PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA RESOLUSYON PARA SA TAONG 2012 NG KGG. SB NG PAETE, LAG.

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Aug 02, 2012 9:21 pm    Post subject: MGA RESOLUSYON PARA SA TAONG 2012 NG KGG. SB NG PAETE, LAG. Reply with quote

Sa mga kinauukulan,

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman ang mga pinagtibay na Resolusyon/Ordinansa ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna para sa taong 2012.

Para po sa inyong kabatiran.

ENERO, 2012

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 ENERO, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,

HINDI DUMALO:
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP/On Leave

RESOLUSYON BLG. 001 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 87 T. 2011-KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP NA PAGPAPANIBAGONG TATAG NG PERFORMANCE EVALUATION REVIEW COMMITTEE (PERC) NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang ating Punong Bayan na si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, ay nagsagawa at nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87, taong 2011 na may petsang Disyembre 09, 2011;

SAPAGKAT, ang pagpapanibagong tatag ng Performance Evaluation Review Committee (PERC) ng Pamahalaang Bayan ay alinsunod sa itinatadhana ng MC 13 s. 1999 ng Tanggapan ng Komisyon ng Serbisyo Sibil;

SAPAGKAT, ang Performance Evaluation Review Committee (PERC) ay bubuuin ng mga sumusunod:
Tagapangulo - G. RONALD B. COSICO, Municipal Administrator
Kasapi - ENGR. NOEL T. VIRAY, Municipal Engineer
- NENITA B. GAJITOS, MCR
- GNG. BEATRIZ C. CAINTO, HRMO
- GNG. VIVIAN SANCHEZ, 2nd level

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang ito ang nasabing Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87 taong 2011.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 87 t. 2011 – Kautusang Pagpapanibagong tatag ng “Performance Evaluation Review Committee (PERC) ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 03 Enero, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 ENERO, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,

HINDI DUMALO:
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP/On Leave.

RESOLUSYON BLG. 002 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE,LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT) SA PAGITAN NG DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) AT NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA HINGGIL SA “DATA SHARING OF NATIONAL HOUSEHOLD TARGETING SYSTEM FOR POVERTY REDUCTION”.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na may petsa Disyemre 15, 2011 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-15 ng Disyembre, 2011 kung saan hinihiling ng Punong-Bayan sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan siya ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batid natin na ang “Data Sharing of National Household Targeting System for Poverty Reduction” ay isang programa na makatutulong upang magkaroon ng pagbabatayan ng mga karapat-dapat na mapagkalooban ng tulong na ating mga kababayan;

SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa nasabing programa ay lubhang makatutulong sa ating Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, bilang ama ng ating Pamahalaang Bayan, si Kgg. Emmanuel B. Cadayona ang tumatayong kinatawan ng ating bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna hinggil sa “Data Sharing of National Household Targeting System for Poverty Reduction”.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 03 Enero, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 ENERO, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,

HINDI DUMALO:
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP/On Leave.


RESOLUSYON BLG. 003 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN KAY KGG. EMMELINE Y. AGLIPAY, KINATAWAN NG DIWA PARTY LIST, MABABANG KAPULUNGAN, NA MAPAGKALOOBAN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NG TULONG PINANSIYAL UPANG MAGAMIT SA PAGTATAYO (CONSTRUCTION) NG BAGONG GUSALI NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang gusali ng Pamahalaang Bayan ay mayroon nang kalumaan na itinayo noong taong 1950 sa ilalim ng panunungkulan ni Punong-Bayan Manuel Navarro Agbada, Sr.;

SAPAGKAT, kulang na ang espasyo at may kasikipan ang mga tanggapan kaya hindi na matugunan ang pangangailangan sa pagbibigay ng isang maayos at komportableng serbisyo para sa mga mamamayang dumudulog sa Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, sa kasalukuyan ay dumarami na ang mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Bayan kung kaya’t kinakailangan nang mapalawak ang kinikilusan nilang mga tanggapan;

SAPAGKAT, ang bayan ng Paete, Laguna ay iprinoklama bilang “Carving Capital of the Philippines” alinsunod sa Presidential Proclamation No. 809 at isa sa mga kilalang destinasyong lugar ng mga bumibisita sa lalawigan ng Laguna, lokal man o dayuhang turista, kaya marapat lamang na maging kaaya-aya ang gusali ng Pamahalaang Bayan o munisipyo;

SAPAGKAT, ang bayan ng Paete, Laguna ay nabibilang sa “4th class Municipality” kaya walang sapat na pondong mailalaan para rito;

SAPAGKAT, batid ng Sangguniang ito na si Kgg. Emmeline Y. Aglipay, Kinatawan ng Diwa Party List, Mababang Kapulungan, ay mayroong ginintuang puso at handang tumugon sa mga pangangailangan ng mga lumalapit sa kanyang butihing tanggapan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon ay hinihilinga kay Kgg. Emmeline Y. Aglipay, Kinatawan ng Diwa Party List, Mababang Kapulungan, na mapagkalooban ang pamahalaang bayan ng Paete, Laguna ng tulong pinansiyal upang magamit sa pagtatayo (construction) ng bagong gusali ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 03 Enero, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 09 ENERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP,

HINDI DUMALO:
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal, On Leave,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 004 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG MGA ALITUNTUNIN SA PAGSASAGAWA NG PAGTATAAS NG WATAWAT (FLAG CEREMONY) AT MORAL RECOVERY SESSION NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA, KASAMA NA ANG PAGPATAW NG MULTA AT KAPARUSAHAN DITO.

_____________________________________________________

MAY AKDA: KONSEHAL EMERITO B. GAJITOS
_____________________________________________________

SAPAGKAT, ang pagsasagawa ng “flag ceremony” tuwing araw ng Lunes ay isang programa ng bawat ahensya ng pamahalaan lokal man o nasyonal upang maipamalas ng mga halal na opisyales, mga pinuno ng tanggapan at mga kawani ng pamahalaan ang pagmamahal sa bansa na sinasagisag ng ating watawat kasama na ang mga panunumpa upang maging isang tunay na makabayan at lingkod bayan;

SAPAGKAT, alinsunod sa Memorandum Blg. 933-124 ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal na nagsasaad ng pagtatatag ng Moral Recovery Council sa bawa’t bayan na nasasakupan ng bansang ito;

SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng “moral recovery program” na ginagawa isang beses sa isang Linggo ay mahalaga upang patuloy na mapalago ang ating pananampalataya sa ating Lumikha at maisabuhay ang mga aral na ito para sa paglilingkuran ng bawa’t pinuno at kawani sa pamahalaan;

SAPAGKAT, ang mga programang pagtataas ng watawat at “moral recovery session” tuwing araw ng Lunes ay mahalagang daluhan ng lahat ng kinauukulan upang maipakita sa bawa’t isang naglilingkuran ang disiplina ng tunay na lingkod bayan at bilang mga kawani ng pamahalaan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan ni Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Ordinansang nagtatakda ng mga Alituntunin sa Pagsasagawa ng Pagtataas ng Watawat (Flag Ceremony) at Moral Recovery Session ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna, kasama ang pagpataw ng multa at kaparusahan sa hindi pagdalo dito.

INIATAS na padalhan ng sipi ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at patnubay.

ORDINANSA BLG. 2012-306

ORDINANSANG NAGTATAKDA NG MGA ALITUNTUNIN SA PAGSASAGAWA NG PAGTATAAS NG WATAWAT (FLAG CEREMONY) AT MORAL RECOVERY SESSION NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA, KASAMA NA ANG PAGPATAW NG MULTA AT KAPARUSAHAN SA HINDI PAGDALO DITO.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang lahat ng pinuno (Punong-Bayan at Sangguniang Bayan), mga Pinunong Tanggapan, mga kawani ng Pamahalaang Bayan (Lokal, Probinsyal at Nasyonal) at mga Punong-Barangay ng Paete, Laguna ay inaatasang dumalo sa pang-umagang gawain ng Pamahalaang Bayan tuwing araw ng Lunes, ang Pagtataas ng Watawat at Moral Recovery Session.

PANGKAT 2. Ang sinumang lumabag sa ordinansang ito ay papatawan ng multa at kaparusahang tulad ng mga sumusunod;
2.a. Seremonya sa pagtataas ng Watawat- multang Php. 100.00 sa bawa’t pagliban.
2.b. Moral Recovery Session – multang Php. 100.00 sa bawa’t pagliban.
2.c. At kaparusahan tulad ng mga sumusunod:
2.c.a. Pagliban ng 4 na sunod- sunod (4 consecutive times) sa programang pagtataas ng watawat ay papatawan ng “suspension” na hindi hihigit sa tatlumpung araw ( 30 days) nguni’t kinakailangang dumaan sa tamang proseso (due process) na naaayon sa mga umiiral na batas at alituntunin.
2.c.b. Pagliban ng 4 na sunod- sunod (4 consecutive times) sa moral recovery session ay papatawan ng “suspension” na hindi hihigit sa tatlumpung araw ( 30 days) nguni’t kinakailangang dumaan sa tamang proseso (due process) na naaayon sa mga umiiral na batas at alituntunin.

PANGKAT 3. Sa pagkakataon na ang pagliban ng sinumang kinauukulan ay may sapat na kadahilanan gaya ng pagkakasakit o opisyal na lakad o gawain at iba pa na ang pagbabatayan ay ang isusumiting mga dokumento na magpapatunay sa dahilan ng pagliban ay hindi papatawan ng multa at kaparusahan na nakasaad sa Pangkat 2 a, b at c.

PANGKAT 4. Ang multang maiilak ay gagamitin para sa mga gastusin sa espesyal na aktibidades (special activities) ng mga Pinuno at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

PANGKAT 5. Ang Punong Bayan ay magtatalaga ng tao o mga tao na maniningil ng multa at magtatala sa mga dumalo at di dumalo sa nakasaad sa Pangkat 1.

PANGKAT 6. Sugnay sa Paghihiwalay. Kung alinman sa tadhana o bahagi ng ordinansang ito ay ipinalalagay na labag sa batas, ang ibang pangkatin o bahagi ay mananatiling may bisa.

PANGKAT 7. Ang anumang naunang ordinansa, kautusan o resolusyon na pambayan na nauukol dito ay binabago at pinawawalang bisa ng ordinansang ito.


PINAGTIBAY: 09 Enero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 16 ENERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 005 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGHIRANG KAY KGG. MARIANITO S. SASONDONCILLO, SENIOR DEPUTY PROSECUTOR BILANG KINATAWAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA SA USAPIN NG PAGPAPATITULO NG LUPA (JUDICIAL TITLE) SA ISANG LAGAY NA LUPA NA MAY KABUUANG SUKAT NA 3 EKTARYA NA MATATAGPUAN SA SITIO MACUMBO, BARANGAY QUINALE (4), PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, may sulat kahilingan na natanggap ang Sangguniang Bayan mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan na may petsa Enero 09, 2012 na natanggap noong ika-09 ng Enero, 2012;

SAPAGKAT, mayroong ipinagkaloob na lupa si G. Alberto D. Lina sa Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, mayroong inihaing usaping legal ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna sa pagpapatitulo ng lupa (Judicial title) at kinakailangang magkaroon ng isang Manananggol na hahawak dito upang maipagtanggol ang ating panig;

SAPAGKAT, ang agarang paghirang kay Kgg. Marianito S. Sasondoncillo, Senior Deputy Prosecutor bilang Kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ay nararapat na isagawa agad upang matugunan ang nasabing pangangailangan;

SAPAGKAT, hangad ng Sangguniang ito na magkaroon ng isang positibong resulta ang tungkol sa usaping ito.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Paghirang kay KGG. MARIANITO S. SASONDONCILLO, Senior Deputy Prosecutor bilang Kinatawan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna sa usapin ng pagpapatitulo ng lupa (judicial title) sa isang lagay na lupa na may kabuuang sukat na 3 ektarya na matatagpuan sa Sitio Macumbo, Barangay Quinale (4), Paete, Laguna.

