITULO.— PAMAGAT, LAYUNIN AT SAKLAW NG PAGPAPAIRAL
SEKSYON 1. Maikling Pamagat........................................................ 1
SEKSYON 2. Pangkalahatang Layunin.............................................. 1
SEKSYON 3. Saklaw ng Pagpapairal................................................ 2
IKA-DALAWANG TITULO.— PAGPAPATALA NG LAHAT NG BATA NA ISINILANG SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA
SEKSYON 4. Pagpapatala ng Isinilang na Bata................................. 2
SEKSYON 5. Mga Nahuling Pagpapatala.......................................... 2
SEKSYON 6. Katungkulan ng mga Punong Barangay...................... 3
SEKSYON 7. Katungkulan ng Local Civil Registrar……………..... 3
IKA-TATLONG TITULO.— PAGPAPAARAL NG BATA
SEKSYON 8. Katungkulan ng mga Magulang, Tagapangalaga o Sinumang May Kustodiya ng Bata na nasa Edad ng Pag-aaral .................................................................... 3
SEKSYON 9. Katungkulan ng Tanggapan ng Municipal Social Welfare
and Development …………………………........................ 4
SEKSYON 9.Katungkulan ng Tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development...................................................................................... 4
SEKSYON 10. Katungkulan ng Local School Board...................... 5
IKA-APAT NA TITULO.— PAGPAPATAAS NG ANTAS NG MORALIDAD SA PAMAYANAN
SEKSYON 11. Layunin........................................................................ 5
SEKSYON 12. Pagtatalaga at Pagtatatag ng Moral
Development Council ............................................................ 5
SEKSYON 13. Katungkulan at Gawain ng Moral
Development Council ............................................................ 5
SEKSYON 14. Pamunuan at Kasapi ng Moral
Development Council............................................... 6
SEKSYON 15. Paglalaan ng Pondo..................................................... 7
IKA-LIMANG TITULO.— MGA KAUTUSANG BAYAN NA BINIBIGYANG-DIING MAIPATUPAD NG LAHAT NG
BINIGYAN NG KAPANGYARIHANG
MAGPATUPAD NG BATAS.
KABANATA I.—Kautusang Bayan Ukol sa Disiplina
Sa Pamilya at Lipunan
Una ay SEKSYON 16. Curfew –
ALITUNTUNIN III
MGA KAPARUSAHAN

PANGKAT 2. Ang sinumang tao na may hustong edad na makikita rin sa lansangan o anumang pampublikong lugar na may kahina-hinalang kilos sa mga dis-oras ng gabi o madaling araw, o gumagawa ng ingay o kaguluhan ay iimbitahan at ililiwat sa Tanggapan ng Pulisya. Kung ang kaguluhan o ingay ay labag sa alinmang batas o Katusang Bayan, ang nasabing tao ay papatawan ng kaparusahan sang-ayon sa itinatadhana dito.

PANGKAT 3. Ang mga taong may kapangyarihang magpatupad nito ay ang mga sumusunod: Kagawad ng Kuwerpo ng Pulisya, Bantay Bayan at Paete Anti-Crime Task Force (PACTAF) ay may karapatang magtanong at maglagak sa himpilan ng Kapulisan sa mga mahuhuli na lumalabag sa kautusang ito.

PANGKAT 5. Ang sinumang tao na mahuhuli sa unang pagkakataon ay dadalhin sa Himpilan ng Bantay Bayan na nakasasakop kung saan ang tao ay nahuli (curfew). Kung ang tao ay mahuhuli sa ibang barangay na hindi sila naninirahan o nanunuluyan ay ililiwat ng mga kinauukulan (Punong-Barangay, Kagawad ng Sangguniang Barangay, Bantay Bayan at PACTAF) sa Himpilan ng Bantay Bayan kung saang barangay sila naninirahan. Ang mga magulang o tagapag-alaga lamang ang tanging bibigyan ng karapatang makapaglabas matapos na mapadalhan o mabigyan ng abiso na nagsasaad ng pagkahuli sa kanilang anak sa pamamagitan ng personal na pagsundo sa kanila at matapos na mapangaralan ng kinauukulang may kapangyarihan.

PANGKAT 6. Ang sinumang tao na mahuli sa ikalawang pagkakataon (na-curfew) ay papatawan ng kaparusahang Community Service sang-ayon sa mapagkakasunduan ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at ng mga magulang.

PANGKAT 7. Ang sinumang tao na mahuli sa ikatlong pagkakataon (na-curfew) ay papatawan ng kaparusahang multang halagang Limang Daang Piso (Php 500.00) at community service batay sa napagkasunduan ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at ng mga magulang.

PANGKAT 8. Ang sinumang tao na mahuli sa ika-apat at susunod na pagkakataon (na-curfew) ay papatawan ng kaparusahang multang halagang Isang Libong Piso (Php 1,000.00) at community service batay din sa napagkasunduan ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at ng mga magulang.

SEKSYON 17.Iligal na sugal.—Mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng uri ng sugal na umaasa sa kapalaran at may salaping pinaglalabanan o nasasangkot (pusta) gayundin naman ang pagpapataya o tumaya sa nasabing mga sugal. Hindi sakop dito ang Small Town Lottery (STL) at Lotto na legal batay sa batas ng Republika ng Pilipinas.

