PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-HUNYO, 2012 NG KGG. SB

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Aug 16, 2012 10:26 pm    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-HUNYO, 2012 NG KGG. SB Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 04 HUNYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 056 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LABING LIMANG LIBONG PISO (PHP 15,000.00) NA MAGMUMULA SA OTHER EXPENSES SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG ADMINISTRADOR NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA CAPITAL OUTLAY (COMPUTER MONITOR AT PRINTER) NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-28 ng Mayo, 2012 buhat sa Tanggapan ng Pambayang Administrador na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Capital Outlay (Computer Monitor at Printer) sa kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, kinakailangang matugunan ang pangangailangan ng nasabing tanggapan na makabili ng panibagong computer monitor at printer na nasira na upang huwag mabalam ang kanilang mga transaksiyon;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan:
Other Expenses - Php 15,000.00
Kabuuang Halaga - Php 15,000.00


KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LABING LIMANG LIBONG PISO (Php 15,000.00) na magmumula sa Other Expenses sa Tanggapan ng Pambayang Administrador ng Paete, Laguna patungo sa Capital Outlay (Computer Monitor at Printer) ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 10 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Administrador:
Capital Outlay (Computer Monitor at Printer) - Php 15,000.00
Kabuuang Halaga Php 15,000.00



PINAGTIBAY: 04 Hunyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG DI-KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA BATASANG BAYAN, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA, 11 HUNYO, 2012, ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal/LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal/SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 57 T.-2012

RESOLUSYONG NAGPAPAABOT NG PAKIKIRAMAY AT PAKIKIDALAMHATI ANG BUMUBUO NG KGG. SANGGUNIANG BAYAN AT PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PARA SA BUONG PAMILYA AT MGA KAANAK SA PAGPANAW NI KGG. REYNALDO “HUNTER” DT.PARAS, NANUNUNGKULAN SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN BILANG ISANG BOKAL NG IKA-3 DISTRITO NG LALAWIGAN NG LAGUNA, NATIONAL CHAIRMAN-GUARDIAN BROTHERHOOD, INC. AT PROVINCIAL FOUNDER-GUARDIAN BROTHERHOOD, INC.-LAGUNA CHAPTER.

SAPAGKAT, ang pagpanaw ni KGG. REYNALDO “HUNTER” DT. PARAS ay nakapag-iwan ng magandang ala-ala sa larangan ng paglilingkod sa ating pamahalaan;

SAPAGKAT, si KGG. REYNALDO “HUNTER” DT. PARAS ay tinambangan (ambush) noong ika-06 ng Hunyo, 2012 sa San Pablo City kung saan siya ay nagtamo ng anim (6) na tama ng bala na naging dahilan ng kanyang pagpanaw noong ika- 07 ng Hunyo, 2012;

SAPAGKAT, di lamang ang kanyang pamilya, kaanak at mga kaibigan ang nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw dahilan sa kanyang mahusay na pakikisama at pakikisalamuha sa mga mamamayang naninirahan sa kaniyang nasasakupang distrito maging ang mga taga ibang distrito sa ating lalawigan;

SAPAGKAT, si KGG. REYNALDO “HUNTER” DT. PARAS ay nagmula sa Lungsod ng San Pablo at nahalal bilang Bokal ng Kgg. Sangguniang Panlalawigan noong Hulyo 01, 2007, kasakuluyang nasa ikalawang termino bilang Bokal ng ika-3 Distrito ng Laguna at siya ay tunay na naging kabalikat ng ating Kgg. Sangguniang Panlalawigan;

SAPAGKAT, si KGG. REYNALDO “HUNTER” DT. PARAS ang nakatalaga na Tagapangulo ng Lupon sa Kapayapaan, Katahimikan at Pangmadlang Kaligtasan at Tagapangulo ng Lupon sa Transportasyon at Komunikasyon sa Sangguniang Panlalawigan;

