PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-MAYO, 2012 NG KGG. SB

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Aug 16, 2012 4:01 am    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-MAYO, 2012 NG KGG. SB Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 07 MAYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 046 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG PITONG LIBO AT LIMANG DAANG PISO (PHP 7,500.00) NA MAGMUMULA SA OFFICE SUPPLIES SA TANGGAPAN NG PINUNONG PANTAUHAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA CAPITAL OUTLAY (PRINTER) NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-30 ng Abril, 2012 buhat kay Gng. Beatriz C. Cainto, Pinunong Pantauhan na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Capital Outlay sa Tanggapan ng Pinunong Pantauhan;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong kaukulang lagda ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet at sinang-ayunan ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan:
Tanggapan ng Pinunong Pantauhan
Office Supplies - Php 7,500.00
Kabuuang Halaga - Php 7,500.00


KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa at Konsehal Brigido R. Bagayana, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang PITONG LIBO AT LIMANG DAANG PISO (PHP 7,500.00) na magmumula sa Office Supplies sa Tanggapan ng Pinunong Pantauhan ng Paete, Laguna patungo sa Capital Outlay (Printer) ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 07 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pinunong Pantauhan:
Capital Outlay (Printer) - Php 7,500.00
Kabuuang Halaga Php 7,500.00


PINAGTIBAY: 07 Mayo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 07 MAYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 047 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA RESOLUSYON BLG. 1 T. 2012 AT ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 15 T. 2012 NG SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY 2 MAYTOONG, PAETE, LAGUNA-RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG PONDONG NASA KATEGORYA NG OTHER EXPENSES NA NAGKAKAHALAGA NG ANIM NA LIBONG PISO (PHP 6,000.00) PATUNGO SA SPORTS DEVELOPMENT.

SAPAGKAT, noong ika-02 ng Mayo, 2012 ay mayroong natanggap na sipi ng Resolusyon Blg. 1 t. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 15 t. 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat sa Sangguniang Kabataan ng Barangay 2 Maytoong, Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang nasabing Resolusyon at Ordinansang Paglalaan ay mayroong kaukulang lagda ng bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 2 Maytoong, Paete, Laguna at nilagdaan din ni Kgg. Federico Pascasio, Punong-Barangay ng Barangay Maytoong;

SAPAGKAT, ang nasabing Resolusyon Blg. 1 t. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 15 t. 2012 ay alinsunod sa isinagawang karaniwang pulong ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 2 Maytoong, Paete, Laguna na ginanap noong ika-21 ng Abril, 2012;

SAPAGKAT, ang nasabing paglalaan ay magmumula sa:

Other Expenses - Php 6,000.00
Kabuuang Halaga - Php 6,000.00


SAPAGKAT, ang nasabing pondo ay ilalaan sa:
Sports Development - Php 6,000.00


SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang ito ang nasabing Resolusyon Blg. 1 t. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 15 t. 2012 ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 2 Maytoong, Paete, Laguna.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong pagkatig sa Resolusyon Blg. 1 t. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 15 t. 2012 ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 2 Maytoong, Paete, Laguna-Resolusyong pagtibayin ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng pondong nasa kategorya ng Other Expenses na nagkakahalaga ng ANIM NA LIBONG PISO (Php 6,000.00) patungo sa Sports Development.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 07 Mayo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 14 MAYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 048 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LABING SIYAM NA LIBO AT TATLONG DAANG PISO (PHP 19,300.00) NA MAGMUMULA SA OTHER SERVICES SA TANGGAPAN NG KAGALINGANG PANLIPUNAN AT PAGPAPAUNLAD (MSWD) NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA IBA’T-IBANG PAGLALAAN NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-10 ng Mayo, 2012 buhat kay Gng. Lorenza N. Madrigal, MSWDO-OIC na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa iba’t-ibang gastusin sa Tanggapan ngKagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD);

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong kaukulang lagda ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet at sinang-ayunan ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan:
Other Services - Php 19,300.00
Kabuuang Halaga - Php 19,300.00


KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LABING SIYAM NA LIBO AT TATLONG DAANG PISO (PHP 19,300.00) na magmumula sa Other Services sa Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna patungo sa Iba’t-ibang Paglalaan ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 08 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD):
Overtime Pay - Php 10,000.00
Telephone Bill (Landline) 9,300.00
Kabuuang Halaga Php 19,300.00



PINAGTIBAY: 14 Mayo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 14 MAYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO:
Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal, Opisyal na Lakad.

