PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Holdapan sa paete

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest






PostPosted: Wed Nov 14, 2012 12:19 pm    Post subject: Holdapan sa paete Reply with quote

Ganito na po baga kagulo ngaun sa bayan natin?
nakakalungkot po isipin na ang napakaliit na bayan natin na dating napakatahimik at payapa ay pinapasok na po ng masasamang loob.

Sana naman po ay gumawa agad ng hakbang ang mga nanunungkulan at isantabi muna ngaun ang pamumuitika.

pakitingnan na lang po dto.

ww w. face book. com /ymacks/


Raymark Ymack Cahanap Escalora
Share ko lang po:
Kagabi po mga 8:45 ng gabi, naholdap po ako sa may tapat ng Magdalena Rural Bank at BARAKAS, tinutukan ako ng baril sa tagiliran at pilit akong isinasama sa kanilang sasakyan. Nakiusap ako na wag na ako isama. Nakuha po ang aking cellphone at konting pera. Totoo nga pong walan pinipiling lugar at oras ang mga masasamang loob.
Hindi po ako nananakot, hangad ko lamang po na malaman nyo na may mga gumagalang masasamang loob. Sana po ay magsilbing babala ang naranasan ko kagabi.Hindi na po ligtas sa anumang lugar at oras kaya kailangan ng matinding pag-iingat.

P.S.
Yung mga makakatanggap po ng mensahe gamit ang numero ko, hindi po ako yun dahil kinuha po ang cellphone ko.

Maraming Salamat!
Mag-ingat po tayo!








eto pa po, kinopya ko lang sa facebook sa taga paete ka kung....

Eme Mallari-Chua
may nabaril nga daw po ba sa may PSBC kanina???
Like Follow Post 3 hours ago via mobile

Lissa Baldemor ano na kaya nangyari?
3 hours ago Like 1

Liezl Cadawas Mercado hindi po sa may PSBC, estudyante po sya doon pero sa may central daw po nabaril ng holdaper. Her name daw po is Lesdith Libranda... Nung nkaraang Linggo po eh meron ding binatang naholdap sa tapat ng RB Magdalena at muntik pa syang tangayin kc naka-motor po yung mga holdaper at may baril.
3 hours ago via mobile Like 1

Det-det Marasigan-Astudillo Abeleda cofirmed b balitang yan? ilan taon yun bata? nkktakot nnmn d2 sa atin!
2 hours ago via mobile Like

Liezl Cadawas Mercado kc kilala ko yung naholdap nung Linggo at kilala nya ung naholdap kanina. Magka-batch kc sila nung hiscul. 1st year college.
2 hours ago via mobile Like

Det-det Marasigan-Astudillo Abeleda omg! kamusta nmn cla? saan tinamaan?
2 hours ago via mobile Like

Liezl Cadawas Mercado yun ang di ko confirmed, ang balita ay sa kamay lang daw natamaan... Sana nga...
2 hours ago via mobile Like

Det-det Marasigan-Astudillo Abeleda sana nga anu kwawa nmn aba. cge tnx s info
2 hours ago via mobile Like

Rhea Mallari grtabe nmn ingat nlng tau lhat
2 hours ago Like 1

Arthur Dans Dela Cerna Ibig sabihin malapit lang dito ung gumagawa, dahil nauulit ang krimen.. PANAWAGAN po sa mga Bantay Bayan at Pulis.. Hihingi po ng konting Alerto, wag po nating hayaan na sunod sunudin tau dito..
about an hour ago via mobile Like 1[/b]
Back to top
Guess
Guest





PostPosted: Thu Nov 15, 2012 10:57 am    Post subject: Reply with quote

Matagal nang nangyayari ito, pero walang ginagawa ang Kapulisan at ang ating Mayor sa problemant ito, Ang dami ng napasok, ninakawan, pinatay sa Paete, pero walng nalutas na krimen.
Back to top
Guest






PostPosted: Sun Nov 18, 2012 8:11 pm    Post subject: Reply with quote

Isa pa, napakadaming adik sa Paete. Ano po kaya ang programang ginagawa ng ating mga namumuno para masugpo ang problema sa droga? Isa rin ito sa nagbubunsod para dumami ang nakawan.

Tunay na napakadaming dapat bigyan ng pansin kaysa sa pulitika.
Back to top
Guess
Guest





PostPosted: Mon Nov 19, 2012 7:13 am    Post subject: Reply with quote

Walang ginagawa
Back to top
Guest






PostPosted: Sun Dec 30, 2012 3:57 am    Post subject: BAKIT INALIS ANG POSTING SA BAGONG HOLDAPAN? Reply with quote

NAGPOST AKO NG TUNGKOL SA BAGONG HOLDAPAN SA MAYTOONG, PAMILYA NG BAYSAULI, IPINAGTATALI, PATI KAHA DE YERO NIYARI. ANONG GINAGAWA NG PAMAHALAANG BAYAN AT MGA PULIS?
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Mon Dec 31, 2012 4:57 pm    Post subject: Reply with quote

ayos baga toto GIL?
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Wed Jan 02, 2013 1:01 pm    Post subject: Reply with quote

guest wala ka sa ayos don't mention any name magkakaroon sila ng clue kong sino tayo.
Back to top
guess
Guest





PostPosted: Wed Jan 02, 2013 9:17 pm    Post subject: pulis Reply with quote

ang dami ng pulis s atin pero mukhang babae ang binabantayan d magnanaw o holdaper maglagay cla ng outpost s bawat pagpasok ng bayan ats h-way pra madali cla tawagin kung san may krimen o nakawan,d ung lahat ay nsa headquarters nila lagi.wala n din ronda ang pulis puro NGO n lng ,eh wala nman silang baril .paki deploy po hepe at mayor ang mga pulis lalo n s gabi.
Back to top
Ming B
Guest





PostPosted: Thu Jan 03, 2013 7:53 am    Post subject: Kaayusan at Katahimikan.... Reply with quote

Ang mga krimeng tulad ng mga nailahad ay tunay na nakakalungkot. Ang peace and order ay dapat laging nasa priority ng alinmang pamunuan (anong kulay man).

Ang ating bayan ay hindi natutulog....at sa 8:45 n.g. lubhang napakaaga pa nito. Ang holdapang nabanggit ay para pa ring "in broad daylight" lalo na at hindi sulok ang pinangyarihan. Ito ay isang malaking pagkukulang ng pamunuang bayan lalo na ang kapulisan....nasaan na rin ang mga baranggay tanod? Nasaan na rin ang mga "communication equipment" na malaki ang maitutulong sa pagsugpo ng ganitong mga krimen.....

Some people are "dropping the ball" sa madaling sabi. Nasaan na ang tunay na liderato ng bayan natin....sila ba ay natatakot?

Wala bang mga mamamayan ng nakakita o nakamatyag upang itawag sa kanilang mga cell phone ang pangyayari? Mayroon bang emergency line ang kapulisan tulad ng "911" upang mabilis na matawagan ng anumang nasasaksihang krimen o emergency man.

Sana ay hindi bale-walain, o ipag-walang bahala ng mga kinauukulan ang mga hinaing o sumbong na ganito.....bayan natin ito. Ang sabi nga...ito ang aking bayang sinilangan, ang tahanan ng aking lahi....at mga salin-lahi pang susunod...hind ba natin pangangalagaan ito at ililigtas sa kamay ng kahayupan at dahas ng mga kriminal....kung hindi ngayon...KAILAN PA??
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group