PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Balagtasan!!!Bayan Saan ka? Baguhan O Datihan

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Wed Oct 17, 2012 8:24 am    Post subject: Balagtasan!!!Bayan Saan ka? Baguhan O Datihan Reply with quote

Magandang gabi po mga minamahal kong katungali
Tayo po ay magi sip ng tula at muling humabi
Ating talakayin ang darating na pagpili
Mamumuno sa bayang mahal ng mga taga Payti

Mandin malayo pa dumadagundong na ang halalan
Sa pagpili ng minumutya ito ay pwedeng pagaralan
Maging matalino sa pagsulat ng mga piling pangalan
Karapatan ay huwag sayangin kayat balota ay iyong titkan

Kay dami ng lumalabas ibat iba ang binibigkas
Nang mga suporta ng magkabilang panig ng mga pantas
Mnsan ay masaya mga komentong sa pusoy ay umi-iwas
Nagiingat na magtala at baka maupo sa bangkitong nagniningas

Sa ating tulaan sa mga kaibigan at mga katoto
Atin muling linangin ating mga isipang nababato
Maghandog ng magandang iambag sa mga taong boboto
Bastat isaisip lang palagi maging marangal at maginoo

Isa pong kahilingan bato bato sa langit na tatamaan
Huwag po sanang masamain bawat kathang isip nino man
Bagkus ay namnamin bawat salitang may kahulugan
Limutin mga salitang masama at pulutin lahat ng kabutihan

Sa pagpili ng mga hihirangin ano ang iyong nakikita
Ikaw ba ay panig sa baguhan o kadidatong bihasa na
Huwag sanang mairita ditto sa naisip kong pampagana
Sa sandali ng pananamlay ito po sa dugo ay pampasigla!!!

Ako po ay patawarin ninyong mga admin
Di kopo ninanis kababayan ay pag away awayin
Kung kayo po ay taliwas dito sa bukas na paksain
Ihihinto nyo po agad ang pagbahagi at hindi sila kukulitin

Sugod mga Kapatid!!!!! Halina at Magbahagi!!!
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
rey bagalso/guestrider
Guest





PostPosted: Thu Oct 18, 2012 12:17 am    Post subject: Reply with quote

Yaman din lamang, iyung pinasimulan.
Katotong (tom Cruise)tama ang iyung binuksan.
Tawagan natin muli ang mga paham.
Dito'y ipagtanong ang kanilang kaalaman.

Nasaan ka Bulanggugo, nahan ka Ka Ruben?.
Paksang binuksan, mahirap ang talakayan.
Pagpili ng mamumuno ay hindi na biruan.
Kung pumasok ka dito, pahabain ang tuhugan.

Sa tatlong panalo ng ating punong bayan.
akoy sumoporta, kamag anak ay binulungan.
Sapagkat sya matatapos na ang katungkulan.
Katapatan ko sa kanya ay hangang doon lamang.

Sa aking pagmunimuni at narinig na balita.
Pulang kulay, ay nagbago, pangalwang lider ay ibinagsak.
Kahit anong pag iisip, at bigyan ng paliwanag.
Mali ang ginawa, bakit nga kaya?

Kaya kaibigang Winston, akoy sa bihasa na.
Ang OJT ay hindi dapat na mangunguna.
Pagpapalakad ng pamahalaan ay hindi biruan.
Kailangan ay marunong at mapapagkatiwalan.

Ang pulitiko, para din yan pamantasan.
Dapat dumaan ka sa mga unang hakbang.
Kung sapat na ang iyung natutuhan.
Sinong magsasabi, wala kang nalalaman.

Sa ating bansa, pulitika ay puno ng kulay.
Di katulad noon, tatlong partido ang naglalaban.
At ang mga panalo, kwalipikasyon ay tinitingnan.
Ngayon, berde na lamang ang kailangan.

Hangang dito muna mga katoto ang aking umpisa.
Hintay ko ang pasimula ng mga kasama.
Panig koy nalaman nyo, kahit maaga pa.
Sulong bayan natin, bihasa ang pag-asa.
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Oct 18, 2012 7:49 am    Post subject: Reply with quote

Wala pong tutukuyin na sinumang tao
Sa pagpili ng iboboto ng sino man sa inyo
Itoy pag aaral na kailangan ay may matuto
Upang bayan natin ay gumanda ang magiging anino

Hintayin po natin ang mga paham
Upang malaman kanilang sasangahan
Sa pagpili ng puno doon sa ating bayan
Kung siya ba ay panig sa baguhan o datihan

Hindi hahaba itong talakayang pa tula
Kung lahat ay isa lang ang gustong itama
Kung kayat kailangan may sumalungat nawa
Upang alamin ang laman sa bukas na bintana

Yaman din lamang wala pang naglalaban
Hinihintay parin pagtugon sa panawagan
Mga bihasa o baguhan dito sa tulaan
Ay pwedeng maglahad ng inyong nalalaman

