PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-SETYEMBRE, 2012 NG KGG. SB

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Wed Oct 03, 2012 10:03 pm    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-SETYEMBRE, 2012 NG KGG. SB Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 088 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT NI G. MARIO GARCIA HINGGIL SA “PAGLALAGAY NG TIMBANGAN NG BUHAY NA BABOY” SA TABI NG MUNICIPAL SLAUGHTERHOUSE.

SAPAGKAT, noong ika-30 ng Agosto, 2012 ay mayroong natanggap na liham ang tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat kay G. Arcangel C. Tolentino, Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling na mabigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona na lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at ni G. Mario Garcia;

SAPAGKAT, si G. Mario Garcia ay nagnanais na maglagay ng timbangan ng buhay na baboy sa tabi ng Municipal Slaughterhouse na pinapamahalaaan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna para sa mga nagbebenta ng baboy na walang sariling timbangan;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ang ating Punong Bayan para sa nasabing kasunduan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at ni G. Mario Garcia hinggil sa “paglalagay ng timbangan ng buhay na baboy” sa tabi ng Municipal Slaughterhouse.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 03 Setyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 089 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA MANAGEMENT BY OBJECTIVE (MBO-ELA) PARA SA TAONG 2012-2013 NG SANGGUNIANG BARANGAY 1-9 NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, nagsumite ang tanggapan ng Punong-Bayan ng Management by Objective (MBO) mula sa mga barangay (Barangay 1-9) na natanggap ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-30 ng Agosto, 2012 at ang mga Kapasiyahan/Resolusyong pinagtibay ng Barangay 1-9 ay ang mga sumusunod:

Barangay 1 Ibaba del Sur – Resolusyon Blg. 5 t. 2012
Barangay 2 Maytoong –Resolusyon Blg. 3 T. 2012
Barangay 3 Ermita – Resolusyon Blg. 2 t. 2012
Barangay 4 Quinale – Kapasiyahan Blg. 3 t. 2012
Barangay 5 Ilaya del Sur – Resolusyon Blg. 4 t. 2012
Barangay 6 Ilaya del Norte – Resolusyon Blg. 2 t. 2012
Barangay 7 Bagumbayan – Kapasiyahan Blg. 03 t. 2012
Barangay 8 Bangkusay – Resolusyon Blg. 2 t. 2012
Barangay 9 Ibaba del Norte – Kapasiyahan Blg. 3 t. 2012

SAPAGKAT, ang Management by Objective (MBO) ang nagsisilbing “Executive and Legislative Agenda” (ELA) at ito rin ay isang pagpaplano na may pananaw at layunin upang ang mabuting pamamahala ay maisakatuparan ng bawa’t isang namumuno dito sa ating bayan;

SAPAGKAT, ang “Management by Objective” na isinumite sa tanggapang ito ay siyang magbibigay ng direksyon sa mga barangay at sa ating Pamahalaang Bayan upang maisakatuparan ang mga programa at proyektong kinakailangan para maisaayos at mapaunlad ang ating sambayanan;

SAPAGKAT, ang mga layunin at mga takdang panahon ng pagpapatupad sa Management by Objective (MBO) ay maaaring magkaroon ng pagbabago na naaayon sa kakayahan ng mga Barangay o sa mga pagkakataong hindi inaasahan na nangangailangan ng dagliang pagtugon ng mga kinauukulang barangay;

SAPAGKAT, kinakailangang katigan ng Sangguniang ito ang “Management by Objective (MBO)” upang maisagawa ng lubusan ang lahat na nakasaad na layunin at mga mithiin sa takdang panahon ng bawa’t isang naglilingkuran dito sa ating bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong pagkatig sa Management by Objective (MBO-ELA) para sa taong 2012-2013 ng Sangguniang Barangay 1-9 ng Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.


PINAGTIBAY: 03 Setyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 090-M t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGKILALA AT PASASALAMAT SA MGA SUMUSUNOD: KGG. JEJOMAR C. BINAY, PANGALAWANG PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS; KGG. ANTONIO M. CAROLINO, PUNONG-BAYAN NG STA. MARIA, LAGUNA; KGG. FERDINAND R. MARCOS JR., SENADOR, REPUBLIKA NG PILIPINAS; DSWD REGIONAL OFFICE IV-A, SAGIP KAPAMILYA, LLDA, GNG. LOURDES M. MORALES, PRINCIPAL, NAGCARLAN RIZAL STANDARD ACADEMY; YOUTH PARISH COUNCIL OF MAGDALENA, HELPING HANDS OF MORMONS, OPERATION BLESSING, MS. RICHELLE G. RELIGIOSO OF INNER WHEEL CLUB AND ROTARY CLUB OF SINILOAN DISTRICT 382; MS. DITAS P. CRISOSTOMO OF INNER WHEEL CLUB AND ROTARY CLUB OF SINILOAN DISTRICT 381 AT G. CEZAR BALANDRA SA KANILANG PAGBIBIGAY NG TULONG PARA SA MGA MAMAMAYAN NA LUBHANG NAAPEKTUHAN NG BAHA DULOT NG ILANG ARAW NA PAG-ULAN SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, noong ika-4 hanggang ika-13 ng Agosto, 2012 ay nakaranas ng malakas na pag- ulan dulot ng hanging habagat, ang ilang bahagi ng ating bansa na naging sanhi ng pagbaha sa maraming lugar, na kabilang ang bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, maraming kabahayan ang lumubog sa baha, na dito ay naapektuhan ang humigit kumulang na 1,500 pamilyang naninirahan sa bayan ng Paete;