SAPAGKAT, si KGG. REYNALDO “HUNTER” DT. PARAS ay laging bukas palad, laang tumulong at patuloy na naging kaagapay ng Guardian Brotherhood, Inc.-Paete Chapter sa mga proyekto at balakin ng nasabing samahan;

SAPAGKAT, ang kanyang taos pusong paglilingkod bilang halal na opisyal at ang kanyang pagsusumikap na maitaas ang antas ng paglilingkod sa ating pamahalaan ay nag-iwan ng isang magandang ala-ala at halimbawa sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, ang kasalukuyang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan at ang Pamahalaang Bayan ay nagpapaabot ng taos pusong Pakikiramay at Pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak ng pumanaw na si KGG. REYNALDO “Hunter” DT.PARAS.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng sangguniang ito, sa ngayon, ay ipinaaabot ang Pakikiramay at Pakikidalamhati ng bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan at Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna sa buong pamilya at mga kaanak sa Pagpanaw ni KGG. KGG. REYNALDO “HUNTER” DT.PARAS, nanunungkulan sa Sangguniang Panlalawigan bilang isang Bokal ng Ika-3 Distrito ng Lalawigan ng Laguna, National Chairman-Guardian Brotherhood, Inc. at Provincial Founder-Guardian Brotherhood, Inc.-Laguna Chapter.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 11 Hunyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng resolusyong nabanggit sa itaas nito.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


May lagda ang Orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


May lagda ang Orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


May lagda ang Orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


Binigyang pansin:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 18 HUNYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 058 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LABING DALAWANG LIBONG PISO (PHP 12,000.00) NA MAGMUMULA SA OTHER SERVICES SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG KAGALINGANG PANLIPUNAN AT PAGPAPAUNLAD (MSWD) NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA MAINTENANCE-MOTOR VEHICLES NG TANGGAPAN NG PANGKALAHATANG PAGLILINGKOD.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-14 ng Hunyo, 2012 buhat kay Gng. Lorenza N. Madrigal, MSWDO-OIC ng Tanggapan ng Pambayang Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Pagpapagawa ng kanilang ginagamit na sasakyan (Anfra) para sa mga opisyal na lakad ng kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, kinakailangang matugunan ang pangangailangan ng nasabing tanggapan na mapaglaanan ng pondo ang nasabing sasakyan na may plaka bilang SFB-843 na nasira na at kinakailangang maisaayos (repair) upang huwag mabalam ang kanilang mga transaksiyon partikular na ang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Pambayang Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad: (MSWD)
Other Services - Php 12,000.00
Kabuuang Halaga - Php 12,000.00


KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa at Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LABING DALAWANG LIBONG PISO (Php 12,000.00) na magmumula sa Other Services sa Tanggapan ng Pambayang Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna patungo sa Maintenance-Motor Vehicles ng Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 11 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod (General Services):
Maintenance-Motor Vehicles - Php 12,000.00
Kabuuang Halaga - Php 12,000.00


PINAGTIBAY: 18 Hunyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 18 HUNYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 059 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA IMPLEMENTING GUIDELINES FOR UNIVERSAL HEALTH CARE PRIMARY CARE BENEFIT 1 (PCB 1) PACKAGE FOR TRANSITION PERIOD CY 2012-2013 NA KALAKIP NG PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION (PHILHEALTH CIRCULAR # 010-2012) PARA SA PAGPAPATUPAD NG PROGRAMA SA LAHAT NG RURAL HEALTH UNITS/HEALTH CENTERS SA BUONG BANSA.