PINAGTIBAY: 16 Enero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 16 ENERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 006 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA TAUNANG GUGULIN NG SANGGUNIANG BARANGAY 3 ERMITA, PAETE, LAGUNA NA SUMASAKLAW MULA ENERO 1, 2012 HANGGANG DISYEMBRE 31, 2012 NA NAGKAKAHALAGA NG ISANG MILYON, ANIMNAPU’T TATLONG LIBO, DALAWANG DAAN AT ANIMNAPU’T ANIM NA PISO (PHP 1,063,266.00) AT MGA PAGLALAAN NG IBA’T-IBANG PROGRAMA NG BARANGAY.

SAPAGKAT, noong ika-14 ng Disyembre, 2011 ay isinumite ng Local Finance Committee ang Taunang Badyet ng Sangguniang Barangay 3 Ermita ng Paete, Laguna sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 333 ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na nagsasaad na ang Badyet na pinagtibay ng Sangguniang Barangay ay kinakailangang isumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagpapatibay;

SAPAGKAT, noong ika- 11 ng Enero, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi ng Sangguniang Bayan kung saan inaanyayahan sa pagpupulong ang Punong-Barangay, Kagawad na Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi at Ingat-Yaman ng Sangguniang Barangay 3 Ermita ng Paete, Laguna upang makapanayam tungkol sa pinagtibay na Taunang Badyet para sa taong 2012;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang Bayan ang Taunang Badyet para sa Taong 2012 ng Sangguniang Barangay 3 Ermita ng Paete, Laguna na gaya ng mga sumusunod:

1. Barangay 3 Ermita. Ordinansang Paglalaan Blg. 3, Resolusyon Blg. 12 T.- 2011, na pinagtibay noong ika-05 ng Oktubre, 2011 na tinanggap noong ika-14 ng Disyembre, 2011 Taunang Gugulin para sa taong 2012, na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, ANIMNAPU’T TATLONG LIBO, DALAWANG DAAN AT ANIMNAPU’T ANIM NA PISO (PHP 1,063,266.00).

2. Barangay 3 Ermita. Resolusyon Blg. 14 T. 2011-Resolusyong pinagtitibay ng Sangguniang Barangay Ermita ang binalangkas na programa at Paglalaan sa 5% pondo ng Risk Reduction Management ng Barangay Ermita, Paete, Laguna para sa panunurang taong 2012 na nagkakahalaga ng LIMAMPU’T TATLONG LIBO, ISANG DAAN ANIMANPU’T TATLONG PISO (PHP 53,163.00).

3. Barangay 3 Ermita. Resolusyon Blg. 13 T. 2011-Resolusyong pinagtitibay ng Sangguniang Barangay Ermita ang binalangkas na programa at paglalaan sa 20% Pondong Pangkaunlaran ng Barangay Development Council ng Barangay Ermita Paete, Laguna para sa Panunurang Taong 2012 na nagkakahalaga ng ISANG DAAN AT LIMAMPU’T ISANG LIBO, APAT NA DAAN AT LIMAMPUT TATLONG PISO (PHP 151,453.00).

4. Barangay 3 Ermita. Kautusang Paglalaan Blg. 1, Resolusyon Blg. 1 T.- 2011, na pinagtibay noong ika-15 ng Oktubre, 2011 na tinanggap noong ika-14 ng Disyembre, 2011 Resolusyong nagtitibay ng Taunang Badyet ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ermita para sa Taong 2012 na nagkakahalaga ng ISANG DAAN ANIM NA LIBO, TATLONG DAAN AT DALAWAMPU’T PITONG PISO (PHP 106,327).

5. Barangay 3 Ermita. Resolusyon Blg. 15 T. 2011-Resolusyong pinagtitibay ng Sangguniang Barangay Ermita ang binalangkas na programa at paglalaan sa 5% Pondo ng Gender and Advocay Development ng Barangay Ermita Paete, Laguna para sa Panunurang Taong 2012 na nagkakahalaga ng LIMAMPU’T TATLONG LIBO, ISANG DAAN ANIMNAPU’T TATLONG PISO (PHP 53,163.00).

6. Barangay 3 Ermita. Resolusyon Blg. 16 T. 2011-Resolusyong pinagtitibay ng Sangguniang Barangay Ermita ang binalangkas na programa at paglalaan sa 1% Pondo ng Senior Citizens ng Barangay Ermita Paete, Laguna para sa Panunurang Taong 2012 na nagkakahalaga ng SAMPUNG LIBO, ANIM NA DAAN TATLUMPU’T TATLONG PISO (PHP10,633.00).

SAPAGKAT, ang tinatayang gugulin ng Sangguniang Barangay 3 Ermita ng Paete, Laguna ay gugugulin lamang ng naaayon sa batas.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Taunang Gugulin ng Sangguniang Barangay 3 Ermita, Paete, Laguna na sumasaklaw mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, ANIMNAPU’T TATLONG LIBO, DALAWANG DAAN AT ANIMNAPU’T ANIM NA PISO (PHP 1,063,266.00) at mga paglalaan ng iba’t-ibang programa ng barangay.

INIATAS na padalhan ng sipi ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 16 Enero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 16 ENERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 007 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA TAUNANG GUGULIN NG SANGGUNIANG BARANGAY 9 IBABA DEL NORTE, PAETE, LAGUNA NA SUMASAKLAW MULA ENERO 1, 2012 HANGGANG DISYEMBRE 31, 2012 NA NAGKAKAHALAGA NG DALAWANG MILYON, ISANG DAA’T LABING LIMANG LIBO, ANIM NA DAAN AT WALUMPU’T PITONG PISO (PHP 2,115,687.00) AT MGA PAGLALAAN NG IBA’T-IBANG PROGRAMA NG BARANGAY.

SAPAGKAT, noong ika-16 ng Disyembre, 2011 ay isinumite ng Local Finance Committee ang Taunang Badyet ng Sangguniang Barangay 9 Ibaba del Norte ng Paete, Laguna sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 333 ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na nagsasaad na ang Badyet na pinagtibay ng Sangguniang Barangay ay kinakailangang isumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagpapatibay;

SAPAGKAT, noong ika- 11 ng Enero, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi ng Sangguniang Bayan kung saan inaanyayahan sa pagpupulong ang Punong-Barangay, Kagawad na Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi at Ingat-Yaman ng Sangguniang Barangay 9 Ibaba del Norte ng Paete, Laguna upang makapanayam tungkol sa pinagtibay na Taunang Badyet para sa taong 2012;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang Bayan ang Taunang Badyet para sa Taong 2012 ng Sangguniang Barangay 9 Ibaba del Norte ng Paete, Laguna na gaya ng mga sumusunod:

1. Barangay 9 Ibaba del Norte. Ordinansang Paglalaan Blg. 5, Kapasiyahan Blg. 18 T.- 2011, na pinagtibay noong ika-05 ng Nobyembre, 2011 na tinanggap noong ika-16 ng Disyembre, 2011 Taunang Gugulin para sa taong 2012, na nagkakahalaga ng DALAWANG MILYON, ISANG DAA’T LABING LIMANG LIBO, ANIM NA DAAN AT WALUMPU’T PITONG PISO (PHP 2,115,687.00).

2. Barangay 9 Ibaba del Norte. Kapasiyahan Blg. 20 T. 2011-Kapasiyahang pagtibayin ang paglalaan ng 5% Pondo sa Risk Reduction Management Funds na may kabuuang halagang ISANG DAAN AT LIMANG LIBO, PITONG DAA’T WALUMPU’T APAT NA PISO (PHP 105,784.00).

3. Barangay 9 Ibaba del Norte. Resolusyon Blg. 2 T. 2011-Kapasiyahang Pagbabalangkas ng Programa ng 20% Pangkaunlaran ng Barangay Ibaba del Norte, Paete, Laguna.

4. Barangay 9 Ibaba del Norte. Kapasiyahan Blg. 2 T-2011-Kapasiyahang pagtibayin ang Taunang Gugulin Badyet ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 9 Ibaba del Norte, Paete, Laguna na nagkakahalaga ng DALAWANG DAA’T LABING ISANG LIBO, LIMANG DAA’T ANIMNAPU’T SIYAM NA PISO AT DALAWAMPUNG SENTIMOS (Php 211,569.20).

5. Barangay 9 Ibaba del Norte. Kapasiyahan Blg. 19 T. 2011-Kapasiyahang pagtibayin ang paglalaan ng 5% pondo sa Gender Advocacy and Development (GAD) na may kabuuang halagang ISANG DAA’T LIMANG LIBO PITONG DAA’T WALUMPU’T APAT NA PISO (Php 105,784.00).

6. Barangay 9 Ibaba del Norte. Kapasiyahan Blg. 1 T. 2011-Resolusyong kahilingan ng samahan ng Senior Citizens, Barangay 9 Ibaba del Norte na pagtibayin ang nakatakdang halagang DALAWAMPU’T ISANG LIBO, ISANG DAA’T LIMAMPU’T PITONG PISO (Php 21,157.00) katumbas ng 1% mula sa Barangay IRA 2012 para sa mga gawain at proyekto ng Samahan.

SAPAGKAT, ang tinatayang gugulin ng Sangguniang Barangay 9 Ibaba del Norte ng Paete, Laguna ay gugugulin lamang ng naaayon sa batas.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Taunang Gugulin ng Sangguniang Barangay 9 Ibaba del Norte, Paete, Laguna na sumasaklaw mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng DALAWANG MILYON, ISANG DAA’T LABING LIMANG LIBO, ANIM NA DAAN AT WALUMPU’T PITONG PISO (PHP 2,115,687.00) at mga paglalaan ng iba’t-ibang programa ng barangay.

INIATAS na padalhan ng sipi ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 16 Enero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 16 ENERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 008 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA TAUNANG GUGULIN NG SANGGUNIANG BARANGAY 7 BAGUMBAYAN, PAETE, LAGUNA NA SUMASAKLAW MULA ENERO 1, 2012 HANGGANG DISYEMBRE 31, 2012 NA NAGKAKAHALAGA NG DALAWANG MILYON, ANIM NA DAA’T PITUMPU’T DALAWANG LIBO, ANIM NA DAA’T SIYAMNAPU’T LIMANG PISO (PHP 2,672,695.00) AT MGA PAGLALAAN NG IBA’T-IBANG PROGRAMA NG BARANGAY.

SAPAGKAT, noong ika-14 ng Disyembre, 2011 ay isinumite ng Local Finance Committee ang Taunang Badyet ng Sangguniang Barangay 7 Bagumbayan ng Paete, Laguna sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 333 ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na nagsasaad na ang Badyet na pinagtibay ng Sangguniang Barangay ay kinakailangang isumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagpapatibay;

SAPAGKAT, noong ika- 11 ng Enero, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi ng Sangguniang Bayan kung saan inaanyayahan sa pagpupulong ang Punong-Barangay, Kagawad na Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi at Ingat-Yaman ng Sangguniang Barangay 7 Bagumbayan ng Paete, Laguna upang makapanayam tungkol sa pinagtibay na Taunang Badyet para sa taong 2012;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang Bayan ang Taunang Badyet para sa Taong 2012 ng Sangguniang Barangay 7 Bagumbayan ng Paete, Laguna na gaya ng mga sumusunod:

1. Barangay 7 Bagumbayan. Ordinansang Paglalaan Blg. 2, Kapasiyahan Blg. 16 T.- 2011, na pinagtibay noong ika-09 ng Nobyembre, 2011 na tinanggap noong ika-14 ng Disyembre, 2011 Taunang Gugulin para sa taong 2012, na nagkakahalaga ng DALAWANG MILYON, ANIM NA DAA’T PITUMPU’T DALAWANG LIBO, ANIM NA DAA’T SIYAMNAPU’T LIMANG PISO (PHP 2,672,695.00).

