PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA RESOLUSYON NG PAGBIBIGAY NG KARAPATAN SA PUNONG-BAYAN

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Fri Oct 05, 2012 3:01 am    Post subject: MGA RESOLUSYON NG PAGBIBIGAY NG KARAPATAN SA PUNONG-BAYAN Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 ENERO, 2012 ARAW NG MARTES.


MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

HINDI DUMALO:

Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP/On Leave.


RESOLUSYON BLG. 002 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE,LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT) SA PAGITAN NG DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) AT NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA HINGGIL SA “DATA SHARING OF NATIONAL HOUSEHOLD TARGETING SYSTEM FOR POVERTY REDUCTION”.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na may petsa Disyemre 15, 2011 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-15 ng Disyembre, 2011 kung saan hinihiling ng Punong-Bayan sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan siya ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batid natin na ang “Data Sharing of National Household Targeting System for Poverty Reduction” ay isang programa na makatutulong upang magkaroon ng pagbabatayan ng mga karapat-dapat na mapagkalooban ng tulong na ating mga kababayan;

SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa nasabing programa ay lubhang makatutulong sa ating Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, bilang ama ng ating Pamahalaang Bayan, si Kgg. Emmanuel B. Cadayona ang tumatayong kinatawan ng ating bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna hinggil sa “Data Sharing of National Household Targeting System for Poverty Reduction”.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 03 Enero, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.


May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:


May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 06 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 023 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT) SA PAGITAN NG RADYO NATIN PAETE BROADCASTING (RNPB) 106.3 FM NA KINAKATAWAN NI G. JOSELITO “LOUIE” CORTINA, STATION MANAGER.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na may petsa Enero 16, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan kung saan hinihiling ng Punong-Bayan sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan siya ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Radyo Natin Paete Broadcasting (RNPB) at ng Pamahalaang Bayan kalakip ng nasabing liham ang sipi ng Memorandum of Agreement;

SAPAGKAT, batid natin na ang Radyo Natin ay isang mabisang paraan ng pakikipagtalastasan upang maipaabot sa ating mga mamamayan ang mga iba’t-ibang programa ng ating Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng programa sa Radyo Natin Paete Broadcasting (RNPB) tuwing araw ng Miyerkules, Biyernes at Linggo simula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-8:00 ng umaga sa loob ng labing dalawang (12) buwan, (Enero hanggang Disyembre, 2012) at ito ay nagiging daan upang magkaroon ng pagkakataon ang ating mga opisyales na maipaliwanag ang kanilang mga gawaing pang-upisina, kasama ang pagpapahayag ng mga aral para sa moral at ispirituwal para sa ating mga kababayan;

SAPAGKAT, sa pamamagitan ng programa ay nagiging mulat ang kamalayan ng mga mamamayan sa mga usapin na may kinalaman sa mga umiiral na programa ng ating Pamahalang Bayan;

SAPAGKAT, bilang ama ng ating Pamahalaang Bayan, si Kgg. Emmanuel B. Cadayona ang tumatayong kinatawan ng ating bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, Konsehal Aurelio P. Paraiso, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng Radyo Natin Paete Broadcasting (RNPB) 106.3 FM na kinakatawan ni G. Joselito “Louie” Cortina, Station Manager.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 06 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 20 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 026 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA “KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT)” SA PAGITAN NG PAMBANSANG PANGASIWAAN SA PAGKAIN (NFA) HINGGIL SA RICE LOAN MEMORANDUM AGREEMENT SA PANAHON NG KALAMIDAD.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na may petsa Pebrero 16, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan kung saan hinihiling ng Punong-Bayan sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan siya ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pambansang Pangasiwaan sa Pagkain (NFA) at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng lalagdaang Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, kinakailangang matugunan ng Pamahalaang Bayan ang pangangailangan sa pangunahing pagkain ng mga mamamayan ng ating bayan sa panahon ng kalamidad;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ng Sangguniang ito si Kgg. Emmanuel B. Cadayona upang maging kinatawan ng Pamahalaang Bayan at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum Agreement) sa Rice Loan Memorandum Agreement;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa “Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement)” sa pagitan ng Pambansang Pangasiwaan sa Pagkain (NFA) hinggil sa Rice Loan Memorandum Agreement sa panahon ng kalamidad.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 20 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:


May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan



HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 20 PEBRERO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 027 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA “KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT)” SA PAGITAN NG FORTUNE LIFE INSURANCE CO., INC. NA KINAKATAWAN NI EVELYN T. CARADA, EXECUTIVE VICE-PRESIDENT & GENERAL MANAGER NG NASABING KORPORASYON HINGGIL SA FLIC’S GROUP YEARLY RENEWABLE TERM WITH ACCIDENTAL DEATH & DISMEMBERMENT NG MGA OPISYALES NG BARANGAY AT BARANGAY TANOD.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na may petsa Pebrero 16, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan kung saan hinihiling ng Punong-Bayan sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan siya ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Fortune Life Insurance Co., Inc. at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng lalagdaang Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, ang mga halal na opisyales ng mga Barangay ay honorarium lamang ang natatanggap at hindi sweldo kung kaya’t wala silang natatanggap na mga benepisyo tulad ng seguro (insurance) habang naglilingkod sa kanilang mga barangay;

SAPAGKAT, maging ang mga Bantay Bayan ng bawat barangay ay subsidy lamang ang kanilang natatanggap at wala ring kaukulang seguro (insurance) na kinakailangan nilang makamtam bilang konsiderasyon sa kanilang pagtupad sa kanilang mga tungkulin bilang kaagapay ng ating Pamahalaang Bayan sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at pangmadlang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupang barangay;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ng Sangguniang ito si Kgg. Emmanuel B. Cadayona upang maging kinatawan ng Pamahalaang Bayan at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum Agreement) sa nabanggit na korporasyon;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA, na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa “Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement)” sa pagitan ng Fortune Life Insurance Co., Inc. na kinakatawan ni EVELYN T. CARADA, Executive Vice-President & Gneral Manager ng nasabing korporasyon hinggil sa FLIC’S GROUP YEARLY RENEWABLE TERM WITH ACCIDENTAL DEATH & DISMEMBERMENT ng mga halal na opisyales ng barangay at Barangay Tanod.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 20 Pebrero, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orininal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 26 MARSO, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP,

HINDI DUMALO:

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 035 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE,LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT) SA PAGITAN NG DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) NA KINAKATAWAN NI KGG. WILMA D. NAVIAMOS, REGIONAL DIRECTOR, DSWD R.F.O. IV-A AT NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA HINGGIL SA “SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM”.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na liham mula kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na may petsa Marso 20, 2012 ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-22 ng Marso, 2012 kung saan hinihiling ng Punong-Bayan sa Kgg. Sangguniang Bayan na mabigyan siya ng karapatan upang makalagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Pamahalaang Bayan;

SAPAGKAT, kalakip ng nasabing liham ang sipi ng Memorandum of Agreement para sa kaukulang pag-aaral ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, batid natin na ang “Supplementary Feeding Program” ay isang programa na makatutulong upang matugunan ang mga pangangailangan sa pagkain ng ating mga kababayan lalong-lalo na ang mga kabataan na nag-aaral sa mga Day care ng mga barangay;

SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa nasabing programa ay lubhang makatutulong sa ating bayan at mga mamamayan;

SAPAGKAT, bilang ama ng ating Pamahalaang Bayan, si Kgg. Emmanuel B. Cadayona ang tumatayong kinatawan ng ating bayan.

SAPAGKAT, ang nasabing Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Social Welfare and Development hinggil sa “Supplementary Feeding Program” ay paiiralin hanggang sa ika-30 ng Hunyo, 2013 na nasasakop ng termino ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kinakatawan ni Kgg. Wilma D. Naviamos, Regional Director, DSWD R.F.O. IV-A at ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna hinggil sa “Supplementary Feeding Program”.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at patnubay.

