PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-AGOSTO, 2012 NG KGG. SB

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Aug 30, 2012 3:55 am    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-AGOSTO, 2012 NG KGG. SB Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 AGOSTO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal.

HINDI DUMALO:
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 075 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LABING TATLONG LIBO PITONG DAA’T LIMAMPUNG PISO (PHP 13,750.00) NA MAGMUMULA SA NATIPID BUHAT SA MGA NAKARAANG TAON PATUNGO SA GRANTS AND DONATION NG TANGGAPAN NG PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-27 ng Hulyo, 2012 buhat sa Tanggapan ng Punong-Bayan na may lagda sa atas ng Punong-Bayan ni G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Grants and Donation ng Tanggapan ng Punong-Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan:
Natipid buhat sa mga nakaraang taon - Php 13,750.00
Kabuuang Halaga - Php 13,750.00

SAPAGKAT, kinakailangang mapaglaanan ang nasabing pondo upang huwag mabalam ang serbisyo lalo’t higit sa pagkakaloob ng tulong pinansiyal sa ating mga kababayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LABING TATLONG LIBO PITONG DAA’T LIMAMPUNG PISO (Php 13,750.00) na magmumula sa Natipid buhat sa mga nakaraang taon patungo sa Grants and Donation ng Tanggapan ng Punong-Bayan ng Paete, Laguna.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 19 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Punong-Bayan:
Grants and Donation - Php 13,750.00
Kabuuang Halaga Php 13,750.00

PINAGTIBAY: 06 Agosto, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 AGOSTO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 076 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG APATNAPUNG LIBO AT WALONG DAANG PISO (PHP 40,800.00) NA MAGMUMULA SA MEMBERSHIP DUE TO ORGANIZATION NG TANGGPAN NG PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA IBA’T-IBANG GASTUSIN NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-31 ng Hulyo, 2012 buhat sa Tanggapan ng Punong-Bayan na may lagda sa atas ng Punong-Bayan ni G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa iba’t-ibang gastusin ng Tanggapan ng Punong-Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Punong-Bayan:
Membership due to Organization - Php 40,800.00
Kabuuang Halaga - Php 40,800.00

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang APATNAPUNG LIBO AT WALONG DAANG PISO (PHP 40,800.00) na magmumula sa Membership due to Organization ng Tanggpan ng Punong-Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Iba’t-ibang gastusin ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 20 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Punong-Bayan:
Vehicle Rental - Php 20,000.00
Other Expenses - 20,800.00
Kabuuang Halaga Php 40,800.00


PINAGTIBAY: 06 Agosto, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 AGOSTO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 077 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG ANIMNAPUNG LIBONG PISO (PHP 60,000.00) NA MAGMUMULA SA GASOLINE EXPENSES NG TANGGAPAN NG PANGKALAHATANG PAGLILINGKOD NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA MAINTENANCE-MOTOR VEHICLE NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-01 ng Agosto, 2012 buhat kay G. Efren C. Capco, General Services Officer-ICO ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Maintenance-Motor Vehicle ng Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod:
Gasoline Expenses - Php 60,000.00
Kabuuang Halaga - Php 60,000.00

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang ANIMNAPUNG LIBONG PISO (PHP 60,000.00) na magmumula sa Gasoline Expenses ng Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod ng Paete, Laguna patungo sa Maintenance-Motor Vehicle ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 21 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod:
Maintenance-Motor Vehicle - Php 60,000.00
Kabuuang Halaga Php 60,000.00


PINAGTIBAY: 06 Agosto, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 AGOSTO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 078 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGKILALA AT PAGPAPAHALAGA KAY INH. JUSTINO “PALOY” A. CAGAYAT JR., SA PAGKAPILI SA KANYANG LIKHANG-UKIT NA KAHOY BILANG OPISYAL NA IMAHEN NI BLESSED PEDRO CALUNGSOD NA DADALHIN SA ROMA SA OKASYON NG PAGHIRANG (CANONIZATION) NIYA BILANG SANTO.

SAPAGKAT, sa ulat ng pahayagang SunStar Cebu na may petsang Hulyo 25, 2012 ay napaulat na napili at tumugma sa paglalarawan ni Archbishop Emeritus of Cebu Ricardo Cardinal Vidal ang imaheng may limang (5’) talampakan ang taas na nililok ni Inh. Justino “Paloy” A. Cagayat Jr.;

SAPAGKAT, batay sa isinasaad sa nasabing pahayagan ay may limang imahen ni Blessed Pedro Calungsod na ikinonsidera upang maging opisyal na imahen at dito ay napili ang likhang ukit ni Inh. Justino “Paloy” A. Cagayat Jr.;

SAPAGKAT, ang nasabing imahen ni Blessed Pedro Calungsod na gawa at inukit sa kahoy ni Inh. Justino “Paloy” A. Cagayat Jr. ay dadalhin sa Roma ng siyam na daang (900) delagado sa pangunguna nina Cebu Archbishop Jose Palma at Ricardo Cardinal Vidal sa buwan ng Oktubre, 2012 para sa paghirang ni Blessed Pedro Calungsod bilang santo;

SAPAGKAT, isa si Inh. Justino “Paloy” A. Cagayat Jr. na magaling at ikinararangal na mag-uukit ng bayan ng Paete at marami na siyang nagawang likhang ukit na hinangaan dito sa ating bansa at maging sa ibayong dagat;

SAPAGKAT, si. Inh. Justino “Paloy” A. Cagayat Jr. ay isa sa mga nagawaran ng “Natatanging Buhay na Anak ng Paete” noong Abril 08, 2012 bilang alagad ng sining;

SAPAGKAT, siya ay magsisilbing isang inspirasyon ng ating mga kababayan at magandang huwaran ng ating mga kabataan na dapat tularan at pamarisan;

SAPAGKAT, muli isa na naman kababayan natin ang nagbigay ng karangalan sa ating bayan upang lubos na makilala ang bayan ng Paete bilang “Carving Capital of the Philippines”;

SAPAGKAT, kinakailangang bigyan ng pagkilala at pagpapahalaga si Inh. Justino “Paloy” A. Cagayat ng ating Sangguniang Bayan at Pamahalaang Bayan ng Paete.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagkilala at Pagpapahalaga kay INH. JUSTINO “PALOY” A. CAGAYAT JR., sa pagkapili sa kanyang lihang-ukit na kahoy bilang opisyal na imahen ni Blessed Pedro Calungsod na dadalhin sa Roma sa okasyon ng Paghirang (Canonization) bilang Santo.