RESOLUSYON BLG. 049 t. – 2012

RESOLUSYON NG PAGBATI, PAGPAPAHALAGA AT PAGKILALA SA MAG-ASAWANG SINA G. ANSELMO BAET VALDELLON AT GNG. SALVACION LULU-VALDELLON, NAGWAGI NG UNANG GANTIMPALA (CHAMPION) SA “2ND LA LAGUNA FESTIVAL 2012 –NILUPAK MAKING CONTEST” NA GINANAP NOONG IKA-27 NG ABRIL, 2012 SA STA. CRUZ, LAGUNA.

SAPAGKAT, mayroong isinagawang Nilupak Making Contest noong ika-27 ng Abril, 2012 sa Sta. Cruz, Laguna kaugnay ng pagdiriwang ng 2nd La Laguna Festival 2012;

SAPAGKAT, ang nasabing Nilupak Making Contest ay paligsahan sa paggawa ng nilupak (binay-an) na nilahukan ng mga mag-asawang naninirahan sa lalawigan ng Laguna;

SAPAGKAT, ang mga naging kalahok sa nasabing paligsahan ay nagmula sa San Pablo City, Siniloan, Nagcarlan, Magdalena, tatlong pares ng mga kalahok mula sa Sta. Cruz, Laguna at sa ating bayan ng Paete;

SAPAGKAT, ang mag-asawang sina G. ANSELMO BAET VALDELLON AT GNG. SALVACION LULU-VALDELLON, naninirahan sa Barangay Ilaya del Norte (6), Paete, Laguna ang nagsilbing kinatawan ng ating bayan sa nasabing patimpalak;

SAPAGKAT, isang karangalan sa ating bayan ang pagkapanalo ng Unang Gantimpala (Champion) ng mag-asawang sina G. Anselmo Baet Valdellon at Gng. Salvacion Lulu- Valdellon sa Nilupak Making Contest;

SAPAGKAT, kinikilala ng Kgg. Sangguniang Bayan at ng Pamahalaang Bayan ang karangalang nakamit ng mag-asawang sina G. Anselmo Baet Valdellon at Gng. Salvacion Lulu-Valdellon at marapat lamang na ipaabot ang taos pusong Pagbati, Pagpapahalaga at Pagkilala sa mag-asawang Valdellon.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagbati, Pagkilala at Pagpapahalaga sa mag-asawang sina G. ANSELMO BAET VALDELLON AT GNG. SALVACION LULU-VALDELLON, nagwagi ng Unang Gantimpala (CHAMPION) sa “2nd La Laguna Festival 2012 –Nilupak Making Contest” na ginanap noong ika-27 ng Abril, 2012 sa Sta. Cruz, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 14 Mayo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


May lagda ang Orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


Hindi Dumalo/Opisyal na Lakad
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


May lagda ang Orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


May lagda agn Orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 21 MAYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 050 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA RESOLUSYON BLG. 5 T. 2012 AT ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 16 T. 2012 NG SANGGUNIANG BARANGAY NG MAYTOONG, PAETE, LAGUNA-RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG PHP 7,000.00 MULA SA PAMAHALAANG BAYAN BILANG FINANCIAL ASSISTANCE SA PAGPAPA-NOTARYO NG MGA DEED OF DONATION SA PROYEKTO SA BALDEMOR ST. (MATIISIN ST.) NA NASASAKUPAN NG BARANGAY.