PANGKAT 1.Kabilang sa mga ipinagbabawal na sugal ay ang mga sumusunod: jueteng, laban ng mga gagamba na may salaping sangkot, lahat ng uri ng laro sa baraha na may salaping nasasangkot, masiao o ending, color games, video karera, tupada, mahjong na sobra sa isang lamesa na may sangkot na salapi, kahit anong sports competition na may pustahang salapi, at paripa o mga laro na walang pahintulot mula sa Punong Bayan.

PANGKAT 2.Ang sinumang lumabag sa Kautusang ito ay paparusahan ng multang Limang Daang Piso (Php 500.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php1,500.00) o/at pagkabilanggo ng mula sampung (10) araw hanggang isang (1) buwan o parehong kaparusahan ayon sa itatakda ng hukuman.

SEKSYON 18.Ordinansa sa Pagbebenta ng Alak at Sigarilyo.—Dito ay itinatakda ang mga panuntunan hinggil sa pagbebenta ng alak at pag-inom nito, gaya ng mga sumusunod:

ALITUNTUNIN I
SAKOP, LIMITASYON AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA SALITA

PANGKAT 1.Pagpapakahulugan ng mga salita:

1.1 Alak – anumang inuming nakalalasing
1.2 Kabataan – mga mamamayan ng Paete na wala pa sa edad 18, may edad 17 taon pababa na maituturing na menor de edad
1.3 Tindahan – tutukoy sa anumang institusyon o lugar na nagbebenta ng alak katulad ng bahay-inuman, tindahan na nagbebenta ng alak at iba pang tulad nito, ang pagbebenta man ay tingi (retail) man o bulto (wholesale)
1.4 Tindera – sinumang tao na nagbibili ng alak, kabilang na ang may-ari, o sinumang tauhan ng tindahan
1.5 Pook-Paaralan - buong nasasakupan ng anumang paaralan kabilang na ang lugar na wala pa sa layong isandaang metro mula sa anumang institusyong pang-edukasyon o paaralan
1.6 Pagbebenta – pagtitinda o pagbibili ng alak, kabilang na rin ang pagpapainom ng alak sa mismong tindahan matapos na ito ay bilhin

ALITUNTUNIN II
PAGBEBENTA SA KABATAAN

PANGKAT 2.Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak at sigarilyo sa mga kabataan.

2.1Ang tindera ay nararapat na humingi ng katibayan tulad ng ID at/o sulat na mula sa magulang na siya ay inuutusang bumili ng alak at sigarilyo.

ALITUNTUNIN III
PAGBEBENTA NG ALAK AT SIGARILYO SA MGA POOK-PAARALAN

PANGKAT 3.Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak at sigarilyo sa lahat ng tindahan na nasasakupan ng pook-paaralan sa mga araw at oras na may pasok.

3.1Ang mga araw na may pasok ay ibabatay sa kalendaryong pampaaralan (school calendar) na ipinalalabas ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education/DEPED). Ang anumang pagbabago sa kalendaryong pampaaralan na ipatutupad ng DEPED ay siyang sinasang-ayunan ng batas na ito.

ALITUNTUNIN IV
KAPARUSAHAN
PANGKAT 4.Ang sinumang lumabag sa Kautusang ito ay paparusahan ng multang Limang Daang Piso (Php 500.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php1,500.00) o/at pagkabilanggo ng mula sampung (10) araw hanggang isang (1) buwan o parehong kaparusahan ayon sa itatakda ng hukuman.

SEKSYON 19.Pagbabawal sa paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na Lugar.—Mahigpit na ipinagbabawal sa mga mamamayan ang paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na lugar.
ALITUNTUNIN I
MGA KAHULUGAN

PANGKAT 1.Ang paghuhubad na isinasaad sa kautusang ito ay ang hindi pagsusuot ng damit pang-itaas at/o pang-ibaba.

PANGKAT 2.Ang hayag na lugar ay ang mga sumusunod:

Liwasang Bayan
Lansangan
Simbahan
Pook Paaralan
Pamilihang Bayan
Mga Establisyementong Pampubliko
at Pribado maliban sa mga Resort
Mga Parke
ALITUNTUNIN II
MGA KAPARUSAHAN

PANGKAT 3.Ang sinumang lumabag sa Kautusang ito ay paparusahan ng multang Limang Daang Piso (Php 500.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php1,500.00) o/at pagkabilanggo ng mula sampung (10) araw hanggang isang (1) buwan o parehong kaparusahan ayon sa itatakda ng hukuman.

SEKSYON 20. Vandalism – ng ay itinatandhana ang mga panuntunan ng pangangalaga at pagpapanatili ng kaayusan ng mga lugar, imprastraktura at mga gusali na pag-aari ng pamahalaang barangay, bayan, lalawigan at nasyonal, gayundin ang mga pribado at pampublikong pader, dingding, bakod, gusali at iba pang katulad nito.

ALITUNTUNIN I
SAKOP, LIMITASYON AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA SALITA

Ang pagpapakahulugan ng mga salita na babanggitin ng batas na ito ay batay ng nasasakupan ng isinasaad ng batas na ito. Ang paggamit ng mga salita ay nakatuon lamang ng sakop ng ordinansang ito.

