PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

KAP. BLG. 1 T. 2012 NG PAMBAYANG LUPON SA KAUNLARAN

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Tue Oct 09, 2012 9:01 pm    Post subject: KAP. BLG. 1 T. 2012 NG PAMBAYANG LUPON SA KAUNLARAN Reply with quote

Sa mga kinauukulan:

Magalang ko pong ipinababatid sa inyong kaalaman na ang Tanggapan po ng Kgg. Sangguniang Bayan ay mayroong natanggap na Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran-Kapasiyahang Pagliliwat ng halagang Php 283,080.19 para sa Repair ang Maintenance of Health Facilities na magmumula sa Debt Servicing at Equity to Department of Health ng 20% Development Fund na pinagtibay noong ika-01 ng Oktubre, 2012 para sa pagkatig ng Kgg. Sangguniang Bayan.

Ang nasabing Kapasiyahan Blg. 01 t. 2012 ay natanggap ng Kgg. Sangguniang Bayan noong ika-04 ng Oktubre, 2012 at binasa sa Karaniwang Pagpupulong noong ika-08 ng Oktubre, 2012. Ito ay itinukoy ni Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo, Pangalawang Punong-Bayan kay Kgg. Emerito B. Gajitos, Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan.

Narito po ang sipi ng nasabing Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon ng Kaunlaran:




Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Laguna
Bayan ng Paete

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN
Oktubre 9, 2012

PARA SA: Bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan, G. Arcangel C. Tolentino-MPDC, G. Peping Capco-Pinuno GSO at Pinuno o Kinatawan ng MSWD

PAKSA: 1. Pagliliwat 20% LDC
2. Pagliliwat at Paglalaan ng halagang Php80,000.00 ng Tanggapan ng GSO
3. Pagliliwat at Paglalaan ng halagang Php7,185.57 ng Tanggapan ng MSWD

Mahal na Kasangguni, Ginoo at Ginang,

Magandang araw po !!!

Magalang ko po kayong inaanyayahang dumalo sa Committee Hearing na gaganapin sa Huwebes, ika-11 ng Oktubre, 2012, sa ganap na ika-10:00 ng umaga sa Victor Pagalanan Memorial Hall, Batasang Bayan, Gusaling ADECI, Paete, Laguna.

Ang inyong pagdalo ay lubos na inaasahan at pinasasalamatan.

Gumagalang,

May lagda ang orihinal
EMERITO B. GAJITOS
Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan


Binigyang Pansin:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan


Binigyan ng sipi:

Bumubuo ng Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan:

Tagapangulo:
Kgg. Emerito B. Gajitos

Pangalawang Tagapangulo:
Kgg. Ronaldo Z. Valdellon

Mga Kasapi:
Kgg. Aurelio P. Paraiso
Kgg. Brigido R. Bagayana
Kgg. Lourdes F. Sunga

G. Arcangel C. Tolentino-MPDC
G. Peping Capco-Pinuno GSO
Pinuno o Kinatawan ng MSWD

Binigyan ng sipi:
Tanggapan ng Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Ana Victoria A. Agravia



Joined: 24 May 2008
Posts: 190
Location: Paete, Laguna

PostPosted: Wed Oct 31, 2012 1:54 am    Post subject: ULAT NG LUPON NG PANANALAPI, BADYET AT PAGLALAAN Reply with quote

ULAT NG LUPON
Ni: Konsehal EMERITO B. GAJITOS
Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan

PARA SA: Pangalawang Punong-Bayan

Noong Oktubre 11, 2012, Huwebes, ika-10:40 ng umaga ay nagkaroon ng pagdinig ang lupon. Dumalo sina Konsehal Brigido R. Bagayana, Konsehal Lourdes F. Sunga at Konsehal Ronaldo Z. Valdellon.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang nauukol sa:

1. Pagliliwat ng halagang Php 253,080.19 para sa repair and maintenance of health facilities na magmumula sa debt servicing at equity to department of health ng 20% development fund.

PAGKUKUNAN
Social Services “ Debt Servicing” na halagang Php. 248,080.19
at Equity TO Department of Health na halagang 5,000.00 Php 253,080.19

PAGLALAANAN
Repair & Maintenance of Health Facilities and Php. 153,080.19
Economic Services
Rehabilitation of Building & Other structures 100,000.00 Php 253,080.19

Konsehal Emerito B. Gajitos - bukas na po ang hapag para sa inyong mga katanungan, kasama po ako sa pagpupulong ukol dito sa 20%.