PINAGTIBAY: 26 Marso, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA BATASANG BAYAN, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA, 28 MAYO, 2012, ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal/LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal/SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 53 T.-2012

RESOLUSYONG BINIBIGYANG-KARAPATAN AT KAPANGYARIHAN SINA KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN AT GNG. MENCHIE P. ESPAÑOLA, PAMBAYANG INGAT-YAMAN NA LUMAGDA AT KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA SA PAGBUBUKAS NG DALAWANG (2) BAGONG ACCOUNT SA LAND BANK OF THE PHILIPPINES STA. CRUZ, LAGUNA BRANCH AT UPANG MAKAPAGPASOK AT MAKAPAGLABAS NG PONDO PARA SA IBA PANG LAYUNIN KAUGNAY NG PROYEKTO NG LLDA AT NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA PAETE INTEGRATED WASTE MANAGEMENT SUB-PROJECT.

SAPAGKAT, noong ika-23 ng Mayo, 2012 ay mayroong natanggap na sulat ang Kgg. Sangguniang Bayan buhat kay Gng. Menchie P. Española, Pambayang Ingat-Yaman na may kaukulang lagda ni G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador, sa atas ng Punong-Bayan, Kgg. Emmanuel B. Cadayona na humihiling ng pagpapatibay na makapagbukas ng bagong account sa Land Bank of the Philippines;

SAPAGKAT, mayroong pinagtibay na Resolusyon Blg. 13 t. 2010 ang Kgg. Sangguniang Bayan noong Pebrero 24, 2010- Resolution affirming the interest of the Municipal Government of Paete, Laguna and Authorizing Hon. Emmanuel B. Cadayona to apply, negotiate and participate in the Laguna de Bay Institutional Strengthening and Community Participation (LISCOP) Project, and to borrow funds from the Municipal Development Fund Office (MDFO) under the Department of Finance (DOF), and to undertake other acts necessary to the effective implementation of the Waste Water Treatment Facility for the Municipality of Paete, Laguna;

SAPAGKAT, isa sa mga kinakailangang hakbang sa pagsasagawa ng nasabing proyekto ay ang pagkakaroon ng dalawang (2) bagong “Account” sa Land Bank of the Philippines, isang Account para sa Equity at ang isang Account ay para sa Loan and Grant na ipagkakaloob sa ating Pamahalaang Bayan mula sa World Bank sa pamamagitan ng LLDA partikular na para sa nasabing proyekto;

SAPAGKAT, batay sa itinatadhana ng 1991 Kodigo ng Pamahalaang Lokal na ang Punong-Bayan ay kinakailangang bigyan ng karapatan at kapangyarihan ng Sangguniang Bayan sa pakikipagkasundo at paglagda sa anumang kasunduan na ang kakatawanin ay ang bayan ng Paete.

SAPAGKAT, marapat lamang na magpatibay at maglabas ng panibagong resolusyon para sa ligalidad at upang matugunan ang mga kinakailangan para sa pagsasagawa ng nabanggit na proyekto.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA : na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon ay binibigyang-karapatan at kapangyarihan sina Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan at Gng. Menchie P. Española, Pambayang Ingat-Yaman, na lumagda at katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna sa pagbubukas ng Dalawang (2) bagong Account sa Land Bank of the Philippines, Sta. Cruz, Laguna Branch at upang makapagpasok at makapaglabas ng pondo para sa iba pang layunin kaugnay ng proyekto ng LLDA at ng Pamahalaang bayan ng Paete, Laguna na Paete Integrated Waste Management Sub-Project.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 28 Mayo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng resolusyong nabanggit sa itaas nito.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


Binigyang pansin:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA BATASANG BAYAN, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA, 28 MAYO, 2012, ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal/LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal/SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 54 T.-2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGBIBIGAY KARAPATAN KAY KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN UPANG KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PARA LUMAGDA SA KASULATANG KASUNDUAN (MEMORANDUM OF AGREEMENT) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG BAYAN AT DEPARTMENT OF HEALTH, CENTER FOR HEALTH DEVELOPMENT (DOH- CHD) NA KAKATAWANIN NI DR. EDGARDO M. GONZAGA, DOH- CHD REGIONAL DIRECTOR IV- A.