2. Barangay 7 Bagumbayan. Kapasiyahan Blg. 19 T. 2011-Kapasiyahang pagtibayin ng Sangguniang Barangay ng Bagumbayan Paete, Laguna ang Paglalaan ng 5% Pondo sa Risk Reduction Management Funds na may kabuuang halagang ISANG DAAN AT TATLUMPU’T TATLONG LIBO ANIM NA DAAN TATLUMPU’T LIMANG PISO (PHP 133,635.00).

3. Barangay 7 Bagumbayan. Resolusyon Blg. 1 T. 2011-Kapasiyahang pagtibayin ng Barangay Development Council ang 20% Development Fund na halagang Php 396,239.00 para sa taong 2012.

4. Barangay 7 Bagumbayan. Kapasiyahan Blg. 9 T. 2011-Kapasiyahang pagtibayin ng Sangguniang Kabataan ang Taunang Budget ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Bagumbayan na mula sa 10% Appropriated Budget sa Taong 2012 na halagang Php 267,270.00.

5. Barangay 7 Bagumbayan. Kapasiyahan Blg. 18 T. 2011-Kapasiyahang pagtibayin ng Sangguniang Barangay Bagumbayan Paete, Laguna ang Paglalaan ng 5% pondo sa Gender Advocay and Development (GAD) na may kabuuang halaga na ISANG DAAN AT TATLUMPU’T TATLONG LIBO, ANIM NA DAAT AT TATLUMPU’T LIMANG PISO (Php 133,635).

6. Barangay 7 Bagumbayan. Kapasiyahan Blg. 20 T. 2011-Kapasiyahang pagtibayin ng Sangguniang Barangay ng Bagumbayan Paete, Laguna ang paglalaan ng 1% pondo sa Senior Citizens na may kabuuang halagang DALAWAMPU’T ANIM NA LIBO, PITONG DAAN DALAWAMPU’T PITONG PISO (Php 26,727.00).

7. Barangay 7 Bagumbayan. Kapasiyahan Blg. 17 T. 2011-Kapasiyahang pinagtibay ng Sangguniang Barangay ng Bagumbayan ang Annual Investment Plan para sa Taong 2012.

SAPAGKAT, ang tinatayang gugulin ng Sangguniang Barangay 7 Bagumbayan ng Paete, Laguna ay gugugulin lamang ng naaayon sa batas.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Taunang Gugulin ng Sangguniang Barangay 7 Bagumbayan, Paete, Laguna na sumasaklaw mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng DALAWANG MILYON, ANIM NA DAA’T PITUMPU’T DALAWANG LIBO, ANIM NA DAA’T SIYAMNAPU’T LIMANG PISO (PHP 2,672,695.00) at mga paglalaan ng iba’t-ibang programa ng barangay.

INIATAS na padalhan ng sipi ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 16 Enero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 24 ENERO, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 009 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA TAUNANG GUGULIN NG SANGGUNIANG BARANGAY 4 QUINALE, PAETE, LAGUNA NA SUMASAKLAW MULA ENERO 1, 2012 HANGGANG DISYEMBRE 31, 2012 NA NAGKAKAHALAGA NG TATLONG MILYON, SIYAM NA DAA’T LIMANG LIBO, DALAWANG DAA’T SIYAMNAPU’T TATLONG PISO (PHP 3,905,293.00) AT MGA PAGLALAAN NG IBA’T-IBANG PROGRAMA NG BARANGAY.

SAPAGKAT, noong ika-17 ng Enero, 2012 ay isinumite ng Local Finance Committee ang Taunang Badyet ng Sangguniang Barangay 4 Quinale ng Paete, Laguna sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 333 ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na nagsasaad na ang Badyet na pinagtibay ng Sangguniang Barangay ay kinakailangang isumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagpapatibay;

SAPAGKAT, noong ika- 19 ng Enero, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi ng Sangguniang Bayan kung saan inaanyayahan sa pagpupulong ang Punong-Barangay, Kagawad na Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi at Ingat-Yaman ng Sangguniang Barangay 4 Quinale ng Paete, Laguna upang makapanayam tungkol sa pinagtibay na Taunang Badyet para sa taong 2012;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang Bayan ang Taunang Badyet para sa Taong 2012 ng Sangguniang Barangay 4 Quinale ng Paete, Laguna na gaya ng mga sumusunod:

1. Barangay 4 Quinale. Ordinansang Paglalaan Blg. 5, Resolusyon Blg. 37 T.- 2011, na pinagtibay noong ika-30 ng Nobyembre, 2011 na tinanggap noong ika-17 ng Enero, 2012 Taunang Gugulin para sa taong 2012, na nagkakahalaga ng TATLONG MILYON, SIYAM NA DAA’T LIMANG LIBO, DALAWANG DAA’T SIYAMNAPU’T TATLONG PISO (PHP 3,905,293.00).

2. Barangay 4 Quinale. Kapasiyahan Blg. 1 T. 2011-Kapasiyahang pinagtibay ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee ng Barangay Quinale, Paete, Laguna na ilahad ang inihandang programa at paglalaan sa 5% BDRRMC Funds ng Barangay para sa taon 2012 na nagkakahalaga ng Php 195,265.00.

3. Barangay 4 Quinale. Kapasiyahan Blg. 2 T. 2011-Kapasiyahang pinagtibay ng Konsehong Pangkaunlaran ng Barangay ng Quinale Paete, Laguna na ilahad ang inihandang programa at paglalaan sa 20% Pondong Pangkaunlaran ng Barangay para sa taong 2012 na nagkakahalaga ng Php 620,859.00.

4. Barangay 4 Quinale. Resolusyon Blg. 2 T. 2011-Resolusyon pagtibayin ang Taunang Paglalaan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Quinale, Paete, Laguna mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng Php 390,529.00.

5. Barangay 4 Quinale. Kapasiyahan Blg. 1 T. 2011-Kapasiyahang pinagtibay ng Barangay Council for Gender and Advocacy ng Barangay ng Quinale, Paete, Laguna na ilahad ang inihandang programa at paglalaan sa 5% Gender and Development Funds ng Barangay para sa taong 2012 na nagkakahalaga ng Php 195,265.00 at ang halagang Php 39,053.00 ay ilalaan para sa Senior Citizens.

SAPAGKAT, ang tinatayang gugulin ng Sangguniang Barangay 4 Quinale ng Paete, Laguna ay gugugulin lamang ng naaayon sa batas.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Taunang Gugulin ng Sangguniang Barangay 4 Quinale, Paete, Laguna na sumasaklaw mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga TATLONG MILYON, SIYAM NA DAA’T LIMANG LIBO, DALAWANG DAA’T SIYAMNAPU’T TATLONG PISO (PHP 3,905,293.00) at mga paglalaan ng iba’t-ibang programa ng barangay.

INIATAS na padalhan ng sipi ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 24 Enero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 24 ENERO, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 010 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA EXECUTIVE ORDER NO. 88 SERIES OF 2012-RE-ORGANIZATION OF THE LOCAL GOVERNANCE PERFORMANCE MANAGEMENT SYSTEM (LGPMS) TEAM IN THE MUNICIPALITY OF PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang ating Punong Bayan na si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, ay nagsagawa at nagpalabas ng Executive Order No. 88 series of 2012, na may petsang Enero 12, 2012;

SAPAGKAT, ang pagpapanibagong tatag ng Local Governance Performance Management System (LGPMS) Team ay alinsunod sa itinatadhana ng Sek. 16 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991;

SAPAGKAT, ang Local Governance Performance Management System (LGPMS) Team ay bubuuin ng mga sumusunod:

Chairman : EMMANUEL B. CADAYONA, Municipal Mayor
Vice-Chairman : RONALD B. COSICO, Mun. Administrator
Monitoring Officer : LENIE R. BAUTISTA, MLGOO
Members:
EMERITO B. GAJITOS, SB Member
ARCANGEL C. TOLENTINO, Planning & Dev’t. Coordinator
ANA VICTORIA AGRAVIA, SB Secretary
MENCHIE ESPAÑOLA, Municipal Treasurer
MARITA BAGABALDO, Municipal Accountant
MARIA LOUISA B. SENA, Municipal Budget Officer
BEATRIZ CAINTO, Mun. HRMO
DRA. MARIA FE AGUILAR, Mun. Health Officer
ENGR. NOEL T. VIRAY, Mun. Engineer/Des. ENRO
ANTONIO DELA ROSA, Municipal Agriculturist
RODOLFO FLORES, Guardian/NGO Representative

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang ito ang nasabing Executive Order No. 88 series of 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, na pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal-LBP Hemie B. Bagongahasa, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Executive Order No. 88 series of 2012-Re-organization of the Local Governance Performance Management System (LGPMS) Team in the Municipality of Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 24 Enero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 24 ENERO, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 011 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BILANG 89 TAON 2012-PAGPAPANIBAGONG TATAG NG PEOPLE’S LAW ENFORCEMENT BOARD (PLEB) AT SA BUMUBUO NITO.

SAPAGKAT, ang ating Punong Bayan na si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, ay nagsagawa at nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 89 Taon 2012 na may petsang Enero 12, 2012;

SAPAGKAT, ang pagpapanibagong tatag ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) ay alinsunod sa itinatadhana ng Kautusang Pambansa Blg. 8551;

SAPAGKAT, ang People’s Law Enforcement Board (PLEB) ay bubuuin ng mga sumusunod:

KGG. AURELIO P. PARAISO Konsehal
Tagapangulo-Lupon sa Katahimikan at Kaayusan
KGG. EDILBERTO PAGALANAN, JR. Punong-Barangay
Barangay Ermita, Paete, Laguna
GNG. LOLITA MADRIGAL Tagapangulo
G. RAMON ANGELES Pangalawang Tagapangulo
G. RENE BALANDRA NGO Representative/Pansamantalang Kalihim
G. RODRIGO CAGANDAHAN NGO Representative
G. JUANITO COSICO Miembro

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang ito ang nasabing Kautusang Tagapagpaganap Blg. 89 Taong 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, na pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal-LBP Hemie B. Bagongahasa, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 89 Taon 2012-Pagpapanibagong tatag ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) at sa bumubuo nito.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 24 Enero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 24 ENERO, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 012 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BILANG 90 T. 2012-PAGPAPANIBAGONG TATAG AT PAGTATALAGA NG PAMBAYANG LUPON SA KATAHIMIKAN AT KAAYUSAN (MUNICIPAL PEACE AND ORDER COUNCIL).