1.1 Imprastraktura - tutukuyin nito ang lahat ng lugar, pook, gusali, imprastraktura tulad ng pook-pasyalan (parke), palikuran, basketball court, maging ang mga pader, bakod at iba pang istrakturang ipinagawa, binili o ipinatayo ng mga barangay at ng Pamahalaang Bayan, sakop din nito ang mga pribadong istraktura. Nasa ilalim nito ang lahat ng mga tiyak na pampublikong istraktura:

1.1.1 Mga Pampublikong Paaralan
1.1.2 Gusali ng Rural Health/ Puericulture Center
1.1.3 Pamilihang Bayan
1.1.4 Pambayang Katayan ng Hayop
1.1.5 Fast Food Center (Cads St., Brgy. 6 Ilaya del Norte)
1.1.6 Pambayang Tanghalan at Sentrong Pangkultura
1.1.7 Monumento ng mga Bayani
1.1.8 Monumento ng Pambayang Bayani
G. Mariano C. Madriñan
1.1.9 Wawa Park
1.1.10 Liwasang Bayan
1.1.11 Plaza Edesan
1.1.12 Tatlong Krus
1.1.13 Matabungcca Falls
1.1.14 Pambayan at Pribadong Libingan
1.1.15 Casile – Papatahan Feeder Road
1.1.16 Mga Deposito at mga Tubo ng Tubig Inumin
1.1.17 Lahat ng mga Istrakturang Pag-aari ng Alinmang Sangguniang Barangay

1.2 Pangangalaga – pagpapanatili ng kaayusan at maayos na kondisyon ng mga imprastraktura

ALITUNTUNIN II
MGA KAPARUSAHAN

PANGKAT 1.Ang sinumang lumabag ng Kautusang ito ay paparusahan ng multang Limang Daang Piso (Php 500.00) hanggang Isang Libo’t Limang Daang Piso (Php1,500.00) at/o pagkabilanggo ng mula sampung (10) araw hanggang isang (1) buwan o parehong kaparusahan ayon ng itatakda ng hukuman.

SEKSYON 21. Stray Dogs o mga galang aso. Ang nakasaad dito ay ang Sangguniang Barangay ay kailangan ang lahat ng may alagang aso ay may Colored Dog Tag, pangalan ng may-ari, nakarehistro, kailangang pabakunahan at kung sa iba pinabakunahan ay kinakailangang ipaalam sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor.

SEKSYON 22. Internet Café –
SEKSYON 23. Padaluyang Tubig –
SEKSYON 24. Sump Tank (Ipunan ng Tubig) –
SEKSYON 25. Parking –
SEKSYON 26. Pagtitinda ng Pagkain –
1.b. Para sa mga maglalako o ambulant vendor ng mga hilaw na isda at karne:
Sertipikasyon buhat sa Meat Inspector, Tanggapan ng Agrikultura na ang ititindang lahat ng uri ng hilaw na karne ay nagmula sa Pambayang Katayan ng Hayop. Ang nasabing sertipikasyon ay may bisa lamang na dalawampu’t apat (24) na oras simula nang ito’y maipagkaloob.
Barangay Clearance buhat sa kanilang lugar;
Sanitary Permit; at
Health Certificate ng nagtitinda.

1.c. Para sa mga maglalako o ambulant vendor ng iba pang uri ng pagkain:
Barangay Clearance buhat sa kanilang lugar;
Sanitary Permit; at Health Certificate ng nagtitinda.

1.d. Para sa mga manininda sa fast food lane (Daang Cads):
Lahat ng nakasaad sa itaas nito; at
Kaukulang butaw na itinakda ng Sangguniang Barangay Ilaya Del Norte.

SEKSYON 27. Patakaran sa paggamit ng tricycles, motorcycle, scooters, bisikleta, pedicabs at iba pang kauring sasakyan.

SEKSYON 28. Patakaran sa mga Junk Shop Owners at pangangalakal ng mga menor de edad –

SEKSYON 29. Alituntunin sa paggamit ng Aerator – sa mga nagtitinda ng isda sa palengke.

SEKSYON 30. Alituntunin sa mga Beerhouse/Videoke Bar at Iba Pang Bahay Inuman

SEKSYON 31. Pagbabawal sa pagputol ng anumang uri ng kahoy, kawayan at puno ng niyog at pagtatakda ng alituntunin ukol dito

SEKSYON 32. Basura –
Ito ang sinasabi namin na 2 sa bagong ordinansa.

SEKSYON 33. Patakaran sa Paggamit ngPlastic, Plastic Cups, Plastic Spoon, Plastic Fork, at Styrofoam.

SEKSYON 33. Patakaran sa Paggamit ngPlastic, Plastic Cups, Plastic Spoon, Plastic Fork, at Styrofoam - Dito ay itinatakda ang mga regulasyon sa paggamit ng mga plastic bags, plastic cellophane, plastic cups, plastic spoon, plastic fork, at lahat ng uri ng Styrofoam.

ALITUNTUNIN I
MGA SAKLAW

PANGKAT 1. Ang lahat ng tao na nagtitinda at nagmamay-ari ng mga establisimento tulad ng supermarkets, bakeries, palengke, groceries, tindahan, mga naglalako (ambulant vendors), tahian, handicraft stores, pansiteriya, kainan, catering services at iba pang kauri ng mga ito, at lahat ng mamimili ay sakop ng kautusang ito. Ang mga tao o establisimento na gumagamit ng styrofoam para sa handicraft ay hindi sakop nito.