SAPAGKAT, kinakailangan ang dagliang tulong ng mga nabahaang pamilya na napilitang lumikas at pansamantalang manirahan sa mga “evacuation center” ng bayang ito;

SAPAGKAT, sa dami ng nasalantang pamilya ay maraming tulong ang kinakailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad;

SAPAGKAT, napakahalaga sa Pamahalaang Bayan ng Paete ang mga tulong na ipinagkaloob ng mga Opisyales at mga tanggapan nito mula sa nasyonal at probinsyal, mga samahan at indibiduwal upang dagliang maibigayan ng mga kinakailangan tulong ng mga nasalantang baha sa bayang ito;

SAPAGKAT, ang nasabing talaan na binigyan ng Pagkilala at Pasasalamat ng Kgg. Sangguniang Bayan ay nagmula sa isinumite ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, marapat lamang na pag-ukulan ng pasasalamat at pagpapahalaga ang mga tumulong sa Pamahalaang Bayan ng Paete at sa mga mamamayan na nasalanta ng kalamidad.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang- ayon ng lahat na dumalo ay :

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagkilala at Pasasalamat sa mga sumusunod: KGG. JEJOMAR C. BINAY, PANGALAWANG PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS; KGG. ANTONIO M. CAROLINO, PUNONG-BAYAN NG STA. MARIA, LAGUNA; KGG. FERDINAND R. MARCOS JR., SENADOR, REPUBLIKA NG PILIPINAS; DSWD REGIONAL OFFICE IV-A, SAGIP KAPAMILYA, LLDA, GNG. LOURDES M. MORALES, PRINCIPAL, NAGCARLAN RIZAL STANDARD ACADEMY; YOUTH PARISH COUNCIL OF MAGDALENA, HELPING HANDS OF MORMONS, OPERATION BLESSING, MS. RICHELLE G. RELIGIOSO OF INNER WHEEL CLUB AND ROTARY CLUB OF SINILOAN DISTRICT 382; MS. DITAS P. CRISOSTOMO OF INNER WHEEL CLUB AND ROTARY CLUB OF SINILOAN DISTRICT 381 AT G. CEZAR BALANDRA sa kanilang pagbibigay ng tulong para sa mga mamamayan na lubhang naapektuhan ng baha dulot ng ilang araw na pag-ulan sa bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 03 Setyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 10 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 091 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG APAT NA LIBONG PISO (PHP 4,000.00) NA MAGMUMULA SA TRAVELLING ALLOWANCE NG TANGGAPAN NG PAMBAYANG PINUNO NG BADYET NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA UNIFORM ALLOWANCE NG KAWANI NA NAKATALAGA SA PAMAMALAKAD SA PAMILIHANG BAYAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-31 ng Agosto, 2012 buhat kay Gng.Beatriz C. Cainto, Pinunong Pantauhan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa Uniform Allowance ng isang kawani na nakatalaga sa Pamamalakad sa Pamilihang Bayan;

SAPAGKAT, kinakailangang mapagkalooban ng Uniform Allowance ang nasabing kawani bilang benepisyo sa paglilingkod sa ating Pamahalaang Bayan ng anim (6) na buwan alinsunod sa umiiral na batas kaugnay nito.