SAPAGKAT, ang ating Punong Bayan na si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, ay nagsagawa at nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 90 T. 2012 na may petsang Enero 12, 2012;

SAPAGKAT, ang pagpapanibagong tatag ng at pagtatalaga ng Pambayang Lupon sa Katahimikan at Kaayusan (Municipal Peace and Order Council) ay alinsunod sa itinatadhana ng Seksyon 1 (d) ng Executive Order No. 773 ng kanyang kabunyiang Pangulo ng Pilipinas;

SAPAGKAT, ang Pambayang Lupon sa Katahimikan at Kaayusan (Municipal Peace and Order Council) ay bubuuin ng mga sumusunod:

KGG. EMMANUEL B. CADAYONA -Tagapangulo
Punong-Bayan

KGG. ROJILYN Q. BAGABALDO -Pang. Tagapangulo
Pangalawang Punong-Bayan

DILG LENIE R. BAUTISTA -Secretariat
MLGOO

KON. AURELIO P. PARAISO -Kasapi
Tagapangulo-Lupon sa Katahimikan at Kaayusan

KON. LOURDES F. SUNGA -Kasapi
Tagapangulo-Lupon sa Karapatang Pantao

KGG. HERMIE B. BAGONGAHASA -Kasapi
Pangulo, Liga ng mga Barangay

KGG. LYEKA MAY S. SADSAD -Kasapi
Pangulo, SKF

P/INSP. WALTER EBORA -Kasapi
Hepe ng Pulisya

ATTY. ARTURO R. TRINIDAD JR. -Kasapi
DOJ APP IV

1st LT. LEONARDO T. FAURA JR. -Kasapi
Company CMDR., “A” COY
1 1B, PA, AFP

GNG. LORENZA MADRIGAL -Kasapi
MSWD-SWA

INH. NOEL T. VIRAY -Kasapi
Municipal Engineer

DR. ZENAIDA C. YERRO, EdD -Kasapi
DepEd District Supervisor-OIC

LT. COL. BUENAVENTURA BALAN -Kasapi
NGO/Civic Sector

G. JUAN PASCUAL -Kasapi
NGO/Business Sector

GNG. VICTORIA P. CADAWAS -Kasapi
NGO/Religious Sector

G. RODOLFO FLORES -Kasapi
NGO/Media

G. BETHSIDITO A. CASTILLO -Kasapi
NGO/Legal

GNG. SANTA YUMANG -Kasapi
NGO/Transportation & Comm.

G. RAMON ANGELES -Kasapi
NGO/Civic Sector

Lahat ng Punong-Barangay 1-9 -Kasapi

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang ito ang nasabing Kautusang Tagapagpaganap Blg. 90 Taong 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, na pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal-LBP Hemie B. Bagongahasa, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 90 Taong 2012-Pagpapanibagong tatag ng Pambayang Lupon sa Katahimikan at Kaayusan (Municipal Peace and Order Council).

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 24 Enero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 24 ENERO, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 013 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSA NG PAGBABAGO NG KATAYAAN NG LUPANG AGRIKULTURAL UPANG MAGING PRIBADONG LUPANG LIBINGAN NA MAY SUKAT NA HUMIGIT KUMULANG 4,350 METRO KUWADRADO, LOT NOS. 742-PORTION, 737, 733-PORTION AT 736-PORTION NA MATATAGPUAN SA NOW INTERIOR, MANILA EAST ROAD, BARANGAY BAGUMBAYAN (7), PAETE, LAGUNA.

_____________________________________________________

MAY AKDA: KONSEHAL ERIBERTO D. PASCUAL
_____________________________________________________

SAPAGKAT, noong ika-01 ng Hulyo, 2011 ay nakatanggap ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan ng liham buhat kay Gng. Lerma C. Abueg na humihiling na mapagkalooban ng kinakailangang dokumento upang makapagtayo ng pribadong libingan sa kanyang lupang pag-aari na matatagpuan sa Manila East Road, Sitio Punta, Barangay Bagumbayan (7), Paete, Laguna;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham kahilingan ni Gng. Lerma Abueg ang mga sumusunod na dokumento: Certification from Municipal Agrarian Reform Office to the effect that the land is untenanted; Certification from Barangay Captain; Certification form National Irrigation Administration; Certification from MPDC at Certification from Department of Agriculture;

SAPAGKAT, batay na rin sa alituntunin ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), ang lahat na isasagawang pagpapaunlad maging libingan at pabahay ay kinakailangang kumuha ng pahintulot sa mga kinauukulang tanggapan;

SAPAGKAT, isa sa mga kailangan upang makuha ang ibang pangangailangan sa pagtatayo ng pribadong libingan ay ang pagpapatibay ng Sangguniang Bayan na nauukol sa “Reclassification of Land”;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong mga kalakip na kinakailangang dokumento at dumaan na rin sa tamang proseso kabilang na ang “Public Hearing” na isinagawa sa Sangguniang Barangay Bagumbayan noong Setyembre 15, 2011 kasama ang Tagapangulo ng Lupon sa Mga Pagawain, Sona, Pabahay at Paggamit ng Lupa ng Sangguniang Bayan at mayroong kaukulang Resolusyon Blg. 06 T. 2011 mula sa nasabing barangay;

SAPAGKAT, marapat na bago matapos ang takdang panahon ay kinakailangang maikuha ito ng mga dokumento upang mabigyan ng pahintulot sa pagpapaunlad;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal Sec. 20. (a) ( 3) Reclassification of Lands. na ang Pamahalaang Lokal ay hindi makapagbabago ng katayaan ng lupa kung hihigit sa sampu hanggang labinglimang porsiyento (10-15%) ng kabuuang sukat ng lupang agrikultural. Gayundin naman, hindi na kinakailangan ang pagpapatunay (Certitification) ng Lokal na Tanggapan ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan kung ang lupang babaguhin ng kaurian ay para sa kapakinabangan ng publiko.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, pinangalawahan nina Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Ordinansa ng pagbabago ng Katayaan ng Lupang Agrikultural upang maging pribadong Lupang Libingan na may sukat na humigit kumulang na 4,350 metro kuwadrado, Lot nos. 742-portion, 737, 733-portion at 736-portion na matatagpuan sa Now Interior, Manila East Road, Barangay Bagumbayan (7), Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at patnubay.

ORDINANSA BLG. 2012-307

ORDINANSA NG PAGBABAGO NG KATAYAAN NG LUPANG AGRIKULTURAL UPANG MAGING PRIBADONG LUPANG LIBINGAN NA MAY SUKAT NA HUMIGIT KUMULANG NA 4,350 METRO KUWADRADO, LOT NOS. 742-PORTION, 737, 733-PORTION AT 736-PORTION NA MATATAGPUAN SA NOW INTERIOR, MANILA EAST ROAD, BARANGAY BAGUMBAYAN (7), PAETE, LAGUNA.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna, na:

PANGKAT 1. Ang nasabing mga lupa na pag-aari ng mag-asawang G. Lino Abueg at Gng. Lerma Abueg ay nakatala sa Tanggapan ng Pambayang Tagataya ng Paete, Laguna na may paglalarawan gaya ng mga sumusunod: Tax Declaration Nos. 18-0007-00072, 18-0007 01285, 18-0007-00061 at 18-0007-00063; Property Identification Nos. 023-18-0007-003-13, 023-18-0007-003-14, 023-18-0007-003-06 at 023-18-0007-003-07; at may kaukulang Lot Nos. 742-portion, 737, 733-portion at 736-portion.

PANGKAT 2. Ang lugar ng lupang libingan na matatagpuan sa Now Interior, Manila East Road, Barangay Bagumbayan (7) ng Paete ay naaayon sa pinagtibay ng Sangguniang Bayan na magamit sa kauriang ninanais sa kagamitan nito ay malayo sa kabayanan;

PANGKAT 3. Ang Punong-Bayan ng Paete, Laguna, dito ay binibigyang karapatan na magbigay ng mga kaukulang pahintulot para sa pagpapaunlad ng gagawing pribadong lupang libingan matapos makatugon sa itinatadhana ng mga umiiral na batas kaugnay nito.

PANGKAT 4. Sa anumang kadahilanan, bahagi man o kabuuan ng alinmang pangkatin ng kautusang ito na lihis o taliwas, ang mga bahaging hindi apektado ay mahigpit pa ring ipatutupad.

PANGKAT 5. Ang kautusang ito ay magkakabisa matapos makatugon sa itinatadhana ng mga batas kaugnay dito.

PINAGTIBAY: 24 Enero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 ENERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal, On Leave,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 014 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA KAPASIYAHAN BLG. 01 T. 2012 NG PAMBAYANG LUPON SA KAUNLARAN-KAPASIYAHANG PAGTIBAYIN ANG PROGRAMANG PANGKAUNLARAN NA MAY KAUKULANG LAANG PONDONG PHP 7,993,663.00 NA MAGBUBUHAT SA 20% TAON 2012 AT PHP 66,378.16 NA MAGBUBUHAT SA NATIPID SA 20% TAON 2011 AT PHP 16,445.00 SA TAON 2010 AT KAPASIYAHANG PAGTIBAYIN ANG ANNUAL INVESTMENT PLAN PARA SA TAONG 2012.

SAPAGKA’T, alinsunod sa itinatadhana ng batas ng Pamahalaang Lokal, na lalong kilala sa RA 7160, ang bawat bayan ay kailangang magsagawa ng programang pangkaunlaran ng pamayanan;

SAPAGKA’T, ang ating bayan ay may tinatayang halagang Php 8,076,486.16 para ilaan sa proyektong pangkaunlar
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Wed Aug 08, 2012 9:26 pm    Post subject: MGA RESOLUSYON-PEBRERO, 2012 NG KGG. SB NG PAETE, LAG. Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 017 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA TAUNANG GUGULIN NG SANGGUNIANG BARANGAY 1 IBABA DEL SUR, PAETE, LAGUNA NA SUMASAKLAW MULA ENERO 1, 2012 HANGGANG DISYEMBRE 31, 2012 NA NAGKAKAHALAGA NG ISANG MILYON, SIYAM NA DAA’T WALUMPU’T ANIM NA LIBO, LIMANGDAA’T DALAWAMPU’T WALONG PISO (PHP 1,986,528.00) AT MGA PAGLALAAN NG IBA’T-IBANG PROGRAMA NG BARANGAY.

SAPAGKAT, noong ika-18 ng Enero, 2012 ay isinumite ng Local Finance Committee ang Taunang Badyet ng Sangguniang Barangay 1 Ibaba del Sur ng Paete, Laguna sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 333 ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na nagsasaad na ang Badyet na pinagtibay ng Sangguniang Barangay ay kinakailangang isumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagpapatibay;

SAPAGKAT, noong ika- 01 ng Pebrero, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi ng Sangguniang Bayan kung saan inaanyayahan sa pagpupulong ang Punong-Barangay, Kagawad na Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi at Ingat-Yaman ng Sangguniang Barangay 1 Ibaba del Sur ng Paete, Laguna upang makapanayam tungkol sa pinagtibay na Taunang Badyet para sa taong 2012;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang Bayan ang Taunang Badyet para sa Taong 2012 ng Sangguniang Barangay 1 Ibaba del Sur ng Paete, Laguna na gaya ng mga sumusunod:

1. Barangay 1 Ibaba del Sur. Ordinansang Paglalaan Blg. 4, Resolusyon Blg. 13 T.- 2011, na pinagtibay noong ika-10 ng Disyembre, 2011 na tinanggap noong ika-18 ng Enero, 2012 Taunang Gugulin para sa taong 2012, na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, SIYAM NA DAA’T WALUMPU’T ANIM NA LIBO, LIMANGDAA’T DALAWAMPU’T WALONG PISO (PHP 1,986,528.00) AT MGA PAGLALAAN NG IBA’T-IBANG PROGRAMA NG BARANGAY.

2. Barangay 1 Ibaba del Sur. Resolusyon Blg. 19 T- 2011 –Resolusyong pagtibayin ang programa at kaukulang laang pondo sa mga proyekto na magbubuhat sa 5% Risk Reduction Management Fund para sa taong piskal 2012 na nagkakahalaga ng SIYAMNAPU’T SIYAM NA LIBO, TATLONG DAAN AT DALAWAMPU’T ANIM NA PISO (PHP 99,326.00).

3. Barangay 1 Ibaba del Sur. Resolusyon Blg. 15 T. 2011-Resolusyong pagtibayin ang programa at kaukulang laang pondo sa mga proyekto na magbubuhat sa 20% Development Fund para sa taong piskal 2012 na nagkakahalaga ng DALAWANG DAAN SIYAMNAPU’T TATLONG LIBO, APAT NA DAAN AT TATLUMPU’T TATLONG PISO (PHP 293,433.00).

