PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-OKTUBRE, 2012 NG KGG. SB

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Oct 30, 2012 3:41 am    Post subject: MGA PINAGTIBAY NA RESOLUSYON-OKTUBRE, 2012 NG KGG. SB Reply with quote

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 01 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 104 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG ANIMNAPU’T WALONG LIBO, PITONG DAA’T WALUMPU’T WALONG PISO (PHP. 68,788.00) NA MAGMUMULA SA PASAHOD AT IBA PANG PAGLALAAN NG MEDICAL OFFICER V PARA SA MGA BUWAN NG AGOSTO AT SETYEMBRE, 2012 NG TANGGAPAN NG PAMBAYANG MANGGAGAMOT NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA IBA’T-IBANG GASTUSIN NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, may sulat kahilingan para sa pagliliwat at paglalaan ng pondo si Dr. Maria Fe A. Aguilar, Pambayang Manggagamot na natanggap ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-17 ng Setyembre, 2012 ;

SAPAGKAT, ang nasabing sulat kahilingan ay may lagda din nina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Pasahod ng Medical Officer V (Agosto, 2012-Setyembre, 2012):

Basic salary- P 26,394.00 x 2=52,788.00
RATA - 6,000.00 x 2=12,000.00
PERA - 2,000.00 x 2= 4,000.00
P68,788.00

SAPAGKAT, noong ika-20 ng Setyembre, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan inaanyayahan si Dra. Maria Fe A. Aguilar upang makapanayam ng lupon hinggil sa nasabing kahilingan;

SAPAGKAT, marapat lamang na mapaglaanan ang nasabing mga gastusin upang huwag mabalam ang pagbibigay ng serbisyo ng nasabing tanggapan sa ating mga kababayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang ANIMNAPU’T WALONG LIBO, PITONG DAA’T WALUMPU’T WALONG PISO (PHP. 68,788.00) na magmumula sa Pasahod at iba pang paglalaan ng Medical Officer V para sa mga buwan ng Agosto at Setyembre, 2012 ng Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ng Paete, Laguna patungo sa iba’t-ibang gastusin ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 27 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Manggagamot:

Medical and Laboratory Supplies - Php 10,140.00
Office Supplies and Materials - 945.00
Capital Outlay - 14,000.00
Other Expenses - 2,400.00
Telephone/Internet - 7,303.00
Travelling Expenses - 20,000.00
Seminar - 13,500.00
Membership due to Organization - 500.00
Php 68,788.00

PINAGTIBAY: 01 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 01 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 105 t. – 2012

RESOLUSYONG PINAGTITIBAY ANG PAGPAPATUPAD NA NAUUKOL SA PATAKARAN NG PAGGAMIT NG PLASTIC BAGS AT PLASTIC CELLOPHANE NA NAKASAAD SA SEKSYON 33 NG ORDINANSA NG KODIGO NG PAGIGING ISANG RESPONSABLENG MAGULANG AT MAMAMAYAN (KODIGO NG PAETE).

SAPAGKAT, noong ika-04 ng Pebrero, 2009 ay mayroong pinagtibay ang Kgg. Sangguniang Bayan na Res. Blg. 15 T. 2009 kung saan nakapaloob ang Ordinansa Blg. 265- Ordinansa na nagtatakda ng regulasyon sa paggamit ng mga “plastic bags/plastic cellophane” bilang lalagyan (bagging/carrier materials) sa nasasakupan ng bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, noong ika-10 ng Marso, 2010 ay mayroong pinagtibay ang Kgg. Sangguniang Bayan na Res. Blg. 20 T. 2010 kung saan nakapaloob ang Ordinansa Blg. 284- Ordinansang Susog sa alituntunin Blg. I, Pangkat I, Alituntunin Blg. II, Pangkat 2.a at 2.b at Karagdagang Pangkatin sa Alituntunin Blg. IV ng Res. Blg. 15 t. 2009, Ord. Blg. 265 Ord. na nagtatakda ng regulasyon sa paggamit ng “plastic bags/plastic cellophane bilang lalagyan (bagging materials) sa nasasakupan ng bayan ng Paete, Laguna;

