PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-HULYO, 2012 NG KGG. SB

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Fri Aug 17, 2012 2:17 am    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-HULYO, 2012 NG KGG. SB Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 02 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 064 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LIMAMPUNG LIBONG PISO (PHP 50,000.00) NA MAGMUMULA SA GRANTS AND DONATION SA TANGGAPAN NG PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA MAINTENANCE OF GOVERNMENT FACILITIES NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-27 ng Hunyo, 2012 buhat sa Tanggapan ng Punong-Bayan na may lagda sa atas ng Punong-Bayan ni G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Maintenance of Government Facilities;

SAPAGKAT, sa kasalukuyan ay pansamantalang ginagawang mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ang Ikalawang Palapag ng ating Pamilihang Bayan at kinakailangang maisaayos ito sa paglilipat ng iba’t-ibang tanggapan upang maging kaaya- aya at maayos ang nasabing lugar;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Punong-Bayan:
Grants and Donation - Php 50,000.00
Kabuuang Halaga - Php 50,000.00

SAPAGKAT, nagsagawa ng Committee Hearing ang bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan noong ika-29 ng Hunyo, 2012 kung saan dumalo sa nasabing pagpupulong si Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna upang talakayin ang nasabing kahilingan sa pagliliwat ng pondo.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LIMAMPUNG LIBONG PISO (PHP 50,000.00) na magmumula sa Grants and Donation sa Tanggapan ng Punong-Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Maintenance of Government Facilities ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 13 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N
Government Facilities and Buildings
Maintenance of Government Facilities - Php 50,000.00
Kabuuang Halaga - Php 50,000.00


PINAGTIBAY: 02 Hulyo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 02 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

[b]MGA DUMALO
:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 065 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG WALUMPU’T PITONG LIBO, PITONG PISO AT ANIMNAPU’T SIYAM NA SENTIMOS (PHP 87,007.69) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PONDO SA TANGGAPAN NG PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA IBA’T-IBANG PAGLALAANAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-28 ng Hunyo, 2012 buhat kay Gng. Beatriz C. Cainto, Administrative Officer V (HRMO III) ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa iba’t-ibang gastusin ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, si G. Casiano B. Nama, Information Officer I ng Pamahalaang Bayan ay nagbitiw na sa kanyang tungkulin na magkakabisa simula sa Hulyo 01, 2012 at kinakailangang mapaglaanan ang kanyang Terminal Leave Benefits alinsunod sa itinatadhana ng CSC Memorandum Circular No. 14 s. 1999;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Punong-Bayan:
Pasahod-Information Officer I - Php 60,954.00
PERA - 12,000.00
˝ Cash Gift - 2,500.00
˝ 13th Month Pay - 5,079.50
GSIS Life and Retirement - 6,474.19
Kabuuang Halaga - Php 87,007.69


SAPAGKAT, nagsagawa ng Committee Hearing ang bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan noong ika-29 ng Hunyo, 2012 kung saan dumalo sa nasabing pagpupulong sina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Pinuno ng Badyet at Gng. Beatriz C. Cainto, Administrative Officer V (HRMO III) ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna upang talakayin ang nasabing kahilingan para sa pagliliwat ng pondo.

SAPAGKAT, kinakailangang magtalaga ng isang tao sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig bilang “Consultant” sa katauhan ni Ex-Coun. Ernesto A. Cadawas, dati ng nanungkulan at namahala sa Tanggapan ng Padaluyang Tubig ng ating Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang WALUMPU’T PITONG LIBO, PITONG PISO AT ANIMNAPU’T SIYAM NA SENTIMOS (PHP 87,007.69) na magmumula sa Iba’t-ibang Pondo sa Tanggapan ng Punong-Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Iba’t-ibang Paglalaanan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 14 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N
Consultancy Services - Php 60,000.00
Terminal Leave Benefits-Casiano B. Nama - 27,007.69
Kabuuang Halaga Php 87,007.69


