PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-ABRIL, 2012 NG KGG. SB

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Wed Aug 15, 2012 10:41 pm    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-ABRIL, 2012 NG KGG. SB Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 10 ABRIL, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 036 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LIMANG LIBO, WALONG DAA’T PITUMPU’T-ISANG PISO AT SIYAMNAPU’T SIYAM NA SENTIMOS (PHP 5,871.99) NA MAGMUMULA SA ARAWANG SAHOD NG BAKANTENG POSISYONG ADMINISTRATIVE AIDE I (UTILITY WORKER II) SA TANGGAPAN NG PADALUYANG TUBIG NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA TERMINAL LEAVE BENEFITS NI REX A. CADAWAS, DATING KAWANI NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-23 ng Marso, 2012 na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Terminal Leave Benefits (TLB) ni G. Rex A. Cadawas, dating Administrative Aide I (Utility Worker II) ng Pamahalaang Bayan na nagtrabaho hanggang ika-29 ng Pebrero, 2012;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong kaukulang lagda ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong pagsang-ayon ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat buhat sa:

Arawang Sahod ng bakanteng Posisyong Administrative Aide (Utility Worker II) sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig-Php 5,871.99
Kabuuang Halaga -Php 5,871.99
======


KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LIMANG LIBO, WALONG DAA’T PITUMPU’T-ISANG PISO AT SIYAMNAPU’T SIYAM NA SENTIMOS (PHP 5,871.99) na magmumula sa Arawang Sahod ng bakanteng Posisyong Administrative Aide I (Utility Worker II) sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig ng Paete, Laguna patungo sa Terminal Leave Benefits ni Rex A. Cadawas, dating kawani ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 04 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N
Terminal Leave Benefits ni:
Rex A. Cadawas - Php 5,871.99
Kabuuang Halaga - Php 5,871.99
==========

PINAGTIBAY: 12 Abril, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINAGTIBAY:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

PINAGTITIBAY:

May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 10 ABRIL, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 037 t. – 2012

RESOLUSYON NG PAGBATI AT PAGKILALA NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA KAY P/SI MARLON M. CALONGE, HEPE NG KWERPO NG PULISYA DITO SA ATING BAYAN, PINARANGALAN NG SIYUDAD NG STA. ROSA, LAGUNA BILANG ISA SA “TEN OUTSTANDING POLICEMEN” SA NASABING SIYUDAD.

SAPAGKAT, si P/SI MARLON M. CALONGE, ay kasalukuyang nakatalaga sa ikalawang pagkakataon bilang Hepe ng Kwerpo ng Pulisya sa ating bayan;

SAPAGKAT, si P/SI MARLON M. CALONGE, ay nagpamalas ng husay sa kanyang pamamahala bilang Hepe ng Pulisya at patuloy na nagiging kaagapay ng ating Pamahalaang Bayan, mga Pribadong Samahan (Non-Government Organizations/NGO’s) sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at pangmadlang kaligtasan ng ating mga mamamayan;

SAPAGKAT, di na rin mapasubalian at matawaran ang mga naging “Accomplishments” o naisagawa ni P/SI Marlon M. Calonge dito sa ating bayan;

SAPAGKAT, isang karangalan din sa ating bayan na matalaga ang isang natatanging hepe ng pulis na kinilala bilang isa sa “Ten Outstanding Policemen”;

SAPAGKAT, bukod pa sa nasabing parangal na iginawad kay P/SI MARLON M. CALONGE ng nasabing siyudad ay marami pa siyang mga natamong karangalan simula noong taong 1999 hanggang sa kasalukuyan na ipinagkaloob ng Philippine National Police dahilan sa kanyang ipinamalas na husay sa pagganap ng kanyang tungkulin;

SAPAGKAT, hangad ng Sangguniang ito at ng Pamahalaang Bayan na sa pamamagitan ng isang Resolusyon ay maipabatid kay P/SI Marlon M. Calonge ang taos-pusong pagbati at pagkilala sa kanyang natamong parangal mula sa siyudad ng Sta. Rosa.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagbati at Pagkilala ng Pamahalalang Bayan ng Paete, Laguna kay P/SI MARLON M. CALONGE, Hepe ng Kwerpo ng Pulisya dito sa ating bayan, pinarangalan ng Siyudad ng Sta. Rosa, Laguna bilang isa sa “TEN OUTSTANDING POLICEMEN” sa nasabing siyudad.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 10 Abril, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


May Lagda ang Orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


BINIGYANG PANSIN:


May Lagd ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 23 ABRIL, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 038 t. – 2012

RESOLUSYON NG PAGKILALA SA FEDERATION OF SENIOR CITIZENS IN PAETE (FSCP) BILANG DI-PAMPAMAHALAANG ORGANISASYON (NGO) SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 34 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal na tungkulin ng Lokal na Pamahalaan na magtaguyod ng pagtatatag at pagkilos ng mga samahang pambayan at di-pampamahalaang organisasyon (NGO) upang maging aktibong katuwang sa pagsusulong ng lokal na awtonomiya;

SAPAGKAT, noong ika-27 ng Pebrero, 2012 ang FEDERATION OF SENIOR CITIZENS IN PAETE (FSCP) ay nagsumite ng kahilingan upang kilalanin (accredit) at iba pang mga dokumentong kailangan para sa pagkilala sa kanilang samahan ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang FEDERATION OF SENIOR CITIZENS IN PAETE (FSCP) na itinatag noong taong 1983, ay isang samahan na binubuo sa ngayon ng mga “Senior Citizens” dito sa bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, layunin ng FEDERATION OF SENIOR CITIZENS IN PAETE (FSCP) na makapagkaloob ng tulong pinansiyal at medikal sa mga kasapi ng samahan;

SAPAGKAT, noong ika-18 ng Abril, 2012 ay nakapanayam ng bumubuo ng Lupon sa Mabuting Pamamahala/NGO’s, PO’s & CO’s ang Pamunuan ng nasabing samahan, na dito ay nagkaroon ng pakikipagpanayam at nailahad ng samahan ang maikling kasaysayan, simulain, adhikain at mga programa ng kanilang organisasyon;

SAPAGKAT, ang nasabing samahan ay nakapagsumite ng pinagtibay na Saligang Batas at nakatugon sa mga kailangang papeles at kasulatan na sumasang-ayon sa mga alituntunin, layunin at mga programa ng Pamahalaang Bayan, kung kaya’t sila’y inanyayahang dumalo sa karaniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan ngayong ika-23 ng Abril, 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagkilala sa FEDERATION OF SENIOR CITIZENS IN PAETE (FSCP) bilang Di-Pampamahalaang Organisasyon (NGO) sa bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 23 Abril, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 ABRIL, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, Absent,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 039 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MOA) SA PAGITAN NG PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION (PHILHEALTH) AT NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA HINGGIL SA “NATIONAL HEALTH INSURANCE PROGRAM (NHIP)”.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan mula sa Tanggapan ng Punong-Bayan na nilagdaan sa Atas ng Punong-Bayan ni G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador na may petsa Abril 23, 2012 noong ika-23 ng Abril, 2012 kung saan hinihiling sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Philiippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batid natin na ang pagpapatupad o implementasyon ng National Health Insurance Program (NHIP)” para sa ating mga kababayang nabibilang sa mga walang kakayanang magbayad ng Seguro ay isang programa na makatutulong upang matugunan ang mga pangangailangang medikal ng ating mga kababayan lalong-lalo na sa oras ng pagkakasakit;

SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) para sa nasabing programa ay lubhang makatutulong sa ating bayan at mga mamamayan;

SAPAGKAT, bilang Punong-Bayan at ama ng ating Pamahalaang Bayan, si Kgg. Emmanuel B. Cadayona ang tumatayong kinatawan ng ating bayan;

SAPAGKAT, ang nasabing Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Philippine Health Insurance Corporation hinggil sa “National Health Insurance Program (NHIP)” ay paiiralin hanggang sa ika-31 ng Disyembre, 2013 alinsunod sa PhilHealth Board Resolution No. 1571, series of 2011.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon na binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) at ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna hinggil sa “National Health Insurance Program (NHIP)”.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 30 Abril, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 ABRIL, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, Absent,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 040 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG APAT NA LIBO, TATLONG DAA’T APATNAPUT-APAT NA PISO AT APATNAPU’T APAT NA SENTIMOS (PHP 4,344.45.00) NA MAGMUMULA SA ARAWANG SAHOD NG BAKANTENG POSISYONG ADMINISTRATIVE AIDE I SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG TAGATUOS NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA TERMINAL LEAVE BENEFITS NI GNG. TERESITA C. CAGUIN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-27 ng Abril, 2012 mula kay Gng. Beatriz C. Cainto, Pinunong Pantauhan ng Pamahalaang Bayan na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Terminal Leave Benefits (TLB) ni Gng. Teresita C. Caguin, dating Administrative Aide I (Utility Worker II) ng Pamahalaang Bayan na nagtrabaho mula Pebrero 01, 2006 hanggang ika-20 ng Abril, 2012;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong kaukulang lagda ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong pagsang-ayon ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat buhat sa:

Arawang Sahod ng bakanteng Posisyong Administrative Aide (Utility Worker II) sa Tanggapan ng Pambayang Tagatuos -
Php 4,344.45
Kabuuang Halaga - Php 4,344.45
======

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang APAT NA LIBO, TATLONG DAA’T APATNAPUT-APAT NA PISO AT APATNAPU’T APAT NA SENTIMOS (PHP 4,344.45.00) na magmumula sa Arawang Sahod ng bakanteng Posisyong Administrative Aide I sa Tanggapan ng Pambayang Tagatuos ng Paete, Laguna patungo sa Terminal Leave Benefits ni GNG. TERESITA C. CAGUIN.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 05 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N
Terminal Leave Benefits ni:
Gng. Teresita C. Caguin - Php 4,344.45
Kabuuang Halaga - Php 4,344.45
==========

PINAGTIBAY: 30 Abril, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINAGTIBAY:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

PINAGTITIBAY:

May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 ABRIL, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, Absent,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 041 t. – 2012

RESOLUSYON NG PAGBATI, PAGKILALA AT PAGPAPAHALAGA SA BANDA 69 NG PAETE, LAGUNA SA PAGWAWAGI NG UNANG GANTIMPALA (CHAMPION) SA IKALAWANG PAGKAKATAON SA “2ND LA LAGUNA FESTIVAL 2012 –BRASS BAND COMPETITION” NA GINANAP NOONG IKA-23 NG ABRIL, 2012 SA STA. CRUZ, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang Banda 69 ng Paete, Laguna ay marami ng mga natamong karangalan sa kanilang mga sinalihang paligsahan sa iba’t-ibang bayan at patuloy pa rin silang nagkakamit ng mga karangalan;

SAPAGKAT, ang Banda 69 ng Paete, Laguna ay nanalo rin noong taong 2011 ng Unang Gantimpala sa Brass Band Competition sa ginanap na “ 1ST La Laguna 2011-Brass Band Competition”;

SAPAGKAT, ang pagkakapanalo ng Banda 69 sa Ikalawang Pagkakataon sa Brass Band Competition ay muling nagbigay ng karangalan sa ating bayan at nagpakilala sa husay ng ating mga musikero sa larangan ng musika;

SAPAGKAT, bukod pa sa pagkapanalo ng Banda 69 sa Brass Band Competition ay nakamit rin nila ang Best in Costume, Paseo (Parade) at Best in Majorette;

SAPAGKAT, bukod pa sa mga natamong karangalan ng Banda 69 sa iba’t-ibang paligsahan ay naging bantog din ang kanilang musika sa ibang bayan kung kaya’t marami silang mga paanyayang natatanggap upang tumugtog sa ibang bayan;

SAPAGKAT, kinikilala ng Kgg. Sangguniang Bayan at ng Pamahalaang Bayan ang mga karangalang nakamit ng Banda 69 sa 2ND La Laguna Festival 2012-Brass Band Competition at marapat lamang na ipaabot ang taos pusong Pagbati, Pagkilala at Pagpapahalaga sa Banda 69.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagbati, Pagkilala at Pagpapahalaga sa Banda 69 ng Paete, Laguna sa Pagwawagi ng Unang Gantimpla (Champion) sa Ikalawang Pagkakataon sa “ 2ND La Laguna Festival 2012-Brass Band Competition” na ginanap noong ika-23 ng Abril, 2012 sa Sta. Cruz, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 30 Abril, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


Hindi Dumalo/Absent
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


Hindi Dumalo/Opisyal na Lakad
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 ABRIL, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, Absent,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 042 t. – 2012

RESOLUSYON NG PAGBATI, PAGKILALA AT PAGPAPAHALAGA SA NEW AMAZING KIDS NG PAETE, LAGUNA SA PAGWAWAGI NG 1ST RUNNER UP SA “2ND LA LAGUNA FESTIVAL 2012 –TALENTADONG LAGUNENSE” NA GINANAP NOONG IKA-25 NG ABRIL, 2012 SA STA. CRUZ, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang NEW AMAZING KIDS ay binubuo ng mga kabataang naninirahan sa ating bayan na nag-aaral ng Elementarya;