PINAGTIBAY: 06 Agosto, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May lagda ang orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May lagda ang orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal



Hindi Dumalo/On Leave
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal



Hindi Dumalo/Opisyal na Lakad
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


Hindi Dumalo/On Leave
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal

BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 AGOSTO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 079 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG BUTAW AT ALITUNTUNIN SA MGA PASILIDAD, POOK-PASYALAN AT SERBISYONG PANTURISMO SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.
_____________________________________________________

MAY AKDA: KONSEHAL ANNA PAMELA R. DELA ROSA
_____________________________________________________

SAPAGKA’T, sa kasalukuyan, isa sa mga pinagkakakitaan ng Pamahalaang Bayan ng Paete ay ang butaw na nagmumula sa mga pasilidad, pook-pasyalan at serbisyong panturismo;

SAPAGKA’T, isa sa mga pangunahing layunin ng Lokal na Pamahalaan ng Paete ay mapataas pa ang bilang ng mga turistang bumibisita sa bayan ng Paete;

SAPAGKA’T, ninanais din ng Pamahalaang Bayan na higit pang mapabuti ang mga serbisyong panturismo na ipinagkakaloob sa mga turista, lokal man o internasyunal;

SAPAGKA’T, sa pamamagitan ng kita na magmumula sa mga butaw na ito ay mapangalagaan at higit na mapagaganda ang mga pook-pasyalan at mapanatili ang kaayusan ng mga pasilidad para sa mga turistang bumibisita sa Paete;

SAPAGKA’T, ang Bayan ng Paete ay kinilala bilang Carving Capital of the Philippines noong ika-15 Marso, 2005, sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Kanyang Kabunyian Gloria Macapagal-Arroyo, dating Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa bisa ng Batas Tagapagpaganap Bilang 809;

SAPAGKA’T, isa sa mga mithiin ng Sangguniang ito ay maipagkaloob ang pinakamataas na serbisyong panturismo at ang pinakamaayos, maganda at ligtas na pasilidad para sa mga turista;

SAPAGKA’T, layunin ng batas na ito na makapagtadhana ng panuntunan para sa paggamit ng mga pasilidad at pagbisita sa mga pook-pasyalan para sa pangangalaga ng mga ito;

SAPAGKA’T, batid ng sangguniang ito na isa sa mga tungkulin ng Pamahalaang Bayan ay protektahan ang mga likas na yaman kabilang ang mga pook-pasyalan sa nasasakupan ng Bayan ng Paete.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Anna Pamela R. dela Rosa, pinangalawahan nina Konsehal Eriberto D. Pascual, Konsehal Aurelio P. Paraiso at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Ordinansang nagtatakda ng butaw at alituntunin sa mga pasilidad, pook-pasyalan at serbisyong panturismo sa nasasakupan ng bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

ORDINANSA BLG. 2012-312

ORDINANSANG NAGTATAKDA NG BUTAW AT ALITUNTUNIN SA MGA PASILIDAD, POOK-PASYALAN AT SERBISYONG PANTURISMO SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

ALITUNTUNIN BLG. 1
LAYUNIN


PANGKAT 1. PANGUNAHING LAYUNIN. Pangunahing layunin nito ay mapanatili ang magagandang-pook pasyalan sa nasasakupan ng Bayan ng Paete at mapataas pa ang antas ng serbisyong panturismo na ipinagkakaloob sa mga turista.

PANGKAT 2. MGA TIYAK NA LAYUNIN.
2.1 Inaasahan na sa pamamagitan nito ay mapapataas ang kita mula sa butaw sa mga pasilidad, pook-pasyalan at serbisyong panturismo.
2.2 Ang pagkakaroon ng maayos na turismo sa Bayan ng Paete ay magdudulot ng higit na pagdami ng mga turista at karagdagang pagkakakitaan sa mga mamamayan ng Paete.