Sa mga sandali na kailangan mo sila
Ang iyong ngiti'y abot hangang tenga
Sobrang nakakapagod sa litid ng inyong panga
Pangangaway at pangangamay kahit hindi kakilala

Gusto ko lang bangitin ang tungkuling maatas
Mga pinuno at mga tagaplanong mambabatas
Dahil ang komunikasyon na ngayon ay bukas
Saan mang panig ng mundo pakingan ang alingasngas

Sa mga mahahalal sana po ay isaisip palagi
Huwag po sanang talikdan tanong nang marami
Lalo kung may nabababasa sa inyong mga sipi
Kami po ay isa rin na pinaglilingkuran nyo sa Payti

Sa mga usapin pambayan man o mga proyekto
Marami po kaming nakikita at natutunan sa inyo
Subalit nais din sanang minsan pakingan nawa nyo
Mamamayan poy masaya sa komento nyo kahit negatibo

Eme ene Elias Kinali Kaikong DK Nokia at Kulapo
Dalawa pa lang kami ni Ka Rey sa pintuang ito
Sumakay na sa barko at magtandisan na dito
Dagadagan ng anghang bawat katagang sasambitin nyo
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Tukmol
Guest





PostPosted: Fri Oct 19, 2012 8:17 am    Post subject: Reply with quote

Sa bago ba? o datihan, 'yan ang ating babanatan.
Sa pagpili nitong lider, nitong ating munting bayan.
Hayaan n'yong ilahad ko yaring nasa sa isipan
Nang sa gayo'y mapagtanto ang matibay na dahilan.


Ililiko yaring tanong, pagka't hindi yata nararapat
Experience ang hinahanap sa ganitong pagsambulat
Palasak na'ng karanasan, sambayanang nagsasalat
Pagkat dunong, husay, galing, masa naman ay kulelat.


Ang punto ko'y sadya yatang taliwas sa tanong mo
Pagkat karanasa'y walang puwang sa larangang lingkod-tao
Datihan man at kurakot, magaling man kung kanino
Sadya pa ring walang silbi sa bayan kong naglililo.


Bago ka man kung dalisay, tapat at malinis ka
Salat ka man sa experience lapat namang makisama
Beteranong katunggali kung sa kotong ay kilala
Boto ko ay sa 'yo pa rin pagka't puso'y sa balana.


Ngunit higit na mainam kung dating kang nagsisilbi
Ang record mo ay malinis wala sa 'yong masasabi
Tapat ka't masunurin sa partido't sa punong iwi
Sigiuradong panalo ka, pagka't boto ay marami


Heto pa rin ang talamak sa kabilang panig naman
Baguhan na'y sadya pa ring kulelat sa labanan
Wala na nga'ng karanasa'y wala pa ring buting asal
Hindi sadyang paglilingkod, power grabbing ang dahilan.


Kaya 'toto sa panig ko'y hindi dati o baguhan
Kundi yaring pagkatao ang moog na sandigan
Bago baga?, luma kaya?, ito'y sadyang walang puwang
Sino sinong kandidato ang s'yang lubos sa lingkuran?
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Sat Oct 20, 2012 8:40 pm    Post subject: Reply with quote

Katotong Tukmol sa mga kahulugan ng tinuran mo
Pawang may negatibo lahat sa magkabilang dako
Ang panigan baguhan man o datihan ay kinalikaw mo
Ang bayan naging sandigan laman ng katha mong bago

Sabi sa awit ang laman ng aklat sa pabalat ito ay wala
Wala sa mukha ang ugaling tapat kaya dapat magisip ka
Winaglit ang magaling pagkat ito ay may uling na mantsa
Pinulot ang makinang pagkat kay gandang masdan twina

Sa baguhan o datihan ang resulta ay hindi natin kita agad
Subalit kay dami ng pangarap na ang ating naging hangad
Mga nakalipas na nanungkulan totoo nga bang may natupad?
Hangang ngayon may nagugutom trabahong nais ay kay ilap

Nararapat nga ba sa mayabong na ang dapat na maging pitas
Sa pagpili nitong bunga sa bayang hitik sa punong prutas
Baka naman kung bagong tanim ang kumparay mas makatas
Pagkain man ay nakakasuya kung iisa ang sa gutom panglunas

Sa ating sinilangan doon tayo ay maraming natutunan
Isa na ang paglilok sa kahoy na yaman ang nilalaman
At ito ay nangaling din sa mga magagaling at batikan
kay dami din naiwan ng mga baguhang nakipagsapalaran

Marahil nga ay tama ka totong Tukmol sa tinuran
Bahala na ang masa kung saan puso nila ang kilingan
At huwag sanang makita kinang ng salapi ang batayan
Bigyan pansin ang ating bayan sa ikabubuti ng kalagayan

Hangang dito na lang muna itong aking kinakatha
Pagkat sa ibang mga paham ito ay hindi nakakatuwa
Pulitika ay isang sangkap na pagkakawatak watak ng madla
Kung ito ay hindi maunawaan kung SPORT LANG ay nawala Very Happy Very Happy Very Happy
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group