SAPAGKAT, ang NEW AMAZING KIDS ay nagpamalas ng kanilang angking galing at kahusayan sa larangan ng pagsasayaw sa programang SHOWTIME ng ABS-CBN (Channel 2) kung kaya’t natamo nila ang kanilang unang tagumpay bilang DAILY WINNER noong ika-11 ng Abril, 2011, at itinampok bilang isa sa mga WEEKLY FINALISTS noong ika-16 ng Abril 2011;

SAPAGKAT, marami ng sinalihang iba’t-ibang paligsahan ang NEW AMAZING KIDS at ang pagkakapanalo ng NEW AMAZING KIDS sa 2nd La Laguna Festival 2012-Talentadong Lagunense ay muling nagbigay ng karangalan sa ating bayan at nagpakilala sa husay ng ating mga kabataan sa larangan ng pagsayaw;

SAPAGKAT, bukod pa sa mga natamong karangalan ng NEW AMAZING KIDS sa iba’t-ibang paligsahan ay naging bantog din ang kanilang kahusayan sa pagsayaw at naging inspirasyon sila ng ating mga kabataan sa nasabing larangan bukod pa sa mga paanyaya sa kanila upang maghandog ng sayaw sa mga programang ginaganap sa ating bayan;

SAPAGKAT, kinikilala ng Kgg. Sangguniang Bayan at ng Pamahalaang Bayan ang karangalang nakamit ng NEW AMAZING KIDS at marapat lamang na ipaabot ang taos pusong Pagbati, Pagkilala at Pagpapahalaga sa New Amazing Kids.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagbati, Pagkilala at Pagpapahalaga sa NEW AMAZING KIDS ng Paete, Laguna sa Pagwawagi ng 1ST RUNNER UP sa “2nd LA LAGUNA FESTIVAL 2012-TALENTADONG LAGUNENSE” na ginanap noong ika-25 ng Abril, 2012 sa Sta. Cruz, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 30 Abril, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


Hindi Dumalo/Absent
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


Hindi Dumalo/Opisyal na Lakad
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal

BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 ABRIL, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, Absent,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 043 t. – 2012

RESOLUSYON NG PAGBATI, PAGKILALA AT PAGPAPAHALAGA SA STA. CECILIA BANDA 3 NG PAETE, LAGUNA SA PAGWAWAGI NG IKATLONG GANTIMPALA SA “2ND LA LAGUNA FESTIVAL 2012–BRASS BAND COMPETITION” NA GINANAP NOONG IKA-23 NG ABRIL, 2012 SA STA. CRUZ, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang STA. CECILIA BANDA 3 ng Paete, Laguna ay marami ng mga natamong karangalan sa kanilang mga sinalihang paligsahan sa iba’t-ibang bayan at patuloy pa ring nagkakamit ng mga karangalan;

SAPAGKAT, ang STA. CECILIA BANDA 3 ng Paete, Laguna ay nanalo rin noong taong 2011 ng Ikalawang Gantimpala sa Brass Band Competition sa ginanap na “1st La Laguna 2011-Brass Band Competition”;

SAPAGKAT, ang pagkakapanalo ng STA. CECILIA BANDA 3 ay muling nagbigay ng karangalan sa ating bayan at nagpakilala sa husay ng ating mga musikero sa larangan ng musika;

SAPAGKAT, bukod pa sa mga natamong karangalan ng STA. CECILIA BANDA 3 sa iba’t-ibang paligsahan ay naging bantog din ang kanilang musika sa ibang bayan kung kaya’t marami silang mga paanyaya ng natatanggap upang tumugtog sa ibang bayan;

SAPAGKAT, kinikilala ng Kgg. Sangguniang Bayan at ng Pamahalaang Bayan ang karangalang nakamit ng STA. CECILA BANDA 3 sa 2nd La Laguna 2012-Brass Band Competition at marapat lamang na ipaabot ang taos pusong Pagbati, Pagkilala at Pagpapahalaga sa STA. CECILIA BANDA 3.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagbati, Pagkilala at Pagpapahalaga sa STA. CECILIA BANDA 3 ng Paete, Laguna sa Pagwawagi ng IKATLONG GANTIMPALA sa “2nd LA LAGUNA FESTIVAL 2012-BRASS BAND COMPETITION” na ginanap noong ika-23 ng Abril, 2012 sa Sta. Cruz, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 30 Abril, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


Hindi Dumalo/Absent
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


Hindi Dumalo/Opisyal na Lakad
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 ABRIL, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana, Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal, Absent,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 044 t. – 2012

RESOLUSYONG NAGPAPAABOT NG PAKIKIRAMAY AT PAKIKIDALAMHATI SA BUONG PAMILYA AT MGA KAANAK SA PAGPANAW NI KGG. ISAAC B. BATHAN, NAGLINGKOD BILANG KONSEHAL NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NOONG TAONG 1963.