ALITUNTUNIN II
PATAKARANG NAUUKOL SA PAGGAMIT NG PLASTIC AT STYROFOAM

PANGKAT 2. Ang lahat ng tao at establisimento na nakasaad sa Pangkat 1 at ang lahat ng mamimili ay pinagbabawalan na gumamit ng plastic bag o sando plastic bag, plastic cups, plastic spoon, plastic fork, at styrofoam bilang lalagyan ng kanilang mga produktong ipinagbili o binili. Hindi sakop ng kautusang ito ang mga plastic na gamit sa paggawa ng yelo, ice candy, original packaging material ng bakery products, noodles, at iba pang mga produkto na nakalagay sa original plastic packaging material na mula sa manufacturer, at styrofoam na ginagamit sa handicraft.

PANGKAT 3. Ang lahat ng establisimyento na nakasaad sa Pangkat 1 ay kinakailangang maglagay ng patantong nakasulat sa mga lugar na kanilang nasasakupan na madaling mabasa ng mga mamimili na nakasaad na pinagbabawal ang paggamit ng lahat ng uri ng mga plastic na nabanggit sa itaas nito.

ALITUNTUNIN III
MULTA AT KAPARUSAHAN

PANGKAT 4. Ang sinumang tao na lumabag ay papatawan ng mga kaparusahang tulad ng sumusunod:

UNANG PAGLABAG – Multang halagang Limang Daang Piso (Php500.00);

PANGALAWANG PAGLABAG – Multang halagang Isang Libo at Limang Daang Piso (Php1,500.00);

PANGATLONG PAGLABAG – Multang halagang Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php2,500.00) at/o pitong (7) araw na pagkakakulong. At maaari ding bawiin ng Punong Bayan ang pahintulot sa pagnenegosyo (mayor’s permit) o ipasara ang nasabing establisimento na lumabag sa kautusang nabanggit sa itaas.

SEKSYON 34. Danger Zone – batas pambansa na rin at mga slope area sa kabundukan, sa tabi ng highway at sa lupang kanduli kaya ibinaba ng Punong Bayan sa mga Punong-Barangay at ibababa naman ng mga Punong-Barangay sa mga Kagawad na pumapasok sa kanilang mga Komitiba.

SEKSYON 35. Fish Sanctuary at Illegal Fishing – ito ay matagal na ring batas at bawal ang Illegal Fishing pati ang panghuhuli sa ilog na nilalagyan ng isda.

SEKSYON 42. Pagkakabisa - Ang Kodigong ito ay magkakabisa matapos mapagtibay at pagkatapos ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkalathala sa Pahayagang Bayan o alinmang pahayagan na may sirkulasyon sa lalawigan ng Laguna.

Mga naging pahayag sa nasabing Pampublikong Pandinig:
- Tinalakay ang tungkol sa SEKSYON 16. Curfew- Ipinabatid ni Konsehal Brigido R. Bagayana na ito ay ordinansa ng paghihigpit sa mga taong wala pang 18 taong gulang na mga bata na mula ika-10:00 ng gabi hanggang ika-4:00 ng madaling araw. Nakasaad dito kapag sumapit ang ika-10:00 ay tutunog ang sirena sa Tanggapan ng Pulisya para ipaala-ala sa mga kabataan na kinakailangang magsi-uwi na.
Sa unang pagkakahuli sa mga batang na-curfew ay iturn-over ito sa barangay na nakasasakop at pasasabihan ang magulang o tagapangalaga at sila lamang ang pwedeng kumuha para kunin ang kanilang anak o inaalagaan para maiuwi sa kanilang bahay.
May exempted kapag may okasyon o basketball, kapag may pirma ng magulang na kinakailangang may gagawin/aasikasuhin at gayun din kung may permiso (permit) mula sa Tanggapan ng Punong-Bayan ay sila naman ay exempted. Ang sinusugan dito ay binago ang mga penalty.

Ipinabatid ni Kgg. Antonio G. Navarro-Kagawad B-3 –sa curfew na sinasabi ay kapag 3 beses na nahuli ang bata ang ginagawa namin ay ini-endorse sa magulang. Sa 3 pagkakahuli sa bata ay parang ganon din ang nagiging sistema. Binibigay sa magulang at ipinatatawag pero ang penalty ng bata o sa magulang mapunta ang penalty ay nais kong malaman para mabigyan ng leksyon ang bata at magulang sa kanyang nagawang kasalanang curfew sa 3 beses na pagkakahuli.

Nagkaroon ng talakayan sa nasabing usapin ng Curfew kung saan tinalakay ang mga parusang nasasaad sa nasabing Ordinansa. Alinsunod sa unang paglabag o pagkakahuli-ang mga magulang lamang ng bata ang maaaring sumundo sa kanilang anak matapos mapangaralan ng mga kinauukulan.

Nagkaroon ng katanungan kung sa nasabing Community Service ay kasama ang magulang sa magsasagawa ng Community Service dahil sa titulo ay nakalagay na responsableng magulang.
Batay sa umiiral na ordinansa, ang bata lamang na nahuling lumabag sa Ordinansa ng Curfew ang magsasagawa nito alinsunod sa napagkasunduan ng magulang at MSWD dahil sa ang kasalanan ng bata ay hindi maaaring ipasa o akuin ng magulang ngunit mayroong moral obligation ang magulang sa nagawang pagkukulang ng bata.