SAPAGKAT, may natanggap ang Kgg. Sangguniang Bayan na liham-pagliliwat mula sa Tanggapan ng Punong-Bayan noong Hunyo 1, 2012, tungkol sa paksang nasa itaas nito para sa kaukulang pagkatig;

SAPAGKAT, sa isinagawang Committee Hearing ng bumubuo ng Lupon sa Kalusugan at ng Pambayang Manggagamot, Dra. Maria Fe A. Aguilar noong Hunyo 14, 2012 ay ipinaliwanag ng Pambayang Manggagamot ang mga detalyeng may kinalaman sa paksang nasa itaas nito;

SAPAGKAT, base na rin sa paliwanag ni Dra. Maria Fe A. Aguilar, ang Philhealth Circular na ito ay may kinalaman sa mga bagong patakaran at benepisyo para sa mga miyembro ng Philhealth:

a.) Pamamahagi (Disposition) at Pag-uukol (Allocation) ng Per Family Payment Rate (PFPR);
b.) Gampanin (Roles) at Pananagutan (Responsibilities) ng mga miyembro at PCB Provider;
c.) Dagdag na hulog (Premium) at Benepisyo (Benefits) ng mga miyembro.

SAPAGKAT, ang programa sa Philhealth ay bahagi ng serbisyo – publiko na ipinatutupad ng ating Pamahalaang Bayan para sa kapakanan ng ating mga mamamayan;

SAPAGKAT, ang pagkatig ng Kgg. Sangguniang Bayan sa Philhealth Circular na ito ay isa sa mga dokumentong kailangan para sa ating Renewal with Philhealth sa darating na Setyembre, 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagkatig sa Implementing Guidelines for Universal Health Care Primary Care Benefit 1 (PCB 1) Package for Transition Period CY 2012-2013 na kalakip ng Philippine Health Insurance Corporation (Philippine Health Circular #010-2012) para sa pagpapatupad ng programa sa lahat ng Rural Health Units/Health Centers sa buong bansa.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 18 Hunyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 18 HUNYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 60 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG PAGPATAW NG MULTA NA DALAWANG PORSIYENTO (2%) BAWAT BUWAN SA BUWIS SA PAGNENEGOSYO ( BUSINESS TAX) NA HINDI NABAYARAN SA ITINAKDANG PANAHON NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

_____________________________________________________

MAY AKDA: KONSEHAL EMERITO B. GAJITOS
_____________________________________________________

SAPAGKAT, batay sa isinasaad sa Section 168 ng Chapter 3 ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na maaaring magpataw ng multa na hindi hihigit sa dalawang porsiyento ( 2% ) bawat buwan ngunit hindi hihigit sa 36 na buwan para sa mga hindi nakapagbayad ng buwis sa pagnenegosyo sa itinakdang panahon ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, sa kasalukuyan ay walang ipinatutupad na multa ang Pamahalaang Bayan ng Paete para sa mga negosyanteng hindi nakapagbayad ng buwis sa pagnenegosyo sa itinakdang panahon ng Ordinansang Pamuwisan;

SAPAGKAT, isinasaad sa umiiral na Ordinansang Pamuwisan ( Tax Ordinance) ay tuwing o bago sumapit ang ika- 20 ng Enero ang itinakdang panahon para sa pagkuha ng pahintulot sa pagnenegosyo at pagbabayad ng buwis at iba pang binabayarang butaw ukol dito;

SAPAGKAT, batay sa umiiral na Ordinansang Pamuwisan, ang multa ay para lamang sa muling pagkuha ng Pahintulot sa Punong Bayan (Mayor’s Permit) sa pagnenegosyo na may multang 25% sa bawa’t taon, kung lalampas sa itinakdang panahon;

SAPAGKAT, makakatulong ang hakbanging ito upang madisiplina ang ating mga negosyante upang tumalima sa pagbabayad ng buwis sa pagnenegosyo sa takdang panahon.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Brigido R. Bagayana, sa pagkatig at pagsang-ayon ng mas nakararaming dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Ordinansang nagtatakda ng pagpataw ng multa na Dalawang Porsiyento (2 %) bawat buwan sa Buwis sa Pagnenegosyo (Business Tax) na hindi binayaran sa itinakdang panahon ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.