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Pambayang Pinuno ng Badyet:
Travelling Allowance - Php 4,000.00
Kabuuang Halaga - Php 4,000.00

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang APAT NA LIBONG PISO (Php 4,000.00) na magmumula sa Travelling Allowance ng Tanggapan ng Pambayang Pinuno ng Badyet ng Paete, Laguna patungo sa Uniform Allowance ng kawani na nakatalaga sa Pamamalakad sa Pamilihang Bayan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 23 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Pamamalakad sa Pamilihang Bayan:
Uniform Allowance - Php 4,000.00
Kabuuang Halaga Php 4,000.00


PINAGTIBAY: 10 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 10 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 092 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA KAPASIYAHAN BLG. 11 T. 2012 AT ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 7 T. 2012 NG SANGGUNIANG BARANGAY NG IBABA DEL NORTE, PAETE, LAGUNA-KAPASIYAHANG PAGTIBAYIN NG SANGGUNIANG BARANGAY 9 IBABA DEL NORTE ANG ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 7 T-2012 NG HALAGANG PHP 30,000.00 NA MAGBUBUHAT SA MAINTENANCE AND OTHER OPERATING EXPENSES (MOOE) SEMINAR P 15,000.00 AT GASOLINE & LUBRICANTS 15,000.00 UPANG ILAAN SA ELECTRICITY EXPENSES.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na sipi ng Kapasiyahan Blg. 11 T. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 7 T. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Ibaba del Norte, Paete, Laguna ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-06 ng Setyembre, 2012;

SAPAGKAT, ang nasabing Kapasiyahan Blg. 11 T. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 7 T. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Ibaba del Norte, Paete, Laguna- Kapasiyahang pagtibayin ng Sangguniang Barangay 9 Ibaba del Norte ang Ordinansang Paglalaan Blg. 7 T-2012 ng halagang Php 30,000.00 na magbubuhat sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) Seminar P 15,000.00 at Gasoline & Lubricants 15,000.00 upang ilaan sa Electricity Expenses ay pinagtibay noong ika-1 ng Setyembre, 2012 ng Sangguniang Barangay ng Ibaba del Norte, Paete, Laguna;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ang Kapasiyahan Blg. 11 T. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 7 T. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Ibaba del Norte, Paete, Laguna.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong Pagkatig sa Kapasiyahan Blg. 11 T. 2012 at Ordinansang Paglalaan Blg. 7 T. 2012 ng Sangguniang Barangay ng Ibaba del Norte, Paete, Laguna-Kapasiyahang pagtibayin ng Sangguniang Barangay 9 Ibaba del Norte ang Ordinansang Paglalaan Blg. 7 T-2012 ng halagang Php 30,000.00 na magbubuhat sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) Seminar P 15,000.00 at Gasoline & Lubricants 15,000.00 upang ilaan sa Electricity Expenses.


PINAGTIBAY: 10 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN :

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


EXCERPT FROM THE MINUTES OF THE REGULAR SESSION OF THE SANGGUNIANG BAYAN OF PAETE, LAGUNA HELD AT SESSION HALL, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, ADECI BUILDING ON SEPTEMBER 10, 2012, MONDAY.

PRESENT:

Hon. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Municipal Vice-Mayor & Presiding Officer,

Hon. Anna Pamela R. dela Rosa,
Councilor,

Hon. Brigido R. Bagayana,
Councilor,

Hon. Aurelio P. Paraiso,
Councilor,

Hon. Lourdes F. Sunga,
Councilor,

Hon. Eriberto D. Pascual,
Councilor,

Hon. Urbano R. Cadapan,
Councilor,

Hon. Emerito B. Gajitos,
Councilor,

Hon. Ronaldo Z. Valdellon,
Councilor,

Hon. Hermie B. Bagongahasa,
Councilor/LBP.

Hon. Lyeka May S. Sadsad,
Councilor/SKFP.

ABSENT: N O N E

RESOLUTION NO. 93 s. – 2012

RESOLUTION REQUESTING THE CHIEF OF THE PHILIPPINE NATIONAL POLICE, NATIONAL HEADQUARTER, CAMP RAFAEL T. CRAME, QUEZON CITY THRU POLICE DIRECTOR ARNULFO DR. PEREZ, DIRECTORATE FOR LOGISTICS, ONE (1) UNIT POLICE MOBILE PATROL CAR TO BE USED IN DAILY POLICE WORK OF POLICE STATION OF PAETE, LAGUNA.

WHEREAS, as of now the Police Station of Paete, Laguna has no mobile patrol to be used in their routine police work;

WHEREAS, the previous issued police mobile patrol Toyota Altis with plate no. SJA- 933 was involved in a serious traffic accident last February 11, 2012 at Manila East Road Barangay Balian, Pangil, Laguna;

WHEREAS, the said police mobile patrol car is unserviceable due to that serious traffic accident and the case for Reckless Imprudence Resulting in Double Physical Injury and Damage to Property was filed last February 13, 2012 before the Provincial Prosecutor Office, Sta. Cruz, Laguna;

WHEREAS, it is a big help to our local police force to have a mobile patrol car to be used in their operation maintaining peace and order, particularly in conducting patrol and police visibility within the municipality ;

WHEREAS, we are hoping that the good office of the Philippine National Police, National Headquarter will respond positively with this request.