Ipinabatid din na kung sakali at ang bata ay mahuli sa ibang barangay o sa barangay na hindi niya tirahan, ang batang nahuli ay dadalhin sa barangay na nakakasakop sa kanilang tirahan upang doon sunduin ng kanilang magulang. Na ang isang bata ay hindi maaaring iditini sa Himpilan ng Pulisya dahil sa ito ay lalabag sa RA 9344 at ang mga itinalagang tao/samahan lamang ang maaaring manghuli ng mga batang lumabag sa nasabing ordinansa.

Mayroon ding naging paglilinaw tungkol sa usaping ilegal na sugal partikular na ang tong-its dahil ang 1 mesa sa mahjong ay pinahihintulutan pa. Sang-ayon sa umiiral na ordinansa kung mayroong pustahang pera, ito ang maituturing na sugal ngunit kung ito ay libangan lamang na walang pustahang pera ay hindi ito labag sa nasabing ordinansa.

Nagkaroon din ng katanungan kung ang ginagawang Raffle Draw ng mga Senior citizen ay kabilang sa sugal dahil sa ang mga papremyo ay nahingi lamang nila at parang katuwaan laman. Binigyang katugunan na ito ay hindi kabilang sa sugal kung walang perang involved.

Ipinabatid na sa nasabing kodigo ay mayroong bagong ordinansang kabilang dito, Sek. 19. Pagbabawal sa paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na Lugar, ito ang paghuhubad.

Ipinahayag na ang Sangguniang Bayan ang gumagawa ng batas at ang nag-iimplementa nito ay ang Punong-Bayan at mayroon ng umiiral na ordinansa sa tamang pananamit ng mga tricycle drivers.

Alinsunod sa SEKSYON 21. Stray Dogs o mga galang aso. Yung humihingi ng tulong sa Pamahalaang Bayan na nakagat ng aso ay sabi nga ni Mayor ay hindi bibigyan ng tulong. Dahil nakalagay sa ordinansang ito ang may-ari ng nakakagat na aso ang kinakailangan na mag-shoulder ng pagpapagamot. Pero may provision po yun kung yun namang may-ari ng aso ay naglagay ng Beware of Dog o Mag-ingat sa Aso at makulit yung tao lalo’t higit pumasok sa hindi magandang pamamaraan ay walang sagutin ang may bahay. Kapag magpapagala ng aso kailangang may tali. Kapag dumumi ay kailangang linisin ng may-ari.

SEKSYON 22. Internet Café - ito yung mga computer shop na kailangang hindi magpapasok ng mga estudyante lalo’t higit sa oras ng pasok. Bago mag-alas-10:00 ng gabi ay sasabihan na ang bata na umuwi na at bawal maglaro ng mga karahasan, yung mga bold, yung mga hindi magandang idudulot sa mga kabataan. Pero kung mayroon namang project at may sulat ang Teacher na kailangang mag-research ay pahihintulutan po yun.

SEKSYON 23. Padaluyang Tubig – ito ay matagal ng ordinansa kaya palagay ko ay alam na ng lahat na kinakailangang bago magkabit ng bagong linya ng tubig ay kailangang makipag-ugnayan muna sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig para makabitan. Kapag hindi ipinaabot na nagpakabit kayo, kapag nahuli kayo ay may kaparusahan at tatanggalin pa ang illegal connection.

SEKSYON 24. Sump Tank (Ipunan ng Tubig) – ito ay ordinansa na rin, sa lahat ng may metro ng tubig na ang layunin nito ay para maiwasan na masagkaan ang mga kalapit bahay. Dahil kapag may water pump ay nasasagkaan ang daloy ng tubig sa kalapit bahay. Ngayon ang layunin ng sump tank ay kinakailangang maglagay ng ipunan ng tubig ang may mga water pump na mga kabahayan at establisimyento.

SEKSYON 25. Parking – ito po yung batas sa mga motorsiklo, trisikulo, ang mga pumaparadang sasakyan, ang mga nagdi-diskargang sasakyan, narito pong lahat at yun multa ay narito. Yung mga himpilan at mayroong tinatawag na number coding na kapag hindi sinunod ay may kaparusahan. Lalo’t higit yung sa mga pasahe, kailangang alam ninyo yung sa pasahe, minsan bata ang sakay ang sinisingil ng driver ay sa matanda, pwede po yung ireklamo. Nakalagay po sa batas dito sa lahat ng oras may pasok man o wala ay iiral ang tamang pasahe Palagay ko naman ito ay alam n’yo na. Mahaba po ito kaya hindi ko na babasahin. Kung kayo ay may katanungan o suhestyon ay sumulat lamang sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan. At kung nais ninyo humingi ng kopya ay magpa-xerox lang kayo.

SEKSYON 26. Pagtitinda ng Pagkain – ito ay matagal na ring batas at alam na ito ng ating mga ka-barangay at ng ating mga kababayan. Unang-una nga po ay walang pahihintulutang magtinda ng mga pagkain na walang pahintulot mula sa Punong-Bayan lalo na ang mga kakanin. Kailangang may medical certificate at may pakikipag-ugnayan sa Rural Health Center. Kapag kumuha po ng permit ay doon ipapaliwanag. Kapag wala kayong permit ay pwedeng sabihin na kumuha kayo ng pahintulot.