4. Barangay 1 Ibaba del Sur. Resolusyon Blg. 4 T. 2011 T. 2011-Resolusyong pagtibayin ang programa at kaukulang laang pondo sa mga proyekto na magbubuhat sa 10% Badyet na may katumbas na halagang Php 198,653.00 ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ibaba del Sur, Paete, Laguna para sa Taong 2012.

5. Barangay 1 Ibaba del Sur. Resolusyon Blg. 17 T. 2011-Resolusyong pagtibayin ang programa at kaukulang laang pondo sa mga proyekto na magbubuhat sa 5% Gender and Advocacy Fund para sa Taong piskal 2012 na nagkakahalaga ng SIYAMNAPU’T SIYAM NA LIBO, TATLONG DAAN AT DALAWAMPU’T ANIM NA PISO (PHP 99,326.00).

6. Barangay 1 Ibaba del Sur. Resolusyon Blg. 2 T. 2011-Resolusyong ilaan ng Samahan ng Senior Citizen ng Barangay Ibaba del Sur, Paete, Laguna sa mga programa at proyekto na magbubuhat sa 1% Senior Citizen Fund na nagkakahalaga ngPhp 19,865.00 para sa taong 2012 na magbubuhat sa pondo ng barangay.

SAPAGKAT, ang tinatayang gugulin ng Sangguniang Barangay 1 Ibaba del Sur ng Paete, Laguna ay gugugulin lamang ng naaayon sa batas.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Taunang Gugulin ng Sangguniang Barangay 1 Ibaba del Sur, Paete, Laguna na sumasaklaw mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, SIYAM NA DAA’T WALUMPU’T ANIM NA LIBO, LIMANGDAA’T DALAWAMPU’T WALONG PISO (PHP 1,986,528.00) at mga paglalaan ng iba’t-ibang programa ng barangay.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 06 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 018 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA TAUNANG GUGULIN NG SANGGUNIANG BARANGAY 2 MAYTOONG, PAETE, LAGUNA NA SUMASAKLAW MULA ENERO 1, 2012 HANGGANG DISYEMBRE 31, 2012 NA NAGKAKAHALAGA NG ISANG MILYON, ANIM NA DAA’T TATLUMPU’T ISANG LIBO, ANIM NA DAA’T TATLUMPU’T SIYAM NA PISO (PHP 1,631,639.00) AT MGA PAGLALAAN NG IBA’T-IBANG PROGRAMA NG BARANGAY.

SAPAGKAT, noong ika-18 ng Enero, 2012 ay isinumite ng Local Finance Committee ang Taunang Badyet ng Sangguniang Barangay 2 Maytoong ng Paete, Laguna sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 333 ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na nagsasaad na ang Badyet na pinagtibay ng Sangguniang Barangay ay kinakailangang isumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagpapatibay;

SAPAGKAT, noong ika- 01 ng Pebrero, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi ng Sangguniang Bayan kung saan inaanyayahan sa pagpupulong ang Punong-Barangay, Kagawad na Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi at Ingat-Yaman ng Sangguniang Barangay 2 Maytoong ng Paete, Laguna upang makapanayam tungkol sa pinagtibay na Taunang Badyet para sa taong 2012;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang Bayan ang Taunang Badyet para sa Taong 2012 ng Sangguniang Barangay 2 Maytoong ng Paete, Laguna na gaya ng mga sumusunod:

1. Barangay 2 Maytoong. Ordinansang Paglalaan Blg. 10, Resolusyon Blg. 16 T.- 2011, na pinagtibay noong ika-20 ng Oktubre, 2011 na tinanggap noong ika-18 ng Enero, 2012 Taunang Gugulin para sa taong 2012, na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, ANIM NA DAA’T TATLUMPU’T ISANG LIBO, ANIM NA DAA’T TATLUMPU’T SIYAM NA PISO (PHP 1,631,639.00).

2. Barangay 2 Maytoong. Resolusyon Blg. 1 T- 2011 –Resolusyong binalangkas ang programang pondo na 5% Pondong Pangkalamidad o Risk Reduction Management Fund para sa taong 2012 na nagkakahalaga ng Php 81,582.00.

3. Barangay 2 Maytoong. Resolusyon Blg. 2 T. 2011-Resolusyong binalangkas ang programang pondo na magbubuhat sa 20% Pondong Pangkaunlaran para sa taong 2012 na nagkakahalaga ng Php 241,928.00

4. Barangay 2 Maytoong. Kapasiyahan Blg. 11 T. 2011-Kapasiyahang pagtibayin ang Taunang paglalaan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 2 Maytoong Paete, Laguna mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng Php 163,164.00.

5. Barangay 2 Maytoong. Resolusyon Blg. 1 T. 2011-Kapasiyahang pagtibayin ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna ang Ordinansang naglalaan ng pondo para sa GAD o Gender Advocacy Development upang mailaan sa iba’t-ibang gastusin at pangangailangan para dito na nagkakahalaga ng Php 81.582.00.

6. Barangay 2 Maytoong. Resolusyong kahilingan ng Samahan ng Senior Citizen ng Barangay 2 Maytoong na pagtibayin ang nakatakdang halagang LABING DALAWANG LIBO AT SIYAMNAPU’T ANIM NA PISO Php 12,096.00 katumbas ng 1% mula sa Brgy. IRA, 2012 para sa mga gawain at proyekto ng samahan.

7. Barangay 2 Maytoong. Resolusyon Blg. 17 T. 2011-Isang Resolusyong pinagtibay ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna ang Annual Investment Plan para sa taong 2012.

SAPAGKAT, ang tinatayang gugulin ng Sangguniang Barangay 2 Maytoong ng Paete, Laguna ay gugugulin lamang ng naaayon sa batas.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Taunang Gugulin ng Sangguniang Barangay 2 Maytoong, Paete, Laguna na sumasaklaw mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, ANIM NA DAA’T TATLUMPU’T ISANG LIBO, ANIM NA DAA’T TATLUMPU’T SIYAM NA PISO (PHP 1,631,639.00) at mga paglalaan ng iba’t-ibang programa ng barangay.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 06 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 019 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA TAUNANG GUGULIN NG SANGGUNIANG BARANGAY 5 ILAYA DEL SUR, PAETE, LAGUNA NA SUMASAKLAW MULA ENERO 1, 2012 HANGGANG DISYEMBRE 31, 2012 NA NAGKAKAHALAGA NG ISANG MILYON, LIMANG DAA’T LABING DALAWANG LIBO, ISANG DAA’T DALAWAMPU’T DALAWANG PISO (PHP 1,512,122.00) AT MGA PAGLALAAN NG IBA’T-IBANG PROGRAMA NG BARANGAY.

SAPAGKAT, noong ika-18 ng Enero, 2012 ay isinumite ng Local Finance Committee ang Taunang Badyet ng Sangguniang Barangay 5 Ilaya del Sur ng Paete, Laguna sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 333 ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na nagsasaad na ang Badyet na pinagtibay ng Sangguniang Barangay ay kinakailangang isumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagpapatibay;

SAPAGKAT, noong ika- 01 ng Pebrero, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi ng Sangguniang Bayan kung saan inaanyayahan sa pagpupulong ang Punong-Barangay, Kagawad na Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi at Ingat-Yaman ng Sangguniang Barangay 5 Ilaya del Sur ng Paete, Laguna upang makapanayam tungkol sa pinagtibay na Taunang Badyet para sa taong 2012;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang Bayan ang Taunang Badyet para sa Taong 2012 ng Sangguniang Barangay 5 Ilaya del Sur ng Paete, Laguna na gaya ng mga sumusunod:

1. Barangay 5 Ilaya del Sur. Ordinansang Paglalaan Blg. 8, Resolusyon Blg. 21 T.- 2011, na pinagtibay noong ika-10 ng Disyembre, 2011 na tinanggap noong ika-18 ng Enero, 2012 Taunang Gugulin para sa taong 2012, na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, LIMANG DAAN AT LABING DALAWANG LIBO, ISANG DAAN AT DALAWAMPU’T DALAWANG PISO (PHP 1,512,122.00).

2. Barangay 5 Ilaya del Sur. Resolusyon Blg. 24 T- 2011 –Resolusyong nagpapatibay ng balangkas na programa ng Risk Reduction Management ng Sangguniang Barangay 5, Ilaya del Sur, Paete, Laguna na nagkakahalaga ng 5% mula sa kabuuang kita na nagkakahalaga ng PITUMPU’T LIMANG LIBO, ANIM NA DAAN AT ANIM NA PISO (Php75,606.00) na sumasakop sa panahon ng Enero 01 hanggang Disyembre 31, 2012.

3. Barangay 5 Ilaya del Sur. Resolusyon Blg. 22 T. 2011-Kapasiyahang ibalangas ang Programa ng 20% Pondong Pangkaunlaran ng Barangay 5, Ilaya del Sur, Paete, Laguna na nagkakahalaga ng Php 235,864.00.

4. Barangay 5 Ilaya del Sur. Resolusyon Blg. 02 T 11.Kapasyahang pagtibayin ang taunang badyet ng Sangguniang Sangguniang Kabataan, Barangay 5 Ilaya del Sur, Paete, Laguna mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng Php 151,212.00.

5. Barangay 5 Ilaya del Sur. Resolusyon Blg. 23 T. 2011-Resolusyong pinagtitibay ang programang Gender Advocacy Development Funds ng Sangguniang Barangay 5, Ilaya del Sur, Paete, Laguna na nagkakahalaga ng PITUMPU’T LIMANG LIBO, ANIM NA DAAN AT ANIM NA PISO (PHP 75,606.00).

6. Barangay 5 Ilaya del Sur. Kapasiyahang kahilingan ng Samahan ng Senior Citizens Barangay 5, Ilaya del Sur, Paete, Laguna na pagtibayin ang nakatakdang halaga na LABING LIMANG LIBO, ISANG DAAN AT DALAWAMPU’T ISANG PISO (PHP 15,121.00) katumbas ng 1% mula sa Barangay IRA, 2012 para sa mga gawain at proyekto ng samahan.

SAPAGKAT, ang tinatayang gugulin ng Sangguniang Barangay 5 Ilaya del Sur ng Paete, Laguna ay gugugulin lamang ng naaayon sa batas.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Taunang Gugulin ng Sangguniang Barangay 5 Ilaya del Sur, Paete, Laguna na sumasaklaw mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng ISANG MILYON LIMANG DAAN AT LABING DALAWANG LIBO, ISANG DAAN AT DALAWAMPU’T DALAWANG PISO (PHP 1,512,122.00) at mga paglalaan ng iba’t-ibang programa ng barangay.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 06 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 020 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA TAUNANG GUGULIN NG SANGGUNIANG BARANGAY 6 ILAYA DEL NORTE, PAETE, LAGUNA NA SUMASAKLAW MULA ENERO 1, 2012 HANGGANG DISYEMBRE 31, 2012 NA NAGKAKAHALAGA NG ISANG MILYON, SIYAM NA DAAN AT LABING PITONG LIBO, ANIM NA DAA’T TATLUMPUNG PISO (PHP 1,917,630.00) AT MGA PAGLALAAN NG IBA’T-IBANG PROGRAMA NG BARANGAY.