SAPAGKAT, noong ika-09 ng Mayo, 2012 ay mayroong natanggap na sipi ng Resolusyon Blg. 5 t. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 16 t. 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat sa Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang nasabing Resolusyon Blg. 5 t. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 16 t. 2012 ay alinsunod sa isinagawang karaniwang pulong ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna na ginanap noong ika-5 ng Mayo, 2012;

SAPAGKAT, ang nasabing Resolusyon at Ordinansang Paglalaan ay mayroong kaukulang lagda ng bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang nasabing paglalaan ay magmumula sa:

Municipal Financial Assistance - Php 7,000.00
Kabuuang Halaga - Php 7,000.00


SAPAGKAT, ang nasabing pondo ay ilalaan sa:
Pambayad sa Pagpapagawa ng Deed of Donation para sa Proyekto sa Baldemor St. (Matiisin St. ) - Php 7,000.00


SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang ito ang nasabing Resolusyon Blg. 5 t. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 16 t. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong pagkatig sa Resolusyon Blg. 5 T. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 16 T. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna-Resolusyong pagtibayin ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang Php 7,000.00 mula sa Pamahalaang Bayan bilang Financial Assistance sa Pagpapa-Notaryo ng mga Deed of Donation sa proyekto sa Baldemor St. (Matiisin St.) na nasasakupan ng Barangay.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 21 Mayo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 21 MAYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 051 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LABING LIMANG LIBONG PISO (PHP 15,000.00) NA MAGMUMULA SA OTHER EXPENSES SA TANGGAPAN NG PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA CAPITAL OUTLAY (COMPUTER MONITOR AT PRINTER) NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-16 ng Mayo, 2012 buhat sa Tanggapan ng Punong-Bayan na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Capital Outlay (Computer Monitor at Printer) sa kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, kinakailangang matugunan ang pangangailangan ng nasabing tanggapan na makabili ng panibagong computer monitor at printer na nasira na upang huwag mabalam ang kanilang mga transaksiyon;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan:
Other Expenses - Php 15,000.00
Kabuuang Halaga - Php 15,000.00


KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LABING LIMANG LIBONG PISO (Php 15,000.00) na magmumula sa Other Expenses sa Tanggapan ng Punong-Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Capital Outlay (Computer Monitor at Printer) ng nasabing tanggapan.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 09 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Punong-Bayan:
Capital Outlay (Computer Monitor at Printer) - Php 15,000.00
Kabuuang Halaga Php 15,000.00


PINAGTIBAY: 21 Mayo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG DI-KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA BATASANG BAYAN, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA, 23 MAYO, 2012, ARAW NG MIYERKULES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal/LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal/SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 52 T.-2012

RESOLUSYONG NAGPAPAABOT NG PAKIKIRAMAY AT PAKIKIDALAMHATI SA BUONG PAMILYA AT MGA KAANAK SA PAGPANAW NI KGG. BASILIO BALAN AFUANG, DATING KONSEHAL NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA NAHALAL AT NAGLINGKURAN NOONG HULYO 01, 1988 HANGGANG ABRIL 10, 1992 AT NOONG HULYO 01, 1995 HANGGANG HUNYO 30, 1998.

SAPAGKAT, ang pagpanaw ni KGG. BASILIO BALAN AFUANG ay nakapag-iwan ng magandang ala-ala sa larangan ng paglilingkod sa ating pamahalaan;

SAPAGKAT, si KGG. BASILIO BALAN AFUANG ay pumanaw noong ika- 22 ng Mayo, 2012;

SAPAGKAT, di lamang ang kanyang pamilya, kaanak at mga kaibigan ang nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw dahilan sa kanyang mahusay na pakikisama at pakikisalamuha sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, si KGG. BASILIO BALAN AFUANG ay nahalal bilang Konsehal ng Kgg. Sangguniang Bayan noong Hulyo 01, 1988 hanggang Abril 10, 1992 at mula noong Hulyo 01, 1995 hanggang Hunyo 30, 1998 at siya ay tunay na naging kabalikat ng ating Kgg. Sangguniang Bayan, ng Pamahalaang Bayan at ng ating mga kababayan;