SAPAGKAT, noong ika-07 ng Marso, 2012 ay mayroong natanggap na liham ang Kgg. Sangguniang Bayan mula sa Tanggapan ng Punong-Bayan kung saan inililiwat ang Kodigo ng Paete na pinagtibay noong ika-15 ng Pebrero, 2012 ng Lupon ng Pagiging Responsableng Magulang at Mamamayan para sa agarang pagpapatibay ng Kgg. Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, ang nasabing Kodigo ng Paete ay masusing pinag-aralan ng bumubuo ng Lupon ng Ordinansa at Usaping Legal sa pamamagitan ng mga isinagawang pagpupulong ng labing-isang (11) beses ng Committee of the Whole at limang (5) beses na Public Hearing kung saan inanyayahang dumalo ang iba’t-ibang kinatawan ng mga sektor ng lipunan dito sa ating bayan;

SAPAGKAT, matapos ang mga isinagawang pagpupulong ay pinagtibay ng Kgg. Sangguniang Bayan noong ika-16 ng Hulyo, 2012 ang Res. Blg. 068 kung saan nakapaloob ang Ordinansa Blg. 310- Ordinansa ng “Kodigo ng Isang Mabuti at Matuwid na Pamamahala, Maganda, Mapayapa, Malinis at Maunlad na Pamayanan; Marangal, Responsible at Maka-Diyos na Mamamayan; May Disiplina at Mabuting Kabataan; at Maayos na Ugnayan ng Pamahalaan at lahat ng sektor ng Lipunan; at iba pang may kaugnayan dito;

SAPAGKAT, nakasaad sa nabanggit na Ordinansa, Seksiyon 33, Pangkat 169. Ang pagpapatupad ng pagbabawal sa paggamit ng plastic, plastic cups, plastic spoons, plastic forks at Styrofoam ay magkakabisa pagkatapos ng anim (6) na buwan matapos mapagtibay ang Kodigong ito;

SAPAGKAT, mayroon ng umiiral na Ordinansa na nagtatakda ng regulasyon sa paggamit ng “plastic bags/plastic cellophane bilang lalagyan (bagging materials) sa nasasakupan ng bayan ng Paete, Laguna kung saan ang mga mamamayan sa bayan ng Paete, Laguna ay sumusunod na sa nasabing Ordinansa at ang pagpapatupad ng nasasaad sa Seksiyon 33, Pangkat 169 ay tataliwas sa umiiral na Ordinansa Blg. 2009-265 at Ordinansa Blg. 2010-284;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Brigido R. Bagayana, pinangalawahan nina Konsehal Emerito B. Gajitos, Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang pagpapatupad na nauukol sa patakaran ng paggamit ng plastic bags at plastic cellophane na nakasaad sa Seksyon 33 ng Ordinansa ng Kodigo ng pagiging isang responsableng magulang at mamamayan (Kodigo ng Paete).

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 01 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 08 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP, Opisyal na Lakad.

RESOLUSYON BLG. 106 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGKILALA AT PASASALAMAT SA PAMUNUAN AT MGA KASAPI NG INDEPENDENT CORRESPONDENTS AGAINST GRAFT AND CORRUPTION, INC. (ICAGC, INC.-PAETE CHAPTER) SA KANILANG PANGUNGUNA SA ISINAGAWANG ALAY LAKAD 2012 SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, ang INDEPENDENT CORRESPONDENTS AGAINST GRAFT AND CORRUPTION, INC. (ICAGC, Inc.-PAETE CHAPTER) ang nanguna sa isinagawang Alay Lakad 2012 noong ika-29 ng Setyembre, 2012 dito sa ating bayan;

SAPAGKAT, ang INDEPENDENT CORRESPONDENTS AGAINST GRAFT AND CORRUPTION, INC. (ICAGC, Inc.-PAETE CHAPTER) ay naglaan ng oras at pagod upang maging matagumpay ang nasabing programa;

SAPAGKAT, ang nalikom na halaga ng nasabing samahan sa isinagawang Alay Lakad 2012 ay ilalaan para sa mga hasik-pandayan ng mga kabataang hindi na nag-aaral (out-of-school-youth) sa ilalim ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD), Paete, Laguna;