SAPAGKAT, si KGG. ISAAC B. BATHAN ay pumanaw noong ika- 28 ng Abril, 2012;

SAPAGKAT, si KGG. ISAAC B. BATHAN ang naging kapalit ng nagbitiw na Konsehal na si Kgg. Nicolas G. Fadul simula noong Enero, 1963 hanggang Disyembre, 1963 sa ilalim ng panunungkulan ni Dr. Severino G. Villarin, Punong-Bayan noong taong 1960-1964;

SAPAGKAT, si KGG. ISAAC B. BATHAN ay isa rin sa naging opisyal at aktibong kaanib ng mga Beterano sa ating bayan noong World War II;

SAPAGKAT, ang pagpanaw ni KGG. ISAAC B. BATHAN at ang kanyang taos pusong paglilingkod sa ating Sangguniang Bayan ay nag-iwan ng isang magandang ala-ala at halimbawa sa mga nanunungkulang opisyales, mga kawani at sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, di lamang ang kanyang pamilya, kaanak at mga kaibigan ang nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw dahilan sa kanyang mahusay na pakikisama at pakikisalamuha sa ating mga kababayan bagkus maging ang kawanihan ng Pamahalaang Bayan at mga mamamayan ng Bayan ng Paete;

SAPAGKAT, ang kasalukuyang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan at Pamahalaang Bayan ay nagpapaabot ng taos pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak ng yumaong si KGG. ISAAC B. BATHAN.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay ipinaaabot ang pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak sa pagpanaw ni KGG. ISAAC B. BATHAN, naglingkod bilang Konsehal ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna noong taong 1963.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 30 Abril, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


Hindi Dumalo/Absent
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May Lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


Hindi Dumalo/Opisyal na Lakad
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


May Lagda ang Orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


BINIGYANG PANSIN:


May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 ABRIL, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:
Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, Absent,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad.

RESOLUSYON BLG. 045 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG TATLUMPUNG LIBO, ISANG DAA’T LABING DALAWANG PISO (PHP 30,112.00) NA MAGMUMULA SA ARAWANG SAHOD AT MGA BENEPISYO MULA SA PONDO NG OPERASYON NG PAMBAYANG TURISMO PATUNGO SA PASAHOD AT BENEPISYO NG POSISYONG ADMINISTRATIVE AIDE III (UTILITY WORKER II) SA TANGGAPAN NG PANGKALAHATANG PAGLILINGKOD NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-16 ng Abril, 2012 buhat kay Gng. Beatriz C. Cainto, Pinunong Pantauhan na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Pasahod at Benepisyo ng posisyong Administrative Aide III (Utility Worker II) sa Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong kaukulang lagda ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet at sinang-ayunan ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan:
Arawang Sahod at mga benepisyo mula sa Operasyon ng Pambayang Turismo - Php 30,112.00
Kabuuang Halaga - Php 30,112.00
========

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang TATLUMPUNG LIBO, ISANG DAA’T LABING DALAWANG PISO (PHP 30,112.00) na magmumula sa Arawang Sahod at mga benepisyo mula sa pondo ng Operasyon ng Pambayang Turismo patungo sa Pasahod at benepisyo ng posisyong Administrative Aide III (Utility Worker II) sa Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 06 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod:
Pasahod at Benepisyo ng posisyong Administrative Aide III (Utility Worker II)
- Php 30,112.00
Kabuuang Halaga Php 30,112.00
===========

PINAGTIBAY: 30 Abril, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May Lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINAGTIBAY:


May Lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

PINAGTITIBAY:

May Lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Aug 16, 2012 7:18 pm    Post subject: Res. Blg. 155-Pagbabago ng Katayaan ng lupa sa Sitio Macumbo Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA BATASANG BAYAN, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA, 28 MAYO, 2012, ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal/LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal/SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 55 T.-2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSA NG PAGBABAGO NG KATAYAAN NG LUPANG AGRIKULTURAL UPANG MAGING RESIDENSIYAL NA MAY SUKAT NA HUMIGIT KUMULANG 30,000 METRO KWADRADO NA NASA ILALIM NG LOT NOS. 3235 CAD 404 AT BAHAGI NG LOT NO. 3238 CAD 404 NA MATATAGPUAN SA SITIO MACUMBO, BARANGAY QUINALE, PAETE, LAGUNA.
_____________________________________________________