SAPAGKAT, ang kanyang taos pusong paglilingkod bilang halal na opisyal at ang kanyang pagsusumikap na maitaas ang antas ng paglilingkod sa ating pamahalaan ay nag-iwan ng isang magandang ala-ala at halimbawa sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, ang kasalukuyang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan at ang Pamahalaang Bayan ay nagpapaabot ng taos pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak ng pumanaw na si KGG. BASILIO BALAN AFUANG.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng sangguniang ito, sa ngayon, ay ipinaaabot ang pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak sa Pagpanaw ni KGG. BASILIO BALAN AFUANG, Dating Konsehal ng Kgg. Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na nahalal at naglingkuran noong Hulyo 01, 1988 hanggang Abril 10, 1992 at noong Hulyo 01, 1995 hanggang Hunyo 30, 1998.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 23 Mayo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng resolusyong nabanggit sa itaas nito.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


May lagda ang Orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


May lagda ang Orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


May lagda ang Orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


Binigyang pansin:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan





HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA BATASANG BAYAN, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA, 28 MAYO, 2012, ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal/LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal/SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 53 T.-2012

RESOLUSYONG BINIBIGYANG-KARAPATAN AT KAPANGYARIHAN SINA KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN AT GNG. MENCHIE P. ESPAÑOLA, PAMBAYANG INGAT-YAMAN NA LUMAGDA AT KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA SA PAGBUBUKAS NG DALAWANG (2) BAGONG ACCOUNT SA LAND BANK OF THE PHILIPPINES STA. CRUZ, LAGUNA BRANCH AT UPANG MAKAPAGPASOK AT MAKAPAGLABAS NG PONDO PARA SA IBA PANG LAYUNIN KAUGNAY NG PROYEKTO NG LLDA AT NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA PAETE INTEGRATED WASTE MANAGEMENT SUB-PROJECT.

SAPAGKAT, noong ika-23 ng Mayo, 2012 ay mayroong natanggap na sulat ang Kgg. Sangguniang Bayan buhat kay Gng. Menchie P. Española, Pambayang Ingat-Yaman na may kaukulang lagda ni G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador, sa atas ng Punong-Bayan, Kgg. Emmanuel B. Cadayona na humihiling ng pagpapatibay na makapagbukas ng bagong account sa Land Bank of the Philippines;

SAPAGKAT, mayroong pinagtibay na Resolusyon Blg. 13 t. 2010 ang Kgg. Sangguniang Bayan noong Pebrero 24, 2010- Resolution affirming the interest of the Municipal Government of Paete, Laguna and Authorizing Hon. Emmanuel B. Cadayona to apply, negotiate and participate in the Laguna de Bay Institutional Strengthening and Community Participation (LISCOP) Project, and to borrow funds from the Municipal Development Fund Office (MDFO) under the Department of Finance (DOF), and to undertake other acts necessary to the effective implementation of the Waste Water Treatment Facility for the Municipality of Paete, Laguna;

SAPAGKAT, isa sa mga kinakailangang hakbang sa pagsasagawa ng nasabing proyekto ay ang pagkakaroon ng dalawang (2) bagong “Account” sa Land Bank of the Philippines, isang Account para sa Equity at ang isang Account ay para sa Loan and Grant na ipagkakaloob sa ating Pamahalaang Bayan mula sa World Bank sa pamamagitan ng LLDA partikular na para sa nasabing proyekto;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na ang Punong-Bayan ay kinakailangang bigyan ng karapatan at kapangyarihan ng Sangguniang Bayan sa pakikipagkasundo at paglagda sa anumang kasunduan na ang kakatawanin ay ang bayan ng Paete.