ALITUNTUNIN BLG. 2
PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA SALITA AT PAGTATAKDA NG SAKOP AT LIMITASYON


PANGKAT 3.TALASALITAAN – Ang paggamit ng mga salita ay batay sa pagpapakahulugan na itinatakda ng batas na ito, gayundin ang sakop at limitasyon ng mga ito.
3.1 Butaw - halagang ipapataw para sa ipinagkakaloob na serbisyong panturismo, gayundin sa paggamit ng mga pasilidad na panturismo at mga pook-pasyalan.
3.2 Turismo - lokal na industriya ng turismo.
3.3 Turista – mga pang-internasyunal at lokal na panauhin na nagnanais na bumisita sa magagandang lugar at pook-pasyalan sa bayan ng Paete, makapag-obserba at makapanuod sa mga talento ng mga mamamayan, makapagmasid sa mga likhang-sining na matatagpuan sa bayan ng Paete, kabilang ang mga mag-aaral na nagsasagawa ng paglalakbay kaugnay ng kanilang pag-aaral at iba pang mga katulad nito.
3.3.1 International Tourist – mga banyagang turista.
3.3.2 Local Tourist – Pilipinong turista.
3.3.3 Walk-in Tourist – turista na hindi nakapagpatala ng takdang-pagbisita.
3.4 Ordinansa Blg. 298 – Ordinansang nagtatakda ng butaw sa balsang panturismo (tourist raft) at iba pang istrukturang panturista (tourist structures) na matatagpuan sa lugar ng Wawa Park sa Bayan ng Paete, Laguna kasama ang mga regulasyon at mga alituntunin tungkol dito.
3.5 Pasilidad – tinutukoy nito ang mga kagamitan at lugar panturismo sa nasasakupan ng Bayan ng Paete katulad ng mga sumusunod:
3.5.1 Parking Area – mga lugar himpilan ng mga sasakyan, ang lugar na ito ay ang mga itinalaga lamang ng Ordinansang nauukol sa mga Pook-Himpilan sa pangangasiwa ng Tourism Office.
3.5.2 CR – comfort rooms o mga pampublikong palikuran na sadyang ipinatayo bilang bahagi ng programang panturismo, ang mga ito ay matatagpuan sa karatig ng mga pook-pasyalan para sa pangangailangan ng mga turista.
3.5.3 Cottage - mga maliit na pahingahan na maaring pansamantalang tigilan ng mga turista sa panahon ng kanilang pamamasyal, ang mga ito ay matatagpuan sa Tatlong Krus at Matabungca Falls.
3.5.4 Balsa – balsang panturista (tourist raft) sasakyang pantubig na pag-aari ng Pamahalaang Bayan ng Paete na maaaring sakyan o gamitin ng mga turista upang makapamasyal o makapagpahinga habang nakamasid sa Laguna Lake. (Ordinansa Blg. 298).
3.5.5 Balag (Warf) – bahay-pahingahan na maaaring pansamantalang tigilan ng mga turista. (Ordinansa Blg. 298).
3.6 Pook-Pasyalan – mapapaloob dito ang mga ipinagmamalaking magagandang tanawin at makasaysayan at mahahalagang lugar sa bayan ng Paete tulad ng:
3.6.1 Simbahang Katoliko – lugar sambahan ng Romano Katoliko na matatagpuan sa Barangay Ibaba del Norte.
3.6.2 Simbahang Aglipay – lugar sambahan ng Iglesia Filipina Independiente, matatagpuan sa Barangay Ibaba del Sur.
3.6.3 Matabungca Falls – talon na matatagpuan sa Sierra Madre Mountain, Barangay Ilaya del Sur.
3.6.4 Tatlong Krus – konstruksyon na matatagpuan sa Sierra Madre Mountain, Barangay Ermita.
3.6.5 Wawa Park – ito ay ang tinatawag na Paete Bayshore and Leisure Park, na karatig ng bahagi ng Lawa ng Laguna, matatagpuan sa Barangay Ibaba del Sur (Ordinansa Blg. 298).
3.7 Serbisyong Panturismo – mapapabilang dito ang mga natatanging serbisyo at tourist attractions na tulad ng mga sumusunod:
3.7.1 Carving Demonstration – maaring ito ay sa prutas, gulay at yelo
3.7.2 Paper Mache-Making – pagtataka
3.7.3 Woodcarving – pag-uukit
3.7.4 Iba pa – iba pang serbisyo na magpapakita ng talento at kakayahan ng mga mamamayan ng Paete na maituturing na artist, tulad ng pagsasayaw, pag-awit at iba pang anyo ng pagtatanghal
3.8 Residente – pinatutungkulan nito ang mga taga-Paete at lehitimong mamamayan ng Bayan ng Paete at kabilang sa populasyon ng bayang ito, hindi sila maituturing na turista kahit na sila ay pumasyal sa mga nabanggit sa itaas o gumamit ng mga isinaad na pasilidad.
3.9 Kolektor – opisyal na kinatawan ng Pamahalaang Bayan na magmumula sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman, taong mangongolekta ng butaw at mananagutan sa lahat ng kita mula sa pagpapatupad ng ordinansang ito.
3.10 Tourism Office – tinutukoy nito ang Tanggapan ng Pambayang Turismo, kabilang dito ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan na nakatalaga sa tanggapang ito.
3.11 Tour Guide – kabilang dito ang mga kawani ng Tanggapan ng Pambayang Turismo at/o sinuman na maitatalaga na maging kasama o katuwang ng mga turista sa panahon ng kanilang pagbisita.
3.12 Artists – mga lokal na alagad ng sining na magsasagawa ng carving demonstration, paper mache-making, woodcarving at iba pa na magpapakita ng mga natatanging galing sa sining ng mga mamamayan ng Paete.
3.13 Shops – Carving and Handicraft Shops na nagtitinda ng mga produktong taal sa bayan ng Paete tulad ng mga taka, ukit, paper products, mga gawang-kamay at iba pang mga kauri nito.
3.14 Ambulant Vendors – naglalako o nagtitinda ng nga kalakal sa tuwing may dumarating mga turista.

ALITUNTUNIN BLG. 3
PANUNTUNAN AT PROSESO NG PAGPAPATALA NG PAGBISITA


PANGKAT 4 Ang sinumang turista na nagnanais na bumisita sa bayan ng Paete ay marapat na:
4.1 Makipag-ugnayan sa Tourism Office para sa kaukulang pagpapatala at pagtatakda ng petsa (araw at oras), gayundin ang layunin ng pagbisita, sa pamamagitan nito ay mailalahad sa turista ang kaukulang mga gawain at pasyalan na angkop sa layunin ng kanilang pagbisita. Ito ay nararapat na isagawa ng hindi maaaring bumaba sa limang (5) araw bago ang itinakdang araw ng pagbisita o mas maaga pa.
4.2 Maipatala ang bilang ng mga turistang inaasahang kasama upang matiyak na magkakaroon ng sapat na bilang ng Tour Guide na magsisiguro ng kaligtasan at magtitiyak na magiging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang panahon ng pagbisita.
4.3 Nararapat ding ipaalam kung anong uri at ilang sasakyan ang gamit upang matiyak ang kahandaan ng mga Parking Area.
4.4 Ang lahat ng transaksiyon na isasagawa, reserbasyon, pagtatapos ng gawain, maging ang mga naging pagbabago ay dapat na maitala para sa kaukulang pag-uulat.