ORDINANSA BLG. 2012-309

ORDINANSANG NAGTATAKDA NG PAGPATAW NG MULTA NA DALAWANG PORSIYENTO ( 2 % ) BAWAT BUWAN SA BUWIS SA PAGNENEGOSYO (BUSINESS TAX) NA HINDI BINAYARAN SA ITINAKDANG PANAHON NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

Ipinag- uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang sinumang nagnenegosyo o muling kukuha ng Pahintulot sa Punong Bayan (Mayor’s Permit) na lampas sa itinakdang panahon na nakasaad sa umiiral na Ordinansang Pamuwisan ay papatawan ng dalawang porsiyentong (2 %) multa sa bawat buwan ngunit hindi hihigit ang halaga na katumbas ng 36 na buwan.

PANGKAT 2. Ang mga nagbabayad tuwing ikatlong buwan (quarterly) ng buwis sa pagnenegosyo ay magmumulta din ng dalawang porsiyento ( 2%) bawat buwan sa hindi nabayarang buwis sa takdang panahon o katumbas nito sa bawat araw na lampas sa itinakdang pagbabayad.

PANGKAT 3. Ang lahat na multa na nakasaad sa ordinansang ito ay kinakailangan bayaran sa Pambayang Ingat- Yaman na may kaukulang resibo at malinaw na nakatala dito.

PANGKAT 4. KAPARUSAHAN. Ang kaparusahan ay ibabatay sa nakasaad sa umiiral na Ordinansang Pamuwisan ng Bayan ng Paete, Laguna.

PANGKAT 5. SUGNAY SA PAGHIHIWALAY. Kung alinman sa mga pangkatin o bahagi ng ordinansang ito ay ipinalalagay na labag sa batas, ang ibang pagkatin o bahagi ay mananatiling may bisa.

PANGKAT 6. Ang Ordinansang ito ay magkakabisa at ipapatupad matapos mapagtibay at matapos ang mga proseso na naaayon sa umiiral na batas .


PINAGTIBAY: 18 Hunyo, 2012



PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng resolusyong nabanggit sa itaas nito.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 25 HUNYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal, Opisyal na Lakad,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 061 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LIMANG LIBONG PISO (PHP 5,000.00) NA MAGMUMULA SA OVERTIME PAY SA TANGGAPAN NG PINUNONG PANTAUHAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA CAPITAL OUTLAY (AIRCON) NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-20 ng Hunyo, 2012 buhat kay Gng. Beatriz C. Cainto, Administrative Officer V (HRMO III) ng Tanggapan ng Pinunong Pantauhan na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Capital Outlay (Aircon) ng nasabing tanggapan;

SAPAGKAT, sa kasalukuyan ay nasira na ang Aircon ng Tanggapan ng Pinunong Pantauhan at ang kanilang pansamantalang tanggapan sa Ikalawang Palapag ng ating Pamilihang Bayan ay kinakailangang malagyan ng Aircon upang maging komportable ang kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Pinunong Pantauhan:
Overtime Pay - Php 5,000.00
Kabuuang Halaga - Php 5,000.00

SAPAGKAT, ang nasabing halaga ay karagdagang pondo na ilalaan para sa Capital Outlay (Aircon) ng nasabing tanggapan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LIMANG LIBONG PISO (Php 5,000.00) na magmumula sa Overtime Pay sa Tanggapan ng Pinunong Pantauhan ng Paete, Laguna patungo sa Capital Outlay (Aircon) ng nasabing tanggapan.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 12 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pinunong Pantauhan:
Capital Outlay (Aircon) - Php 5,000.00
Kabuuang Halaga Php 5,000.00


PINAGTIBAY: 25 Hunyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 25 HUNYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal, Opisyal na Lakad,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 062 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN KAY KGG. AQUILINO MARTIN “KOKO” DELA LLANA PIMENTEL III, SENADOR, REPUBLIKA NG PILIPINAS NA MAPAGKALOOBAN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NG ISANG TWO STOREY FOUR (4)-CLASSROOM BUILDING PARA SA PAETE ELEMENTARY SCHOOL, PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, isa sa pangunahing serbisyo na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna sa ating mga kababayan ang pagkakaroon ng magandang edukasyon;