PINAGTIBAY: 02 Hulyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 16 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal, Nanuparang Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 066 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA KAPASIYAHAN BLG. 1 AT ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 3 T. 2012 NG KONSEHONG PANGKAUNLARAN NG BARANGAY QUINALE, PAETE, LAGUNA- KAPASIYAHANG PINAGTIBAY NG KONSEHONG PANGKAUNLARAN NG BARANGAY NG QUINALE, PAETE, LAGUNA NA PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT PAGLALAAN NG HALAGANG WALUMPU’T APAT NA LIBO APAT NA DAAN APATNAPUNG PISO AT WALUMPU’T LIMANG SENTIMOS (PHP 84,440.85) NA MAGMUMULA SA PONDONG PANGKAUNLARAN NG BARANGAY QUINALE, PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na sipi ng Kapasiyahan Blg. 1 T. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 3 T. 2012 ng Konsehong Pangkaunlaran ng Barangay Quinale, Paete, Laguna ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-05 ng Hulyo,2012;

SAPAGKAT, ang nasabing Kapasiyahan Blg. 1 T. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 3 T. 2012 ng Konsehong Pangkaunlaran ng Barangay Quinale, Paete, Laguna- Kapasiyahang pinagtibay ng Konsehong Pangkaunlaran ng Barangay ng Quinale, Paete, Laguna na pagtibayin ang Pagliliwat at Paglalaan ng halagang WALUMPU’T APAT NA LIBO APAT NA DAAN APATNAPUNG PISO AT WALUMPU’T LIMANG SENTIMOS (PHP 84,440.85) na magmumula sa Pondong Pangkaunlaran ng Barangay Quinale, Paete, Laguna ay pinagtibay noong ika-25 ng Hunyo, 2012;

SAPAGKAT, noong ika-11 ng Hulyo, 2012 ay nagsagawa ng pagpupulong ang Lupon ng Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan naging mga panauhin sina Kgg. Jocelyn B. Ang-OIC/Punong-Barangay, Kgg. Rodelia S. Dagsindal-Kagawad at Gng. Gemma Aurea B. Casareo-Ingat-Yaman upang talakayin ang nasabing Kapasiyahan;

SAPAGKAT, matapos ang nasabing pagpupulong ay napagpasiyahan ng bumubuo ng Lupon ng Pananalapi, Badyet at Paglalaan na katigan ang nasabing Kapasiyahan Blg. 1 at Ordinansang Paglalaan Blg. 3 t. 2012 ng Konsehong Pangkaunlaran ng Barangay Quinale, Paete, Laguna.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Kapasiyahan Blg. 1 at Ordinansang Paglalaan Blg. 3 T. 2012 ng Konsehong Pangkaunlaran ng Barangay Quinale, Paete, Laguna- Kapasiyahang pinagtibay ng Konsehong Pangkaunlaran ng Barangay ng Quinale, Paete, Laguna na pagtibayin ang Pagliliwat at Paglalaan ng halagang WALUMPU’T APAT NA LIBO APAT NA DAAN APATNAPUNG PISO AT WALUMPU’T LIMANG SENTIMOS (Php 84,440.85) na magmumula sa Pondong Pangkaunlaran ng Barangay Quinale, Paete, Laguna.

PINAGTIBAY: 16 Hulyo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal/Nanuparang Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 16 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal, Nanuparang Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo, Opisyal na Lakad.

RESOLUSYON BLG. 067 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN SA KGG. JEORGE “E.R.” EJERCITO ESTREGAN, GOBERNADOR, LALAWIGAN NG LAGUNA NA MAPAGKALOOBAN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NG TULONG-PINANSIYAL BILANG KARAGDAGANG PONDO NA NAGKAKAHALAGA NG SAMPUNG MILYONG PISO (PHP 10,000,000.00) PARA SA PAGTATAYO (CONSTRUCTION) NG BAGONG MULTI-PURPOSE BUILDING (PAETE MUNICIPAL BUILDING).

SAPAGKAT, ang Pamahalaang Bayan ng Paete ay may kalumaan na at nagsisikipan na ang mga tanggapan at hindi na akma sa panahon ngayon;

SAPAGKAT, sa kasalukuyan ay ginagawa na ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, kinakailangang matugunan ang pagkakaroon ng isang maayos na tanggapan ng mga opisyales at kawani ng ating Pamahalaang Bayan kung kaya’t kinakailangan ng mapalawak ang Bulwagang Pulungan at ang mga kinikilusan nilang tanggapan.