SAPAGKAT, kinikilala at pinasasalamatan ng Kgg. Sangguniang Bayan at ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ang Pamunuan at mga Kasapi ng INDEPENDENT CORRESPONDENTS AGAINST GRAFT AND CORRUPTION, INC. (ICAGC, INC.-PAETE CHAPTER) sa kanilang pangunguna sa isinagawang Alay Lakad;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat ng dumalo, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagkilala at Pasasalamat sa pamunuan at mga kasapi ng INDEPENDENT CORRESPONDENTS AGAINST GRAFT AND CORRUPTION, INC. (ICAGC, INC.-PAETE CHAPTER) sa kanilang pangunguna sa isinagawang Alay Lakad 2012 sa bayan ng Paete, Laguna.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY: 08 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian

PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo

BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 15 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 107 t. – 2012

RESOLUSYONG KAHILINGAN KAY KGG. RAMON J. P. PAJE, KALIHIM, KAGAWARAN NG KAPALIGIRAN AT LIKAS NA YAMAN, NA MABIGYAN NG KALUWAGAN (CONSIDERATION) ANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PARA SA PAGGAMIT NG MGA MATERYALES NA KAHOY NA HINDI SAKOP NG “LOG BAN” AT MGA WOODWORKING MACHINES SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, noong ika-18 ng Setyembre, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga mamamayan ng Paete na may mga pagawaan at mga bandsaw machine kung saan naging panauhin sa nasabing pagpupulong sina CENRO OIC-Emiliano Leviste, Forester Supervisor Jovito Andaza at Forester Valdez na nauukol sa Memorandum ng DENR na pagsasarado (closure/padlocking) ng mga establisimiento na mayroong mga bandsaw machine;

SAPAGKAT, may sulat kahilingan na natanggap ang Kgg. Sangguniang Bayan noong ika-25 ng Setyembre, 2012 buhat kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na humihiling na gumawa ng isang Resolusyong kahilingan ang Kgg. Sangguniang Bayan sa Kalihim ng DENR upang mabigyan ng kaluwagan (consideration) ang bayan ng Paete, Laguna sa paggamit ng mga kahoy na hindi na sakop ng “log ban”;

SAPAGKAT, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 809 na may petsa Marso 15, 2005, ang bayan ng Paete, Laguna ay kinilalang “Carving Capital of the Philippines” at marami pa rin tayong mga kababayan na mayroong mga pagawaan na gumagamit ng mga materyales na kahoy na hindi sakop ng log ban at mga woodworking machines sa kanilang mga negosyo;

SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng kaluwagan (consideration) ng nasabing ahensiya sa ating bayan ay lubhang makakatulong sa ating mga mamamayan na ang hanap-buhay ay nakasalalay sa mga produktong ginagamitan ng mga kahoy at mga makinaryang kailangan para rito;

SAPAGKAT, ang Kgg. Sangguniang Bayan at ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ay batid ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Kahilingan kay Kgg. Ramon J. P. Paje, Kalihim, Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman upang huwag maapektuhan ang mga pagawaan sa ating bayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Kahilingan kay KGG. RAMON J. P. PAJE, Kalihim, Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman, na mabigyan ng kaluwagan (consideration) ang bayan ng Paete, Laguna para sa paggamit ng mga materyales na kahoy na hindi sakop ng “log ban” at mga woodworking machines sa nasasakupan ng bayan ng Paete, Laguna.

PINAGTIBAY: 15 Oktubre, 2012


PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 15 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 108 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG PITONG LIBO, ISANG DAA’T WALUMPU’T LIMANG PISO AT LIMAMPU’T PITONG SENTIMO (PHP 7,185.57) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PAGLALAAN NG TANGGAPAN NG KAGALINGANG PANLIPUNAN AT PAGPAPAUNLAD (MSWD) NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA TRAVELLING EXPENSES NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, may sulat kahilingan para sa pagliliwat at paglalaan ng pondo si G. Arcangel C. Tolentino, MSWDO-OIC na natanggap ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-27 ng Setyembre, 2012 ;

SAPAGKAT, ang nasabing sulat kahilingan ay may lagda din nina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Overtime Pay - Php 1,435.57
Membership due to Organization - 2,500.00
Maintenance-Office Equipment - 1,600.00
Maintenance-IT Equipment - 1,650.00
TOTAL - Php 7,185.57

