PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

' Peksman '

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
fma
Guest





PostPosted: Tue Aug 21, 2012 6:15 pm    Post subject: ' Peksman ' Reply with quote

' Peksman '
ni Francisca M. Amador

Kasi-nungalingan Kapagka-Nagbiro
Sa Pag-Katao ng Nagba-Balatkayo
Kahit Pitong Langit ay Ipa-pangako
Mabihag lamang ang Isipan mo't Puso
Buong Ingat mandin na I-tinatago
Sa Kilos at Mukha itong Panibugho
At Ya-yakapin mo ang I-sinasamo
Pagkat Makikitid ang Nara-rahuyo

At kung Mag-Pumiglas ang Kato-tohanan
Sa Balin-tataw ng Kapos na Isipan
Kahit Isang Dangkal Puwang na Pag-Itan
Malik-Mata pa rin sa Iyong Harapan
Pagkat itong Dilang Pinag-Kalooban
Nang Kapang-yarihang Mamuno ng Dasal
Ay Santi-Santitong may Andas sa Altar
Na Tanging Sarili ang Naki-kinabang

Mababaw mong Luha'y Sasaman-talahin
Matang Nangungusap handa kang Siluin
Pagkat batid niyang Dilang Sinungaling
Sa Mata Nababasa Sakim na Damdamin
Kasi-nungalingan kahit Walang Piring
Animo'y Totoo ang Bawat Sabihin
Manapa'y ang Punlang Dito'y Nakatanim
Magboses Anghel ma'y ... Sinungaling Pa Rin

At Idu-duyan ka Sa'yong Kahinaan
Imbentong Nobelang Di Mo Na-Malayan
Damdaming Nakinig sa Bulung-Bulungan
Lahat ay Patibong sa Hawlang Kandungan
Kapagka sa Bitag Ikaw ay Nalinlang
Nauwi sa Bula Minanang Pangaral
Dangal ng Pangalang ... Pinaka-Ingatan
Ay Walang Pahingang ... Niyurak ! Niluray !

At kung Magsanga na ... ang Ma-samang Balak
Sa Sina-pupunan nitong Talipandas
Kahit na Bulaan Ulupong sa Gubat
Ay Kordero pa rin sa Matang Binulag
Ang Buong Akala'y Tanglaw na Liwanag
Gayung Kadiliman itong Tinatahak
At Nang Kumalat na Bisa ng Kamandag
Nang Tanghaling Tapat ... Lumakad ng Hubad

Nasaan na nga ba Itong Nagpupuyos ?
Lahing Matatapang Angkang Walang Takot
Sa Munting Sinyales ... Badya ng Bangungot
Bitbit ang Kalasag Magkabila'y Gulok
Tunog ng Tambuli ng minsang Mamaus
Mismong Kaaway N'ang ... Hining-an ng Limos
Taghoy at Hinagpis Sakaling Idulot
Muling Magaganap ... Daan sa Damascus !

Dadap'wat .....

Bakit ka Nalingat kung may Alinlangan ?
At Di nagpadala sa'yong Agam-Agam
Init ba at Tamis.... ang Kada-hilanan ?
N'ang Uhaw mong Labi ay Minsan N'yang Hagkan
Nadarang na rin ba ... ang Siwang na Tigang !
Sa Silong ng Langit ng Pag-Haharutan
Hinog man sa Pilit ang Pag-Tatampisaw
Sinamba mo pa rin ang kanyang Pangalan

O ! Pagsintang Labis Ano bang Mayr'on ka ?
Kagyat mong Binihag Sampung Mag-Aama
Kasi-nungalingan Mula sa Umpisa
Hindi mo Pinansin Nagbabantang Dusa
Kahit may Kumunoy Hardin sa Lagwerta
Sa Tawag ng Tukso'y Nadarang si Eva
Sa Pag-kakataong .... Dapat Gumising Ka
Puso ang Nasunod sa Maling Pagsinta

P'ano Ta-tapusin itong Sinimulan ?
Kung Kulang sa Himas ang Baung Kat' wiran
Pa'no Itataub ang Bankang Magulang ?
Kung sa bawat Kabig ... ay ' Mo' kung Bayaran
Tibok ba ng Puso ? ... ang Tanging Dahilan
Sariling Isipa'y Nakayang Saklawan
Kung ang Kasaguta'y ... Kasi-nungalingan
Sige ... Kalusin mo ang Pusong Gahaman !


fma/usa/08/21/2012
Back to top
saida



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 840
Location: Saida Cagandahan Dulay

PostPosted: Wed Aug 22, 2012 2:17 am    Post subject: Reply with quote

FMA,

Peksman...napakagaling mo!!! Very Happy Very Happy Very Happy

Saida

_________________
Saida Cagandahan Dulay
saida@paete.org
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group