SAPAGKAT, may inulunsad na programa ang Department of Health, Center for Health Development (DOH- CHD) batay sa Administrative Order No. 2010-0036, “ The Aquino Health Agenda: Achieving Universal Health Care for all Filipinos” o ang Kalusugan Pangkalahatan;

SAPAGKAT, ang bayan ng Paete, Laguna ay isa sa labingdalawang bayan sa Laguna na napili ng Department of Health, Center for Health Development (DOH-CHD) upang maisagawa ang programang “Unified Health Management Information System”;

SAPAGKAT, pagkakalooban ng Department of Health (DOH) ng isang “computer set” kasama ang “software” ang ating Rural Health Unit (RHU) para maisagawa ang isa sa mga layunin ng nasabing programa ang mabilis at maayos na pag- uulat, na may kaugnayan sa kalusugan ng ating mamamayan dito sa ating bayan;

SAPAGKAT, isang malaking tulong ang nabanggit na programa upang maging maayos ang paglilingkuran ng ating mga “health workers” at upang maging kaisa tayo sa pagsasagawa ng programang ito ang “Universal Health Care for All Filipinos”;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ang ating Punong Bayan para sa pagsasagawa at maipatupad ang layunin ng programang ito.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kgg. Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang- ayon ng lahat na dumalo ay:

IPINASIYA : na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon ay pinagtitibay ang Resolusyon ng Pagbibigay karapatan kay KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, Punong- Bayan upang katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna para lumagda sa Kasulatang Kasunduan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at Department of Heath, Center for Health Development (DOH-CHD) na kakatawanin ni Dr. Edgardo M. Gonzaga, DOH-CHD Regional Director IV-A.

INIATAS: na padalhan ng sipi ng resolusyong ito ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran at kaalaman.

PINAGTIBAY: 28 Mayo, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng resolusyong nabanggit sa itaas nito.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


Binigyang pansin:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 22 AGOSTO, 2012 ARAW NG MIYERKULES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 083 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MOA) SA PAGITAN NG PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION (POEA), OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION, DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT, COMMISSION ON FILIPINOS OVERSEAS AT NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA HINGGIL SA MGA USAPIN NA MAY KINALAMAN SA PAGTRATRABAHO SA IBANG BANSA PARTIKULAR NA ANG TUNGKOL SA “ILLEGAL RECRUITMENT”.

SAPAGKAT, noong ika-09 ng Agosto, 2012 ay mayroong natanggap na liham ang tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat sa Tanggapan ng Punong-Bayan na may lagda sa atas ng Punong-Bayan ni G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling na mabigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona na lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaang nasyonal na ukol sa pagtatrabaho sa ibang bansa;

SAPAGKAT, inilunsad ang programang ito upang maprotektahan ang ating mga kababayan na nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa sa mga “Illegal Recruitment” na kasalukuyang nagiging balakid upang matupad ang pagnanais na makapangibang bansa;

SAPAGKAT, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kasunduang ito ay magkakaroon ng kaugnayan ang ating Pamahalaang Bayan sa mga ahensiya na mayroong kabatiran sa mga usaping may kinalaman sa trabaho at maipapaabot sa atin ang mga mahahalagang impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga mamamayan;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ang ating Punong Bayan para sa pagsasagawa at maipatupad ang layunin ng programang ito.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration, Department of Labor and Employment, Commission on Filipinos Overseas at ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna hinggil sa “mga usapin na may kinalaman sa pagtratrabaho sa ibang bansa partikular na ang tungkol sa “Illegal Recruitment”.


PINAGTIBAY: 22 Agosto, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


EXCERPT FROM THE MINUTES OF THE REGULAR SESSION OF THE SANGGUNIANG BAYAN OF PAETE, LAGUNA HELD AT SESSION HALL, VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, ADECI BUILDING ON AUGUST 22, 2012, WEDNESDAY.

PRESENT:

Hon. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Municipal Vice-Mayor & Presiding Officer,

Hon. Anna Pamela R. dela Rosa,
Councilor,

Hon. Brigido R. Bagayana,
Councilor,

Hon. Aurelio P. Paraiso,
Councilor,

Hon. Lourdes F. Sunga,
Councilor,

Hon. Eriberto D. Pascual,
Councilor,

Hon. Urbano R. Cadapan,
Councilor,,

Hon. Emerito B. Gajitos,
Councilor,

Hon. Ronaldo Z. Valdellon,
Councilor,

Hon. Hermie B. Bagongahasa,
Councilor/LBP.

Hon. Lyeka May S. Sadsad,
Councilor/SKFP.