SAPAGKAT, sa kasalukuyan ay kulang na kulang ang silid-aralan sa ating mga pampublikong paaralan;

SAPAGKAT, mas pinipili ng mga magulang na mag-aral ang kanilang mga anak sa pampublikong paaralan batay sa kanilang kagustuhan na makapag-aral ang kanilang mga anak partikular na ang mga mag-aaral na may Espesyal na Pangangailangan (SPED);

SAPAGKAT, hindi naging hadlang sa mga kabataan na may Espesyal na Pangangailangan (SPED) ang lugar na kanilang pinag-aaralan bagkus ito ay isang hamon upang mas lalo nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral;

SAPAGKAT, upang mas maging maayos at kaaya-aya ang pag-aaral ng ating mga kabataang may Espesyal na Pangangailangan ay kinakailangang magkaroon sila ng silid paaralan upang matugunan ang nasabing pangangailangan;

SAPAGKAT, mayroong isinumiteng Res. Blg. 1 t. 2012 ang Pamunuan ng mga Magulang at Guro (General Parents Teachers Association-GPTA Officers – Resolusyong kahilingan kay Kgg. Aquilino “Koko” Pimentel III, Senador ng Republika ng Pilipinas, ng isang (1) Dalawang-Palapag na Gusali na may apat (4) na Silid-Aralan para sa Paaralang Elementarya ng Paete, Brgy. Bagumbayan, Paete, Laguna para sa mga mag-aaral na may Espesyal na Pangangailangan (SPED).

SAPAGKAT, batid ng Sangguniang ito na si Kgg. Aquilino Martin “Koko” dela Llana Pimentel III, Senador, Republika ng Pilipinas ay may ginintuang puso para tumugon sa mga pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kgg. Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon ay pinagtitibay ang Resolusyong Kahilingan kay Kgg. Aquilino Martin “Koko” dela Llana Pimentel III, Senador, Republika ng Pilipinas na mapagkalooban ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ng isang two storey Four (4)- classroom Building para sa Paete Elementary School ng bayang ito.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 25 Hunyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 25 HUNYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal, Opisyal na Lakad,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 063 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN KAY KGG. JEORGE “E.R.” EJERCITO ESTREGAN, GOBERNADOR, LALAWIGAN NG LAGUNA NA MAPAGKALOOBAN NG TULONG-PINANSIYAL NA KARAGDAGANG PONDO PARA SA PAGSASAAYOS NG GUSALI NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang gusali ng Pamahalaang Bayan ay mayroon ng kalumaan na itinayo noong taong 1950 sa ilalim ng panunungkulan ni Punong-Bayan Manuel Navarro Agbada at kinakailangan ng maisaayos;

SAPAGKAT, bukod pa dito ay mayroon ng kasikipan ang mga tanggapan at hindi na matugunan ang pangangailangan sa pagbibigay ng isang maayos at komportableng serbisyo para sa mga mamamayang dumudulog sa Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, sa kasalukuyan ay dumarami na ang mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Bayan kung kaya’t kinakailangan ng mapalawak ang kinikilusan nilang mga tanggapan;

SAPAGKAT, ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ay nabibilang sa “4th class municipality” kung kaya’t walang kakayahang maglaan ng pondong gagastusin para rito;

SAPAGKAT, batid ng Sangguniang ito na si KGG. JEORGE “E.R.” EJERCITO ESTREGAN ay mayroong ginintuang puso at handang tumugon sa mga pangangailangan ng mga lumalapit sa kanyang butihing tanggapan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalong Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong kahilingan kay Kgg. Jeorge “E.R.” Ejercito Estregan, Gobernador, Lalawigan ng Laguna na Mapagkalooban ng tulong-pinansiyal na karagdagang pondo para sa pagsasaayos ng gusali ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 25 Hunyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

Binigyang pansin:



INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


[/b]
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group