NOW THEREFORE, on motion of Councilor Emerito B. Gajitos, unanimously approved by all the Sangguniang Bayan Members, present there being a quorum:

RESOLVED: To approve, as this Hon. Sangguniang Bayan hereby approved, to request the Chief of the Philippine National Police, National Headquarter, Camp Rafael T. Crame, Quezon City thru Police Director Arnulfo DR Perez, Directorate for Logistics, one (1) unit police mobile patrol car to be used in daily police work of Police Station of Paete, Laguna.

ENACTED and APPROVED this 10th day of September, 2012 here in Paete, Laguna.
x-x-x-x-x-x-x-


I hereby certify that the above Resolution is true and correct.


Original signed
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Secretary to the Sanggunian

ATTESTED BY:


Original signed
ROJILYN Q. BAGABALDO
Municipal Vice-Mayor/Presiding Officer



APPROVED BY:


Original signed
HON. EMMANUEL B. CADAYONA
Municipal Mayor


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 10 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 094 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG APATNAPU’T TATLONG LIBONG PISO (PHP 43,000.00) NA MAGMUMULA SA WAGES OF CASUAL EMPLOYEES NG TANGGAPAN NG PAMBAYANG TAGATUOS NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA MOOE-GENERAL SERVICES NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-30 ng Agosto, 2012 buhat kay Gng. Marita B. Bagabaldo, Pambayang Tagatuos ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling ng kaukulang pagliliwat para mailaan sa MOOE-General Services ng kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat gaya ng sumusunod:

Pagbubuhatan: Tanggapan ng Pambayang Tagatuos:
Wages of Casual Employees - Php 43,000.00
Kabuuang Halaga - Php 43,000.00

SAPAGKAT, kinakailangang matugunan ang nasabing pangangailangan upang huwag mabalam ang mga transaksiyon ng nasabing tanggapan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbanor R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang APATNAPU’T TATLONG LIBONG PISO (Php 43,000.00) na magmumula sa Wages of Casual Employees ng Tanggapan ng Pambayang Tagatuos ng Paete, Laguna patungo sa MOOE-General Services ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 24 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Tagatuos:
MOOE-General Services - Php 43,000.00
Kabuuang Halaga Php 43,000.00


PINAGTIBAY: 10 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 17 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 095 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN KAY G. EMILIANO S. LEVISTE, CENRO, LALAWIGAN NG LAGUNA, NA MABIGYAN NG SPECIAL PATENT ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE HINGGIL SA TATLONG (3) HEKTARYANG LUPA NA IPINAGKALOOB NG MAG-ASAWANG G. ALBERTO AT GNG. SYLVIA LINA PARA SA PROYEKTONG PABAHAY NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, may programang Pabahay ang Pamahalaang Bayan ng Paete at layunin nitong mabigyan ng disente at ligtas na pamayanan ang mga naninirahan sa danger zone sa nasasakupan ng ating bayan;

SAPAGKAT, ang mag-asawang sina G. Alberto at Gng. Sylvia Lina ay nagkaloob ng tatlong (3) hektarya ng lupa upang magamit sa proyektong Pabahay;

SAPAGKAT, noong ika-28 ng Mayo, 2012 ay mayroong pinagtibay na Res. Blg. 55 T. 2012 ang Kgg. Sangguniang Bayan kung saan nakapaloob ang Ordinansa Blg. 308-Ordinansa ng Pagbabago ng Katayaan ng Lupang Agrikultural upang maging Residensiyal na may sukat na humigit kumulang 30,000 metro kwadrado na nasa ilalim ng Lot Nos. 3235 Cad 404 at bahagi ng Lot no. 3238 Cad 404 na matatagpuan sa Sitio Macumbo, Barangay Quinale, Paete, Laguna;

SAPAGKAT, isa sa pangunahing dokumento na kailangan para sa nasabing proyekto ay ang pagkakaroon ng titulo ng nasabing donasyong lupa upang mapagkalooban ng pondo ng National Housing Authority.

SAPAGKAT, kinakailangang maisaayos sa lalong madaling panahon ang nasabing dokumento upang huwag mabalam ang pagproproseso ng proyektong Pabahay ng ating Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, batid ng Kgg. Sangguniang Bayan at ng Pamahalaang Bayan na si G. EMILIANO S. LEVISTE, CENRO, Lalawigan ng Laguna ay handang tumulong sa mga nangangailangan lalo’t higit sa ikabubuti ng mga mamamayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay hinihiling kay G. EMILIANO S. LEVISTE, CENRO, Lalawigan ng Laguna, na mabigyan ng Special Patent ang Pamahalaang Bayan ng Paete hinggil sa tatlong (3) hektaryang lupa na ipinagkaloob ng mag-asawang G. Alberto at Gng. Sylvia Lina para sa proyektong Pabahay ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.