SAPAGKAT, ang Bayan ng Paete, Laguna ay nabibilang sa 4th Class Municipality kaya walang sapat na pondong mailaan para rito;

SAPAGKAT, batid ng Sangguniang ito na si KGG. JEORGE ”E.R.” EJERCITO ESTREGAN ay mayroong ginintuang puso at handang tumulong sa mga pangangailangan ng mga lumalapit sa kanyang tanggapan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong Kahilingan sa KGG. JEORGE “E.R.” EJERCITO ESTREGAN, Gobernador, Lalawigan ng Laguna na Mapagkalooban ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ng tulong-pinansiyal bilang karagdagang pondo na nagkakahalaga ng SAMPUNG MILYONG PISO
(Php 10,000,000.00) para sa Pagtatayo (Construction) ng bagong Multi-purpose Building (Paete Municipal Building).

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 16 Hulyo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal/Nanuparang Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 16 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal, Nanuparang Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo, Opisyal na Lakad.


RESOLUSYON BLG. 068 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSA NG “KODIGO NG ISANG MABUTI AT MATUWID NA PAMAMAHALA, MAGANDA, MAPAYAPA, MALINIS AT MAUNLAD NA PAMAYANANAN; MARANGAL, RESPONSABLE AT MAKA-DIYOS NA MAMAMAYAN; MAY DISIPLINA AT MABUTING KABATAAN; AT MAAYOS NA UGNAYAN NG PAMAHALAAN AT LAHAT NG SEKTOR NG LIPUNAN; AT IBA PANG MAY KAUGNAYAN DITO.

SAPAGKAT, naisin at programa ng Kgg. Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona na magkaroon ng isang “Kodigo ng Pagiging Responsableng Magulang at Mamamayan,” na kung saan ang ilang mga kasalukuyan at dati ng mga ordinansa o kautusang bayan ng Paete, kasama ang ilang bagong ordinansa ay pagsama-samahin para sa pagbubuo ng Kodigo ng Paete at mahigpit na maipatupad ng mga kinauukulan;

SAPAGKAT, bilang panimulang hakbang ng Kgg. na Punong-Bayan para masimulan at maisagawa ang Kodigong ito, ay nagtadhana/nag-atas sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 67 taong 2010, na kumilala at nagpatibay ng “Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan” at ang mga bumubuo nito, upang makatulong sa pag-aaral at pagsasakatuparan nito;

SAPAGKAT, sa pagsasagawa ng Kodigong ito ay pumili at nangalap ng mga ordinansa/kautusang bayan na isasama at ipapaloob dito, at upang ito ay maayos na maisagawa ay hiniling ang tulong ni Kgg. Hukom Agripino G. Morga, para pag-aralan, balangkasin, isaayos at ihanay ang mga pagkakasunod-sunod ng mga ordinansa at mga kautusang bayan, kasama na ang bagong ordinansa, ayon sa isinasaad at nilalaman ng mga ito;

SAPAGKAT, matapos na mabalangkas, maisaayos at maihanay ang mga angkop na ordinansa sa Kodigong ito ni Kgg. Hukom Agripino G. Morga, ito ay kanyang iprinisinta ang kabuuan at nilalaman nito sa Kgg. Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona para sa kaukulang pag-aaral at komento ukol dito, at matapos na mabasa at mapag-aralan ang kabuuan nito, ay muli itong nirebisa ng Kgg. na Hukom, Kgg. na Punong-Bayan at ilang miyembro ng Kgg. Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral bago ilahad at ipaalam sa “Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan” (na batay sa EO no. 67 T. 2010) ang nilalaman nito para sa kanilang kaalaman at pagsang-ayon;

SAPAGKAT, matapos na marebisa, maisaayos, maiprisinta at mailahad ang nilalaman ng Kodigo sa Bumubuo ng Lupon ng Responsableng Magulang at Mamamayan at kanilang sang-ayunan ito, ang “Kodigo” ay iniliwat sa Kgg. Sangguniang Bayan para sa kaukulang pag-aaral, pagrerebisa at pagtalakay ng mga nilalaman nito, at nagsagawa ang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan ng walong (Cool beses na mga pagpupulong (Committee of the Whole) at nagpatawag at nagdaos ng anim (6) na mga Pampublikong Pagdinig (Public Hearing) upang maipaalam at maipaabot sa mga mamamayan ang mga nilalalaman nito.