Pangalawang Punong Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – paglilinaw lamang po, yung pinagtibay po na 20% noong January 2012 na kinatigan ng Sangguniang Bayan ay nakalagay po dito yung annual investment plan na kung saan po ay nakarelata yung quarterly na paggagamitan. Gusto ko lamang pong malaman at samantalahin na yun po bang sa Economic Services na Repair and Maintenance of Health Facilities, Repair and maintenance of other public infrastructure, Rehabilitation of building and other structure ito po bang mga pondong ito kase quarterly ang pondo, ito po ba ay particular para sa Job Order lamang o may iba pang para sa istraktura .

G. Arcangel C. Tolentino – actually para dun nga lamang po sa Job Order at yung iba po dun ay yung pambili ng mga tubo para po sa ating patubig.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – para po malinaw ilan po ang ating Job Order?

G. Arcangel C. Tolentino – ang JO po ay 63 po.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo - so hindi po lahat sa JO ito.

G. Arcangel C. Tolentino – opo hindi po lahat sa JO, yun pong Php 153,08.19 po ay para sa proyekto nating patubig sa Sitio MABATA.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – kase po napansin ko lang dito ay Repair and Maintenance , wala po kaseng nakalagay dito na sa Patubig saan po kaya ito binawas?

G. Arcangel C. Tolentino – yun pong sa patubig natin na ginamit sa Sitio MABATA ay dun po binawas sa Rehabilitation of Buildings and Other Structure na Php 962,562.81.

Pangalawang Punong-Bayan Rojylyn Q. Bagabaldo – so kung dun po binawas sa Php 962,562.81, kung 63 po ang ating Job Order at tayo ay magliliwat na naman ng Php. 153,080.19 ay particular lang po sa Job Order yun?

G. Arcangel C. Tolentino – hindi po sa Job Order lahat yan, Php. 100.000.00 lamang po ang sa Job Order at yun pong Php. 153,080.19 ay dun po sa proyekto sa Sitio MABATA na patubig.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – so yun pong Php. 100.000.00 ay para sa Job Order.

G. Arcangel C. Tolentino – opo, yan ay karagdagan po para sa pondong nakalaan sa Job Order. Ang tinatanggap na po ngayon ng Job Order ay Php210.00 na po.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – so wala na po tayong Job Order na tatanggapin ngayon?

G. Arcangel C. Tolentino – wala po, napag-usapan na po namin na pag may kukuning Job Order ay padadaanin na po sa akin, para po malaman kung may pondo o wala na.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – so kung hindi po tayo kukuha ng Job Order ngayon hindi na po ba ito kukulangin.

G. Arcangel C. Tolentino – tulad nga po ng nabanggit ko ang badget po noon ay hindi tulad ng tinatanggap ngayon ng mga JO na Php210.00.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – so ito ay pampuno lamang dun sa kakulangan at kung hindi po tayo kukuha ng Job Order ngayon.

G. Arcangel C. Tolentino – hindi na po.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – so dito po sa Php 5,000.00 Equity TO Department of Health.

G. Arcangel C. Tolentino – yan po ay may pondo po tayong 1 Milyon sa Quinale at yan pong Php 5,000.00 ay natira

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – okey po, ito pong sa Environment Services na Reforestration and Urban Greening san po yung Php 40,000.00?

G. Arcangel C. Tolentino – yan po ay ginagamit ng MMLP.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – ito pong sa Php. 150,000.00 bakit hindi po natin i-particular kung saan natin gagamitin para po kase malinaw baka po kase magamit sa Job Order.

G. Arcangel C. Tolentino – hindi na po actually magagamit para sa Job Order yan dahil may mga nabili na pong mga tubo para po sa Sitio MABATA

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – so pwede na pong ilagay yung particular kung saan gagamitin.

G. Arcangel C. Tolentino – opo

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – salamat po.

Konsehal Emerito B. Gajitos - medyo nalilito po ating mga kasamahan, ito po ay nakapaloob sa ating 20% development fund. Mayroon pa po ba kayong mga katanungan?

Konsehal Lourdes F. Sunga – Susog po sa tinuran ng ating Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo dito po sa ating 20% Development Fund na Social Services na Debt Servicing na halagang Php 248,080.19, kung Debt Servicing ibig sabihin po ito ay interest. Hindi ko lamang po maalala kung ano-ano ito at pwede po bang malaman kung ilang percent ito ng what principal.

G. Arcangel C. Tolentino – yan pong halagang Php 248,080.19 ay mayroon po tayo sa LISCOP waste water treatment at ang pagkakaalam ko po ay maagang maaaprubahan ng LLDA at ng World Bank, kaya po pinondohan na po agad ang pambayad sa LLDA. Pero yan po ay kailan lamang naaprubahan at possible lamang po ang implementation pag wala na po ang tubig sa may Wawa.