SEKSYON 27. Patakaran sa paggamit ng tricycles, motorcycle, scooters, bisikleta, pedicabs at iba pang kauring sasakyan-Mayroon na pong batas tungkol sa bisikleta yun po ay kinakailangang magpa-rehistro sa Tanggapan ng Punong-Bayan at mayroong butaw at bibigyan naman ng sticker. Pero may nakita kami dito lalo’t higit si Konsehal Emer Gajitos tungkol sa mga motorsiklo na kailangang ding magpa-rehistro sa Tanggapan ng Punong-Bayan at mayroong butaw at bibigyan din ng sticker, pero ito ay pag-aaralan din namin kung naaayon sa batas sapagkat kumukuha na rin sa LTO ng permit. Pero alam naman natin na noong talakayin yun ay kailangang ipa-rehistro sa Tanggapan ng Punong-Bayan pero walang butaw.

SEKSYON 28. Patakaran sa mga Junk Shop Owners at pangangalakal ng mga menor de edad – alam naman natin na ito ay matagal na ring batas. Lahat ng may Junk Shop Owner ay kailangang kumuha ng permit sa Tanggapan ng Punong-Bayan. Nauuso ang mga nakawan dito sa ating bayan, ang mga bakal at ilang mahahalagang mga gamit, kapag nakita sa Junk Shop dapat po ay may sulat ang may-ari na pinahihintulutang ipagbili, dahil baka mamamaya ay binili lamang sa mga magnanakaw o mga nangangalakal. Baka mayroon sa inyong mga Junk Shop ay kailangang kumuha ng permit sa Munisipyo at kailangang sumunod sa tamang nilalaman ng ordinansa. At yung pangangalakal ng mga bata ay bawal po sa ordinansang ito at magtapon ng mga basura sa kadahilanang yun ay sa madumi at baka magkasakit, at kailangang pumapasok ang mga bata sa paaralan.

SEKSYON 29. Alituntunin sa paggamit ng Aerator – sa mga nagtitinda ng isda sa palengke.

SEKSYON 30. Alituntunin sa mga Beerhouse/Videoke Bar at Iba Pang Bahay Inuman – ito ay matagal na ring batas at ang nilalaman nito ay bago mag-operate ay kailangang may permit at kailangang may Security Guard at may nakatala sa pintuan kung ano ang mga dapat at kailangang huwag lalampas ng alas-12:00 ng hating-gabi at huwag masyadong maingay ang Videoke.

SEKSYON 31. Pagbabawal sa pagputol ng anumang uri ng kahoy, kawayan at puno ng niyog at pagtatakda ng alituntunin ukol dito – matagal na rin itong ordinansa kahit kayo ay may-ari ng kaingin ay kailangang makipag-ugnayan pa rin sa Pamahalaang Bayan para bigyan ng pahintulot paalala lang po yun.

SEKSYON 32. Basura – batid po nating lahat simula ngayong June 1, 2012 ay nagkaroon ng miting ang Punong-Bayan kasama ang mga Punong-Barangay at mga Eco-Aide para sa pagpapatupad nito. Bagamat hindi pa napagtitibay ang Kodigo ay mayroon namang batas na RA9003 na kung saan ay nakasaad po doon ang mga pinaiiral na batas at dati na ang mga batas na yun dito sa ating bayan. Kaya kahit hindi pa napagtitibay yun ay pwede ng ipatupad yun at kami nga po sa Barangay 9 Ibaba del Norte ay nagpatawag ng Consultation Meeting para ipaliwanag at paulit-ulit na Bandilyo at palagay ko ay 1 sa suliranin ng mga barangay ang mga mahuhuling magtatapon. May Tapat Mo Linis Mo ay gusto pa ng iba ay ipalinis sa barangay na komo may tagalinis na ang barangay ay akala ay sila na ang magllinis ng lahat. Kaya ang sabi nga namin ay ipa-bando at sabihin na may ordinansa na Tapat Mo Linis Mo.Yun po ay nakasalalay sa mga barangay.

SEKSYON 33. Patakaran sa Paggamit ngPlastic, Plastic Cups, Plastic Spoon, Plastic Fork, at Styrofoam. Ang umiiral na ordinansa ay tungkol sa plastic, ito ang isa sa bagong ordinansa na nakasaad sa kodigo, ang tungkol sa Plastic Cups, Plastic Spoon, Plastic Fork at Styrofoam.

Nagkaroon ng talakayan kung saan hiningi ang mga opinyon ng mga dumalo at naipabatid sa mga dumalo na ang Paete ang pinagmulan ng ordinansang ito ng Kalayaan at Nueva Ecija subalit naiwanan pa ang ating bayan sa pagpapatupad nito. Ang biodegradable plastic ay ipinagbawal din sa susog sa ordinansa ng plastik dahil batay sa rekomendasyon ng DOST ay 50 taon din bago mabulok kaya ang nasabing ordinansa ay sinusugan.
Ang pagpapatigil ng produksiyon ng plastik ay hindi maaaring ipagbawal ng Sangguniang Bayan dahil sa mayroong free enterprise at kinakailangang ang national law ang magpatigil nito.
Noong nakaraang public hearing ay mayroong naging kahilingan ang mga nagtitinda na kung sakali at ipapatupad na ang ordinansang ito ay bigyan sila ng palugit na 90 araw upang maubos ang kanilang stocks sa tindahan dahil ang nasabing ordinansa ay lubhang makakaapekto sa ating mga kababayan na nasa ganitong hanap-buhay.