SAPAGKAT, nakatanggap ng liham ang Tanggapan ng Kgg. Sangguniang Bayan noong ika-15 ng Mayo, 2012 at ika-14 ng Hunyo, 2012 mula sa Kgg. Punong-Bayan Emmanuel B. Cadayona na hinihiling na maging daglian (urgent) ang pagpapatibay ng “Kodigo ng Paete-Kodigo ng Pagiging Isang Responsableng Magulang at Mamamayan”.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Brigido R. Bagayana, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal-SKFP Lyeka May S. Sadsad, Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Emerito B. Gajitos at Konsehal Anna Pamela R. Dela Rosa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon ay pinagtitibay ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayanan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na Mamamayan; May Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at lahat ng sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 16 Hulyo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal/Nanuparang Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 16 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal, Nanuparang Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo, Opisyal na Lakad.



RESOLUSYON BLG. 069 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG PAGLIKHA (CREATION) NG POSISYONG BOOKBINDER II SA TANGGAPAN NG TAGATALANG SIBIL NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

_____________________________________________________

MAY AKDA: KONSEHAL EMERITO B. GAJITOS
_____________________________________________________


SAPAGKAT, may sulat na natanggap noong ika-25 ng Hunyo, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan na nagmula kay Gng. Nenita B. Gajitos, Pinuno ng Tanggapan ng Tagatalang Sibil na sinang-ayunan ni Gng. Beatriz C. Cainto, Pinuno ng Tanggapang Pantauhan na may kalakip na sulat na may lagda ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong Bayan;

SAPAGKAT, kinakailangang magkaroon ng paglikha ng bagong posisyon na Bookbinder II na may katumbas na Salary Grade 4 sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil upang matugunan ang pangangailangan ng nasabing tanggapan;

SAPAGKAT, batay at alinsunod sa Local Government Code of the Philippines, Article Three-The Sangguniang Bayan, Section 447. Powers, Duties, Functions and Compensation. (a) (1) (viii) na kinakailangang dumaan sa pagsang-ayon ng higit na nakakaraming kasapi ng Sangguniang Bayan ang paglikha ng bagong posisyon sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Eriberto D. Pascual, at Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Ordinansang Paglikha (Creation) ng Posisyong Bookbinder II sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

ORDINANSA BLG. 2012-311

ORDINANSANG PAGLIKHA NG POSISYONG BOOKBINDER II SA TANGGAPAN NG TAGATALANG SIBIL NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna, na;

PANGKAT 1. Ang ordinansang ito ay nagpapatibay ng paglikha (creation) ng posisyong Bookbinder II sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil na may kaukulang sahod na Salary Grade 4 (SG- 4).

PANGKAT 2. Ang nilikhang posisyong ito ay kinakailangang paglaanan ng kaukulang pondo.

PANGKAT 3. Ang ordinansang ito ay magkakabisa matapos makatugon sa mga itinatadhana ng batas na nauukol dito.