SAPAGKAT, noong ika-11 ng Oktubre, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan inaanyayahan si G. Arcangel C. Tolentino upang makapanayam ng lupon hinggil sa nasabing kahilingan;

SAPAGKAT, marapat lamang na mapaglaanan ang nasabing gastusin upang huwag mabalam ang pagbibigay ng serbisyo ng nasabing tanggapan sa ating mga kababayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang PITONG LIBO, ISANG DAA’T WALUMPU’T LIMANG PISO AT LIMAMPU’T PITONG SENTIMO (PHP 7,185.57) na magmumula sa Iba’t-ibang Paglalaan ng Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) ng Paete, Laguna patungo sa Travelling Expenses ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 28 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad:
Travelling Expenses - Php 7,185.57
Kabuuang Halaga - Php 7,185.57



PINAGTIBAY: 15 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 15 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 109 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG APATNAPU’T TATLONG LIBO, PITONG DAA’T SAMPUNG PISO AT WALONG SENTIMO (PHP 43,710.0Cool NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PAGLALAAN PARA SA NABAKANTENG POSISYON NA TRAFFIC AIDE SA TANGGAPAN NG PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA OVERTIME PAY NG IBA’T-IBANG TANGGAPAN NG PAMAHALANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, may sulat kahilingan para sa pagliliwat at paglalaan ng pondo si Gng. Beatriz C. Cainto, Pinunong Pantauhan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na natanggap ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-26 ng Setyembre, 2012;

SAPAGKAT, ang nasabing sulat kahilingan ay may lagda din nina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Punong-Bayan:
Traffic Aide –Vacant
Productivity Pay - Php 2,000.00
PERA - 8,000.00
Salaries - 24,672.00
Life and Retirement Insurance Premium - 2,960.64
½ Cash Gift - 2,500.00
½ 13th month pay - 3,084.00
Pag-ibig Contribution - 493.44
TOTAL - Php 43,710.08


SAPAGKAT, noong ika-11 ng Oktubre, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan inaanyayahan si Gng. Beatriz C. Cainto upang makapanayam ng lupon hinggil sa nasabing kahilingan;

SAPAGKAT, marapat lamang na mapaglaanan ang nasabing gastusin upang huwag mabalam ang pagbibigay ng serbisyo ng mga nasabing tanggapan sa ating mga kababayan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang APATNAPU’T TATLONG LIBO, PITONG DAA’T SAMPUNG PISO AT WALONG SENTIMO (Php 43,710.08 ) na magmumula sa Iba’t-ibang Paglalaan para sa nabakanteng posisyon na Traffic Aide sa Tanggapan ng Punong-Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Overtime Pay ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalang Bayan ng Paete, Laguna.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 29 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Operations of the Public Market- Overtime Pay Php 5,000.00
Operations of the Slaughterhouse- Overtime Pay 10,000.00
General Services- Overtime Pay 23,710.08
Mayor’s Office- Overtime Pay 5,000.00
Php 43,710.08

PINAGTIBAY: 15 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 15 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 110 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG WALUMPUNG LIBONG PISO (PHP 80,000.00) NA MAGMUMULA SA GASOLINE EXPENSES SA TANGGAPAN NG PANGKALAHATANG PAGLILINGKOD NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA IBA’T-IBANG GASTUSIN NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, may sulat kahilingan para sa pagliliwat at paglalaan ng pondo si G. Efren C. Capco,GSO-ICO ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na natanggap ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-05 ng Oktubre, 2012 ;

SAPAGKAT, ang nasabing sulat kahilingan ay may lagda din nina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod:

Gasoline Expenses - Php 80,000.00
Kabuuang Halaga - Php 80,000.00

SAPAGKAT, noong ika-11 ng Oktubre, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan inaanyayahan si G. Efren C. Capco, GSO-ICO upang makapanayam ng lupon hinggil sa nasabing kahilingan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang WALUMPUNG LIBONG PISO (PHP 80,000.00) na magmumula sa Gasoline Expenses sa Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod ng Paete, Laguna patungo sa iba’t-ibang gastusin ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 30 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pangkalahatang Paglilingkod:
Maintenance-Motor Vehicle - Php 45,000.00
Travelling Expenses - 35,000.00
Kabuuang Halaga - Php 80,000.00


PINAGTIBAY: 15 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 15 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:
Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.