SAPAGKAT, noong ika-18 ng Enero, 2012 ay isinumite ng Local Finance Committee ang Taunang Badyet ng Sangguniang Barangay 6 Ilaya del Norte ng Paete, Laguna sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 333 ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na nagsasaad na ang Badyet na pinagtibay ng Sangguniang Barangay ay kinakailangang isumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagpapatibay;

SAPAGKAT, noong ika- 01 ng Pebrero, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi ng Sangguniang Bayan kung saan inaanyayahan sa pagpupulong ang Punong-Barangay, Kagawad na Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi at Ingat-Yaman ng Sangguniang Barangay 6 Ilaya del Norte ng Paete, Laguna upang makapanayam tungkol sa pinagtibay na Taunang Badyet para sa taong 2012;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang Bayan ang Taunang Badyet para sa Taong 2012 ng Sangguniang Barangay 6 Ilaya del Norte ng Paete, Laguna na gaya ng mga sumusunod:

1. Barangay 6 Ilaya del Norte. Ordinansang Paglalaan Blg. 2, Resolusyon Blg. 23 T.- 2011, na pinagtibay noong ika-25 ng Oktubre, 2011 na tinanggap noong ika-18 ng Enero, 2012 Taunang Gugulin para sa taong 2012, na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, SIYAM NA DAAN AT LABING PITONG LIBO, ANIM NA DAA’T TATLUMPUNG PISO (PHP 1,917,630.00).

2. Barangay 6 Ilaya del Norte. Resolusyon Blg. 21 T- 2011 –Resolusyong nagpapatibay ng balangkas ng mga programa ng Risk Reduction Management Fund ng Sangguniang Barangay 6, Ilaya del Norte, Paete, Laguna na nagkakahalaga ng 5% mula sa kabuuang kita na nagkakahalaga ng SIYAMNAPU’T LIMANG LIBO WALONG DAAN AT WALUMPU’T ISANG PISO AT LIMAMPUNG SENTIMOS (PHP 95,881.50) na sumasakop sa panahon ng Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2012.

3. Barangay 6 Ilaya del Norte. Resolusyon Blg. 19 T. 2011-Resolusyong pinagtitibay ang programang pangkaunlaran ng Barangay ng Barangay Development Council ng Barangay Ilaya del Norte na nagkakahalaga ng DALAWANG DAA’T PITUMPU’T SIYAM NA LIBO, ISANG DAA’T DALAWAMPU’T ANIM NA PISO (Php 279,126.00) para sa taong sumasaklaw sa taong 2012.

4. Barangay 6 Ilaya del Norte. Resolusyon pinagtitibay ang Taunang Badyet ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilaya del Norte na nagkakahalaga ISANG DAA’T SIYAMNAPU’T ISANG LIBO, PITONG DAA’T TATLUMPUNG PISO (Php 191,730.00) para sa sumasaklaw sa taong 2012 na sumasakop sa panahong Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2012.

5. Barangay 6 Ilaya del Norte. Resolusyon Blg. 20 T. 2011-Resolusyong pinagtitibay ang programang Gender Advocacy Development Funds ng Sangguniang Barangay 6, Ilaya del Norte na nagkakahalaga ng SIYAMANAPU’T LIMANG LIBO, WALONG DAAN AT WALUMPU’T ISANG PISO AT LIMAMPUNG SENTIMOS (PHP 95,881.50).

6. Barangay 6 Ilaya del Norte. Resolusyon Blg. 22 T. 2011. Resolusyong nagpapatibay ng Paglalaan ng halagang LABING SIYAM NA LIBO, ISANG DAA’T PITUMPU’T ANIM NA PISO AT TATLUMPUNG SENTIMOS (PHP 19,176.30) na pondong Pang katandaan (Senior Citizens) para sa sumasaklaw sa panahong Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2012 ng Sangguniang Barangay Ilaya del Norte.

SAPAGKAT, ang tinatayang gugulin ng Sangguniang Barangay 6 Ilaya del Norte ng Paete, Laguna ay gugugulin lamang ng naaayon sa batas.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Taunang Gugulin ng Sangguniang Barangay 6 Ilaya del Norte, Paete, Laguna na sumasaklaw mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, SIYAM NA DAAN AT LABING PITONG LIBO, ANIM NA DAA’T TATLUMPUNG PISO (PHP 1,917,630.00) at mga paglalaan ng iba’t-ibang programa ng barangay.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 06 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal, On Leave.



RESOLUSYON BLG. 021 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA TAUNANG GUGULIN NG SANGGUNIANG BARANGAY 8 BANGKUSAY, PAETE, LAGUNA NA SUMASAKLAW MULA ENERO 1, 2012 HANGGANG DISYEMBRE 31, 2012 NA NAGKAKAHALAGA NG ISANG MILYON, ISANG DAA’T LIMAMPU’T ISANG LIBO, ISANG DAA’T LIMAMPU’T ANIM NA PISO (PHP 1,157,156.00) AT MGA PAGLALAAN NG IBA’T-IBANG PROGRAMA NG BARANGAY.

SAPAGKAT, noong ika-18 ng Enero, 2012 ay isinumite ng Local Finance Committee ang Taunang Badyet ng Sangguniang Barangay 8 Bangkusay ng Paete, Laguna sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 333 ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na nagsasaad na ang Badyet na pinagtibay ng Sangguniang Barangay ay kinakailangang isumite sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral at pagpapatibay;

SAPAGKAT, noong ika- 01 ng Pebrero, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Lupon sa Pananalapi ng Sangguniang Bayan kung saan inaanyayahan sa pagpupulong ang Punong-Barangay, Kagawad na Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi at Ingat-Yaman ng Sangguniang Barangay 8 Bangkusay ng Paete, Laguna upang makapanayam tungkol sa pinagtibay na Taunang Badyet para sa taong 2012;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang Bayan ang Taunang Badyet para sa Taong 2012 ng Sangguniang Barangay 8 Bangkusay ng Paete, Laguna na gaya ng mga sumusunod:

1. Barangay 8 Bangkusay. Ordinansang Paglalaan Blg. 10, Resolusyon Blg. 20 T.- 2011, na pinagtibay noong ika-17 ng Oktubre, 2011 na tinanggap noong ika-18 ng Enero, 2012 Taunang Gugulin para sa taong 2012, na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, ISANG DAA’T LIMAMPU’T PITONG LIBO, ISANG DAA’T LIMAMPU’T ANIM NA PISO (PHP 1,157,156.00).

2. Barangay 8 Bangkusay. Resolusyon Blg. 1 T- 2011 –Resolusyong pagtibayin ang Ordinansang paglalaan ng halagang Php 57,858.00 na magbubuhat sa 5% Risk Reduction Fund upang mailaan sa mga pangangailanga

3. Barangay 8 Bangkusay. Resolusyon Blg. 1 T. 2011-Resolusyong pagtibayin ang programang pangkaunlaran na may kaukulang pondong Php 150,431.00 para sa mga proyekto na magbubuhat sa 20% Development Fund para sa Taong 2012 Barangay 8 Bangkusay.

4. Barangay 8 Bangkusay. Resolusyon Blg. 1 T-2011. Resolusyong pagtibayin ang 10% porsiyentong pondo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 8 Bangkusay na nagkakahalaga ng Php 115,716.00 para sa taong 2012.

5. Barangay 8 Bangkusay. Pinagtitibay ang programang Gender Advocacy Development Funds ng Sangguniang Barangay 8, Bangkusay na nagkakahalaga ng LIMAMPU’T PITONG LIBO, WALONG DAA’T LIMAMPU’T WALONG PISO (PHP 57,858.00).

6. Barangay 8 Bangkusay. Resolusyon Blg. 1 T. 2011. Resolusyong kahilingan ng Samahan ng Senior Citizen ng Barangay 8 Bangkusay, Paete, Laguna sa Sangguniang Barangay 8 Bangkusay na ang 1% porsiyento na magbubuhat sa pondo ng Barangay 8 Bangkusay na nagkakahalaga ng Php 11,572.00 ay mailaan sa mga pangangailangan ng Samahan ng Senior Citizen ng Barangay 8 Bangkusay.

SAPAGKAT, ang tinatayang gugulin ng Sangguniang Barangay 8 Bangkusay ng Paete, Laguna ay gugugulin lamang ng naaayon sa batas.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Taunang Gugulin ng Sangguniang Barangay 8 Bangkusay, Paete, Laguna na sumasaklaw mula Enero 1, 2012 hanggang Disyembre 31, 2012 na nagkakahalaga ng ISANG MILYON, ISANG DAA’T LIMAMPU’T PITONG LIBO, ISANG DAA’T LIMAMPU’T ANIM NA PISO (PHP 1,157,156.00) at mga paglalaan ng iba’t-ibang programa ng barangay.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 06 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 022 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 92, T. 2012-PAGPAPANIBAGONG TATAG NG LOCAL DRINKING WATER QUALITY MONITORING COMMITTEE.

SAPAGKAT, ang ating Punong Bayan na si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, ay nagsagawa at nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 92 T. 2012 na may petsang Enero 26, 2012;

SAPAGKAT, ang nasabing Kautusang Tagapagpaganap ay isinagawa alinsunod sa iniaatas ng Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health) sa ilalim ng Environmental Health Service-Implementing Rules and Regulations of Chapter II Water Supply of the Code on Sanitation of the Philippines o P. D. 856-Pagpapanibagong tatag ng Local Drinking Water Quality Monitoring Committee upang maging kaagapay ng Pamahalaang Lokal sa pagbibigay ng de-kalidad na inuming tubig at serbisyo sa ating mga mamamayan partikular na ang serbisyo sa Padaluyang Tubig;

SAPAGKAT, ang nasabing Local Drinking Water Quality Monitoring Committee ay bubuuin ng mga sumusunod:

KGG. EMMANUEL B. CADAYONA -Punong-Bayan
Tagapangulo
DRA. MARIA FE AGUILAR -Municipal Health Officer
Pangalawang Tagapangulo
GNG. SOFIA DAGSINDAL -Pambayang Sanidad-Kasapi
G. CASIANO NAMA -Waterworks Superintendent
KGG. URBANO R. CADAPAN -SB Konsehal-Kasapi
INH. NOEL T. VIRAY -Pambayang Inhinyero
G. ARCANGEL C. TOLENTINO -MPDC
GNG. LERMA PANGILINAN -Asst. Sanitation Inspector
DR. MANUEL CARUNUNGAN -Kasapi
DR. RODOLFO VILLARIN -Kasapi
DR. GIGI JANAIRO -Kinatawan ng DOH, Kasapi
INH. GINA FABROS -Provincial Sanitary Engineer

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang ito ang nasabing Kautusang Tagapagpaganap Blg. 92 Taong 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 92 Taong 2012- Pagpapanibagong tatag ng Local Drinking Water Quality Monitoring Committee.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 06 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.



MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 023 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT) SA PAGITAN NG RADYO NATIN PAETE BROADCASTING (RNPB) 106.3 FM NA KINAKATAWAN NI G. JOSELITO “LOUIE” CORTINA, STATION MANAGER.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na may petsa Enero 16, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan kung saan hinihiling ng Punong-Bayan sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan siya ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Radyo Natin Paete Broadcasting (RNPB) at ng Pamahalaang Bayan kalakip ng nasabing liham ang sipi ng Memorandum of Agreement;

SAPAGKAT, batid natin na ang Radyo Natin ay isang mabisang paraan ng pakikipagtalastasan upang maipaabot sa ating mga mamamayan ang mga iba’t-ibang programa ng ating Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng programa sa Radyo Natin Paete Broadcasting (RNPB) tuwing araw ng Miyerkules, Biyernes at Linggo simula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-8:00 ng umaga sa loob ng labing dalawang (12) buwan, (Enero hanggang Disyembre, 2012) at ito ay nagiging daan upang magkaroon ng pagkakataon ang ating mga opisyales na maipaliwanag ang kanilang mga gawaing pang-upisina, kasama ang pagpapahayag ng mga aral para sa moral at ispirituwal para sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, sa pamamagitan ng programa ay nagiging mulat ang kamalayan ng mga mamamayan sa mga usapin na may kinalaman sa mga umiiral na programa ng ating Pamahalang Bayan;

SAPAGKAT, bilang ama ng ating Pamahalaang Bayan, si Kgg. Emmanuel B. Cadayona ang tumatayong kinatawan ng ating bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng Radyo Natin Paete Broadcasting (RNPB) 106.3 FM na kinakatawan ni G. Joselito “Louie” Cortina, Station Manager.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 06 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO:
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 024 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG ISANG DAA’T LIMAMPU’T APAT NA LIBO, APAT NA DAA’T WALUMPUNG PISO AT WALUMPUNG SENTIMOS (PHP 154,480.80) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG BAKANTENG POSISYON NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA TERMINAL LEAVE BENEFITS NG MGA DATING KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham noong ika-03 ng Pebrero, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan mula kay G. Beatriz C. Cainto, Pinunong Pantauhan na humihiling ng pagliliwat para sa paglalaan sa Terminal Leave Benefits ng mga dating kawani ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, ang nasabing pagliliwat ay mayroong kaukulang lagda ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at pagsang-ayon ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pasahod ng bakanteng posisyon na Midwife III sa Tanggapan ng Pambayang Sentro ng Kalusugan - 6,210.71
Pasahod ng bakanteng posisyon na Administrative Aide II sa Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod - 69,834.74
Pasahod ng bakanteng posisyon na Revenue Collection Clerk III sa Tanggapan ng Pamilihang Bayan - 78,435.35
Kabuuang Halaga - Php 154,480.80


KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang ISANG DAA’T LIMAMPU’T APAT NA LIBO, APAT NA DAA’T WALUMPUNG PISO AT WALUMPUNG SENTIMOS (Php 154,480.80) na magmumula sa iba’t-ibang posisyon ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Terminal Leave Benefits ng mga dating kawani ng Pamahalaang Bayan.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 01 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Terminal Leave Benefits:
Veronica V. Davac - Php 6,210.71
Gaspar D. Dela Cruz - 69,834.74
Edna E. Rarela - 78,435.35
Kabuuang Halaga Php 154,480.80


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 20 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.



MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 025 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN KAY KGG. JEORGE “E.R.” EJERCITO ESTREGAN, GOBERNADOR, LALAWIGAN NG LAGUNA NA MAPAGKALOOBAN NG LIMANG (5) YUNIT NG SEWING MACHINES ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PARA SA ITINAYONG MUNICIPAL OCCUPATIONAL TRAINING CENTER SA PANGANGASIWA NG TANGGAPAN NG KAGALINGANG PANLIPUNAN AT PAGPAPAUNLAD (MSWD).

SAPAGKAT, isa sa pangunahing serbisyo na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna sa ating mga kababayan ay ang pagkakaroon ng magandang pagkakakitaan o hanap-buhay;

SAPAGKAT, kaugnay na nabanggit na programang pangkabuhayan ng ating Pamahalaang Bayan, sa kasalukuyan ay mayroong itinayong Municipal Occupational Training Center ang Pamahalaang Bayan sa pangangasiwa ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) na matatagpuan sa Ikalawang Palapag ng Pamilihang Bayan ng Paete, Laguna na ilalaan para sa mga hasik-pandayan katulad ng mga sumusunod: Dressmaking, Food Processing, Fruits and Vegetables Carving atbp.;

SAPAGKAT, kinakailangang magkaroon ng iba’t-ibang kagamitan para sa mga isasagawang pagsasanay sa nasabing lugar na magiging kapaki-pakinanabang sa mga kabataang naninirahan sa ating bayan na hindi na nakapag-aaral at sa mga mamamayan na lalahok at kwalipikado para sa mga isasagawang hasik pandayan o seminar;

SAPAGKAT, ang Pamahalaang Bayan ay nabibilang sa 4th class municipality at walang nakalaang pondo para rito;

SAPAGKAT, batid ng Sangguniang ito na ang kasalukuyang Gobernador ng Laguna ay may ginintuang puso para tumugon sa mga pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA na gaya ng ginagawa ng sangguniang ito, sa ngayon, ay ipinasiyang hilingin kay Kgg. Jeorge “E.R.” Ejercito Estregan, Gobernador, Lalawigan ng Laguna na mapagkalooban ng Limang (5) yunit ng sewing machines ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna para sa itinayong Municipal Occupational Training Center sa pangangasiwa ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD).

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 20 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 20 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 026 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA “KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT)” SA PAGITAN NG PAMBANSANG PANGASIWAAN SA PAGKAIN (NFA) HINGGIL SA RICE LOAN MEMORANDUM AGREEMENT SA PANAHON NG KALAMIDAD.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na may petsa Pebrero 16, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan kung saan hinihiling ng Punong-Bayan sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan siya ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pambansang Pangasiwaan sa Pagkain (NFA) at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng lalagdaang Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, kinakailangang matugunan ng Pamahalaang Bayan ang pangangailangan sa pangunahing pagkain ng mga mamamayan ng ating bayan sa panahon ng kalamidad;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ng Sangguniang ito si Kgg. Emmanuel B. Cadayona upang maging kinatawan ng Pamahalaang Bayan at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum Agreement) sa Rice Loan Memorandum Agreement;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa “Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement)” sa pagitan ng Pambansang Pangasiwaan sa Pagkain (NFA) hinggil sa Rice Loan Memorandum Agreement sa panahon ng kalamidad.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 20 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 20 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 027 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA “KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT)” SA PAGITAN NG FORTUNE LIFE INSURANCE CO., INC. NA KINAKATAWAN NI EVELYN T. CARADA, EXECUTIVE VICE-PRESIDENT & GENERAL MANAGER NG NASABING KORPORASYON HINGGIL SA FLIC’S GROUP YEARLY RENEWABLE TERM WITH ACCIDENTAL DEATH & DISMEMBERMENT NG MGA OPISYALES NG BARANGAY AT BARANGAY TANOD.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na may petsa Pebrero 16, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan kung saan hinihiling ng Punong-Bayan sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan siya ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Fortune Life Insurance Co., Inc. at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng lalagdaang Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, ang mga halal na opisyales ng mga Barangay ay honorarium lamang ang natatanggap at hindi sweldo kung kaya’t wala silang natatanggap na mga benepisyo tulad ng seguro (insurance) habang naglilingkod sa kanilang mga barangay;

SAPAGKAT, maging ang mga Bantay Bayan ng bawat barangay ay subsidy lamang ang kanilang natatanggap at wala ring kaukulang seguro (insurance) na kinakailangan nilang makamtam bilang konsiderasyon sa kanilang pagtupad sa kanilang mga tungkulin bilang kaagapay ng ating Pamahalaang Bayan sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at pangmadlang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupang barangay;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ng Sangguniang ito si Kgg. Emmanuel B. Cadayona upang maging kinatawan ng Pamahalaang Bayan at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum Agreement) sa nabanggit na korporasyon;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa “Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement)” sa pagitan ng Fortune Life Insurance Co., Inc. na kinakatawan ni EVELYN T. CARADA, Executive Vice-President & Gneral Manager ng nasabing korporasyon hinggil sa FLIC’S GROUP YEARLY RENEWABLE TERM WITH ACCIDENTAL DEATH & DISMEMBERMENT ng mga halal na opisyales ng barangay at Barangay Tanod.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 20 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 27 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal, On Leave,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal, On Leave,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 028 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA GENDER AND DEVELOPMENT PROGRAM 2012 NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, noong ika-22 ng Pebrero, 2012 ay mayroong natanggap na sulat ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na inililiwat ang kalakip na Gender and Development Program 2012 para sa kaukulang pagpapatibay ng Kgg. Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, nakalahad sa isinumiteng Gender and Development Program 2012 ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ang mga programa at pondong nakalaan para rito;

SAPAGKAT, ang nasabing Gender and Development Program 2012 ay alinsunod sa mga itinatadhana ng mga umiiral na batas kaugnay nito;

SAPAGKAT, noong ika-24 ng Pebrero, 2012 ay nagsagawa ng Committee Hearing ang Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan nakapanayam sa nasabing pagpupulong sina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet at G. Arcangel C. Tolentino, Municipal Planning and Dev’t. Coordinator ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna kung saan tinalakay ang isinumiteng Gender and Development Plan 2012 ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan ni Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Gender and Development Plan 2012 ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 27 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 27 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal, On Leave,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal, On Leave,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 029 t. – 2012

RESOLUSYON NG PAGKILALA SA PAK- P-AETE A-RTISTAHIN K-AMI BILANG DI-PAMPAMAHALAANG ORGANISASYON (NGO) SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 34 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal na tungkulin ng Lokal na Pamahalaan na magtaguyod ng pagtatatag at pagkilos ng mga samahang pambayan at di-pampamahalaang organisasyon (NGO) upang maging aktibong katuwang sa pagsusulong ng lokal na awtonomiya;

SAPAGKAT, noong ika-25 ng Enero, 2012 ang PAK- P-AETE A-RTISTAHIN K-AMI ay nagsumite ng kahilingan upang kilalanin (accredit) at iba pang mga dokumentong kailangan para sa pagkilala sa kanilang samahan ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang PAK- P-AETE A-RTISTAHIN K-AMI na itinatag noong Enero 29, 2010, ay isang samahan na binubuo sa ngayon ng mga naninirahan sa Paete, Laguna;

SAPAGKAT, layunin nila na maging kabalikat sa mga proyektong pangkaunlaran ng ating bayan;

SAPAGKAT, noong ika-07 ng Pebrero, 2012 ay nakapanayam ng bumubuo ng Lupon sa Mabuting Pamamahala/NGO’s, PO’s & CO’s ang Pamunuan ng nasabing samahan, na dito ay nagkaroon ng pakikipagpanayam at nailahad ng samahan ang maikling kasaysayan, simulain, adhikain at mga programa ng kanilang organisasyon;

SAPAGKAT, ang nasabing samahan ay nakapagsumite ng pinagtibay na Saligang Batas at nakatugon sa mga kailangang papeles at kasulatan na sumasang-ayon sa mga alituntunin, layunin at mga programa ng Pamahalaang Bayan, kung kaya’t sila’y inanyayahang dumalo sa karaniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan ngayong ika-27 ng Pebrero, 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagkilala sa PAK- P-AETE A-RTISTAHIN K-AMI bilang Di-Pampamahalaang Organisasyon (NGO) sa bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 27 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


PINAGTIBAY: 06 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Aug 09, 2012 12:47 am    Post subject: MGA RESOLUSYON-MARSO, 2012 NG KGG. SB NG PAETE, LAG. Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 19 MARSO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 030 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN SA KGG. AQUILINO MARTIN “KOKO” DELA LLANA PIMENTEL III, SENADOR, REPUBLIKA NG PILIPINAS NA MAPAGKALOOBAN ANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NG HALAGANG LIMANG MILYONG PISO (PHP 5, 000, 000.00), PONDONG ILALAAN PARA SA MGA PROGRAMANG PANGKABUHAYAN (LIVELIHOOD PROGRAM) PARA SA MGA MAMAMAYAN NG PAETE.