PINAGTIBAY: 16 Hulyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal/Nanuparang Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 070 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG DALAWAMPU’T TATLONG LIBO APAT NA DAA’T LIMAMPUNG PISO (PHP 23, 450.00) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PONDO SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG ADMINISTRADOR NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA CAPITAL OUTLAY (AIR CONDITIONER) NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-20 ng Hulyo, 2012 buhat kay G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Capital Outlay (Air Conditioner) ng kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, ang ginagamit na Air Conditioner sa Tanggapan ng Pambayang Administrador ay nasira na at kinakailangan ng mapalitan ng bago upang matugunan ang pagkakaroon ng isang maayos na bentilasyon sa nasabing tanggapan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Pambayang Administrador:
Vehicle Rental - Php 13,450.00
Representation Expenses - 5,000.00
Other Expenses - 5,000.00
Kabuuang Halaga - Php 23,450.00

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang DALAWAMPU’T TATLONG LIBO APAT NA DAA’T LIMAMPUNG PISO (PHP 23, 450.00) na magmumula sa Iba’t-ibang Pondo sa Tanggapan ng Pambayang Administrador ng Paete, Laguna patungo sa Capital Outlay (Air conditioner) ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 15 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Administrador:
Capital Outlay (Air Conditioner) - Php 23,450.00
Kabuuang Halaga Php 23,450.00


PINAGTIBAY: 30 Hulyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 071 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG DALAWAMPU’T ISANG LIBONG PISO (PHP 21,000.00) NA MAGMUMULA SA OTHER EXPENSES SA TANGGAPAN NG KAGALINGANG PANLIPUNAN AT PAGPAPAUNLAD (MSWD) NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA TELEPHONE- LANDLINE NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-17 ng Hulyo, 2012 buhat kay Gng. Lorenza N. Madrigal, MSWDO-OIC ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Telephone Bill (Landline) ng kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD):
Other Expenses - Php 21,000.00
Kabuuang Halaga - Php 21,000.00

SAPAGKAT, nagsagawa ng Committee Hearing ang bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan noong ika-27 ng Hulyo, 2012 kung saan dumalo sa nasabing pagpupulong si Gng. Irma Pagalanan, Kinatawan ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna upang talakayin ang nasabing kahilingan para sa pagliliwat ng pondo.

SAPAGKAT, kinakailangang mapaglaanan ang nasabing pondo hanggang Disyembre, 2012 upang huwag maputol ang linya ng telepono sa nasabing tanggapan na lubhang makakaapekto sa serbisyong ipinagkakaloob sa ating mga mamamayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Lourdes F. Sunga, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang DALAWAMPU’T ISANG LIBONG PISO (PHP 21,000.00) na magmumula sa Other expenses sa Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna patungo sa Telephone- Landline ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 16 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N
Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD):
Telephone - Landline - Php 21,000.00
Kabuuang Halaga Php 21,000.00


PINAGTIBAY: 30 Hulyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 072 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LIMAMPUNG LIBONG PISO (PHP 50,000.00) NA MAGMUMULA SA UNDERESTIMATED INCOME NG BOTIKA NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA PAGBILI NG GAMOT SA BOTIKA NG BAYAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-12 ng Hulyo, 2012 buhat kay Dr. Maria Fe A. Aguilar, Pambayang Manggagamot ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang paglalaan para sa Pagbili ng Gamot sa Botika ng Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring ilaan gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Botika ng Bayan
Underestimated Income - Php 50,000.00
Kabuuang Halaga - Php 50,000.00

SAPAGKAT, nagsagawa ng Committee Hearing ang bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan noong ika-27 ng Hulyo, 2012 kung saan dumalo sa nasabing pagpupulong si Bb. Armie Adefuin, Kinatawan ng Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ng Paete, Laguna upang talakayin ang nasabing kahilingan para sa paglalaan ng pondo.

SAPAGKAT, kinakailangang mapaglaanan ang nasabing pondo upang huwag mabalam ang serbisyo upang makabili ang ating mga mamamayan ng abot-kayang halaga ng mga gamot para sa kanilang pangangailangan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Ordinansang Paglalaan ng halagang LIMAMPUNG LIBONG PISO (PHP 50,000.00) na magmumula sa Underestimated Income ng Botika ng Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Pagbili ng Gamot sa Botika ng Bayan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 17 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Botika ng Bayan:
Pagbili ng Gamot sa Botika ng Bayan - Php 50,000.00
Kabuuang Halaga Php 50,000.00