Konsehal Emerito B. Gajitos – sa madaling salita po para maliwanag ay hindi pa po natin kailangan itong Social Services na Debt Servicing.

Konsehal Lourdes F. Sunga – kung hindi pa po ito magagamit gusto ko lamang po malaman kung anong % po ito ng anong loan.

G. Arcangel C. Tolentino – ang makukuha po natin sa project na yan ay nasa 4 na Milyon yan po ay may grant at may loan, at 40% po yata ang loan at yun pong 50% ng equity ay paghahatian pa po ng LLDA at ng LGU.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – magkano po kontrata sa patubig sa Sitio MABATA?

G. Arcangel C. Tolentino – nasa Php 300,00.00 po

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – ang balita kop o kase ay pahukay lamang ay Php150,000.00 na.

G. Arcangel C. Tolentino – opo.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – sino po ang kontratista?

G. Arcangel C. Tolentino – taga Sta. Cruz po.

Konsehal Lourdes F. Sunga – bukod po dun sa Php 153,080.19 ano pa po ang iba pang specific na proyekto?

G. Arcangel C. Tolentino – yung iba po ay gagamitin nga po para sa mga tubo sa Sitio MABATA, na ang gumagawa po dun ay mga taga water works po.

Konsehal Lourdes F. Sunga – so ibig sabihin po yung Repair and Maintenance of Other Infrastructure na halagang Php 3,019.200 ay ubos na

G. Arcangel C. Tolentino - opo actually dyan nga po kinuha yung sa mga Job Order.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – baka po pwedeng makahingi ng listahan ng mga Job Order.

G. Arcangel C. Tolentino – wala po sa akin ang listahan ng mga Job Order nasa HR po.

Pangalawang Punong-Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – pahingi na lamang po ng listahan ng mga Job Order for documentary lamang po.

Gng. Beatriz Cainto – hanggang sa Lunes po.

Pangalawang Punong Bayan Rojilyn Q. Bagabaldo – napansin ko lamang po na walang date yung pinagtibay ng Local Development Council, ito po ba ay talagang napagpulungan ng mga miyembro?

G. Arcangel C. Tolentino – opo

Pangalawang Punong-Bayan Rojily Q. Bagabaldo – ilan po dumalo at nagtalakayan ukol dito?

G. Arcangel C. Tolentino – bali 5 lamang po kami.

Pangalawang Punong-Bayan Rojily Q. Bagabaldo – sinu-sino po?

G. Arcangel C. Tolentino – bali ako po, si Peping , si Konsehal Emer po at si Mayor Emmanuel B. Cadayona po, bali 4 lamang po pala kami.

Pangalawang Punong-Bayan Rojily Q. Bagabaldo – so 4 lamang kayo at least malinaw.

Konsehal Emerito B. Gajitos - bilang karagdagan po tinanong ko rin po yan dahil 4 lamang po kaming nagpulong at ang sabi po sa akin ng ating DILG ay pwede daw po yun pero sa regular na pulong para sa mga programa ay dapat po ay lahat kasama.

UNANG PAGBASA
Oktubre 15, 2012
PR2012-111

6. Panukalang Resolusyong pagkatig sa Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran-Kapasiyahang Pagliliwat ng halagang Php 253,080.19 para sa Repair and Maintenance of Health Facilities na magmumula sa Debt Servicing at Equity to Department of Health ng 20% Development Fund.
Ni: Konsehal Emerito B. Gajitos
Noong Oktubre 15, 2012 ay iniliwat ni Konsehal Emerito B. Gajitos sa Ikalawang Pagbasa.

IKALAWANG PAGBASA
Oktubre 22, 2012
PR2012-111

1. Panukalang Resolusyong pagkatig sa Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran-Kapasiyahang Pagliliwat ng halagang Php 253,080.19 para sa Repair and Maintenance of Health Facilities na magmumula sa Debt Servicing at Equity to Department of Health ng 20% Development Fund.
Ni: Konsehal Emerito B. Gajitos
Noong Oktubre 22, 2012 ay iniliwat ni Konsehal Emerito B. Gajitos sa Ikatlong Pagbasa.