SEKSYON 34. Danger Zone – batas pambansa na rin at mga slope area sa kabundukan, sa tabi ng highway at sa lupang kanduli kaya ibinaba ng Punong Bayan sa mga Punong-Barangay at ibababa naman ng mga Punong-Barangay sa mga Kagawad na pumapasok sa kanilang mga Komitiba.

SEKSYON 35. Fish Sanctuary at Illegal Fishing – ito ay matagal na ring batas at bawal ang Illegal Fishing pati ang panghuhuli sa ilog na nilalagyan ng semilya ng isda.

Ipinahayag ni Konsehal Urbano R. Cadapan na sa mga inilahad sa nasabing kodigo ay almost all ay existing ordinance na, mayroon lamang susog sa multa at kaparusahan. Mahalagang-mahalaga ang inyong mga inputs na ibibigay sapagkat yun ang makatutulong sa pagbabalangkas namin. Inuulit ko draft pa lang ang inilahad namin at yun ay pagtatalakayan pa ng Sangguniang Bayan base sa inyong mga sinabi at mga inputs ay yun ang konsiderasyon kung paano mabubuo. Tulad ng sinabi ng Tagapangulo kung mayroon kayong maisip ay ipadala lamang dito sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan ang komento ninyo, suhestyon at nais na iparating ninyo sa aming at yun ay gagamitin namin sa deliberasyon. Para ang inilahad sa inyo ay mabuo na para sa layuning maunlad at mapayapang bayan ng Paete.

Ipinahayag ni Konsehal Emerito B. Gajitos – Tulad ng sinabi ng Tagpangulo na bakit pa tayo gumagawa ng ganitong Kodigo ay may mga ordinansa na naman tayong umiiral. Ito po ay halos 100 mahigit na ordinansa na pinagsama-sama lang ng sa gayon po ay magkaroon tayo ng basehan at isang buklatan lang para malaman natin ang mga umiiral na batas sa atin tungkol sa disiplina at pagpapatupad ng maayos sa ordinansa. Kung mapapansin ninyo simula pagsilang ng bata hanggang sa pagpapatala at pagpapaaral sa mga bata ng mga magulang ay may kaparusahan po kapag hindi tumupad ang mga magulang. Dito sa pagpapatala ng isinilang na bata, kung hindi tumupad dito ang mga magulang ay hindi makahihingi ng tulong pinansiyal sa Pamahalaang Bayan at sa Probinsiyal. Although sa National Law kapag hindi pina-rehistro ang bata ay pwede kayong idemanda ng inyong mga anak kapag napatunayan na hindi kayo inirehistro ng mga magulang kaya ngayon po ay nandito na sa Kodigo ng Paete. Isa pa po dito sa ang sinumang Opisyal at Kawani na may katungkulang magpatupad ng Kautusang Bayan na nakasaad sa itaas nito na hindi tumupad ng kanilang tungkulin ay sasampahan ng kasong administratibo sa rekomendasyon ng Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan, sa nararapat na tanggapan ng Pamahalaan.

Ipinahayag ni Konsehal Eriberto D. Pascual – Katulad po ng sinabi ng mga kasamahan ko na ito ay kailangang maipatupad na dahil kami ay talagang kinakalampag na ng ating Punong-Bayan at medyo matagal-tagal na daw po at kailangan na ang pagpapatibay. Sang-ayon po kay Judge Morga ito ay parang isang Bibliya ng ating bayan dahil tayo pa lang yata ang may ganitong Kodigo sa halos lahat ng bayan kaya sana po ay kung kayo ay may mga suhestyon o input ay pakisabi lang po para mapagbatayan namin.

Ipinahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana-Tagapangulo – hindi pa naman ito napakatagal na noong Marso lang po natanggap ng Sangguniang Bayan. Ito po ay existing ordinance na at 18 po dito ay dati na at pwedeng ipatupad na ito maliban lang doon sa dalawa. Kaya sana ay maunawaan po na hindi kami sa Sangguniang Bayan nagkukulang at ito po ay para sa kaalaman at pag-aaralan ng mga mamamayan. May sabi na bakit hindi pa mapagtibay para maipatupad ay pwede naman itong ipatupad dahil may existing ordinance.

Ipinahayag ni Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa – Siguro po ay nasabi na ng iba nating mga Konsehal. Doon lang po sa sinasabi na bakit hindi kasama sa mapaparusahan ang mga Konsehal. Dahil ang Konsehal po ay sa paggagawa ng batas. Kung sakali po na may 1 bahagi man lang ng ordinansang ito ang lumabag sa karapatang pantao ay lumalabag sa Batas Nasyonal at sa mas mataas na umiiral na Batas Pambansa ay pananagutan po ng lahat ng Konsehal. At yung binanggit po kanina ni Konsehal Bagayana kung bakit po napakaraming pagpupulong na ginagawa ang Sangguniang Bayan bago po pagtibayin ang ordinansang. Unang-una ito ay isa sa komprehensibong batas. Katulad po ng sinabi kanina ni Konsehal Gajitos 100 ordinansa ito na pinagsama-sama dahil may ordinansa na sinusugan na, mayroon ng pumalit. Sa ngayon po ay iniayos natin alinsabay sa kasalukuyang sitwasyon may mga kaunti lamang ini-adjust doon na nga po pumapasok yung responsibilidad ng Sangguniang Bayan at ng bawat isang Konsehal lalo’t higit ng Tagapangulo na maging maingat po sa paggawa ng batas upang tiyakin na yung batas ay hindi basta-basta batas lang at kayo naman po na magpapatupad ng batas. Kung kami lang po ang gagawa ng batas ay pwede naming gawin sa pinakamaayos na batas binibigyan din po namin ng konsiderasyon kung paano ang magpapatupad ng batas.