ALITUNTUNIN BLG.4
WALK-IN TOURIST


PANGKAT 5 Ang sinumang turista na hindi nakapagpagtala o nakipag-ugnayan BAGO ang takdang pagbisita o mga walk-in tourist ay pinapaalalahanan na dagliang magtungo sa Tourism Office para sa mga kaukulang impormasyon para sa kanilang pagbisita at nararapat na tumalima sa mga isinasaad ng batas na ito.

ALITUNTUNIN BLG. 5
MGA BUTAW


PANGKAT 6 Paghihimpil ng mga sasakyan (Parking Fee) - Ang butaw ay batay sa uri ng sasakyan at sa panahon ng pamamalagi sa mga Parking Area.
6.1 Bus – Php 100.00 (Isang Daang Piso)
6.2 Coaster at Mini-Bus – Php 75.00 (Pitumpu’t Limang Piso)
6.3 Van, Passenger Jeep, Owner-Type-Jeep – Php 75.00 (Pitumpu’t Limang Piso)

PANGKAT 7 CR – Ang sinumang nagnanais na gumamit nito ay kinakailangang magbayad ng halagang Limang Piso (Php 5.00) maging turista man o residente.

PANGKAT 8 Lugar-Pahingahan
8.1 Cottage Malaki – Php 150 (Isandaan at Limampung Piso)
8.2 Cottage Maliit – Php 100 (Isandaang Piso)
8.3 Balag – Php 20 (Dalawampung Piso) kada tao sa unang tatlong (3) oras, at Php 10 (Sampung Piso) sa bawat susunod na oras. (Ordinansa Blg. 298)

PANGKAT 9 TOUR PACKAGES
9.1 Para sa mga TURISTA na ang bilang ay 1 hanggang 40 (40 Turista - Pababa)
Ice Carving Demonstration
(Php 2,200) Fruit and Vegetable Garnishing
(Php 1, 400) Paper-Mache Making
(Php 400) Wood Carving
(Php 400) PLUS CHOICE OF PACKAGE
9.2 Para sa mga TURISTA na may bilang na 41 o higit pa. (41 Turista – Pataas)
BABAYARAN NG ISANG TURISTA
Package 1 Simbahang Katoliko Carving Shops Php 20
Package 2 Simbahang
Aglipay Carving Shops Php 20
Package 3 Simbahang Katoliko Simbahang
Aglipay Carving Shops Php 30
Package 4 Simbahang Katoliko Simbahang
Aglipay Carving Shops Matabungca Falls Php 60
Package 5 Simbahang Katoliko Simbahang
Aglipay Carving Shops Matabungca Falls Tatlong Krus Php 80
Package 6 Simbahang Katoliko Simbahang
Aglipay Carving Shops Matabungca Falls Tatlong Krus Carving Demo & Paper-Mache Making Php 180
9.3 Wawa Park (Ordinansa Blg. 298)
Pagpasok sa papuntang Balsa
(Php 5) / tao –bata o matanda Balsa
(Php 50) / tao sa unang 3 oras at
Php 15 sa bawat susunod na oras PLUS CHOICE OF PACKAGE

ALITUNTUNIN BLG. 6
MGA TANGGAPANG MANGANGASIWA AT KAUKULANG TUNGKULIN AT MGA PANANAGUTAN


PANGKAT 10 TOURISM OFFICE
10.1 Tumanggap ng mga pagpapatala at makipag-ugnayan sa turista o pangkat ng mga turista ukol sa kanilang pagbisita.
10.2 Kumpirmahin ang mga pagpapatala.
10.3 Magtalaga ng kaukulang Parking Area para sa mga kumpirmadong pagbisita.
10.4 Makipag-ugnayan sa Simbahang Romano Katoliko at Simbahang Iglesia Filipina Independiente hinggil sa mga layong pagbisita sa mga nasasakupan ng mga nabanggit na institusyon. Ito ay nararapat na isagawa tatlong (3) araw bago ang nakatakdang pagbisita para sa konsiderasyon sa mga gawain ng simbahan at sa paghahanda sa mga tagapagsalita at mga presentasyon.
10.5 Gumawa ng listahan ng lahat ng gawain at transaksiyon na nauukol sa ordinansang ito.
10.6 Mag-ulat ng mga naging gawain, transaksiyon at kinita sa kaugnay sa mga gawaing panturismo.
10.7 Makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Pambayang Sentrong Pangkalusugan, sa tuwing magkakaroon ng mga bista sa mga pook-pasyalan upang tiyakin na magkakaroon ng kaantabay na kawani mula sa nasabing tanggapan para biglaang pangangailangang medikal (emergency medical situation).

PANGKAT 11. KOLEKTOR
11.1 Itala ang bilang ng mga bisitang dumarating at tiyakin ang pagpapatupad ng mga butaw na isinasaad sa ordinansang ito.
11.2 Gumawa ng listahan ng mga dumarating na mga sasakyan at ilakip dito ang oras ng pagdating, tagal ng pananatili at oras ng pag-alis ng mga ito.
11.3 Magsulit ng mga kita sa kinauukulang tanggapan.
11.4 Magsumite ng nakasulat na ulat sa mga kinauukulang tanggapan.
11.5 Makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tanggapan para sa pagkakaloob ng kanilang kabahagi o donasyon mula sa butaw.
11.5.1 Simbahang Romano Katoliko
11.5.2 Simbahang Iglesia Filipina Independiente
11.6 Tiyakin ang pagkakaloob ng Resibo (Official Receipt) o ng kaukulang Cash Ticket para sa lahat ng pagtanggap ng butaw at paglalabas ng bahagi.
11.7 Ilagay ang detalye sa nilalaman ng resibo batay sa pagpapairal ng ordinansa

PANGKAT 12. TOUR GUIDE
12.1 Alamin ang tiyak na bilang ng mga turista na darating at alamin ang layunin ng pagbisita.
12.2 Gawing kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang pagbisita ng mga turista.
12.3 Tiyakin ang kaligtasan ng mga turista sa panahon ng pagbisita.