SAPAGKAT, marapat lamang na magpatibay at maglabas ng panibagong resolusyon para sa ligalidad at upang matugunan ang mga kinakailangan para sa pagsasagawa ng nabanggit na proyekto.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA : na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon ay binibigyang-karapatan at kapangyarihan sina Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan at Gng. Menchie P. Española, Pambayang Ingat-Yaman, na lumagda at katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna sa pagbubukas ng Dalawang (2) bagong Account sa Land Bank of the Philippines, Sta. Cruz, Laguna Branch at upang makapagpasok at makapaglabas ng pondo para sa iba pang layunin kaugnay ng proyekto ng LLDA at ng Pamahalaang bayan ng Paete, Laguna na Paete Integrated Waste Management Sub-Project.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 28 Mayo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng resolusyong nabanggit sa itaas nito.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


Binigyang pansin:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan




HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA BATASANG BAYAN, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA, 28 MAYO, 2012, ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal/LBP,


Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal/SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 54 T.-2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGBIBIGAY KARAPATAN KAY KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN UPANG KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PARA LUMAGDA SA KASULATANG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG BAYAN AT DEPARTMENT OF HEALTH, CENTER FOR HEALTH DEVELOPMENT (DOH- CHD) NA KAKATAWANIN NI DR. EDGARDO M. GONZAGA, DOH- CHD REGIONAL DIRECTOR IV- A.

SAPAGKAT, may inulunsad na programa ang Department of Health, Center for Health Development (DOH- CHD) batay sa Administrative Order No. 2010-0036, “ The Aquino Health Agenda: Achieving Universal Health Care for all Filipinos” o ang Kalusugan Pangkalahatan;

SAPAGKAT, ang bayan ng Paete, Laguna ay isa sa labingdalawang bayan sa Laguna na napili ng Department of Health, Center for Health Development (DOH-CHD) upang maisagawa ang programang “Unified Health Management Information System”;

SAPAGKAT, pagkakalooban ng Department of Health (DOH) ng isang “computer set” kasama ang “software” ang ating Rural Health Unit (RHU) para maisagawa ang isa sa mga layunin ng nasabing programa ang mabilis at maayos na pag- uulat, na may kaugnayan sa kalusugan ng ating mamamayan dito sa ating bayan;

SAPAGKAT, isang malaking tulong ang nabanggit na programa upang maging maayos ang paglilingkuran ng ating mga “health workers” at upang maging kaisa tayo sa pagsasagawa ng programang ito ang “Universal Health Care for All Filipinos”;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ang ating Punong Bayan para sa pagsasagawa at maipatupad ang layunin ng programang ito.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kgg. Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang- ayon ng lahat na dumalo ay:

IPINASIYA : na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagbibigay karapatan kay KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, Punong- Bayan upang katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna para lumagda sa Kasulatang Kasunduan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at Department of Heath, Center for Health Development (DOH-CHD) na kakatawanin ni Dr. Edgardo M. Gonzaga, DOH-CHD Regional Director IV-A.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 28 Mayo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng resolusyong nabanggit sa itaas nito.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


Binigyang pansin:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Aug 16, 2012 7:37 pm    Post subject: Res. Blg. 155-Pagbabago ng Katayaan ng lupa sa Sitio Macumbo Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA BATASANG BAYAN, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA, 28 MAYO, 2012, ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal/LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal/SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 55 T.-2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSA NG PAGBABAGO NG KATAYAAN NG LUPANG AGRIKULTURAL UPANG MAGING RESIDENSIYAL NA MAY SUKAT NA HUMIGIT KUMULANG 30,000 METRO KWADRADO NA NASA ILALIM NG LOT NOS. 3235 CAD 404 AT BAHAGI NG LOT NO. 3238 CAD 404 NA MATATAGPUAN SA SITIO MACUMBO, BARANGAY QUINALE, PAETE, LAGUNA.
_____________________________________________________

MAY AKDA: KONSEHAL ERIBERTO D. PASCUAL
_____________________________________________________

SAPAGKAT, isa sa mga pangunahing obligasyon ng Pamahalaang Bayan ay ang pagsasaayos ng mga gamit ng lupang kanyang nasasakupan, mapangalagaan ang kapaligiran at masigurado ang maayos na pamayanan hindi lamang sa kasakuluyan kundi maging sa hinaharap;