Ipinahayag ni Konsehal Aurelio P. Paraiso – sabi ninyo ay dalawa pang public hearing bago tayo magkaroon ng kokus at ang lahat ng kanilang komento, reaksyon, suhestyon at paglilinaw ay lahat po yan ay nakatala at yun ay masusing pag-aaralan ng Konseho at subject pa po ito sa pagbabago. Lahat po ng sinabi ninyo kanina ay nakatala po yun at yun po ay masusi naming pag-aaralan kung yun pong mga Seksyon at Pangkatin doon ay mayroon pa pong pagbabagong isasagawa bago po namin pagtibayin bagamat pinagmamadali na kami ng ating Punong-Bayan ay hindi naman po nagpapabaya ang aming Tagapangulo at bumubuo ng Sangguniang Bayan ay patuloy po ang pampublikong pagdinig para po maiayos at mapag-aralang mabuti. Makuha lahat sa kanila ang mga input at reaksyon para aming mapag-aralan at magkakaroon kami ng hindi lang 1 beses na kokus para mapag-aralan ang kanilang mga ipinapahayag.

Ipinahayag ni SKFP-Konsehal Lyeka May S. Sadsad – Ang masasabi ko po ay importante po ang inyong mga suhestyon sa ganitong public hearing dahil ang bawat suhestyon ay nalalaman ng bawat Sangguniang Bayan para sa maayos na pagpapatupad.

Ipinahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana-Tagapangulo – nakalagay dito sa SEKSYON 41. Mga Umiiral na Kautusang Bayan na hindi nakasaad sa Kodigong ito — Lahat ng umiiral na Kautusang Bayan na hindi nakasaad sa Kodigong ito ay may bisa at patuloy na ipatutupad.

SEKSYON 42. Pagkakabisa - Ang Kodigong ito ay magkakabisa matapos mapagtibay at pagkatapos ng tatlumpung (30) araw mula sa pagkalathala sa Pahayagang Bayan o alinmang pahayagan na may sirkulasyon sa lalawigan ng Laguna.

Ipinahayag ni Konsehal Brigido R. Bagayana na kaya hindi po lahat ng nakasaad dito ay yun na yun at sa last public hearing namin ay magkakaroon kami ng kokus. Doon sa public hearing ay nagkakaroon kami ng meeting ng Committee of the Whole para talakayin ang mga nakuhang inputs at question sa public hearing at ito ay isasama sa pag-aaral. Mayroon pa po bang nais magpahayag sa ating mga panauhin, kung wala na po muli po ang taos puso naming pasasalamat sa inyo at huwag kayong madadala kapag naipatawag muli kayo. Nakakalungkot nga po minsan ipinatawag ang mga may-ari ng bakery ay kahit isa ay walang pumunta. Mga nagtitinda ng kakanin, may-ari ng Restaurant, ang dumalo lang ay may-ari ng Benga at may-ari ng J & J’s Halo-Halo. Ang gusto namin ay maiparating sa bawat sektor. Maraming salamat po muli sa inyong lahat.

Nagkaroon ng mga mungkahi:
-Kinakailangang magkaroon ng detention center ng mga batang nacurfew upang huwag magkaroon ng paglabag sa RA 9344 sa pamamahala ng MSWD;
- SEKSYON 19.Pagbabawal sa paghuhubad, pag-ihi at pagdumi sa mga hayag na Lugar.—Ipinahayag na sana ay ipatupad ito dahil sa mayroong nakikitang tricycle driver na nakahubad.
- Pakidagdag Sa sek. 20-Vandalism - sa 1.1.15 Casile – Papatahan Feeder Road ang Lansangang Bukid at Lansangang Bayan. Kaya po ginawa ang ordinansang yan ay nasisira ang ating Lansangang Bukid at Lansangang Bayan dahil sa mga nagpuputol ng troso at ibinababa papuntang bayan.
Pakisama din po yung pader ng simbahan/ pook simbahan o dalanginan at pader ng mga pribadong bahay ay pakisama.

Nang wala ng dapat talakayin pa ay itinindig ang pampublikong pagdinig ganap na ika-3:55 ng hapon sa pamamagitan ng panalangin ni Konsehal Emerito B. Gajitos.

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa katitikang ito.

May Lagda ang Orihinal
SHERYLL R. BALDEMOR
Nanuparang Kalihim
Inihanda ni:

May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Tagapangulo
Lupon sa Ordinansa at Usaping Legal
Lupon sa Pampublikong Kagamitan at Pasilidad


Sinang-ayunan nina:

May Lagda ang Orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal

May Lagda ang Orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group