IKATLONG PAGBASA
Oktubre 29, 2012
PR2012-111

1. Panukalang Resolusyong pagkatig sa Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran-Kapasiyahang Pagliliwat ng halagang Php 253,080.19 para sa Repair and Maintenance of Health Facilities na magmumula sa Debt Servicing at Equity to Department of Health ng 20% Development Fund.
Ni: Konsehal Emerito B. Gajitos

HALAW SA KATITIKAN NG PULONG KARANIWAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAETE, LAGUNA NA GINANAP SA VICTOR PAGALANAN MEMORIAL HALL, BATASANG BAYAN, GUSALING ADECI, PAETE, LAGUNA NOONG 29 OKTUBRE, 2012 ARAW NG LUNES.

MGA DUMALO:

Kgg. Rojilyn Q. Bagabaldo,
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo,

Kgg. Anna Pamela R. dela Rosa,
Konsehal,

Kgg. Brigido R. Bagayana,
Konsehal,

Kgg. Aurelio P. Paraiso,
Konsehal,

Kgg. Lourdes F. Sunga,
Konsehal,

Kgg. Eriberto D. Pascual,
Konsehal,

Kgg. Urbano R. Cadapan,
Konsehal,

Kgg. Emerito B. Gajitos,
Konsehal,

Kgg. Ronaldo Z. Valdellon,
Konsehal,

Kgg. Hermie B. Bagongahasa,
Konsehal-LBP,

Kgg. Lyeka May S. Sadsad,
Konsehal-SKFP.

HINDI DUMALO: WALA


RESOLUSYON BLG. 116 t. – 2012

RESOLUSYONG PAGKATIG SA KAPASIYAHAN BLG. 01 T. 2012 NG PAMBAYANG LUPON SA KAUNLARAN-KAPASIYAHANG PAGLILIWAT NG HALAGANG PHP 253,080.19 PARA SA REPAIR AND MAINTENANCE OF HEALTH FACILITIES NA MAGMUMULA SA DEBT SERVICING AT EQUITY TO DEPARTMENT OF HEALTH NG 20% DEVELOPMENT FUND.

SAPAGKAT, noong ika-04 ng Oktubre, 2012 ay mayroong natanggap na sipi ng Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran na pinagtibay noong ika-01 ng Oktubre, 2012-Kapasiyahang Pagliliwat ng halagang Php 253,080.19 para sa Repair and Maintenance of Health Facilities na magmumula sa Debt Servicing at Equity to Department of Health ng 20% Development Fund;

SAPAGKAT, nakalahad sa isinumiteng Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran ang pagkukunanan ng pagliliwat at paglalaaanan gaya ng mga sumusunod:

Pagkukunan:
Social Services “Debt Servicing” Php 248,080.19
Equity to Department of Health 5,000.00 Php 253,080.19


Paglalaanan:
Repair and Maintenance of Health
Facilities and Economic Enterprises 153,080.19
Rehabilitation of Buildings and other
Structures 100,000.00 Php 253,080.19

SAPAGKAT, noong ika-11 ng Oktubre, 2012 ay nagsagawa ng Committee Hearing ang Lupon sa Pananalapi, Badyet at Paglalaan kung saan nakapanayam sa nasabing pagpupulong si G. Arcangel C. Tolentino, Municipal Planning and Dev’t. Coordinator ng Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna kung saan tinalakay ang isinumiteng Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran;

SAPAGKAT, marapat lamang na katigan ang nasabing Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran.

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos, pinangalawahan nina Konsehal Ronaldo Z. Valdellon, Konsehal Eriberto D. Pascual at Konsehal Urbano R. Cadapan, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay:

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito sa ngayon, ay kinakatigan ang Kapasiyahan Blg. 01 T. 2012 ng Pambayang Lupon sa Kaunlaran-Kapasiyahang Pagliliwat ng halagang Php 253,080.19 para sa Repair and Maintenance of Health Facilities na magmumula sa Debt Servicing at Equity to Department of Health ng 20% Development Fund.

INIATAS na padalhan ng sipi ang mga kinauukulan para sa kanilang kabatiran.


PINAGTIBAY: 29 Oktubre, 2012

PINATUTUNAYAN ko ang kawastuhan ng nasasaad sa resolusyong ito ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna.

May lagda ang orihinal
ANA VICTORIA A. AGRAVIA
Kalihim ng Sanggunian


PINATOTOHANAN:

May lagda ang orihinal
ROJILYN Q. BAGABALDO
Pangalawang Punong-Bayan/Tagapangulo


BINIGYANG PANSIN:

May lagda ang orihinal
INH. EMMANUEL B. CADAYONA
Punong-Bayan
Back to top
View user's profile Send private message AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Balitang Paete - Sangguniang Bayan All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group