SAPAGKAT, isa sa mga pangunahing layunin ng Pamahalaang Bayan ng Paete ay makapagsagawa ng mga Programang Pangkabuhayan (Livelihood Program) para sa mga mamamayan ng Paete;

SAPAGKAT, sa kasalukuyan ang bayan ng Paete ay isang 4th Class Municipality at malaking bahagi ng populasyon nito ay umaasa sa lokal na kabuhayan;

SAPAGKAT, ninanais ng Sangguniang ito na makapagkaloob ng mga pagsasanay at hasik-pandayan para sa mga ina ng tahanan, out-of-school youth at sa mga mamamayan ng bayan ng Paete sa pangkalahatan para sa kanilang magiging kabuhayan;

SAPAGKAT, ilan sa mga kasalukuyang programang pangkabuhayan ng mga pinuno ng Pamahalaang Bayan ng Paete sa pangunguna ng Pambayang Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Municipal Social Welfare and Development-MSWD) ay ang pagsasanay ng ice carving, fruit and vegetable garnishing, wood carving, paper-mache-making, dressmaking, hand crafting at maging ang pagpapahiram ng puhunan para sa mga nagnanais na magkaroon ng maliliit na hanapbuhay tulad ng pagkakaroon ng tindahan at iba pang katulad nito;

SAPAGKAT, sa kasalukuyan, walang kakayahan sa pananalapi ang Pamahalaang Bayan upang mabigyang-katuparan at maisagawa ang mga nasabing programa;

SAPAGKAT, ang lahat ng kasapian ng Sangguniang ito ay naniniwala na ang KGG. AQUILINO MARTIN “KOKO” DELA LLANA PIMENTEL III ay mayroong ginintuang puso, handang tumugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan at kaisa sa pagpapataas ng antas ng kabuhayan ng mga Pilipino.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong Kahilingan sa Kgg. Aquilino Martin “Koko” Dela Llana Pimentel III, Senador, Republika ng Pilipinas na mapagkalooban ang bayan ng Paete, Laguna ng halagang LIMANG MILYONG PISO (PHP 5, 000, 000.00), pondong ilalaan para sa mga Programang Pangkabuhayan (Livelihood Program) para sa mga mamamayan ng Paete.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 19 Marso, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan




[b]HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 19 MARSO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 031 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN SA KGG. AQUILINO MARTIN “KOKO” DELA LLANA PIMENTEL III, SENADOR, REPUBLIKA NG PILIPINAS NA MAPAGKALOOBAN NG PROYEKTONG IMPRASTRAKTURA NA NAGKAKAHALAGA NG SAMPUNG MILYONG PISO (PHP 10, 000, 000.00) ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PARA SA ROAD OPENING/RE-GRAVELLING NG LANSANGANG BUKID/FARM TO MARKET ROAD (FMR) SA SITIO TUBOG, BARANGAY ILAYA DEL NORTE (6), PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang pagsasaayos ng mga lansangang bukid/Farm to Market Road (FMR) ay isa sa mga pangunahing programa ng kanyang kabunyian, Kgg. Benigno S. Aquino III, Pangulo, Republika ng Pilipinas;

SAPAGKAT, isa sa pangunahing programa ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ang makapagdulot ng kaginhawahan at maayos na kalsadang tatahakin patungo sa ating mga nasasakupan partikular na ang mga daang nag-uugnay sa ating kabundukan;

SAPAGKAT, kinakailangang maisaayos ang mga lansangang bukid upang ito ay marating ng ating mga mamamayan nang mabilis at ligtas at para hindi maantala ang pagbababa ng mga produkto sa kabayanan;

SAPAGKAT, marami na rin ang mga kababayan natin na naninirahan sa Sitio Tubog at ang pagkakaroon ng isang maayos na daan ay makakatulong upang maging mas madali sa kanila ang pagtungo sa bayan;

SAPAGKAT, ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ay nasa 4th class municipality at walang sapat o mailalaan na pondo para sa proyektong ito;

SAPAGKAT, batid ng Sangguniang ito na si Kgg. Aquilino Martin “Koko” Dela Llana Pimentel III, Senador, Republika ng Pilipinas ay handang tumugon sa mga pangangailangan ng mga bayan na walang sapat na pondo upang makatugon sa nasabing proyekto lalo’t higit sa ikauunlad ng lupang sakahan sa ating bansa.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong Kahilingan kay KGG. AQUILINO MARTIN “KOKO” DELA LLANA PIMENTEL III, Senador, Republika ng Pilipinas na mapagkalooban ng Proyektong Imprastraktura na nagkakahalaga ng SAMPUNG MILYONG PISO (Php 10,000,000.00) ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna para sa Road Opening/Re-gravelling ng Lansangang Bukid/Farm to Market Road (FMR) sa Sitio Tubog, Barangay Ilaya del Norte (6), Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 19 Marso, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 19 MARSO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 032 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LABING ISANG LIBONG PISO (PHP 11,000.00) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PONDO NG TANGGAPAN NG PAMBAYANG TAGATAYA NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA IBA’T-IBANG GASTUSIN NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham noong ika-19 ng Marso, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan mula kay Inh. Rosauro I. Ganal, Pambayang Tagataya na humihiling ng pagliliwat para sa paglalaan sa dalawang (2) darating na Seminar sa Taytay, Rizal, March 21-23, 2012 at sa Cebu City, May 22-25, 2012;

SAPAGKAT, ang nasabing pagliliwat ay mayroong kaukulang lagda ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at pagsang-ayon ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Overtime Pay (723) - P 5,000.00
Office Equipment (821) - 2,000.00
IT Equipment (823) - 2,000.00
Other Expenses (969) - 2,000.00
Kabuuang Halaga - Php11,000.00



KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LABING ISANG LIBONG PISO (Php 11,000.00) na magmumula sa iba’t-ibang pondo ng Tanggapan ng Pambayang Tagataya ng Paete, Laguna patungo sa iba’t-ibang gastusin ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 02 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Tagataya:
Seminar (753) - Php 8,400.00
Travelling Expenses (751) - 2,600.00
Kabuuang Halaga Php 11,000.00


PINAGTIBAY: 19 Marso, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINAGTIBAY:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

PINAGTITIBAY:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 19 MARSO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 033 t. – 2012

RESOLUSYON NG PAGKILALA SA BIGKIS-PANGKALAHATANG SAMAHANG KABABAIHAN NG PAETE (BPSKP) BILANG DI-PAMPAMAHALAANG ORGANISASYON (NGO) SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 34 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal na tungkulin ng Lokal na Pamahalaan na magtaguyod ng pagtatatag at pagkilos ng mga samahang pambayan at di-pampamahalaang organisasyon (NGO) upang maging aktibong katuwang sa pagsusulong ng lokal na awtonomiya;

SAPAGKAT, noong ika-02 ng Pebrero, 2012 ang BIGKIS-Pangkalahatang Samahang Kababaihan ng Paete (BPSKP) ay nagsumite ng kahilingan upang kilalanin (accredit) at iba pang mga dokumentong kailangan para sa pagkilala sa kanilang samahan ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang BIGKIS-Pangkalahatang Samahang Kababaihan ng Paete (BPSKP) na itinatag noong Oktubre 13, 2010, ay isang samahan na binubuo sa ngayon ng mga Pangulo ng Samahan ng Kababaihan ng siyam na barangay dito sa bayan ng Paete, Laguna at ng mga aktibong kasapi ng nasabing Samahang Kababaihan;

SAPAGKAT, layunin ng BIGKIS-Pangkalahatang Samahang Kababaihan ng Paete (BPSKP) na magkaisa ang lahat ng Kababaihan ng barangay sa gawaing ilulunsad ng bawat barangay, hikayatin ang bawat barangay na makilahok o makibahagi sa mga gawain sa pangunguna ng Bigkis Kababaihang Barangay, magsilbing boses para sa bawat Barangay na kanilang kinabibilangan para sa pangangailangan ng Barangay at maglingkod sa abot ng kanilang makakaya;

SAPAGKAT, noong ika-07 ng Pebrero, 2012 ay nakapanayam ng bumubuo ng Lupon sa Mabuting Pamamahala/NGO’s, PO’s & CO’s ang Pamunuan ng nasabing samahan, na dito ay nagkaroon ng pakikipagpanayam at nailahad ng samahan ang maikling kasaysayan, simulain, adhikain at mga programa ng kanilang organisasyon;

SAPAGKAT, ang nasabing samahan ay nakapagsumite ng pinagtibay na Saligang Batas at nakatugon sa mga kailangang papeles at kasulatan na sumasang-ayon sa mga alituntunin, layunin at mga programa ng Pamahalaang Bayan, kung kaya’t sila’y inanyayahang dumalo sa karaniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan ngayong ika-19 ng Marso, 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagkilala sa BIGKIS-PANGKALAHATANG SAMAHANG KABABAIHAN NG PAETE (BPSKP) bilang Di-Pampamahalaang Organisasyon (NGO) sa bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 19 Marso, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 26 MARSO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP,

HINDI DUMALO:
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 034 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG DALAWANG DAA’T TATLUMPU’T SIYAM NA LIBO, TATLONG DAA’T LIMAMPU’T ANIM NA PISO AT SIYAMNAPU’T DALAWANG SENTIMOS (PHP 239,356.92) NA MAGMUMULA SA SHARE ON LLDA/FISH CAGE AT GRANTS AND DONATION NG TANGGAPAN NG MSWD PATUNGO SA IBA’T-IBANG GASTUSIN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-15 ng Marso, 2012 na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa iba’t-ibang gastusin ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong kaukulang lagda ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, nagsagawa ng mga kaukulang Committee Hearing noong ika-21 at ika-23 ng Marso, 2012 upang talakayin ang tungkol sa nasabing kahilingan;

SAPAGKAT, nagkaroon ng kabahagi ang Pamahalaang Bayan mula sa LLDA/ Fish Cage na nagkakahalaga ng Php 89,356.92 na hindi kasama sa tinatayang kikitain ngayong taong 2012 na maaaring ilaan sa mga proyekto ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, mayroon ring pondo na maaaring iliwat na magmumula sa:

Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD):
Grants and Donation - 150,000.00
Kabuuang Halaga - P 239,356.92


KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang DALAWANG DAA’T TATLUMPU’T SIYAM NA LIBO, TATLONG DAA’T LIMAMPU’T ANIM NA PISO AT SIYAMNAPU’T DALAWANG SENTIMOS (PHP 239,356.92) na magmumula sa Share on LLDA/Fish Cage at Grants and Donation ng Tanggapan ng MSWD patungo sa Iba’t-ibang Gastusin ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 03 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Maintenance-Docks and Wharves - Php 45,000.00
Agricultural Development - 44,356.92
Balik Paete - 150,000.00
Kabuuang Halaga Php 239,356.92



PINAGTIBAY: 26 Marso, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINAGTIBAY:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

PINAGTITIBAY:

May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 26 MARSO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal,
Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,
Kgg. Lourdes F. Sunga, Konsehal,
Kgg. Eriberto D. Pascual, Konsehal,
Kgg. Urbano R. Cadapan, Konsehal,
Kgg. Emerito B. Gajitos, Konsehal,
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,
Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP,
Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP,

HINDI DUMALO:
Kgg. Aurelio P. Paraiso, Konsehal, On Leave.



RESOLUSYON BLG. 035 t. – 2012


RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE,LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT) SA PAGITAN NG DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) NA KINAKATAWAN NI KGG. WILMA D. NAVIAMOS, REGIONAL DIRECTOR, DSWD R.F.O. IV-A AT NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA HINGGIL SA “SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM”.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na may petsa Marso 20, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-22 ng Marso, 2012 kung saan hinihiling ng Punong-Bayan sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan siya ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batid natin na ang “Supplementary Feeding Program” ay isang programa na makatutulong upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagkain ng ating mga kababayan lalong-lalo na ang mga kabataan na nag-aaral sa mga Day care ng mga barangay;

SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa nasabing programa ay lubhang makatutulong sa ating bayan at mga mamamayan;

SAPAGKAT, bilang ama ng ating Pamahalaang Bayan, si Kgg. Emmanuel B. Cadayona ang tumatayong kinatawan ng ating bayan.

SAPAGKAT, ang nasabing Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Social Welfare and Development hinggil sa “Supplementary Feeding Program” ay paiiralin hanggang sa ika-30 ng Hunyo, 2013 na nasasakop ng termino ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kinakatawan ni Kgg. Wilma D. Naviamos, Regional Director, DSWD R.F.O. IV-A at ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna hinggil sa “Supplementary Feeding Program”.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at patnubay.

PINAGTIBAY: 26 Marso, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
[/b]
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group