MAY AKDA: KONSEHAL ERIBERTO D. PASCUAL
_____________________________________________________

SAPAGKAT, isa sa mga pangunahing obligasyon ng Pamahalaang Bayan ay ang pagsasaayos ng mga gamit ng lupang kanyang nasasakupan, mapangalagaan ang kapaligiran at masigurado ang maayos na pamayanan hindi lamang sa kasakuluyan kundi maging sa hinaharap;

SAPAGKAT, bukas palad na ipinagkaloob ng mag-asawang sina G. at Gng. Alberto D. Lina ang kanilang lupang pag-aari sa Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at ang mga lupang ito ay nasa ilalim ng Lot No. 3235 na may sukat na 6,406 sq. m. at bahagi ng Lot no. 3238 na may sukat na 23,594 sq. m. na matatagpuan sa Sitio Macumbo, Barangay Quinale;

SAPAGKAT, ang nabanggit na lupang pag-aari nina G. at Gng. Alberto D. Lina ay ipinagkaloob upang maging permanenteng tirahan ng mga mamamayan na sa kasalukuyan ay naninirahan sa mga lugar na nasasakop ng “danger zone” sa ating bayan at kinakailangang maisaayos ang kanilang mga tirahan upang hindi na sila magkaroon pa ng mga pangamba sa tuwing mayroong darating na bagyo o anumang kalamidad na hindi inaasahan;

SAPAGKAT, may programa ang Pamahalaang Bayan na mabigyan ng disenteng tahanan at malayo sa kapahamakan ang mga mamamayan lalo’t higit ang mga naninirahan sa mga matatarik at mapanganib na lugar;

SAPAGKAT, ang nasabing pagbabago ng katayaan ng lupang agrikultural patungo sa residensiyal (Reclassification of land) ay isa sa mahalagang dokumento na kailangang maisumite sa National Housing Authority (NHA) kaugnay ng proyekto ng Pamahalaang Bayan na “Pabahay”.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng mas nakararaming dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Ordinansa ng Pagbabago ng Katayaan ng lupang Agrikultural upang maging Residensiyal na may sukat na humigit kumulang 30,000 metro kwadrado na nasa ilalim ng Lot Nos. 3235 Cad 404 at bahagi ng 3238 Cad 404 na matatagpuan sa Sitio Macumbo, Barangay Quinale, Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at patnubay.

ORDINANSA BLG. 2012-308

ORDINANSA NG PAGBABAGO NG KATAYAAN NG LUPANG AGRIKULTURAL UPANG MAGING RESIDENSIYAL NA MAY SUKAT NA HUMIGIT KUMULANG 30,000 METRO KWADRADO NA NASA ILALIM NG LOT NOS. 3235 CAD 404 AT BAHAGI NG 3238 CAD 404 NA MATATAGPUAN SA SITIO MACUMBO, BARANGAY QUINALE, PAETE, LAGUNA.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna, na:

PANGKAT 1. Ang nasabing mga lupa na pag-aari ng mag-asawang G. Alberto David Lina at Gng. Sylvia Pacheco-Lina, ay nakatala sa Tanggapan ng Pambayang Tagataya ng Paete, Laguna na may paglalarawan gaya ng mga sumusunod: Tax Declaration Nos. 18-0013 00285 at 18-0013 00800; at may kaukulang Lot Nos. 3235 Cad 404 at 3238 Cad 404.

PANGKAT 2. Ang Punong-Bayan ng Paete, Laguna, ay binibigyang karapatan na magbigay ng mga kaukulang pahintulot para sa nasabing lupang agrikultural upang maging residensiyal kaugnay ng proyektong “Pabahay” ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna matapos makatugon sa mga dokumentong kinakailangan sa pagbabago ng katayaan ng lupa.

PANGKAT 3. Sa anumang kadahilanan, bahagi man o kabuuan ng alinmang pangkatin ng kautusang ito na lihis o taliwas, ang mga bahaging hindi apektado ay mahigpit pa ring ipatutupad.

PANGKAT 4. Ang kautusang ito ay magkakabisa matapos makatugon sa itinatadhana ng mga batas kaugnay nito.

PINAGTIBAY: 28 Mayo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng resolusyong nabanggit sa itaas nito.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group