PINAGTIBAY: 17 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 17 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 096 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN KAY KGG. VIRGILIO R. DELOS REYES, KALIHIM, KAGAWARAN NG REPORMANG PANSAKAHAN, PARAAN KAY: INH. REYNALDO C. ADAO, PROJECT ENGINEER, NIA-CARP PROJECT NG NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION NA MAISAAYOS (REHABILITATION) ANG COMMUNAL IRRIGATION SYSTEM (CIS) EXTENSION NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang bansang Pilipinas ay nahaharap sa krisis bunga ng kakulangan sa ani ng mga butil ng bigas;

SAPAGKAT, kung maisasaayos ang Communal Irrigation System (CIS) ng bayan ng Paete ay malaki ang maitutulong nito upang mapalakas ang ani ng mga palay para sa bayang ito at magkakaroon ng karagdagang pagkukunan ng panustos para sa pangangailangan ng mga mamamayan sa konsumo sa butil ng bigas;

SAPAGKAT, ang bayan ng Paete ay nabibilang sa 4th class municipality kung kaya’t walang sapat na pondo upang maisagawa ang pagsasaayos ng nasabing proyekto;

SAPAGKAT, ang mga Communal Irrigation System (CIS) Extension ng bayan ng Paete, Laguna ay kasalukuyang naapektuhan ng hanging habagat na ikinasira nito at putol-putol pa ang linya ng nasabing CIS Extension kaya’t kinakailangan ng maisaayos;

SAPAGKAT, naniniwala ang Sangguniang ito na ang tanggapan ni Kgg. Virgilio R. Delos Reyes ang makapagbibigay ng katuparan upang ang proyektong ito ay maisagawa.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, pinangalawahan nina Konsehal Emerito B. Gajitos at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay hinihiling kay Kgg. Virgilio R. Delos Reyes, Kalihim, Kagawaran ng Repormang Pansakahan, Paraan kay: Inh. Reynaldo C. Adao, Project Engineer, NIA-CARP Project ng National Irrigation Administration na maisaayos (Rehabilitation) ang Communal Irrigation System (CIS) Extension ng bayan ng Paete, Laguna.

IPINASIYA RIN: na padalhan ng sipi ng Resolusyong ito si G. Nathaniel Diaz, Provincial Agrarian Reform Officer II, Kagawaran ng Repormang Pansakahan, Bay, Laguna para sa kanyang kabatiran at pagtulong.


PINAGTIBAY: 17 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 17 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 097 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN KAY KGG. PROCESO D. ALCALA, KALIHIM, KAGAWARAN NG PAGSASAKA, PARAAN KAY: INH. ANTONIO S. NANGEL, ADMINISTRADOR, NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA) NA MAIPASEMENTO (CONCRETING) ANG LANSANGANG BUKID (FARM TO MARKET ROAD) SA SITIO TICDAO AT GUMIHAN, BARANGAY MAYTOONG, PAETE, LAGUNA NA NAGKAKAHALAGA NG SAMPUNG MILYONG PISO
(PHP 10,000,000.00).


SAPAGKAT, mayroong natanggap noong ika-03 ng Setyembre, 2012 ang Kgg. Sangguniang Bayan na sipi ng Res. Blg. 01 T. 2012-Resolusyong Kahilingan ng Samahang Mabubukid ng Ticdao-Paete, Inc. kay Kgg. Proceso Alcala, Kalihim, Kagawaran ng Pagsasaka, Paraan kay: Kgg. Antonio S. Nangle, Administrador, National Irrigation Administration (NIA) na maipasemento (Concreting) ang Lansangang Bukid (Farm to Market Road) sa Sitio Ticdao at Gumihan, Barangay Maytoong, Paete, Laguna na nagkakahalaga ng SAMPUNG MILYONG PISO (P 10,000,000.00);

SAPAGKAT, ang pagsasaayos ng mga lansangang bukid/Farm to Market Road (FMR) ay isa sa mga pangunahing programa ng kanyang kabunyian, Kgg. Benigno S. Aquino III, Pangulo, Republika ng Pilipinas;

SAPAGKAT, isa sa pangunahing programa ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ang makapagdulot ng kaginhawahan at maayos na kalsadang tatahakin patungo sa ating mga nasasakupan partikular na ang mga daang nag-uugnay sa ating kabundukan;

SAPAGKAT, upang huwag maantala ang pagdadala ng mga produkto na nagmumula sa ating kabundukan ay kinakailangang maisaayos ang mga lansangang daan upang ito ay marating ng ating mga mamamayan ng ligtas at sa mabilis na paraan;