SAPAGKAT, bukas palad na ipinagkaloob ng mag-asawang sina G. at Gng. Alberto D. Lina ang kanilang lupang pag-aari sa Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at ang mga lupang ito ay nasa ilalim ng Lot No. 3235 na may sukat na 6,406 sq. m. at bahagi ng Lot no. 3238 na may sukat na 23,594 sq. m. na matatagpuan sa Sitio Macumbo, Barangay Quinale;

SAPAGKAT, ang nabanggit na lupang pag-aari nina G. at Gng. Alberto D. Lina ay ipinagkaloob upang maging permanenteng tirahan ng mga mamamayan na sa kasalukuyan ay naninirahan sa mga lugar na nasasakop ng “danger zone” sa ating bayan at kinakailangang maisaayos ang kanilang mga tirahan upang hindi na sila magkaroon pa ng mga pangamba sa tuwing mayroong darating na bagyo o anumang kalamidad na hindi inaasahan;

SAPAGKAT, may programa ang Pamahalaang Bayan na mabigyan ng disenteng tahanan at malayo sa kapahamakan ang mga mamamayan lalo’t higit ang mga naninirahan sa mga matatarik at mapanganib na lugar;

SAPAGKAT, ang nasabing pagbabago ng katayaan ng lupang agrikultural patungo sa residensiyal (Reclassification of land) ay isa sa mahalagang dokumento na kailangang maisumite sa National Housing Authority (NHA) kaugnay ng proyekto ng Pamahalaang Bayan na “Pabahay”.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng mas nakararaming dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Ordinansa ng Pagbabago ng Katayaan ng lupang Agrikultural upang maging Residensiyal na may sukat na humigit kumulang 30,000 metro kwadrado na nasa ilalim ng Lot Nos. 3235 Cad 404 at bahagi ng 3238 Cad 404 na matatagpuan sa Sitio Macumbo, Barangay Quinale, Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at patnubay.

ORDINANSA BLG. 2012-308

ORDINANSA NG PAGBABAGO NG KATAYAAN NG LUPANG AGRIKULTURAL UPANG MAGING RESIDENSIYAL NA MAY SUKAT NA HUMIGIT KUMULANG 30,000 METRO KWADRADO NA NASA ILALIM NG LOT NOS. 3235 CAD 404 AT BAHAGI NG 3238 CAD 404 NA MATATAGPUAN SA SITIO MACUMBO, BARANGAY QUINALE, PAETE, LAGUNA.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna, na:

PANGKAT 1. Ang nasabing mga lupa na pag-aari ng mag-asawang G. Alberto David Lina at Gng. Sylvia Pacheco-Lina, ay nakatala sa Tanggapan ng Pambayang Tagataya ng Paete, Laguna na may paglalarawan gaya ng mga sumusunod: Tax Declaration Nos. 18-0013 00285 at 18-0013 00800; at may kaukulang Lot Nos. 3235 Cad 404 at 3238 Cad 404.

PANGKAT 2. Ang Punong-Bayan ng Paete, Laguna, ay binibigyang karapatan na magbigay ng mga kaukulang pahintulot para sa nasabing lupang agrikultural upang maging residensiyal kaugnay ng proyektong “Pabahay” ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna matapos makatugon sa mga dokumentong kinakailangan sa pagbabago ng katayaan ng lupa.

PANGKAT 3. Sa anumang kadahilanan, bahagi man o kabuuan ng alinmang pangkatin ng kautusang ito na lihis o taliwas, ang mga bahaging hindi apektado ay mahigpit pa ring ipatutupad.

PANGKAT 4. Ang kautusang ito ay magkakabisa matapos makatugon sa itinatadhana ng mga batas kaugnay nito.

PINAGTIBAY: 28 Mayo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng resolusyong nabanggit sa itaas nito.



May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group