ALITUNTUNIN BLG. 7
AMBULANT VENDORS


PANGKAT 13. Ang sinumang residente ng Paete na nagnanais na magtinda o maglako sa tuwing may darating na mga turista ay nararapat na:
13.1 Kumuha ng Pahintulot mula sa Tanggapan ng Punumbayan (Mayor’s Permit)
13.2 Tiyakin ang kalinisan ng puwesto sa panahon at matapos ang pagtitinda

PANGKAT 14 Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitinda o ang paglalako ng anumang kalakal na katulad o kahalintulad ng mga kalakal o paninda na matatagpuan sa kahabaan ng Daang J.V. Quezada o ang tinatawag na Tourist Lane maliban sa mga maglalako na mayroong Mayor’s Permit.
ALITUNTUNIN BLG. 8
KARAGDAGANG PANUNTUNAN

PANGKAT 15 Sa panahon na mayroong mga turista:
15.1 Mahigpit na ipinag-uutos ang pagbabawal sa paglalaro ng basketball sa pambayang basketball court para sa ikaaayos ng pagtanggap sa mga turista.
15.2 Sa mga nagnanais na magtigil sa Tatlong Krus, sa Panahon ng Mahal na Araw, mangyaring makipag-ugnayan sa Sangguniang Barangay Ermita.

PANGKAT 16 Sa pamamagitan ng batas na ito, binibigyang-karapatan ang Nanunungkulang Punumbayan na lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan o Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at mga kinatawan ng Simbahang Katoliko at Simbahang Aglipay na may kaukulang pagkatig ng Sangguniang Bayan.

PANGKAT 17 Sa pamamagitan ng batas na ito, binibigyang-karapatan ang Nanunungkulang Punumbayan na lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan o Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at mga kinatawan ng Barangay Ilaya del Sur, Barangay Ilaya de Norte at Barangay Ermita ukol sa paggabay sa mga Turista patungo sa Matabungca Falls at Tatlong Krus, gayundin para sa kanilang kaukulang bahagi, na may kaukulang pagkatig ng Sangguniang Bayan.

PANGKAT 18 SUGNAY SA PAGHIHIWALAY. Kung alinman sa mga pangkatin o bahagi ng ordinansang ito ay ipinalalagay na labag sa batas, ang ibang pagkatin o bahagi ay mananatiling may bisa at ang anumang naunang mga kautusan o ordinansa na taliwas/lihis sa mga itinatadhana ng ordinansang ito ay pinawawalang bisa/saysay.

PANGKAT 19 Ang Ordinansang ito ay magkakabisa at ipapatupad matapos mapagtibay at matapos ang mga proseso na naaayon sa umiiral na batas .


PINAGTIBAY: 06 Agosto, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/ Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 13 AGOSTO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 080 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LABING WALONG LIBONG PISO (PHP 18,000.00) NA MAGMUMULA SA WAGES OF CASUAL EMPLOYEES NG TANGGAPAN NG PAMBAYANG TAGATUOS NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA CAPITAL OUTLAY (COMPUTER SET) NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-03 ng Agosto, 2012 buhat kay Gng. Marita B. Bagabaldo, Pambayang Tagatuos ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Capital Outlay (computer set) ng kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Pambayang Tagatuos:
Wages of Casual Employees - Php 18,000.00
Kabuuang Halaga - Php 18,000.00

SAPAGKAT, kinakailangang matugunan ang nasabing pangangailangan upang huwag mabalam ang mga transaksiyon ng nasabing tanggapan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LABING WALONG LIBONG PISO (PHP 18,000.00) na magmumula sa Wages of Casual Employees ng Tanggapan ng Pambayang Tagatuos ng Paete, Laguna patungo sa Capital Outlay (Computer set) ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 22 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Tagatuos:
Capital outlay (Computer set) - Php 18,000.00
Kabuuang Halaga Php 18,000.00

PINAGTIBAY: 13 Agosto, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Thu Aug 30, 2012 8:30 pm    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-AGOSTO,2012 NG KGG. SB 2nd part Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 13 AGOSTO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 081 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA RESOLUSYON BLG. 10 AT ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 18 T. 2012 NG SANGGUNIANG BARANGAY NG MAYTOONG, PAETE, LAGUNA-RESOLUSYONG PAGTIBAYIN NG SANGGUNIANG BARANGAY NG MAYTOONG, PAETE, LAGUNA ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG PONDONG NASA KATEGORYA NG OTHER MAINTENANCE AND OPERATION SERVICES NA NAGKAKAHALAGA NG DALAWANG LIBO AT LIMANG DAANG PISO (PHP 2,500.00) PATUNGO SA MOOE-TRAINING AND SEMINAR.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na sipi ng Resolusyon Blg. 10 T. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 18 T. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-01 ng Agosto, 2012;

SAPAGKAT, ang nasabing Resolusyon Blg. 10 T. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 18 T. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna- Resolusyong pagtibayin ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng pondong nasa kategoriya ng Other Maintenance and Operating Services na nagkakahalaga ng Dalawang Libo at Limang Daang Piso (Php 2,500.00) patungo sa MOOE-Training and Seminar ay pinagtibay noong ika-30 ng Hulyo, 2012;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ang Resolusyon Blg. 10 T. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 18 T. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang pagkatig sa Resolusyon Blg. 10 at Ordinansang Paglalaan Blg. 18 T. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna-Resolusyong pagtibayin ng Sangguniang Barangay ng Maytoong, Paete, Laguna ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng pondong nasa kategorya ng Other Maintenance and Operation Services na nagkakahalaga ng Dalawang Libo at Limang Daang Piso (PHP 2,500.00) patungo sa MOOE-Training and Seminar.