SAPAGKAT, ang pagpapasemento ng nasabing mga lansangang bukid/Farm to Market Road (FMR) ay isang paraan upang mapaunlad ang pangkabuhayang aspeto ng ating mga kababayang mayroong pinagkakitaan sa nasabing mga lugar;

SAPAGKAT, ang ganap na pagpapasemento ng lansangang bukid/Farm to Market Road (FMR) sa Sitio Ticdao at Gumihan, Barangay Maytoong, Paete, Laguna ay isang malaking proyekto na pakikinabangan ng ating mga mamamayan;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, pinangalawahan nina Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay hinihiling kay Kgg. Proceso D. Alcala, Kalihim, Kagawaran ng Pagsasaka, Paraan kay: Inh. Antonio S. Nangel, Administrador, National Irrigation Administration (NIA) na maipasemento (Concreting) ang lansangang bukid (Farm to Market Road) sa Sitio Ticdao at Gumihan, Barangay Maytoong, Paete, Laguna na nagkakahalaga ng SAMPUNG MILYONG PISO (Php 10,000,000.00).


PINAGTIBAY: 17 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 17 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 098 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGKILALA AT PASASALAMAT SA PAMAHALAANG BAYAN NG INFANTA, QUEZON SA ILALIM NG PAMAMAHALA NI KGG. FILIPINA GRACE R. AMERICA, PUNONG-BAYAN NG INFANTA, QUEZON SA KANILANG PAGBIBIGAY NG TULONG PARA SA MGA MAMAMAYAN NA LUBHANG NAAPEKTUHAN NG BAHA DULOT NG ILANG ARAW NA PAG-ULAN SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, noong ika-4 hanggang ika-13 ng Agosto, 2012 ay nakaranas ng malakas na pag- ulan dulot ng hanging habagat, ang ilang bahagi ng ating bansa na naging sanhi ng pagbaha sa maraming lugar, na kabilang ang bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, maraming kabahayan ang lumubog sa baha, na dito ay naapektuhan ang humigit kumulang na 1,500 pamilyang naninirahan sa bayan ng Paete;

SAPAGKAT, kinakailangan ang dagliang tulong ng mga nabahaang pamilya na napilitang lumikas at pansamantalang nanirahan sa mga “evacuation center” ng bayang ito;

SAPAGKAT, sa dami ng nasalantang pamilya ay maraming tulong ang kinakailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad;

SAPAGKAT, napakahalaga sa Pamahalaang Bayan ng Paete ang mga tulong na ipinagkaloob ng mga Opisyales at mga tanggapan nito mula sa nasyonal at probinsyal, mga samahan at indibiduwal upang dagliang mabigyan ng mga kinakailangan tulong ng mga nasalantang baha sa bayang ito;

SAPAGKAT, ang nasabing talaan na binigyan ng Pagkilala at Pasasalamat ng Kgg. Sangguniang Bayan ay nagmula sa isinumite ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, marapat lamang na pag-ukulan ng pasasalamat at pagpapahalaga ang mga tumulong sa Pamahalaang Bayan ng Paete at sa mga mamamayan na nasalanta ng kalamidad.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang- ayon ng lahat na dumalo ay :

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagkilala at Pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Infanta, Quezon sa ilalim ng pamamahala ni Kgg. Filipina Grace R. America, Punong-Bayan ng Infanta, Quezon sa kanilang pagbibigay ng tulong para sa mga mamamayan na lubhang naapektuhan ng baha dulot ng ilang araw na pag-ulan sa bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.


PINAGTIBAY: 17 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 17 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 099 t. – 2012

RESOLUSYON NG PAGKILALA SA LAGUNA ASSOCIATION OF ELEMENTARY SCHOOL PAPER ADVISERS (LAESPA), INC. BILANG DI-PAMPAMAHALAANG ORGANISASYON (NGO) SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng Seksyon 34 ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal na tungkulin ng Lokal na Pamahalaan na magtaguyod ng pagtatatag at pagkilos ng mga samahang pambayan at di-pampamahalaang organisasyon (NGO) upang maging aktibong katuwang sa pagsusulong ng lokal na awtonomiya;

SAPAGKAT, noong ika-07 ng Setyembre, 2012 ang LAGUNA ASSOCIATION OF ELEMENTARY SCHOOL PAPER ADVISERS (LAESPA), INC. ay nagsumite ng kahilingan upang kilalanin (accredit) at iba pang mga dokumentong kailangan para sa pagkilala sa kanilang samahan ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, ang LAGUNA ASSOCIATION OF ELEMENTARY SCHOOL PAPER ADVISERS (LAESPA), INC. ay itinatag noong September, 1995 ay isang samahan na binubuo sa ngayon ng mga guro sa mababang paaralan sa lalawigan ng Laguna na tumatayong Tagapayo ng mga opisyal na pahayagan;