RESOLUSYON BLG. 111 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG TATLONG LIBO TATLONG DAANG PISO AT TATLONG SENTIMO (PHP 3,300.03) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PAGLALAAN NG TANGGAPAN NG PAMBAYANG AGRIKULTOR NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA TRAVELLING EXPENSES NG NASABING TANGGAPAN.


SAPAGKAT, may sulat kahilingan para sa pagliliwat at paglalaan ng pondo si G. Antonio C. dela Rosa, Pambayang Agrikultor ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna na natanggap ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong ika-05 ng Oktubre, 2012 ;

SAPAGKAT, ang nasabing sulat kahilingan ay may lagda din nina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Pambayang Agrikultor:

Overtime Pay - Php 700.03
Other Expenses - 2,600.00
Kabuuang Halaga -Php 3,300.03

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang TATLONG LIBO TATLONG DAANG PISO AT TATLONG SENTIMO (PHP 3,300.03) na magmumula sa Iba’t-ibang Paglalaan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Paete, Laguna patungo sa Travelling Expenses ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 31 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Agrikultor:
Travelling Expenses - Php 3,300.03
Kabuuang Halaga - Php 3,300.03


PINAGTIBAY: 15 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 15 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP.

HINDI DUMALO:

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal, On Leave,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP, On Leave.

RESOLUSYON BLG. 112 t. – 2012

RESOLUSYONG BINIBIGYAN NG KARAPATAN SI KGG. EMMANUEL B. CADAYONA, PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA KATAWANIN ANG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT LUMAGDA SA KASULATAN NG KASUNDUAN (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA AT NI KGG. CORAZON JULIANO-SOLIMAN, KALIHIM, DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) HINGGIL SA “PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4P’S)”.

SAPAGKAT, noong ika-02 ng Oktubre, 2012 ay mayroong natanggap na liham ang Kgg. Sangguniang Bayan buhat kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona na kung saan inililiwat ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD);

SAPAGKAT, ang nasabing programa ay naglalayong isulong ang mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) partikular na ang “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s)” upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap nating mga kababayan;

SAPAGKAT, ang pagbibigay karapatan kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan upang lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay isa sa mga kailangang dokumento upang maisagawa ang programang ito;

SAPAGKAT, noong ika-11 ng Oktubre, 2012 ay nagkaroon ng pagpupulong ang bumubuo ng Lupon sa Mabuting Pamamahala kung saan inanyayahan sa nasabing pagpupulong si G. Arcangel C. Tolentino, MSWDO, ICO upang maipaliwanag ang nilalaman ng nasabing Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD);

SAPAGKAT, marapat lamang na maipatupad ang programang ito sa ating bayan lalo’t higit upang maipagkaloob sa ating mga kababayan na makikinabang sa nasabing programa.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagbibigay ng karapatan kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan ng Paete, Laguna na katawanin ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at lumagda sa Kasulatan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna at ni Kgg. Corazon Juliano-Soliman, Kalihim, Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s)”.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.


PINAGTIBAY: 15 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 22 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.


MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 113 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG LIMAMPU’T SIYAM NA LIBONG PISO (PHP 59,000.00) NA MAGMUMULA SA IBA’T-IBANG PAGLALAAN NG TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA IBA’T-IBANG GASTUSIN NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, kinakailangang mapaglaaanan ang mga pangunahing pangangailangan ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan;

SAPAGKAT, ang ginagamit na amplifier ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan ay mayroon ng katagalan at hindi na napapakinabangan tuwing may isinasagawang mga pagpupulong;

SAPAGKAT, kinailangang mapaglaanan ang Membership due to Organization nina Kgg. Hermie B. Bagongahasa, Konsehal-LBP at Kgg. Lyeka May S. Sadsad, Konsehal-SKFP bilang mga kaanib ng Philippine Councilors League (PCL);

SAPAGKAT, mayroong natipid na pondo na maaaring iliwat gaya ng mga sumusunod:

Tanggapan ng Sangguniang Bayan:

Overtime - Php 5,000.00
Telephone-Landline - 10,000.00
Gasoline Expenses - 30,000.00
Internet - 9,000.00
Maintenance-Office Equipment 5,000.00
Kabuuang Halaga - Php 59,000.00

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang LIMAMPU’T SIYAM NA LIBONG PISO (PHP 59,000.00) na magmumula sa Iba’t-ibang Paglalaan ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna patungo sa Iba’t-ibang gastusin ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 32 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Sangguniang Bayan:

Capital Outlay (Amplifier) - Php 30,000.00
Other Expenses - 27,300.00
Membership due to Organization - 1,700.00
Kabuuang Halaga - Php 59,000.00
=======

PINAGTIBAY: 22 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 22 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 114 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG TATLONG LIBO, TATLONG DAAN AT LABING WALONG PISO (PHP. 3,318.00) NA MAGMUMULA SA “TRUST FUND” NG TANGGAPAN NG TAGATALANG SIBIL NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA PONDONG PANGKALAHATAN- KARAGDAGANG PASAHOD AT IBA PANG KARAGDAGANG BENEPISYO NG BOOKBINDER II NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, may sulat na natanggap ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan noong Oktubre 15, 2012 mula kay Gng. Nenita B. Gajitos, Pambayang Tagatalang Sibil na humihiling ng pagliliwat ng pondo para sa kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong lagda nina Gng. Marita B. Bagabaldo, Pambayang Tagatuos at sinang- ayunan ni Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, ang Tanggapan ng Tagatalang Sibil ay may “Trust Fund” na maaaring mapagkunan ng pondo para mailaan ang halagang Php. 3,318.00 para sa karagdagang pasahod at iba pang karagdagang benepisyo ng Bookbinder II ng nasabing tanggapan.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Urbano R. Cadapan at Konsehal Eriberto D. Pascual, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang TATLONG LIBO, TATLONG DAAN AT LABING WALONG PISO (PHP. 3,318.00) na magmumula sa “Trust Fund” ng Tanggapan ng Tagatalang Sibil ng Paete, Laguna patungo sa Pondong Pangkalahatan-Karagdagang Pasahod at iba pang karagdagang Benepisyo ng Bookbinder II ng nasabing tanggapan.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 33 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA “TRUST FUND” NG TANGGAPAN NG TAGATALANG SIBIL PATUNGO SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan mula sa trust fund ng Tanggapan ng Tagatalang Sibil patungo sa Pondong Pangkalahatan ay pinagtitibay gaya ng sumusunod:

P A G L A L A A N
Tanggapan ng Tagatalang Sibil:
Personal Services
Karagdagang Pasahod - Bookbinder II Php. 2,678.00
Karagdagang Life and Retirement Insurance, Pag-ibig Contribution
at iba pa 640.00
Kabuuang Halaga Php. 3,318.00

PINAGTIBAY: 22 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 22 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 115 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG DALAWANG LIBO AT PITONG DAANG PISO (PHP 2,700.00) NA MAGMUMULA SA TRAVELLING EXPENSES SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG TAGATAYA NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA MEMBERSHIP DUE TO ORGANIZATION NG NASABING TANGGAPAN.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na sulat ang Kgg. Sangguniang Bayan noong ika-17 ng Oktubre, 2012 buhat kay Inh. Rosauro I. Ganal, Pambayang Tagataya na humihiling na makapagliwat ng pondo para sa kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong lagda nina Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Pambayang Tagataya:

Travelling Expenses - Php 2,700.00
Kabuuang Halaga - Php 2,700.00
=========

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal-LBP Hermie B. Bagongahasa, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang DALAWANG LIBO AT PITONG DAANG PISO (PHP 2,700.00) na magmumula sa Travelling Expenses sa Tanggapan ng Pambayang Tagataya ng Paete, Laguna patungo sa Membership due to Organization ng nasabing tanggapan.

ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 34 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Pambayang Tagataya:
Membership due to Organization - Php 2,700.00
Kabuuang Halaga - Php 2,700.00
=========

PINAGTIBAY: 22 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 29 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 116 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA KAPASIYAHAN BLG. 01 T. 2012 NG PAMBAYANG LUPON SA KAUNLARAN-KAPASIYAHANG PAGLILIWAT NG HALAGANG PHP 253,080.19 PARA SA REPAIR AND MAINTENANCE OF HEALTH FACILITIES NA MAGMUMULA SA DEBT SERVICING AT EQUITY TO DEPARTMENT OF HEALTH NG 20% DEVELOPMENT FUND.