PINAGTIBAY: 13 Agosto, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 13 AGOSTO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 082 t. – 2012

RESOLUSYONG NAGPAPAABOT NG PASASALAMAT ANG KGG. SANGGUNIANG BAYAN AT PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA KAY P/SI MARLON M. CALONGE, NAPATALAGANG HEPE NG PULISYA NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NOONG HUNYO 10, 2010 HANGGANG HULYO 08, 2011 AT NOONG PEBRERO 13, 2012 HANGGANG AGOSTO 08, 2012 .

SAPAGKAT, si P/SI MARLON M. CALONGE ay naitalaga na bilang Hepe ng Pulisya sa Bayan ng Siniloan, Laguna simula noong ika-09 ng Agosto, 2012;

SAPAGKAT, si P/SI MARLON M. CALONGE, ay nagpamalas ng husay sa kanyang pamamahala bilang Hepe ng Pulisya at naging kaagapay ng ating Pamahalaang Bayan at ng mga Pribadong Samahan (Non-Government Organizations/NGO’s) dito sa ating bayan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at pangmadlang kaligtasan ng ating mga mamamayan;

SAPAGKAT, si P/SI MARLON M. CALONGE ay naging isang magandang ehemplo sa mga naglilingkuran sa ating kapulisan dahilan sa kanyang dedikasyon at patuloy na pagnanais na maitaas ang antas ng paglilingkod sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, di na rin mapasubalian at matawaran ang mga naging “Accomplishments” o naisagawa sa larangan ng kaayusan at katahimikan ni P/SI Marlon M. Calonge dito sa ating bayan;

SAPAGKAT, hangad ng Sangguniang ito at ng Pamahalaang Bayan na sa pamamagitan ng isang Resolusyong ito ay maipaabot ang Pasasalamat kay P/SI Marlon M. Calonge, napatalagang Hepe ng Pulisya ng Bayan ng Paete, Laguna noong Hunyo 10, 2010 hanggang Hulyo 08, 2011 at noong Pebrero 13, 2012 hanggang Agosto 08, 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Aurelio P. Paraiso, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang
Resolusyong nagpapaabot ng Pasasalamat Ang Kgg. Sangguniang Bayan at Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna kay P/SI Marlon M. Calonge, napatalagang Hepe ng Pulisya ng Bayan ng Paete, Laguna noong Hunyo 10, 2010 hanggang Hulyo 08, 2011 at noong Pebrero 13, 2012 hanggang Agosto 08, 2012 .


PINAGTIBAY: 13 Agosto, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


May lagda ang orihinal
ANNA PAMELA R. DELA ROSA
Konsehal


May lagda ang orihinal
BRIGIDO R. BAGAYANA
Konsehal


May lagda ang orihinal
AURELIO P. PARAISO
Konsehal


May lagda ang orihinal
LOURDES F. SUNGA
Konsehal


May lagda ang orihinal
ERIBERTO D. PASCUAL
Konsehal


May lagda ang orihinal
URBANO R. CADAPAN
Konsehal


May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Konsehal


May lagda ang orihinal
RONALDO Z. VALDELLON
Konsehal


May lagda ang orihinal
HERMIE B. BAGONGAHASA
LBP-Konsehal


May lagda ang orihinal
LYEKA MAY S. SADSAD
SKFP-Konsehal


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 22 AGOSTO, 2012 ARAW NG MIYERKULES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 083 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MOA) SA PAGITAN NG PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION (POEA), OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION, DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT, COMMISSION ON FILIPINOS OVERSEAS AT NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA HINGGIL SA MGA USAPIN NA MAY KINALAMAN SA PAGTRATRABAHO SA IBANG BANSA PARTIKULAR NA ANG TUNGKOL SA “ILLEGAL RECRUITMENT”.

SAPAGKAT, noong ika-09 ng Agosto, 2012 ay mayroong natanggap na liham ang tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat sa Tanggapan ng Punong-Bayan na may lagda sa atas ng Punong-Bayan ni G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling na mabigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona na lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaang nasyonal na ukol sa pagtatrabaho sa ibang bansa;

SAPAGKAT, inilunsad ang programang ito upang maprotektahan ang ating mga kababayan na nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa sa mga “Illegal Recruitment” na kasalukuyang nagiging balakid upang matupad ang pagnanais na makapangibang bansa;

SAPAGKAT, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kasunduang ito ay magkakaroon ng kaugnayan ang ating Pamahalaang Bayan sa mga ahensiya na mayroong kabatiran sa mga usaping may kinalaman sa trabaho at maipapaabot sa atin ang mga mahahalagang impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga mamamayan;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ang ating Punong Bayan para sa pagsasagawa at maipatupad ang layunin ng programang ito.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration, Department of Labor and Employment, Commission on Filipinos Overseas at ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna hinggil sa “mga usapin na may kinalaman sa pagtratrabaho sa ibang bansa partikular na ang tungkol sa “Illegal Recruitment”.


PINAGTIBAY: 22 Agosto, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.



May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



EXCERPT FROM THE MINUTES OF THE REGULAR SESSION OF THE SANGGUNIANG BAYAN OF PAETE, LAGUNA HELD AT SESSION HALL, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, ADECI BUILDING ON AUGUST 22, 2012, WEDNESDAY.