SAPAGKAT, layunin ng LAGUNA ASSOCIATION OF ELEMENTARY SCHOOL PAPER ADVISERS (LAESPA), INC. na ayunan (uphold) ang Republic Act 7079 na mas kilala sa tawag na “Campus Journalism Act of 1991”, magbuo ng isang organisasyon na magpapaunlad ng magandang samahan sa mga bumubuo nito at magsagawa ng mga hasik-pandayan upang mapalawak ang kaalaman ng mga miyembro sa larangan ng pagsusulat;

SAPAGKAT, noong ika-13 ng Setyemre, 2012 ay nakapanayam ng bumubuo ng Lupon sa Mabuting Pamamahala/NGO’s, PO’s & CO’s ang Pangulo ng nasabing samahan, na dito ay nagkaroon ng pakikipagpanayam at nailahad ng Pangulo ang maikling kasaysayan, simulain, adhikain at mga programa ng kanilang organisasyon;

SAPAGKAT, ang nasabing samahan ay nakapagsumite ng pinagtibay na Saligang Batas at nakatugon sa mga kailangang papeles at kasulatan na sumasang-ayon sa mga alituntunin, layunin at mga programa ng Pamahalaang Bayan, kung kaya’t sila’y inanyayahang dumalo sa karaniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan ngayong ika-17 ng Setyemre, 2012.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang- ayon ng lahat na dumalo ay :

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagkilala sa LAGUNA ASSOCIATION OF ELEMENTARY SCHOOL PAPER ADVISERS (LAESPA), INC. bilang Di-Pampamahalaang Organisasyon (NGO) sa bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.


PINAGTIBAY: 17 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 17 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 100 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG ISANGDA’AT APAT NA LIBO, APAT NA DAA’T PITUMPU’T LIMANG PISO AT 78/100 (PHP. 104,475.7Cool NA MAGMUMULA SA IBA’T IBANG PAGLALAAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA GRANTS AND DONATIONS (AICS) NG TANGGAPAN NG KAGALINGANG PANLIPUNAN AT PAGPAPAUNLAD (MSWD) NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, may sulat kahilingan para sa pagliliwat at paglalaan si G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador na inatasan ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong Bayan na may petsang Setyembre 13, 2012, na natanggap ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, ang nasabing sulat kahilingan ay may lagda din ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa :
LGU Counterpart- Materials Recovery Facility - Php 99,475.78
Capital Outlay (Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad)
- 5,000.00
Kabuuang Halaga - Php 104,475.78

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang ISANGDA’AT APAT NA LIBO, APAT NA DAA’T PITUMPU’T LIMANG PISO AT 78/100
(PHP. 104,475. 7Cool na magmumula sa iba’t-ibang paglalaan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Grants and Donation (AICS) ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 25 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD):
Grants and Donation (AICS) - Php 104, 475.78
Kabuuang Halaga - Php 104, 475.78



PINAGTIBAY: 17 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 24 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 101 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN KAY INH. ANTONIO S. NANGEL, ADMINISTRADOR, NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION (NIA) NA MAISAAYOS (REHABILITATION) ANG COMMUNAL IRRIGATION SYSTEM (CIS) EXTENSION NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang bansang Pilipinas ay nahaharap sa krisis bunga ng kakulangan sa ani ng mga butil ng bigas;

SAPAGKAT, kung maisasaayos ang Communal Irrigation System (CIS) ng bayan ng Paete ay malaki ang maitutulong nito upang mapalakas ang ani ng mga palay para sa bayang ito at magkakaroon ng karagdagang pagkukunan ng panustos para sa pangangailangan ng mga mamamayan sa konsumo sa butil ng bigas;

SAPAGKAT, ang bayan ng Paete ay nabibilang sa 4th class municipality kung kaya’t walang sapat na pondo upang maisagawa ang pagsasaayos ng nasabing proyekto;

SAPAGKAT, naniniwala ang Sangguniang ito na ang tanggapan ni Inh. Antonio S. Nangel ang makapagbibigay ng katuparan upang ang proyektong ito ay maisagawa.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Emerito B. Gajitos at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay hinihiling kay Inh. Antonio S. Nangel, Administrador, National Irrigation Administration (NIA) na maisaayos (Rehabilitation) ang Communal Irrigation System (CIS) Extension ng bayan ng Paete, Laguna.