P A G L A L A A N

PINAGTIBAY: 30 Hulyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 073 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG DALAWAMPU’T APAT NA LIBONG PISO (PHP 24,000.00) NA MAGMUMULA SA REPRESENTATION AND TRANSPORTATION ALLOWANCE (RATA) SA TANGGAPAN NG KAGALINGANG PANLIPUNAN AT PAGPAPAUNLAD (MSWD) NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA MONETIZATION NI GNG. LORENZA N. MADRIGAL,MSWDO-OIC NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-30 ng Hulyo, 2012 buhat kay Gng. Lorenza N. Madrigal, MSWDO-OIC ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa kanyang Monetization of Leave Credits ;

SAPAGKAT, ang paglalaan ng pondo para sa Monetization of Leave Credits ay alinsunod sa itinatadhana ng CSC Memorandum Circular No. 14 s. 1999 upang matugunan ang mga pangangailangang pinansiyal ng mga opisyales at kawani ng gobyerno;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD):
Representation and Transportation Allowance (RATA) -
Php 24,000.00
Kabuuang Halaga - Php 24,000.00


KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang DALAWAMPU’T APAT NA LIBONG PISO (Php 24,000.00) na magmumula sa Representation and Transportation Allowance (RATA) sa Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna patungo sa Monetization ni Gng. Lorenza N. Madrigal,MSWDO-OIC ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 18 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD):
Monetization - Php 24,000.00
Kabuuang Halaga Php 24,000.00


PINAGTIBAY: 30 Hulyo, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 30 HULYO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 074 t. – 2012

RESOLUSYONG NAGPAPAABOT NG PAKIKIRAMAY AT PAKIKIDALAMHATI SA BUONG PAMILYA AT MGA KAANAK SA PAGPANAW NI KGG. RODRIGO BALQUIEDRA CAGANDAHAN, NAGLINGKOD BILANG PANGALAWANG PUNONG-BAYAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NOONG DISYEMBRE 03, 1987-ENERO 29, 1988.

SAPAGKAT, si KGG. RODRIGO B. CAGANDAHAN ay pumanaw noong ika- 29 ng Hulyo, 2012;

SAPAGKAT, si KGG. RODRIGO B. CAGANDAHAN ay isa sa mga napatalagang Opisyal ng Sangguniang Bayan bilang Pangalawang Punong-Bayan noong ika-03 ng Disyembre, 1987 hanggang Enero 29, 1988 bago ang nakatakdang Pambansang Halalan sa ating bansa;

SAPAGKAT, si KGG. RODRIGO B. CAGANDAHAN ay nahalal bilang FLECO Board of Director noong taong 1999 hanggang taong 2005; nahalal at nanungkulan din bilang Punong-Barangay ng Barangay Ermita ng Dalawang (2) Termino simula noong taong 2002 hanggang 2007 at taong 2007 hanggang 2010;

SAPAGKAT, ang pagpanaw ni KGG. RODRIGO B. CAGANDAHAN at ang kanyang taos pusong paglilingkod sa ating Bayan ay nag-iwan ng isang magandang ala-ala at halimbawa sa mga nanunungkulang opisyales, mga kawani at sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, di lamang ang kanyang pamilya, kaanak at mga kaibigan ang nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw dahilan sa kanyang mahusay na pakikisama at pakikisalamuha sa ating mga kababayan bagkus maging ang mga mamamayan ng Bayan ng Paete;

SAPAGKAT, ang kasalukuyang bumubuo ng Kgg. Sangguniang Bayan at Pamahalaang Bayan ay nagpapaabot ng taos pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak ng yumaong si KGG. RODRIGO B. CAGANDAHAN.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay ipinaaabot ang Pakikiramay at Pakikidalamhati sa buong pamilya at mga kaanak sa pagpanaw ni KGG. RODRIGO B. CAGANDAHAN, naglingkod bilang Pangalawang Punong-Bayan ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna noong Disyembre 03, 1987-Enero 29, 1988.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 30 Hulyo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang Orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang Orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


May lagda ang Orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang Orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May lagda ang Orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May lagda ang Orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May lagda ang Orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May lagda ang Orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


May lagda ang Orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


May lagda ang Orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang Orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan

[/b]
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group