PRESENT:

Hon. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Municipal Vice-Mayor & Presiding Officer,

Hon. Anna Pamela R. dela Rosa,
Councilor,

Hon. Brigido R. Bagayana,
Councilor,

Hon. Aurelio P. Paraiso,
Councilor,

Hon. Lourdes F. Sunga,
Councilor,

Hon. Eriberto D. Pascual,
Councilor,

Hon. Urbano R. Cadapan,
Councilor,,

Hon. Emerito B. Gajitos,
Councilor,

Hon. Ronaldo Z. Valdellon,
Councilor,

Hon. Hermie B. Bagongahasa,
Councilor/LBP,

Hon. Lyeka May S. Sadsad,
Councilor/SKFP.

ABSENT: N O N E


RESOLUTION NO. 84 s. – 2012

RESOLUTION AUTHORIZING THE MUNICIPAL MAYOR, HON. EMMANUEL B. CADAYONA, TO ENTER INTO A MEMORANDUM OF AGREEMENT WITH REGION 4-A REGIONAL DIRECTOR EDGARDO M. GONZAGA, MD, MSC, CESO III OF CENTER FOR HEALTH DEVELOPMENT (CHD) REGARDING THE TUBERCULOSIS PROTECTION AND CONTROL PROGRAM OF DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) FOR FUND TRANSFER AND UTILIZATION FOR RENOVATION OF DIRECTLY OBSERVED TREATMENT SHORT COURSE (DOTS) CLINIC AND LABORATORY AT PAETE, LAGUNA.

WHEREAS, the 140 Rural Health Units/City TB Directly Observed Treatment Short Course (DOTS) Center will also be assisted through the Tuberculosis Prevention and Control Program funds to improve their operations and to sustain quality of their daily operations to achieve DOTS certification and eventually become PhilHealth accredited and to better client satisfaction; and

WHEREAS, the objectives of Tuberculosis Prevention and Control Program funds are:

a. To improve the delivery of basic TB-DOTS Services by the Health Centers in the DOTS areas and Conditional Cash Transfer (CCT) areas;
b. To augment operational/financial support to said areas for the improvement of their health service implementation.

WHEREAS, the Department of Health Center Office has issued the Department Order 2011-0199 dated June 27, 2011 to facilitate the transfer and utilization of funds from DOH central office to Center for Health Development (CHD) to Local Government Unit;

WHEREAS, the MOA covers the fund transfer and utilization of said funds for the renovation of DOTS clinic and laboratory, herein referred to as the “PROJECT” in the amount of “TWO HUNDRED THOUSAND PESOS” (Php200,000.00).

NOW THEREFORE, on motion of Hon. Urbano R. Cadapan, unanimously approved by all the Sangguniang Bayan Members, present there being a quorum:

RESOLVED: To approve, as this Hon. Sangguniang Bayan hereby approved, to authorize the Municipal Mayor, Hon. Emmanuel B. Cadayona, to enter into a Memorandum of Agreement with Region 4-A Regional Director Edgardo M. Gonzaga, MD, MSC, CESO III of Center for Health Development (CHD) regarding the tuberculosis protection and control program of Department of Health (DOH) for fund transfer and utilization for renovation of Directly Observed Treatment Short Course (DOTS) clinic and laboratory at Paete, Laguna.

ENACTED and APPROVED this 22nd day of August, 2012 here in Paete, Laguna.
x-x-x-x-x-x-x-


I hereby certify that the above Resolution is true and correct.


Original signed
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Secretary to the Sanggunian

ATTESTED BY:


Original signed
ROJILYN Q. BAGABALDO
Municipal Vice-Mayor/Presiding Officer



APPROVED BY:


Original signed
HON. EMMANUEL B. CADAYONA
Municipal Mayor


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 22 AGOSTO, 2012 ARAW NG MIYERKULES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 085 t. – 2012

RESOLUSYON NG PAGKILALA SA NIGHT RIDERS TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION (NRTODA) BILANG DI-PAMPAMAHALAANG ORGANISASYON (NGO) SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 34 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal na tungkulin ng Lokal na Pamahalaan na magtaguyod ng pagtatatag at pagkilos ng mga samahang pambayan at di-pampamahalaang organisasyon (NGO) upang maging aktibong katuwang sa pagsusulong ng lokal na awtonomiya;

SAPAGKAT, noong ika-10 ng Hulyo, 2012 ang NIGHT RIDERS TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION (NRTODA) ay nagsumite ng kahilingan upang kilalanin (accredit) at iba pang mga dokumentong kailangan para sa pagkilala sa kanilang samahan ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang NIGHT RIDERS TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION (NRTODA) na itinatag noong Mayo 15, 2010 ay isang samahan na binubuo sa ngayon ng mga “tricycle drivers at operators” na sa gabi namamasada dito sa bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, layunin ng NIGHT RIDERS TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION (NRTODA) na makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan na sumasakay sa kanilang traysikel at maitaas ang antas ng moralidad ng mga namamasada ng traysikel;

SAPAGKAT, layunin din ng NIGHT RIDERS TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION (NRTODA) na matulungan ang miyembro o kasapi sa oras na magkaroon ng aksidente sa pamamagitan ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng TATLONG DAANG PISO (Php 300.00);

SAPAGKAT, noong ika-01 ng Agosto, 2012 ay nakapanayam ng bumubuo ng Lupon sa Mabuting Pamamahala/NGO’s, PO’s & CO’s ang Pamunuan ng nasabing samahan, na dito ay nagkaroon ng pakikipagpanayam at nailahad ng samahan ang maikling kasaysayan, simulain, adhikain at mga programa ng kanilang organisasyon;

SAPAGKAT, ang nasabing samahan ay nakapagsumite ng pinagtibay na Saligang Batas at nakatugon sa mga kailangang papeles at kasulatan na sumasang-ayon sa mga alituntunin, layunin at mga programa ng Pamahalaang Bayan, kung kaya’t sila’y inanyayahang dumalo sa karaniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan noong ika-06 ng Agosto, 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagkilala sa NIGHT RIDERS TRICYCLE OPERATORS AND DRIVERS ASSOCIATION (NRTODA) bilang Di-Pampamahalaang Organisasyon (NGO) sa bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.