PINAGTIBAY: 24 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 24 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 102 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGPAPALIBAN SA KASALUKUYANG TAON 2012, ANG PAGSASAGAWA NG PAGDIRIWANG NG “PAET-TAKA FESTIVAL” SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang pagdiriwang ng “Paet-Taka Festival” sa bayan ng Paete, Laguna ay balak isagawa sa buwan ng Setyembre, 2012 batay sa nakasaad sa pinagtibay na Resolusyon blg. 73 T. 2011 at Ordinansa blg. 302 T.2011;

SAPAGKAT, matapos ang pagbubuo ng mga Lupon na mangangasiwa sa nabanggit na “festival” at pag-aayos ng mga kinakailangang isagawa sa nasabing pagdiriwang ay nagkaroon ng mga pagpupulong ang bawa’t lupon;

SAPAGKAT, noong ika- 13 ng Agosto, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga Lupon ng Paet-Taka Festival sa Bulwagang Pulungan ng Pamahalaang Bayan, na kung saan ay pinagkasunduan ng mga dumalo sa pagpupulong na ipagliban sa taong ito, taong 2012 ang pagsasagawa ng nabanggit na pagdiriwang;

SAPAGKAT, sa nabanggit na pagpupulong ay dumalo ang lahat na Punong-Barangay at mga kasapi ng Sangguniang Bayan, na ang lahat ay sumang-ayon upang ipagliban ang pagdiriwang ng Paet-Taka Festival;

SAPAGKAT, bukod sa magagahol na sa panahon at walang sapat na pondo at lugar upang isagawa ang pagdiriwang ay nakaranas pa ang bayan ng Paete ng pagbaha dahil sa ilang araw at malakas na pag-ulan sanhi ng hanging habagat;

SAPAGKAT, sa pagbaha sa maraming lugar dito sa ating bayan ay nangangailangan ng mga tulong mula sa ating Pamahalaang Bayan ang ating mga kababayan na naapektuhan ng kalamidad na ito at sa ganitong situwasyon ay praktikal lamang na ipagpaliban sa taong ito ang pagdiriwang ng “Paet-Taka Festival”;

SAPAGKAT, noong ika-19 ng Setyembre, 2012 ay nagsagawa ng Public Hearing ang Lupon sa Mabuting Pamamahala (NGO’s, PO’s and CO’s) tungkol sa nasabing usapin kung saan inanyayahan sa nasabing Public Hearing ang iba’t-ibang di-pampamahalaang organisasyon (NGO’s) dito sa ating bayan na kumakatawan sa iba’t-ibang sektor ng ating lipunan;

SAPAGKAT, batay sa napagkasunduan ng mga dumalo sa Public Hearing na ginanap noong ika-19 ng Setyembre, 2012 ay sumang-ayon ang mas nakararaming dumalo sa pagpapaliban sa taong ito ng “Paet-Taka Festival” ngayong buwan ng Setyembre;

SAPAGKAT, sa kasalukuyan ay nagsisilbing balakid din sa gaganaping pagdiriwang ang kawalan ng lugar o espasyo dahil sa isinasagawang pagtatayo ng bagong Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna kung kaya’t hindi kaaya-aya at hindi magiging maayos ang pagkakaroon ng “Paet-Taka Festival” ngayong taong ito sa ating bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Urbano R. Cadapan, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagpapaliban sa kasalukuyang taong 2012, ang pagsasagawa ng pagdiriwang ng “PAET-TAKA FESTIVAL” sa bayan ng Paete, Laguna.

PINAGTIBAY: 24 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 24 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 103 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG TATLONG DAANG LIBONG PISO (PHP. 300,000.00) NA MAGMUMULA SA “PAET-TAKA FESTIVAL” PATUNGO SA IBA’T-IBANG GASTUSIN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, may sulat kahilingan para sa pagliliwat at paglalaan si G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador na inatasan ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong- Bayan na may petsang Setyembre 13, 2012, na natanggap ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, ang nasabing sulat kahilingan ay may lagda din ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa Paet-Taka Festival na nagkakahalaga ng Tatlong Daang Libong Piso (Php. 300,000.00);

SAPAGKAT, sa taong ito na 2012 ay ipagpapaliban ang Paet-Taka Festival dahil sa walang sapat na lugar na pagdadausan nito at iba pang kadahilanan na nakasaad sa katitikan ng pulong ng mga kasapi ng lupon na mangunguna sa pagsasagawa ng nasabing “festival”.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang TATLONG DAANG LIBONG PISO (PHP. 300,000.00) na magmumula sa “Paet-Taka Festival” patungo sa iba’t-ibang gastusin ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 26 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Assistance to Senior Citizens Php. 240,000.00
Vehicle Rental (Tanggapan ng Punong-Bayan) 60,000.00
Kabuuang Halaga Php. 300,000.00

PINAGTIBAY: 24 Setyembre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:


May lagda ang orihinal
[b:ea37
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group