SAPAGKAT, noong ika-04 ng Oktubre, 2012 ay mayroong natanggap na sipi ng Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran na pinagtibay noong ika-01 ng Oktubre, 2012-Kapasiyahang Pagliliwat ng halagang Php 253,080.19 para sa Repair and Maintenance of Health Facilities na magmumula sa Debt Servicing at Equity to Department of Health ng 20% Development Fund;

SAPAGKAT, nakalahad sa isinumiteng Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran ang pagkukunanan ng pagliliwat at paglalaaanan gaya ng mga sumusunod:

Pagkukunan:
Social Services “Debt Servicing” Php 248,080.19
Equity to Department of Health 5,000.00 Php 253,080.19
========

Paglalaanan:
Repair and Maintenance of Health
Facilities and Economic Enterprises 153,080.19
Rehabilitation of Buildings and other
Structures 100,000.00 Php 253,080.19


SAPAGKAT, noong ika-11 ng Oktubre, 2012 ay nagsagawa ng Committee Hearing ang Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan nakapanayam sa nasabing pagpupulong si G. Arcangel C. Tolentino, Municipal Planning and Dev’t. Coordinator ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna kung saan tinalakay ang isinumiteng Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ang nasabing Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran-Kapasiyahang Pagliliwat ng halagang Php 253,080.19 para sa Repair and Maintenance of Health Facilities na magmumula sa Debt Servicing at Equity to Department of Health ng 20% Development Fund.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.


PINAGTIBAY: 29 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan


HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 29 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA

RESOLUSYON BLG. 117 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG PAGLILIWAT AT ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG ISANG DAANG LIBONG PISO (PHP 100,000.00) NA MAGMUMULA SA BAKANTENG POSISYON NA MIDWIFE III SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG MANGGAGAMOT NG PAETE, LAGUNA PATUNGO SA IBA’T-IBANG GASTUSIN NG TANGGAPAN NG PUNONG-BAYAN NG PAETE, LAGUNA.

SAPAGKAT, mayroong natanggap na sulat ang Kgg. Sangguniang Bayan noong ika-17 ng Oktubre, 2012 buhat kay Kgg. Emmanuel B. Cadayona, Punong-Bayan na humihiling na makapagliwat ng pondo para sa kanilang tanggapan;

SAPAGKAT, ang nasabing kahilingan ay mayroong lagda ni Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan;

SAPAGKAT, mayroong pondo na maaaring iliwat mula sa:

Tanggapan ng Pambayang Manggagamot:

Vacant Position-Midwife III - Php 100,000.00
Kabuuang Halaga - Php 100,000.00


SAPAGKAT, noong ika-25 ng Oktubre, 2012 ay nagsagawa ng Committee Hearing ang bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan dumalo sina G. Ronald B. Cosico, Pambayang Administrador, Gng. Maria Louisa B. Sena, Pambayang Tagalaan at Gng. Beatriz C. Cainto upang talakayin ang nasabing kahilingan sa pagliliwat.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay pinagtitibay ang Pagliliwat at Ordinansang Paglalaan ng halagang ISANG DAANG LIBONG PISO (Php 100,000.00) na magmumula sa Bakanteng Posisyon na Midwife III sa Tanggapan ng Pambayang Manggagamot ng Paete, Laguna patungo sa Iba’t-ibang gastusin ng Tanggapan ng Punong-Bayan ng Paete, Laguna.


ORDINANSANG PAGLALAAN BLG. 35 T. 2012

ORDINANSANG PAGLALAAN NG HALAGANG MAGBUBUHAT SA PONDONG PANGKALAHATAN.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna na:

PANGKAT 1. Ang ordinansang paglalaan ay pinagtibay na gaya ng mga sumusunod:

P A G L A L A A N

Tanggapan ng Punong-Bayan:
Vehicle Rental - Php 60,000.00
Representation Expenses - 40,000.00
Kabuuang Halaga - Php 100,000.00


PINAGTIBAY: 29 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINAGTIBAY:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


PINAGTITIBAY:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group