PINAGTIBAY: 22 Agosto, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 28 AGOSTO, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 086 t. – 2012

RESOLUSYONG KAPASIYAHANG MAITAMA ANG DONASYONG LUPA NINA DR. AT GNG. GENEROSO BALQUIEDRA O NG KANILANG TAGAPAGMANA UKOL SA ISANG LAGAY NA LUPA NA MATATAGPUAN SA ILAYA DEL NORTE (6), PAETE, LAGUNA NA MAY LOT # 3156 CAD 404, TAX DEC. # 18-0006-00502 NA MAY KABUUANG SUKAT NA HUMIGIT KUMULANG NA 940 METRO KWADRADO AT MAIBALIK ANG BAHAGI NA HINDI DAPAT NAISAMA SA DONASYON SA MUNISIPYO NG PAETE, LAGUNA NA MAY SUKAT NA 625 METRO KWADRADO.

SAPAGKAT, noong ika-14 ng Agosto, 2012 ay mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat sa Tanggapan ng Punong-Bayan na isang sipi ng liham buhat kay G. Mario B. Balquiedra;

SAPAGKAT, mayroong pinagtibay na Kapasiyahan Blg. 128 noong ika-08 ng Hulyo, 1989 ang Kgg. Sangguniang Bayan kung saan nakapaloob na malagyan ng Tax Declaration ang tatlong (3) lupang pag-aari ng bayan ng Paete na mga lupang pag-aari nina Dr. at Gng. Generoso Balquiedra;

SAPAGKAT, batay na rin sa natanggap na liham buhat kay G. Mario B. Balquiedra, hinihiling niya sa kinauukulan na ang nasabing lagay na lupa na kanilang ipinagkaloob ay maiaayos dahil ang 315 metro kwadrado humigit kumulang na bahagi ng lupa lamang ang pinagkaloob nila sa Pamahalaang Bayan at ang natirang bahagi na may sukat na 625 metro kwadrado humigit kumulang na bahagi ng lupa ay hindi nila ipinagkaloob sa Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, marapat lamang na pagtuunan ng ibayong pansin ang nasabing kahilingan ni G. Mario B. Balquiedra.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, pinangalawahan nina Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong Kapasiyahang maitama ang donasyong lupa nina Dr. at Gng. Generoso Balquiedra o ng kanilang Tagapagmana ukol sa isang lagay na lupa na matatagpuan sa Ilaya del Norte (6), Paete, Laguna na may Lot # 3156 Cad 404, Tax Dec. # 18-0006-00502 na may sukat na humigit kumulang na 940 metro kwadrado at maibalik ang bahagi na hindi dapat naisama sa donasyon sa Munisipyo ng Paete, Laguna na may sukat na 625 metro kwadrado.

IPINASIYA RIN na isaayos ni Inh. Rosauro I. Ganal, Pambayang Tagataya ang nasabing pagtatama ng nasabing lagay na lupa.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.



PINAGTIBAY: 28 Agosto, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 28 AGOSTO, 2012 ARAW NG MARTES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 087 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA KAUTUSANG TAGAPAGPAGANANAP BLG. 94 T. 2012 NA NAGTATAKDA NG MGA TALATAKDAAN NG PAGPAPATUPAD PARA SA KODIGO NG PAETE KABANATA II, KAUTUSANG BAYAN UKOL SA KAAYUSAN AT KATAHIMIKAN SEKSYON 25-PARKING.

SAPAGKAT, mayroong pinagtibay na Res. Blg. 068 t. 2012 noong ika-16 ng Hulyo, 2012 ang Kgg. Sangguniang Bayan kung saan nakapaloob ang Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayanan; Marangal, Responsable at Maka-Diyos na mamamayan; may disiplina at mabuting kabataan; at maayos na ugnayan ng Pamahalaan at lahat ng sektor ng lipunan at iba pang may kaugnayan dito;

SAPAGKAT, ang ating Punong-Bayan na si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, ay nagsagawa at nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94, taong 2012 na may petsang Agosto 01, 2012 ;

SAPAGKAT, noong ika-10 ng Agosto, 2012 ay nakatanggap ang Kgg. Sangguniang Bayan buhat kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ng sipi ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 t. 2012 para sa kaukulang pagkatig ng Kgg. Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, ang nasabing Kautusang Tagapagpaganap ay alinsunod sa Kodigo ng Paete, Alituntunin III-Mga lugar himpilan at mga bawal paghimpilan sa panahon ng pambayang pagdiriwang, Semana Santa, Todos los Santos at iba pang kauri nito, Pangkat 111. Dito ay binibigyan ang Punong-Bayan ng kapangyarihan na magtakda ng alituntunin na nauukol sa mga ruta at lugar na dapat o hindi dapat paghimpilan ng lahat ng uri ng sasakyan sa panahon na mayroong pambayang pagdiriwang, semana santa, todos los santos at iba pang kauri nito sa pamamagitan ng paglalabas ng talatakdaan ng pagpapatupad sa nilolooban ng animnapung (60) araw mula sa pagkapatibay ng Kodigong nabanggit;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ng Sangguniang ito ang nasabing Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 taong 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang pagkatig sa Kautusang Tagapagpagananap Blg. 94 T. 2012 na nagtatakda ng mga talatakdaan ng pagpapatupad para sa Kodigo ng Paete Kabanata II, Kautusang Bayan ukol sa kaayusan at katahimikan Seksyon 25-Parking.

IPINASIYA RIN na kinakailangang magkaroon ng kaukulang pagsang-ayon ang mga kinauukulan na nagmamay-ari ng mga pribadong lugar na gagamitin bilang lugar himpilan (parking area) sa mga nabanggit na pambayang pagdiriwang at kauri nito.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.



PINAGTIBAY: 28 Agosto, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group