ABSENT: N O N E


RESOLUTION NO. 84 s. – 2012

RESOLUTION AUTHORIZING THE MUNICIPAL MAYOR, HON. EMMANUEL B. CADAYONA, TO ENTER INTO A MEMORANDUM OF AGREEMENT WITH REGION 4-A REGIONAL DIRECTOR EDGARDO M. GONZAGA, MD, MSC, CESO III OF CENTER FOR HEALTH DEVELOPMENT (CHD) REGARDING THE TUBERCULOSIS PROTECTION AND CONTROL PROGRAM OF DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) FOR FUND TRANSFER AND UTILIZATION FOR RENOVATION OF DIRECTLY OBSERVED TREATMENT SHORT COURSE (DOTS) CLINIC AND LABORATORY AT PAETE, LAGUNA.

WHEREAS, the 140 Rural Health Units/City TB Directly Observed Treatment Short Course (DOTS) Center will also be assisted through the Tuberculosis Prevention and Control Program funds to improve their operations and to sustain quality of their daily operations to achieve DOTS certification and eventually become PhilHealth accredited and to better client satisfaction; and

WHEREAS, the objectives of Tuberculosis Prevention and Control Program funds are:

a. To improve the delivery of basic TB-DOTS Services by the Health Centers in the DOTS areas and Conditional Cash Transfer (CCT) areas;
b. To augment operational/financial support to said areas for the improvement of their health service implementation.

WHEREAS, the Department of Health Center Office has issued the Department Order 2011-0199 dated June 27, 2011 to facilitate the transfer and utilization of funds from DOH central office to Center for Health Development (CHD) to Local Government Unit;

WHEREAS, the MOA covers the fund transfer and utilization of said funds for the renovation of DOTS clinic and laboratory, herein referred to as the “PROJECT” in the amount of “TWO HUNDRED THOUSAND PESOS” (Php200,000.00).

NOW THEREFORE, on motion of Hon. Urbano R. Cadapan, unanimously approved by all the Sangguniang Bayan Members, present there being a quorum:

RESOLVED: To approve, as this Hon. Sangguniang Bayan hereby approved, to authorize the Municipal Mayor, Hon. Emmanuel B. Cadayona, to enter into a Memorandum of Agreement with Region 4-A Regional Director Edgardo M. Gonzaga, MD, MSC, CESO III of Center for Health Development (CHD) regarding the tuberculosis protection and control program of Department of Health (DOH) for fund transfer and utilization for renovation of Directly Observed Treatment Short Course (DOTS) clinic and laboratory at Paete, Laguna.

ENACTED and APPROVED this 22nd day of August, 2012 here in Paete, Laguna.
x-x-x-x-x-x-x-


I hereby certify that the above Resolution is true and correct.


Original signed
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Secretary to the Sanggunian

ATTESTED BY:

Original signed
ROJILYN Q. BAGABALDO
Municipal Vice-Mayor/Presiding Officer



APPROVED BY:

Original signed
HON. EMMANUEL B. CADAYONA
Municipal Mayor


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 03 SETYEMBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.


HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 088 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT NI G. MARIO GARCIA HINGGIL SA “PAGLALAGAY NG TIMBANGAN NG BUHAY NA BABOY” SA TABI NG MUNICIPAL SLAUGHTERHOUSE.

SAPAGKAT, noong ika-30 ng Agosto, 2012 ay mayroong natanggap na liham ang tanggapan ng Sangguniang Bayan buhat kay G. Arcangel C. Tolentino, Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na humihiling na mabigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona na lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at ni G. Mario Garcia;

SAPAGKAT, si G. Mario Garcia ay nagnanais na maglagay ng timbangan ng buhay na baboy sa tabi ng Municipal Slaughterhouse na pinapamahalaaan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna para sa mga nagbebenta ng baboy na walang sariling timbangan;

SAPAGKAT, marapat lamang na mabigyan ng karapatan ang ating Punong Bayan para sa nasabing kasunduan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Resolusyong binibigyan ng karapatan si Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at ni G. Mario Garcia hinggil sa “paglalagay ng timbangan ng buhay na baboy” sa tabi ng Municipal Slaughterhouse.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.


PINAGTIBAY: 03 Setyembre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan
Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group